Si Adam Joe, isang bilyonaryo. Maganda ang buhay dahil sa yaman na kaniyang pinag hirapan. Samantala si Elizabeth Fortes, hikahos sa kahirapan. May kapatid na malubha ang sakit, dahil sa sakit ng kaniyang kapatid na si AZ, kinailangan niyang kumapit sa patalim upang mapagamot ang nag iisang kapatid dahil wala na silang magulang. Si Adam ay mapaglarong tao, kahit na meron na siyang kasintahan ay nagawa pa din niyang magtaksil dahil hindi naman talaga niya lubos na gusto si Sabrina, pinag kasundo lang sila ng kaniyang Lolo at ng magulang ni Sabrina. Ano ang magiging papel ni Elizabeth sa buhay ni Adam? Magiging parausan lang ba siya ng bilyonaryong lalaki?
View More"Wala ka namang magagawa, ikakasal ka sa akin sayaw mo't o sa gusto," Nainis si Adam sa sinabi ni Sabrina, hinila niya ito sa braso. Madiin ang pag kakahawak niya sa braso ng babae, ramdam ni Sabrina ang galit sa mga mata ni Adam, mukhang nagalit niya ito ng husto. "N-nasasaktan ako, Adam." Ani Sabrina pilit niyang inaalis ang pag kakahawak nito sa kaniyang braso, ngunit bigo siya, masyadong malakas ang lalaki, napangiwi siya sa sakit ng kaniyang braso. Tumulo ang luha sa kaniyang mata, sigurado siyang mag papasa ang kaniyang maliit na braso dahil higpit ng hawak ni Adam. "Subukan mo ulit akong galitin, sinisigurado kong mag sisisi ka," marahas niya itong binitawan dahilan para mapaupo ito ng malakas sa sofa. Natigilan si Sabrina, ang galit sa toni ni Adam ay nakakapanindig balahibo. Kinabahan siya, ngunit nilakasan niya ang kaniyang loob. Hindi siya dapat mag patalo sa lalaki, nasa isip niya sa una lang ito ganon, pag natutunan din siya nitong mahalin ay tiyak siyang mag b
Katatapos lang ng meeting nila Sabrina at ng kaniyang inang si Beatris kasama ang mga shareholders ng kanilang kumpanya, tumayo ang kaniyang ina upang makipag kamay sa mga ito."Thank you very much, for trusting." Masayang pasasalamat nito sa mga tao, "We all know na kasama ka ni Lorenzo na itayo itong kumpanya, alam namin na kaya mo itong patakbuhin. May tiwala kami sayo, Beatris." Pahayag ng isang major investor nila.Masuyo itong ngumiti sa kanilang mga kasyoso sa negosyo, ito ang mga kasyoso nila simula ng itayo nila ang Lorenzo's Legecy. Walang wala pa noon ang kumpanya'y sinuportahan at nag tiwala na sakanila ang mga ito."Syempre naman, alam nyo naman na hindi ako umalis sa tabi ni Lorenzo. Ang suporta ko sa kaniya noon walang wala pa ito ay hundred percent. Lalo pa ngayon na malapit nang mag sanib pwersa ang mga Joe at Knix sa industriya ng Business." Pahayag niya, nag tanguan naman ang mga ito. Tila kumbinsidong kumbinsido sa tinural ni Beatris.
"Nahanap mo na ba ang pinahahanap ko?" Malamig na tanong ni Adam sa kaniyang assistant, napa maang ito ng labi, tila malakas ang kabog ng dibdib. "W-Wala pa po Sir," maingat na pahayag niya, tinignan siya ni Adam. May galit sa mga mata nito, ngunit alam niyang hindi dahil sa kaniya. "Bilisan mo ang pag hahanap, kailangan kong makaganti sa matandang iyon," malamig nitong turan, tumango si David sa amo, ngunit may kaba sa kaniyang dibdib. Hindi pa rin kasi siya tinatawagan ng babaeng nakilala niya, ang bugaw na iyon lang ang tanging pag asa niya upang maibigay ang hanap ng amo. Tumingin si David sa amo, masuri niya itong pinag mamasdan. Iniisip niya kung ano ang nangyari kagabi ng siya'y umalis. "Huwag mo akong titigan David, sabihin mo na kung ano ang agam-agam sa iyong isipan." Bulalas ni Adam, hindi ito naka-tingin sa assistant
Matapos mag shower, pinag masdan ni Sabrina ang repleksyon ng kaniyang sarili sa salamin, napangiti siya. 'Ang ganda mo, wag kang mahiya. Tiyak na hindi matatanggihan ni Adam ganda mo,' kausap niya ang sarili sa salamin. Ang suot nitong bestida sa seda'y perpekto sa kaniyang katawan, hapit na hapit ito sa kaniyang maliit na baywang, kitang-kita ang hubog ng kaniyang katawan. Huminga ng malalim si Sabrina, handa na siya sa kung ano man ang magaganap sa kanilang dalawa ni Adam, naka ngiti itong pinihit ang bolilyo ng pinto. Nakangiting lumabas ng banyo. Ngunit, ang kasabikan sa mga ngiti ng babae ay nawala. Naipadyak ni Sabrina ang kanang paa, "Tinulugan niya ako?!" Naiinis na bulalas nito ng makitang tulog na si Adam sa malaking kama, naka-bihis na din ito ng damit. --- Nasa isang night bar si David, napag isip niyang uminom ng kaunting alak pampa-antok, nang maka dalawang bote siya ng beer. Tumayo na siya, sapat na ang kaniyang nainom. Kumuha siya ng perang papel sa kani
Naiwan si David sa sala, pinag masdan lang niya ang likod ni Adam na papalayo sa gawi nila. "Iyang amo mo, David. Walang karoma-romantiko sa katawan,"naiiling na wika ni Benjie sa assistant ng kaniyang apo. Yumuko lang si David, maya-maya'y nag paalam na din siyang aalis. "Mauna na po ako, Mr. Joe," magalang na pahayag ni David, tumango lang si Benjie sa kaniya't ikinumpas ang kamay, senyales na pinapaalis na siya ng matanda. Hindi naman nag atubili pa si David at umalis na kaagad sa sala na iyon. "Sige na, Hija. Puntahan mo na ang fiancé mo ron," nakangiting utos ni Benjie sa dalaga, "Sige po, Lolo." Yumakap ito sa kaniyang ina bago tumayo at tinungo ang silid ni Adam. "Beatris, malapit na mag sanib pwersa ang angkan natin, kailan ba natin sila ipakakasal?" Tanong ni Benjie kay Beatris, tsaka kinuha ang baso ng vino sa mesa. "Dapat sigur
Tahimik ang naging byahe nila David patungo sa mansyon ng mga Joe, paminsan-minsan sinusulyapan niya ang kaniyang amo. Seryoso lang itong naka-tingin sa labas ng bintana. Pumasok sila sa isang malaki at malawak na ari-arian ng mga Joe, ang kabuoan ng lupa ay pag mamay-ari ng Lolo ni Adam, si Benjie Joe. Maya-maya pa'y nakarating na sila sa isang napaka-laking mansyon, ang itsura nito'y makaluma pero napaka ganda. Ang ginamit na materyales sa buong bahay ay napaka tibay, ang mga disenyo ng kabuoan nito'y napaka pulido at halatang pawang propesyonal ang gumawa nito. Bumaba si David sa driver seat, pinag buksan niya ng pinto ang kaniyang amo na si Adam. Mabilis na bumaba ang manipuno't gwapong lalaki sa kaniyang sasakyan, marahan niyang inayos ang kaniyang barong amerikano, maging ang kanyang kurbata'y kaniyang hinigpitan. Humugot ng malalim na hininga si Ada
"Sir. Adam, tumawag po ang inyong Lolo," balita ni David sa amo.Iminulat ni Adam ang mga matang nakapikit, seryoso lang ang itsura nito, walang ibang ekspresyon kundi ang malamig at seryosong awra ng lalaki."Ituloy mo," malamig na turan nito sa kaniyang assistant. "Pinapa-uwi ka po ni Sir. Benjie, nasa mansyon daw po ang mag ina," wika nito sa kaniya.Marahang hinawakan ni Adam ang kaniyang sintido, "Ang matandang iyon---- sinusubok niya ang pasensya ko," may inis sa mga tinig ni Adam ng sabihin niya iyon, malakas ang kutob niya na hindi niya magugustuhan ang binabalak ng kaniyang Lolo Benjie lalo pa't sinabi ni David na nandon ang mag ina."Sabi po niya, may mahalaga daw po siyang sasabihin," maingat, ngunit dahan dahan na saad ni David sa amo."Sabihin mo, hindi ako makakauwi. May mahalaga akong kailangan gawin," muling pumikit si Adam, pilit na ikinakalma ang kaniyang emosyon. Ayaw niyang ipakita sa kaniyang assistant na may kaunting
Napahawak sa dibdib si Elizabeth, ang kabog ng kaniyang dibdib ay hindi niya masukat sa sobrang bilis. 'Tama ba ang desisyon ko? ----- Para naman ito kay AZ," ani kaniyang isip. Nag lakad na siya palayo sa lugar na iyon, tulala habang tinatahak palabas ang magulong baryo na iyon. Samantala, ng makaalis si Elizabeth, sinugurado ni Maydel na wala na ito sa labas ng kanilang tirahan. Nag mamadali itong lumapit sa kaniyang asawa, "si Elizabeth ang mag papayaman sa atin, Rolando." Masayang saad nito, labis ang kasiyahan ang bumalot sa kaniyang mukha. "Bilisan mo, tawagan mo na ang pinaka mayaman na pwedeng bumili kay Elizabeth," ani Rolando, hindi ito makapaghintay sa paparating na kayamanan sa kanilang pamilya. Mabilis na nilabas ni Maydel ang kaniyang telepono, dinial ang numero ng mayamang lalaki na nakilala niya noon sa isang night bar. Sinabi nito sa kaniya na kapag mayroon magandang babae siyang maibebenta'y bibilin niya. Nasasabik na binuksan ni Maydel ang speaker ng
"Anong klase kayong tiyuhin? Sinasabi ninyo na hayaan ko ang kapatid ko na mamatay na lang, ganon ba?" Galit na bulalas ni Elizabeth. Tinignan niya ng masama ang tiyuhin, napakasama nito para sabihan siya ng ganon bagay. "Siraulo ka pala talagang bata ka eh, ano bang akala ko sa akin, mayaman? Wag kang tanga Elizabeth." Nanunurang turan ng kaniyang tiyuhin sa kaniyia. Napatingin si Elizabeth sa loob ng bahay, napangiwi siya ng makita kung ano ang ginagawa ng kaniyang tiyuhin, kung bakit ang mga mata nito'y labis ang pagka pula. Natawa siya ng bahagya, "Mayroon kayong pang batak. Ngunit, kaunting tulong para sa pamangkin ay wala kayo!" Sigaw ni Elizabeth. Malakas na sampal ang dumampi sa kaniyang pisngi, hawak hawak ang mukha, muli niyang tinitigan ang tiyuhin. "Sana sainyo na lang napunta ang sakit ni AZ, mas karapad dapat kayo sa sakin na iyon," bulalas niya sa sobrang galit, Alam niya na kasalanan niya't pumunta pa siya doon, hindi lang niya inaakala na ganon ang sasabihin sa
Humahangos si Elizabeth ng isugod niya ang kaniyang kapatid na si AZ sa ospital dahil bigla na lang itong nawalan ng malay, maputla ang mukha ng kaniyang kapatid. Labis ang pag aalala ni Elizabeth para sa kapatid, silang dalawa na lang kasi ang mag katuwang at mag kasama. Maaga silang iniwan ng kanilang mga magulang kaya labis ang kaba ni Elizabeth ng bigla na lang bumagsak ang kapatid, ayaw niyang mawalan muli ng mahal sa buhay. Hinarang ng isang Nurse si Elizabeth ng maka pasok na sa loob ng emergency room si AZ, "Ma'am, hanggang dito lang po kayo, hindi po kayo pwede pumasok sa loob," Huminto si Elizabeth, pilit pinapa kalma ang sarili. 'Diyos ko, huwag niyo po sana pabayaan ang aking kapatid,' Nag dasal ng taimtim si Elizabeth, humihiling na sana'y nasa maayos na kalagayan ang kaniyang bunsong kapatid. Hindi mapakali si Elizabeth, lakad doon, lakad dito ang kaniyang ginawa. Kumakabog ng sobra ang dibdib, halos takasan siya ng sariling puso sa sobrang lakas ng pag kabo...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments