"Sir. Adam, tumawag po ang inyong Lolo," balita ni David sa amo.Iminulat ni Adam ang mga matang nakapikit, seryoso lang ang itsura nito, walang ibang ekspresyon kundi ang malamig at seryosong awra ng lalaki."Ituloy mo," malamig na turan nito sa kaniyang assistant. "Pinapa-uwi ka po ni Sir. Benjie, nasa mansyon daw po ang mag ina," wika nito sa kaniya.Marahang hinawakan ni Adam ang kaniyang sintido, "Ang matandang iyon---- sinusubok niya ang pasensya ko," may inis sa mga tinig ni Adam ng sabihin niya iyon, malakas ang kutob niya na hindi niya magugustuhan ang binabalak ng kaniyang Lolo Benjie lalo pa't sinabi ni David na nandon ang mag ina."Sabi po niya, may mahalaga daw po siyang sasabihin," maingat, ngunit dahan dahan na saad ni David sa amo."Sabihin mo, hindi ako makakauwi. May mahalaga akong kailangan gawin," muling pumikit si Adam, pilit na ikinakalma ang kaniyang emosyon. Ayaw niyang ipakita sa kaniyang assistant na may kaunting
Terakhir Diperbarui : 2025-03-22 Baca selengkapnya