Ang kasal ay nagbibigkis sa dalawang taong nagmamahalan. Pinapangarap ito ng bawat kababaihan dahil sa hatid nitong kaligayahan—pero hindi para kay Aira. Ang groom niya kasi na si Dave ay ang long-time boyfriend ng bunso niyang kapatid na si Trina. Pakiramdam tuloy ni Aira ay magiging kontrabida lang siya sa pag-iibigan ng dalawa. Gayun pa man ay wala rin siyang nagawa dahil iyon ang gusto ng mga magulang niya. Natuloy ang kasal nila Dave at Aira. Sa kabila ng pagiging opisyal na mag-asawa ng dalawa ay nagpatuloy pa rin ang pagkikita nila Dave at Trina. Hindi naman ito naging lihim kay Aira. Hinayaan nya lang ang dalawa na ipagpatuloy ang relasyon nila. Tanggap niya na kasi ang katotohanang hindi naman talaga siya mahal ni Dave at napilitan lamang itong magpakasal sa kanya dahil sa kasunduan ng kanilang mga magulang. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay may nangyari kay Dave at Aira Matapos nilang pagsaluhan ang isang mainit na gabi ay unti-unting nahulog ang loob nila sa isa't isa. Isang pag-iibigan ang nabuo nang hindi nila namamalayan. Sa pagsasamahang dulot lamang ng isang kasunduan ay mahanap kaya ng dalawa ang tunay na pagmamahal? Kaya bang agawin ni Aira si Dave kay Trina na una nitong minahal?
View MoreCHAPTER 517"Kung ganon ay talagang ipinagkasundo nyo na nga talaga si Dylan sa ibang babae?" tanong pa ni Bianca at labis nga syang nalulungkot sa isipin na iyon at nalulungkot nga sya para sa kanyang anak na si Amara.Dahan dahan naman na tumango si Aira kay Bianca habang may mapait na ngiti sa kanyang labi."Oo Bianca. Hindi ko kasi kaya na makita na nagkakaganoon si Dylan. Kaya kahit na ayaw ko sana sa mga arrange marriage na yan ay napilitan na lang din ako kung yun ang makabubuti para sa anak ko," sagot ni Aira.Napabuntong hininga naman si Bianca dahil sa sinabi ni Aira at saka sya dahan dahan na tumango dahil naiintindihan naman nya kung bakita nga ito nagawa ng kanyang kaibigan."Kung gayon ay ikakasal na pala talaga si Dylan," malungkot na sabi ni Bianca."Hindi pa Bianca. Hindi pa naman talaga sigurado iyon. Dahil nung nanggaling si Amara sa amin ay parang bigla akong nagdalawang isip kaya ang sabi ko sa mga Asuncion ay mas maganda na magkakilanlan na nga muna ang dalawa. k
CHAPTER 516"Nagpaubaya na lamang kasi si Zeus. Sya na rin ang kusang lumapit sa amin noon at kinausap nga nya si Amara tungkol sa kanilang relasyon. At doon nga ay maayos na nilang tinapos na dalawa ang kanilang relasyon. Ramdam ko na mahal na mahal ni Zeus ang anak ko pero sabi nga nya ay gusto nyang maging masaya si Amara kaya magpapaubaya na lamang sya dahil alam nya na hindi na nga siya ang mahal ng anak ko. Nakakahanga ang ginawa na iyon ni Zeus at bihira sa lalaki ang ganoon katapang na papakawalan ang taong mahal nya para lamang lumigaya ito," pagkukwento pa ni Bianca."A-anong ibig mong sabihin Bianca?" nauutal pa na tanong ni Aira sa kanyang kaibigan at tila ba hindi sya makapaniwala sa mga sinabi ng kanyang kaibigan."Hiwalay na sila Zeus at Amara. Gusto ni Zeus na maging masaya si Amara kaya pinalaya na nya ang anak ko," sagot ni Bianca. "Matapos ng araw na iyon ay masayang masaya nga ang anak ko at excited na excited na nga syang makaharap muli si Dylan dahil alam nga nya
CHAPTER 515Hindi naman kaagad nakasagot si Bianca dahil pinag iisipan nga nya kung tama ba na sabihin nya kay Aira ang tungkol sa pinagdaraanan ng kanyang anak na si Amara."Bianca sabihin mo na sa akin iyan dahil alam ko na may problema kayo. Parang anak na rin ang turing ko kay Amara at alam mo yan. Kaya naman sabihin mo na kung ano yan dahil hindi talaga ako mapapakali neto," sabi pa ni Aira ng hindi pa rin nagsasalita ang kanyang kaibigan."H-hindi na kasi matutuloy ap ang kasal nila Amara at Zeus," sabi ni Bianca.Napakunot naman kaagad ang noo ni Aira at nagtataka sya sa sinasabi ng kanyang kaibigan ngayon."Hindi matutuloy? Bakit? Anong nangyare? Akala ko ay abala sya sa pag aasikaso sa kanyang kasal kaya hindi sya napunta ulit sa akin," sunod sunod pa na tanong ni Aira kay Bianca.Bumuntong hininga naman si Bianca at saka nga nya sinimulan ng magkwento sa kangang kaibigan."Oo hindi na matutuloy pa ang kasal nila Amara at Zeus. Nagdadalawang isip kasi talaga si Amara sa pagpa
CHAPTER 514Habang abalang abala naman si Bianca sa kanyang mga halaman ay lumapit nga sa kanya ang kanilang kasambahay kaya naman napatingin nga sya rito."Ma'm Bianca may bisita po kayo," sabi ng kasamabhay kay Bianca."Sinong bisita ko?" kunot noo na tanong ni Amara sa kanilang kasambahay dahil wala naman siyang inaasahang bisita na darating ngayong araw."Si ma'm Aira po," sagot ng kanilang kasambahay.Nagulat naman si Bianca sa sinabi ng kanilang kasambahay dahil hindi nya inaasahan ang pagdating ng kanyang kaibigang si Aira ngayon. Matagal tagal na rin kasing hindi nya nga ito nakakausap man lang."Sige papasukin mo na lamang sya at ihatid mo rito sa garden," nakangiti naman na sagot ni Bianca.Tanging pagtango lamang naman ang naging tugon ng kanilang kasambahay. At ng tuluyan na nga na umalis ito ay isa isa na nga na tinanggal ni Bianca ang kanyang suot na gloves at itinabi na rin muna nya ang gunting na ginagamit nga niya kanina."Kumusta ka naman? Bakit hindi ka na man lang
CHAPTER 513Ilang araw na rin ang nakalilipas simula ng malaman ni Amara ang tungkol kay Dylan na ipapakasal na nga ito sa ibang babae.Sa nakalipas na mga araw na iyon ay wala namang ibang ginawa si Amara kundi ang magmukmok sa kanyang silis.Ilang beses na syang inaya ng kanyang kapatid na mamasyal pero lagi nga itong tinatanggihan ni Amara at ang lagi nga nitong sagot ay wala pa syang gana na lumabas ng kanilang bahay.Kagaya nga ngayon ay pinuntahan nga ni Amanda ang ate Aira nya upang ayain na pumunta sa mall."Ate Amara ilang araw ka ng nagmumukmok dito. Lumabas ka naman kahit ngayon lang. Ni hindi ka na nga ata nasisikatan man lang ng araw," pangungulit ni Amanda sa ate Amara nya. "Hindi ako sanay na ganyan ka ate. Kaya sige na sumama ka na sa akin na mamasyal kahit ngayon lang ate. Please," dagdag pa ni Amara.Ilang araw na rin talaga kasing hinahatiran lamang ng pagkain si Amara sa kanyang silid dahil hindi talaga ito lumalabas doon. Palagi lamang nga itong nakahiga at umiiya
CHAPTER 512Pilit naman na pinapakalma muna ni Amara ang kanyang sarili pero hindi talaga nya mapigilan ang kanyang mga luha."Mom wala na po talaga kaming pag asa pa ni Dylan," umiiyak na sabi ni Amara sa kanyang ina."Bakit mo naman nasabi iyan anak? Ano ba kasi talaga ang nangyare?" tila naguguluhan na tanong ni Bianca kay Amara."Mom ikakasal na po si Dylan," sagot ni Amara at lalo nga siyang napahagulhol ng iyak ng sabihin nya iyon.Gulat na gulat naman si Bianca sa sinabi ng kanyang anak. At hindi nya rin talaga alam ang tungkol sa bagay na yun."What? Paanong ikakasal e di ba at nafito lamang sya noong nakaraan at nakikipag awag kay Zeus para sa'yo? Paanong ikakasal? Kanino?" sunod sunod pa na tanong ni Bianca kay Amara.Umiiling naman si Amara kasabay ng kanyang pag iyak."I don't know mom. Hindi ko po alam kung sino ang babae na mapapangasawa ni Dylan. Basta po kanina noong naroon ako sa mansyon nila ay may bisita sila tito Dave at pinag uusapan nga ng mga ito ang tungkol sa
CHAPTER 511Nang tuluyan na nga na makaalis si Amara ay nagkatinginan naman nga muli ang mag asawang Aira at Dave at kahit nga sila ay parang biglang naguluhan kung bakit ganoon ang ikinikilos ni Amara dahil kita nga nila ang kungkot sa mga mata nito at kita rin nila na nagpipigil na nga ito ng kanyang luha.Noon kasing araw na umuwi si Dylan na may pasa dahil sa pakikipag away nito kay Zeus ay naawa talaga si Aira sa kanyang anak. Alam nya kasi na mahal na nga nito si Amara noon pa pero ikakasal na nga ito kaya alam nya na labis nga itong nasasaktan ngayon.Matapos nga ang insidenteng pakikipagsuntukan ni Dylan kay Zeus ay halos hindi nga nalabas ng kwarto nya si Dylan at ilang araw din talaga itong nagmumukmok sa silid nito.Gusto rin kasi sanang ipaglaban ni Dylan ang nararamdaman nya para kay Amara pero ng humarang nga ito noong nag aaway sila ni Zeus ay pakiramdam nya ay mahalaga talaga sa dalaga si Zeus at pakiramdam nya ay wala na talaga syang pag asa sa dalaga. Kaya sa labis n
CHAPTER 510Kahit na nagtataka ay sumunod na lamang din si Amara sa tita Aira nya at tahimik nga siyang naupo sa tabi nito."Nasaan na ba ang inyong anak? Para naman masilmulan na natin ang mga dapat nating pag usapan," tanong ni Timothy sa mag asawang Lim."Pinatawag ko na si Dylan. Pababa na siguro iyon," sagot naman ni Dave rito.Maya maya nga ay dumating naman na nga si Dylan at nakayuko pa nga ito at hindi pinapansin ang mga bisita nila at saka ito agad na naupo sa tabi ng kanyang ama.Nang makita ni Amara si Dylan ay napangiti na nga lamang sya pero agad din naman na nawala ang ngiti sa labi nya ng mapansin nya na parang wala sa mood si Dylan at ni hindi man lang nga siya napapansin nito."Narito na si Dylan kaya simulan na natin ito," sabi ni Timothy."Dylan I want you to meet my daughter Maxene," nakangiti pa na pagpapakilala ni Timothy sa kanyang anak kay Dylan.Bumuntong hininga naman si Dylan at saka sya nag angat ng kanyang tingin at agad na tumingin babaeng katabi ng lala
CHAPTER 509Mabilis naman na lumipas ang mga araw at ngayon nga ay balak ni Amara na pumunta sa mansyon ng pamilya Lim. Balak nyang kausapin na ngayon si Dylan dahil mas gusto nya na makausap nya ito ng personal kesa sa phone lang.Pinalipas lamang din nya muna ang ilang araw dahil may nga inasikaso pa kasi syang ilang bagay. At ngayon nga ay wala na syang ibang gagawin kaya naisipan na nga niya na puntahan si Dylan sa mansyon ng pamilya nito dahil sigurado sya na naroon ito ngayon dahil nga araw ngayon ng linggo."Tinawagan mo na ba muna ang tita Aira mo? Nagsabi ka ba muna na pupunta ka sa kanila?" tanong ni Bianca kay Amara ng makita nga nya ito na nakabihis na at handa na nga na umalis. Nagsabi naman na ito sa kanya na pupunta nga raw ito sa mansyon ng mga Lim. Hindi na rin nga nya ito tinutulan pa dahil alam naman nya na malaki na nga ito at alam na nito ang ginagawa nito."Gusto ko po na isurprise si tita Aira mom kaya hindi ko na po sya tinawagan pa. Sure naman po ako na naro
CHAPTER 1"Good morning dad. Ang aga nyo naman po yatang pumasok ngayon. Hindi ko na po kayo naabutan na magbreakfast sa bahay," bati ni Aira sa kanyang ama at linapitan pa nya eto at humalik sa pisngi neto."Oo anak masyadong marami ang ginagawa ko ngayon. Dumagdag pa ang problema ng ating kumpanya," sagot ni Ramon sa kanyang anak.Napatingin naman si Ramon kay Aira dahil naalala nya ang napag usapan nila ng kanyang matalik na kaibigan na si Clint."Aira anak pwede ba kitang makausap ng masinsinan?" sabi pa ni Ramon."Oo naman po dad. Tungkol po ba saan?" sagot naman ni Aira at umupo na sya sa sofa ng opisina ng kanyang ama.Linapitan naman ni Ramon si Aira at umupo na din sa katapat na upuan ng anak nya."Anak siguro naman hindi na lingid sa kaalaman mo ang nangyayare sa ating kumpanya diba," panimula ni Ramon."Yes dad," "Anak handa tayong tulungan ng tito Clint mo pero mayroon syang hinihingi na kundisyon," sabi pa ni Ramon."Kundisyon? At ano naman pong kundisyon nila?" tanong ...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments