CHAPTER 1
"Good morning dad. Ang aga nyo naman po yatang pumasok ngayon. Hindi ko na po kayo naabutan na magbreakfast sa bahay," bati ni Aira sa kanyang ama at linapitan pa nya eto at humalik sa pisngi neto."Oo anak masyadong marami ang ginagawa ko ngayon. Dumagdag pa ang problema ng ating kumpanya," sagot ni Ramon sa kanyang anak.Napatingin naman si Ramon kay Aira dahil naalala nya ang napag usapan nila ng kanyang matalik na kaibigan na si Clint."Aira anak pwede ba kitang makausap ng masinsinan?" sabi pa ni Ramon."Oo naman po dad. Tungkol po ba saan?" sagot naman ni Aira at umupo na sya sa sofa ng opisina ng kanyang ama.Linapitan naman ni Ramon si Aira at umupo na din sa katapat na upuan ng anak nya."Anak siguro naman hindi na lingid sa kaalaman mo ang nangyayare sa ating kumpanya diba," panimula ni Ramon."Yes dad,""Anak handa tayong tulungan ng tito Clint mo pero mayroon syang hinihingi na kundisyon," sabi pa ni Ramon."Kundisyon? At ano naman pong kundisyon nila?" tanong pa ni Aira sa ama."Gusto nila na makasal kayo ni Dave," diretsahang sagot ni Ramon kay Aira. Ayaw pa nya sana etong sabihin sa anak pero wala na syang choice kundi sabihin na eto dito dahil nanganganib na ang kanilang kumpanya."What? Ako ipapakasal nila kay Dave? Bakit ako? Si Trina ang girlfriend ni Dave baka nagkakamali lang sila," gulat na sagot ni Aira. Hindi nya maintindihan kung bakit sya ang gusto ng mga magulang ni Dave na ipakasal dito."Hindi anak. Ikaw talaga ang gusto nilang makasal kay Dave. Please anak pumayag ka na para sa kumpanya natin. Wala na tayong iba pang choice anak. Lulubog ang kumpanya natin," pakiusap ni Ramon kay Aira."But dad---""No more buts Aira. Naka oo na ako sa kanila. Please eto na lang ang paraan natin para maiahon ulet ang kumpanya," sabi pa ni Ramon.Si Aira ay panganay na anak ng mag asawang Ramon at Cheska Savedra. May nakababata pa siyang kapatid na si Trina at eto ang nobya ni Dave na gustong ipakasal sa kanya. Nagmula sila sa mayamang pamilya pero ngayon ay nanganganib na magsara ang kanilang kumpanya dahil sa nag aalisan ang kanilang mga investors."Pero dad how about Trina? Sigurado akong magagalit yun at hindi papayag. Please dad si Trina na lang," sagot pa ni Aira."Pero ikaw nga ang gusto ng mga magulang ni Dave. Hindi ko rin alam kung anong dahilan nila kung bakit ikaw ang gusto nila kesa sa kapatid mo na kasintahan naman ni Dave," sagot ni Ramon.Napapailing na lang si Aira sa isipin na iyon. Alam nyang magagalit ng husto si Trina pag nalaman ang tungkol dito. Knowing Trina, may ugali eto na pagka m*****a. Naspoiled kasi eto ng kanilang mga magulang. Kaya madalas etong magpasaway. Kabaliktaran naman eto sa ugali na merom si Aira. Si Aira kasi ay napakabait, palaging sumusunod sa kanyang mga magulang at responsable sa lahat ng bagay."Maghanda ka dahil sa mga susunod na mga araw ay makikipagkita tayo sa pamilya ng tito Clint mo upang pag usapan ang tungkol sa magiging kasal nyo ni Dave," sabi pa ni Ramon at tumayo na eto upang bumalik sa kanyang pwesto.Umiiling naman na lumabas na si Aira ng opisina ng kanyang ama. Umalis na din muna sya ng kumpanya nila at dumiretso sa bahay ng kanyang kaibigan sa Tagaytay."Woow. Himala at naligaw ka dito Aira. Hahaha," tatawa tawang bungad ni Bianca kay Aira ng makarating eto sa kaniyang bahaySi Bianca ay matalik na kaibigan ni Aira simula ng high school pa sila. Nagmula din eto sa mayamang pamilya at solong anak pa kaya sustentado ng mga magulang kahit na hindi eto magtrabaho. Gaya ngayon may sarili na etong bahay sa Tagaytay na regalo pa ng kanyang mga magulang tanging sya at mga katulong nya lamang ang nakatira sa napaka laki nyang bahay."Tsk. Namiss kasi kita kaya ako naligaw dito," sagot naman ni Aira habang naglalakad papasok sa bahay ni Bianca."Wag ako Aira. I'm sure may problema ka.. hahaha. Hindi mo ugali na sumulpot na lang dito ng biglaan," sagot ni Bianca. Kilala na nya kasi si Aira alam na nya ang ugali neto kapag may problema bigla bigla na lang etong sumusulpot sa kanyang bahay.Huminga muna ng malalim si Aira bago nagsalita. "Bianca pwede ba akong mag stay muna dito ngayong gabi. Please. Gusto ko lang makapag isip isip.""Tsk. Sabi na nga ba e. Sure wala naman problema kung gusto mong mag stay dito. Baka gusto mong ishare yang problema mo na yan at baka may maitulong ako," sagot ni Bianca. At hinila pa nya si Aira sa may garden nila at doon naupo dahil mas presko ang hangin doon.Nagpatianod naman si Aira sa kaibigan nya at nagbitbit pa eto ng wine."So ano na? Share mo na yang problema mo dahil parang napakalalim ng iniisip mo girl kanina ka pa walang imik man lang," sabi pa ni Bianca at sinalinan pa nya ng wine ang baso na hawak bago ibinigay kay Aira.Tinanggap naman eto ni Aira at inisang lagok ang laman neto. "Si daddy kasi gusto akong ipakasal kay Dave."Nanlaki naman ang mata ni Bianca sa narinig nya. "Dave? You mean Dave Lim? Yung boyfriend ni Trina?"Tumango tango naman si Aira. "Yes si Dave Lim na kaklase natin dati na boyfriend ni Trina.""O my god! Malaking problema nga yan. Pero bakit? I mean bakit ka ipapakasal kay Dave?" Tanong pa ni Bianca."Nanganganib kasi na magsara ang kumpanya namin dahil sa mga umaalis na mga investors kaya nagprisinta si tito Clint na daddy ni Dave na tulungan ang kumpanya namin dahil kaya naman talaga nila kaming matulungan. Pero ang kapalit non ay arrange marriage between me and Dave," pagpapaliwanag ni Aira sa kaibigan."Pero bakit ikaw e hindi ka naman girlfriend ni Dave. Bakit hindi si Trina e yun naman talaga ang girlfriend ni Dave," naguguluhan pang tanong ni Bianca."Hindi ko din alam ang dahilan nila. Tinanong ko na din si dad pero hindi din nya alam dahil wala naman nabanggit ang mag asawang Lim na dahilan nila," sagot ni Aira."Tsk. O ano ngayon ang plano mo?" tanong ni Bianca."I don't know. Pero sa sinabi ni dad kanina mukhang naka oo na sya sa gustong mangyare ng pamilya ni Dave," sagot ni Aira."Pano si Trina? Alam na ba nya ang tungkol dito?" Tanong pa ni Bianca."Hindi ko rin alam. Hindi ko pa nakikita si Trina e. Dumiretso na ako rito galing sa kumpanya," sagot pa ni Aira."Naku mukhang magagalit sayo ng husto ang kapatid mo na yan. Knowing Trina. Tsk. Iba ugali ng kapatid mo na yan. Kabaliktaran sya ng ugali na meron ka. Siguro kaya ayaw sa kanya ng mga magulang ni Dave dahil sa kagaspangan ng ugali na meron yang kapatid mo," sagot ni Bianca."Siguro nga. Ay ewan ko ba. Bakit ba kasi ako pa nakita nila," iiling iling na sagot ni Aira saka tumungga ulet ng wine."Pero alam mo Aira kung ako nasa kalagayan mo papayag na lang siguro ako sa gusto nilang mangyare kasi para din naman sa kumpanya nyo yun e. Saka hindi ka na luge kay Dave. Ang gwapo kaya ni Dave. Hayaan mo na yung kapatid mong m*****a. Hahaha," birong totoo ni Bianca kay Aira. Napalingon namn bigla si Aira dahil sa sinabi ng kaibigan nya."Gaga ka talaga," iirap irap naman na sagot ni Aira sa kaibigan.CHAPTER 2"Dave, I told you na ayaw ko r'yan sa Trina na yan," bulyaw ni Divina sa anak nyang si Dave."But mom, I love Trina. Please mom sana naman po ay matanggap nyo na sya para sa akin," sagot naman ni Dave.Lalo namang nainis si Divina sa sinagot sa kanya ni Dave. "Pag-isipan mong mabuti yan Dave. Kitang kita naman kasi kung anong ugali meron yang Trina na yan," galit pa rin nyang sagot sa anak.Dave Lim came from a rich family. Solong anak lamang siya ng mag asawang Clint at Divina Lim. Nag iisang tagapagmana nila eto kaya gusto nila ay makapangasawa eto ng matinong babae.Ayaw na ayaw ni Divina sa kasintahan ni Dave na si Trina. Hindi nya gusto ang karakas ng babae. Kaya tutol na tutol sya sa relasyon nito sa anak nya."Alam mo Dave baka yang babae na yan pa ang maging dahilan ng pagkasira ng pamilya natin. Kaya mag isip isip kang mabuti. Wag mo ng hintayin pa na gumawa ako ng paraan para lang paghiwalayin ko kayo," sabi pa ni Divina.Napag isip isip naman si Dave nang mabuti.
CHAPTER 3"Mom, ano 'yon? Nakakahiya!" pangaral ni Dave sa mommy nya nang makauwi sila ng mansyon.Pinandilatan sya ng mata ni Divina. "Nahihiya ka? Eh, sa pagpatol sa babaeng tulad ni Trina? Hindi ka nahihiya?" Galit na sagot ni Divina sa anak.Naihilamos na lang ni Dave ang dalawang kamay nya sa sa mukha nya sa sobrang inis. Ayaw kasi talagang tanggapin ng mommy nya ang desisyon nyang ituloy ang relasyon nila ni Trina."I told you, Dave. Hindi ko gusto ang babaeng 'yon, mas okay pa sa akin kung yung ate Aira nya ang makakatuluyan mo. Disente ang kapatid nya at pwede nating ipagyabang sa mga kamag-anak at kakilala natin. Ibang iba ang ugali ni Aira dyan sa kapatid nyang si Trina," pagbibida ni Divina."Mom please... I love Trina. Alam nyo naman po na matagal na din kaming may relasyon diba. Sana magustuhan nyo na din po sya para sa akin. Please mom tanggapin nyo na po si Trina," sagot ni Dave na mukhang nagpapaawa pa sa ina.Umiling iling naman sa kanya si Divina. "Binalaan na kita t
CHAPTER 4Kinabukasan ay magkasama na naman sila Dave at Trina. Umuwi lang saglit si Trina sa kanilang bahay upang magpalit ng damit at umalis na din kaagad upang makipag kita ulet kay Dave. Obsess na obsess sya kay Dave at gusto nya ay palagi nya etong nakikita."Okay ka lang ba babe? Pasensya ka na sa nangyari kahapon ha," agad na sabi ni Dave kay Trina."Okay lang ako babe. Naiintindihan ko naman si tita Divina," sagot ni Trina. "Babe naisip ko lang kung magpakasal na kaya tayo. Nasa tamang edad naman na tayo babe saka matagal na din naman tayo diba," sabi pa ni Trina kay Dave. Nasa isang park sila ngayon at naglalakad lakad dahil yun ang gustong puntahan ni Trina.Nagulat naman si Dave sa sinabi ni Trina at napatigil sa paglalakad. "W - what?" "Let's get married babe. Bat hindi pa tayo magpakasal. Mahal naman natin ang isat isa. I want to spend the rest of my life with you Dave," malambing pa na Sabi ni Trina habang nakangiti kay Dave.Hindi naman kaagad maka imik si Dave sa sina
CHAPTER 5Nang gabi na iyon ay inabangan na ng mag asawang Ramon at Cheska ang anak nila na si Trina na maka uwi. Kailangan na kasi din nila etong maka usap para ipaliwanag ang sitwasyon ng kumpanya nila.Pagkapasok ni Trina ng kanilang bahay ay agad nyang nakita ang kanyang ina na nasa sala habang nanonood ng TV."Hi mom," bati ni Trina sa ina ng makalapit sya dito at humalik sa pisngi ng ina."O andyan ka na pala Trina. San ka ba nanggagaling ha? Kagabi hindi ka rin umuwi," malumanay na sabi ni Cheska sa anak."Sorry mom kung hindi po ako nakapagpa alam sa inyo kagabe. Pumunta lang po ako kay Karen kagabe at dun na rin po ako natulog. Kanina naman po ay namasyal naman po kami ni Dave," sagot ni Trina."Ah ganon ba. Trina anak gusto ka sana namin maka usap ng daddy mo," sabi ni Cheska."Tungkol po saan mom?" tanong ni Trina."Halika dun tayo sa library ng daddy mo. Kanina ka pa rin nya hinihintay," sagot ni Cheska at iginiya pa nya si Trina papunta sa library ng kanilang bahay kung s
CHAPTER 6Sa bahay naman nila Dave ay naghihintay sa kanya ang mga magulang nya na maka uwi siya. "Finally umuwi ka rin," sabi ni Divina kay Dave nang makapasok eto sa bahay nila dahil kanina pa sila naghihintay ng asawa nya na umuwi eto."Dave let's talk. Follow me," sabi ni Clint at naglakad na eto papunta sa kanyang opisina sa loob din ng kanilang bahay. Nakasunod naman sa kanya ang kanyang asawa kaya sumunod na lang dinn si Dave sa magulang nya."Bakit po dad, mom? May problem po ba?" Tanong kaagad ni Dave sa kanyang mga magulang ng makapasok sila ng opisina ng kanyang ama."Umupo ka muna anak. May gusto sana kaming sabihin sa iyo," sabi ni Clint kay Dave.Umupo naman na muna si Dave at nagsalita. "Ako din po may gusto din po sana akong sabihin sa inyo."Nagkatinginan naman na muna ang mag asawa bago nagsalita. " Sige go ahead. What is it?" sabi ni Clint."Ahmmm. Mom, dad balak na po sana namin na magpakasal ni Trina," sagot ni Dave.Nanlaki naman ang mata ni Divina sa sinabi ni
CHAPTER 7Kinabukasan naman naman ay kinausap na ni Ramon si Clint para maset na nila kung kelan sila mag uusap usap para pagplanuhan na ang gaganaping kasal sa pagitan nila Dave at Aira.At napag usapan nila na sa susunod na araw na lamang nila gawin iyon dahil may mga meeting pa na kailangang puntahan si Clint."Sana ay tama ang maging desisyon natin na eto Ramon," sabi ni Cheska sa kanyang asawa matapos netong makipag usap kay Clint sa telepono.Napabuntong hininga naman si Ramon bago nagsalita. "Sana nga at sana rin ay maintindihan tayo ng anak natin na si Trina sa naging desisyon natin."Naalala naman bigla ni Ramon nung araw na nag usap sila ni Clint para tulungan siya sa kanyang kumpanya.FLASHBACKMatapos malaman ni Clint na nagkakaproblema ang kumpanya ng kaibigan nyang si Ramon ay agad nya etong tinawagan. "Hello Ramon. Kumusta?" sabi ni Clint."Heto at namomroblema sa aming kumpanya. Ikaw kumusta ka naman?" Sagot ni Ramon."Narinig ko nga ang tungkol sa nangyare sa kumpany
CHAPTER 8Naghahanda na ngayon sila Ramon at Cheska pati na rin si Aira para pumunta sa isang restaurant para doon pag usapan ang magiging plano para sa kasal nila Dave at Aira.Nakabihis na si Aira at napadaan sya sa may harapan ng kwarto ni Trina. Napalingon sya rito. Gusto nya sana etong imbitahan na sumama sa kanila pero alam nya na lalo lamang sasama ang loob neto. Bumuntong hininga na lamang siya at saka nagpatuloy sa pagbaba sa hagdanan."Ready ka na ba hija?" tanong ni Ramon kay Aira ng makasakay na sila ng sasakyan. Nsa backseat si Aira at ang ama nya ang magdadrive ng sasakyan at nasa unahan din ang kanyang ina."Yes dad," maikling sagot ni Aira."Pasensya ka na ulet anak," sabi ni Ramon kay Aira at tanging pagtango lamang ang naisagot ni Aira sa ama. Umalis na rin naman sila at tahimik lamang sila buong byahe nila papaunta sa restaurant.Pagkarating nila sa restaurant ay naabutan na nila doon ang pamilya ni Clint na nakaupo na sa isang table kaya lumapit na rin sila sa mga
CHAPTER 9Pagkarating sa bahay nila Dave ay hinarap nya ang kanyang mga magulang. Gusto nya ulit etong kausapin dahil baka magbago pa ang isip ng mga eto."Mom, dad hindi na po ba talaga kayo mapipigilan sa gusto nyong mangyare?" tanong ni Dave sa mga magulang nya."Anak napag usapan na natin eto diba. Magpapakasal ka kay Aira," sagot ni Divina."Pero mom pano naman po kami ni Trina. Sya po ang girlfriend ko at nagmamahalan po kami. Sana naman po ay maintindihan nyo ako," sagot ni Dave. Sa totoo lang ay nahihirapan na talaga si Dave dahil parehas na mahalaga sa kanya ang mga eto. Hindi nya kayang suwayin ang mga magulang nya pero mahal din naman nya si Trina."Tsk. Para eto sa kabutihan mo Dave. Hindi magandamg ehemplo yang si Trina sayo. Tingnan mo nga at nagagawa mo na kaming suwayin minsan ng daddy mo dahil lamang sa kanya," sagot ni Divina."But mom–" hindi na natapos ni Dave ang sasabihin ng sumabat na ang kanyang ama."No more but's Dave. Ilang beses na namin eto sinabi at ipina