Share

Chapter 4

CHAPTER 4

Kinabukasan ay magkasama na naman sila Dave at Trina. Umuwi lang saglit si Trina sa kanilang bahay upang magpalit ng damit at umalis na din kaagad upang makipag kita ulet kay Dave. Obsess na obsess sya kay Dave at gusto nya ay palagi nya etong nakikita.

"Okay ka lang ba babe? Pasensya ka na sa nangyari kahapon ha," agad na sabi ni Dave kay Trina.

"Okay lang ako babe. Naiintindihan ko naman si tita Divina," sagot ni Trina. "Babe naisip ko lang kung magpakasal na kaya tayo. Nasa tamang edad naman na tayo babe saka matagal na din naman tayo diba," sabi pa ni Trina kay Dave. Nasa isang park sila ngayon at naglalakad lakad dahil yun ang gustong puntahan ni Trina.

Nagulat naman si Dave sa sinabi ni Trina at napatigil sa paglalakad. "W - what?"

"Let's get married babe. Bat hindi pa tayo magpakasal. Mahal naman natin ang isat isa. I want to spend the rest of my life with you Dave," malambing pa na Sabi ni Trina habang nakangiti kay Dave.

Hindi naman kaagad maka imik si Dave sa sinabi ni Trina dahil ngayon pa lang ay napapa isip na siya. Nag aalala sya sa kanyang ina dahil ngayon pa nga lang na magkasintahan sila ni Aira ay tutol na eto ano pa kaya kung magpakasal sila baka mas lalo lamang etong magalit.

"Babe are you okay? Ayaw mo ba akong pakasalan?" Sabi pa ni Trina ng hindi n makasagot si Dave sa kanyang sinabi.

"N - no babe. Hindi naman sa ganon pero sigurado ka na ba na gusto mo ng magpakasal na tayo?" Sagot ni Dave ng makabawi sa pagkagulat sa sinabi ni Trina.

"Yes babe. Ang tagal mo kasi mag propose eh kaya ako na lang mag aaya sayo. Haha," tatawa tawang sagot ni Trina.

"Hindi naman kasi basta basta ang pagpapakasal babe. Kung yan gusto mo sige magpakasal na tayo pero ----" hindi na natapos ni Dave ang sasabihin nya ng sumabat na si Trina.

"Really babe !? Oh my god. Excited na ako," tuwang tuwa na sabat ni Trina.

"But... Kailangan muna natin tong sabihin sa mga magulang natin. Kailangan muna natin hingin ang basbas nila na papayagan na nila tayong magpakasal." Sagot ni Dave.

Napasimangot naman bigla si Trina dahil alam nya na tututol ang ina ni Dave sa gusto nyang mangyare " But babe..." Sabi nya kay Dave.

" No more buts babe. If pumayag sila e di itutuloy natin ang kasal pero kapag hindi pa sila pumayag wag na muna. Wag nating madaliin ang lahat babe. Dadating din tayo dyan ha," Sagot ni Dave at hinalikan pa nya si Trina saglit sa labi.

Wala naman ng nagawa pa si Trina sa gustong mangyare muna ni Dave. Pero alam nya na tututol talaga dito ang ina neto dahil ayaw sa kanya neto.

********

Mataas na ang sikat ng araw ng umuwi si Aira sa kanilang bahay. Pagkapasok nya sa kanilng bahay ay nadatnan nya ang kanyang ina sa kanilang sala.

"Aira anak, san ka ba nanggaling kagabe? Bakit hindi ka umuwi? Nag aalala na ako sayo," Nag aalalang tanong ni Cheska kay Aira ng makita nya eto.

"Hi mom. Pasensya na po kung hindi ako nakapag paalam kahapon sa inyo. Galing lang po ako kila Bianca," nakangiti pang sagot ni Aira pero halata sa mga mata nya ang pagiging matamlay nya.

"Anak pasensya ka na ha. Nabanggit na rin sa akin ng daddy mo ang tungkol sa arrange marriage na gustong mangyare ng tito Clint mo," sagot ni Cheska. Nakwento na kasi ni Ramon dito ang naging usapan nila ni Clint.

"It's okay mom. Nagpalipas lang po talaga ako ng oras kila Bianca para makapag isip isip," sagot ni Aira.

Katunayan nyan ay halos magdamag na hindi nakatulog si Aira sa kakaisip sa sinabi ng kanyang ama. Iniisip nya kasi na sasama ang loob ng kanyang kapatid sa kanya oras na makasal na sila ni Dave. Pero iniisip din nya na magiging maayos naman ang kanilang kumpanya oras na makasal na sila ni Dave.

"Mom iniisip ko lang po si Trina. Pano po sya? Alam na po ba nya ang tungkol dito?" tanong ni Aira sa ina.

"Hindi pa nya alam anak. Hindi pa kasi namin sya nakaka usap ng daddy mo. Magdamag din syang hindi umuwi rito sa bahay. Pero kanina ay maagang maaga syang dumating pero nagbihis lang sya at umalis na rin kaagad kaya hindi pa namin sya nakakausap," sagot ni Cheska.

"Ganon po ba. Nag aalala po ako para kay Trina mom. Siguradong hindi yon papayag," sagot pa ni Aira.

"Kahit ako anak nag aalala din ako para kay Trina dahil kapag nalaman nya ang gustong mangyare ng mga magulang ni Dave siguradong magagalit yun alam mo naman ang ugali ng kapatid mo," nag aalala din na sabi ni Cheska. "Pero wala na din naman tayong magagawa. Kailangan nating kumapit sa patalim lalo na at kailangan ng tulong ng ating kumpanya," pagpapatuloy pa ni Cheska.

Nakaka unawa namang tiningnan ni Aira ang kanyang ina. Alam nyang maging eto ay problemado na rin dahil sa kanilang kumpanya. Hindi naman maaaring hayaan nila na magsara ang kanilang kumpanya dahil bukod sa pamilya nila ay maaapektuhan din ang marami nilang empleyado pag nagkataon.

"Kung sa akin lang naman mom okay lang po sa akin na makasal kay Dave para sa kumpanya natin kaso naging kumplikado dahil sa nobyo ni Trina si Dave. Ayokong magkasira kaming magkapatid dahil lang kay Dave," sagot ni Aira.

"Naiintindihan ko anak. Wag kang mag alala kakausapin namin ng masinsinan ang kapatid mo para maintindihan nya ang sitwasyon natin ngayon," sagot ni Cheska.

"Sige po mom sa kwarto na lang po muna ako," pagpapa alam na ni Aira sa ina.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status