CHAPTER 13Mabilis naman na lumipas ang mga araw. Naghahanda na sila sa nalalapit na araw ng kasal nila Dave at Aira.Sa mga nakalipas na araw ay nanatiling malamig ang pakikitungo ni Trina sa pamilya nya. Naiintindihan naman nila iyon lalong lalo na si Aira dahil alam nyang masakit para kay Trina ang mga nangyayare.Isang linggo na lamang at araw na ng kasal nila Dave at Aira. Madalas na silang magkasama na dalawa dahil may mga kailangan silang asikasuhin na kailangan silang dalawa. Kagaya ngayon ay kukunin na nila ang kanilang mga damit pangkasal kaya magkasama sila ngayon. "Aira," sabi ni Dave ng makasakay na sila sa kotse. Napalingon naman sa kanya si Aira."Bakit?" tanong naman ni Aira kay Dave.Huminga muna ng malalim si Dave bago nagsalita. "Aira alam mo naman siguro na mahal ko pa rin si Trina---" hindi natapos ni Dave ang sasabihin nya ng magsalita si Aira."Kung magpapatuloy man ang relasyon nyo ni Trina ay wala naman akong pakialam doon. Pero sana ay maging maingat kayo ng
CHAPTER 14WEDDING DAYNasa isang hotel ngayon sila Aira at inaayusan na sya ng make up artist dahil ngayon na ang araw ng kasal nila ni Dave. Nandoon din ang kanyang mga magulang pati na rin si Trina. Ayaw sana netong sumama pero wala na etong magawa ng sapilitan na syang isinama ng kanyang mga magulang.Tapos ng ayusan si Aira at kinukuhaan na lamang siya ng mga litrato. Pagkatapos non ay pumasok na sa room ni Aira ang kanyang mga magulang."Aira anak," sabi ni Cheska kay Aira. Napalingon naman si Aira sa nagsalita at nakita nya ang mga magulang nya. Nginitian nya naman ang mga eto."Napakaganda mo anak," nakangiting sabi ni Cheska ng makalapit eto kay Aira. Tipid naman na nginitian ni Aira ang kanyang mommy Cheska."Thank you mom," sabi ni Aira sa kanyang ina. "Pasensya ka na ulet anak at humantong tayo sa ganitong sitwasyon. Hindi ko akalain na mangyayare eto sa pamilya natin," malungkot na sabi ni Ramon kay Aira."Dad, okay lang naman po ako. Wag na po kayong mag alala sa akin.
CHAPTER 15Sa room naman ni Aira ay kalalabas lamang ng mga magulang nya dahil mauuna na eto sa simbahan. Naiwan naman na sila ni Bianca roon dahil sabay na lang sila na pupunta sa simbahan at naghihintay na lang na tawagin sila para umalis na rin. Si Bianca ang kanyang maid of honor kaya kasama nya eto ngayon."Girl wala na tong atrasan," sabi ni Bianca ng maiwan na sila ni Aira sa room. Napabuntong hininga naman si Aira."Wala na talaga girl. Hindi man ako sang ayon sa kasal na eto wala na rin naman akong magagawa pa," malungkot na sagot ni Aira sa kaibigan."Nandito lang ako Aira kung kailangan mo ng makakausap ha. Oras na makasal na kayo ni Dave baka mas lalong lumala ang kapatid mo. Teka asan nga pala si Trina? Aattend ba sya?" Tanong ni Bianca."Didiretso na lamang daw si Trina sa reception kasama naman nya ang kaibigan nyang si Karen. Ayaw ko nga sana syang pilitin na pumunta dahil alam ko naman na masakit para sa kanya na makitang ikakasal ang nobyo nya sa iba pero sila mom at
CHAPTER 16Sa may parteng dulo naman ng reception ng kasal nila Dave at Aira nakapwesto si Trina. Kasama neto ngayon si Karen na nakasimangot na rin."Girl anong balak mo? Tutunganga na lang ba tayo rito?" Tanong ni Karen kay Trina dahil kanina pa sya nababagot kanina pa kasi silang dalawa rito. Wala pa ang bagong kasal kanina ay nandito na silang dalawa at nakatunganga lamang."Tsk. Kumain ka na nga lang dyan. Ang dami mo pang sinasabi e," iirap irap na sagot ni Trina sa kaibigan. Kanina pa sya naiinis dahil ayaw naman nya talagang pumunta rito pero mapilit ang kanyang mga magulang kaya wala na syang nagawa pa kundi ang sumama kaya isinama na lamang nya si Karen para naman meron syang kasa kasama."Hay naku. Bakit kasi sumama sama pa kasi tayo rito. Tutunganga lang naman pala tayo rito," iirap irap din na sagot ni Karen sa kaibigan."Wala naman talaga akong balak na pumunta rito sila mom at dad kasi mapilit," inis na sagot ni Trina."Umalis na kaya tayo. Tara na lang sa mall. Nakakab
Bumalik naman na si Aira sa kanyang pwesto ng umalis na si Bianca. Nakahinga na sya ng maluwag dahil umalis na ang kanyang kaibigan dahil kung hindi ay hindi talaga eto titigil sa pang aasar sa kanya."Are you okay?" Tanong ni Dave kay Aira. "Oo okay lang ako. Pagpasensyahan mo na si Bianca ha. Mapang asar lang talaga yung babae na yon," sagot ni Aira."Don't worry it's okay," sagot ni Dave. Nginitian naman ni Aira si Dave. Nakahinga naman sya ng maluwag dahil hindi pinansin ni Dave ang pang aasar kanina ni Bianca.Tahimik silang dalawa ni Dave habang nakatingin sa kanilang mga bisita. Napakarami nilang bisita at ang iba nga rito ay hindi naman nila kilala. Mga inimbitahan din kasi ng mga magulang nila ang ilan sa mga kasosyo nila sa negosyo. Kaya talaga namang enggrande ang naging kasal nila Dave at Aira.Nakita naman nila na papalapit sa pwesto nila ang mga magulang ni Dave."Congratulations sa inyo," nakangiting bati ni Divina kila Dave at Aira. "Welcome sa aming pamilya Aira," ba
CHAPTER 18Pagkatapos ng reception ng kasal nila Dave at Aira ay dumiretso na ang bagong kasal sa isa sa mga hotel room na nakalaan para sa kanilang dalawa. Pagkapasok nilang dalawa sa loob noon ay napabuntong hininga na lamang silang dalawa dahil tapos na ang kasal nila."Pano na tayo neto? Kailangan ba talaga nating gamitin yung ticket na bigay ng mommy mo?" Tanong ni Aira kay Dave dahil tila malaki ang expectation ng mga ina nila na mabibigyan kaagad nila ng apo ang mga eto."Oo Aira kailangan nating gamitin yun dahil kilala ko si mommy ipipilit nya talaga yun," sagot ni Dave at naupo na sa sofa at isa isa ng tinatanggal ang kanyang mga suot."Pero pano si Trina? Papayag ba yun? Kayo na lang kayang dalawa ang pumunta sa Korea ano sa tingin mo?" Sabi ni Aira."Tsk. Malalaman ni mommy yun. Si mommy pa ba. Bakit ayaw mo ba akong makasama?" tanong ni Dave at tinitigan pa nya si Aira. Nag iwas naman ng tingin si Aira kay Dave."Hindi naman sa ayaw kitang makasama Dave pero pano nga si T
CHAPTER 19Kinabukasan ay maagang nagising sila Aira at Dave dahil ngayon ang alis nila papuntang Korea. Dun na rin sila nagpalipas ng gabi sa hotel dahil napagod na sila kahapon sa kanilang kasal."Ayos na ba ang mga gamit na dadalhin mo?" tanong ni Aira kay Dave."Oo ayos naman na ang mga dadalhin ko. Pinadala na lang yan ni mommy dito kagabe. Ikaw ba? Ayos na ba ang mga gamit mo?" tanong na rin ni Dave kay Aira dahil hindi na nga sila nakauwi pa kagabe dahil sa pagod."Oo okay na rin ang mga gamit ko," sagot ni Aira kay Dave. Hindi na rin sila nagtagal at umalis na rin sila maaga pa naman pero mas gusto nilang dumating doon ng maaga kesa sa malate pa sila sa kanilang flight.Ilang oras din ang itinagal ng kanilang byahe. Buong byahe ay halos hindi rin naman sila nag uusap na dalawa Gabi na ng makarating sila ng Korea. Kaya dali dali na rin silang pumunta sa kanilang hotel na pag istay-an nila para makapag pahinga ng maayos dahil napagod sila sa byahe."Grabe nakakapagod ang byahe
CHAPTER 20"Kumusta pala ang pag uusap nyo ni Trina? Okay na ba sya?" Tanong ni Aira kay Dave ng makarating na sila sa kanilang hotel room kung saan sila nagstay dito sa Korea."Nagsabi naman ako sa kanya ng maayos yun nga lang parang mainit pa rin ang ulo nya ng mga oras na yun kaya hinayaan ko na lamang sya. I'm sure naman na maiintindihan nya tayo kung bakit tayo tumuloy rito," sagot ni Dave. Tumango tango naman si Aira kay Dave "Oo nga pala pag uwi natin ng Pilipinas ay sa sariling bahay na natin tayo dederetso," sabi pa ni Dave. Nangunot naman ang noo ni Aira dahil sa sinabi ni Dave dahil wala naman syang alam na may sarili na pala silang bahay."Sariling bahay? Anong ibig mong sabihin?" Tanong na ni Aira."Hindi ba nabanggit sayo nila mommy na may binili na silang bahay para sa atin. Kaya doon na tayo dideretso pag uwi natin," sagot ni Dave."Wala naman silang nababanggit sa akin. Pwede ba na umuwi muna ako non dahil wala naman doon ang mga gamit ko," sagot ni Aira."Hindi na k
CHAPTER 412"Ayos lang naman ako. Medyo nagkaroon lang ng problema sa pamilya kaya don't worry i'm fine," nakangiti pa na sagot ni Jenny sa binata. "Ikaw ano nga pala ang ginagawa mo rito? Bakit napadalaw ka yata," tanong pa ni Jenny kay Greg dahil nagulat talaga sya sa biglang pagsulpot ng binata sa kanilang bahay. Nakakasama naman nya ito minsan kapag nalabas silang magkakaibigan pero ilang nga sya rito dahil umamin nga ito sa kanya noon pa na may gusto ito sa kanya."Ahm. Wala lang. Gusto lamang kitang kumustahin at bisitahin na rin dahil hindi na nga kita nakikita," sagot naman ni Greg kay Jenny.Tumango tango lang naman si Jenny sa binata at saka nya inamoy ang bulaklak na ibinigay ni Greg sa kanya at napapapikit na lamang sya dahil sa mabangong amoy ng mga bulaklak.Napangiti naman si Greg ng mapansin nya na mukhang good mood ngayon si Jenny at hinahayaan lamang sya nito na mag stay sa tabi nito. Dati kasi ay umiiwas talaga ito sa kanya kaya nakuntento na lamang sya sa pasulyap
CHAPTER 411Pagkagaling ni Joey sa opisina ay agad naman na rin syang dumiretso ng uwi sa kanilang mansyo at nagulat pa nga sya ng pagkarating nya sa kanilang bahay ay nay magarang sasakyan na nakaparada sa labas ng kanilang gate kaya naman napakunot na lang ang noo nya dahil may iba yatang tao sa kanilang bahay kaya naman dali dali na nyang ipinark ang kanyang sasakyan.Pagkapasok nya sa kanilang bahay ay agad nyang nakita ni manang Lina kaya naman agad na nya itong linapitan."Manang kanino po yung sasakyan na nasa labas ng mansyon?" agad na tanong ni Joey kay manang Lina."Joey nar'yan ka na pala," gulat pa na sabi ni Manang Lina kay Joey dahil hindi nga nya napansin ang paglapit nito sa kanya."Kanino po ang sasakyan na nasa labas manang?" muli ay tanong ni Joey rito."Ah yun bang sasakyan sa labas? Sa bisita iyon ni Jenny," sagot ni manang Lina."Kaibigan ni Jenny? Sino? Nasaan sila?" sunod sunod pa na tanong ni Joey kay manang Lina."G-Greg? Oo tama Greg ang rinig ko kanina na
CHAPTER 410Matapos makapag usap nila Rayver at ng ama ni Shiela ay agad na rin naman na umalis si Joey sa opisina ng binata dahil may mga kailangan pa rin syang asikasuhin sa kanyang sariling kumpanya.Habang papaalis pa nga si Joey sa kumpanya ni Rayver ay hindi na maalis alis pa ang ngiti sa kanyang labi dahil parang nakahinga na sya ng maluwang ngayon dahil sa mga nangyayare ngayon sa pagitan nya at ng kanyang mga anak.Ito lamang naman talaga ang tangi nyang hiling sa ngayon ang magkaayos sila ng kanyang mga anak kay Lina at magkaayos din ang mga ito at si Jenny. Alam nya na medyo mahihirapan talaga si Jenny lalo na at ang lalaking pinakamamahal nito ay nobyo ng kanyang kapatid pero umaasa sya na makakapag move on kaagad ang kanyang anak na si Jenny.Pagkarating ni Joey sa kanyang kumpanya ay maraming paper works kaagad ang tumambad sa kanya sa loob ng kanyang opisina. Natambak kadi itong mga trabaho nya noong mga nakaraang araw pa dahul nga hindi sya makapag focus sa kanyang gin
CHAPTER 409"Good morning anak. Ahm. Narito ako dahil gusto ko sanang sabihin sa'yo na nakausap ko na rin nga pala ang kapatid mong si Jenny at nagkaayos na rin kami at gusto ka nga raw nya sanang makausap. P-pwede ka ba anak?" sabi ni Joey kay Shiela. Nagulat naman si Shiela sa sinabi ng kanyang ama at napabuntong hininga na lamang nga sya saka sya dahan dahan na tumango rito."S-Sige po tay. Sabihan nyo na lamang po ako kung kailan at saan po kami mag uusap ni Jenny," sagot ni Shiela sa kanyang ama kahit na ang totoo ay nag aalangan sya dahil hindi pa naman nya lubos na kilala si Jenny at ayon na nga rin sa sinabi ni Reign noon ay iba nga ang ugali ng kapatid nya na yon."Salamat anak. Sige sasabihan na lamang kita kung kailan nya gusto na magkita kayong dalawa. Salamat anak at pumayag ka na magkausap kayong dalawa. Sana ay maging maayos na rin kayong dalawa labis ko talagang ikakatuwa kapag nangyari nga ang bagay na yun," nakangiti pa na sagot ni Joey kay Shiela.Tanging pagngiti
CHAPTER 408Kinabukasan naman ay maaga ngang nagising si Joey at nagpaluto nga sya ng masarap na agahan sa kanilang mga kasambahay para sa kanila ni Jenny.Nagulat naman si Jenny na pagkababa nya ng kanilang hagdan ay natanaw na nga nya ang kanyang ama na nasa kanilang dining table at mukhang hinihintay nga sya nito dahil hindi pa nagagalaw ang mga pagkain doon. Kaya naman agad na nyang linapitan ito."Good morning dad," bati kaagad ni Jenny sa kanyang ama saka sya humalik sa pisngi nito. "Wala po ba kayong pasok sa opisina ngayon dad?" tanong pa ni Jenny sa kanyang ama."Meron pero pwede naman akong magpalate dahil kumpanya naman natin iyon kaya hawak ko naman ang oras ko," sagot ni Joey kay Jenny. "At isa pa ay gusto kitang makasabay kumain ng agahan dahil matagal tagal na rin yung huling kain natin na magkasabay. Kaya maupo ka na para makakain na tayo," dagdag pa ni Joey at saka nya ipinaghila ng upuan si Jenny."Salamat dad," sabi namna ni Jenny matapos syang maupo.Napangiti nama
CHAPTER 407"Don't worry dad. Hindi naman na po ako magagalit at naiintindihan ko na po kayo kaya okay lang po na bumawi kayo sa kanila. At ang tungkol naman po sa amin ni Shiela ay hindi ko naman po maipapangako na agad agad kaming magkakapalagayan ng loob dahil alam nyo naman po kung ano ang sitwasyon naming dalawa ngayon pero pipilitin ko po na makapag move on na para na lamang po sa ikatatahimik ng lahat," sagot naman ni Jenny sa kanyang ama.Nagulat naman si Joey sa sinabi ni Jenny at napangiti na nga lamang sya dahil doon dahil ang buong akala nya ay mahaba habang paliwanagan na naman ang mangyayare sa kanilang mag ama ngayon."T-totoo ba yang sinasabi mo anak? S-seryoso ka ba na ayos na sa'yo na bumawi ako sa mga kapatid mo?" hindi pa rin makapaniwala na tanong ni Joey kay Jenny.Napangiti naman si Jenny sa kanyang ama dahil kita nya ang gulat na gulat na reaksyon nito dahil sa kanyang sinabi."Yes dad. Seryoso po ako sa sinabi ko," nakangiti pa na sagot ni Jenny sa kanyang ama
CHAPTER 406Napangiti naman si manang Lina dahil sa sinabi ni Joey. Masaya sya dahil kahit papaano ay ngumingiti na ulit si Joey nito kasing mga nakalipas na mga araw ay palagi itong balisa at halata mo na sa mukha nito ang stress. Alam nya naman kasi ang pinagdaraanan nito ngayon dahil nga naikwento na nito sa kanya ang mga nangyari noon kaya naiintindihan nya rin naman talaga ang mga anak ni Joey kay Nelia dahil napabayaan nya nga talaga ang mga ito."Masaya ako at nakausap mo na pala ang isa sa mga anak mo. Sana nga ay magkaayos ayos na kayo para naman maging masaya na kayo muli," sagot ni Manang Lina kay Joey dahil kita nga nya na napapabayaan na rin ni Joey ang kanyang sarili dahil sa kaiisip nito sa mga problema nito sa kanyang mga anak."Salamat po manang," nakangiti pa na sagot ni Joey sa matanda."Subukan mo ring kausapin ngayon si Jenny at baka ngayon ay magkaintindihan na nga kayong dalawa. Basta habaan mo na lamang ang pasensya sa anak mo na yan dahil alam mo naman ang uga
CHAPTER 405Napabuntong hininga na lamang sila Ashley at Sherwin dahil sa sinabi ng kanilang nakababatang kapatid. Alam nila na hindi na nito masyado nakasama pa ang kanilang ama noon dahil napakaliit pa nito ng iwan sila ng kanilang ama noon."Sorry April. Pasensya ka na kung hindi ka man lang namin naisip. Alam naman namin na sabik ka na kay tatay. Pasensya ka na kung pinangunahan kami ng nararamdaman dahil totoo naman na nakakasama ng loob ang ginawa ni tatay dahil pinaasa nga nya si nanay," sagot ni Ashley kay April saka nya ito linapitan at agad na yinakap.Agad naman na gumanti ng yakap si April sa kanyang ate Ashley at hindi na nga nya napigilan pa na mapaiyak. Hindi na nga rin napigilan ni Sherwin ang kanyamg sarili at agad na nga rin syang napalapit kay April at saka nya ito yinakap din."Sorry April. Hayaan mo at pipilitin namin ang aming mga sarili na tanggapin at patawarin muli si tatay. Dahil tama ka wala na nga si nanay dapat ay hindi na rin tayo pumayag na pati si tatay
CHAPTER 404"Ate ano pong pag uusapan natin? May problema po ba?" agad ng tanong ni Ashley sa kanyang ate Shiela.Napabuntong hininga naman na muna si Shiela saka sya naupo na rin sa tabi ng kanyang mga kapatid."Gusto ko kasi kayong makausap tungkol kay tatay," sagot ni Shiela sa mga kapatid nya at kita pa nya na natigilan bigla ang kanyang mga kapatid lalo na si Sherwin ng marinig nito ang salitang tatay."Bakit ate? Kinausap ka ba nya kanina para kumbinsihin na sumama tayo sa kanya? Ate naman alam mo naman ang ginawa nya noon diba? Pinabayaan nya tayo noon kaya nangyare kay nanay yun," naiinis ng sagot ni Ashley sa ate Shiela nya."Hindi nya ako kinausap para sa bagay na yun. Makining na muna kayo sa akin," sagot ni Shiela."E ano ate? Anong sinabi nya sa'yo?" sabat naman na ni Sherwin.Napabuntong hininga naman si Shiela dahil inaasahan naman na nya kanina pa na ganito ang magiging reaksyon ng mga kapatid nya kapag kinausap nya ang nga ito ng tungkol sa kanilang ama."Please makin