CHAPTER 16Sa may parteng dulo naman ng reception ng kasal nila Dave at Aira nakapwesto si Trina. Kasama neto ngayon si Karen na nakasimangot na rin."Girl anong balak mo? Tutunganga na lang ba tayo rito?" Tanong ni Karen kay Trina dahil kanina pa sya nababagot kanina pa kasi silang dalawa rito. Wala pa ang bagong kasal kanina ay nandito na silang dalawa at nakatunganga lamang."Tsk. Kumain ka na nga lang dyan. Ang dami mo pang sinasabi e," iirap irap na sagot ni Trina sa kaibigan. Kanina pa sya naiinis dahil ayaw naman nya talagang pumunta rito pero mapilit ang kanyang mga magulang kaya wala na syang nagawa pa kundi ang sumama kaya isinama na lamang nya si Karen para naman meron syang kasa kasama."Hay naku. Bakit kasi sumama sama pa kasi tayo rito. Tutunganga lang naman pala tayo rito," iirap irap din na sagot ni Karen sa kaibigan."Wala naman talaga akong balak na pumunta rito sila mom at dad kasi mapilit," inis na sagot ni Trina."Umalis na kaya tayo. Tara na lang sa mall. Nakakab
Bumalik naman na si Aira sa kanyang pwesto ng umalis na si Bianca. Nakahinga na sya ng maluwag dahil umalis na ang kanyang kaibigan dahil kung hindi ay hindi talaga eto titigil sa pang aasar sa kanya."Are you okay?" Tanong ni Dave kay Aira. "Oo okay lang ako. Pagpasensyahan mo na si Bianca ha. Mapang asar lang talaga yung babae na yon," sagot ni Aira."Don't worry it's okay," sagot ni Dave. Nginitian naman ni Aira si Dave. Nakahinga naman sya ng maluwag dahil hindi pinansin ni Dave ang pang aasar kanina ni Bianca.Tahimik silang dalawa ni Dave habang nakatingin sa kanilang mga bisita. Napakarami nilang bisita at ang iba nga rito ay hindi naman nila kilala. Mga inimbitahan din kasi ng mga magulang nila ang ilan sa mga kasosyo nila sa negosyo. Kaya talaga namang enggrande ang naging kasal nila Dave at Aira.Nakita naman nila na papalapit sa pwesto nila ang mga magulang ni Dave."Congratulations sa inyo," nakangiting bati ni Divina kila Dave at Aira. "Welcome sa aming pamilya Aira," ba
CHAPTER 18Pagkatapos ng reception ng kasal nila Dave at Aira ay dumiretso na ang bagong kasal sa isa sa mga hotel room na nakalaan para sa kanilang dalawa. Pagkapasok nilang dalawa sa loob noon ay napabuntong hininga na lamang silang dalawa dahil tapos na ang kasal nila."Pano na tayo neto? Kailangan ba talaga nating gamitin yung ticket na bigay ng mommy mo?" Tanong ni Aira kay Dave dahil tila malaki ang expectation ng mga ina nila na mabibigyan kaagad nila ng apo ang mga eto."Oo Aira kailangan nating gamitin yun dahil kilala ko si mommy ipipilit nya talaga yun," sagot ni Dave at naupo na sa sofa at isa isa ng tinatanggal ang kanyang mga suot."Pero pano si Trina? Papayag ba yun? Kayo na lang kayang dalawa ang pumunta sa Korea ano sa tingin mo?" Sabi ni Aira."Tsk. Malalaman ni mommy yun. Si mommy pa ba. Bakit ayaw mo ba akong makasama?" tanong ni Dave at tinitigan pa nya si Aira. Nag iwas naman ng tingin si Aira kay Dave."Hindi naman sa ayaw kitang makasama Dave pero pano nga si T
CHAPTER 19Kinabukasan ay maagang nagising sila Aira at Dave dahil ngayon ang alis nila papuntang Korea. Dun na rin sila nagpalipas ng gabi sa hotel dahil napagod na sila kahapon sa kanilang kasal."Ayos na ba ang mga gamit na dadalhin mo?" tanong ni Aira kay Dave."Oo ayos naman na ang mga dadalhin ko. Pinadala na lang yan ni mommy dito kagabe. Ikaw ba? Ayos na ba ang mga gamit mo?" tanong na rin ni Dave kay Aira dahil hindi na nga sila nakauwi pa kagabe dahil sa pagod."Oo okay na rin ang mga gamit ko," sagot ni Aira kay Dave. Hindi na rin sila nagtagal at umalis na rin sila maaga pa naman pero mas gusto nilang dumating doon ng maaga kesa sa malate pa sila sa kanilang flight.Ilang oras din ang itinagal ng kanilang byahe. Buong byahe ay halos hindi rin naman sila nag uusap na dalawa Gabi na ng makarating sila ng Korea. Kaya dali dali na rin silang pumunta sa kanilang hotel na pag istay-an nila para makapag pahinga ng maayos dahil napagod sila sa byahe."Grabe nakakapagod ang byahe
CHAPTER 20"Kumusta pala ang pag uusap nyo ni Trina? Okay na ba sya?" Tanong ni Aira kay Dave ng makarating na sila sa kanilang hotel room kung saan sila nagstay dito sa Korea."Nagsabi naman ako sa kanya ng maayos yun nga lang parang mainit pa rin ang ulo nya ng mga oras na yun kaya hinayaan ko na lamang sya. I'm sure naman na maiintindihan nya tayo kung bakit tayo tumuloy rito," sagot ni Dave. Tumango tango naman si Aira kay Dave "Oo nga pala pag uwi natin ng Pilipinas ay sa sariling bahay na natin tayo dederetso," sabi pa ni Dave. Nangunot naman ang noo ni Aira dahil sa sinabi ni Dave dahil wala naman syang alam na may sarili na pala silang bahay."Sariling bahay? Anong ibig mong sabihin?" Tanong na ni Aira."Hindi ba nabanggit sayo nila mommy na may binili na silang bahay para sa atin. Kaya doon na tayo dideretso pag uwi natin," sagot ni Dave."Wala naman silang nababanggit sa akin. Pwede ba na umuwi muna ako non dahil wala naman doon ang mga gamit ko," sagot ni Aira."Hindi na k
CHAPTER 21Ilang araw pang namalagi sila Aira at Dave sa Korea. Kung saan saan pa sila namasyal doon at talagang naenjoy naman nila ang pagpunta nila ng Korea. Narelax din sila kahit papano. At nakalimutan nila kahit papaano ang kanilang mga problema."Ayos na ba yang mga gamit mo?" tanong ni Dave kay Aira. Pauwi na kasi sila ngayon ng Pilipinas."Oo ayos na to. Naparami ata ang napamili ko ah," sagot ni Aira at kakamot kamot pa eto sa kanyang ulo dahil pinilit nyang pagkasyahin ang mga pinamili nya sa isang maleta. Mga pampasalubong nya kasi eto at natuwa talaga syang bumili ng kung ano ano roon. " Ikaw ba naayos mo na mga gamit mo?" Tanong na rin ni Aira kay Dave."Oo ayos na rin ang mga gamit ko. Kung hindi na kasya dyan sa bagahe mo pwede mo naman ilagay yung iba rito sa aking maleta," sagot ni Dave dahil tinitingnan pa lang nya ang maleta ni Aira ay pakirmdam nya ay puputok na iyon."Sige salamat. Pero tingin ko naman ay ayos na eto rito," sagot ni Aira."Mabuti pa kumain na muna
CHAPTER 22Nasa bahay lamang nila ngayon si Trina. Tamad na tamad syang kumilos ngayon ni kahit paglabas ng kanilang bahay ay kinatamaran na rin nya. Halos maghapon na syang nakahilata na lamang sa kanyang kama. Maya maya ay nakaramdam na sya ng gutom kaya nagpasya na lamang siya na pumunta sa kanila kusina. Pagbaba naman ni Trina sa kanilang bahay ay agad nyang nakita ang kanilang kasambahay."Manang asan po sila mommy at daddy?" Tanong niya sa kasambahay dahil pansin nyang tahimik ang paligid at parang wala ang mga magulang nya."Ay ma'm Trina wala po ang mommy at daddy nyo. Ang alam ko po ay papunta po sila sa bahay nila ma'm Aira ngayon," sagot ng kanilang kasambahay."Kila ate Aira?" Tanong nya ulet dito."Opo ma'm yun po ang dinig ko kanina," sagot ng kasambahay. Tumango tango naman si Trina rito."Kung ganon nakabalik na pala sila Dave at ate Aira," kausap ni Trina sa kanyang sarili. Bigla naman siyang nabuhayan ng dugo ng malaman nya na dumating na pala si Dave kaya magana siy
CHAPTER 23Ramdam na ramdam na nila Dave at Aira ang pagod nila ngayon mula sa mahabang byahe kaya gusto na nilang magpahinga. Umakyat naman na sila sa taas ng kanilang bahay at pagdating nila sa tuktok ng hagdan ay nagkatinginan silang dalawa."San ang kwarto ko?" Tanong ni Aira. Kakamot kamot naman sa ulo nya si Dave dahil hindi rin nya alam."Hindi ko rin alam. Pasukin na lamang natin ang mga kwarto rito," sagot ni Dave at nagpatiuna na nang paglalakad papunta sa mga kwarto roon.Inisa isa nila ang apat na pinto na meron doon. Una nilang pinto na linapitan ay naka lock ganon din ang pangalawa at pangatlo. Nagkatinginan sila dahil isa na lamang ang hindi nila nabubuksan na pinto at pagpihit ni Dave sa door knob ay laking tuwa nila ng magbukas iyon. Pero nagkatinginan ulet sila ng pagpasok nila ay narealise nila na iisa lang ang bukas na kwarto."Nasaan ba ang mga susi dito? Bakit isa lang ang nakabukas?" Tanong ni Aira."Hindi ko rin alam Aira dahil pareho lang tayo na bagong dating
CHAPTER 405Napabuntong hininga na lamang sila Ashley at Sherwin dahil sa sinabi ng kanilang nakababatang kapatid. Alam nila na hindi na nito masyado nakasama pa ang kanilang ama noon dahil napakaliit pa nito ng iwan sila ng kanilang ama noon."Sorry April. Pasensya ka na kung hindi ka man lang namin naisip. Alam naman namin na sabik ka na kay tatay. Pasensya ka na kung pinangunahan kami ng nararamdaman dahil totoo naman na nakakasama ng loob ang ginawa ni tatay dahil pinaasa nga nya si nanay," sagot ni Ashley kay April saka nya ito linapitan at agad na yinakap.Agad naman na gumanti ng yakap si April sa kanyang ate Ashley at hindi na nga nya napigilan pa na mapaiyak. Hindi na nga rin napigilan ni Sherwin ang kanyamg sarili at agad na nga rin syang napalapit kay April at saka nya ito yinakap din."Sorry April. Hayaan mo at pipilitin namin ang aming mga sarili na tanggapin at patawarin muli si tatay. Dahil tama ka wala na nga si nanay dapat ay hindi na rin tayo pumayag na pati si tatay
CHAPTER 404"Ate ano pong pag uusapan natin? May problema po ba?" agad ng tanong ni Ashley sa kanyang ate Shiela.Napabuntong hininga naman na muna si Shiela saka sya naupo na rin sa tabi ng kanyang mga kapatid."Gusto ko kasi kayong makausap tungkol kay tatay," sagot ni Shiela sa mga kapatid nya at kita pa nya na natigilan bigla ang kanyang mga kapatid lalo na si Sherwin ng marinig nito ang salitang tatay."Bakit ate? Kinausap ka ba nya kanina para kumbinsihin na sumama tayo sa kanya? Ate naman alam mo naman ang ginawa nya noon diba? Pinabayaan nya tayo noon kaya nangyare kay nanay yun," naiinis ng sagot ni Ashley sa ate Shiela nya."Hindi nya ako kinausap para sa bagay na yun. Makining na muna kayo sa akin," sagot ni Shiela."E ano ate? Anong sinabi nya sa'yo?" sabat naman na ni Sherwin.Napabuntong hininga naman si Shiela dahil inaasahan naman na nya kanina pa na ganito ang magiging reaksyon ng mga kapatid nya kapag kinausap nya ang nga ito ng tungkol sa kanilang ama."Please makin
CHAPTER 403"Okay fine," sagot naman ni Rayver sa dalaga at saka nya muling hinigpitan ang pagkakahawak nya sa bewang nito. "Last kiss. Please," pakiusap pa ni Rayver sa dalaga kaya naman natawa na lamang si Shiela at mabilis nya na ngang dinampian ng magaan na halik sa labi ang binata."Okay na. Sige na. Bitawan mo na ako," sabi pa ni Shiela habang hawak nya ang kamay ng binata na nakahawak sa kanyang bewang."Yun na yun? Hindi pwede yun," nakanguso pa na sabi ni Rayver sa dalaga. Akmang magsasalita pa sana si Shiela ng bigla na ngang sakupin muli ni Rayver ang kanyang labi at ang magaan na halik ni Rayver sa dalaga ay unti unti na ngang nagiging mapusok at mapaghanap at napapangiti na lamang din ang binata ng maramdaman nya na tinutugon na ng dalaga ang kanyang paghalik dito.Napakapit pa nga si Shiela sa batok ng binata at napapapikit na lamang ang kanyang mata habang tinutugon nya ang paghalik ng kanyang nobyo sa kanya at pakiramdam nya ay ang sarap sarap halikan ng labi ng binat
CHAPTER 402"Shiela anak sana ay ikaw na rin ang bahalang umintindi muna sa kapatid mong si Jenny. Alam ko na hindi ko dapat ito sinasabi sa'yo pero ayaw ko naman na dumating ang panahon na hindi na talaga kayo magkaayos o magpansinan man lang. Wala naman akong pinapaboran sa inyo pero gusto ko rin sana na magkaayos man lang kayo. Alam ko na unfair na talaga ako sa inyo pero kasi hindi ko alam kung paano ko ba sisimulan na bumawi sa inyong magkakapatid kung ayaw nyo naman akong makita o makausap man lang sinabayan pa ni Jenny na hindi matanggap na mayroon pa akong ibang anak. Kaya sana hinihiling ko rin anak na ikaw na ang bahalang magpasensya sa kanya. Pero wag kang mag alala anak dahil hindi ko naman hahayaan na masira kayo ni Rayver ng dahil lamang kay Jenny. Alam ko kung gaano kabait ang pamilya ni Rayver kaya nga panatag ako na narito kayo ng mfa kapatid mo kaya masaya ako na nasa tamang tao ka anak," mahabang sentimyento ni Joey kay Shiela dah totoong sumasakit na nga ang ulo ny
CHAPTER 401"Kung ako lamang naman po tay ay handa naman po akong magpatawad sa inyo kaagad pero iniisip ko rin po ang mga kapatid ko. May mga isip na rin po sila at alam ko po na sobra rin po silang nasaktan sa mga nangyare kaya sana po tay bigyan nyo na lamang po muna sila ng panahon pa. Alam ko naman po na hindi rin nila kayo matitiis sadyang sariwa pa lamang po sa kanila ang nangyare kay nanay," sagot ni Shiela sa kanyang ama.Dahan dahan naman naman na tumango si Joey at saka sya nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga."Naiintindihan ko anak. Alam ko naman na nasaktan talaga kayo sa mga ginawa ko. At umaasa ako na sana ay mapatawad nyo na ako dahil gustong gusto ko ng makabawi sa inyo anak. Gusto ko ng makabawi sa ilang taon na hindi ko kayo nakasama," sagot ni Joey. "Kung maibabalik ko nga lang sana ang panahon sana ay binalikan ko kaagad kayo noon pero wala na nanguare na ang nangyare at ilang taon nga akong wala man lang paramdam sa inyo. Gustuhin ko man na balikan ka
CHAPTER 400Sa mansyon naman nila Aira at Dave ay naabutan naman nila Shiela at Rayver na nagkakasayahan ang mga ito."Anong meron?" tanong ni Rayver sa mga naroon sa mansyon dahil nadatnan nga nila na parang may party doon."Ang tagal nyo kasi kuya kaya inumpisahan na namin ang gender reveal ni baby," si Reign na nga ang sumagot sa tanong ni Rayver habang hawak nito ang medyo may kalakihan na nitong tyan.Agad naman na nagsilapit ang mga kapatid ni Shiela sa kanya. At agad pa nga na yumakap ang mga ito kay Shiela. Nagtataka naman si Shiela sa inaasal ng kanyang mga kapatid kaya naman hindi na nya naiwasang tanungin ang mga ito."Himala at may pagyakap kayo sa akin ngayon. Anong meron?" biro pa nga ni Shiela sa kanyang mga kapatid at napatingin pa nga sya kay Rayver.Bigla namang natahimik ang lahat ng mga naroon. Kaya pati si Rayver ay nagtaka na rin sa ikinikilos ng mga ito."A-ate andyan po si tatay," halos pabulong na sabi ni Ashley kay Shiela. Nagulat naman si Shiela sa sinabi n
CHAPTER 399Hindi naman nagsasalita si Jenny at nakikinig lamang sya sa mga sinasabi ni manang Lina dahil alam naman nya na nasaksihan nito ang lahat ng mga nangyare sa mga magulang nya noon. Kumain na rin naman muna sya habang nakkikinig sya sa kwento ni manang Lina tungkol sa kanyang nga magulang.Pinagpatuloy naman ni manang Lina ang kanyang apgkukwengo hanggang sa makatapos nga na kumain si Jenny. Alam nya rin kasi na gutom na ito dahil kanina pa itong umaga walang kain at nakita rin nga nya na nagtatalo ito at ang ama nito kanina."Mabuti naman at naubos mo na ang iyong pagkain hija. Kanina pa talaga ako nag aalala sa'yo dahil wala ka pa ngang kain at kanina pa rin talaga ako kumakatok dito sa'yo," sabi ni manang Lina habang inaayos na nya ang pinagkainan ng dalaga."Salamat po manang," sagot naman ni Jenny sa matanda. Matapos ayusin ng matanda ang pinagkainan ni Jenny ay sandali pa nga nyang hinarap ang dalaga at hinawakan pa nya ang kamay nito at mataman nya itong tinitigan sa
CHAPTER 398Pagkapasok ni Jenny sa kanyang silid ay agad na nga nyang inilock ang pinto ng kanyang kwarto saka sya dali daling sumubsob sa kanyang kama at saka sya tuluyan ng umiyak.Totoong sumama ang loob nya sa kanyang ama noong nalaman nya na may iba pala itong pamilya at mayroon pa itong mga anak doon. Ang mas lalong kinagagalit pa ngayon ni Jenny ay si Shiela pa na anak ng kanyang ama sa ibang babae ang nobya ni Rayver na gustong gusto naman nya.Matagal na kasi syang humaling na humaling kay Rayver. Pinilit naman nya na iwasan na nga ang binata kaso ay hinahanap hanap nya talaga ito kaya nga ng magkaroon sya ng pagkakataon ay hiniling na nga nya sa kanyang ama na ipagkasundo sya sa binata. Ayos na sana ang lahat kaso ay lumabas naman nga si Shiela na naging nobya na nga ni Rayver ngayon."Nakakainis. Bakit ba kasi sa kanya na lang napupunta ang mga taong mahahalaga sa akin. Una si Rayver ang taong mahal na mahal ko at ngayon naman si dad," sabi ni Jenny ng tumihaya na sya sa ka
CHAPTER 397Pagkagaling naman ni Joey sa opisina ni Rayver ay umuwi na muna sya upang kausapin si Jenny dahil hindi nga ito umuwi kagabi at tinawagan nga nya ang kanilang kasambahay ngayon upang itanong kung umuwi na ba ang kanyang anak at ang sabi nga nito ay kauuwi pa lamang ni Jenny kaya naman naisipan nya na puntahan na nga ito dahil baka hindi na naman nya ito maabutan mamayang gabi sa kanila.Madalas kasi na wala si Jenny sa kanilang bahay tuwing gabi na simula noong malaman nito na may iba ngang pamilya ang kanyang ama. Madalas ay nasa kaibigan nga ito nito o di kaya naman ay nasa bar nagpapalipas ng gabi kasama ang mga kaibigan.Hinayaan na lamang din naman ni Joey si Jenny dahil naiintindihan naman nya ang anak nya dahil nasasaktan din ito sa kaalaman na may mga kapatid pala ito sa ama. At isa pa sa dahilan nya ay talagang hirap nya ngang kontrolin si Jenny at aminado naman sya na kasalanan din nya dahil nga naspoiled nya ito.Pagkarating ni Joey sa kanilang bahay ay agad na