CHAPTER 6
Sa bahay naman nila Dave ay naghihintay sa kanya ang mga magulang nya na maka uwi siya."Finally umuwi ka rin," sabi ni Divina kay Dave nang makapasok eto sa bahay nila dahil kanina pa sila naghihintay ng asawa nya na umuwi eto."Dave let's talk. Follow me," sabi ni Clint at naglakad na eto papunta sa kanyang opisina sa loob din ng kanilang bahay. Nakasunod naman sa kanya ang kanyang asawa kaya sumunod na lang dinn si Dave sa magulang nya."Bakit po dad, mom? May problem po ba?" Tanong kaagad ni Dave sa kanyang mga magulang ng makapasok sila ng opisina ng kanyang ama."Umupo ka muna anak. May gusto sana kaming sabihin sa iyo," sabi ni Clint kay Dave.Umupo naman na muna si Dave at nagsalita. "Ako din po may gusto din po sana akong sabihin sa inyo."Nagkatinginan naman na muna ang mag asawa bago nagsalita. " Sige go ahead. What is it?" sabi ni Clint."Ahmmm. Mom, dad balak na po sana namin na magpakasal ni Trina," sagot ni Dave.Nanlaki naman ang mata ni Divina sa sinabi ni Dave. "NO" agad na sabi nya."Pero mom alam nyo naman na po na matagal na kami ni Trina and gusto na ni Trina na magpakasal kami. Kaya please sana naman po matanggap nyo na sya," sagot ni Dave."I said no Dave Lim. Hindi ka magpapakasal kay Trina. Kung ikakasal ka man ay kay Aira ka ikakasal at hindi sa Trina na yan. Alam mo naman na dati pa lang ay hindi ko na gusto ang ugali ni Trina pero pinilit mo pa rin yang gusto mo," galit na sagot ni Divina."Mom please. At bakit po ba si Aira ang pinipilit nyo sa akin?" sagot ni Dave."Watch your mouth Dave. Hindi ka namin pinalaki ng ganyan. Mommy mo ang kausap mo," saway ni Clint kay Dave."Sorry dad," nakayukong sagot ni Dave."We want you to marry Aira Savedra. Nakausap ko na ang mga magulang nya at kapag napapayag namin sila ay magpapakasal ka kay Aira whether you like it or not. Para yan sa ikabubuti mo Dave. At kung ayaw mong sumunod sa kagustuhan namin malaya kang makakaalis ng pamamahay na eto ng walang dala na kahit na ano. Kalimutan mo na rin na naging magulang mo kami," matapang na wika ni Clint sa anak.Napatulala naman si Dave sa sinabi ng kanyang ama. "What? D - dad please wag naman po sanang ganito," pagmamakaawa pa ni Dave."Para to sa ikabubuti mo Dave. Mapag aaralan mo ring mahalin si Aira kapag nagsasama na kayo sa iisang bahay," sabat na ni Divina.Tigagal na napatitig si Dave sa kanyang mga magulang. Di na rin sya nagtagal doon at umalis na rin sya sa opisina ng kanyang ama. Alam nya kasi na hindi sya mnanalo sa mga magulang nya. Mag aaway lamang sila kapag pinagpilitan pa rin nya ang gusto nyaPumasok naman na si Dave sa kanyang kwarto. Pabagsak nyang inihiga ang katawan nya sa kanyang kama.Iniisip nya ang mga sinabi ng kanyang mga magulang kanina. Alam nya naman na hindi sya ipapahamak ng mga magulang nya pero paano naman ang taong mahal nya. Paano naman sila ni Trina. Alam nyang masasaktan eto pero hindi naman nya kayang tiisin din ang kanyang mga magulang. At hindi nya kaya kung itatakwil sya ng mga eto. Mahal na mahal nya ang kanyang mga magulang higit na kanino man.Sa kakaisip ni Dave ay hindi na nya namalayan pa na nakatulog na sya.***********Pagkapasok naman ni Trina sa kanyang kwarto ay agad nyang isinubsob ang kanyang mukha sa kanyang unan at doon umiyak.Masama ang kanyang loob dahil sa mga sinabi sa kanya ng kanyang magulang. Hindi nya lubos maisip na ang pinakamamahal nyang si Dave ay ipapakasal sa ate Aira nya.Maya maya ay may kumatok sa pintuan ng kwarto ni Trina. Rinig naman nya iyon pero hindi sya nagsasalita."Trina pwede ba akong pumasok. Ako eto si ate Aira mo. Mag usap naman tayo please," sabi ni Aira na patuloy pa rin na kumakatok.Hindi naman nakatiis si Trina at bumangon na siya at pinunasan na muna ang kanyang luha bago pinagbuksan ang kanyang ate Aira.Bumuntong hininga naman na muna si Aira bago pumasok sa kwarto ng kapatid isinara na rin nya muna ang pinto ng kwarto neto."Trina i'm sorry," sabi ni Aira.Naupo naman na muna si Trina sa kanyang higaan at sumunod na rin ng ate nya."Bakit ka nag sosorry ate?" Tanong ni Trina."I'm sorry kasi hindi ko magawang suwayin sila mom at dad. Alam ko naman na mahal na mahal mo si Dave pero wala rin akong magawa eh," malungkot na sagot ni Trina."May magagawa ka ate. Humindi ka pwede mo naman yung gawin ah. Kung mahal mo ako hindi ka papayag na maikasal kay Dave. Please ate," umiiyak na sagot ni Trina."Mahal na mahal kita Trina at gusto kong maging masaya ka palage. Pero Trina kailangan ng tulong ng kumpanya natin. At tanging si tito Clint ang makakatulong sa atin," paliwanag ni Aira kay Trina."Kami na lang ang magpapakasal ni Dave. Bakit ikaw pa? Ako ang girlfriend ate at hindi ikaw," sabi pa ni Trina."I know. Kahit ako ay hindi ko alam kung bakit ako ang gusto nilang ipakasal kay Dave," sagot ni Aira.Natahimik naman silang magkapatid at patuloy pa rin sa pag iyak si Trina dahil hindi pa rin nya eto matanggap."Please Trina. Kahit ngayon lang pagbigyan mo naman sana sila mom at dad. Please," pakiusap pa ni Aira sa kanyang kapatid."Hindi ko kaya ate. Mahal na mahal ko si Dave," umiiyak na sagot ni Trina. Yinakap naman sya ng ate Aira nya.Naaawa si Aira sa kanyang kapatid dahil alam nya kung gaano neto kamahal si Dave. Alam nyang masakit para rito na malaman na ikakasal sa iba ang kanyang nobyo ang malala pa ay sa kanya na sarili netong kapatid ikakasal ang nobyo neto.CHAPTER 7Kinabukasan naman naman ay kinausap na ni Ramon si Clint para maset na nila kung kelan sila mag uusap usap para pagplanuhan na ang gaganaping kasal sa pagitan nila Dave at Aira.At napag usapan nila na sa susunod na araw na lamang nila gawin iyon dahil may mga meeting pa na kailangang puntahan si Clint."Sana ay tama ang maging desisyon natin na eto Ramon," sabi ni Cheska sa kanyang asawa matapos netong makipag usap kay Clint sa telepono.Napabuntong hininga naman si Ramon bago nagsalita. "Sana nga at sana rin ay maintindihan tayo ng anak natin na si Trina sa naging desisyon natin."Naalala naman bigla ni Ramon nung araw na nag usap sila ni Clint para tulungan siya sa kanyang kumpanya.FLASHBACKMatapos malaman ni Clint na nagkakaproblema ang kumpanya ng kaibigan nyang si Ramon ay agad nya etong tinawagan. "Hello Ramon. Kumusta?" sabi ni Clint."Heto at namomroblema sa aming kumpanya. Ikaw kumusta ka naman?" Sagot ni Ramon."Narinig ko nga ang tungkol sa nangyare sa kumpany
CHAPTER 8Naghahanda na ngayon sila Ramon at Cheska pati na rin si Aira para pumunta sa isang restaurant para doon pag usapan ang magiging plano para sa kasal nila Dave at Aira.Nakabihis na si Aira at napadaan sya sa may harapan ng kwarto ni Trina. Napalingon sya rito. Gusto nya sana etong imbitahan na sumama sa kanila pero alam nya na lalo lamang sasama ang loob neto. Bumuntong hininga na lamang siya at saka nagpatuloy sa pagbaba sa hagdanan."Ready ka na ba hija?" tanong ni Ramon kay Aira ng makasakay na sila ng sasakyan. Nsa backseat si Aira at ang ama nya ang magdadrive ng sasakyan at nasa unahan din ang kanyang ina."Yes dad," maikling sagot ni Aira."Pasensya ka na ulet anak," sabi ni Ramon kay Aira at tanging pagtango lamang ang naisagot ni Aira sa ama. Umalis na rin naman sila at tahimik lamang sila buong byahe nila papaunta sa restaurant.Pagkarating nila sa restaurant ay naabutan na nila doon ang pamilya ni Clint na nakaupo na sa isang table kaya lumapit na rin sila sa mga
CHAPTER 9Pagkarating sa bahay nila Dave ay hinarap nya ang kanyang mga magulang. Gusto nya ulit etong kausapin dahil baka magbago pa ang isip ng mga eto."Mom, dad hindi na po ba talaga kayo mapipigilan sa gusto nyong mangyare?" tanong ni Dave sa mga magulang nya."Anak napag usapan na natin eto diba. Magpapakasal ka kay Aira," sagot ni Divina."Pero mom pano naman po kami ni Trina. Sya po ang girlfriend ko at nagmamahalan po kami. Sana naman po ay maintindihan nyo ako," sagot ni Dave. Sa totoo lang ay nahihirapan na talaga si Dave dahil parehas na mahalaga sa kanya ang mga eto. Hindi nya kayang suwayin ang mga magulang nya pero mahal din naman nya si Trina."Tsk. Para eto sa kabutihan mo Dave. Hindi magandamg ehemplo yang si Trina sayo. Tingnan mo nga at nagagawa mo na kaming suwayin minsan ng daddy mo dahil lamang sa kanya," sagot ni Divina."But mom–" hindi na natapos ni Dave ang sasabihin ng sumabat na ang kanyang ama."No more but's Dave. Ilang beses na namin eto sinabi at ipina
CHAPTER 10Kinabukasan naman ay nagulat si Aira ng bigla syang tawagin ng kanilang kasambahay dahil may bisita raw siya. Agad naman siyang bumaba upang makita kung sino ba ang kanyang bisita.Ganon na lamang ang pagkagulat nya ng makita nya ang mommy ni Dave na andoon sa kanilang bahay at hinihintay sya."Tita---" naudlot ang sasabihin ni Aira ng magsalita na si Divina."Hey. Diba sabi ko sayo ay wag mo na akong tatawagin na tita. Mommy, mommy Divina na dapat ang itawag mo sa akin," pagpuputol ni Divina sa sasabihin ni Aira."I'm sorry po mommy Divina," hinging tawad ni Aira sa ginang dahil nakalimutan nya na tawagin etong mommy dahil hindi pa nanman sya sanay at naiilang pa rin siya"It's okay darling. By the way busy ka ba ngayon?" Nakangiting tanong ni Divina kay Aira."Hindi naman po mommy Divina. Wala naman po akong ginagawa mommy. Bakit po?" sagot ni Aira. Lumapit na sya sa ginang upang makipag beso."Good. Pinuntahan talaga kita rito para ayain ka sanang mag mall," sagot ni Div
CHAPTER 11Nang makalayo na ang sasakyan ng mommy Divina nya ay pumasok na rin naman si Aira sa loob ng kanilang bahay."Mukhang nag enjoy ka kasama ang soon to be mother in law mo ah," nang uuyam na sabi ni Trina kay Aira ng pumasok eto sa loob ng knilang bahay.Napatingin naman si Aira sa kanyang kapatid ng bigla etong nagsalita. Tiningnan nya lamang eto at lalampasan na lamang nya sana upang makaiwas dito ngunit nagsalita ulet eto."Masaya bang makasama sa pamamasyal ang mother in law mo? Mukhang nag enjoy ka sa pagsho shopping nyo ah," iirap irap na sabi ni Trina kay Aira."Will you please stop Trina. Pwede bang tigil tigilan mo ako sa pagmamaldita mo. Kita mo naman na sinundo nya ako rito kanina," sagot ni Aira."Tsk. At nag enjoy ka naman. Pwede ka namang humindi ate pero hindi mo ginawa kasi nag eenjoy ka na," sagot ni Trina.Napapapikit na lamang ng mariin si Aira dahil nagpipigil sya na makapagsalita sa kanyang kapatid dahil baka kung ano pa ang masabi nya rito at mapatulan n
CHAPTER 12Kinabukasan noon ay nagkita naman sila Trina at Dave. Ngayon na lamang ulet sila nagkita simula ng malaman nila ang tungkol sa plano na ipakasal si Aira kay Dave."Hi babe," sabi agad ni Trina at sinalubong na nya ng yakap si Dave na bagong dating lamang. Nasa isang park sila ngayon at doon nila napag pasyahang magkita."Babe," sabi rin ni Dave at gumanti na rin siya ng yakap kay Trina."Namiss kita babe," sabi ni Trina."Namiss din kita babe," sagot naman ni Dave at kumalas na eto pagkakayakap kay Trina at hinalikan nya eto sa labi. Matamis naman na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Trina dahil sa ginawang paghalik sa kanya ni Dave. Namiss nya ng sobra ang kanyang boyfriend. Akala nya ay hindi na nya eto ulet makakasama ng ganito na sila lamang na dalawa. Naupo naman na sila ni Dave sa gilid lamang ng park."Babe i'm sorry kung hindi ko nasabi sa iyo kaagad ang tungkol sa plano nila mommy," sabi ni Dave kay Trina ng makaupo na sila. Napatingin naman si Trina kay Dave."Ala
CHAPTER 13Mabilis naman na lumipas ang mga araw. Naghahanda na sila sa nalalapit na araw ng kasal nila Dave at Aira.Sa mga nakalipas na araw ay nanatiling malamig ang pakikitungo ni Trina sa pamilya nya. Naiintindihan naman nila iyon lalong lalo na si Aira dahil alam nyang masakit para kay Trina ang mga nangyayare.Isang linggo na lamang at araw na ng kasal nila Dave at Aira. Madalas na silang magkasama na dalawa dahil may mga kailangan silang asikasuhin na kailangan silang dalawa. Kagaya ngayon ay kukunin na nila ang kanilang mga damit pangkasal kaya magkasama sila ngayon. "Aira," sabi ni Dave ng makasakay na sila sa kotse. Napalingon naman sa kanya si Aira."Bakit?" tanong naman ni Aira kay Dave.Huminga muna ng malalim si Dave bago nagsalita. "Aira alam mo naman siguro na mahal ko pa rin si Trina---" hindi natapos ni Dave ang sasabihin nya ng magsalita si Aira."Kung magpapatuloy man ang relasyon nyo ni Trina ay wala naman akong pakialam doon. Pero sana ay maging maingat kayo ng
CHAPTER 14WEDDING DAYNasa isang hotel ngayon sila Aira at inaayusan na sya ng make up artist dahil ngayon na ang araw ng kasal nila ni Dave. Nandoon din ang kanyang mga magulang pati na rin si Trina. Ayaw sana netong sumama pero wala na etong magawa ng sapilitan na syang isinama ng kanyang mga magulang.Tapos ng ayusan si Aira at kinukuhaan na lamang siya ng mga litrato. Pagkatapos non ay pumasok na sa room ni Aira ang kanyang mga magulang."Aira anak," sabi ni Cheska kay Aira. Napalingon naman si Aira sa nagsalita at nakita nya ang mga magulang nya. Nginitian nya naman ang mga eto."Napakaganda mo anak," nakangiting sabi ni Cheska ng makalapit eto kay Aira. Tipid naman na nginitian ni Aira ang kanyang mommy Cheska."Thank you mom," sabi ni Aira sa kanyang ina. "Pasensya ka na ulet anak at humantong tayo sa ganitong sitwasyon. Hindi ko akalain na mangyayare eto sa pamilya natin," malungkot na sabi ni Ramon kay Aira."Dad, okay lang naman po ako. Wag na po kayong mag alala sa akin.