CHAPTER 5
Nang gabi na iyon ay inabangan na ng mag asawang Ramon at Cheska ang anak nila na si Trina na maka uwi. Kailangan na kasi din nila etong maka usap para ipaliwanag ang sitwasyon ng kumpanya nila.Pagkapasok ni Trina ng kanilang bahay ay agad nyang nakita ang kanyang ina na nasa sala habang nanonood ng TV."Hi mom," bati ni Trina sa ina ng makalapit sya dito at humalik sa pisngi ng ina."O andyan ka na pala Trina. San ka ba nanggagaling ha? Kagabi hindi ka rin umuwi," malumanay na sabi ni Cheska sa anak."Sorry mom kung hindi po ako nakapagpa alam sa inyo kagabe. Pumunta lang po ako kay Karen kagabe at dun na rin po ako natulog. Kanina naman po ay namasyal naman po kami ni Dave," sagot ni Trina."Ah ganon ba. Trina anak gusto ka sana namin maka usap ng daddy mo," sabi ni Cheska."Tungkol po saan mom?" tanong ni Trina."Halika dun tayo sa library ng daddy mo. Kanina ka pa rin nya hinihintay," sagot ni Cheska at iginiya pa nya si Trina papunta sa library ng kanilang bahay kung saan may opisina din doon ang kanyang asawa.Nagpatianod naman si Trina sa kanyang ina. At nang makapasok na sila sa library ay nakita nya kaagad ang kanyang ama na nagbabasa doon ng mga papeles."Hi dad," bati ni Trina sa ama at lumapit din sya rito upang humalik sa pisngi neto."O Trina mabuti naman at nakauwi ka na. Kanina ka pa namin hinihintay," sagot ni Ramon.Umupo naman na muna si Trina sa sofa bago nagsalita. "Tungkol po ba saan ang sasabihin nyo sa akin ni mommy? Bakit parang seryosong seryoso po yata kayo."Tiningnan muna ni Ramon ang kanyang asawa at ng tumango eto ay huminga muna sya ng malalim. "Trina anak ano kasi... Nagkakaproblema kasi ang kumpanya natin dahil nag aalisan na ang iba nating mga investors at maaaring magsara ang ating kumpanya ng dahil doon."Nagtataka naman na nakatingin si Trina sa kanyang mga magulang. Nagtataka sya kung bakit kailangan pa etong sabihin sa kanya ng mga eto gayong hindi naman sya nagtatrabaho sa kanilang kumpanya."Ano naman pong kinalaman ko sa kumpanya?" tanong ni Trina."Anak maaari kasi tayong tulungan ng tito Clint mo," sabi pa ni Ramon."Si tito Clint ang daddy ni Dave?" Tanong ni Trina."Yes anak. At may hinihingi silang kapalit sa pagtulong nila sa ating kumpanya," sagot pa ni Ramon."At ano naman pong kapalit?"Bumuntong hininga muna si Ramon dahil nahihirapan syang sabihin kay Trina ang tungkol dito dahil alam na din nya ang ugali ng anak nya at alam nyang tututol eto."Anak gusto nila na maikasal si Dave sa ate Aira mo," diretsahang sagot ni Ramon.Napa awang naman ang labi ni Trina sa pagkagulat. "What? Ano pong sabi nyo si ate Aira ipapakasal kay Dave? No way.""Anak pasensya ka na. Kailangan nating ibigay ang gusto nila para tulungan nila na makaahon ulet ang ating kumpanya," sabi pa ni Ramon."No dad. Hindi ako makapapayag. Boyfriend ko si Dave at nagmamahalan kami tapos ipapakasal nyo sya kay ate Aira," galit na sigaw na ni Trina sa kanyamg magulang."Trina please kahit ngayon lang kami naman ang pagbigyan mo," sabat na ni Cheska sa kanyang mag ama."Mom sana intindihin nyo rin po ako. Ako ang girlfriend ni Dave dapat kami ang ikakasal at hindi si ate Aira," umiiyak na na sagot ni Trina."Sorry anak. Wala na kaming ibang choice kundi ang ibigay ang gusto nila. Saka sila mismo ang humiling na ang ate Aira mo ang maikasal kay Dave. Please anak sana maintindihan mo naman kami," paliwanag pa ni Ramon."Pero paano naman po ako. Mahal na mahal ko si Dave. Hindi ko sya kayang bitawan ng ganon ganon na lang kadali. Bakit si ate Aira? Bakit hindi na lang ako?" sagot pa ni Trina na patuloy pa rin na umiiyak.Habang nag uusap naman sila ay dumating na din si Aira sa library. Kanina pa dapat sya doon kasama ng kanyang mga magulang kaso ay naka idlip sya.Pagkapasok ni Aira sa library ay agad nabaling ang tingin sa kanya nila Trina."Ate please wag kang pumayag. Please alam mo naman kung gaano ko kamahal si Dave diba. Please ate," pagmamakaawa ni Trina sa kanyang ate Aira."Sorry Trina. Kahit ako ay wala rin akong magawa kundi ang sumunod na lang din sa gusto nila. We have no choice Trina. Kailangan ng tulong ng kumpanya mula sa pamilya nila Dave," naiiyak na rin na sagot ni Aira sa kapatid."Please Trina kahit ngayon lang sana maintindihan mo naman kami. Kahit ngayon lang anak kami naman ang pagbigyan mo," sabat na rin ni Cheska."No mom. Ayoko hindi ako makapapayag na paghiwalayin nyo kami ni Dave. Kami ang magpapakasal ni Dave at hindi si ate Aira," matapang na sagot ni Trina at dali dali na etong lumabas ng library at dumiretso sa kanyang kwarto.Napabuntong hininga naman si Ramon dahil sa nangyare. Kahit sya ay nahihirapan din naman sa sitwasyon nila ngayon. Ayaw nyang magkagalit ang kanyang mga anak. Kung hindi lang talaga kailangan ng kumpanya ang tulong mula kay Clint ay hindi naman nya pakikialaman ang buhay pag ibig ng kanyang mga anak. Ngunit wala syang magawa ngayon kundi ang kumapit sa patalim kailangan nyang ibigay ang gusto nila Clint alang alang sa kanilang kumpanya dahil hindi lang naman ang pamilya nya ang maaapektuhan oras na magsara ang kanyang kumpanya kundi pati na rin ang marami pa nyang mga empleyado."Pano na po yan mom, dad?" malungkot na tanong ni Aira sa kanyang mga magulang."Hayaan mo at kakausapin ko na lang ulet si Trina. Paliliwanagan ko sya ng maayos para maintindihan nya ang sitwasyon natin ngayon," sagot ni Cheska."Sige na anak. Magpahinga ka na muna. Kami na ang bahala ng mommy mo. Basta ihanda mo na lang ang sarili mo dahil gaya ng sabi ko sayo anomang oras ay makikipag usap na ulet tayo sa pamilya ng tito Clint mo para masettle na natin ang kasal nyo ni Dave," sagot ni Ramon.Tumango tango naman si Aira bago lumabas ng library at dumeretso na sa kanyang kwarto. Mabigat man sa loob nya na sundin ang gustong mangyari ng mga magulang ni Dave ay wala na rin naman syang magagawa.CHAPTER 6Sa bahay naman nila Dave ay naghihintay sa kanya ang mga magulang nya na maka uwi siya. "Finally umuwi ka rin," sabi ni Divina kay Dave nang makapasok eto sa bahay nila dahil kanina pa sila naghihintay ng asawa nya na umuwi eto."Dave let's talk. Follow me," sabi ni Clint at naglakad na eto papunta sa kanyang opisina sa loob din ng kanilang bahay. Nakasunod naman sa kanya ang kanyang asawa kaya sumunod na lang dinn si Dave sa magulang nya."Bakit po dad, mom? May problem po ba?" Tanong kaagad ni Dave sa kanyang mga magulang ng makapasok sila ng opisina ng kanyang ama."Umupo ka muna anak. May gusto sana kaming sabihin sa iyo," sabi ni Clint kay Dave.Umupo naman na muna si Dave at nagsalita. "Ako din po may gusto din po sana akong sabihin sa inyo."Nagkatinginan naman na muna ang mag asawa bago nagsalita. " Sige go ahead. What is it?" sabi ni Clint."Ahmmm. Mom, dad balak na po sana namin na magpakasal ni Trina," sagot ni Dave.Nanlaki naman ang mata ni Divina sa sinabi ni
CHAPTER 7Kinabukasan naman naman ay kinausap na ni Ramon si Clint para maset na nila kung kelan sila mag uusap usap para pagplanuhan na ang gaganaping kasal sa pagitan nila Dave at Aira.At napag usapan nila na sa susunod na araw na lamang nila gawin iyon dahil may mga meeting pa na kailangang puntahan si Clint."Sana ay tama ang maging desisyon natin na eto Ramon," sabi ni Cheska sa kanyang asawa matapos netong makipag usap kay Clint sa telepono.Napabuntong hininga naman si Ramon bago nagsalita. "Sana nga at sana rin ay maintindihan tayo ng anak natin na si Trina sa naging desisyon natin."Naalala naman bigla ni Ramon nung araw na nag usap sila ni Clint para tulungan siya sa kanyang kumpanya.FLASHBACKMatapos malaman ni Clint na nagkakaproblema ang kumpanya ng kaibigan nyang si Ramon ay agad nya etong tinawagan. "Hello Ramon. Kumusta?" sabi ni Clint."Heto at namomroblema sa aming kumpanya. Ikaw kumusta ka naman?" Sagot ni Ramon."Narinig ko nga ang tungkol sa nangyare sa kumpany
CHAPTER 8Naghahanda na ngayon sila Ramon at Cheska pati na rin si Aira para pumunta sa isang restaurant para doon pag usapan ang magiging plano para sa kasal nila Dave at Aira.Nakabihis na si Aira at napadaan sya sa may harapan ng kwarto ni Trina. Napalingon sya rito. Gusto nya sana etong imbitahan na sumama sa kanila pero alam nya na lalo lamang sasama ang loob neto. Bumuntong hininga na lamang siya at saka nagpatuloy sa pagbaba sa hagdanan."Ready ka na ba hija?" tanong ni Ramon kay Aira ng makasakay na sila ng sasakyan. Nsa backseat si Aira at ang ama nya ang magdadrive ng sasakyan at nasa unahan din ang kanyang ina."Yes dad," maikling sagot ni Aira."Pasensya ka na ulet anak," sabi ni Ramon kay Aira at tanging pagtango lamang ang naisagot ni Aira sa ama. Umalis na rin naman sila at tahimik lamang sila buong byahe nila papaunta sa restaurant.Pagkarating nila sa restaurant ay naabutan na nila doon ang pamilya ni Clint na nakaupo na sa isang table kaya lumapit na rin sila sa mga
CHAPTER 9Pagkarating sa bahay nila Dave ay hinarap nya ang kanyang mga magulang. Gusto nya ulit etong kausapin dahil baka magbago pa ang isip ng mga eto."Mom, dad hindi na po ba talaga kayo mapipigilan sa gusto nyong mangyare?" tanong ni Dave sa mga magulang nya."Anak napag usapan na natin eto diba. Magpapakasal ka kay Aira," sagot ni Divina."Pero mom pano naman po kami ni Trina. Sya po ang girlfriend ko at nagmamahalan po kami. Sana naman po ay maintindihan nyo ako," sagot ni Dave. Sa totoo lang ay nahihirapan na talaga si Dave dahil parehas na mahalaga sa kanya ang mga eto. Hindi nya kayang suwayin ang mga magulang nya pero mahal din naman nya si Trina."Tsk. Para eto sa kabutihan mo Dave. Hindi magandamg ehemplo yang si Trina sayo. Tingnan mo nga at nagagawa mo na kaming suwayin minsan ng daddy mo dahil lamang sa kanya," sagot ni Divina."But mom–" hindi na natapos ni Dave ang sasabihin ng sumabat na ang kanyang ama."No more but's Dave. Ilang beses na namin eto sinabi at ipina
CHAPTER 10Kinabukasan naman ay nagulat si Aira ng bigla syang tawagin ng kanilang kasambahay dahil may bisita raw siya. Agad naman siyang bumaba upang makita kung sino ba ang kanyang bisita.Ganon na lamang ang pagkagulat nya ng makita nya ang mommy ni Dave na andoon sa kanilang bahay at hinihintay sya."Tita---" naudlot ang sasabihin ni Aira ng magsalita na si Divina."Hey. Diba sabi ko sayo ay wag mo na akong tatawagin na tita. Mommy, mommy Divina na dapat ang itawag mo sa akin," pagpuputol ni Divina sa sasabihin ni Aira."I'm sorry po mommy Divina," hinging tawad ni Aira sa ginang dahil nakalimutan nya na tawagin etong mommy dahil hindi pa nanman sya sanay at naiilang pa rin siya"It's okay darling. By the way busy ka ba ngayon?" Nakangiting tanong ni Divina kay Aira."Hindi naman po mommy Divina. Wala naman po akong ginagawa mommy. Bakit po?" sagot ni Aira. Lumapit na sya sa ginang upang makipag beso."Good. Pinuntahan talaga kita rito para ayain ka sanang mag mall," sagot ni Div
CHAPTER 11Nang makalayo na ang sasakyan ng mommy Divina nya ay pumasok na rin naman si Aira sa loob ng kanilang bahay."Mukhang nag enjoy ka kasama ang soon to be mother in law mo ah," nang uuyam na sabi ni Trina kay Aira ng pumasok eto sa loob ng knilang bahay.Napatingin naman si Aira sa kanyang kapatid ng bigla etong nagsalita. Tiningnan nya lamang eto at lalampasan na lamang nya sana upang makaiwas dito ngunit nagsalita ulet eto."Masaya bang makasama sa pamamasyal ang mother in law mo? Mukhang nag enjoy ka sa pagsho shopping nyo ah," iirap irap na sabi ni Trina kay Aira."Will you please stop Trina. Pwede bang tigil tigilan mo ako sa pagmamaldita mo. Kita mo naman na sinundo nya ako rito kanina," sagot ni Aira."Tsk. At nag enjoy ka naman. Pwede ka namang humindi ate pero hindi mo ginawa kasi nag eenjoy ka na," sagot ni Trina.Napapapikit na lamang ng mariin si Aira dahil nagpipigil sya na makapagsalita sa kanyang kapatid dahil baka kung ano pa ang masabi nya rito at mapatulan n
CHAPTER 12Kinabukasan noon ay nagkita naman sila Trina at Dave. Ngayon na lamang ulet sila nagkita simula ng malaman nila ang tungkol sa plano na ipakasal si Aira kay Dave."Hi babe," sabi agad ni Trina at sinalubong na nya ng yakap si Dave na bagong dating lamang. Nasa isang park sila ngayon at doon nila napag pasyahang magkita."Babe," sabi rin ni Dave at gumanti na rin siya ng yakap kay Trina."Namiss kita babe," sabi ni Trina."Namiss din kita babe," sagot naman ni Dave at kumalas na eto pagkakayakap kay Trina at hinalikan nya eto sa labi. Matamis naman na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Trina dahil sa ginawang paghalik sa kanya ni Dave. Namiss nya ng sobra ang kanyang boyfriend. Akala nya ay hindi na nya eto ulet makakasama ng ganito na sila lamang na dalawa. Naupo naman na sila ni Dave sa gilid lamang ng park."Babe i'm sorry kung hindi ko nasabi sa iyo kaagad ang tungkol sa plano nila mommy," sabi ni Dave kay Trina ng makaupo na sila. Napatingin naman si Trina kay Dave."Ala
CHAPTER 13Mabilis naman na lumipas ang mga araw. Naghahanda na sila sa nalalapit na araw ng kasal nila Dave at Aira.Sa mga nakalipas na araw ay nanatiling malamig ang pakikitungo ni Trina sa pamilya nya. Naiintindihan naman nila iyon lalong lalo na si Aira dahil alam nyang masakit para kay Trina ang mga nangyayare.Isang linggo na lamang at araw na ng kasal nila Dave at Aira. Madalas na silang magkasama na dalawa dahil may mga kailangan silang asikasuhin na kailangan silang dalawa. Kagaya ngayon ay kukunin na nila ang kanilang mga damit pangkasal kaya magkasama sila ngayon. "Aira," sabi ni Dave ng makasakay na sila sa kotse. Napalingon naman sa kanya si Aira."Bakit?" tanong naman ni Aira kay Dave.Huminga muna ng malalim si Dave bago nagsalita. "Aira alam mo naman siguro na mahal ko pa rin si Trina---" hindi natapos ni Dave ang sasabihin nya ng magsalita si Aira."Kung magpapatuloy man ang relasyon nyo ni Trina ay wala naman akong pakialam doon. Pero sana ay maging maingat kayo ng
CHAPTER 470"Yayakap lang e. May problema ba dun?" nakanguso pa na sagot ni Amara at pilit nyang pinipigilan na mahalata sya ni Dylan dahil ang totoo ay gusto na nya talagang maiyak ngayon pa lang sa isipin na ito na ang huling beses na mayayakap nya si Dylan dahil pagkatapos nga nito ay papayag na sya sa gustong mangyare ng kanyang mga magulang.Bumuntong hininga na nga lamang si Dylan at saka sya napapailing na lamang dahil sa kakulitan ng kangyang kaibigan. Hindi naman na nagsalita pa si Dyla at ibinuka na lamang nya ang kanyang braso upang pagbigyan si Amara.Ngiting ngiti naman si Amara na agad na yumakap kay Dylan at habang yakap nya nga ito ng mahigpit ay hindi na nga nya napigilan ang pagpatak ng kanyang luha pero agad din naman nya iyong pinunasan."Dylan mamimiss kita," mahinang sabi ni Amara habang yakap yakap pa rin nya si Dylan.Napakunot naman ang noo ni Dylan dahil malinaw na malinaw nga nyang narinig ang sinabi ni Amara kahit na mahina nga lamang iyon."Ha? Bakit mo na
CHAPTER 469Parang bigla namang nakunsenya si Dylan dahil sa inaasta ni Amara ngayon sa kanya. Mahalaga pa rin naman sa kanya ang dalaga pero hindi naman kasi pupwede na palagi na lamang silang magkabuntot na dalawa."Masasanay ka rin naman. Sadyang kailangan ko lamang talaga na mag focus sa kumpanya namin. At ikaw maaari mo ring gawin ang mga gusto mong gawin na hindi ako kasama. Magkikita at magkikita pa rin naman tayo pero hindi na nga lang kagaya ng dati," sabi ni Dylan kay AmaraDahan dahan naman na tumango si Amara at saka sya nag angat na ng kanyang ulo at pasimple pa nga nyang pinunasan ang luha na hindu na nya namalayan pa na tumulo na pala."Oo. Masasanay din naman ako na hindi ka palaging kasama. Galingan mo sa pagtatrabaho mo ha. Sana maging successful ka rin kagaya ng iyong ama at kapatid. Kapag nangyare yun ako ang unang una na magiging masaya para sa'yo," ilit ang ngiti na sabi ni Amara kay Dylan."Teka nga umiiyak ka ba?" tanong ni Dylan ng may makita dyang butil ng lu
CHAPTER 468Agad naman na dumiretso sila Dylan at Amara sa mall. Ngiting ngiti naman si Amara habang nakakapit sa braso ni Dylan habang sila ay naglalakad papasok sa loob ng mall. Dumiretso na nga rin muna sila sa isang kainan doon dahil kanina pa rin talaga hindi kumakain si Amara kaya nag aya na nga muna sya na kumain at agad naman iyong pinagbigyan ni Dylan.Pagkatapos nilang kumain na dalawa ay dumiretso naman na sila shop roon para makapamili na nga di Amara at nakasunod nga lamang si Dylan sa kanya gaya ng dati na nitong ginagawa sa tuwing nagpapasama si Amara sa kanya.Wala kasing magawa si Dylan noon kundi ang pagbigyan na lamang palagi si Amara kapag gusto nitong magpasama sa kanya dahil kapag hindi nya nga ito napapagbigyan ay ang tita Bianca nga nya ang tumatawag sa kanya para samahan nga ito. Pero ngayon ay mayroon na nga syang idadahilan dito dahil totoo naman na kailangan nyang mag focus sa kanilang kumpanya.Pagkatapos mamili ni Amara ay inaya naman na nya si Dylan sa i
CHAPTER 467Nasa ganoong senaryo nga sila ng bigla ngang bumukas ang pinto ng opisina ni Dylan at nagulat pa nga si Rayver sa nakita nya.Sumenyas naman si Dylan sa kanyang kuya Rayver na wag itong maingay kaya naman hindi na nagsalita pa si Rayver at saka nya dahan dahan na isinara ang pinto ng opisina ni Dylan.Naglakad naman na sila pareho papunta sa table ni Dylan at saka sila naupo na roon."Anong ginagawa ni Amara rito? Binabantayan ka ba nya?" nakangisi pa na tanong ni Rayver kay Dylan."Tsk. As usual kinukulit na naman ako ng isa na yan," naiiling pa na sagot ni Dylan sa kanyang kuya Rayver.Napalingon naman si Rayver sa gawi ni Amara na natutulog pa nga rin at saka sya napapailing na lamang talaga dahil mukhang tinamaan na ang dalaga sa kanyang kapatid."So ano ba talaga ang balak mo sa kanya?" tanong pa muli ni Rayver sa kanyang kapatid. "Alam mo wala ka pa naman yatang napupusuan na babae bakit hindi mo na lang pag aralan na mahalin si Amara. Tutal kilalang kilala mo naman
CHAPTER 466"Okay fine. Amara ayos lang naman ako rito sa aking bagong opisina. Please lang wag ka na muna mangulit ngayon dahil may mga kailangan pa akong tapusin na mga pinapagawa ni kuya Rayver sa akin," sagot ni Dylan kay Amara."E di tapusin mo na yan. Hindi naman ako makikialam sa mga ginagawa mo eh. Hihintayin na lamang kita na matapos sa mga ginagawa mo," nakangiti pa na sabi ni Amara at saka sya prenteng naupo na muli sa sofa roon.Nagulat naman si Dylan sa sinabi ni Amara dahil mukhang seryoso nga ito na hibintayin sya nito."Amara pwede ka naman ng umuwi at hindi mo na kailangan pang hintayin na matapos ako rito," sagot ni Dylan dito.Tumayo naman si Amara at saka sya lumapit kay Dylan. Nagpapungay pungay pa nga sya ng mata rito at tila ba nagpapacute pa sya kay Dylan.Napabuntong hininga naman si Dylan at napapailing na lamang talaga sya dahil alam na nya ang nga ganitong galawan ni Amara. Dahil kapag ganito ito ay may kailangan na naman ito sa kanya."Amara please may mga
CHAPTER 465 DYLAN & AMARAMakalipas nga ang ilang buwan matapos ang kasal nila Shiela at Rayver ay ngayon nga lamang muli pumasok ng opisina si Rayver dahil talagang sinulit nga nya ang honeymoon stage nila ni Shiela at ngayon nga ay nagdadalang tao na ito. Apat na buwan na nga itong buntis ngayon at talagang pinalipas muna ni Rayver ang first trimester ni Shiela dahil masyado nga itong maselan noon. Kaya ngayon na medyo ayos na nga ang pakiramdam nito ay pumasok naman na sya sa kanyang opisina dahil matagal tagal na nga rin syang nawala roon.Ngayong araw nga rin ay kailangan na nyang i-train si Dylan sa paghawak ng kumpanya dahil balak ng kanilang ama na ipahawak na kay Dylan ang isa pa nilang kumpanya."Dylan dito na muna ang pansamantala mong opisina. Siguro ay mahigit isang buwan ay kaya mo naman ng pamahalaan ang isang kumpanya ni dad," sabi ni Rayver sa kanyang bunsong kapatid habang naroon nga sila sa isang opisina sa loob ng kanyang kumpanya. Balak nya na doon na lamang m
CHAPTER 464 (SPECIAL CHAPTER) Napabuntong hininga naman si Shiela at saka sya dahan dahan na tumango kay Rayver. Matamis naman na nginitian ni Rayver si Shiela at saka nya ito kinintalan ng magaan na halik sa labi at saka nya ipinuwesto ang naghuhumindig nyang sh*ft sa perlas ni Shiela. Dahan dahan naman na ipinapasok ni Rayver ang kanyang sh*ft sa pagkababae ni Shiela at nahihirapan pa nga syang ipasok iyon dahil nga masikip pa iyon dahil ito nga ang unang beses na makikipags*x si Shiela. "Ahh. S-saglit lang. M-masakit mahal. Sandali lang," awat ni Shiela kay Rayver at bahagya pa nga itong itinulak. "Sa simula lang ito mahal. Mamaya ay mawawala na rin naman ang sakit kapag naipasok ko na ito," sagot ni Rayver. "M-masyado yatang malaki mahal. H-hindi yata kasya," seryoso pa na sabi ni Shiela. At bahagya naman na natawa si Rayver dahil sa sinabi ni Shiela kaya naman nahampas nga sya nito sa braso. "Kasyang kasya ito mahal. First time mo pa lang kasu kaya ganyan," sabi ni
CHAPTER 463 (SPECIAL CHAPTER)Napakurap kurap naman si Shiela dahil sa ginawang paghalik sa kanya ni Rayver at namalayan na lamang nga nya ang kanyang sarili na tinutugon na nga rin nya ang ginagawang paghalik ni Rayver sa kanya.Kinuha naman ni Rayver ang kamay ni Shiela at saka nya ito isinabit sa kanyang batok habang patuloy nyang hinahalikan ng mapusok si Shiela na tinutugon naman na rin nito. Habang ang kanyang kamay naman ay malayang naglalakbay sa katawan ni Shiela. Hindi naman na tumututol si Shiela sa ginagawa ni Rayver dahil wala na rin namang masama sa ginagawa nila dahil mag asawa naman na sila ngayon.Napadako naman ang kamay ni Rayver sa malusog na dibdib ni Shiela at impit na lamang na napaungol si Shiela ng alruin na nga ng kamay ni Rayver ang kanyang ut*ng.Nang maramdaman naman ni Rayver na hindi naman tumututol si Shiela sa kanyang ginagawa ay unti unti na nga nyang binitawan ang labi ni Shiela at pinababa pa nga nya ang paghalik nya sa leeg nito hanggang sa makarat
CHAPTER 462 (SPECIAL CHAPTER)Naging maayos naman ang buong byahe nila Shiela at Rayver. Halos matulog nga lamang silang dalawa buong byahe dahil na rin sa pagod dahil kagagaling pa nga lang nila sa kanilang kasal at deretso na nga sila kaagad sa airport para sa kanilang byahe papuntang Japan.Nang makalabas na nga ng eroplano sila Shiela at Rayver ay sumalubong naman sa kanila ang napakalamig na simoy ng hangin kaya naman napapakapit na lamang talaga si Shiela sa braso ni Rayver at mabuti na nga lamang talaga at nakajacket sila pero kahit nakajacket nga sila roon ay nanunuot naman talaga ang lamig ng klima roon sa kanilang katawan."Grabe ang lamig naman dito," nanginginig pa ang labi na sabi ni Shiela kay Rayver."Kaya nga. Mabuti na lamang talaga at nag jacket tayo pero mukhang hindi ito sapat at kailangan talaga nating bumili na ng mga jacket na gagamitin natin habang narito tayo," sagot naman ni Rayver kay Shiela.Agad naman na silang sumakay ng taxi para makapunta na nga sila s