CHAPTER 3
"Mom, ano 'yon? Nakakahiya!" pangaral ni Dave sa mommy nya nang makauwi sila ng mansyon.Pinandilatan sya ng mata ni Divina. "Nahihiya ka? Eh, sa pagpatol sa babaeng tulad ni Trina? Hindi ka nahihiya?" Galit na sagot ni Divina sa anak.Naihilamos na lang ni Dave ang dalawang kamay nya sa sa mukha nya sa sobrang inis. Ayaw kasi talagang tanggapin ng mommy nya ang desisyon nyang ituloy ang relasyon nila ni Trina."I told you, Dave. Hindi ko gusto ang babaeng 'yon, mas okay pa sa akin kung yung ate Aira nya ang makakatuluyan mo. Disente ang kapatid nya at pwede nating ipagyabang sa mga kamag-anak at kakilala natin. Ibang iba ang ugali ni Aira dyan sa kapatid nyang si Trina," pagbibida ni Divina."Mom please... I love Trina. Alam nyo naman po na matagal na din kaming may relasyon diba. Sana magustuhan nyo na din po sya para sa akin. Please mom tanggapin nyo na po si Trina," sagot ni Dave na mukhang nagpapaawa pa sa ina.Umiling iling naman sa kanya si Divina. "Binalaan na kita tungkol dyan Dave. Noon pa kita sinasabihan."Napaiwas na lang ng tingin si Dave sa kanyang ina dahil hindi lang sila magkakaintindihan na dalawa."So what do you want me to do, mom?" tanging tanong na lang ni Dave para matapos na ang usapan.Napairap lang si Divina. "Slow ka ba anak? Hindi mo makuha? Kailangan ba ulit ulitin ko pa sayo na ayaw ko kay Trina?" sarkastiko nitong sabi."Mom please," Sa totoo lang ay hindi na nya alam kung pano pa magpapaliwanag sa ina."No Dave, leave Trina, at si Aira ang ipalit mo sa kanya," kaswal na pagkakasabi ni Divina."What?" Parang nablangko si Dave sa ideyang 'yon.Inuutusan na nga sya ng mom nya na iwan si Trina tapos ang ipapalit pa talaga ay ang kapatid nyang si Aira?Nahihibang na ba ang mommy nya?"You're so ridiculous, mom," naiusal na lang ni Dave saka niya tinalikuran ang ina at pumunta sa kwarto nya.*********Samantala si Trina naman ay pinahatid ni Dave sa kanilang driver dahil hindi nya maiwan ang kanyang ina.Nang makababa na ng sasakyan nila Dave si Trina ay hindi eto kaagad pumasok sa kanilang bahay. Hinintay nyang makaalis ang sasakyan nila Dave saka siya ulet sumakay ng taxi. Balak ni Trina na pumunta muna sa kanyang matalik na kaibigan na si Karen.Naka ilang katok pa si Trina bago sya pinag buksan ni Karen ng pinto. Pupungas pungas pa nga eto at halatang kagigising lang."Ang tagal mo naman magbukas ng pinto. Tsk," iirap irap na sabi ni Trina sa kaibigan sabay pasok sa loob ng bahay ng kaibigan."Jusko ka naman Trina. Anong oras pa lang naman oh. Kasarapan pa ng tulog ko eh," sagot ni Karen."Mamaya ka na lang matulog ulet beshie," sagot ni Trina."Ano bang sadya mo at dis oras ng gabi ka kung pumunta rito? " Tanong pa ni Karen na naiinis na dahil naantala ng tulog nya."Hmmm. Wala lang. Ayoko pang umuwi sa bahay eh," sagot ni Trina."Tsk. Bat san ka ba galing at gabing gabi ka na? Bakit hindi ka na lang matulog sa inyo at nang iistorbo ka pa rito. Saka bakit ganyan ang itsura mo?" Tanong pa ni Karen ng mapansin na medyo magulo ng buhok ni Trina."Nagcelebrate kasi kami ni Dave ng anniversary namin. Five years na kami Karen," kinikilig pa na sabi ni Trina. "At sa tanong mo kung bakit ganito ang itsura ko well sinugod lang naman ako ni tita Divina kanina habang nagcecelebrate kami ni Dave," sagot ni Trina na iirap irap pa dahil sa inis."What? Sinugod ka ng mommy ni Dave? Pero bakit naman?" Gulat na tanong ni Karen sa kaibigan."Tsk. Alam mo naman yung mommy ni Dave ayaw na ayaw non sa akin," inis pa na sagot ni Trina."Magpaka bait ka kasi para magustuhan ka naman ng future mother in law mo. Dapat maging mabait ka sa kanya alam mo naman na mahal na mahal ni Dave ang mga magulang nya eh," mahabang sagot ni Karen."Tsk. Hindi naman nya naaapreciate ang effort ko. Nagpapaka bait naman ako sa harapan nya ah. Pero sya etong ayaw na ayaw sa akin. Maano ba naman na suportahan na lang nya ang relasyon namin ni Dave diba. Maging masaya na lang sana sya para sa amin ni Dave," sagot pa ni Trina."Tsk. Ewan ko sayo. Paano ba naman kasi magbabait baitan ka sa harapan ng mommy ni Dave tapos maya maya umaatake na naman yang pagiging m*****a mo. Pasalamat ka na lang talaga at mahal ka ng jowa mo at hindi ka iniiwan," sagot ni Karen."Of course mahal talaga namin ang isat isa. Magtatagal ba naman kami ng limang taon kung hindi diba!?" Proud pa na Sagot ni Trina."Tsk. Okay sabi mo eh. Pero payo ko lang sayo ha. Wag ka paka kampante magulang pa din yun ni Dave. Anytime kaya non na piliin ang magulang nya over you," sagot ni Karen.Napapa irap na lang si Trina sa mga sinasabi ni Karen. Alam kasi ni Trina na ayaw sa kanya ng mommy ni Dave noon pa man dahil sa ugali nya. E sa ano daw bang magagawa nya kung ganon talaga ang ugali nya. Ayaw naman nyang ipilit ang sarili nya dito dahil ang mahalaga lang sa kanya ay nagmamahalan sila ni Dave.CHAPTER 4Kinabukasan ay magkasama na naman sila Dave at Trina. Umuwi lang saglit si Trina sa kanilang bahay upang magpalit ng damit at umalis na din kaagad upang makipag kita ulet kay Dave. Obsess na obsess sya kay Dave at gusto nya ay palagi nya etong nakikita."Okay ka lang ba babe? Pasensya ka na sa nangyari kahapon ha," agad na sabi ni Dave kay Trina."Okay lang ako babe. Naiintindihan ko naman si tita Divina," sagot ni Trina. "Babe naisip ko lang kung magpakasal na kaya tayo. Nasa tamang edad naman na tayo babe saka matagal na din naman tayo diba," sabi pa ni Trina kay Dave. Nasa isang park sila ngayon at naglalakad lakad dahil yun ang gustong puntahan ni Trina.Nagulat naman si Dave sa sinabi ni Trina at napatigil sa paglalakad. "W - what?" "Let's get married babe. Bat hindi pa tayo magpakasal. Mahal naman natin ang isat isa. I want to spend the rest of my life with you Dave," malambing pa na Sabi ni Trina habang nakangiti kay Dave.Hindi naman kaagad maka imik si Dave sa sina
CHAPTER 5Nang gabi na iyon ay inabangan na ng mag asawang Ramon at Cheska ang anak nila na si Trina na maka uwi. Kailangan na kasi din nila etong maka usap para ipaliwanag ang sitwasyon ng kumpanya nila.Pagkapasok ni Trina ng kanilang bahay ay agad nyang nakita ang kanyang ina na nasa sala habang nanonood ng TV."Hi mom," bati ni Trina sa ina ng makalapit sya dito at humalik sa pisngi ng ina."O andyan ka na pala Trina. San ka ba nanggagaling ha? Kagabi hindi ka rin umuwi," malumanay na sabi ni Cheska sa anak."Sorry mom kung hindi po ako nakapagpa alam sa inyo kagabe. Pumunta lang po ako kay Karen kagabe at dun na rin po ako natulog. Kanina naman po ay namasyal naman po kami ni Dave," sagot ni Trina."Ah ganon ba. Trina anak gusto ka sana namin maka usap ng daddy mo," sabi ni Cheska."Tungkol po saan mom?" tanong ni Trina."Halika dun tayo sa library ng daddy mo. Kanina ka pa rin nya hinihintay," sagot ni Cheska at iginiya pa nya si Trina papunta sa library ng kanilang bahay kung s
CHAPTER 6Sa bahay naman nila Dave ay naghihintay sa kanya ang mga magulang nya na maka uwi siya. "Finally umuwi ka rin," sabi ni Divina kay Dave nang makapasok eto sa bahay nila dahil kanina pa sila naghihintay ng asawa nya na umuwi eto."Dave let's talk. Follow me," sabi ni Clint at naglakad na eto papunta sa kanyang opisina sa loob din ng kanilang bahay. Nakasunod naman sa kanya ang kanyang asawa kaya sumunod na lang dinn si Dave sa magulang nya."Bakit po dad, mom? May problem po ba?" Tanong kaagad ni Dave sa kanyang mga magulang ng makapasok sila ng opisina ng kanyang ama."Umupo ka muna anak. May gusto sana kaming sabihin sa iyo," sabi ni Clint kay Dave.Umupo naman na muna si Dave at nagsalita. "Ako din po may gusto din po sana akong sabihin sa inyo."Nagkatinginan naman na muna ang mag asawa bago nagsalita. " Sige go ahead. What is it?" sabi ni Clint."Ahmmm. Mom, dad balak na po sana namin na magpakasal ni Trina," sagot ni Dave.Nanlaki naman ang mata ni Divina sa sinabi ni
CHAPTER 7Kinabukasan naman naman ay kinausap na ni Ramon si Clint para maset na nila kung kelan sila mag uusap usap para pagplanuhan na ang gaganaping kasal sa pagitan nila Dave at Aira.At napag usapan nila na sa susunod na araw na lamang nila gawin iyon dahil may mga meeting pa na kailangang puntahan si Clint."Sana ay tama ang maging desisyon natin na eto Ramon," sabi ni Cheska sa kanyang asawa matapos netong makipag usap kay Clint sa telepono.Napabuntong hininga naman si Ramon bago nagsalita. "Sana nga at sana rin ay maintindihan tayo ng anak natin na si Trina sa naging desisyon natin."Naalala naman bigla ni Ramon nung araw na nag usap sila ni Clint para tulungan siya sa kanyang kumpanya.FLASHBACKMatapos malaman ni Clint na nagkakaproblema ang kumpanya ng kaibigan nyang si Ramon ay agad nya etong tinawagan. "Hello Ramon. Kumusta?" sabi ni Clint."Heto at namomroblema sa aming kumpanya. Ikaw kumusta ka naman?" Sagot ni Ramon."Narinig ko nga ang tungkol sa nangyare sa kumpany
CHAPTER 8Naghahanda na ngayon sila Ramon at Cheska pati na rin si Aira para pumunta sa isang restaurant para doon pag usapan ang magiging plano para sa kasal nila Dave at Aira.Nakabihis na si Aira at napadaan sya sa may harapan ng kwarto ni Trina. Napalingon sya rito. Gusto nya sana etong imbitahan na sumama sa kanila pero alam nya na lalo lamang sasama ang loob neto. Bumuntong hininga na lamang siya at saka nagpatuloy sa pagbaba sa hagdanan."Ready ka na ba hija?" tanong ni Ramon kay Aira ng makasakay na sila ng sasakyan. Nsa backseat si Aira at ang ama nya ang magdadrive ng sasakyan at nasa unahan din ang kanyang ina."Yes dad," maikling sagot ni Aira."Pasensya ka na ulet anak," sabi ni Ramon kay Aira at tanging pagtango lamang ang naisagot ni Aira sa ama. Umalis na rin naman sila at tahimik lamang sila buong byahe nila papaunta sa restaurant.Pagkarating nila sa restaurant ay naabutan na nila doon ang pamilya ni Clint na nakaupo na sa isang table kaya lumapit na rin sila sa mga
CHAPTER 9Pagkarating sa bahay nila Dave ay hinarap nya ang kanyang mga magulang. Gusto nya ulit etong kausapin dahil baka magbago pa ang isip ng mga eto."Mom, dad hindi na po ba talaga kayo mapipigilan sa gusto nyong mangyare?" tanong ni Dave sa mga magulang nya."Anak napag usapan na natin eto diba. Magpapakasal ka kay Aira," sagot ni Divina."Pero mom pano naman po kami ni Trina. Sya po ang girlfriend ko at nagmamahalan po kami. Sana naman po ay maintindihan nyo ako," sagot ni Dave. Sa totoo lang ay nahihirapan na talaga si Dave dahil parehas na mahalaga sa kanya ang mga eto. Hindi nya kayang suwayin ang mga magulang nya pero mahal din naman nya si Trina."Tsk. Para eto sa kabutihan mo Dave. Hindi magandamg ehemplo yang si Trina sayo. Tingnan mo nga at nagagawa mo na kaming suwayin minsan ng daddy mo dahil lamang sa kanya," sagot ni Divina."But mom–" hindi na natapos ni Dave ang sasabihin ng sumabat na ang kanyang ama."No more but's Dave. Ilang beses na namin eto sinabi at ipina
CHAPTER 10Kinabukasan naman ay nagulat si Aira ng bigla syang tawagin ng kanilang kasambahay dahil may bisita raw siya. Agad naman siyang bumaba upang makita kung sino ba ang kanyang bisita.Ganon na lamang ang pagkagulat nya ng makita nya ang mommy ni Dave na andoon sa kanilang bahay at hinihintay sya."Tita---" naudlot ang sasabihin ni Aira ng magsalita na si Divina."Hey. Diba sabi ko sayo ay wag mo na akong tatawagin na tita. Mommy, mommy Divina na dapat ang itawag mo sa akin," pagpuputol ni Divina sa sasabihin ni Aira."I'm sorry po mommy Divina," hinging tawad ni Aira sa ginang dahil nakalimutan nya na tawagin etong mommy dahil hindi pa nanman sya sanay at naiilang pa rin siya"It's okay darling. By the way busy ka ba ngayon?" Nakangiting tanong ni Divina kay Aira."Hindi naman po mommy Divina. Wala naman po akong ginagawa mommy. Bakit po?" sagot ni Aira. Lumapit na sya sa ginang upang makipag beso."Good. Pinuntahan talaga kita rito para ayain ka sanang mag mall," sagot ni Div
CHAPTER 11Nang makalayo na ang sasakyan ng mommy Divina nya ay pumasok na rin naman si Aira sa loob ng kanilang bahay."Mukhang nag enjoy ka kasama ang soon to be mother in law mo ah," nang uuyam na sabi ni Trina kay Aira ng pumasok eto sa loob ng knilang bahay.Napatingin naman si Aira sa kanyang kapatid ng bigla etong nagsalita. Tiningnan nya lamang eto at lalampasan na lamang nya sana upang makaiwas dito ngunit nagsalita ulet eto."Masaya bang makasama sa pamamasyal ang mother in law mo? Mukhang nag enjoy ka sa pagsho shopping nyo ah," iirap irap na sabi ni Trina kay Aira."Will you please stop Trina. Pwede bang tigil tigilan mo ako sa pagmamaldita mo. Kita mo naman na sinundo nya ako rito kanina," sagot ni Aira."Tsk. At nag enjoy ka naman. Pwede ka namang humindi ate pero hindi mo ginawa kasi nag eenjoy ka na," sagot ni Trina.Napapapikit na lamang ng mariin si Aira dahil nagpipigil sya na makapagsalita sa kanyang kapatid dahil baka kung ano pa ang masabi nya rito at mapatulan n
CHAPTER 543Pumasok namam na ang nga photographer atinayos na nga muna nila ang lugar kung saan kukuhaan ng larawan si Amara at pati na rin ang pamilya nito.Pumasok na rin nga muna ang nga make up artist ni Amara para ire-touch ang kanyang make up para na rin makapagsimula na nga ang mga ito na kuhaan ng litrato.Maya maya nga ay nagsimula naman na nga na kuhaan ng larawan si Amara at una nga muna ay puro nga solo muna sya at pagkatapos noon ay kasama naman nya ang kanyang mga magulang at kasunod ay sila ng buong pamilya.Pagkatapos nilang kuhaan ng mga litrato ay sandali pa nga muna silang nanatili sa silid na iyon dahil maaga pa naman at halos nasa labas nga lang din ng hotel ang venue ng kanilang beach wedding.************Sa silid naman ni Dylan ay halos hindi rin naman sya nakatulog magdamag. Dahil na rin siguro sa excited na sya para sa kasal nila ni Amara at dahil na rin siguro sa namimiss na nga nya ito talaga.At dahil nga hindi naman na sya makatulog pa at umaga na rin nam
CHAPTER 542"Mommy wag kang iiyak. Masasayang ang make up mo nyan," agad na sabi ni Amara sa kanyang ina ng mapansin nga niya na naluluha na nga ito habang nakatingin sa kanya.Bahagya naman na natawa si Bianca dahil sa sinabi na iyon ni Amara at napatingin na nga rin sa kanya sila Gino at Amanda."Pasensya ka na anak. Hindi ko lamang talaga kayang pigilan dahil parang hindi pa rin talaga ako makapaniwala na ikakasal ka na. Parang kelan lang ay karga karga ka pa namin ng daddy mo at heto ka ngayon at mag aasawa ka na talaga," sabi ni Bianca at hindi na nga niya talaga napigilan ang kanyang mga luha.Hindi naman nakapagsalita si Amara at pigil nga nita ang kanyang sarili na wag maluha kahit na ang totoo ay gusto na talaga nyang maiyak dahil sa sinabi ng kanyang ina."Naku kayo talagang mag ina. Wagna nga kayong umiyak r'yan. Sige kayo masisira yang nga make up nho magpapapicture pa naman tayo," sabat na ni Gino at saka nga nya inakbayan ang kanyang asawa."Si mommy po kasi dad," nakang
CHAPTER 541Pagkatapos kumain ni Amara ay sakto naman na mayroon ngang kumakatok sa kanyang silid kaya naman agad na nga rin niya iyong binuksan.Pagkabukas nga ni Amara ng pinto ay agad naman na bumungad kay Amara ay ang mga make up artist na mag aayos nga sa kanya. Kaya naman dali dali na nga na nag asikaso ng kanyang sarili si Amara para masimulan na rin kaagad ang pag aayos sa kanya."Ma'am Amara napakaganda nyo naman po. Kahit po yata hindi kayo ayusan ay talagang napakaganda nyo na po talaga," puri ng make up artist kay Amara habang inaayusan nga sya nito."Salamat," nakangiti naman na sagot ni Amara sa kanyang make up artist. May isa pa nga na kasama ang make up rtist na ito at iyon naman nga ang nag aayos ng buhok ni Amara at kahit nga ito ay gandang ganda rin talaga kay Amara.Nang matapos na nga na ayusan si Amara ay agad na nga siyang pinagbihis ng kanyang traje do boda at tinulungan na nga lamang din siya ng kanyang mga make up artist sa pagbibihis dahil may kabigatan n
CHAPTER 540Araw na nga ngayon ng kasal nila Amara at Dylan. At mamayang hapon pa naman ang kasal nila pero maaga pa lamang nga ay naging abala na talaga ang lahat na mag asikaso ng kanilang mga sarili."Anak kumusta ka? Nakatulog ka ba ng maayos?" tanong ni Bianca kay Amara. Pinuntahan kasi nya muna talaga si Amara sa silid nitonupang kumustahin."Hindi nga po mom. Kahit anong pilit ko na matulog ay nahihirapan po ako at kapag naman po nakakatulog tulog na ako ay bigla naman po akong magiging ng basta na lamang," sagot ni Amara sa kanyang ina at saka nga siya humikab."Hay naku anak. Excited ka lang masyado kaya ka hindi nakatulog ng maayos," agad naman na sagot ni Bianca sa kanyang anak at saka nga nya ito linapitan."Nar'yan na po ba si Dylan, mom?" tanong na ni Amara sa kanyang ina. Bago kasi matulog si Amara ay nag message pa sa kanya si Dylan na pupuntahan nga sya nito sa kanyang silid pero inabot na nga ng umaga ay hindi pa nga rin napunta roon si Dylan."Oo anak. Nandyan na si
CHAPTER 539 Kinabukasan naman ay maagang maaga nga na dumating sa naturang beach resort sila Dylan. Ang mga magulang na nga lamang ni Dylan talaga ang nakasabay nya ngayon sa pagpunta roon dahil ang mga kapatid nga niya kasama ang pamilya ng mga ito ay naroon na nga rin kahapon pa dahil wala naman inasikaso ang mga ito at excited na rin kasi talaga ang mga ito sa kasal nila Amara at Dylan. Tinapos kasi talaga muna ni Dylan ang mga kailangan niyang tapusin sa opisina dahil pagkatapos nga ng kanilang kasal ni Amara ay hindi pa nga kasi talaga sya makakabalik kaagad sa trabaho dahil nga mag honeymoon pa nga sila ni Amara sa ibang bansa. Pagkarating nga ni Dylan sa naturang beach resort ay dali dali nga ito na bumaba ng kanyang sasakyan. "Dylan saan ka pupunta?" tanong ni Aira sa kanyang anak dahil nagmamadali na nga ito na pumasok doon. "Mom pupuntahan ko lamang po si Amara," agad naman na sagot ni Dylan sa kanyang ina dahil nga namimiss na nga talaga nya si Amara dahil halos ta
CHAPTER 538Bisperas na nga ngayon ng araw ng kasal nila Dylan at Amara. Nauna naman na nga rin na nagpunta sa Hotel Beach and Resort sa Batángas ang pamilya nila Amara. Sadyang nauna lamang talaga si Amara roon dahil gusto nga niya na makasigurado na maayos na ang lugar na pagdarausan ng kanilang kasal ni Dylan.Susunod na rin naman din kaagad ang pamilya ni Dylan doon dahil sadyang may tinatapos lamang nga ito kaya hindi nakasabay ng pagpunta sa pamilya ni Amara roon.Isang beach wedding kasi ang napili nila Dylan at Amara. Dapat talaga ay sa simbahan nga iyon gaganapin pero dahil nga gusto naman nila Amara at Dylan na maiba naman ay isang beach wedding nga ang naisip nilang dalawa.Pagkarating ni Amara sa naturang lugar ay agad nga syang nag ikot ikot doon sa lugar at nakita nga nya na naglalagay na nga ng ibang mga gagamitin para sa kasal nila kagaya na lamang ng nga upuan.At dahil nga sa tabing dagat gaganapin ang kanilang kasal ni Dylan ay talaga namang umaasa sila na magkakar
CHAPTER 537"Wag kang mag alala Amara dahil hinding hindi ko sasaktan o papaiyakin man lang si Charmaine," sabi ni Zeus kay Amara at saka nga nya inakbayan ang kanyang nobya na si Charmaine."Mahal na mahal ko ang babae na ito. Kaya naman wala akong balak na paiyakin sya. At kapag nangyare nga na umiyak si Charmaine ng dahil sa akin ay malugod kong tatanggapin ang parusa mo sa akin," dagdag pa ni Zeus habang nanatiling nakatingin sa mga mata ni Charmaine.Agad naman na napangiti si Amara dahil sa sinabi na iyon ni Zeus. Kilalang kilala na kasi talaga nya si Zeus at siguro nga rin ay nadala na ito sa nangyare sa kanilang relasyon noon kaya alam nya na hindi nito sasaktan si Charmaine."Aasahan ko yan Zeus. At sana nga ay maging masata kayo ni ate Charmaine," nakangiti pa na sabi ni Maara kay Zeus.Habang nag uusap usap naman silang tatlo roon at sakto naman na bumaba ang ina ni Amara na si Bianca."Charmaine narito ka na pala hija," nakangiti pa na sabi ni Bianca kay Charmaine at hindi
CHAPTER 536Mabilis naman na lumipas ang mga araw at buwan at naasikaso naman ni Amara ang lahat ng kakailanganin nila sa kasal nila ni Dylan.Talagang sya ang naging punong abala sa kanilang kasal ni Dylan dahil gusto nya na maging perfect talaga ang kasal nila ni Dylan dahil minsan nga lamang naman daw ikasal kaya gusto nya na maging maayos nga talaga ito.Tatlong araw na nga lamang din at araw na nga ng kasal nila Dylan at Amara at halos hindi pa nga rin makapaniwala si Amara na ikakasal na nga talaga sila ni Dylan dahil parang kelan lang ay pinapangarap nga lang nya ang lalaking ito at ngayon nga ay magiging asawa na nya ito sa wakas.Ngayong araw nga ay nakatakdang dumating ng bansa ang pinsan ni Amara na si Charmaine na nakasama nya noon sa London kaya naman ipinasundo nya na lamang nga nya ito sa airport at nagpahanda na rin talaga sya ng makakain nga nila pagdating ni Charmaine.Habang abala nga si Amara na tumuling da paghahanda ng lamesa ay lumapit nga ang isang kadambahay n
CHAPTER 535Mabilis naman na lumipas ang mga araw at namanhikan na rin nga kaagad sila Dylan sa pamilya ni Amara at napagkasunduan nga nila sa limang buwan mula ngayon magaganap ang kasal nila Dylan at Amara.Madalas naman na abala nga nagyon si Amara sa pag aasikaso pra sa kanilang kasal ni Dylan. Inuna na rin nga muna nya ito kesa sa maghanap na muna ng trabaho dahil gusto rin naman nya kasi na maging maayos nga ang kanilang kasal at oinili rin talaga nya na sya ang mag aasikaso rito kaya naman abalang abala talaga sya palagi.Ngayon nga ay pupunta sila Amara at Dylan sa isang reataurant para sa kanilang food tasting at pagkatapos nga nila rito ay puounta naman nga sila sq boutique kung saan nga sila nagpagawa ng kanilang susuotin para sa kanilang kasal.Nasa byahe naman na nga sila ngayon na dalawa at papunta na nga sila sa reataurant pero dahil nga sa traffic ay narito pa nga rin sila sa daan hanggang ngayon at late na nga silang dalawa."Tsk. Ano ba naman yan? Bakit palagi na lam