NAGISING ako sa isang malakas na kalabog na nagmumula sa kabilang silid. Medyo inaantok pa akong nagdilat ng mata. Parang ordinaryo na lamang sa'kin ang ganitong mga scenario na nangyayari sa silid ng mga magulang ko. Kaya tamad na tamad akong bumangon. Kaagad na nagsuot ng tsinelas sa paa at dumiretso sa banyo. Nakatitig lamang ako sa harap ng salamin habang tinatant'ya ko ang sarili kong maghihilamos na ba ako o hindi. Pero, napaigtad na naman ako ng isang malakas na pagsalpok ang aking naririnig. Napabuntunghininga muna ako bago ko napagpasyahang maghilamos na.
Pagkatapos magpunas ng mukha, ay wala ng suklay suklay, dumiretso na kaagad ako sa ibaba para makahingi ng pagkain kay ate Analyn. Si ate Analyn ay inaanak ni papa. Ulilang lubos na ito at sa bahay siya nakatira.
Patuloy pa rin ang pag-aaway ng mga magulang ko sa taas, hindi ko rin naman naiintindihan ang pinag-aawayan nila. Siguro iiyak ang araw kapag hindi sila nagsisigawan at nagbabatuhan ng mga gamit. Pero kampante naman ako na hindi nauuwi sa patayan ang ginagawa nila.
Nasa pinakadulong bahagi na ako ng hagdanan nang maaninag ko na bukas na ang ilaw sa may kusina. Lumabas mula roon ang isang batang babae na maiksi ang buhok, nakasuot ng panlalaking kasuotan at matamlay na nakatingala sa'kin--si Amelia. Pamangkin siya ni ate Analyn, at kalaro ko rin.
Nakita ko ang lungkot sa mga mata nito habang sinusundan ng tingin ang bawat paghakbang ko sa hagdanan. Hanggang sa nakatayo na ako sa kanyang harapan.
"Talaga bang iiwan mo na ako? " Malamlam ang mga mat nitonng nakatitig sa'kin. Napakuno't ang noo ko sa bungad niya. 'Ang drama naman nito.'
Pero, imbes na sagutin ko ang tanong niya ay dinaanan ko lamang siya. Naabutan kong naghahanda na ng almusal si Ate Analyn. Pagkaamoy ko pa lang sa niluluto nito ay biglang kumalam agad ang aking sikmura.
"Goodmorning, ate Analyn," masiglang sumampa agad ako sa plastic na upuan. Nilingon ako nito at ngumiti, "tapusin ko lamang 'to Joyce at sasabay na rin ako sa inyo. "
Sobrang bango ng niluluto niyang fried rice, mas lalo tuloy akong natatakam na kumain. Paborito ko ito lalo na kapag maraming bawang. Hindi nakakasawang amuyin. Idagdag pa ang ulam na kumakaway na sa'kin na kanina pa nakahain sa ibabaw ng mesa.
"Oh~, Amelia. Ano pang tinunga tunganga mo r'yan? Umupo ka na at nang makakain na rin." Puna nito sa kalaro kong si Amelia. Tumalima naman agad ito at matamlay na sumampa sa plastic na upuan na nakapwesto sa gilid ko.
Tumingin ulit ito sa'kin, " magpaiwan ka nalang kaya rito, Joyce. H'wag nalang kayong umalis ni tita." Basag na ang boses nito at mukhang pauwi na sa pag-iyak. May mga namumuo na ring likido sa mapupungay nitong mga mata.
"Tama na 'yan, miel. Nasa harapan ka ng pagkain." Saway ni ate Analyn sa sumisinghot na si Amelia.
Ngumiti ako ng mapait, "ang panget mo talaga umiyak, miel."
Pilit kong ibahin ang paksa dahil kung hindi ay baka maunsyami na naman ang pagkatakam ko sa pagkain na nakahain sa aking harapan at mauwi sa iyakan ang lahat.
Bahagya itong ngumiti pero sumisinghot singhot pa rin ito, "grabe ka talaga sa'kin, Joyce."
"Napakaiyakin mo kasi. Natatakam pa naman ako sa pagkain tapos ikaw gan'yan agad ang bungad mo sa akin." May himig pagtatampong wika ko sa kanya.
Ngumiti lamang ito at pagkatapos magdasal ay nagsimula na kaming kumain.
Pero, nakailang subo pa lamang ako ng kain, nang marinig ko na ang malakas na sigaw ni mama mula sa taas.
"Analyn!"
Nagmamadali namang tumayo si ate Analyn para harapin ito at pasigaw ulit itong nagtanong.
" Nasa'n si Joyce?" Nang marinig ko ang pangalan ko na hinahanap ni mama ay mas binilisan ko pa ang pagkain. 'Ang panget naman ng timing ni mama. Kung kailan masarap ang pagkain eh.'
"Kumakain pa po," balik na sagot ni ate Analyn kay mama. "Paakyatin mo na siya rito ngayon din para magbihis dahil sa biyahe na kami kakain. "
Pagkarinig ko sa huling sinabi ni mama ay parang huminto ang paggalaw ng orasan. Matamlay akong bumaba sa upuang plastic at lumapit sa nakatungong si Amelia. Niyakap ko ito ng sobrang higpit at walang pasabing hinalikan ito sa tungki ng ilong. Nakita ko pa ang pagnganga nito sa harapan ko.
"Babalik ako, pangako. Basta hintayin mo ako, ha. " At tuluyan nang bumagsak sa pisngi ko ang mga likidong kanina ko pa pinigil pigilan na lumabas.
7 years later..
MASYADO pang sariwa para sa'kin ang huling tagpo namin ng kababata kong si Amelia. Nine years old pa lamang ako noon ng magsimula akong makaramdam ng kakaiba para sa kanya. Alam kong may mali na sa akin pero hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala wala sa puso ko ang kakaibang damdamin na nararamdaman ko para sa kababata ko. At ngayon ang araw na masasabi ko na sa kanya ang tunay na nararamdaman ko.
Bumalik ang diwa ko ng kausapin ako ng taxi driver na sinasakyan ko ngayon, "Ma'am saan po banda sa Molino ikaw bababa?"
"D'yan na lang po sa may gate," matipid kong nginitian ang driver.
"Sigurado po kayo ma'am?" May pag-alinlangan sa boses nito matapos marinig ang naging sagot ko. Dahan dahan naman akong tumango.
Nakita ko pa ang pag-alala sa mga tingin nito habang pinagmamasdan akong lumapit sa gwardiya ng subdivision na pinasukan ko. Saka pa ito umalis nang masiguro na nitong nakapasok na ako sa loob.
Maski ang gwardiya na nakaduty ay parang nag-alinlangan na makita akong may bitbit na maliit na trolley at nagsabi na maglalakad lamang.
"Ma'am, tatawagan ko nalang si Sir para sunduin kayo rito. "
"Ayos lang po, kuya Guard. Maglalakad na lang po ako. Apat na oras rin kasi akong nakaupo sa byahe eh. " Nakakatouch naman ang pag-aalalang nakikita ko sa mga 'to. Pero mas pinili ko pa ring maglakad talaga. Total hihilain ko lang naman itong trolley, kaya okay na talaga sa'kin ang maglakad.
"Sigurado po talaga kayo, ma'am? Nasa 5fth street pa po ang bahay ng mga Gallego. " Pahabol pa nitong wika sa'kin. Pero itinaas ko lang ang kanang kamay ko na nagpapahiwatig na walang problema. Nakita ko pa ang pagkamot ng ulo ni kuyang guard na wala rin namang nagawa.
Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang maikompara ang nakaraan sa kasalukuyan. Matalahib pa rin ang lugar namin, ang kaibahan lang ay mas narami na ang mga bahay na nakatirik kaysa dati. Hindi naman gan'on kahirap na matunton ang 5fth street.
Hanggang ngayon ay tandang tanda ko pa rin ang hitsura ng bahay namin. Ayaw nga sana ni mama akong payagan na umuwi kasi baka kung ano pa ang iisipin ng bagong asawa ni papa sa'kin. Sobrang namimiss ko na rin kasi si papa at nangako ako sa sarili ko na pagsapit ng 16nth birthday ko ay babalik ako ng Molino at ito na ang pagkakataon.
Pero, sa hindi ko inaasahan ay may biglang sumulpot na hayop sa harapan ko. Dahilan para matapilok ako sa gulat.
"Potek naman oh!" Inis na napaupo ako sa kalsada.
'Arf!'
Tumambad sa'kin ang isang cute na tuta na pinaghalong kulay brown at black ang balahibo. Naglaho bigla ang inis na aking nararamdaman.
Napangiti ako habang hinimas himas ko ang balahibo ng tuta na siyang dahilan kaya ako natapilok, " sus, kung hindi ka lang talaga cute ay baka kanina pa kita binalibag. " Kausap ko sa tuta na kasalukuyang kumakawag pa ang buntot habang hinimas himas ko ang katawan nito.
"Krixie! Nand'yan ka lang pala. Pinakaba mo pa ako." Wika ng bagong dating.
Hindi ko alam kung saan ito nanggaling, basta ang alam ko nang mag-angat ako ng mukha ay tumambad kaagad sa akin ang isang pares nang mapupungay na mga mata.
Parang biglang bumilis ang pintig ng aking puso.. parang tumigil bigla ang pag-ikot ng oras.. hindi ko alam.. hindi ko maintindihan ang aking sarili. May mga nakikita pa akong paru-paro sa paligid na malayang nagliliparan.
'Arf!' Nagising ang diwa ko sa pagkahol ng tuta. Oo nga pala. Hindi ko maintindihan kong bakit bigla na lamang akong nawala sa aking sarili. "Ayos ka lang ba, miss?" Ang boses niya ay parang sumasayaw sa aking pandinig. Ano bang nangyayari sa'kin? Mukhang naengkanto pa ata ako. Jusko, kaya ba may pag-aalala sa mukha ni kuyang guard kanina dahil may kakaiba sa lugar na ito. 'Oh no!' Pero mas hindi ko napaghandaan ang susunod na nangyari. Napahiyaw na lamang ako sa sakit nang mapangahas na hinawakan ng gwapong estranghero ang paa ko. Parang nagising ako sa pagkatulog. Naalala ko, na natapilok pala ako kanina dahil sa pasaway nitong tuta. "Kasalanan ng tuta mo kung bakit hindi ako makatayo ngayon. Bigla kasi siyang sumulpot sa dinadaanan ko kanina. " May himig paninisi ko sa cute na tuta na patuloy pa ring kumakawag ang buntot sa harapan ko. "Pasensya na po, bago ka lang ba rito? Ngayon pa lang kita nakita. " Paglalahad nito ng kamay sa harapan ko. Hindi na ako nag-atubiling hawaka
PARA AKONG ITINULOS sa aking p'westo nang makita ko ang iba't ibang reaksyon ng hitsura ng mga tao sa loob, nang banggitin ni ate Analyn ang pangalan ko. Kasalukuyan silang kumakain ngayon at saktong sakto lang talaga ang dating ko dahil nagugutom na rin ako.Binasag ni Geraldine ang katahimikan, " maupo ka muna, Joyce. Kumain ka na ba? Mabuti naman at nakabisita ka rito. " Siya ang panganay na anak ni papa kay tita Gretchen. Mas matanda siya ng isang taon sa akin."Busog pa ako, Gigi." Nahihiyang tugon ko rito. Hindi ko nga alam kong saang sulok ako titingin dahil masyadong awkward ang sitwasyon."Naku iha, bawal dito ang tumanggi sa pagkain."Nakangiting wika ni tita Gretchen. "Analyn, pakikuha nga ng plato para kay Joyce at Liam. ""Sa bahay nalang po ako kakain tita, hinatid ko lamang po siya rito kasi napilayan siya dahil kay Krixie. " Magalang na tanggi ni Liam kay tita Gretchen."Oh siya, pero pakisabi sa mama mo na pumunta kayo rito mamayang gabi dahil may hinanda akong kaunti
"Ayos ka lang ba, Joyce?" Untag sa akin ni Gigi. "O-okay lang ako," medyo nauutal kong wika sa kaniya. Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatulala. Talagang hindi ako makapaniwala. Nang mapagawi ang mga mata ko kay Liam ay parang wala lang ito sa kanya ang nangyari. Deserve ko ang paliwanag niya pero wala man lang siyang ginawa, ni hindi man lang siya humingi nangg paumanhin sa akin. 'Na like, hello? Bestfriend here. Kaso wala. Kailangan ko pa ba na manghula? ' Karapatan ko iyon bilang kababata niya. Kailangan ko siyang makausap ng sarilinan, because I really deserve an explanation from her. Kung hindi nabanggit nitong isa, hindi ko pa malalaman. "Nasabi na ba sayo ni Liam na ikaw ang ultimate crush niya?" Nakangiting humarap si JennyLyn sa akin. 'Wait, What? Tama ba ang narinig ko? ' "Ha?" Gulat na tumingin ako sa kan'ya. 'Sandali lang naman. Ang dami namang pasabog nito. Hindi ako prepared.' "Seryoso ka ba na ako? Crush ni Liam?" Muli kong tanong sa kan'ya. L
LABIS akong nasaktan sa pagkabigo ko kay Amelia kaya kahit hindi pa tapos ang pagdiriwang ng kaarawan ni Papa ay nagpaalam nakaagad ako sa kanila upang umuwi." Sayang naman at hindi ka magtatagal dito, nak." May panghihinayang pinagmamasdan ako ni Papa."Pasensya na po, babalik na lang po ako susunod. " Malungkot na yumakap ako kay Papa."Hindi na ba pwedeng ipagpabukas iyan?" Pagpipigil ni Tita Gretchen sa akin."Emergency po kasi, eh, " pagsisinungaling ko sa kanila.Ang totoo ay nasanay na kaming dalawa ng kapatid kong si Vinice na maiwan kasama ang mga kasambahay pero ang nirason kung dahilan sa kanila ay walang makakasama ang kapatid ko roon dahil biglaan ang business trip nila mama at daddy."Ipapahatid ka na namin kay Liam. " Saad kaagad ni Papa na ikinaalma ng aking buong sistema."Naku, h'wag na po! Magtataxi na lang po ako. " Mabilis ang ginawa kong pagtanggi sa alok ni Papa."Hindi ako papayag na hayaan kita na bumiyahe ng mag-isa sa daan. ""Pero, papaano po ang girlfri
4 years after..Mataman kung tinititigan ang repleksyon ko sa harap ng salamin. At naninilay ang magandang ngiti sa aking mga labi. Simple lang ang suot ko na low rise faded jeans, graphic tee, at comfy sneakers.Habang pinagmamasdan ko ang aking sarili sa salamin ay nakarinig ako ng malakas na pagkatok mula sa labas ng pintuan ng aking silid. Pero inignora ko lamang ito at maingat na naglagay ng light make-up sa aking mukha."Perfect!" Nakangiting tumingin ulit ako sa harap ng salamin pagkatapos kung magpahid ng peach liptint sa aking mga labi." Ate Vera! Hindi ka pa rin ba tapos?" Base na lamang sa paraan nang pagkatok nito sa pinto ay naiinis na ito. Tinawanan ko lamang ito."Palabas na nga," maiksing sagot ko sa kan'ya. Dinampot ko ang aking satchel bag at sinuot, saka ako nagpaikot-ikot ulit sa harap ng salamin bago lumabas ng aking silid.Bumungad sa akin ang nakasimangot na hitsura ng kapatid kong babae na si Vinice. Sasama kasi siya sa'kin ngayon dahil nag-aaya ang bestfri
NAKATULALA ako sa isang pamilyar na taong kaharap ko ngayon. Wala pa ring pinagbago ang hitsura nito dahil mas lalo pa siyang gumag'wapo. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko, Nasilayan ko ulit ang mga mata nito, ang magandang pagkaukit ng hugis ng ilong nito at ang manipis at mapupula nitong mga labi.."Ah miss? Iihi ka rin ba?" Wika pa nito sa akin habang iwinawagayway ang kamay sa aking harapan.. Mahina naman akong tumango. Hindi ko pa rin inaalis ang pagkatitig sa kan'ya. Para tuloy akong namalikmata.Sumenyas ito na umusog ako ng kaunti, tumalima naman kaagad ako. Daig ko pa ang isang masunuring tuta sa harapan nito.Maingat na binuksan nito ang pintuan ng comfort room, "sige, mauna ka na!" Mahahalata sa pagmumukha nito ang isang pilit na pagngiti. Dahan dahan naman akong tumango at mahinhing pumasok sa loob. Daig ko pa ang isang pino at mahinhing babae sa kinikilos ko ngayon. 'Self, umayos ka ha. Siya lang naman 'yon. H'wag mong gawinmg nakatatawa sarili mo sa harap ng ibang tao.
"WHAT'S going on here?"Naguguluhang nagpalipat-lipat nang tingin si Sheena sa aming dalawa ni Liam."Magkakilala na pala kayo?"Hindi muna ako umimik. Hinintay ko rin kung ano ang isasagot ni Liam. Mas makabubuti kung mauna siyang magpaliwanag kaysa sa akin dahil gusto ko rin na malaman ang ipapaliwanag nito sa aking bestfriend."Muff?" Pag-uulit na tanong ni Sheena kay Liam habang ang mga mata nito ay naghihintay ng kasagutan mula rito." A common friend, muff."Malamig na tugon ni Liam. Nagpagtingang magkabilaang tainga ko dahil sa sinagot nito. 'W-wait! W-what?! I'm just a common friend to her? Hindi ito maaari!'Naniningkit ang mga mata ko dahil sa sinabi nito. Naiinis ako, pero, wala akong magawa. Ang panget pala sa pakiramdam na ganituhin ka ng taong-- 'Ah! Cheer up, self!' Ayoko ng ganitong pakiramdam... Pinipilit kung pakalmahin ang sarili ko dahil parang nararamdaman ko na may namumuong mainit na likido sa mga mata ko. 'Damn! H'wag ngayon, Vera Joyce! H'wag mong gawing n
LIAM's POV:NAWALA sa isip ko na umuwi pala ang landlady namin sa probinsya. Dapat pala ay hindi ako pumayag na i-angkas itong weird na kaibigan ni Sheena, 'di sana ito ang makikitulog dito ngayon kundi si Sheena.Mukhang hindi kasi talaga safe kasama, itong friend niya. Part of me is telling I can't trust this girl but there is something about her that I can't ignore --hindi ko lang talaga alam kung bakit.Nakita ko ang pagkilatis niya sa tinutuluyan ko. Tila may hinahanap ito na hindi ko malaman. 'Hindi kaya myembro ito ng akyat bahay gang? I-ko-close muna ang bibiktimahin bago nanakawan? H'wag naman sana.' Nang mapagtanto ata nito na wala siyang mahihita dito sa tinitirhan ko ay saka pa ito humarap sa akin."Sino ang kasama mo rito?" Biglang tanong nito sa'kin. 'Sasabihin ko ba na wala akong kasama o magsinungaling ako?'Kung makaasta ito sa harapan ko na walang ibang nakatingin ay ibang-iba.Gusto ko sanang sabihin dito na may kasama ako at uuwi na 'yon mamaya pero imbes na
"NO, Sheena! Stop the hate! Sumuko ka na lang baby! " Singit na sigaw ni tita Emma na nakap'westo pa rin sa kinatatayuan nito kanina. " Why should I stop? Are you scared to let them know what did that evil man did to us? And besides, you are the first person who turn me like this!" Sheena hissed to her mom. "Sheena, please, itigil muna ito. Tanggap ka pa rin naman namin eh. And willing pa rin kami na maging kaibigan mo. Magtiwala ka lang sa amin." Mahinahon naman na wika ni Bea sa isang tabi sa kabila ng tensyon namamagitan sa buong paligid. "Masasabi mo lang kasi iyan dahil hindi ikaw ang nasa sitwasyon ko! Did your mom experience being battered by your dad? " Nanlaki ang mga mata nitong hinagilap ng tingin ang nagsasalitang si Bea. "Ah~ I almost forgot! You don't have a father nga pala. " Nang-aasar na ngumisi itong nakatitig kay Bea, "or shall I say, you do have a father.. pero, hindi literal na matatawag na papa mo ito
"HOLD YOUR FIRE!" Sigaw ng kung sinumang pulis sa aking tabi. Pero parang tumigil ang pag-ikot ng orasan ng mga oras na 'yon. Nang makita ko ang aking kapatid na si Jared na tumatakbo papalapit sa akin. At ang isang lumilipad na bala ng baril papunta sa direksyon mismo ng aking kapatid. Hindi na ako nagdalawang isip pa at kaagad kung sinalubong si Jared. Mabilis kung iniharang ang aking sarili dito upang saluhin ang paparating na bala. "Ate Joyce!" Palahaw na iyak pa nito ng makayakap na ito sa akin. Nararamdaman ko ang takot at panginginig nito na ikinangitngit ng aking kalooban. Magkasabay kaming natumba habang magkayakap. Saka ko naman naramdaman ang pagtama nang bala ng baril sa aking kaliwang hita. Noong una ay pagkagulat lamang ang aking tanging nararamdaman. Hindi pa gan'on umepekto sa akin ang kirot. Pero habang tumatagal ay unti-unti ko nang naramdaman ang pamamanhid ng aking kaliwang hita."Bulls eye!"
"DON'T WORRY love. I'll make it sure that everything's gonna be okay. " Pilit na pinapakalma ni Vic ang aking pakiramdam dahil kanina pa ako hindi mapalagay habang lulan kami sa private helicopter na sinasakyan namin ngayon pabalik ng Pilipinas. "This is all my fault. Kung hindi ko pinapakilala si Sherwin kay Emma, hindi sana mangyayari ang lahat ng ito. But hindi ko naman talaga intensyon na mauuwi sa ganito ang lahat dahil lately ko lang din nalaman na Sherwin is one of the head of the notorious syndicate.. " "It isn't your fault love. Please don't take all the blame on you because you didn't mean to put Emma in this situation." "Hindi mo kasi naintindihan, Vic. Emma and I are good friends but I couldn't afford to lose you, too. You know how infatuated Emma to you before. And I thought Sherwin is a nice guy--" Hindi ko matapos ang aking sasabihin ng mabilis akong kinabig ni Vic dahilan upang mapasubsob
MAKULIMLIM ang langit. Animo'y may nagbabadyang unos na paparating. Ngunit hindi ito naging hadlang sa isang pamilyang masayang naglalaro ng volleyball. Nasa kalagitnaan na ang mga ito ng nilalaro nila nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Kaya napilitan ang mga ito na saka na lamang ipagpatuloy kapag humupa na ang ulan. Nagkanya-kanyang takbo kaagad ang mga ito papunta sa cottage na inokupa. Makikita talaga sa mga pagmumukha ng mga ito ang labis na kagalakan kahit iilan sa kanila ay parang basang sisiw na. Sa bandang pintuan nakatayo ang batang si Jared. Habang abala ang lahat na magdaldalan, tuwang-tuwa naman ito habang pinapalutang ang bangkang gawa sa papel. Lumulutang ito sa isang kawayan na nakatihaya, Dire-diretso ang paglutang ng bangkang papel. Tuwang tuwa na sinusundan naman ito ng batang si Jared. Hanggang sa hindi na namalayan ng lahat na nasa labas na pala ang batang ito. Nang makarating sa bandang dulo ang bangkang papel ay n
"BITIWAN MO AKO! " Pilit na pagpumiglas ni ginang Yvonne sa pagkahawak sa kaniya ng mga armadong tauhan ni Sherwin."Tumahimik ka! Mapapahamak kami kay bossing dahil sa ingay ng bunganga mo!" singhal na sita ng lalaki na hinihila ang kaniyang kaliwang braso. "Kinidnap ninyo ako tapos gusto niyo na manahimik lang ako! Ano ba ang naging kasalanan ko sa inyo?" Nagmamakaawang pakiusap ni ginang Yvonne sa mga ito. "Kasalanan mo? Malaki ang naging kasalanan mo, kaya ka nga pinakidnap ka sa amin ni boss eh!" Pamimilosopo ng lalaki sa kanan.Nakita ni ginang Yvonne na papasok na sila sa isang resthouse. Mabuti na lamang at hindi siya piniringan ng mga ito. Kaya nagkaroon siya ng pagkakataon na sauluhin ang lugar na pinagdalhan sa kaniya. Isang mahabang pasilyo ang dinaanan nila bago sila pumasok sa isang pintuan. Pagkapasok niya sa loob saka naman siya binitawan ng mga armadong lalaki at iniwan. "Saan kayo pupunta? Don't tell me! Help!" Malakas na sigaw ni ginang Yvonne at walang sawang
DALAWANG araw na ang nakalipas magmula nang dukutin ng mga tauhan ng daddy ni Sheena ang mommy ni Faye. At hanggang ngayon ay wala pa rin kaming balita kung nasaan sila at kung ano na ang nangyari kay tita.. Pero hindi pa rin tumigil ang mga owtoridad sa paghahanap.Natawagan ko na rin sina papa na kailangan nila ng dobleng-ingat. At kung maaari, itago nilang mabuti si Amelia. Mahirap na, dahil maraming koneksyon na sindikato ang daddy ni Sheena. Mabuti na ang sigurado kaysa makapante.Nahihirapan na tuloy akong makatulog dahil sa labis na pag-aalala. Kanina pa ako nagpabaling-baling dito sa aking higaan, nakatingin sa kanina ko pa hawak na cellphone. Nag-aabang ng tawag mula sa aking Amelia. Sana nasa mabuting kalagayan ito. Sana hindi sila nasundan ni Sheena. Sana.. Hindi ko na namalayan na iginupo na ako ng kaantukan.NAGMULAT ako ng mata ng maramdaman kong may gumagalaw sa aking tabi. Hindi ko matandaan na may katabi akong matulog kagabi. 'Sino kaya ito?' Kaya kaagad akong tum
NAGPASYA na lang muna ako na gumala sa mall para magpalamig. Nabuburyo rin kasi ako na umuwi sa bahay dahil mag-isa lamang ako ngayon. As usual, wala na naman sina mama at tito daddy. Si Vinice naman ay nasa bahay ng bagong boyfriend nito.Sinubukan kong ayain si Faye. Kasi si Moira ay abala sa pag-aasikaso sa mga pinsan nila Josmond. Sinusulit din nito ang bonding ng fiance nitong si Dominic. Nauna din na umalis sina Bea at ang asawa nitong si Dexter at nagkataon din na si Faye lang ang bakante kaya siya ang inalok ko. Hindi naman ito nagdalawang-isip na sumama sa akin.Kasalukuyan kaming tumatambay sa paborito kung VG Cafe. Nakakarelax kasi sa pakiramdam ang tumambay dito. Dahil bukod sa masarap ang kape nila at milktea, may free reading pa sa naturang cafe.Habang abala kaming dalawa ni Faye na magbasa habang sumisipsip ng wintermelon. Napansin ko na bigla na lang itong napatulala."Faye? Are you okay?" Puno ng pagtatakang untag
KAAGAD NA INAALALAYAN ako nina Gigi at Arnold. Mabilis naman na itinali nina Dexter at Dominic ang nagwawalang si Sheena. Nang biglang dumating ang medical staffs. "Hindi pa tayo tapos! Babalikan kita, Vera! Babawiin ko lahat ng inagaw mo sa akin! Hindi kita lulubayan hangga't hindi ko nababawi ang lahat sayo! Tandaan mo iyan!" Nanggagalaiting sigaw ni Sheena habang inaakay ito papalayo ng mga medical staffs. Pilit itong pinapakalma ng mga ito. Nang hindi talaga ito tumigil sa pagpupumiglas ay kaagad na tinurukan ng mga ito ng gamot pampakalma. Mabilis na umepekto ang gamot at matagumpay na naihiga ng mga ito si Sheena sa dala-dala ng mga ito na stretcher. Tiyak sa rehab ang bagsak nito o baka nakabukod na rehab dahil sa krimen na nagawa nito ngayon lang. Baka mas malala pa ang ipap"Mabulok ka sana sa kulungan! Hayop ka!" Balik sigaw naman ni Moira habang inaalalayan ito ng kasintahan nitong si Dominic. May lumapit din sa kanila na medical staffs. Maririnig din sa isang tabi ang
VERA's POV:KINIKILABUTAN AKONG napalingon sa gawi nang kinabagsakan ni Rocky. Bumungad sa paningin ko ang magkasunod na pagduwal nina Bea at Amelia na nakap'westo na pala sa aking bandang likuran.Nanlamig ang aking buo kong katawan dahil sa nasaksihan. Huli ko nang mapagtanto ang biglaang pagtunog ng aking sikmura at ang pakiramdam na parang may gustong kumawala sa aking lalamunan. Hindi ko rin napigilan ang maduwal sa nakakahindik na pagkamatay ni Rocky. Hindi ko lubos akalain na capable na gawin ito ni Sheena. Hindi ko rin alam sa aking sarili kung ano pa ang kaya nitong gawin. Pero nagbakasakali ako na pwede pa itong mapakiusapan."She... 'Diba sa akin ka galit? H'wag mo na silang idamay pa.." Nagsusumamong pakiusap ko rito. Kahit ramdam ko ang panginginig ng aking kalamnan ay sinubukan ko pa rin na kumilos at maglakad papunta sa kinaroonan nito upang ito'y pakiusapan. Kahit na pakiramdam ko na mukhang malabo ang nais kong mangyari. Humarap ito sa akin na parang nabi