PARA AKONG ITINULOS sa aking p'westo nang makita ko ang iba't ibang reaksyon ng hitsura ng mga tao sa loob, nang banggitin ni ate Analyn ang pangalan ko. Kasalukuyan silang kumakain ngayon at saktong sakto lang talaga ang dating ko dahil nagugutom na rin ako.
Binasag ni Geraldine ang katahimikan, " maupo ka muna, Joyce. Kumain ka na ba? Mabuti naman at nakabisita ka rito. " Siya ang panganay na anak ni papa kay tita Gretchen. Mas matanda siya ng isang taon sa akin.
"Busog pa ako, Gigi." Nahihiyang tugon ko rito. Hindi ko nga alam kong saang sulok ako titingin dahil masyadong awkward ang sitwasyon.
"Naku iha, bawal dito ang tumanggi sa pagkain."Nakangiting wika ni tita Gretchen. "Analyn, pakikuha nga ng plato para kay Joyce at Liam. "
"Sa bahay nalang po ako kakain tita, hinatid ko lamang po siya rito kasi napilayan siya dahil kay Krixie. " Magalang na tanggi ni Liam kay tita Gretchen.
"Oh siya, pero pakisabi sa mama mo na pumunta kayo rito mamayang gabi dahil may hinanda akong kaunting salo-salo para sa birthday ni Jacob. " Magalang naman itong tumango bilang tugon.
"Sus! imposibleng mawawala 'yan si Liam mamaya. Siya pa nga unang nakakaalam na darating sina JennyLyn ngayon eh!" Pang-aasar ni Gigi sa namumulang si Liam.
Nakaramdam ako ng kunting pagkirot sa aking dibdib. Sayang taken na pala siya. Pero mabilis ko namang sinaway ang aking sarili dahil ang pinunta ko rito ay si papa at Amelia. Kaya hindi dapat ako manghinayang sa taong ngayon ko lang nakilala.
"Gigi tama na iyan, nasa harapan ka ng pagkain!" Saway ni tita Gretchen kay Geraldine..
"Si mommy talaga napaka-killjoy, " at ngumisi-ngisi pa ito habang nakayuko.
Pinandilatan lang siya ng mata ni tita Gretchen, "Jacob, pagsabihan mo nga 'yang anak mo! " At nagpakampi pa ito kay papa.
Pero imbes na kampihan ni papa si tita Gretchen ay mas sinaway pa ito ng huli, "Hayaan mo na ang mga bata. Normal lang naman sa mga kabataan ang ganyan ngayon."
Pasimpleng umirap si tita Gretchen, "kaya ang titigas ng ulo ng mga anak mo dahil sa paniniwala mong gan'yan."
Nagpatuloy pa ito sa kakatalak na agad namang inalo ito ni papa at nawala na ang galit ni tita Gretchen. Tahimik lang ako sa isang tabi habang pinagmamasdan silang masayang nagsalo-salo. Malayong-malayo sa naging estado nila mama dati. Nakita ko ang pagkislap ng mga mata ni papa habang kinakausap si tita. Never ko pa itong nakita noon na ganito kasaya si papa, ngayon lamang.
Siguro, may rason talaga ang mga bagay kaya hindi nagwork out ang relasyon nila mama at papa noon.
Sabagay, thirteen years old na ako n'ong malaman ko ang buong katotohanan tungkol sa kanila papa at tita Gretchen. Naalala ko na ikinuwento ni mama sa akin isang beses na magbestfriend silang tatlo ni mama. First love ni papa si tita Gretchen pero dahil hindi ito gusto ni Lolo kaya hindi binigyang basbas ang relasyon nila. At sa kasamaang palad ipinagkasundo ni Lolo si papa kay mama.
"Joyce anak, may masakit ba sayo?" Nagulat na lang ako ng biglang tinanong ako ni papa. Nahihiya naman akong umiling.
"May problema ba? Hindi ba masarap ang pagkain?" May pagtatakang tanong ni tita sa'akin.
"Masarap po. Kaso, ang totoo ay hindi pa po talaga ako gaanong nagugutom. " Pagsisinungaling ko pero ang totoo ay gutom na gutom talaga ako. Nahihiya lang talaga ako ngayon. Nakayukong tugon ko sa kanya.
Napanganga lang ito sa sinabi ko. Tapos biglang nagsalita si Gigi.
"My, dy! Samahan ko muna si Joyce sa taas. Baka kailangan niya sigurong magpahinga. "Paalam niya sa mga magulang. Tinanguan ko naman sila at sumunod na kay Gigi.
Nahahalata niya rin siguro ang awkwardness ko sa mga magulang niya. Hindi ko rin kasi nakikitang gano'n ka sweet sina mama at daddy sa isa't isa, kaya siguro ganito ang nararamdaman ko.
"Joyce, ayos lang ba sa'yo na tatlo tayong magkatabing matutulog dito mamaya?"
First time kong magkaroon ng katabi sa pagtulog dahil may sariling kwarto naman ang kapatid kong si Vinice sa bahay..
Masaya siguro 'yong may kasama ka sa iisang silid kaya mabilis akong tumango.
"Walang problema."
"Mabuti naman. Mamaya, darating na sina JennyLyn. Ay oo nga pala--" tumigil muna ito sa pagsasalita. "Saka na nga lang. Ipakilala kita kay JennyLyn dahil siya 'yong isa pang kasama nating matutulog dito. "
Hindi ko alam kung ano pa ang gusto niyang sabihin sa'kin dahil hindi na niya ito itinuloy. Pagkatapos ng kunting daldalan namin ay iniwanan muna niya ako para makapagpahinga.
Hanggang ngayon ay makirot pa rin ang pilay ko. Kahit na sabihing nakapaglakad na ako ng matuwid.
Kinahapunan,
Nagising ako nang marinig ko ang ingay na nagmula sa labas ng bahay. Kaya nagmamadali akong bumangon at sumilip sa may bintana. Nakita ko na may mga bagong dating. Katulad ko ay may dala-dala rin silang mga maleta.
Naagaw ang pansin ko sa isang dalagita na nakatayo sa gilid ng grotto, katabi nito sina Gigi at ang gwapong si Liam. Biglang bumilis ang pintig ng puso ko ng masilayan ko ulit ang hitsura niya. At mas lalong lumakas ang kabog nito nang mapansin nitong nakatingin ako sa kanya. Tumingala ito sa akin. At hindi ko napaghandaan iyon. Naalarma bigla ang puso ko. 'Kalma, Vey, kumalma ka! Hindi iyan si Amelia!' Muling saway ko sa aking sarili.
Kinalabit nito si Gigi at patingalang kumaway rin ito sa akin. Nahihiyang binalikan ko rin ng kaway ang mga ito. Sinensyasan ako ng mga ito para bumaba at puntahan sila. Bilang pagtugon sa pag-anyaya nito sa akin ay matipid akong ngumiti.
Kaya nagmamadali akong pumasok ng banyo upang maghilamos. Ewan ko ba, parang na-eexcite akong makita si Liam. 'Ano ba 'tong iniisip ko. Dapat kay Amelia lamang ako makaramdam ng ganito, hindi sa kung sino.'
Nagmamadali akong magbihis dahil gusto ko rin itanong kay Gigi kung nasaan na si Amelia ngayon at kung bakit hindi ko na siya nakita simula kanina. Gusto ko sanang itanong kay ate Analyn kanina kaso masyado itong abala para sa handaan ngayon.
Pagkababa ko ng hagdanan ay bumungad sa akin ang nakangiting stepbrother ko na si Jared. "Ate, sama ako!"
Nginitian ko rin ito pabalik, "h'wag muna karga, ha. " Sabay hawak ko sa cute niyang mga kamay. Masunuring naman itong tumango.
Pagkalabas namin ni Jared ay mabilis kong hinagilap ang kinaroroonan nina Liam. Nakita kung nakaupo sila sa isa sa mga lamesang nakahanda para sa pagdausan ng birthday ni papa. Medyo marami rami na rin ang tao sa garden. At tiyak na mas marami pa ang darating mamaya.
Papunta na sana kami ni Jared sa mesa nila Gigi nang sinalubong ako ni Janine.
"Ate, halika rito. Ipakilala kita sa mga friends ko. " Hindi na ako nakatanggi ng inangkla na nito ang mga kamay sa braso ko.
Hindi naman nagtagal ang pakikipagkwentuhan ko sa mga kaibigan ni Janine at nagpaalam na rin akong pumunta sa pwesto nila Gigi.
Sumasakit na rin ang panga ko kakangiti sa mga bisita ni papa. Halos karamihan sa kanila ay hindi ko kilala.
Hindi pa nga ako nakalapit sa pwesto nila Gigi ay sumigaw na ang half brother kong si Jared ng makita ang babaeng nakaupo sa tabi ng gwapong si Liam. Nakaramdam ako ng kunting pagkirot sa aking dibdib ng makita ko kung gaano ito ka clingy kay Liam. Sa mga kilos nito ay mahahalata mo na talagang may something sa kanila.
"Ate Jenny! Ate Jenny!"
Lumingon agad ito ng marinig ang tawag ni Jared at ngumiti ng pagkatamis tamis habang inilahad nito ang dalawang braso para salubungin ng yakap ang half brother ko.
Halatang close na ang mga ito. Sabik na sabik kasi ang little brother ko sa babaeng ito.
Hindi ko maipagkakaila na maganda ang babaeng nagngangalang JennyLyn. May balingkinitan itong pangangatawan, matangkad lamang sa'kin ito ng isang pulgada. Sa tingin ko, nasa limang talampakan at apat na pulgada ito. Singkit ang mga mata, makapal na makipot na mga labi, maliit pero matangos na ilong at lampas balikat na tuwid at maitim na buhok.
"Joyce, ito nga pala si JennyLyn. " Agaw salita ni Gigi kaya naputol ang pagkilatis ko sa babaeng pinapakilala, "at JennyLyn, si Joyce ang step sister ko. "
Nahihiya kong kinayawan si JennyLyn.
"Finally, nagkita na rin tayo!" Masiglang wika nito at ikinapagtataka ko. Base sa tono ng pananalita nito ay parang matagal na ako nitong kilala. Mukhang nabasa naman niya agad ang iniisip ko.
"Ito kasing si Liam lagi kang binabanggit sa'kin. Gusto ko na nga sanang magselos eh, kundi lang sinabi ni Gigi sa akin na magkababata pala kayo."
Naguluhan ako sa mga sinasabi ni JennyLyn ngayon kaya napatingin ako sa gawi ni Liam. Nanatili lang itong tahimik pero may sumilay na mga ngiti sa mga labi nito.
"Teka, ano ulit 'yong sinasabi mo? Kami ni Liam, magkababata?" Gulat na tanong ko rito.
"Oo, bakit? Hindi mo ba siya kilala?"
Nakarehistro sa pagmumukha ni JennyLyn ang labis na pagtataka.
"Ay muntik ko na palang makalimutan sis!" Palatak ni Gigi. Humingi ito ng despensa dahil nakalimutan nitongh sabihin sa akin ang isang napakaimportanteng impormasyon.
"Ang batang lagi nating kalaro dati na si Amelia ay isang Liam na ngayon!" Nakangising pagpapaliwanag ni Gigi sa'kin. "At ang pinsan kong si JennyLyn ay ang girlfriend niya!"
'Hindi ito maari! Ang Amelia ko at ang gwapong si Liam ay iisa? Kaya pala pamilyar siya sa akin. Kaya pala pamilyar sa akin ang pakiramdam. Pero bakit hindi kaagad siya nagpakilala? Eh 'di sana kanina ko pa nasabi sa kan'ya ang lahat. At ang mas hindi ko matanggap tanggap ay ang pagkabigo ko sa kanya dahil may JennyLyn na pala siya. May iba na siyang gusto.'
"Ayos ka lang ba, Joyce?" Untag sa akin ni Gigi. "O-okay lang ako," medyo nauutal kong wika sa kaniya. Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatulala. Talagang hindi ako makapaniwala. Nang mapagawi ang mga mata ko kay Liam ay parang wala lang ito sa kanya ang nangyari. Deserve ko ang paliwanag niya pero wala man lang siyang ginawa, ni hindi man lang siya humingi nangg paumanhin sa akin. 'Na like, hello? Bestfriend here. Kaso wala. Kailangan ko pa ba na manghula? ' Karapatan ko iyon bilang kababata niya. Kailangan ko siyang makausap ng sarilinan, because I really deserve an explanation from her. Kung hindi nabanggit nitong isa, hindi ko pa malalaman. "Nasabi na ba sayo ni Liam na ikaw ang ultimate crush niya?" Nakangiting humarap si JennyLyn sa akin. 'Wait, What? Tama ba ang narinig ko? ' "Ha?" Gulat na tumingin ako sa kan'ya. 'Sandali lang naman. Ang dami namang pasabog nito. Hindi ako prepared.' "Seryoso ka ba na ako? Crush ni Liam?" Muli kong tanong sa kan'ya. L
LABIS akong nasaktan sa pagkabigo ko kay Amelia kaya kahit hindi pa tapos ang pagdiriwang ng kaarawan ni Papa ay nagpaalam nakaagad ako sa kanila upang umuwi." Sayang naman at hindi ka magtatagal dito, nak." May panghihinayang pinagmamasdan ako ni Papa."Pasensya na po, babalik na lang po ako susunod. " Malungkot na yumakap ako kay Papa."Hindi na ba pwedeng ipagpabukas iyan?" Pagpipigil ni Tita Gretchen sa akin."Emergency po kasi, eh, " pagsisinungaling ko sa kanila.Ang totoo ay nasanay na kaming dalawa ng kapatid kong si Vinice na maiwan kasama ang mga kasambahay pero ang nirason kung dahilan sa kanila ay walang makakasama ang kapatid ko roon dahil biglaan ang business trip nila mama at daddy."Ipapahatid ka na namin kay Liam. " Saad kaagad ni Papa na ikinaalma ng aking buong sistema."Naku, h'wag na po! Magtataxi na lang po ako. " Mabilis ang ginawa kong pagtanggi sa alok ni Papa."Hindi ako papayag na hayaan kita na bumiyahe ng mag-isa sa daan. ""Pero, papaano po ang girlfri
4 years after..Mataman kung tinititigan ang repleksyon ko sa harap ng salamin. At naninilay ang magandang ngiti sa aking mga labi. Simple lang ang suot ko na low rise faded jeans, graphic tee, at comfy sneakers.Habang pinagmamasdan ko ang aking sarili sa salamin ay nakarinig ako ng malakas na pagkatok mula sa labas ng pintuan ng aking silid. Pero inignora ko lamang ito at maingat na naglagay ng light make-up sa aking mukha."Perfect!" Nakangiting tumingin ulit ako sa harap ng salamin pagkatapos kung magpahid ng peach liptint sa aking mga labi." Ate Vera! Hindi ka pa rin ba tapos?" Base na lamang sa paraan nang pagkatok nito sa pinto ay naiinis na ito. Tinawanan ko lamang ito."Palabas na nga," maiksing sagot ko sa kan'ya. Dinampot ko ang aking satchel bag at sinuot, saka ako nagpaikot-ikot ulit sa harap ng salamin bago lumabas ng aking silid.Bumungad sa akin ang nakasimangot na hitsura ng kapatid kong babae na si Vinice. Sasama kasi siya sa'kin ngayon dahil nag-aaya ang bestfri
NAKATULALA ako sa isang pamilyar na taong kaharap ko ngayon. Wala pa ring pinagbago ang hitsura nito dahil mas lalo pa siyang gumag'wapo. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko, Nasilayan ko ulit ang mga mata nito, ang magandang pagkaukit ng hugis ng ilong nito at ang manipis at mapupula nitong mga labi.."Ah miss? Iihi ka rin ba?" Wika pa nito sa akin habang iwinawagayway ang kamay sa aking harapan.. Mahina naman akong tumango. Hindi ko pa rin inaalis ang pagkatitig sa kan'ya. Para tuloy akong namalikmata.Sumenyas ito na umusog ako ng kaunti, tumalima naman kaagad ako. Daig ko pa ang isang masunuring tuta sa harapan nito.Maingat na binuksan nito ang pintuan ng comfort room, "sige, mauna ka na!" Mahahalata sa pagmumukha nito ang isang pilit na pagngiti. Dahan dahan naman akong tumango at mahinhing pumasok sa loob. Daig ko pa ang isang pino at mahinhing babae sa kinikilos ko ngayon. 'Self, umayos ka ha. Siya lang naman 'yon. H'wag mong gawinmg nakatatawa sarili mo sa harap ng ibang tao.
"WHAT'S going on here?"Naguguluhang nagpalipat-lipat nang tingin si Sheena sa aming dalawa ni Liam."Magkakilala na pala kayo?"Hindi muna ako umimik. Hinintay ko rin kung ano ang isasagot ni Liam. Mas makabubuti kung mauna siyang magpaliwanag kaysa sa akin dahil gusto ko rin na malaman ang ipapaliwanag nito sa aking bestfriend."Muff?" Pag-uulit na tanong ni Sheena kay Liam habang ang mga mata nito ay naghihintay ng kasagutan mula rito." A common friend, muff."Malamig na tugon ni Liam. Nagpagtingang magkabilaang tainga ko dahil sa sinagot nito. 'W-wait! W-what?! I'm just a common friend to her? Hindi ito maaari!'Naniningkit ang mga mata ko dahil sa sinabi nito. Naiinis ako, pero, wala akong magawa. Ang panget pala sa pakiramdam na ganituhin ka ng taong-- 'Ah! Cheer up, self!' Ayoko ng ganitong pakiramdam... Pinipilit kung pakalmahin ang sarili ko dahil parang nararamdaman ko na may namumuong mainit na likido sa mga mata ko. 'Damn! H'wag ngayon, Vera Joyce! H'wag mong gawing n
LIAM's POV:NAWALA sa isip ko na umuwi pala ang landlady namin sa probinsya. Dapat pala ay hindi ako pumayag na i-angkas itong weird na kaibigan ni Sheena, 'di sana ito ang makikitulog dito ngayon kundi si Sheena.Mukhang hindi kasi talaga safe kasama, itong friend niya. Part of me is telling I can't trust this girl but there is something about her that I can't ignore --hindi ko lang talaga alam kung bakit.Nakita ko ang pagkilatis niya sa tinutuluyan ko. Tila may hinahanap ito na hindi ko malaman. 'Hindi kaya myembro ito ng akyat bahay gang? I-ko-close muna ang bibiktimahin bago nanakawan? H'wag naman sana.' Nang mapagtanto ata nito na wala siyang mahihita dito sa tinitirhan ko ay saka pa ito humarap sa akin."Sino ang kasama mo rito?" Biglang tanong nito sa'kin. 'Sasabihin ko ba na wala akong kasama o magsinungaling ako?'Kung makaasta ito sa harapan ko na walang ibang nakatingin ay ibang-iba.Gusto ko sanang sabihin dito na may kasama ako at uuwi na 'yon mamaya pero imbes na
GRABE ang kabang naramdaman ko ng biglang nawalan ng malay si Amiel. 'Oh~ Amiel. Anong gagawin ko? Bakit ba naman kasi bigla na lamang itong hinimatay.'Kanina pa nagtalo sa aking isipan kung ano itong nangyayari kay Amiel. Dahil sa pagkakaalam ko ay wala itong sakit.Ayoko rin naman na tawagan si Sheena dahil wala naman siyang alam na planado ko ang pagtulog ko rito sa apartment ni Amiel. Plinano ko ang lahat ng ito habang nakaangkas ako kay Amiel. Ang dami kasing naglalaro sa isipan ko habang nasa byahe kami ni Amiel, kanina. Kaya nabuo sa isipan ko ang isang planong hindi ko pagsisihan--ang akitin siya. Ngunit, iba ang nangyari, hindi ko pa rin talaga kayang sirain ang pagkakaibigan namin ni Sheena. Gano'n ako ka loyal sa mga kaibigan ko. Kaya lang iba ang kinahihinatnan ng mga plano ko. At ito ako ngayon nangangapa dahil sa biglaang pagkawalan nito ng malay.'Ano ba ang alam ko sa ganito?' Nagkandaugaga na ako sa kakapaypay kay Amiel. Lakad-takbo na ang ginawa ko habang naghaha
LIAM'S POV:KITANG-KITA ng dalawang mga mata ko ang pag-awang ng mga labi Niya. I, then stopped talking and confusedly stared at her. Ang totoo ay sa mga labi lang niya nakatuon ang mga mata ko. I heaved a deep sigh. There is something on those thick but cute lips that I couldn't explain. Ang kaninang inis na nararamdaman ko ay napalitan ng hindi maipaliwanag na pakiramdam. Nakadagdag pa sa nakakaliyong nararamdaman ay ang amoy ng pabangong gamit niya. Nanunuot ito sa kasuluksulukan ng ilong ko. Parang napapalibutan ako ng mga preskong bulaklak na kakapitas lamang sa isang hardin.And I don't know kung tama ba itong naramdaman ko, tila ba kasi may magnet ang babaeng ito.Sa isang iglap ay namalayan ko na lang na magkadikit na pala ang mga labi namin. Masyadong mabilis ang mga pangyayari. I don't know who started it first. If it's me or her but I don't care. I just can't deny the fact na nagustuhan ko ito. Err, I mean, it's hard to describe. It seems like we're connected with each ot
"NO, Sheena! Stop the hate! Sumuko ka na lang baby! " Singit na sigaw ni tita Emma na nakap'westo pa rin sa kinatatayuan nito kanina. " Why should I stop? Are you scared to let them know what did that evil man did to us? And besides, you are the first person who turn me like this!" Sheena hissed to her mom. "Sheena, please, itigil muna ito. Tanggap ka pa rin naman namin eh. And willing pa rin kami na maging kaibigan mo. Magtiwala ka lang sa amin." Mahinahon naman na wika ni Bea sa isang tabi sa kabila ng tensyon namamagitan sa buong paligid. "Masasabi mo lang kasi iyan dahil hindi ikaw ang nasa sitwasyon ko! Did your mom experience being battered by your dad? " Nanlaki ang mga mata nitong hinagilap ng tingin ang nagsasalitang si Bea. "Ah~ I almost forgot! You don't have a father nga pala. " Nang-aasar na ngumisi itong nakatitig kay Bea, "or shall I say, you do have a father.. pero, hindi literal na matatawag na papa mo ito
"HOLD YOUR FIRE!" Sigaw ng kung sinumang pulis sa aking tabi. Pero parang tumigil ang pag-ikot ng orasan ng mga oras na 'yon. Nang makita ko ang aking kapatid na si Jared na tumatakbo papalapit sa akin. At ang isang lumilipad na bala ng baril papunta sa direksyon mismo ng aking kapatid. Hindi na ako nagdalawang isip pa at kaagad kung sinalubong si Jared. Mabilis kung iniharang ang aking sarili dito upang saluhin ang paparating na bala. "Ate Joyce!" Palahaw na iyak pa nito ng makayakap na ito sa akin. Nararamdaman ko ang takot at panginginig nito na ikinangitngit ng aking kalooban. Magkasabay kaming natumba habang magkayakap. Saka ko naman naramdaman ang pagtama nang bala ng baril sa aking kaliwang hita. Noong una ay pagkagulat lamang ang aking tanging nararamdaman. Hindi pa gan'on umepekto sa akin ang kirot. Pero habang tumatagal ay unti-unti ko nang naramdaman ang pamamanhid ng aking kaliwang hita."Bulls eye!"
"DON'T WORRY love. I'll make it sure that everything's gonna be okay. " Pilit na pinapakalma ni Vic ang aking pakiramdam dahil kanina pa ako hindi mapalagay habang lulan kami sa private helicopter na sinasakyan namin ngayon pabalik ng Pilipinas. "This is all my fault. Kung hindi ko pinapakilala si Sherwin kay Emma, hindi sana mangyayari ang lahat ng ito. But hindi ko naman talaga intensyon na mauuwi sa ganito ang lahat dahil lately ko lang din nalaman na Sherwin is one of the head of the notorious syndicate.. " "It isn't your fault love. Please don't take all the blame on you because you didn't mean to put Emma in this situation." "Hindi mo kasi naintindihan, Vic. Emma and I are good friends but I couldn't afford to lose you, too. You know how infatuated Emma to you before. And I thought Sherwin is a nice guy--" Hindi ko matapos ang aking sasabihin ng mabilis akong kinabig ni Vic dahilan upang mapasubsob
MAKULIMLIM ang langit. Animo'y may nagbabadyang unos na paparating. Ngunit hindi ito naging hadlang sa isang pamilyang masayang naglalaro ng volleyball. Nasa kalagitnaan na ang mga ito ng nilalaro nila nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Kaya napilitan ang mga ito na saka na lamang ipagpatuloy kapag humupa na ang ulan. Nagkanya-kanyang takbo kaagad ang mga ito papunta sa cottage na inokupa. Makikita talaga sa mga pagmumukha ng mga ito ang labis na kagalakan kahit iilan sa kanila ay parang basang sisiw na. Sa bandang pintuan nakatayo ang batang si Jared. Habang abala ang lahat na magdaldalan, tuwang-tuwa naman ito habang pinapalutang ang bangkang gawa sa papel. Lumulutang ito sa isang kawayan na nakatihaya, Dire-diretso ang paglutang ng bangkang papel. Tuwang tuwa na sinusundan naman ito ng batang si Jared. Hanggang sa hindi na namalayan ng lahat na nasa labas na pala ang batang ito. Nang makarating sa bandang dulo ang bangkang papel ay n
"BITIWAN MO AKO! " Pilit na pagpumiglas ni ginang Yvonne sa pagkahawak sa kaniya ng mga armadong tauhan ni Sherwin."Tumahimik ka! Mapapahamak kami kay bossing dahil sa ingay ng bunganga mo!" singhal na sita ng lalaki na hinihila ang kaniyang kaliwang braso. "Kinidnap ninyo ako tapos gusto niyo na manahimik lang ako! Ano ba ang naging kasalanan ko sa inyo?" Nagmamakaawang pakiusap ni ginang Yvonne sa mga ito. "Kasalanan mo? Malaki ang naging kasalanan mo, kaya ka nga pinakidnap ka sa amin ni boss eh!" Pamimilosopo ng lalaki sa kanan.Nakita ni ginang Yvonne na papasok na sila sa isang resthouse. Mabuti na lamang at hindi siya piniringan ng mga ito. Kaya nagkaroon siya ng pagkakataon na sauluhin ang lugar na pinagdalhan sa kaniya. Isang mahabang pasilyo ang dinaanan nila bago sila pumasok sa isang pintuan. Pagkapasok niya sa loob saka naman siya binitawan ng mga armadong lalaki at iniwan. "Saan kayo pupunta? Don't tell me! Help!" Malakas na sigaw ni ginang Yvonne at walang sawang
DALAWANG araw na ang nakalipas magmula nang dukutin ng mga tauhan ng daddy ni Sheena ang mommy ni Faye. At hanggang ngayon ay wala pa rin kaming balita kung nasaan sila at kung ano na ang nangyari kay tita.. Pero hindi pa rin tumigil ang mga owtoridad sa paghahanap.Natawagan ko na rin sina papa na kailangan nila ng dobleng-ingat. At kung maaari, itago nilang mabuti si Amelia. Mahirap na, dahil maraming koneksyon na sindikato ang daddy ni Sheena. Mabuti na ang sigurado kaysa makapante.Nahihirapan na tuloy akong makatulog dahil sa labis na pag-aalala. Kanina pa ako nagpabaling-baling dito sa aking higaan, nakatingin sa kanina ko pa hawak na cellphone. Nag-aabang ng tawag mula sa aking Amelia. Sana nasa mabuting kalagayan ito. Sana hindi sila nasundan ni Sheena. Sana.. Hindi ko na namalayan na iginupo na ako ng kaantukan.NAGMULAT ako ng mata ng maramdaman kong may gumagalaw sa aking tabi. Hindi ko matandaan na may katabi akong matulog kagabi. 'Sino kaya ito?' Kaya kaagad akong tum
NAGPASYA na lang muna ako na gumala sa mall para magpalamig. Nabuburyo rin kasi ako na umuwi sa bahay dahil mag-isa lamang ako ngayon. As usual, wala na naman sina mama at tito daddy. Si Vinice naman ay nasa bahay ng bagong boyfriend nito.Sinubukan kong ayain si Faye. Kasi si Moira ay abala sa pag-aasikaso sa mga pinsan nila Josmond. Sinusulit din nito ang bonding ng fiance nitong si Dominic. Nauna din na umalis sina Bea at ang asawa nitong si Dexter at nagkataon din na si Faye lang ang bakante kaya siya ang inalok ko. Hindi naman ito nagdalawang-isip na sumama sa akin.Kasalukuyan kaming tumatambay sa paborito kung VG Cafe. Nakakarelax kasi sa pakiramdam ang tumambay dito. Dahil bukod sa masarap ang kape nila at milktea, may free reading pa sa naturang cafe.Habang abala kaming dalawa ni Faye na magbasa habang sumisipsip ng wintermelon. Napansin ko na bigla na lang itong napatulala."Faye? Are you okay?" Puno ng pagtatakang untag
KAAGAD NA INAALALAYAN ako nina Gigi at Arnold. Mabilis naman na itinali nina Dexter at Dominic ang nagwawalang si Sheena. Nang biglang dumating ang medical staffs. "Hindi pa tayo tapos! Babalikan kita, Vera! Babawiin ko lahat ng inagaw mo sa akin! Hindi kita lulubayan hangga't hindi ko nababawi ang lahat sayo! Tandaan mo iyan!" Nanggagalaiting sigaw ni Sheena habang inaakay ito papalayo ng mga medical staffs. Pilit itong pinapakalma ng mga ito. Nang hindi talaga ito tumigil sa pagpupumiglas ay kaagad na tinurukan ng mga ito ng gamot pampakalma. Mabilis na umepekto ang gamot at matagumpay na naihiga ng mga ito si Sheena sa dala-dala ng mga ito na stretcher. Tiyak sa rehab ang bagsak nito o baka nakabukod na rehab dahil sa krimen na nagawa nito ngayon lang. Baka mas malala pa ang ipap"Mabulok ka sana sa kulungan! Hayop ka!" Balik sigaw naman ni Moira habang inaalalayan ito ng kasintahan nitong si Dominic. May lumapit din sa kanila na medical staffs. Maririnig din sa isang tabi ang
VERA's POV:KINIKILABUTAN AKONG napalingon sa gawi nang kinabagsakan ni Rocky. Bumungad sa paningin ko ang magkasunod na pagduwal nina Bea at Amelia na nakap'westo na pala sa aking bandang likuran.Nanlamig ang aking buo kong katawan dahil sa nasaksihan. Huli ko nang mapagtanto ang biglaang pagtunog ng aking sikmura at ang pakiramdam na parang may gustong kumawala sa aking lalamunan. Hindi ko rin napigilan ang maduwal sa nakakahindik na pagkamatay ni Rocky. Hindi ko lubos akalain na capable na gawin ito ni Sheena. Hindi ko rin alam sa aking sarili kung ano pa ang kaya nitong gawin. Pero nagbakasakali ako na pwede pa itong mapakiusapan."She... 'Diba sa akin ka galit? H'wag mo na silang idamay pa.." Nagsusumamong pakiusap ko rito. Kahit ramdam ko ang panginginig ng aking kalamnan ay sinubukan ko pa rin na kumilos at maglakad papunta sa kinaroonan nito upang ito'y pakiusapan. Kahit na pakiramdam ko na mukhang malabo ang nais kong mangyari. Humarap ito sa akin na parang nabi