NANG mga oras na iyon ay para akong binubuhasan ng mainit na tubig dahil parang hindi ko mapigilan ang sarili ko na humanga sa kakisigan ng lalake na nasa harap ko. "Hey, nahimasmasan ka na ba? Halos matunaw ako sa pasimpleng pagtitig mo sa 'kin," wika nito. "H-huh? N-no! Hindi ako nakatitig sa 'yo noh?! At isa pa, w-wala akong interest sa mga masculine body na 'yan," pagtanggi ko ngunit tila nadulas ako sa nasabi ko at napatingin na lamang ako sa labas ng bintana ng sasakyan. "Oh, so you admitted na macho nga ako?" pang-aasar niya sa 'kin. "You know what? Hindi...hindi ako lasing, at alam ko...alam ko na ikaw ang lalakeng hinalikan ko kahapon. At alam mo?" dinuro ko siya habang pinipigilan ko ang pagkahilo. "Alam mo...pare-parehas kayong mga lalake, mga manloloko! Mga manggagamit! At higit sa lahat?! Mga babaero! Maybe you're one of them..." "Well, lasing ka nga," tipid niyang sabi. "I'm not...sober lang ako pero hindi ako lasing! You guys are--" Nabitin ang
KINAUMAGAHAN nga ay naramdaman ko na lamang na sobrang lambot ng kamang hinihigaan ko. Pero nang imulat ko ang aking mga mata ay doon ko lang napagtanto na hindi ito ang sarili kong kuwarto. "Hala! A-anong ginagawa ko dito!" Bulalas ko at naramdaman ko na lamang na tila sumasakit pa ang aking ulo. Hanggang sa maalala ko ang mga naganap kagabi. Nagulat ako nang makita kong nakasuot ako ng puting long sleeve. "Ohh geez! Nessa anong nakain mo kagabi!" muli kong bulong sa aking sarili. Akma na sana akong babangon nang maramdaman ko ang kirot na nagmumula sa aking pagkababae. "No way! No! This can't be! S-sinong lalake ang gumalaw ng perlas ng silanganan ko!" sigaw ko. Kaagad kong dinampot ang bag ko na nakalapag sa lampshade. At doon nga bumungad sa 'kin ang one hundred missed calls na galing sa kapatid kong si Tasha. Pinilit ko na lamang noon na maglakad palabas kahit may hapdi pa akong nararamdaman. Pagbungad ko sa sala ay nakita ko ang isang lalake, nakasuot ng tank tops
NAPAKARIPAS ako ng takbo pabalik sa loob nang mapansin ko na wala akong suot na underwears! Gosh! Purgang purga na talaga ako sa kahihiyan! Gusto ko ng umuwi! Nang makita ko ang mga gamit ko ay kaagad ko na itong kinuha at pati ang damit ko na sinuot ko kahapon ay isinuot ko na rin. Bahala na kung mangamoy kalamansi pa ako dito basta gusto ko ng umuwi! "Hey, hindi pa ba tapos 'yan?" bossy kong sagot sa lalaking ito. After kong magtanong ay tumayo siya tsaka niya ako tinapunan ng nakakainis na tingin. "You never hesitated to wear those clothes again?" "So? Sa bahay na ako magpapalit." "Hmm... sabagay? Nasukaan mo lang naman ang damit na 'yan kagabi habang binibihisan kita," he said and instantly crossed his arms. "How there--hmmp! Umamin ka nga! G-Ginalaw mo ulit ako kagabi noh?!" He laughed mischievously at tila lalo pa niya akong inaasar. "Kalahati lang ang naipasok ko kagabi Miss, masiyadong makipot so I decided to pull it out. At isa pa, mukhang hindi mo
NAPATINGALA ako sa sinabi ng estranghero na ito. "Kahit sino naman na lalake susunggaban ako kapag intoxicated ako noh?! And one more thing oh ito tanggapin mo." Aminado naman ako na may kaya ang lalakeng ito pero inabutan ko siya ng bente pesos para ako naman ang mang-asar sa kaniya. Nakita ko siyang nagtaka sa ginawa ko at tinaasan niya ako ng kilay. "Oh abutin mo na? Bente pesos para sa kaunting gasolina na nagamit ng sasakyan mo para ihatid ako dito," dagdag ko. "Hmm, ipambili mo na lang 'yan ng nipple tape. Total may ugali ka pa lang nakakalimot, nakakalimot magsuot ng BRA." Nakita kong tiningnan niya ang dibdib ko na noon ay kasalukuyang nakaawang ang isang butones ng blouse ko dahilan para magpakita ang cleavage ko. Mabilis kong tinakpan ito gamit ang mga palad ko nang mapagtanto ko na hindi ko na naman nasuot ang bra ko. Tsk! Nakakainis! Ayaw ko na muling magkrus ang landas namin ng lalakeng ito! "Bastos!" "Paano naman ako naging bastos Miss? Nakalimutan mo na
BINILISAN ko ang pagbibihis ko nang mapansin ko na tila dumating na nga ang lalakeng tinutukoy ng kapatid ko. Si Veos, si Veos na matagal ko ng kinaiinisan simula noong bata pa kami. Hindi ko rin alam kung bakit gano'n na lamang kagaan ang loob ni Tasha sa kaniya. "Ate, lumabas ka na diyan. Nandito na si Veos at hinahanap ka." Sabik na sigaw ni Tasha habang kumakatok sa aking pinatuan. Dinampot ko ang aking french na pabango at iniiros sa aking pulso at leeg. Kasabay no'n ay inayos ko ang hibla ng aking curly na buhok bago lumabas. Pagkabukas ko nga ng pinto ay kinantiyawan pa ako ni Tasha. "Wow, bango ah. Ang bongga ng bihisan natin ngayon ate ah." "M-May meeting ako sa mga k-kliyente ko mamaya," palusot ko. Nang sabay kaming maglakad papunta sa sala ay natanawan ko nga si Veos, nakatalikod ito at kasalukuyang pinagmamasdan ang mga pictures frames namin ni Veca noong mga bata pa kami. "S-Si Veos?" Nauutal kong sagot at hindi ko mawari kung bakit bigla na lamang ako
BAGO ako lumabas ng bahay namin ay pasimple kong pinanlakihan ng mata si Veos na noo'y ilang pulgada na lamang ang lapit kay Tasha. "Tasha, aalis na ako. Iyong bilin ko sa 'yo ha?" "Opo NANAY." Pabirong sagot sa akin ng kapatid ko ngunit napailing na lamang ako at tuluyan nang lumabas. Nakakainis naman kasi 'tong isang kliyente ko! Masyadong atat. Napagpasyahan ko nga na mag-stop sa isang Starbucks since ito ang binanggit ng kliyente ko na location kung saan kami magmi-meet. Pagbaba ko nga ay hindi ako nag-atubiling pumasok sa loob at nang makapasok ako ay nakita ko ang isang lalake na mataba at kalbo. Masiyadong makapal ang balbas at mala-chinese ang mukha. "Good day, are you Mr. Pet Chai?" "Shira ulo ka ba? Hindi ako tukoy mo petchay, alis ka, alis ka harapan ko," ang sabi niya at halatang hindi nga siya pulido magtagalog. "Ay, s-sorry..." Napakagat-labi na lamang ako at napapikit ng aking mga mata nang magsimula akong maglakad palabas ng Starbucks cafe. Nan
"KAILAN pa natin linabag ang termino at kondisyon ng kontrata! Aba ayos sila ah!" Halos mamula ako nang mabasa ko ang laman ng folder na binigay sa akin ng babaeng iyon. Halos mapamura pa ako sa harapan ng mga trabahador ko. "Kung tutuusin ang laki ng pondo na linabas ko sa proyektong ito tapos after one month ganito na lang ang gagawin sa atin?!" Dagdag ko na halos hindi ko na mapigilan ang inis. Nakita ko noon ang mga kaawa-awang itsura ng mga trabahador ko. Kahit pa bago lang sila ay malaking kawalan pa rin ang ginawa nilang pagpull-out sa kontrata. Mabigat din sa loob ko na umaasa na lamang sila sa proyekto para may pangtustos sa pamilya nila. "Eh ma'am paano na po iyan, may mga nakabali na rin po kasi ng suweldo, mukhang lugi naman po sa parte niyo kapag hindi namin iyon ibabalik kapalit ng pagtatrabaho dito sa site," ani Mang Norman. Napabuntong-hininga na lamang ako habang pinagmamasdan ang mga tauhan ko na 'di maipinta ang pagkadismaya sa kanilang mga mukha. Hayop na
MALALIM. na ang gabi at akma na sana akong matutulog nang biglang pumasok si Tasha sa kuwarto ko. "Oh Tash...bakit? May kailangan ka ba?" tanong ko sa kaniya. Nakita ko noon na gumuhit ang mga matatamis na ngiti sa kaniyang labi at lubha akong nagulat nang humiyaw ito. "Waaaahhhh! Oh my god ate! P'wede ba akong magtanong sa 'yo?" ang sagot ni Tasha at para siyang ewan na sumiksik sa tabi ko habang niyayapos ang unan. "May lagnat ka ba?" tanong ko sabay dampi ng palad ko sa kaniyang noo. "Ang ate naman, porke ba masaya ako may lagnat na agad?" "Oh, eh ano ba 'yong gusto mong tanungin?" "About 'to sa love story niyo ni kuya Drew." Nakangiting sagot niya at tila nasamid ko nang marinig ko ang mga salitang iyon. Putcha! Sa dinami-dami ng puwedeng pag-usapan bakit si Drew pa Tashaaa! Napagdesisyonan ko na sumandal sa headboard ng aking kama at pilit na kinontrol ang inis na nararamdaman ko. "Bakit ka naman yata nagka-interest sa l-love story namin ng kuya Drew mo." Malamig kong s
[Tasha Point of View] I WAS HAPPY inside nang makaalis na si ate. Sa ngayon, kami na lamang ni Veos ang nandito. Kasalukuyan kaming nasa kitchen ngayon. He's still enjoying the meal na dala ko. Sobrang saya ko dahil feeling ko mas naka-score ako ngayong araw. "Kumain ka lang ng madami Veos. Tomorrow, babalik ako at magdadala ulit ako ng iba pang putahe," I said seductively. "Umm...you don't need to do that Tasha. Baka makaabala pa kami sa 'yo ng ate mo, ikaw, hindi ka ba kakain?" ani Veos. Lumipat ako ng puwesto at umupo sa bandang malapit sa kaniya. Inabutan ko siya ng tubig. Gusto kong iparamdam kay Veos na I am better than my sister. Ramdam ko rin naman na hindi ako tatraydurin ni ate ng patalikod so I need to grab this opportunity para mapaamo si Veos at sa akin lang matuon ang attentions niya. Matagal ko itong pinapangarap, ang makausap siya ng malapitan, pagmasdan siyang kumilos at higit sa lahat...ang mapagsilbihan siya. Baliw na ba ako kung sasabihin kong I am obsess
[Nessa Point of View] ALAS SAIS na ng umaga at kaagad akong napabalikwas mula sa pagkakaupo ko sa kama. At saktong palabas na ako ay lalong nayanig ang mood ko nang masilayan ko si... Si Tasha...kasama ang Lolo ni Veos. Ni wala pa akong kaayos-ayos noon at kahit hilamos ay wala. Hindi ko magawang ihakbang ang mga paa ko. Naging sentro ng attention ko si Tasha. Seryoso itong nakatitig sa akin. Isang titig na parang may kalituhan at katanungan. Pero wait, bakit sila magkasama ng lolo ni Veos? Paano na naman nalaman ng Lolo niya na may kapatid ako. "Good morning Nessa hija, sorry kung napaaga kami ng dating. By the way, mukhang nag-enjoy kayo sa first honeymoon niyo bilang mag-asawa," anang matanda. Sakto naman noon na lumabas si Veos at nakasuot lamang ito ng boxer short. Pasimple ko siyang pinasikmuraan sapat na upang mapa-aray ito. "L-lo? Tasha?" ani Veos na kagaya ko ay kagulat gulat rin ang reaksyon nito at biglang napaatras dahil sa suot nitong boxer lamang. Maya-m
[Nessa Point of View] " I AM not insulting you Nessa, I just want to help you? Hindi ko naman ipinagmamayabang na madami akong projects, I am just being honest here," pagpapaliwanag ni Veos. Para talaga kaming tanga na kalagitnaan na ng gabi ay nagtatalo pa rin kami. Kaya tama ang hinala ko, once na nagsama kami sa iisang bubong everyday away, sigawan at pataasan ng pride. Ikaw ba naman, magiging asawa mo ang greatest enemy mo! "Inaantok na ako. Ilabas mo na 'yong kumot at unan ko, dito na ako sa couch matutulog," saad ko. "Seriously? What if biglang pumunta dito ng maaga si Lolo bukas e 'di natiklo na tayo?" aniya. "E 'di hayaan mong matiklo tayo, ano ba kasing nakain mo at sinabi mong naging nobya mo ako," anas ko. "Dahil ayaw ko lang naman na maging mababa ang tingin ni Lolo sa 'yo Nessa. I think nasabi ko na 'yan last time," aniya. Sabagay may point siya, lalo at dakilang tsismoso ang Lolo nito at alam na lahat ng itinatago ko sa buhay. Napakahenyong matanda. "Oh s
[Nessa Point of View] SUCCESS din sa wakas. Nagmadali akong lumabas ng banyo dahil alam kong hindi pa tapos si Veos na maligo. Alas dyes na noon ng gabi at hindi ko na rin mahagilap si Veos. Siguro tulog na 'yon at hindi niya na ako hinintay na matapos pa. Nakita ko noon na bahagyang nakabukas ang pintuan, maybe nasa loob na siya. Pero teka, sa iisang kama kami matutulog? Ni wala man lang nakalabas na unan at kumot. "Hindi ka puwedeng pumasok Nessa...baka mamaya baka saan na naman mapunta," bulong ko sa aking sarili. Naisipan ko noon na humiga na lamang sa couch total malawak rin naman at sakto na ang katawan ko para makainat ng maigi. Umupo na ako at nang akma na sana akong hihiga ay labis akong nagulat nang biglang bumukas ang pintuan mula sa kuwarto ni Veos. Bigla akong napaayos nang pagkakaupo. Nakita ko si Veos na nakasuot lamang ng tank tops at...hindi ko maiwasang matuon ang paningin ko sa pang-ibabang kasuotan nito. Hanep na bukol. Potek! Nagiging makasalanan na naman ang
[Nessa Point of View] ALAS OTSO na ng gabi nang matapos ang wedding celebration. Nakabusangot pa rin ako ngayon, hindi ko alam kung ano ang trip ng Lolo ni Veos. Nakasunod pa rin siya sa amin hanggang sa makarating kami sa condo na sinasabi ni Veos kung saan kami titira. "Psst. Veos," bulong ko sa kaniya habang naglalakad kami papasok sa condo ni Veos. "Why?" "Bakit hanggang dito ba naman nakasunod pa rin ang lolo mo? Huwag niyang sabihin na pati sa loob ng condo mo magbabantay pa rin siya?" pasimple kong bulong. "Well, napaka-unmannered ko naman kapag sinabihan ko si Lolo na umalis na kaagad," tugon niya. "Eh 'di sabihin mo na lang na first night natin ngayon, alam naman niya sigurong kailangan natin ng privacy 'di ba? Sige na, para makauwi din ako mamaya sa bahay," pagpupumilit ko. Tinapunan lamang ako ng mapagpasensiyang tingin ni Veos. "Sinabi ko na 'yan kanina pa, but he insisted. My grandfather is wise Nessa, malakas radar niyan kahit pa matanda na," tugo
[Nessa Point of View] PUWERSAHAN kong inalis ang kamay ni Veos mula sa pagkakaakbay niya sa akin. Nakakahalata na talaga ako sa galawan niyang hokage! "Alam mo ang tindi mo rin mam-busted ng babae. Tsk, tsk, tsk..." "Dahil hindi ko naman nakikita sa kanila ang magiging future family ko. Wala naman akong magagawa kung isang babae lang talaga ang linalaman ng puso ko," aniya. "Eww! Ang baduy," saad ko. "Why? I am just being honest nga 'di ba? May isang babae akong nagugustuhan, honestly it's been years na never naalis ang pagtingin ko sa kaniya," aniya habang seryosong pinagmamasdan ni Veos ang bawat paghampas ng mga alon habang dahan-dahan kaming naglalakad. Hindi ko alam kung magtatanong pa ba ako o hindi na. Pero 'yong eagerness ko na malaman kung sino ang babaeng 'yon parang mas lalo akong hindi mapakali. Hindi naman siguro ako affect noh? Oo, hindi. Hindi talaga dapat! "K-kung sino man 'yang babaeng tinutukoy mo, for sure, sobrang malas niya," saad ko. "Re
[Nessa Point of View] HINAYAAN ko lamang si Veos na hawakan ang kamay ko at mabilis ang mga yapak namin na pabalik sa wedding reception. Nakita ko kung gaano nag-iba si Veos. Ramdam ko ang sakit at pagkainis na may halong pagkalungkot sa kaniyang mga mata. "V-Veos sandali..." pag-apila ko at napatigil kami sa may ilalim ng puno. "Why," aniya. "G-gusto ko lang malaman...k-kung okay ka pa bang ipagpatuloy ang wedding party. K-kung gusto mo ng umuwi p'wede naman siguro. Mukhang hindi ka kasi komportable ngayong gabi," malumanay kong sabi. Sa puntong iyon ay ayaw kong dagdagan ang inis na nararamdaman ni Veos. Kailangan kong i-set aside na muna ang pagiging maldita ko. "Nessa... I'm okay. Kung ano man ang narinig at nakita mo kanina, 'wag mo ng intindihin. Hindi natin p'wedeng iwan ang mga bisita. Kailangan naroroon tayo," seryoso niyang tugon. Muli niyang hinawakan ang kamay ko at nagpatuloy kami sa paglalakad. At nang makarating kami sa reception ay labis na naningki
[Nessa Point of View] LINAGPASAN lamang ako ni Veos at diretso lamang siya sa paglalakad palayo. At sa mga oras na iyon natuon ang paningin ko sa ginang na nasa harapan ko. Mabilisan niyang pinunasan ang kaniyang mga luha at muling tumindig. Malaki na rin pala ang pinagbago ng ina ni Veos. Pumayat siya at mukha ng stress. Namumukhaan ko siya dahil mga bata pa lamang kami ay nakikita ko na siya noon. Sa katunayan, matapobre ang ina ni Veos, bata pa lang kami noon ni Tasha ay pinagbabawalan na niyang lumapit sa amin si Veos pero sadyang may katigasan ng ulo noon si Veos at palihim pa rin na nakikipaglaro kay Tasha. "What are you doing here," malamig na sabi ni Mrs. Ynah Dimitre, ang nanay ni Veos. Hindi ko alam kung paano ako tutugon. Masungit pa rin siya at walang pinagbago. Kung 'di ko pa nasubaybayan ang sagutan nila ni Veos ay malamang sa malamang, baka inaway ko na siya dahil ang sama niya kung makatingin kanina. "Umm...m-magpapahangin lang po sana ako kaso...n-narinig k
[Nessa Point of View] SUMASABAY sa malakas na hampas ng alon ang pagkabog ng aking damdamin. Bakit ganito? Bakit sa tuwing pinupuri ako ni Veos ay tila isa akong dahon ng makahiya na bigla bigla na lamang napapatiklop. "Nessa?" aniya. Doon ko lamang napagtanto na marami na pa lang nakatingin at ito ako tulala pa rin. Nasa harapan na kami ngayon ng altar. Panay pa rin ang paggawi ng aking mata sa loob ng simbahan at umaasang naroroon si Tasha. "Wala siya..." mahina at malungkot kong bulong. "Nessa, are you alright?" ani Veos. "H-ha... Veos... itutuloy pa ba natin 'to? Sure na sure ka na ba?" tugon ko at doon lang talaga ako nakaramdam ng labis na pagkakaba. "Nessa, ngayon ka pa ba aatras? Nandito na tayo," pasimpleng saad ni Veos. Para akong sinasapian ng mga oras na iyon dahil tagaktak ang pawis ko. Minsan na rin na sumagi sa isip ko na magpanggap na lang yatang nasaniban para hindi matuloy ang kalokohan na ito. Pero...pero hindi ko magawa, hindi kaya ng damdamin