" Kaunting editing na lang, malapit na raw matapos 'yong documentary film, " tila excited na wika ni Jana nang makarating siya sa mesa na lagi naming pinu-puwestuhan sa cafeteria. Ibinaba niya ang tray na dala at naupo sa tabi ko para ikuwento ang nasagap na balita mula sa production team. " Excited na akong mapanood 'yon. Hanggang ngayon nga hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa nating makaligtas sa halos isang linggong pananatili doon sa bundok. Ang daming nangyari at parang panaginip pa rin saakin ang lahat. Kumusta na kaya sila doon, ano? " " Bayanihan pa rin ang mga taganayon sa pagbuo ng mga kubo at sa pagkakaalam ko, tatlo na ang naitayo doon ngayon, " saad ni Terrence na nasa kaliwa ko. " At least kahit papaano, mayroon ng matitirahan 'yong ibang pamilya na nawalan ng tahanan. " " Hoy sandali, totoo kaya na nagbigay pa si Chief ng sobre sa bawat pamilya sa mga taganayon? " halos pabulong na tanong ni Jana saka inilapit ang mukha sa gitna ng mesa para marinig ang boses niya
Pushing cart ang pinili ko kahit hindi naman marami ang bibilhin ko. Ayoko magbitbit o pagbitbitin ng basket si Terrence na abala sa pagtingin ng mga pagkaing de lata sa section kung nasaan kami ngayon. Mayroon ng tatlo sa kamay niya, mukhang napabili na rin siya kahit wala sa plano niya. " Ako na ang magtutulak niyan, " aniya nang iligay 'yong mga de latang kinuha niya sa pushing cart. Sinubukan niyang agawain saakin pero umiling ako at isinandal ang mga braso ko sa handle. Ang sarap kaya sa feeling na maglakad sa grocery store habang may tulak-tulak na pushing cart. Gustong-gusto ko na ito ang gamit ko kahit iilan lang 'yong mga ipamimili ko. Iwas hassle. " So, puwede mo na bang ikuwento? " pasimple kong tanong kay Terrence habang inililibot ang tingin para humanap pa nang masarap-sarap na pagkain. Nabili ko na lahat ng hinahanap ng bibig ko, pero gusto ko na ring bumili ng pasalubong sa bahay." Hindi ko sigurado kung ikatutuwa mo ang sasabihin ko, pero deserve mo naman na malama
" Si Chief daw pala ang nagpaalis ng coffee maker dito. " Napalingon ako sa dalawang empleyado na ngayon ay may dalang sariling coffee power para magtimpla ng kanilang mga kape. Nandito ako sa mimi cafeteria para palitan 'yong gummy worms na halos maubos ko kahapon. " Bakit raw? " tanong ng kasama habang nilalagyan ng tubig na mainit ang kanilang tasa. " Ewan ko. Baka nagtitipid si Chief? Oras-oras ba naman may nagkakape saatin, eh. " Natatawang pahayag ng isa. Binalik ko ang atensyon sa jar nang magkalaglag 'yong ibang gummy worms na hindi na kasya dahil puno na ang loob. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako mapakali sa balak na itanong saakin ng kapatid ko. Sinubukan kong mag message sa kaniya pero hindi naman ako ni r-reply-an kaya malamang mamayang gabi ko na lang kauusapin sa bahay. Hindi maganda ang kutob ko pero umaasa pa rin ako na mali ako. Pagkalabas ko sa mini cafeteria, nasalubong ko si Sir Joaquin na mukhang kadarating lang. " Good morning—" " Office, " sapat na ang
Maingat kong ibinaba ang isang tasa ng kape sa lamesita at ang plato na mayroong dalawang piraso ng pizza na galing sa isang box na dala ni Terrence. Napatingin ako sa bouquet of flowers na nakapatong sa dulo ng kama na dala rin ng lalaki para saakin. Sa mga oras na ito, binabalot ako ng konsensiya at wala na ring dahilan para gumawa ng kasinungalingan dahil narinig naman na niya ang katotohanan. " Anong plano mo? " Napatingin ako kay Terrence na nakaupo sa gilid ng kama ko. Wala akong choice kundi dalhin siya sa kuwarto dahil wala pa sa plano kong ipaalam kina Mama ang tungkol sa pagdadalang tao ko. " Kailangan ko munang ilihim ito hangga't hindi ko nalalaman kung sino ang ama ng bata..." Nahihiya kong sagot habang nakatayo sa harap niya. Binaba ko muli ang tingin sa lamesita na nasa pagitan namin. Nagpunta siya rito para dalhan ako ng bulaklak at ng pagkain, pero sa mga nalaman niya ngayon, hindi ko deserve na makatanggap ng kahit na anong bagay at pagkain mula sa taong ito. "
Nagkalat ang ilang blouse ko sa ibabaw ng kama habang sinusukat ito isa-isa. Hindi ako mapakali dahil halos lahat ng pang-itaas ko ay tila ba hindi na bagay sa katawan ko. Payat ako at maliit lang din ang baywang ko, pero ngayong tatlong buwan na akong nagdadalang tao, hindi na ako puwedeng magsuot ng damit na hapit sa baywang ko. Pansin ko rin ang bahagyang paglaki ng aking dibdib kaya mas lalo akong nahihirapang mamili ng susuoting damit. Tumingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding. Alas sais y medya na ng umaga pero hindi pa rin ako nakakaalis sa bahay. Lunes ngayon, traffic panigurado kaya malamang late na naman ako. " Bahala na nga, puñeta. " Dinampot ko na lang 'yong itim kong hanging blouse at high waisted khaki pants. Hindi na ako nag abalang suklayin ang buhok ko at basta ko na lang siyang itinali bago suotin ang white sneakers. " Oh, hindi ka na kakain? " tanong ni Mama na maabutan ko siya sa kusina na naghahanda ng umagahan. " Basa pa ang buhok mo, itinali mo na. Sa
" Uwing-uwi ka ngayon, ah? May lakad ka? " tanong ni Jana nang maabutan niya akong nagliligpit na ng gamit sa cubicle ko gayong may thirty minutes pang natitira bago matapos ang office hours. " Wala naman. May dadaanan lang akong store malapit dito dahil alas siyete ang sara noon. Baka wala akong maabutan, " pagsisinungaling ko dahil nasa labas si Sir Joaquin at kausap si Miss Lizzie sa table niya. Hindi man siya nakatingin dito, may tainga siya para marinig ang anumang lalabas sa bibig ko. Matapos niya akong pagbawalan, hindi ko na tinangka pang buksan ang topic tungkol sa Angel's Bar sa iba kong kasama dahil may plano na ako ng pansarili ko lang. " Kasama mo si Terrence? " Nakangising tanong saakin ni Jana at kita ko mula sa peripheral vision ko ang pagtingin ni Sir Joaquin sa gawi namin. Sinundot ni Jana ang braso ko. " Kayong dalawa, ah? Akala ko ba hindi na kayo nag d-date? Bakit parang may something pa rin sainyo? " " Binibigyan mo kasi ng ibang meaning 'yong galaw ni Terrenc
Halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko nang pahampas na inilapag ni Sir Joaquin ang dyaryo sa mesa niya. Bungad na bungad roon ang picture namin ni Archer na papasok sa loob ng Angel's Bar. Mayroon pang isang picture kung saan nakuhanan ang gulo na nangyari sa loob at iyong lalakeng nakaaway namin ay anak pala ng isa sa owner noong Angel's Bar. Hindi ko na kailangan basahin ang nilalaman noong storya dahil kahit sa internet, nagkalat din ang article tungkol saamin ni Archer. " Iba talaga ang katigasan ng ulo mo, Cabrera, " kalmado pero mababakas ang pagkadismaya sa boses ni Sir Joaquin habang pinapatay ako sa tingin. " Hindi ka talaga mapagsasabihan, 'no? Talagang ipipilit mo kung ano ang gusto mo at hindi mo man lang inisip 'yong consequences ng ikikilos mo. " Pinili kong hindi muna magsalita dahil alam kong marami pa siyang bala na patatamain saakin. Inasahan ko ng may lalabas na article tungkol sa nangyaring gulo sa sikat na bar na 'yon pati na rin sa pagkakadawit ng pangalan n
Iniabot saakin si Moira ang isang pamilyar na ticket mula sa Angel's Bar kung saan binibigyan nila kami ng 50% discount bilang parte ng paghingi nila ng dispensa sa nangyari noong nakaraang gabi. Naglabas na sila ng statement at inaako nila ang pagkakamali na ginawa noong anak ng isa sa mga owner ng bar. " Ang sabi noong babaeng nagpakilalang secretary ng owner ng bar, tatlong beses daw 'yan puwedeng gamitin sa Angel's Bar sa loob ng isang buwan. Ipakikita lang daw 'yan sa guard at sa staff doon kapag nagpunta ka, " paliwanag ni Moira, " Gusto noong secretary na personal na iabot sa'yo 'yan, pero ang tagal mo kaya iniabot na lang saakin. " Hindi ko maiwasang mapangiti dahil tila pinadali lang nila ang plano kong pagpasok muli sa bar na 'yon. Akala ko iba-ban kami doon. " Puwede bang sumama diyan? " tanong ni Jana saka kinuha sakin 'yong card. " Grabe, sa card pa lang na'to kitang-kita na kung gaano sila kagalante. Gold talaga? Puwede kaya itong isanla? " Kinuha ko ito kay Jana at
Bastos, mayabang at walang modo. Iyon ang mailalarawan ko sa isang empleyado ng kompanya na palaging naglalakas loob na kalabanin ako. Sa lahat ng opinyon ko, palagi siyang may komento. Masyadong mataas ang tingin niya sa sarili niya at pakiramdam niya, alam na niya ang lahat. Alam kong isa siya sa mga mahuhusay na mamamahayag na kinikilala ng Updated, kaya kung ipatatanggal ko siya sa trabaho, alam kong maraming tututol, kaya naman ako na ang gumagawa ng paraan para siya mismo ang sumuko at mag resign. Anong silbi ng mahusay na mamamahayag kung bastos at mayabang naman? " Miss Zenaida, mayroon tayong freedom of speech pero hindi sa ganitong paraan mo gagamitin 'yon. Kung kalokohan lang naman ang gusto mong isulat, sa social media ka na lang sana nagkalat. " " Excuse me? " Gumuhit sa mukha niya ang insulto sa sinabi ko. " Chief, grabe naman kayo kung makapagsalita. Unang-una, wala po akong alam kung bakit nag puro symbol ang fonts ng aticle ko. Alam ko sa sarili ko na pulido ang ga
" Dawn, ibaba mo 'yan..." Nanginging ang boses kong pakiusap kay Dawn ngunit bumungisngis lang siya sa harap ko at humakbang palapit saakin dahilan ng pag-atras ko. " You are funny as hell! Bakit takot na takot ka? Wala pa naman akong ginagawa! " tila tuluyan ng nawala sa sarili si Dawn dahil halos hindi na siya makahinga sa pagtawa niya. Mangiyak-ngiyak siyang nakatingin saakin habang nakahawak sa kaniyang tiyan. " Chill, bakit ba paatras ka nang paatras? Baka naman mahulog ka sa hagdan? " Lumingon ako sa likuran, may tatlong hakbang mula sa aking kinatatayuan bago ako makarating sa tuktok ng hagdan. Binalik ko ang tingin kay Dawn. " Paano mo...paano mo nagawang makapasok rito sa bahay? " " Natural sa pintuan! Ang stupid naman ng tanong mo. " Naiiling niyang sagot. Sumandal siya sa railings habang patukoy na pinapaikot sa kamay niya 'yong balisong. " Kawawa ka naman kagabi. Mag-isa ka lang sa kama, ano? Malandi ka kasi, eh. Kung sino-sino na lang talaga pinapatulan mo." Sandali
Sa mga sandaling ito, nababatid kong maraming naglalaro sa isipin ni Joaquin dahil sa mabilis na pagbabago ng ekspresyon sa mukha niya. Kumpiyansa ako na wala akong ginawang mali ngunit hindi ko alam kung paano ko magagawang ipaliwanag sa kaniya ang sitwasyon gayong wala akong maalala. " Anong ibig sabihin nito? " Pinasadahan niya ako mula ulo hanggang paa. Gumuhit sa mga mata niya ang sakit ngunit nang ibaling niya ang tingin kay Terrence, madilim na ekspresyon na ang nakita ko sa kaniya. " Joaquin, n-nagkakamali ka. Kung ano man ang tumatakbo ngayon sa isip mo, walang katotohanan 'yan. " Mabilis akong lumapit sa kaniya at tinangkang hawakan ang braso niya ngunit umatras siya palayo saakin nang hindi inaalis ang matalim na tingin kay Terrence. " Lovato, wala kang balak magpaliwanag? " lalo akong kinabahan dahil sa tono ng boses ni Joaquin. Nararamdaman ko ang tensyon na bumabalot sa buong kuwarto at hindi ko alam kung paano ko ito magagawang pigilan. Nagtama ang tingin namin ni T
Walang tao. Wala akong nakitang kahit na ano maliban sa nakasaradong bintana. Napabuga ako sa hangin sa pagkadismaya sa sarili. Siguro nga na pa-praning na nga ako. " May problema ba, Zenaida? " Napalingon ako sa likuran nang marinig ang boses ni Joaquin. Buhat niya si Phoebe na humihikab pa at tulad ng ama niya, puno ito ng kalituhan ang mukha niya. Umiling ako at lumapit sa family picture namin na ngayon ay basag ang salamin at sira na ang frame. Lumapit saakin si Joaquin nang ibinaba niya sagit si Phoebe sa kama. " Ito 'yong nabasag? " Inangat niya ang tingin sa pader kung saan ito nakadikit. Naroon pa rin ang pako kaya imposibleng nalaglag ito nang basta-basta, maliban na lang kung may nagtanggal. Hindi ko alam kung dapat ko bang pairalin ang pagiging praning ko pero nararamdaman kong may hindi tama sa bahay na'to. Mas kaya ko pang paniwalaan kung may nangyayaring paranormal activity dito, pero 'yong ideya na may kasama kaming ibang tao sa bahay na'to na hindi namin alam,
" Miss Jazmine, tumayo po kayo. " Hinawakan ko sa magkabilang balikat ang matanda upang itayo ito mula sa pagkakaluhod. " Hindi niyo naman po kailangang lumuhod pa para humingi ng kapatawaran. Sapat na po saakin ang paghingi ng tawad na may sinseridad. "Malungkot niya akong tinignan. " Zenaida, hindi ko alam kung gaano kabigat ang pinagdaanan mo sa loob ng apat na taon. Hindi ko alam na nagawa ka pa lang kausapin ni Nicolas at hilingin sa'yo na ipalaglag ang bata. Wala akong alam sa bagay na'yon...patawarin mo 'ko, hindi kita nagawang tulungan noon. "" Hindi ko naman po sinunod ang sinabi niya... at hindi rin naman po sumagi sa isip ko na ipalaglag ang anak ko." Mahinahon ngunit buong kumpiyansa kong sagot sa kaniya. " Apat na taong gulang na po si Phoebe ngayon. Gusto kong kuhanin ang pagkakataong ito para sabihin na wala akong pinagsisisihan sa desisyon kong buhayin siya. "Sunod-sunod ang tango na ginawa niya habang nanunubig ang kaniyang mga mata. " Mas nauunawaan ko na kung saa
" Sa isang buwan na agad ang kasal? Ang bilis naman! " Gulat na tanong ni Jana, katatapos lang mabulunan sa kape na iniinom niya. " Isang linggo pa lang kayong engaged, kasalan agad? Ano, excited mag honeymoon? " " Gaga, parang hindi mo naman alam ang dahilan? " Paanas kong tanong sakaniya. Bakit ba kasi sa coffee shop pa namin napiling magkita? Masyadong matinis ang boses ni Jana. Hindi marunong makipag-usap nang may hinahon. " Bakit patatagalin pa kung sigurado naman na sila sa isa't isa? " ani Moira saka isinubo ang huling piraso ng egg tart na pangalawang order na niya. " Wala na ring dapat ika-excite sa honeymoon kung araw-araw naman silang—" " Huy, Moi, bibig mo. Nasa public place tayo, luka. " Pinanlakihan ni Jana ng mata si Moi na inosenteng napatigil sa pag nguya habang nakatingin saamin. "...kung araw-araw naman silang magkasama sa iisang bubong. Wala namang mali sa sasabihin ko, ah? " Kinuha ni Moira ang iced coffee niya. " Linggo bukas, Jana. Baka gusto mo mag simba?
" Baka naman matunaw na kamay mo katititig mo? " Natatawang hayag ni ate Zekainah saka ibinaba ang miryenda na binili niyang tuhog-tuhog sa naglalako. " Para kang teenager na kinikilig dahil binigyan ka ng crush mo ng regalo. Zenaida, ipapaalala ko lang sa'yo na may anak ka na. "" Bakit ate? Hindi na ba puwedeng kiligin ang mga Nanay? " tanong ko saka umayos ng pagkakaupo sa sopa. " Parang siya hindi kinikilig kapag nagdadala ng bulaklak si James, ah? Maya't maya mo pa nga inaamoy 'yong rosas, eh. "Halos lumuwa ang mata niya. Akala niya siguro wala akong alam pero sorry siya dahil madalas ikuwento saakin ni Colleen 'yong reaksyon ng Mama niya kapag nakakatanggap ito ng regalo mula kay James.Tumikhim si ate Zekainah at tumusok ng eggball sa plastic cups niya. " So, anong feeling na nasuotan ng engagement ring? "Bumalik ang ngiti sa labi ko. " Hindi ko ma-describe, eh. Basta, masaya na nakakaiyak na nakaka-excite? Para kang nakalutang sa alapaap, ganoon. Ah, basta, ma-g-gets mo sina
Maingat kong ibinaba ang dalawang tasa ng kape sa lamesita at lihim na tinapunan ng tingin ang magulang ni Dawn na nakaupo sa sopa. Ang dating aktres na si Pauline Bermudez ay pamilyar na ang mukha saakin dahil sikat siyang aktres noong araw. Madalas kasing subaybayan ni Mama ang isang teleserye na siya ang bida kaya namukhaan ko agad siya kanina. Edad singkuwenta, pero hindi mo makikita sa mukha niya dahil ang bata ng hitsura niya. Magkamukhang-magkamukha sila ni Dawn, hindi 'yon mapagkakaila dahil parehas silang may mala-anghel na hitsura sa kabila ng pamamaga ng pareho niyang mga mata. Mukhang galing siya sa magdamag na iyak. Sunod kong tinapunan ng tingin ang padre de pamilya nila, si Benjie Bermudez. Isa siyang congressman at kung pagbabasehan ang kaniyang tindig at hitsura, para siyang isang maamong tupa. Mataas na lalaki, payat at halos puti na ang kaniyang mga buhok. Bagsak ang kaniyang mga mata, malamang dahil sa puyat at stress. " Pasensya na kung binulabog namin kayo nan
" Joaquin, 'wag na. Hindi na kailangan, " kinailangan ko ng umentrada. Ayokong lumaki ang gulo, hindi naman iyon ang pinunta namin rito. " Huwag mong pilitin ang hindi niya kayang gawin. " Kita ko ang pagka-insulto sa mukha ni Sir Nicolas dahil sa sinabi ko. Alam kong magiging dalawa ang kahulugan ng katagang 'yon pero wala akong intensyon na insultuhin ang kalagayan niya. Nasasakaniya na lang kung paano niya ito iintindihin. " Sir Nicolas, hindi ako nagpunta rito para gumawa ng gulo. Gusto ko sana kayong makausap, pero sapat na ang mga narinig ko para ma-realized na wala talaga akong dapat asahan sainyo. " Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Gusto ko sanang maawa sa kalagayan niya, pero hindi ko magawa. Nakita ko kung paano niya ipaglaban ang ibang tao sa halip na unawain at intindihin ang sarili niyang anak. Nakakadismaya. Nakakagalit. " Hindi niyo pinaiiral ang mga isip niyo. Masyado kayong nagpapadala sa bugso ng damdamin niyo. " Dismayado niyang binalikan ng tingin si Jo