Share

CHAPTER 05

Penulis: janeebee
last update Terakhir Diperbarui: 2023-02-27 00:06:31

Matagal akong nakatitig sa salamin habang pinagmamasdan ang sarili ko. Basa ang ilang parte ng buhok ko dahil sa alak na binuhos ko sa sarili ko. Iyong manipis na blouse na suot ko, nabasa rin kaya kitang-kita ang panloob ko. 

" Puñeta. " Mariin akong napapikit at humugot nang malalim na hininga. Tumungo ako sa hand dryer saka hinubad ang aking blouse at itinapat ito roon sa pagbabakasakaling matuyo ito kahit papaano. Parang gusto kong iuntog ang sarili ko dahil bukod sa naging desperado ako kanina sa ginawa ko, pinarusahan ko lang din ang sarili ko.

" Zenaida? " Napatingin ako sa pinto nang marinig ang boses ni Moira sa labas. " Tapos ka na? "

Hindi ako sumagot, sa halip ay binuksan ko ang pinto sa restroom para papasukin siya.  Bahagya siyang nagulat nang makitang wala akong suot na damit kaya agad-agad niyang sinara ang pinto saka ako hinarap. 

" Nasaan ang damit mo? " tanong ni Moira at walang gana kong itinuro ang hand dryer. Napailing siya saka binalik ang tingin saakin. " Hindi 'yan matutuyo kaagad. Ito ang jacket ni Terrence, ipasuot ko raw muna sa'yo. "

" Salamat. " Isinuot ko 'yong denim jacket na bumagay naman sa sports bra na suot ko kaya hindi na ako nag abalang ibutones ito. Maganda pa rin naman ako. " Nandoon pa ba si Chief sa kabilang table? "

Umiling ito. " Wala na. Umakyat si Chief sa second floor kasama 'yong nagpakilala saaming owner ng resto bar. Akala ko nga paaalisin kami, pero siya pa ang humingi ng pasensya saamin bago hilahin si Chief palayo."

Napatango ako saka nagpunta sa sink para hugasan ang kamay ko at wisikan ang buhok ko na amoy alak pa rin.

 

" Hindi ko akalaing gagawin mo 'yon sa sarili mo, Zenaida, " rinig ko kay Moira saka sumandal sa sink habang nakatingin saakin. " Ano bang punto mo roon at ibinuhos mo ang alak sasarili mo? "

Natawa ako nang bahagya. " Nagawa ko lang 'yon dahil sa pagiging desperada ko. Ayoko talagang mag sorry sa ginawa ko sa kaniya kagabi, kaya para maging fair, dapat buhusan rin niya ako ng alak nang makaganti siya."

" Pero ikaw ang nagbuhos ng alak sa sarili mo, hindi si Chief. "

" Okay na 'yon. At least, hawak naman ng kamay niya 'yong bote ng alak na binuhos ko. Parang ganoon na rin 'yon, " saad ko saka kinuha ang aking blouse sa hand dryer pero muli akong nagpakawala nang malalim na buntong hininga at isinandal ang noo sa pader sa kawalan ng pag-asa. Para akong tanga. " Sh*t, ayoko talagang iwanan ang trabaho ko, Moi. Hindi ko kayang umalis sa Updated dahil para ko na ring pangalawang tahanan 'yong office natin. Ayokong umalis, Moi. Anong gagawin ko? "

" Zenaida, isa lang ang paraan para hindi ka mawalan ng trabaho. Kailangan mo talagang mag sorry kay Chief, " lalo akong nanlumo. Alam kong iyon ang paraan pero ayokong mag sorry sa isang bagay na deserved naman talaga niyang maranasan. Katunayan, siya nga ang dapat na mag sorry saakin! Sa dami ng ginawa niyang panlalait at pag kuwestiyon sa trabaho ko, kulang pa ang isang baso ng mocktail na binuhos ko sa kaniya.

Lumabas kami ng restroom na bagsak ang balikat ko habang nakakapit sa braso ni Moira at laking pagtataka ko dahil nang makarating kami sa puwesto namin, may nakitang akong isang beer tower sa ibabaw ng mesa.

" Um-order kayo? " tanong ko kay Terrence na agad umiling.

" Galing sa owner. Humihingi ng dispensa sa nangyari kanina, " hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o mainsulto sa narinig kong sagot kay Terrence. Ako ang gumawa ng eksena pero saakin humingi ng despensa 'yong owner na sinasabing kaibigan ni Sir Joaquin. Anong dahilan at may binigay sila nito? Dapat ko bang inumin ito o kailangan ko ulit ibuhos sa sarili ko? 

" Sorry, natagalan ako. Si Manager kasi nalamang nandito ako. Sinermunan pa ako. " Napatingin ako kay Archer na kababalik lang sa mesa namin. Kita ko ang gulat sa kaniya nang makita ang beer tower sa mesa. " Whoa, akala ko tapos na kayo pagbalik ko pero mukhang mahaba-haba ang gabing 'to. "

" Hindi, pauwi na rin kami—"

" Walang uuwi, uubusin natin 'yan. Masama tumanggi sa biyaya. " Pagputol ko sa sasabihin ni Terrence dahil kagaya ng sabi ko kanina, gusto kong magpakalasing hanggang sa bumagsak ako. Ayokong problemahin ngayon ang pagtanggal saakin sa Lunes, kailangan kong enjoy-in ang huling gabi na kasama ko ang mga ka-trabaho ko dahil baka matagal pa bago maulit ito. 

***

" Zenaida? Gumising ka na. HIndi ka puwedeng matulog dito. " Naimulat ko ang mata ko nang marinig ang boses ng isang lalaki sa harap ko. Paulit-ulit niyang inuuga ang balikat ko dahilan para bumangon ako mula sa pagkakahiga.

" Ano ba? Kitang natutulog 'yong tao, gigisingin mo! " Iritable kong sabi sabay hampas sa kamay ng lalaki sa harapan ko. Hindi ko maaninag masyado ang kaniyang mukha dahil sa liwanag ng ilaw sa likuran niya. " Sino ka ba?! Layuan mo nga ako! "

" Zen, si Terrence 'to. Hindi ka puwedeng mahiga dito sa kalsada. Bumangon ka na at ihahatid na kita sainyo, " aniya kaya napatingin ako sa paligid ko at nakita ang ilang naglalakad na tao sa harap ko pati na rin ang mga sasakyan sa gitna ng kalsada. Ano bang nangyari at nandito ako? 

" Nasaan sila? " takhang tanong ko, inililibot ko ang tingin sa paligid pero hindi ko makita ang mga kasama ko. " Nasaan ba ako? Anong ginagawa ko rito? "

" Nandito ka sa labas ng resto bar. Sabi mo saglit ka lang pero hindi ka na bumalik, " sagot ni Terrence saka ako inalalayang tumayo mula sa pagkakasalampak ko sa kalsada. " Nasa loob pa sila Ruiz at umiinom pa. Lasing na rin si Jana at Moira kaya ikaw muna ang ihahatid ko sainyo. Babalik ako dito para ihatid din ang dalawa. "

" Huwag mo na ako ihatid, kaya ko mag-isa. " Bahagya ko siyang itinulak ngunit kamuntikan na akong mawalan ng balanse, mabuti na lang ay nahawakan niya agad ako sa braso. Pabiro ko siyang hinampas. " Terrence, sige na, kaya kong umuwi. Mag ta-taxi ako at asikasuhin mo na sina Jana at Moira dahil malayo ang uuwian nila. "

" Pero—"

" Ako na maghahatid kay Zenaida. " Napatingin ako sa likuran ni Terrence at nakita ang paglitaw ng isang guwapong binata. Mataas, mestizo at singkit ang mga mata. Lahat na yata ng magagandang description sa physical na anyo ng isang artista ay na kay Archer na. 

" Hindi, ako ang maghahatid kay Zenaida, " pagpupumilit ni Terrence saka hinawakan ang braso ko. 

" Bro, huwag kang mag-alala, wala akong gagawing masama kay Zenaida. Kasama ko ang driver ko at si Manager Cha. Kami na ang bahala mag hatid sa kaniya, " ani Archer, " Isa pa, mahirap mag hanap ng taxi sa ganitong oras. Alas dose na. "

" Oo, siya na bahala saakin para makatipid pamasahe na rin. " Binawi ko ang braso ko kay Terrence saka lumapit kay Archer para akbayan siya at agad akong na distract sa pabango niya. " In fairness, ang bango ng pabango mo ah. Ang manly. "

Gumuhit ang ngiti sa labi ni Archer. " Dapat ko na bang gawing permanent ang pabangong gamit ko? "

" Huwag, hindi naman kita type. Pabango mo ang pinupuri ko, hindi naman ikaw, " wika ko sabay tingin kay Terrence. " Sige na, balikan mo na sila Jana sa loob. Hindi kaya ni Ruiz 'yong dalawa kaya samahan mo na. Kaya ko umuwi. Text na lang kita kapag nakauwi na ako saamin."

Kita ko ang pag-aalinlangan sa mukha niya kaya kinailangan ko pa siyang itulak pabalik sa loob ng resto bar para balikan ang tatlo. Kalahati ng mata ko ang dilat nang lumabas ako at inalalayan naman ako ni Archer patungo sa gilid habang hinihintay ang sasakyan niya.

" Saan pala ang bahay niyo, Zenaida? " tanong ni Archer. " Iyong eksatong address, ha? Baka mamaya makatulog ka sa byahe, hindi ko alam kung saan ka namin ibababa. "

" Secret, walang clue. " Tinapik ko ang braso ni Archer. " Mauna na kayo. Kaya kong umuwi mag-isa. "

" Zenaida, lasing ka. Hindi ka puwedeng umuwi nang walang kasama. " Hinawakan ako ni Archer sa braso at kasabay noon ang paghinto ng sasakyan sa harap namin. Bumukas ito at nakita ko ang pamilyar na babae.

"Oh, bakit kasama mo si Miss Zenaida? " takhang tanong nito nang makita ako. Kumaway ako sakaniya upang batiin siya pero agad akong napatakip ng ilong dahil sa nakakahilong amoy sa loob ng sasakyan. Ang tapang ng car freshener nila, nanununtok!

" Puñeta, nasusuka ako. " Humiwalay ako kay Archer at agad na tumungo sa punong malapit sa kinatatayuan namin dahil umangat ang sikmura ko nang maamoy ang loob ng sasakyan. Akala ko may labas sa bibig ko, pero wala, laway lang.

" Zenaida, okay ka lang? " Tinapik-tapik ako sa likod ni Archer. " Nahihilo ka ba? Gusto mong mag kape muna? "

Umiling ako bago ko punasan ang bibig ko at harapin siya. " Mauna na kayo...kaya kong umuwi mag-isa, Archer. Salamat. "

" Ha? Teka, hindi kita puwedeng iwanan. Nag presinta ako kay Terrence na ako ang maghahatid sa'yo kaya sumakay ka na. " Inalalayan niya ako pabalik sa sasakyan pero nanatili ako sa kinatatayuan ko dahil hindi ko kayang maamoy muli 'yong nakakasukang amoy sa loob ng sasakyan nila. " Zenaida, ihahatid ka na namin. Masyadong delikado sa'yo bumyahe nang mag-isa ka lang lalo na't nakainom ka. "

" Ayoko nga! Ang baho kasi ng loob ng sasakayan. Nahihilo ako sa amoy! " Pagtatapat ko saka lumayo sa kaniya. " Hindi ko kayang sumakay sa loob. Nasusuka ako. "

" Ha? Pero—"

" Archer, halika na! " 

" Sandali lang, Manager Cha! " sagot ni Archer saka binalik ang tingin saakin. " Sumabay ka na saamin, Zenaida—"

" Ako na ang bahala sa kaniya, " mula sa likuran ko, narinig ko ang isang pamilyar na boses. Upang makumpirma ay nilingon ko siya at gusto kong matawa nang makita si Sir Joaquin sa harap ko. Puñeta, namamalikmata lang ba ako dahil sa kalasingan ko o talagang siya ang nasa harapan ko ngayon? 

" Sandaili, kayo 'yong boss ni Zenaida, tama ba? " Paniniguro ni Archer saka tumingin saakin. " Sa pagkakaalam ko, hindi maganda ang relasyon niyo. Sorry, pero hindi ko siya puwedeng hayaan sa'yo. "

" Bakit? Sino ka ba? " tanong pabalik ni Sir Joaquin. " Empleyado ko ang kasama mo at saating dalawa, mas may karapatan akong kuhanin siya mula sa estranghero kagaya mo. "

" Magkakilala kami ni Zenaida. "

" Wala akong pakialam. Ako ang boss niya kaya saakin siya sasama. " Hinila ako ni Sir Joaquin mula kay Archer na nakikipag sukatan ng tingin kay Sir Joaquin, hanggang sa lumabas na si Manager Cha para kuhanin ang kaniyang alaga at ipasok sa loob sa sasakyan. Rinig ko ang pagtatalo nila, pilit ipinaliliwanag ni Archer sa Manager niya ang dahilan kung bakit kailangan akong ihatid pauwi. 

" Talagang sasama ka doon? " Nabalik ang tingin ko sa lalaking na sa harapan ko.

" Puñeta, ikaw ba talaga 'yan, Chief? Kailan ka pa nagkaroon ng pakialam sa empleyado mo? " hindi ko mapigian ang sarili ko na hampasin siya sa braso at kasabay noon ang biglaang pagsuka ko hindi lang sa harap niya, kundi pati sa damit niya.

***

Unti-unti kong iminulat ang mata ko nang makaramdam ako ng pagkauhaw. Nagising ako sa isang malamig na kuwarto at ang unang bumungad saakin ay ang isang lalaking nakatayo sa harap ko na walang suot na pang-itaas. Nakatalikod siya saakin pero malinaw kong nakikita kung gaano katikas ang katawan niya. Ang lawak ng balikat niya at ang guhit sa gitna ng kaniyang likod ay tila ba lalong nagpaganda sa pagkakahubog ng katawan niya.

Bigla siyang humarap siya saakin at nakita kong hawak niya ang cellphone niya. " Mabuti naman at gising ka na. Hindi ko alam ang bahay niyo kaya nag check in na lang ako sa hotel para sa tutuluyan mo ngayon."

Tumango ako pero ang mata ko, nakapako na sa katawan niya. Mula dibdib hanggang sa tiyan, malinaw kong nakikita ang kalangitan.

" Huwag mo akong bigyan nang ganiyang klaseng tingin, Miss Zenaida, " tila ba may pagbabantang sabi niya. " Sinukahan mo ang polo ko kaya wala akong choice kundi hubarin iyon. Kailangan kong patuyin saglit bago ako may maisuot. Aalis rin ako kaagad—"

" Huwag kang umalis. " Tuluyan akong bumangon sa kama habang nakatitig nang diretso sa kaniyang mga mata. " Iiwanan mo ako dito mag-isa? "

" Natural. Hindi ka naman bata para samahan pa kita dito hanggang sa makatulog ka. " Lumakad siya palapit sa isang lamesita para ituro ang telepono ng hotel. "Kung may kailangan ka, gamitin mo 'to—marunong ka naman siguro gumamit ng telepono dito? "

Sa halip na mainsulto, natawa ako. Hindi ko alam kung bakit ako na d-distract sa katawan niya gayong hindi naman ito ang unang pagkakataon na makakita ako ng katawan ng lalaki. 

" Pinagnanasaan mo ba ako? " tanong nito kaya nabalik ang tingin ko sa mukha niya. Salubong ang kilay at may matalim na tingin saakin. That's kinda hot. 

" Paano kung sabihin kong oo? "

Hindi ko alam kung nandidiri ba siya o hindi lang siya makapaniwala sa pag-amin ko. " Iba ang epekto ng alak sa'yo, Miss Zenaida. "

" Iba kasi ang epekto ng pagsusuplado mo ngayon saakin, " hindi ko maiwasang matawa muli sa sarili ko. Ang lamig sa kuwarto pero init ang hinahanap ngayon ng katawan ko. " Can I ask you a question? "

" You already asking. "

" Are you a virgin? "

Lalong nagsalubong ang kilay niya. " What the hell? "

" Nasa tamang edad naman na tayo para pag-usapan 'to, 'di ba? " Hinawi ko ang buhok ko na nakasampay sa balikat ko. " Maliban na lang kung nahihiya ka? "

Sarkastikong ngiti ang gumuhit sa labi niya. " Miss Zenaida, hindi ko alam kung epekto lang ba ng alak 'yan pero alam kong hindi mo ako magagawang kausapin at tanungin nang ganiyan kapag hindi ka nakainom. "

" Diyan ka nagkakamali. Kaya kong gawin ang lahat nang walang alak sa sistema ko, pero mas lumalakas ang loob ko kapag nakainom ako. " Pagyayabang ko pa saka umalis sa kama para lapitan siya. Bahagya siyang umatras pero nabunggo lang niya ang lamesita kaya nahinto rin siya kaagad. " Huwag kang matakot saakin. Wala naman akong gagawin nang hindi nagpapalam sa'yo. "

" Hindi ko kailangang marinig dahil hindi rin naman ako papayag. " Binalak niyang umalis sa harap ko pero hinarangan ko siya. " Miss Zenaida—"

" Can I kiss you? "

" No, " agad niyang sagot. " Lasing ka at hindi mo alam ang sinasabi mo. "

" Alam ko ang sinasabi ko... " Mas nilapit ko ang sarili ko sa kaniya hanggang sa magdikit ang aming mga balat. Mariin akong napalunok saka ibinaba ang tingin sa labi niya. " Isang halik lang na may consent mo...papayagan na kitang umalis. "

" Kaya kong umalis nang hindi nagpapaalam sa'yo. " Matigas niyang sambit bago hawakan ang kaliwang pisngi ko para siilin ng halik na hinihingi ko. 

Hindi sapat ang isang minuto para mapunan ang pangangailangan ko at ramdam kong ganoon rin ang lalaking nasa ibabaw ko ngayon. Malamig ang kuwarto, pero tagaktak ang pawis naming pareho. Hindi ko alam kung kailan ko huling naramdaman ang sensasyong ito pero sa bawat halik, haplos at galaw niya, dala nito ay ligaya na matagal ko ng inaasam.

Bab terkait

  • Office Romance: Who's your Daddy?   CHAPTER 06

    Nagising ako dahil sa paulit-ulit na pag ring ng cellphone ko. Pikit mata kong kinapa ang kama kung saan ramdam ko ang vibration na nagmumula sa aking cellphone. Idinilat ko ang kaliwa kong mata para tignan kung sino ang tumatawag bago ko ito sagutin." Bakit—"" Ate, nasaan ka na? " Inilayo ko nang bahagya ang cellphone sa tainga ko dahil sa lakas ng boses ni Zachary sa kabilang linya. Hindi man lang ako hinayaang magsalita. " Ate, kanina pa kami tawag nang tawag sa'yo, hindi ka sumasagot. Nag aalala na sila Mama at Papa. "Doon ko naimulat ang dalawa kong mga mata. Agad akong bumangon sa kama at napatingin sa kuwartong kinaroroonan ko. Ako na lang mag-isa." Ate, ano na balak mo? Umuwi ka na! Malilintikan ka kina Mama, yari ka! " pagbabanta ni Zachary sa kabilang linya. "" Oo sandali, pauwi na ako. Bye na. " Pinatay ko kaagad ang tawag at napatulala sa kawalan habang inaalala ang nangyari kagabi. Inangat ko ang kumot na nakatakip sa buong katawan ko bago ko hanapin ang damit na suo

    Terakhir Diperbarui : 2023-02-27
  • Office Romance: Who's your Daddy?   CHAPTER 07

    Isang linggo na ang nakalipas, pero narito pa rin ako sa kompanya at nananatili matatag. Hindi ko alam kung anong dahilan ni Sir Joaquin para payagan niya akong manatili dito sa Updated matapos ng ginawa ko sa kaniya. Sa loob ng isang linggo, hindi na namin napag-usapan ang tungkol doon at ang nakapagtataka pa, tila nawala ang sungay sa noo niya dahil hindi na niya ako pinagagalitan sa mga walang kuwenteng bagay. Hindi tulad noon na talagang may nagaganap na debate sa pagitan naming dalawa nang dahil sa maliit lang na pagkakamali. " Baka naman malunod ka sa lalim ng iniisip mo, Zenaida. " Napaangat ang tingin ko nang marinig si Jana. Narito kami ngayon sa cafeteria para mag lunch pero hindi ko magawang galawin ang pagkain ko dahil sa daming tumatakbo sa isip ko. " Hindi ba't parang ang weird ni Chief? " tanong ko sa mga kasama ko. " Imagine, sa loob ng isang linggo, wala man lang naganap na bardagulan saamin? Hindi tulad noon na ultimo paggamit ko ng punctuation marks ay pinapansi

    Terakhir Diperbarui : 2023-03-04
  • Office Romance: Who's your Daddy?   CHAPTER 08

    " Anong ginagawa mo rito, Terrence? " takhang tanong ko nang labasin ko ang hindi inaasahang bisita. Ramdam ko ang mga tingin mula sa likuran ko kaya nang lingunin ko sila, agad nagsilalisan sa pintuan sina Mama at Papa, pero si Zachary, nanatiling nasa bintana, may malaking ngisi sa mukha. " Pasensya na kung nakaabala ako, pero gusto ko sanang iabot ito kaagad sa'yo dito sa inyo dahil hindi ko siya puwedeng ibigay sa office. " Iniabot ni Terrence saakin ang bouquet na may limang malalaking rosas sa loob. Sunod ay ang box na naglalaman ng cake. Transparent ang takip sa ibabaw kaya nakita ko ang disenyo nito. Minimalist at mayroong tatlong mukha ng pusa sa gilid. " Terrence, salamat dito. Pero kung hindi mo mamamasamain ang tanong ko, para saan ang mga 'to? " tanong ko. " Hindi ko pa naman birthday at malayo pa ang Valentine's Day. Bakit may paganito ka? " Ngumiti siya saka tumingin sa bintana kung nasaan ang kapatid ko. Agad akong lumingon at pinandilatan ito ng mata dahilan para u

    Terakhir Diperbarui : 2023-03-05
  • Office Romance: Who's your Daddy?   CHAPTER 09

    Halos limang minuto na akong nakatayo sa harap ng mesa ni Sir Joaquin, pero wala kaming ginawa kundi ang magtitigan. May ideya na ako kung bakit niya ako pinatawag sa office, pero ang pinagtataka ko, bakit ayaw niya pang magsalita? Sa hitsura ng mukha niya, para bang marami siyang gustong sabihin saakin pero hindi niya alam kung saan magsisimula kaya ang resulta, pakikipagtitigan na lang ang ginawa niya. " Chief, tapos na ba? " ako na ang bumasag ng katahimikan dahil nangangawit na ako sa kinatatayuan ko. " Puwede na ba akong lumabas dahil ang dami ko pang trabahong kailangan gawin ngayon. " " Tapos na ba kitang kausapin? " tanong niya. " Ay, may balak ba kayong kausapin ako? Akala ko makikipagtitigan lang kayo saakin. " Idinaan ko sa biro ang pagkabagot ko dahil kailangan ko ng ingatan ang mga salitang lumalabas sa bibig ko. Aba, ayoko ng maranasan 'yong kaba at takot na mawalan ng trabaho. " Nandito ba sa kompanya ang taong tinutukoy mo na importante sa'yo? " Tumaas ang kali

    Terakhir Diperbarui : 2023-03-08
  • Office Romance: Who's your Daddy?   CHAPTER 10

    Halos isubsob ko na ang aking mukha sa toilet bowl habang inilalabas ng bibig ko ang kinain ko kagabi. Hindi ko alam kung bakit, pero pagkagising na pagkagising ko, nag laway agad ako at dumiretso agad ng banyo nang maramdamang naduduwal ako." Ate, tapos ka na diyan? Maliligo na ako, " rinig kong pagkatok ni Zachary sa pinto ng banyo. " Oo, sandali lang, " sabi ko habang pinakikiramdaman ang aking sarili kung tapos na ba akong isuka ang lahat. Tumayo ako sa pagkakasalampak sa sahig at muling binuhusan ng tubig 'yong toilet bowl bago ko buksan ang pinto saka lumabas." Tagal mo sa banyo—hindi ka pa pala naliligo? " Gulat na tanong ni Zachary saka tumingin sa orasan na nakasabit sa pader sa kusina namin. " Mag a-ala sais na, ate. Hindi ka papasok? "" Papasok ako. Mauna ka ng maligo. Bilisan mo na lang. " Dumiretso ako sa lababo para maghilamos at mag mumog. Ang weird ng pakiramdam ko ngayong umaga. Hindi ko naman puwedeng isisi sa lomi 'yong dahilan ng pagsuka ko dahil hindi naman

    Terakhir Diperbarui : 2023-03-12
  • Office Romance: Who's your Daddy?   CHAPTER 11

    Para akong tanga na nanonood ng TV pero wala akong naiintindihan sa pinanonood ko. Lumulipad ang isip ko, nag-iisip kung anong dapat kong gawin ngayong may mabubuong bata tiyan ko. Naguguluhan ako sa kung anong dapat kong gawin lalo na't hindi ko nga maalala 'yong mukha ng naka-one night stand ko. Hindi ba kami gumamit ng proteksyon noon? " Ano raw? Ano 'yong sinabi niya? " Sunod-sunod ang kalabit na natanggap ko kay Zachary na nakaupo sa tabi ko. " Anong sinabi? " takhang tanong ko pabalik na nagpatuwid ng kilay niya." Ikaw nga ang tinatanong ko dahil hindi ko naintindihan 'yong sinabi ng bida, " saad ni Zachary, umiiling-iling sabay harap sa TV. " Lumilipad na naman ang isip niya. Saan naman kaya papunta? "Napabuga ako sa hangin sabay yakap sa unan na nasa hita ko. Kung babalikan ko 'yong nangyari noong gabing 'yon, apat na lalaki lang naman ang naalala ko na nakasama ko. Si Ruiz—sandali, hindi ko na siya dapat isama sa bilang dahil hindi na siya tinatablan ng lust sa mga kabab

    Terakhir Diperbarui : 2023-03-12
  • Office Romance: Who's your Daddy?   CHAPTER 12

    " Okay ka lang? " tanong ni Terrence saakin saka ako inabutan ng bottle of water. Agad ko naman iyong tinaggap at binuksan ang takip para inumin ang tubig. Gutom na ako at puro tubig na ang laman ng sikmura ko. Alam kong ganoon rin ang mga kasama ko pero kailangan naming mag tiis pa nang kaunti dahil malapit na naming marating 'yong village na sadya namin.Maliwanag na ngunit natatakpan pa rin ng makakapal na hamog ang kakahuyan sa paligid. Ala sais nang umaga noong makarating kami saaming destinasyon at mga nasa isang oras na rin ang nakakalipas simula noong kami ay umakyat sa kabundukan para tumungo mismo sa village kung saan naninirahan ang ilang mga tao na siyang magiging subject namin para sa documentary film. Matarik ang daan kaya kailangang doble ingat kami sa bawat paghakbang na ginagawa namin. Iyong van na aming sinasakyan ay hindi na puwedeng iakyat sa taas kaya wala kaming choice kundi bitbitin 'yong ilan sa aming mga kagamitan." Malapit na ba tayo? Ang sakit na ng mga bin

    Terakhir Diperbarui : 2023-03-12
  • Office Romance: Who's your Daddy?   CHAPTER 13

    " Hi Doggy, ang cute mo naman. " Nilaro ko ang isang tuta na nakita kong gumagala malapit sa puwesto kung saan kami nagtayo ng tent. Napakataba niya, ang sarap panggigilan kaya binuhat ko siya at marahang hinimas-himas ang balahibo. " Nasaan ang amo mo ha? Kumain ka na ba? Ang taba-taba mo naman. "Hindi ko alam kung bakit ko kinakausap ang isang hayop kahit alam kong hindi naman ako makakakuha ng sagot. Mahilig ako sa aso't pusa at sa katunayan ay nagkaroon na ako ng alaga dati, pero simula noong layasan ako ng pusa ko noon at hindi na bumalik pa, hindi na ako nag-alaga. Sumunod na araw ay namatay naman ang aso ko dahil sa sakit niya na huli ko noong malaman. Natakot na ako mag alaga dahil sa pagiging iresponble kaya hindi na sila nasundan. Five years ago na pero sariwa pa sa alaala ko ang magkasunod na pagkawala ng dalawa kong alaga." Coco, saan ka naman pumunta? " Umangat ang tingin ko nang marinig ang boses ni Leng. Lingon siya nang lingon na para bang may hinahanap, kaya agad ko

    Terakhir Diperbarui : 2023-03-14

Bab terbaru

  • Office Romance: Who's your Daddy?   EPILOGUE

    Bastos, mayabang at walang modo. Iyon ang mailalarawan ko sa isang empleyado ng kompanya na palaging naglalakas loob na kalabanin ako. Sa lahat ng opinyon ko, palagi siyang may komento. Masyadong mataas ang tingin niya sa sarili niya at pakiramdam niya, alam na niya ang lahat. Alam kong isa siya sa mga mahuhusay na mamamahayag na kinikilala ng Updated, kaya kung ipatatanggal ko siya sa trabaho, alam kong maraming tututol, kaya naman ako na ang gumagawa ng paraan para siya mismo ang sumuko at mag resign. Anong silbi ng mahusay na mamamahayag kung bastos at mayabang naman? " Miss Zenaida, mayroon tayong freedom of speech pero hindi sa ganitong paraan mo gagamitin 'yon. Kung kalokohan lang naman ang gusto mong isulat, sa social media ka na lang sana nagkalat. " " Excuse me? " Gumuhit sa mukha niya ang insulto sa sinabi ko. " Chief, grabe naman kayo kung makapagsalita. Unang-una, wala po akong alam kung bakit nag puro symbol ang fonts ng aticle ko. Alam ko sa sarili ko na pulido ang ga

  • Office Romance: Who's your Daddy?   CHAPTER 59

    " Dawn, ibaba mo 'yan..." Nanginging ang boses kong pakiusap kay Dawn ngunit bumungisngis lang siya sa harap ko at humakbang palapit saakin dahilan ng pag-atras ko. " You are funny as hell! Bakit takot na takot ka? Wala pa naman akong ginagawa! " tila tuluyan ng nawala sa sarili si Dawn dahil halos hindi na siya makahinga sa pagtawa niya. Mangiyak-ngiyak siyang nakatingin saakin habang nakahawak sa kaniyang tiyan. " Chill, bakit ba paatras ka nang paatras? Baka naman mahulog ka sa hagdan? " Lumingon ako sa likuran, may tatlong hakbang mula sa aking kinatatayuan bago ako makarating sa tuktok ng hagdan. Binalik ko ang tingin kay Dawn. " Paano mo...paano mo nagawang makapasok rito sa bahay? " " Natural sa pintuan! Ang stupid naman ng tanong mo. " Naiiling niyang sagot. Sumandal siya sa railings habang patukoy na pinapaikot sa kamay niya 'yong balisong. " Kawawa ka naman kagabi. Mag-isa ka lang sa kama, ano? Malandi ka kasi, eh. Kung sino-sino na lang talaga pinapatulan mo." Sandali

  • Office Romance: Who's your Daddy?   CHAPTER 58

    Sa mga sandaling ito, nababatid kong maraming naglalaro sa isipin ni Joaquin dahil sa mabilis na pagbabago ng ekspresyon sa mukha niya. Kumpiyansa ako na wala akong ginawang mali ngunit hindi ko alam kung paano ko magagawang ipaliwanag sa kaniya ang sitwasyon gayong wala akong maalala. " Anong ibig sabihin nito? " Pinasadahan niya ako mula ulo hanggang paa. Gumuhit sa mga mata niya ang sakit ngunit nang ibaling niya ang tingin kay Terrence, madilim na ekspresyon na ang nakita ko sa kaniya. " Joaquin, n-nagkakamali ka. Kung ano man ang tumatakbo ngayon sa isip mo, walang katotohanan 'yan. " Mabilis akong lumapit sa kaniya at tinangkang hawakan ang braso niya ngunit umatras siya palayo saakin nang hindi inaalis ang matalim na tingin kay Terrence. " Lovato, wala kang balak magpaliwanag? " lalo akong kinabahan dahil sa tono ng boses ni Joaquin. Nararamdaman ko ang tensyon na bumabalot sa buong kuwarto at hindi ko alam kung paano ko ito magagawang pigilan. Nagtama ang tingin namin ni T

  • Office Romance: Who's your Daddy?   CHAPTER 57

    Walang tao. Wala akong nakitang kahit na ano maliban sa nakasaradong bintana. Napabuga ako sa hangin sa pagkadismaya sa sarili. Siguro nga na pa-praning na nga ako. " May problema ba, Zenaida? " Napalingon ako sa likuran nang marinig ang boses ni Joaquin. Buhat niya si Phoebe na humihikab pa at tulad ng ama niya, puno ito ng kalituhan ang mukha niya. Umiling ako at lumapit sa family picture namin na ngayon ay basag ang salamin at sira na ang frame. Lumapit saakin si Joaquin nang ibinaba niya sagit si Phoebe sa kama. " Ito 'yong nabasag? " Inangat niya ang tingin sa pader kung saan ito nakadikit. Naroon pa rin ang pako kaya imposibleng nalaglag ito nang basta-basta, maliban na lang kung may nagtanggal. Hindi ko alam kung dapat ko bang pairalin ang pagiging praning ko pero nararamdaman kong may hindi tama sa bahay na'to. Mas kaya ko pang paniwalaan kung may nangyayaring paranormal activity dito, pero 'yong ideya na may kasama kaming ibang tao sa bahay na'to na hindi namin alam,

  • Office Romance: Who's your Daddy?   CHAPTER 56

    " Miss Jazmine, tumayo po kayo. " Hinawakan ko sa magkabilang balikat ang matanda upang itayo ito mula sa pagkakaluhod. " Hindi niyo naman po kailangang lumuhod pa para humingi ng kapatawaran. Sapat na po saakin ang paghingi ng tawad na may sinseridad. "Malungkot niya akong tinignan. " Zenaida, hindi ko alam kung gaano kabigat ang pinagdaanan mo sa loob ng apat na taon. Hindi ko alam na nagawa ka pa lang kausapin ni Nicolas at hilingin sa'yo na ipalaglag ang bata. Wala akong alam sa bagay na'yon...patawarin mo 'ko, hindi kita nagawang tulungan noon. "" Hindi ko naman po sinunod ang sinabi niya... at hindi rin naman po sumagi sa isip ko na ipalaglag ang anak ko." Mahinahon ngunit buong kumpiyansa kong sagot sa kaniya. " Apat na taong gulang na po si Phoebe ngayon. Gusto kong kuhanin ang pagkakataong ito para sabihin na wala akong pinagsisisihan sa desisyon kong buhayin siya. "Sunod-sunod ang tango na ginawa niya habang nanunubig ang kaniyang mga mata. " Mas nauunawaan ko na kung saa

  • Office Romance: Who's your Daddy?   CHAPTER 55

    " Sa isang buwan na agad ang kasal? Ang bilis naman! " Gulat na tanong ni Jana, katatapos lang mabulunan sa kape na iniinom niya. " Isang linggo pa lang kayong engaged, kasalan agad? Ano, excited mag honeymoon? " " Gaga, parang hindi mo naman alam ang dahilan? " Paanas kong tanong sakaniya. Bakit ba kasi sa coffee shop pa namin napiling magkita? Masyadong matinis ang boses ni Jana. Hindi marunong makipag-usap nang may hinahon. " Bakit patatagalin pa kung sigurado naman na sila sa isa't isa? " ani Moira saka isinubo ang huling piraso ng egg tart na pangalawang order na niya. " Wala na ring dapat ika-excite sa honeymoon kung araw-araw naman silang—" " Huy, Moi, bibig mo. Nasa public place tayo, luka. " Pinanlakihan ni Jana ng mata si Moi na inosenteng napatigil sa pag nguya habang nakatingin saamin. "...kung araw-araw naman silang magkasama sa iisang bubong. Wala namang mali sa sasabihin ko, ah? " Kinuha ni Moira ang iced coffee niya. " Linggo bukas, Jana. Baka gusto mo mag simba?

  • Office Romance: Who's your Daddy?   CHAPTER 54

    " Baka naman matunaw na kamay mo katititig mo? " Natatawang hayag ni ate Zekainah saka ibinaba ang miryenda na binili niyang tuhog-tuhog sa naglalako. " Para kang teenager na kinikilig dahil binigyan ka ng crush mo ng regalo. Zenaida, ipapaalala ko lang sa'yo na may anak ka na. "" Bakit ate? Hindi na ba puwedeng kiligin ang mga Nanay? " tanong ko saka umayos ng pagkakaupo sa sopa. " Parang siya hindi kinikilig kapag nagdadala ng bulaklak si James, ah? Maya't maya mo pa nga inaamoy 'yong rosas, eh. "Halos lumuwa ang mata niya. Akala niya siguro wala akong alam pero sorry siya dahil madalas ikuwento saakin ni Colleen 'yong reaksyon ng Mama niya kapag nakakatanggap ito ng regalo mula kay James.Tumikhim si ate Zekainah at tumusok ng eggball sa plastic cups niya. " So, anong feeling na nasuotan ng engagement ring? "Bumalik ang ngiti sa labi ko. " Hindi ko ma-describe, eh. Basta, masaya na nakakaiyak na nakaka-excite? Para kang nakalutang sa alapaap, ganoon. Ah, basta, ma-g-gets mo sina

  • Office Romance: Who's your Daddy?   CHAPTER 53

    Maingat kong ibinaba ang dalawang tasa ng kape sa lamesita at lihim na tinapunan ng tingin ang magulang ni Dawn na nakaupo sa sopa. Ang dating aktres na si Pauline Bermudez ay pamilyar na ang mukha saakin dahil sikat siyang aktres noong araw. Madalas kasing subaybayan ni Mama ang isang teleserye na siya ang bida kaya namukhaan ko agad siya kanina. Edad singkuwenta, pero hindi mo makikita sa mukha niya dahil ang bata ng hitsura niya. Magkamukhang-magkamukha sila ni Dawn, hindi 'yon mapagkakaila dahil parehas silang may mala-anghel na hitsura sa kabila ng pamamaga ng pareho niyang mga mata. Mukhang galing siya sa magdamag na iyak. Sunod kong tinapunan ng tingin ang padre de pamilya nila, si Benjie Bermudez. Isa siyang congressman at kung pagbabasehan ang kaniyang tindig at hitsura, para siyang isang maamong tupa. Mataas na lalaki, payat at halos puti na ang kaniyang mga buhok. Bagsak ang kaniyang mga mata, malamang dahil sa puyat at stress. " Pasensya na kung binulabog namin kayo nan

  • Office Romance: Who's your Daddy?   CHAPTER 52

    " Joaquin, 'wag na. Hindi na kailangan, " kinailangan ko ng umentrada. Ayokong lumaki ang gulo, hindi naman iyon ang pinunta namin rito. " Huwag mong pilitin ang hindi niya kayang gawin. " Kita ko ang pagka-insulto sa mukha ni Sir Nicolas dahil sa sinabi ko. Alam kong magiging dalawa ang kahulugan ng katagang 'yon pero wala akong intensyon na insultuhin ang kalagayan niya. Nasasakaniya na lang kung paano niya ito iintindihin. " Sir Nicolas, hindi ako nagpunta rito para gumawa ng gulo. Gusto ko sana kayong makausap, pero sapat na ang mga narinig ko para ma-realized na wala talaga akong dapat asahan sainyo. " Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Gusto ko sanang maawa sa kalagayan niya, pero hindi ko magawa. Nakita ko kung paano niya ipaglaban ang ibang tao sa halip na unawain at intindihin ang sarili niyang anak. Nakakadismaya. Nakakagalit. " Hindi niyo pinaiiral ang mga isip niyo. Masyado kayong nagpapadala sa bugso ng damdamin niyo. " Dismayado niyang binalikan ng tingin si Jo

Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status