" Ganoon po ba? " Napakamot ako sa ulo at binalik sa bulsa 'yong cellphone ko. Lalo akong na-stress dahil confident talaga ako na malinis ang article bago ko siya na-published kagabi sa website.
" Anong oras ka na nga pala umuwi kagabi? " tanong ni Miss Lizzie saka sumimsim sa tasa na may lamang mainit na tsaa. " Alas-nuebe ako nag out kagabi, nandito ka pa sa office noon 'di ba? "" Mga alas-diyes na po akong nag out kagabi dahil tinapos ko nga po 'yong sinusulat ko para ma-publish ko na kaagad..." Natigilan ako sa pagsasalita nang maalala kung gaano ako kaantok kagabi sa harap ng computer ko. Halos nakatatlong kape din ako para magising ang diwa ko habang paulit-ulit na binabasa 'yong mga isinulat ko." Na-double check mo naman siguro siya bago ka nag decide na i-publish 'yong article? " Tumango ako sa tanong ni Miss Lizzie. " Na-check mo rin ba siya after mo ma-published sa website natin? "Doon ako hind nakakibo. Bumagsak na lang ang balikat ko at napakamot sa batok. Basta ko na lang pinatay 'yong computer after ko siyang i-published sa kagustuhang makauwi dahil gusto ko ng makapagpahinga at mahiga na sa kama.Buong maghapon akong naapektuhan sa article na hindi ko na alam kung sino ang dapat na sisishin dahil sa totoo lang noong una, si Sir Joaquin ang taong nasa isip ko na may gawa nito pero habang nahihimasmasan ako, doon ako napatanong sa sarili ko na baka nga ako ang may kasalanan." Huwag mo na masyadong isipin 'yon, Zenaida. Nabura naman na 'yong unang article 'di ba? Na-published mo na 'yong original na gawa mo kaya wala ka ng dapat ipag-alala, " pagpapagaan sa loob ko ni Terrence habang nakapila kami sa cafeteria para mag lunch." Nas-stress lang kasi ako dahil alam ko sa sarili ko na tama 'yong na-post ko kagabi sa website. Nag overtime pa 'ko para matapos na lahat ng 'yon, tapos malalaman kong alien language pala 'yong naka-apply na font doon? " Padabog akong kumuha ng food tray saka muling hinarap si Terrence. " Parang nawala rin 'yong sense ng pagod at stress ko kagabi dahil sa nangyari, 'di ba? "
" Huwag mong sabihin na walang sense 'yong pag o-overtime mo kagabi nang dahil lang sa maliit na pagkakamali, " saad ni Terrence saka ako pinatalikod at hinawakan ang aking balikat upang marahang itulak dahil ako na pala ang sunod na lalagyan ng kanin sa food tray ko. " Na-take down na 'yong article at na-publshed mo na 'yong original. Kung sino man 'yong mga taong nakabasa noong artcle kagabi, malamang na iisipin nila na system error lang 'yon. "" Paanong iisipin kung ang saakin lang naman 'yong may problema? "" Pero naayos naman na 'yong problema kaya bakit iniisip mo pa? "Napangiwi na lang ako bago kuhanin pabalik 'yong food tray ko na may kanin at dalawang klaseng putahe. Hindi na ako nag abalang kumuha ng soup na nasa maliit na mangkok dahil nasasayang lang. Hindi naman ako mahilig sa sabaw na mas maalat pa sa ugali ni Sir Joaquin. Pumwesto kami ni Terrene sa isang table kasama ang ilan sa mga katrabaho namin. Isang team na rin kami dahil bukod sa madalas kaming magkakasama sa mga malalaking project, magkakasundo rin kami sa lahat ng bagay lalo na kapag ang topic ay ang boss namin. " Sa totoo lang' sa'yo lang naman ganiyan si Chief. Saamin okay naman siya. Oo, may pagka-suplado pero hindi naman umaabot sa punto na kasusuklaman namin siya. Sa'yo lang talaga, Zenaida, " saad ni Jana—isa sa social media manager ng Updated. " Baka naman noong past life niyo ay magkaaway talaga kayo. I mean, pareho kayong mainit ang dugo sa isa't isa, 'di ba? Baka may away kayo noon na hindi naresolba, then continuation na lang ngayon. "" Galing, Jana. Puwede ka na maging writer sa pinagsasasabi mo. Hindi ba puwedeng type lang ni Chief si Zenaida? Ganoon 'yon, 'di ba? The more you hate, the more you love, " komento naman ni Ruiz—isa sa news editor namin na brusko pero may pusong babae. " Walang kuwentang paniniwala 'yan. Kung type niya ako, sabihin niya, hindi 'yong idadaan niya sa ka-toxic-an, " saad ko habang nilalagay sa kanin 'yong sarsa ng menudo." Bakit? Kung sakali nga bang may gusto sa'yo si Chief, makikipag-date ka sa kaniya? " tanong ni Terrence na nagpabungisngis sa dalawang kasama namin sa mesa. " Hindi pa ako nasisiraan ng bait para makipag-date sa mayabang na 'yon. Aba, mas gugustuhin ko pang makipag-date sa babae kaysa sa isang tulad niyang arogante. Baka nga mas may utak pa ang ulo niya sa ibaba kaysa sa ulo niya sa itaas na puro hangin lang ang laman, " inis na saad ko na dahilan ng hagikhikan ni Jana at Ruiz, habang si Terrence naman ay napailing na lang at ipinagpatuloy ang pagkain niya." Huy, Moira, magsalita ka naman diyan. Huwag kang tumawa mag-isa, " saad ni Jana kay Moira na nasa kabilang dulo ng mesa. " Baka akalain ng iba ay binu-bully ka namin. Lumapit ka kaya dito, ano? "" Hindi, okay lang ako dito. Malamig kasi hangin sa gawi na'to, " ani Moira sabay turo sa air-conditioner na nasa itaas niya. Bahagya akong natawa dahil minsan napaka-weird ni Moira kapag magkakasama kami. Para siyang may sariling mundo na hindi namin puwedeng pasukin." Anyway, remind ko lang kayo about sa dinner natin bukas, ha? Huwag kayong drawing. Nagpa-reserve na ako sa resto-bar na napili niyo last week, " paalala ni Jana na ipinagpasalamat ko dahil nawala na 'yon sa isip ko." Oo nga pala, 'no? Buti pinaalala mo. " Nilabas ko ang cellphone ko para mag-message sa taong dapat kikitain ko bukas. " May naka-schedule akong blind date bukas, pero huwag kayong mag-alala, move ko na lang siya ng Sunday. Wala naman tayong pasok noon. "
" Sira, bakit sa restday pa? Bakit hindi na lang mamaya pagka-out mo? Wala naman tayong masyadong ginagawa ngayon kaya siguradong maaga tayong makakapag-out, " saad ni Ruiz na agad ko namang sinang-ayunan at binago ang tina-type kong message bago ko pinadala sa phone number no'ng ka-meet up ko." Sure ka bang mapagkakatiwalaan 'yong taong kikitain mo? " usisa ni Terrence. " Oo, mabait 'yon! Nakita't nakilala ko na nga 'yon sa kasal ng pinsan ko, " ani Ruiz saka ako hinarap. " Feeling ko magkakasundo kayo kaagad dahil approachable siya at pareho kayo ng energy. Basta kapag may nakita kang chinito na matangkad, mestizo na may dimples sa magkabilang pisngi, siya na 'yon! "" Parang ang perfect naman ng description mo sa taong 'yon—parang wala namang nag e-exist na ganoon! " komento ni Jana saka humarap saakin. " Kung ako sa'yo, huwag ka na lang mag expect para hindi ka ma-dissapoint. OA sa description 'tong si Ruiz. "" Ang sabihin mo, nai-inggit ka lang dahil may boyfriend ka na, " tila pang-aasar ni Ruiz dahilan para magkaroon ng debate sa mesa namin at habang pinanonood ko ang dalawa magtalo sa harap ko, nakatanggap ako ng reply sa ka-blind date ko na pumayag namang makipagkita mamayang gabi." Gusto mong samahan kita? " Napatingin ako kay Terrence sa alok niya. " Baka kasi mamaya maulit na naman 'yong nangyari sa'yo noon. "
Umiling ako. " Huwag kang mag-alala, dumating na 'yong order ko na lipstick. "Agad nagsalubong ang kilay ni Terrence. " Ano namang magagawa ng lipstick kung sakaling may gawin siyang hindi maganda sa'yo? "Nilabas ko ang aking wallet saka kinuha ang lipstick na tinutukoy ko. Iniharap ko ito mismo kay Terrence saka ko inalis ang takip bago ko pindutin ang pulang button na lumikha ng kuryente sa loob ng tube.
***Alas-siyete ng gabi ako nakapag-out sa office at alas-siyete y medya na ako nakarating sa isang kilalang restaurant kung saan kami magkikita ng lalaking ka-blind date ko ngayon. Wala akong kahit na anong ideya sa kung anong klaseng tao siya maliban na lang sa mga description ni Ruiz na hindi ko alam kung dapat kong paniwalaan. Ang tanging hawak ko lang ay ang pangalan niya na Brett na kagaya ng sabi ni Ruiz, matangkad na mestizo, chinito na mayroong dimples sa magkabilang pisngi.
" Hello, Madame, ready na po kayong mag-order? " Napatingin ako sa isang waitress na lumapit sa mesa kung nasaan ako.
Tumingin ako ng oras sa cellphone ko, doon ko lang na-realized na twenty minutes na pala akong nakatunganga lang sa mesa. Nakakahiya, baka isipin nila na tumatambay lang ako dito.
" Ah, sandali lang. " Kinuha ko sa ibabaw ng mesa 'yong menu at nag order ng strawberry delight mocktail na baka i-display ko lang sa mesa kapag dinala na saakin. Ayokong um-order nang hindi pa dumadating si Brett kahit kumakalam na ang sikmura ko. Nakakahiyang maabutan niya ako na nagsisimula ng kumain.Alas-otso ang napagdesisyunan naming oras na magkikita kami pero, mag a-alas nuebe na ng gabi, ni anino no'ng taong kikitain ko ay wala akong nakita. Ilang beses akong nag text sa kaniya kung tutuloy pa ba siya at sinubukan ko rin siyang tawagan pero hindi naman ako sinasagot. Umiinit na ang puwet ko sa silyang kinaupan ko at napapansin ko rin ang mga staff na ilang beses na tumitingin saakin. Mukhang nagtuturuan kung sino ang magpapaalis saakin. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga bago ko ilabas ang wallet ko at kumuha ng pera para bayaran ang bill ko. Patayo na sana ako nang may naupo sa silyang nasa harap ko." Chief? " Gulat ang gumuhit sa mukha ko nang makita ang Executive Editor. " A-anong ginagawa niyo rito? "" Ano ba ang ginagawa ng tao sa restaurant? Nag-g-gym? " pamimilosopo nito saka sumandal sa silya at ipinag-krus ang braso niya. " Huwag ka ng umasang darating 'yong taong kikitain mo ngayon. "Tumaas ang kilay ko. " Paano niyo naman nalaman ang bagay na 'yan? "" Hindi ka ba aware na malakas ang boses niyo kanina sa cafeteria? Kulang na lang ay i-broadcast niyo sa buong mundo kung gaano katangkad at ka-mestizo 'yong lalakeng ka-blind date mo ngayon, Miss Zenaida, " bigla akong nakaramdam ng hiya dahil sa sinabi ni Sir Joaquin. Narinig niya mga 'yon?!" Ano naman ngayon, Sir? Pati ba naman personal na buhay ko, pakikialaman ninyo? " Pagtataas ng kilay kong tanong sa kaniya. " Tsaka bakit ba kayo nandito? Imposibleng nagkataon lang 'to lalo na't alam niyo na may ka-blind date ako ngayon? "" Anong pakialam ko sa'yo? Anong pakialam ko sa ka-blind date mo? " aniya saka itinaas ang kamay dahilan upang lumapit ang isang waitress saamin sabay abot ng bill kay Sir Joaquin. Kunot-noo kong inilibot ang tingin sa loob ng restaurant. Ibig sabihin ba kanina pa siya nandito? Bakit naman hindi ko 'yon napansin?" Kanina pa umalis 'yong mestizo na matangkad na chinito na may dalawang dimples sa magkabilang pisngi, " tila nanunuyang saad ni Chief habang inilalagay ang sukli sa wallet niya." Nag back out yata nag makita ka. " " Hindi kailangan na mag-imbento ng kuwento dahil hindi naman ako maniniwala sa sinasabi niyo. " Nilabas ko ang cellphone ko para tawagan muli ang numero ni Brett ngunit laking gulat ko nang hindi ko na siya ma-contact. Puñeta, 'wag mong sabihing naka-blocked ako?!" Napaka-unprofessional, " rinig kong saad ng lalaki sa harap ko habang may matalim na tingin saaakin. " Wala akong pakialam sa mga lakad mo Miss Zenaida, pero sana sa susunod, siguraduhin mong hindi mo suot ang company ID sa labas na wala naman kinalaman sa trabaho mo. "Napayuko ako, doon ko lang nakita na nakasuot pa pala sa leeg ko 'yong company ID. Agad ko itong hinubad at humingi ng tawad kay Sir Joaquin. Wala kami sa loob ng company, pero dahil boss ko pa rin ang taong nasa harap ko, sige, gagalang pa rin ako, maliban na lang kung maubos ang pasensya ko lalo na't iniwan ako sa ere ng ka-blind date ko. Isang oras akong naghintay sa wala. Mahirap bang mag message saakin na hindi na siya tutuloy?" Sobra ka bang atat magkaroon ng boyfriend para makipag blind date buwan-buwan? " Nagpantig ang tainga ko sa narinig ko. " I mean, wala naman akong pakialam sa buhay mo pero mukhang nawawala ka sa focus dahil sa pakikipag-date mo kung kani-kanino. "
Sinalubong ko ang tingin niya. " Wala pala kayong pakialam, bakit dada pa rin kayo nang dada diyan? "" Galit ka ba? " Natatawag tanong niya. " Sinasabi ko 'to sa'yo dahil concern ako sa takbo ng company. Katulad na lang ng nangyari sa article na ginawa mo. Sa tingin mo, sino ang pagtatawanan ng mga tao kung sakaling kumalat 'yong article na 'yon? Hindi lang ikaw, kung hindi pati na rin ang buong empleyado ng Updated ay damay sa ginawa mo. "" Bakit ba ako ang sinisisi ninyo? Hindi ba puwedeng aksidente lang ang nangyari? "" Huwag mo akong gamitan ng salitang aksidente, Miss Zenaida. Aminin mo na lang na ikaw ang may kasalanan. Masyado kang naging pabaya sa trabaho mo dahil puro pakikipag-date ang nasa isip mo. "" Edi sorry. Sige na, ako na ang may kasalanan! " Tumayo na ako sa kinauupan ko at kinuha ang strawberry delight mocktail na hindi man lang nabawasan. Tinanggal ko ang straw saka ko itinapon sa ulo ni Sir Joaquin na kita ang gulat sa ginawa ko. " Hindi na kayo mahihirapan humanap ng paraan para sesantihin ako sa trabaho. You can fire me now. "Taas-noo akong umalis sa mesa at naglakad palabas ng restaurant. Hindi ko pinansin ang tingin ng mga tao dahil nag-iinit ang buong katawan ko sa galit. Bukas na bukas, mukhang kailangan ko ng simulan maghanap ng bagong trabaho." Ate, wala kang pasok ngayon? " tanong ni Zachary nang magkasalubong kami sa kusina. " Alas-otso ang pasok mo 'di ba? Mag a-alas siyete na. " " A-absent ako, " tipid kong sagot saka kumuha ng tasa para lagyan ng kape at asukal. " May mainit pa bang tubig? " " Wala na, teka magpapakulo ako. " Kinuha ni Zachary 'yong takure sa loob ng cabinet para lagyan ito ng tubig. " Himala at a-absent ka, ate? Kapag masama nga pakiramdam mo, pinipilit mo pa sarili mong pumasok. Ngayon, mukhang okay ka naman. So, bakit a-absent ka? " Tumingin ako sa paligid bago ako mag desisyong sagutin ang tanong ng kapatid ko. " Ikaw ba, papasok ka pa rin kung binuhusan mo ng maiinom 'yong professor mo? " Nanlaki ang mata nito saka dali-daling nilagay sa kalan ang takure bago ako lapitan. " Ate, sino ang binuhsan mo? Boss niyo? " " Huwag kang maingay. " Pinandilatan ko siya ng mata dahil baka marinig siya nila Mama. " Oo, ginawa ko 'yon kagabi. Buwisit, eh. Rinding-rindi na ako sa ugali niya. Daig pa ang ma
" Archer? " halos lumuwa ang mata ko nang makita ang isang guwapong binata sa harap ko. " Anong ginagawa mo rito? " " Nag r-relax. Katatapos lang ng shooting namin malapit dito, " anito saka kumaway sa mga kasama ko. " Kanina pa kayo rito? " " Hindi naman masyado.Kasisimula pa lang namin. Tara dito, maupo ka sa table namin. May mga kasama ka ba? " tanong ni Ruiz, saka tinapik ang natitirang space sa tabi niya pero sa gilid ko naupo si Archer. Binigyan ako ng kakaibang tingin ni Ruiz at Jana pero pinandilatan ko lang sila. Tumingin ako kay Terrence na saktong napatingin rin saakin, bago ko ilipat ang tingin kay Moira na muntik ko ng malimutan na kasama pala namin. Abala ito sa pagkain ng buffalo wings, mukhang ito lang ang dahilan kaya sumama siya saamin. " Ako lang mag-isa ngayon. Tumakas lang kay Manager Cha, ayaw kasi akong payagan lumabas, " ani Archer, " Tapos naman ng makunan 'yong lahat ng scene ko sa movie kaya akala ko marami na akong time mag unwind, pero ayaw naman ako pay
Matagal akong nakatitig sa salamin habang pinagmamasdan ang sarili ko. Basa ang ilang parte ng buhok ko dahil sa alak na binuhos ko sa sarili ko. Iyong manipis na blouse na suot ko, nabasa rin kaya kitang-kita ang panloob ko. " Puñeta. " Mariin akong napapikit at humugot nang malalim na hininga. Tumungo ako sa hand dryer saka hinubad ang aking blouse at itinapat ito roon sa pagbabakasakaling matuyo ito kahit papaano. Parang gusto kong iuntog ang sarili ko dahil bukod sa naging desperado ako kanina sa ginawa ko, pinarusahan ko lang din ang sarili ko." Zenaida? " Napatingin ako sa pinto nang marinig ang boses ni Moira sa labas. " Tapos ka na? "Hindi ako sumagot, sa halip ay binuksan ko ang pinto sa restroom para papasukin siya. Bahagya siyang nagulat nang makitang wala akong suot na damit kaya agad-agad niyang sinara ang pinto saka ako hinarap. " Nasaan ang damit mo? " tanong ni Moira at walang gana kong itinuro ang hand dryer. Napailing siya saka binalik ang tingin saakin. " Hindi
Nagising ako dahil sa paulit-ulit na pag ring ng cellphone ko. Pikit mata kong kinapa ang kama kung saan ramdam ko ang vibration na nagmumula sa aking cellphone. Idinilat ko ang kaliwa kong mata para tignan kung sino ang tumatawag bago ko ito sagutin." Bakit—"" Ate, nasaan ka na? " Inilayo ko nang bahagya ang cellphone sa tainga ko dahil sa lakas ng boses ni Zachary sa kabilang linya. Hindi man lang ako hinayaang magsalita. " Ate, kanina pa kami tawag nang tawag sa'yo, hindi ka sumasagot. Nag aalala na sila Mama at Papa. "Doon ko naimulat ang dalawa kong mga mata. Agad akong bumangon sa kama at napatingin sa kuwartong kinaroroonan ko. Ako na lang mag-isa." Ate, ano na balak mo? Umuwi ka na! Malilintikan ka kina Mama, yari ka! " pagbabanta ni Zachary sa kabilang linya. "" Oo sandali, pauwi na ako. Bye na. " Pinatay ko kaagad ang tawag at napatulala sa kawalan habang inaalala ang nangyari kagabi. Inangat ko ang kumot na nakatakip sa buong katawan ko bago ko hanapin ang damit na suo
Isang linggo na ang nakalipas, pero narito pa rin ako sa kompanya at nananatili matatag. Hindi ko alam kung anong dahilan ni Sir Joaquin para payagan niya akong manatili dito sa Updated matapos ng ginawa ko sa kaniya. Sa loob ng isang linggo, hindi na namin napag-usapan ang tungkol doon at ang nakapagtataka pa, tila nawala ang sungay sa noo niya dahil hindi na niya ako pinagagalitan sa mga walang kuwenteng bagay. Hindi tulad noon na talagang may nagaganap na debate sa pagitan naming dalawa nang dahil sa maliit lang na pagkakamali. " Baka naman malunod ka sa lalim ng iniisip mo, Zenaida. " Napaangat ang tingin ko nang marinig si Jana. Narito kami ngayon sa cafeteria para mag lunch pero hindi ko magawang galawin ang pagkain ko dahil sa daming tumatakbo sa isip ko. " Hindi ba't parang ang weird ni Chief? " tanong ko sa mga kasama ko. " Imagine, sa loob ng isang linggo, wala man lang naganap na bardagulan saamin? Hindi tulad noon na ultimo paggamit ko ng punctuation marks ay pinapansi
" Anong ginagawa mo rito, Terrence? " takhang tanong ko nang labasin ko ang hindi inaasahang bisita. Ramdam ko ang mga tingin mula sa likuran ko kaya nang lingunin ko sila, agad nagsilalisan sa pintuan sina Mama at Papa, pero si Zachary, nanatiling nasa bintana, may malaking ngisi sa mukha. " Pasensya na kung nakaabala ako, pero gusto ko sanang iabot ito kaagad sa'yo dito sa inyo dahil hindi ko siya puwedeng ibigay sa office. " Iniabot ni Terrence saakin ang bouquet na may limang malalaking rosas sa loob. Sunod ay ang box na naglalaman ng cake. Transparent ang takip sa ibabaw kaya nakita ko ang disenyo nito. Minimalist at mayroong tatlong mukha ng pusa sa gilid. " Terrence, salamat dito. Pero kung hindi mo mamamasamain ang tanong ko, para saan ang mga 'to? " tanong ko. " Hindi ko pa naman birthday at malayo pa ang Valentine's Day. Bakit may paganito ka? " Ngumiti siya saka tumingin sa bintana kung nasaan ang kapatid ko. Agad akong lumingon at pinandilatan ito ng mata dahilan para u
Halos limang minuto na akong nakatayo sa harap ng mesa ni Sir Joaquin, pero wala kaming ginawa kundi ang magtitigan. May ideya na ako kung bakit niya ako pinatawag sa office, pero ang pinagtataka ko, bakit ayaw niya pang magsalita? Sa hitsura ng mukha niya, para bang marami siyang gustong sabihin saakin pero hindi niya alam kung saan magsisimula kaya ang resulta, pakikipagtitigan na lang ang ginawa niya. " Chief, tapos na ba? " ako na ang bumasag ng katahimikan dahil nangangawit na ako sa kinatatayuan ko. " Puwede na ba akong lumabas dahil ang dami ko pang trabahong kailangan gawin ngayon. " " Tapos na ba kitang kausapin? " tanong niya. " Ay, may balak ba kayong kausapin ako? Akala ko makikipagtitigan lang kayo saakin. " Idinaan ko sa biro ang pagkabagot ko dahil kailangan ko ng ingatan ang mga salitang lumalabas sa bibig ko. Aba, ayoko ng maranasan 'yong kaba at takot na mawalan ng trabaho. " Nandito ba sa kompanya ang taong tinutukoy mo na importante sa'yo? " Tumaas ang kali
Halos isubsob ko na ang aking mukha sa toilet bowl habang inilalabas ng bibig ko ang kinain ko kagabi. Hindi ko alam kung bakit, pero pagkagising na pagkagising ko, nag laway agad ako at dumiretso agad ng banyo nang maramdamang naduduwal ako." Ate, tapos ka na diyan? Maliligo na ako, " rinig kong pagkatok ni Zachary sa pinto ng banyo. " Oo, sandali lang, " sabi ko habang pinakikiramdaman ang aking sarili kung tapos na ba akong isuka ang lahat. Tumayo ako sa pagkakasalampak sa sahig at muling binuhusan ng tubig 'yong toilet bowl bago ko buksan ang pinto saka lumabas." Tagal mo sa banyo—hindi ka pa pala naliligo? " Gulat na tanong ni Zachary saka tumingin sa orasan na nakasabit sa pader sa kusina namin. " Mag a-ala sais na, ate. Hindi ka papasok? "" Papasok ako. Mauna ka ng maligo. Bilisan mo na lang. " Dumiretso ako sa lababo para maghilamos at mag mumog. Ang weird ng pakiramdam ko ngayong umaga. Hindi ko naman puwedeng isisi sa lomi 'yong dahilan ng pagsuka ko dahil hindi naman
Bastos, mayabang at walang modo. Iyon ang mailalarawan ko sa isang empleyado ng kompanya na palaging naglalakas loob na kalabanin ako. Sa lahat ng opinyon ko, palagi siyang may komento. Masyadong mataas ang tingin niya sa sarili niya at pakiramdam niya, alam na niya ang lahat. Alam kong isa siya sa mga mahuhusay na mamamahayag na kinikilala ng Updated, kaya kung ipatatanggal ko siya sa trabaho, alam kong maraming tututol, kaya naman ako na ang gumagawa ng paraan para siya mismo ang sumuko at mag resign. Anong silbi ng mahusay na mamamahayag kung bastos at mayabang naman? " Miss Zenaida, mayroon tayong freedom of speech pero hindi sa ganitong paraan mo gagamitin 'yon. Kung kalokohan lang naman ang gusto mong isulat, sa social media ka na lang sana nagkalat. " " Excuse me? " Gumuhit sa mukha niya ang insulto sa sinabi ko. " Chief, grabe naman kayo kung makapagsalita. Unang-una, wala po akong alam kung bakit nag puro symbol ang fonts ng aticle ko. Alam ko sa sarili ko na pulido ang ga
" Dawn, ibaba mo 'yan..." Nanginging ang boses kong pakiusap kay Dawn ngunit bumungisngis lang siya sa harap ko at humakbang palapit saakin dahilan ng pag-atras ko. " You are funny as hell! Bakit takot na takot ka? Wala pa naman akong ginagawa! " tila tuluyan ng nawala sa sarili si Dawn dahil halos hindi na siya makahinga sa pagtawa niya. Mangiyak-ngiyak siyang nakatingin saakin habang nakahawak sa kaniyang tiyan. " Chill, bakit ba paatras ka nang paatras? Baka naman mahulog ka sa hagdan? " Lumingon ako sa likuran, may tatlong hakbang mula sa aking kinatatayuan bago ako makarating sa tuktok ng hagdan. Binalik ko ang tingin kay Dawn. " Paano mo...paano mo nagawang makapasok rito sa bahay? " " Natural sa pintuan! Ang stupid naman ng tanong mo. " Naiiling niyang sagot. Sumandal siya sa railings habang patukoy na pinapaikot sa kamay niya 'yong balisong. " Kawawa ka naman kagabi. Mag-isa ka lang sa kama, ano? Malandi ka kasi, eh. Kung sino-sino na lang talaga pinapatulan mo." Sandali
Sa mga sandaling ito, nababatid kong maraming naglalaro sa isipin ni Joaquin dahil sa mabilis na pagbabago ng ekspresyon sa mukha niya. Kumpiyansa ako na wala akong ginawang mali ngunit hindi ko alam kung paano ko magagawang ipaliwanag sa kaniya ang sitwasyon gayong wala akong maalala. " Anong ibig sabihin nito? " Pinasadahan niya ako mula ulo hanggang paa. Gumuhit sa mga mata niya ang sakit ngunit nang ibaling niya ang tingin kay Terrence, madilim na ekspresyon na ang nakita ko sa kaniya. " Joaquin, n-nagkakamali ka. Kung ano man ang tumatakbo ngayon sa isip mo, walang katotohanan 'yan. " Mabilis akong lumapit sa kaniya at tinangkang hawakan ang braso niya ngunit umatras siya palayo saakin nang hindi inaalis ang matalim na tingin kay Terrence. " Lovato, wala kang balak magpaliwanag? " lalo akong kinabahan dahil sa tono ng boses ni Joaquin. Nararamdaman ko ang tensyon na bumabalot sa buong kuwarto at hindi ko alam kung paano ko ito magagawang pigilan. Nagtama ang tingin namin ni T
Walang tao. Wala akong nakitang kahit na ano maliban sa nakasaradong bintana. Napabuga ako sa hangin sa pagkadismaya sa sarili. Siguro nga na pa-praning na nga ako. " May problema ba, Zenaida? " Napalingon ako sa likuran nang marinig ang boses ni Joaquin. Buhat niya si Phoebe na humihikab pa at tulad ng ama niya, puno ito ng kalituhan ang mukha niya. Umiling ako at lumapit sa family picture namin na ngayon ay basag ang salamin at sira na ang frame. Lumapit saakin si Joaquin nang ibinaba niya sagit si Phoebe sa kama. " Ito 'yong nabasag? " Inangat niya ang tingin sa pader kung saan ito nakadikit. Naroon pa rin ang pako kaya imposibleng nalaglag ito nang basta-basta, maliban na lang kung may nagtanggal. Hindi ko alam kung dapat ko bang pairalin ang pagiging praning ko pero nararamdaman kong may hindi tama sa bahay na'to. Mas kaya ko pang paniwalaan kung may nangyayaring paranormal activity dito, pero 'yong ideya na may kasama kaming ibang tao sa bahay na'to na hindi namin alam,
" Miss Jazmine, tumayo po kayo. " Hinawakan ko sa magkabilang balikat ang matanda upang itayo ito mula sa pagkakaluhod. " Hindi niyo naman po kailangang lumuhod pa para humingi ng kapatawaran. Sapat na po saakin ang paghingi ng tawad na may sinseridad. "Malungkot niya akong tinignan. " Zenaida, hindi ko alam kung gaano kabigat ang pinagdaanan mo sa loob ng apat na taon. Hindi ko alam na nagawa ka pa lang kausapin ni Nicolas at hilingin sa'yo na ipalaglag ang bata. Wala akong alam sa bagay na'yon...patawarin mo 'ko, hindi kita nagawang tulungan noon. "" Hindi ko naman po sinunod ang sinabi niya... at hindi rin naman po sumagi sa isip ko na ipalaglag ang anak ko." Mahinahon ngunit buong kumpiyansa kong sagot sa kaniya. " Apat na taong gulang na po si Phoebe ngayon. Gusto kong kuhanin ang pagkakataong ito para sabihin na wala akong pinagsisisihan sa desisyon kong buhayin siya. "Sunod-sunod ang tango na ginawa niya habang nanunubig ang kaniyang mga mata. " Mas nauunawaan ko na kung saa
" Sa isang buwan na agad ang kasal? Ang bilis naman! " Gulat na tanong ni Jana, katatapos lang mabulunan sa kape na iniinom niya. " Isang linggo pa lang kayong engaged, kasalan agad? Ano, excited mag honeymoon? " " Gaga, parang hindi mo naman alam ang dahilan? " Paanas kong tanong sakaniya. Bakit ba kasi sa coffee shop pa namin napiling magkita? Masyadong matinis ang boses ni Jana. Hindi marunong makipag-usap nang may hinahon. " Bakit patatagalin pa kung sigurado naman na sila sa isa't isa? " ani Moira saka isinubo ang huling piraso ng egg tart na pangalawang order na niya. " Wala na ring dapat ika-excite sa honeymoon kung araw-araw naman silang—" " Huy, Moi, bibig mo. Nasa public place tayo, luka. " Pinanlakihan ni Jana ng mata si Moi na inosenteng napatigil sa pag nguya habang nakatingin saamin. "...kung araw-araw naman silang magkasama sa iisang bubong. Wala namang mali sa sasabihin ko, ah? " Kinuha ni Moira ang iced coffee niya. " Linggo bukas, Jana. Baka gusto mo mag simba?
" Baka naman matunaw na kamay mo katititig mo? " Natatawang hayag ni ate Zekainah saka ibinaba ang miryenda na binili niyang tuhog-tuhog sa naglalako. " Para kang teenager na kinikilig dahil binigyan ka ng crush mo ng regalo. Zenaida, ipapaalala ko lang sa'yo na may anak ka na. "" Bakit ate? Hindi na ba puwedeng kiligin ang mga Nanay? " tanong ko saka umayos ng pagkakaupo sa sopa. " Parang siya hindi kinikilig kapag nagdadala ng bulaklak si James, ah? Maya't maya mo pa nga inaamoy 'yong rosas, eh. "Halos lumuwa ang mata niya. Akala niya siguro wala akong alam pero sorry siya dahil madalas ikuwento saakin ni Colleen 'yong reaksyon ng Mama niya kapag nakakatanggap ito ng regalo mula kay James.Tumikhim si ate Zekainah at tumusok ng eggball sa plastic cups niya. " So, anong feeling na nasuotan ng engagement ring? "Bumalik ang ngiti sa labi ko. " Hindi ko ma-describe, eh. Basta, masaya na nakakaiyak na nakaka-excite? Para kang nakalutang sa alapaap, ganoon. Ah, basta, ma-g-gets mo sina
Maingat kong ibinaba ang dalawang tasa ng kape sa lamesita at lihim na tinapunan ng tingin ang magulang ni Dawn na nakaupo sa sopa. Ang dating aktres na si Pauline Bermudez ay pamilyar na ang mukha saakin dahil sikat siyang aktres noong araw. Madalas kasing subaybayan ni Mama ang isang teleserye na siya ang bida kaya namukhaan ko agad siya kanina. Edad singkuwenta, pero hindi mo makikita sa mukha niya dahil ang bata ng hitsura niya. Magkamukhang-magkamukha sila ni Dawn, hindi 'yon mapagkakaila dahil parehas silang may mala-anghel na hitsura sa kabila ng pamamaga ng pareho niyang mga mata. Mukhang galing siya sa magdamag na iyak. Sunod kong tinapunan ng tingin ang padre de pamilya nila, si Benjie Bermudez. Isa siyang congressman at kung pagbabasehan ang kaniyang tindig at hitsura, para siyang isang maamong tupa. Mataas na lalaki, payat at halos puti na ang kaniyang mga buhok. Bagsak ang kaniyang mga mata, malamang dahil sa puyat at stress. " Pasensya na kung binulabog namin kayo nan
" Joaquin, 'wag na. Hindi na kailangan, " kinailangan ko ng umentrada. Ayokong lumaki ang gulo, hindi naman iyon ang pinunta namin rito. " Huwag mong pilitin ang hindi niya kayang gawin. " Kita ko ang pagka-insulto sa mukha ni Sir Nicolas dahil sa sinabi ko. Alam kong magiging dalawa ang kahulugan ng katagang 'yon pero wala akong intensyon na insultuhin ang kalagayan niya. Nasasakaniya na lang kung paano niya ito iintindihin. " Sir Nicolas, hindi ako nagpunta rito para gumawa ng gulo. Gusto ko sana kayong makausap, pero sapat na ang mga narinig ko para ma-realized na wala talaga akong dapat asahan sainyo. " Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Gusto ko sanang maawa sa kalagayan niya, pero hindi ko magawa. Nakita ko kung paano niya ipaglaban ang ibang tao sa halip na unawain at intindihin ang sarili niyang anak. Nakakadismaya. Nakakagalit. " Hindi niyo pinaiiral ang mga isip niyo. Masyado kayong nagpapadala sa bugso ng damdamin niyo. " Dismayado niyang binalikan ng tingin si Jo