Home / Romance / Office Romance: Who's your Daddy? / Chapter 31 - Chapter 40

All Chapters of Office Romance: Who's your Daddy?: Chapter 31 - Chapter 40

61 Chapters

CHAPTER 30

" Tungkol sa nangyari saatin noong gabing 'yon, mayroon kayong dapat na malaman... " Binalik ko 'yong takip ng garapon sa pinagkuhanan ko ng sunflower seeds. Huminga ako nang malalim bago muling tumingin sa kaniya. Hindi ko alam kung anong sunod na mangyayari pero nakahanda akong tanggapin kung ano man ang magiging desisyon niya. Nakahanda akong tanggapin kung anong magiging daloy ng usapan namin. " Zenaida, anong ginagawamo rito? Naglilihi—oh, sorry..." kapwa kami napatingin ni Sir Joaquin sa pinto sa biglaang pagpasok ni Jana. Para siyang nakakita ng multo nang makita kung sino ang kausap ko. " N-Nandito pala kayo, Chief—este, President. Magandang umaga sainyo... " Kita ko ang bagot sa mukha ni Sir Joaquin na tumango lang kay Jana bago ilipat ang tingin saakin. " Sinong naglilihi? " Napalunok ako. Hindi sa ganitong paraan ko gustong malaman niya ang tungkol sa pagdadalang tao ko! " A-Ako po. Naglilihi ako. " Nagtaas ng kamay si Jana saka lumakad palapit saakin. " Nagpasabay po
last updateLast Updated : 2023-03-29
Read more

CHAPTER 31

Isang casual interview lang naman ang nangyayari pero propesyonal at pormal pa rin kung magsalita ni Sir Nicolas sa bawat tanong na binibitawan ko. Solo niya lang ang ang spotlight, sa kaniya nakatutok ang ilaw at camera pero ako 'yong tensed sa kinauupuan ko habang hawak ang isang papel kung saan nakalatag ang mga questionnaire. Sa library namin napiling pumwesto dahil bukod sa tahimik, habol rin ng mga kasama ko 'yong magandang background. " Next question po. Ano 'yong pinaka memorable na documentary na ginawa ninyo sa ilang dekada bilang isang mamamahayag? " sunod kong itinanong. " All of them. " Mabilis niyang sagot. " Lahat ng ginawa ko ay memorable saakin. Kung tama ang pagkakaalala ko, nasa 65 ang lahat ng documentary films na nagawa ko simula noong pasukin ko ang field na ito—kasama na sa bilang na 'yon ang mga naging proyekto ko noong nasa kolehiyo pa pa lang ako. Bawat tao, may kuwento. Sa bawat kuwento, may aral. Lahat ng 'yon, may espesyal na puwang sa puso ko. " " Pero
last updateLast Updated : 2023-03-29
Read more

CHAPTER 32

Naghari ang halos isang minutong katahimikan sa kuwarto kung nasaan kami ngayon. Diretso ang aking tingin sa mata ni Sir Joaquin na mababakas ang gulat at kalituhan sa binitawan kong tanong. Ngumiti ako at lumakad palapit sa sopa para maupo roon. Hindi pa rin siya nagsasalita, mukhang hindi niya inaasahan 'yon kaya muli kong dinugtungan ang tanong ko. " Anong plano mong gawin saamin? Pananagutan mo ba ako o itatanggi mo—" " S-Sandali nga. Magkaliwanagan tayo, Zenaida. " Hinarap niya ako at umalis mula sa pagkakaupo niya sa swivel chair. " May katotohanan ba 'yang tanong na binibitawan mo? " " Ano sa tingin niyo? " " Zenaida, huwag mo akong sagutin ng panibagong tanong. Oo o hindi lang ang isasagot mo, " kitang-kita ko ang tensyon sa mukha niya. Malikot ang mga matang nakatingin saakin habang may butil-butil na pawis sa noo niya. " Ako ang unang nagtanong sa'yo, Joaquin. Hindi mo pa nga 'yon sinasagot, 'di ba? " Kalmado kong wika habang nakatingin nang tuwid sa kaniya. " Uulitin
last updateLast Updated : 2023-03-30
Read more

CHAPTER 33

" Hindi tayo magsasama? " hindi ko alam kung bakit nagulat siya sa sinabi ko. Ano bang inaakala niya? Magsasama kami sa isang bubong dahil nabuntis niya ako? " Hindi ba't pabor naman sa'yo 'yon? " tanong ko pabalik saka umayos ng paagkakaupo sa sopa nang hindi inaalis ang tingin sa kaniya. " Technically speaking, iyon naman talaga ang dapat na gawin natin, pero alam kong hindi ka naman papayag doon. " " Tinanong mo muna ba 'ko bago mo nasabing hindi ako papayag? " Kumunot ang noo ko. " Gusto mo bang matali sa taong hindi mo naman mahal? Nakahanda ka bang bitawan ang buhay-binata mo oras na ipakasal tayo at magsama sa iisang bubong?" Hindi niya magawang sumagot. Parang ang dami niyang gustong sabihin pero hindi niya alam kung paano ito ilalabas. " Joaquin, binibigyan na kita choice dahil ayokong mauwi sa magulong buhay ang magiging anak natin. Hindi mo ako kailangang pakisamahan o pakasalan dahil pareho naman nating alam na one night stand lang ang nangyari saatin. Sapat na saaki
last updateLast Updated : 2023-03-31
Read more

CHAPTER 34

" Dawn Bermudez. 29 year old. Isang model and brand ambassador ng isang sikat na shampoo. Anak siya ng dating actress na si Miss Pauline Bermudez at ngayong Congressman na si Mr. Benjie Bermudez..." Huminto saglit sa pagbabasa sa cellphone si Jana, animo'y may pumukaw sa atensyon niya habang may binabasa. " Oh, mukhang malapit na magkaibigan ang mga Delgado at Bermudez. Tignan mo, may mga pictures sila. " Inilapit ni Jana saakin ang cellphone niya para ipakita ang ilang mga pictures na nahalungkat sa internet sa paghahanap sa pangalan ng babaeng nag grand entrance kanina. " Oh, ten years ago pa 'to. " Itinuro ni Jana ang date sa itaas ng isang picture kung saan makikita ang mga Delgado at Bermudez na magkakasama sa isang mahabang mesa. Agad napako ang mata ko sa isang lalaki na nakatayo sa likuran ng kaniyang ama habang katabi ang babaeng laman ng aming usapan. Agad namang itinuro ni Jana 'yong tinitignan ko, animo'y nabasa ang nasa isip ko. " Si President 'to, 'di ba? Ang bata niya
last updateLast Updated : 2023-04-01
Read more

CHAPTER 35

Alas-dose na ng hating-gabi nang makauwi ng bahay. Alam kong tulog na ang mga tao saamin kaya nagpasya akong humilata sa sopa habang binabalikan ang mga nangyari kanina. Pumikit ako upang ipahinga ang pagod kong mga mata at pinakikinggan ang katahimikan sa buong salas. " Bakit diyan ka mahihiga? " Napadilat ako nang marinig ang boses ni Mama. Umayos ako ng pakakaupo at nakita ko siyang may bitbit na baso. " Hindi po. Namahinga lang saglit, " saad ko saka tumayo at lumapit sa kaniya para mag mano. " Bakit po gising pa kayo? " " Nagising ako nang marinig na bumukas ang gate. Kadarating mo lang ba? " Tumango ako. Dumiretso si Mama sa kusina at tumungo sa ref para salinan ng tubig na malamig ang basong hawak niya. " Kumusta ang event? May nakuha ka ba? " Nahihiya akong umiling. Hindi ko puwedeng sabihin sa kaniya na nakauwi na ako bago pa maganap 'yong pa-raffle ng company. Hindi naman ako umaasa do'n dahil sa tagal kong nag ta-trabaho sa Updated, ni minsan hindi ako sinuwerte sa bu
last updateLast Updated : 2023-04-02
Read more

CHAPTER 36

" Congrats? " hindi makapaniwalang saad ni Jana. " Iyon ang sinabi mo sa kanila? "Tumango ako sabay lantak ng ice cream na nasa tub na hawak ko. " Dapat ba condolences? "" Gaga, seryoso ba? Baka naman pina-prank ka lang? " Binitawan ni Jana ang ice cream niya at dinala ang silya palapit sa tabi ko. " May engagement ring ba siyang pinakita? Sa mga daliri ni Sir Joaquin, may napansin ka bang singsing na suot niya dati pa? "Umiling ako at nagpatuloy sa pagkain ng ice cream sa pagbabakasakaling gumaan ang pakiramdam ko. Nasa isa kaming ice cream parlor sa loob ng Mall ngayon, nagkayayaang maglibot dahil half-day lang kami. " Baka arranged marriage? " Napatingin kami kay Terrence. " Hindi malabo 'yon lalo na sa mga tulad nilang may mga matataas na social status. "" Ay, oo nga, 'no? Magkaibigan pa ang mga pamilya nila kaya posibleng pinakasundo nga sila, " pagsang-ayon ni Jana sabay tingin muli sakin. " Pero bakit hindi sinabi ni Sir Joaquin sa'yo ang tungkol doon? "" Malay ko. " Kibi
last updateLast Updated : 2023-04-03
Read more

CHAPTER 37

Lahat kami ngayon ay nasa kuwarto ni Zachary. Nakapalibot kami ngayon sa kaniya pero hindi pa rin siya nagsasalita kahit na anong gawing piga ng magulang namin. Hindi ko alam ang tumatakbo ngayon sa isip niya sa mga oras na ito pero alam kong may malalim siyang dahilan kung bakit niya nagawa ito. " Zachary, anak, kausapin mo kami. " Mahinahong pakiusap ni Papa. " Ano bang dahilan at hindi ka na pumapasok? May problema ba sa school niyo? " Umiling ito. " Wala naman po, Pa... " " Kung ganoon, ano ngang dahilan? Bakit nag dropout ka nang hindi po ipinapaalam saamin? Mag a-apat na buwan ka na palang hindi pumapasok, pero umaalis ka pa rin ng bahay nang naka-uniporme? " Naroon pa rin ang gigil sa boses ni Mama. Kumpara kanina, kalmado na siya ngayon at hindi na nakasigaw, pero hindi pa rin naalis ang kunot sa mga noo niya at galit sa mga mata. " Zachary, ano? Hindi ka ba talaga magsasalita? Diyos ko, ano bang pumasok sa isip mo? Binibigyan ka pa ng ate mo ng allowance linggo-linggo, hi
last updateLast Updated : 2023-04-05
Read more

CHAPTER 38

" Si Joaquin ba ang ama ng batang dinadala mo? " Ang tanong na halos magpahinto sa paghinga ko. Ramdam ko ang pag-init ng buong katawan ko at ang bawat butil ng pawis na bumabagsak mula sa aking sentido. Tumingin ako kay Sir Nicolas na walang kahit na anong emosyon na makikita sa mukha niya. Paano nga ba kami napunta sa ganitong stwasyon? Paano nga ba niya nalaman ang tungkol sa pagdadalang tao ko kung 'yong ama ng bata sa tiyan ko ay dalawang araw ng nasa labas ng bansa? " Tatlong araw lang akong mawawala. Pagkabalik ko, sana may sagot ka na sa kasal na inaalok ko para makakilos na tayo, " ang paalam saakin ni Sir Joaquin noong gabing paalis siya ng bansa para sa isang mahalagang trabaho. " Pero kung may sagot ka na ngayon pa lang, sabihin mo na para pag-uwi ko, magpakasal na agad tayo. " Pinaikutan ko siya ng mata. " Ewan ko sa'yo. " " Zenaida, para 'to sa bata, " aniya, " Alam kong hindi ka mabuting tao, pero kayanin mong mabago para sa magiging anak natin. " Pinanlisikan ko
last updateLast Updated : 2023-04-05
Read more

CHAPTER 39

" Tatawagan ka na lang namin next week... " ito na ang pangalawang beses na narinig ko ito ngayong araw. Hindi naman ako pinanganak kahapon para hindi maintindihan ang sinabi ng HR. Malamang isa sa rason kung bakit hindi ako magawang tanggapin ay dahil sa buntis ako. Inaasahan ko na 'to, pero nagbabakasakali pa rin ako. " Alright, Ma'am. Thank you. " Nakangiti akong tumalikod at naglakad palabas ng kaniyang opisina. Hindi ko 'yon inalis sa mukha ko hanggang sa makalabas ako ng kompanya. Sumilong na muna ako sa lilim at tumingin sa orasan para tantiyahin kung ilang kompanya pa ba ang pupuntahan ko para makapag-apply ng trabaho. Kahit nga walang kinalaman sa field ko, kailangan kong patusin dahil hindi sapat ang aking ipon para sa panggastos sa sarili at sa anak ko. Kinuha ko ang payong ko sa loob ng bag at binuksan ito bago tumawid sa kabilang kalsada. Alas-dose na ng tanghali, tirik na tirk ang araw. Wala pa akong kain kaya tumungo ako sa isang fast food chain para doon mananghalia
last updateLast Updated : 2023-04-06
Read more
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status