" Hindi tayo magsasama? " hindi ko alam kung bakit nagulat siya sa sinabi ko. Ano bang inaakala niya? Magsasama kami sa isang bubong dahil nabuntis niya ako? " Hindi ba't pabor naman sa'yo 'yon? " tanong ko pabalik saka umayos ng paagkakaupo sa sopa nang hindi inaalis ang tingin sa kaniya. " Technically speaking, iyon naman talaga ang dapat na gawin natin, pero alam kong hindi ka naman papayag doon. " " Tinanong mo muna ba 'ko bago mo nasabing hindi ako papayag? " Kumunot ang noo ko. " Gusto mo bang matali sa taong hindi mo naman mahal? Nakahanda ka bang bitawan ang buhay-binata mo oras na ipakasal tayo at magsama sa iisang bubong?" Hindi niya magawang sumagot. Parang ang dami niyang gustong sabihin pero hindi niya alam kung paano ito ilalabas. " Joaquin, binibigyan na kita choice dahil ayokong mauwi sa magulong buhay ang magiging anak natin. Hindi mo ako kailangang pakisamahan o pakasalan dahil pareho naman nating alam na one night stand lang ang nangyari saatin. Sapat na saaki
" Dawn Bermudez. 29 year old. Isang model and brand ambassador ng isang sikat na shampoo. Anak siya ng dating actress na si Miss Pauline Bermudez at ngayong Congressman na si Mr. Benjie Bermudez..." Huminto saglit sa pagbabasa sa cellphone si Jana, animo'y may pumukaw sa atensyon niya habang may binabasa. " Oh, mukhang malapit na magkaibigan ang mga Delgado at Bermudez. Tignan mo, may mga pictures sila. " Inilapit ni Jana saakin ang cellphone niya para ipakita ang ilang mga pictures na nahalungkat sa internet sa paghahanap sa pangalan ng babaeng nag grand entrance kanina. " Oh, ten years ago pa 'to. " Itinuro ni Jana ang date sa itaas ng isang picture kung saan makikita ang mga Delgado at Bermudez na magkakasama sa isang mahabang mesa. Agad napako ang mata ko sa isang lalaki na nakatayo sa likuran ng kaniyang ama habang katabi ang babaeng laman ng aming usapan. Agad namang itinuro ni Jana 'yong tinitignan ko, animo'y nabasa ang nasa isip ko. " Si President 'to, 'di ba? Ang bata niya
Alas-dose na ng hating-gabi nang makauwi ng bahay. Alam kong tulog na ang mga tao saamin kaya nagpasya akong humilata sa sopa habang binabalikan ang mga nangyari kanina. Pumikit ako upang ipahinga ang pagod kong mga mata at pinakikinggan ang katahimikan sa buong salas. " Bakit diyan ka mahihiga? " Napadilat ako nang marinig ang boses ni Mama. Umayos ako ng pakakaupo at nakita ko siyang may bitbit na baso. " Hindi po. Namahinga lang saglit, " saad ko saka tumayo at lumapit sa kaniya para mag mano. " Bakit po gising pa kayo? " " Nagising ako nang marinig na bumukas ang gate. Kadarating mo lang ba? " Tumango ako. Dumiretso si Mama sa kusina at tumungo sa ref para salinan ng tubig na malamig ang basong hawak niya. " Kumusta ang event? May nakuha ka ba? " Nahihiya akong umiling. Hindi ko puwedeng sabihin sa kaniya na nakauwi na ako bago pa maganap 'yong pa-raffle ng company. Hindi naman ako umaasa do'n dahil sa tagal kong nag ta-trabaho sa Updated, ni minsan hindi ako sinuwerte sa bu
" Congrats? " hindi makapaniwalang saad ni Jana. " Iyon ang sinabi mo sa kanila? "Tumango ako sabay lantak ng ice cream na nasa tub na hawak ko. " Dapat ba condolences? "" Gaga, seryoso ba? Baka naman pina-prank ka lang? " Binitawan ni Jana ang ice cream niya at dinala ang silya palapit sa tabi ko. " May engagement ring ba siyang pinakita? Sa mga daliri ni Sir Joaquin, may napansin ka bang singsing na suot niya dati pa? "Umiling ako at nagpatuloy sa pagkain ng ice cream sa pagbabakasakaling gumaan ang pakiramdam ko. Nasa isa kaming ice cream parlor sa loob ng Mall ngayon, nagkayayaang maglibot dahil half-day lang kami. " Baka arranged marriage? " Napatingin kami kay Terrence. " Hindi malabo 'yon lalo na sa mga tulad nilang may mga matataas na social status. "" Ay, oo nga, 'no? Magkaibigan pa ang mga pamilya nila kaya posibleng pinakasundo nga sila, " pagsang-ayon ni Jana sabay tingin muli sakin. " Pero bakit hindi sinabi ni Sir Joaquin sa'yo ang tungkol doon? "" Malay ko. " Kibi
Lahat kami ngayon ay nasa kuwarto ni Zachary. Nakapalibot kami ngayon sa kaniya pero hindi pa rin siya nagsasalita kahit na anong gawing piga ng magulang namin. Hindi ko alam ang tumatakbo ngayon sa isip niya sa mga oras na ito pero alam kong may malalim siyang dahilan kung bakit niya nagawa ito. " Zachary, anak, kausapin mo kami. " Mahinahong pakiusap ni Papa. " Ano bang dahilan at hindi ka na pumapasok? May problema ba sa school niyo? " Umiling ito. " Wala naman po, Pa... " " Kung ganoon, ano ngang dahilan? Bakit nag dropout ka nang hindi po ipinapaalam saamin? Mag a-apat na buwan ka na palang hindi pumapasok, pero umaalis ka pa rin ng bahay nang naka-uniporme? " Naroon pa rin ang gigil sa boses ni Mama. Kumpara kanina, kalmado na siya ngayon at hindi na nakasigaw, pero hindi pa rin naalis ang kunot sa mga noo niya at galit sa mga mata. " Zachary, ano? Hindi ka ba talaga magsasalita? Diyos ko, ano bang pumasok sa isip mo? Binibigyan ka pa ng ate mo ng allowance linggo-linggo, hi
" Si Joaquin ba ang ama ng batang dinadala mo? " Ang tanong na halos magpahinto sa paghinga ko. Ramdam ko ang pag-init ng buong katawan ko at ang bawat butil ng pawis na bumabagsak mula sa aking sentido. Tumingin ako kay Sir Nicolas na walang kahit na anong emosyon na makikita sa mukha niya. Paano nga ba kami napunta sa ganitong stwasyon? Paano nga ba niya nalaman ang tungkol sa pagdadalang tao ko kung 'yong ama ng bata sa tiyan ko ay dalawang araw ng nasa labas ng bansa? " Tatlong araw lang akong mawawala. Pagkabalik ko, sana may sagot ka na sa kasal na inaalok ko para makakilos na tayo, " ang paalam saakin ni Sir Joaquin noong gabing paalis siya ng bansa para sa isang mahalagang trabaho. " Pero kung may sagot ka na ngayon pa lang, sabihin mo na para pag-uwi ko, magpakasal na agad tayo. " Pinaikutan ko siya ng mata. " Ewan ko sa'yo. " " Zenaida, para 'to sa bata, " aniya, " Alam kong hindi ka mabuting tao, pero kayanin mong mabago para sa magiging anak natin. " Pinanlisikan ko
" Tatawagan ka na lang namin next week... " ito na ang pangalawang beses na narinig ko ito ngayong araw. Hindi naman ako pinanganak kahapon para hindi maintindihan ang sinabi ng HR. Malamang isa sa rason kung bakit hindi ako magawang tanggapin ay dahil sa buntis ako. Inaasahan ko na 'to, pero nagbabakasakali pa rin ako. " Alright, Ma'am. Thank you. " Nakangiti akong tumalikod at naglakad palabas ng kaniyang opisina. Hindi ko 'yon inalis sa mukha ko hanggang sa makalabas ako ng kompanya. Sumilong na muna ako sa lilim at tumingin sa orasan para tantiyahin kung ilang kompanya pa ba ang pupuntahan ko para makapag-apply ng trabaho. Kahit nga walang kinalaman sa field ko, kailangan kong patusin dahil hindi sapat ang aking ipon para sa panggastos sa sarili at sa anak ko. Kinuha ko ang payong ko sa loob ng bag at binuksan ito bago tumawid sa kabilang kalsada. Alas-dose na ng tanghali, tirik na tirk ang araw. Wala pa akong kain kaya tumungo ako sa isang fast food chain para doon mananghalia
" Ayos ka lang? " ang tanong na bumasag sa ilang minutong katahimikan sa pagitan namin ni Sir Joaquin. Sa loob ng kotse niya pinili kong mag-usap kami, hindi ko gusto sa loob ng bahay namin lalo na't mayroon din akong kailangang sabihin sa kaniya na kami lang ang dapat makaalam. " Anong oras ka nakauwi? " hindi ko alam kung bakit ko 'yon tinanong, pero may nagsasabi saakin na kailangan kong alamin kung ang lalaki ba sa tabi ko ay mapagkakatiwalaan ko. " Mga ala diyes nang tanghali. May inisikaso lang saglit kaya hapon na noong makapunta ako kompanya, pero wala ka na doon, " sagot niya. " Sorry kung dumiretso na ako dito sainyo. Hindi kasi kita ma-contact kanina. " Nanatili ang mga mata ko sa labas. Hindi ko magawang tignan siya sa mata dahil nakararamdam din ako ng hiya sa naabutan niya kanina. Hindi ko alam kung hanggang saan ang narinig niya at kung anong tumatakbo ngayon sa isip niya matapos ng nasaksihan niya. " Puwede ka namang umiyak, " rinig kong saad niya, " Huwag mong pi
Bastos, mayabang at walang modo. Iyon ang mailalarawan ko sa isang empleyado ng kompanya na palaging naglalakas loob na kalabanin ako. Sa lahat ng opinyon ko, palagi siyang may komento. Masyadong mataas ang tingin niya sa sarili niya at pakiramdam niya, alam na niya ang lahat. Alam kong isa siya sa mga mahuhusay na mamamahayag na kinikilala ng Updated, kaya kung ipatatanggal ko siya sa trabaho, alam kong maraming tututol, kaya naman ako na ang gumagawa ng paraan para siya mismo ang sumuko at mag resign. Anong silbi ng mahusay na mamamahayag kung bastos at mayabang naman? " Miss Zenaida, mayroon tayong freedom of speech pero hindi sa ganitong paraan mo gagamitin 'yon. Kung kalokohan lang naman ang gusto mong isulat, sa social media ka na lang sana nagkalat. " " Excuse me? " Gumuhit sa mukha niya ang insulto sa sinabi ko. " Chief, grabe naman kayo kung makapagsalita. Unang-una, wala po akong alam kung bakit nag puro symbol ang fonts ng aticle ko. Alam ko sa sarili ko na pulido ang ga
" Dawn, ibaba mo 'yan..." Nanginging ang boses kong pakiusap kay Dawn ngunit bumungisngis lang siya sa harap ko at humakbang palapit saakin dahilan ng pag-atras ko. " You are funny as hell! Bakit takot na takot ka? Wala pa naman akong ginagawa! " tila tuluyan ng nawala sa sarili si Dawn dahil halos hindi na siya makahinga sa pagtawa niya. Mangiyak-ngiyak siyang nakatingin saakin habang nakahawak sa kaniyang tiyan. " Chill, bakit ba paatras ka nang paatras? Baka naman mahulog ka sa hagdan? " Lumingon ako sa likuran, may tatlong hakbang mula sa aking kinatatayuan bago ako makarating sa tuktok ng hagdan. Binalik ko ang tingin kay Dawn. " Paano mo...paano mo nagawang makapasok rito sa bahay? " " Natural sa pintuan! Ang stupid naman ng tanong mo. " Naiiling niyang sagot. Sumandal siya sa railings habang patukoy na pinapaikot sa kamay niya 'yong balisong. " Kawawa ka naman kagabi. Mag-isa ka lang sa kama, ano? Malandi ka kasi, eh. Kung sino-sino na lang talaga pinapatulan mo." Sandali
Sa mga sandaling ito, nababatid kong maraming naglalaro sa isipin ni Joaquin dahil sa mabilis na pagbabago ng ekspresyon sa mukha niya. Kumpiyansa ako na wala akong ginawang mali ngunit hindi ko alam kung paano ko magagawang ipaliwanag sa kaniya ang sitwasyon gayong wala akong maalala. " Anong ibig sabihin nito? " Pinasadahan niya ako mula ulo hanggang paa. Gumuhit sa mga mata niya ang sakit ngunit nang ibaling niya ang tingin kay Terrence, madilim na ekspresyon na ang nakita ko sa kaniya. " Joaquin, n-nagkakamali ka. Kung ano man ang tumatakbo ngayon sa isip mo, walang katotohanan 'yan. " Mabilis akong lumapit sa kaniya at tinangkang hawakan ang braso niya ngunit umatras siya palayo saakin nang hindi inaalis ang matalim na tingin kay Terrence. " Lovato, wala kang balak magpaliwanag? " lalo akong kinabahan dahil sa tono ng boses ni Joaquin. Nararamdaman ko ang tensyon na bumabalot sa buong kuwarto at hindi ko alam kung paano ko ito magagawang pigilan. Nagtama ang tingin namin ni T
Walang tao. Wala akong nakitang kahit na ano maliban sa nakasaradong bintana. Napabuga ako sa hangin sa pagkadismaya sa sarili. Siguro nga na pa-praning na nga ako. " May problema ba, Zenaida? " Napalingon ako sa likuran nang marinig ang boses ni Joaquin. Buhat niya si Phoebe na humihikab pa at tulad ng ama niya, puno ito ng kalituhan ang mukha niya. Umiling ako at lumapit sa family picture namin na ngayon ay basag ang salamin at sira na ang frame. Lumapit saakin si Joaquin nang ibinaba niya sagit si Phoebe sa kama. " Ito 'yong nabasag? " Inangat niya ang tingin sa pader kung saan ito nakadikit. Naroon pa rin ang pako kaya imposibleng nalaglag ito nang basta-basta, maliban na lang kung may nagtanggal. Hindi ko alam kung dapat ko bang pairalin ang pagiging praning ko pero nararamdaman kong may hindi tama sa bahay na'to. Mas kaya ko pang paniwalaan kung may nangyayaring paranormal activity dito, pero 'yong ideya na may kasama kaming ibang tao sa bahay na'to na hindi namin alam,
" Miss Jazmine, tumayo po kayo. " Hinawakan ko sa magkabilang balikat ang matanda upang itayo ito mula sa pagkakaluhod. " Hindi niyo naman po kailangang lumuhod pa para humingi ng kapatawaran. Sapat na po saakin ang paghingi ng tawad na may sinseridad. "Malungkot niya akong tinignan. " Zenaida, hindi ko alam kung gaano kabigat ang pinagdaanan mo sa loob ng apat na taon. Hindi ko alam na nagawa ka pa lang kausapin ni Nicolas at hilingin sa'yo na ipalaglag ang bata. Wala akong alam sa bagay na'yon...patawarin mo 'ko, hindi kita nagawang tulungan noon. "" Hindi ko naman po sinunod ang sinabi niya... at hindi rin naman po sumagi sa isip ko na ipalaglag ang anak ko." Mahinahon ngunit buong kumpiyansa kong sagot sa kaniya. " Apat na taong gulang na po si Phoebe ngayon. Gusto kong kuhanin ang pagkakataong ito para sabihin na wala akong pinagsisisihan sa desisyon kong buhayin siya. "Sunod-sunod ang tango na ginawa niya habang nanunubig ang kaniyang mga mata. " Mas nauunawaan ko na kung saa
" Sa isang buwan na agad ang kasal? Ang bilis naman! " Gulat na tanong ni Jana, katatapos lang mabulunan sa kape na iniinom niya. " Isang linggo pa lang kayong engaged, kasalan agad? Ano, excited mag honeymoon? " " Gaga, parang hindi mo naman alam ang dahilan? " Paanas kong tanong sakaniya. Bakit ba kasi sa coffee shop pa namin napiling magkita? Masyadong matinis ang boses ni Jana. Hindi marunong makipag-usap nang may hinahon. " Bakit patatagalin pa kung sigurado naman na sila sa isa't isa? " ani Moira saka isinubo ang huling piraso ng egg tart na pangalawang order na niya. " Wala na ring dapat ika-excite sa honeymoon kung araw-araw naman silang—" " Huy, Moi, bibig mo. Nasa public place tayo, luka. " Pinanlakihan ni Jana ng mata si Moi na inosenteng napatigil sa pag nguya habang nakatingin saamin. "...kung araw-araw naman silang magkasama sa iisang bubong. Wala namang mali sa sasabihin ko, ah? " Kinuha ni Moira ang iced coffee niya. " Linggo bukas, Jana. Baka gusto mo mag simba?
" Baka naman matunaw na kamay mo katititig mo? " Natatawang hayag ni ate Zekainah saka ibinaba ang miryenda na binili niyang tuhog-tuhog sa naglalako. " Para kang teenager na kinikilig dahil binigyan ka ng crush mo ng regalo. Zenaida, ipapaalala ko lang sa'yo na may anak ka na. "" Bakit ate? Hindi na ba puwedeng kiligin ang mga Nanay? " tanong ko saka umayos ng pagkakaupo sa sopa. " Parang siya hindi kinikilig kapag nagdadala ng bulaklak si James, ah? Maya't maya mo pa nga inaamoy 'yong rosas, eh. "Halos lumuwa ang mata niya. Akala niya siguro wala akong alam pero sorry siya dahil madalas ikuwento saakin ni Colleen 'yong reaksyon ng Mama niya kapag nakakatanggap ito ng regalo mula kay James.Tumikhim si ate Zekainah at tumusok ng eggball sa plastic cups niya. " So, anong feeling na nasuotan ng engagement ring? "Bumalik ang ngiti sa labi ko. " Hindi ko ma-describe, eh. Basta, masaya na nakakaiyak na nakaka-excite? Para kang nakalutang sa alapaap, ganoon. Ah, basta, ma-g-gets mo sina
Maingat kong ibinaba ang dalawang tasa ng kape sa lamesita at lihim na tinapunan ng tingin ang magulang ni Dawn na nakaupo sa sopa. Ang dating aktres na si Pauline Bermudez ay pamilyar na ang mukha saakin dahil sikat siyang aktres noong araw. Madalas kasing subaybayan ni Mama ang isang teleserye na siya ang bida kaya namukhaan ko agad siya kanina. Edad singkuwenta, pero hindi mo makikita sa mukha niya dahil ang bata ng hitsura niya. Magkamukhang-magkamukha sila ni Dawn, hindi 'yon mapagkakaila dahil parehas silang may mala-anghel na hitsura sa kabila ng pamamaga ng pareho niyang mga mata. Mukhang galing siya sa magdamag na iyak. Sunod kong tinapunan ng tingin ang padre de pamilya nila, si Benjie Bermudez. Isa siyang congressman at kung pagbabasehan ang kaniyang tindig at hitsura, para siyang isang maamong tupa. Mataas na lalaki, payat at halos puti na ang kaniyang mga buhok. Bagsak ang kaniyang mga mata, malamang dahil sa puyat at stress. " Pasensya na kung binulabog namin kayo nan
" Joaquin, 'wag na. Hindi na kailangan, " kinailangan ko ng umentrada. Ayokong lumaki ang gulo, hindi naman iyon ang pinunta namin rito. " Huwag mong pilitin ang hindi niya kayang gawin. " Kita ko ang pagka-insulto sa mukha ni Sir Nicolas dahil sa sinabi ko. Alam kong magiging dalawa ang kahulugan ng katagang 'yon pero wala akong intensyon na insultuhin ang kalagayan niya. Nasasakaniya na lang kung paano niya ito iintindihin. " Sir Nicolas, hindi ako nagpunta rito para gumawa ng gulo. Gusto ko sana kayong makausap, pero sapat na ang mga narinig ko para ma-realized na wala talaga akong dapat asahan sainyo. " Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Gusto ko sanang maawa sa kalagayan niya, pero hindi ko magawa. Nakita ko kung paano niya ipaglaban ang ibang tao sa halip na unawain at intindihin ang sarili niyang anak. Nakakadismaya. Nakakagalit. " Hindi niyo pinaiiral ang mga isip niyo. Masyado kayong nagpapadala sa bugso ng damdamin niyo. " Dismayado niyang binalikan ng tingin si Jo