Home / Romance / Office Romance: Who's your Daddy? / Kabanata 11 - Kabanata 20

Lahat ng Kabanata ng Office Romance: Who's your Daddy?: Kabanata 11 - Kabanata 20

61 Kabanata

CHAPTER 10

Halos isubsob ko na ang aking mukha sa toilet bowl habang inilalabas ng bibig ko ang kinain ko kagabi. Hindi ko alam kung bakit, pero pagkagising na pagkagising ko, nag laway agad ako at dumiretso agad ng banyo nang maramdamang naduduwal ako." Ate, tapos ka na diyan? Maliligo na ako, " rinig kong pagkatok ni Zachary sa pinto ng banyo. " Oo, sandali lang, " sabi ko habang pinakikiramdaman ang aking sarili kung tapos na ba akong isuka ang lahat. Tumayo ako sa pagkakasalampak sa sahig at muling binuhusan ng tubig 'yong toilet bowl bago ko buksan ang pinto saka lumabas." Tagal mo sa banyo—hindi ka pa pala naliligo? " Gulat na tanong ni Zachary saka tumingin sa orasan na nakasabit sa pader sa kusina namin. " Mag a-ala sais na, ate. Hindi ka papasok? "" Papasok ako. Mauna ka ng maligo. Bilisan mo na lang. " Dumiretso ako sa lababo para maghilamos at mag mumog. Ang weird ng pakiramdam ko ngayong umaga. Hindi ko naman puwedeng isisi sa lomi 'yong dahilan ng pagsuka ko dahil hindi naman
last updateHuling Na-update : 2023-03-12
Magbasa pa

CHAPTER 11

Para akong tanga na nanonood ng TV pero wala akong naiintindihan sa pinanonood ko. Lumulipad ang isip ko, nag-iisip kung anong dapat kong gawin ngayong may mabubuong bata tiyan ko. Naguguluhan ako sa kung anong dapat kong gawin lalo na't hindi ko nga maalala 'yong mukha ng naka-one night stand ko. Hindi ba kami gumamit ng proteksyon noon? " Ano raw? Ano 'yong sinabi niya? " Sunod-sunod ang kalabit na natanggap ko kay Zachary na nakaupo sa tabi ko. " Anong sinabi? " takhang tanong ko pabalik na nagpatuwid ng kilay niya." Ikaw nga ang tinatanong ko dahil hindi ko naintindihan 'yong sinabi ng bida, " saad ni Zachary, umiiling-iling sabay harap sa TV. " Lumilipad na naman ang isip niya. Saan naman kaya papunta? "Napabuga ako sa hangin sabay yakap sa unan na nasa hita ko. Kung babalikan ko 'yong nangyari noong gabing 'yon, apat na lalaki lang naman ang naalala ko na nakasama ko. Si Ruiz—sandali, hindi ko na siya dapat isama sa bilang dahil hindi na siya tinatablan ng lust sa mga kabab
last updateHuling Na-update : 2023-03-12
Magbasa pa

CHAPTER 12

" Okay ka lang? " tanong ni Terrence saakin saka ako inabutan ng bottle of water. Agad ko naman iyong tinaggap at binuksan ang takip para inumin ang tubig. Gutom na ako at puro tubig na ang laman ng sikmura ko. Alam kong ganoon rin ang mga kasama ko pero kailangan naming mag tiis pa nang kaunti dahil malapit na naming marating 'yong village na sadya namin.Maliwanag na ngunit natatakpan pa rin ng makakapal na hamog ang kakahuyan sa paligid. Ala sais nang umaga noong makarating kami saaming destinasyon at mga nasa isang oras na rin ang nakakalipas simula noong kami ay umakyat sa kabundukan para tumungo mismo sa village kung saan naninirahan ang ilang mga tao na siyang magiging subject namin para sa documentary film. Matarik ang daan kaya kailangang doble ingat kami sa bawat paghakbang na ginagawa namin. Iyong van na aming sinasakyan ay hindi na puwedeng iakyat sa taas kaya wala kaming choice kundi bitbitin 'yong ilan sa aming mga kagamitan." Malapit na ba tayo? Ang sakit na ng mga bin
last updateHuling Na-update : 2023-03-12
Magbasa pa

CHAPTER 13

" Hi Doggy, ang cute mo naman. " Nilaro ko ang isang tuta na nakita kong gumagala malapit sa puwesto kung saan kami nagtayo ng tent. Napakataba niya, ang sarap panggigilan kaya binuhat ko siya at marahang hinimas-himas ang balahibo. " Nasaan ang amo mo ha? Kumain ka na ba? Ang taba-taba mo naman. "Hindi ko alam kung bakit ko kinakausap ang isang hayop kahit alam kong hindi naman ako makakakuha ng sagot. Mahilig ako sa aso't pusa at sa katunayan ay nagkaroon na ako ng alaga dati, pero simula noong layasan ako ng pusa ko noon at hindi na bumalik pa, hindi na ako nag-alaga. Sumunod na araw ay namatay naman ang aso ko dahil sa sakit niya na huli ko noong malaman. Natakot na ako mag alaga dahil sa pagiging iresponble kaya hindi na sila nasundan. Five years ago na pero sariwa pa sa alaala ko ang magkasunod na pagkawala ng dalawa kong alaga." Coco, saan ka naman pumunta? " Umangat ang tingin ko nang marinig ang boses ni Leng. Lingon siya nang lingon na para bang may hinahanap, kaya agad ko
last updateHuling Na-update : 2023-03-14
Magbasa pa

CHAPTER 14

Ang akala ko'y titila na ang ulan ngunit tuloy-tuloy pa rin ang buhos nito habang nasa loob kami ng isang tila kuweba na malayo na sa village kung saan kami nanggaling. Walang malakas na bugso ng hangin na ipinagpasalamat ko na rin dahil bawas sa saming alalahanin. Tumingin ako sa likuran ko kung nasaan si Sir Joaquin. Abala siya sa hawak niyang cellphone dahil kanina pa siya naghahanap ng signal para may matawagan kahit na isa sa mga team. Siguradong nag-aalala na ang mga ito dahil mga nasa isang oras na rin kaming nawawala." Finally..." Napabuga siya sa hangin saka ibinaba ang kaniyang cellphone. " Nakapagpadala na kayo ng message sa kanila? " tanong ko saka lumapit sa kinauupuan niya." Oo, sana lang matanggap agad nila nang mapuntahan na tayo dito, " aniya saka tumingin sa gilid niya kung saan nakapuwesto si Coco na kahit papaano ay nawala na ang panginginig. Binalot ko sa kaniya 'yong kapote kong suot kanina dahil basa na rin naman na 'yong damit ko. Puro putik na rin 'yong sa
last updateHuling Na-update : 2023-03-14
Magbasa pa

CHAPTER 15

" Kaunting editing na lang, malapit na raw matapos 'yong documentary film, " tila excited na wika ni Jana nang makarating siya sa mesa na lagi naming pinu-puwestuhan sa cafeteria. Ibinaba niya ang tray na dala at naupo sa tabi ko para ikuwento ang nasagap na balita mula sa production team. " Excited na akong mapanood 'yon. Hanggang ngayon nga hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa nating makaligtas sa halos isang linggong pananatili doon sa bundok. Ang daming nangyari at parang panaginip pa rin saakin ang lahat. Kumusta na kaya sila doon, ano? " " Bayanihan pa rin ang mga taganayon sa pagbuo ng mga kubo at sa pagkakaalam ko, tatlo na ang naitayo doon ngayon, " saad ni Terrence na nasa kaliwa ko. " At least kahit papaano, mayroon ng matitirahan 'yong ibang pamilya na nawalan ng tahanan. " " Hoy sandali, totoo kaya na nagbigay pa si Chief ng sobre sa bawat pamilya sa mga taganayon? " halos pabulong na tanong ni Jana saka inilapit ang mukha sa gitna ng mesa para marinig ang boses niya
last updateHuling Na-update : 2023-03-15
Magbasa pa

CHAPTER 16

Pushing cart ang pinili ko kahit hindi naman marami ang bibilhin ko. Ayoko magbitbit o pagbitbitin ng basket si Terrence na abala sa pagtingin ng mga pagkaing de lata sa section kung nasaan kami ngayon. Mayroon ng tatlo sa kamay niya, mukhang napabili na rin siya kahit wala sa plano niya. " Ako na ang magtutulak niyan, " aniya nang iligay 'yong mga de latang kinuha niya sa pushing cart. Sinubukan niyang agawain saakin pero umiling ako at isinandal ang mga braso ko sa handle. Ang sarap kaya sa feeling na maglakad sa grocery store habang may tulak-tulak na pushing cart. Gustong-gusto ko na ito ang gamit ko kahit iilan lang 'yong mga ipamimili ko. Iwas hassle. " So, puwede mo na bang ikuwento? " pasimple kong tanong kay Terrence habang inililibot ang tingin para humanap pa nang masarap-sarap na pagkain. Nabili ko na lahat ng hinahanap ng bibig ko, pero gusto ko na ring bumili ng pasalubong sa bahay." Hindi ko sigurado kung ikatutuwa mo ang sasabihin ko, pero deserve mo naman na malama
last updateHuling Na-update : 2023-03-16
Magbasa pa

CHAPTER 17

" Si Chief daw pala ang nagpaalis ng coffee maker dito. " Napalingon ako sa dalawang empleyado na ngayon ay may dalang sariling coffee power para magtimpla ng kanilang mga kape. Nandito ako sa mimi cafeteria para palitan 'yong gummy worms na halos maubos ko kahapon. " Bakit raw? " tanong ng kasama habang nilalagyan ng tubig na mainit ang kanilang tasa. " Ewan ko. Baka nagtitipid si Chief? Oras-oras ba naman may nagkakape saatin, eh. " Natatawang pahayag ng isa. Binalik ko ang atensyon sa jar nang magkalaglag 'yong ibang gummy worms na hindi na kasya dahil puno na ang loob. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako mapakali sa balak na itanong saakin ng kapatid ko. Sinubukan kong mag message sa kaniya pero hindi naman ako ni r-reply-an kaya malamang mamayang gabi ko na lang kauusapin sa bahay. Hindi maganda ang kutob ko pero umaasa pa rin ako na mali ako. Pagkalabas ko sa mini cafeteria, nasalubong ko si Sir Joaquin na mukhang kadarating lang. " Good morning—" " Office, " sapat na ang
last updateHuling Na-update : 2023-03-17
Magbasa pa

CHAPTER 18

Maingat kong ibinaba ang isang tasa ng kape sa lamesita at ang plato na mayroong dalawang piraso ng pizza na galing sa isang box na dala ni Terrence. Napatingin ako sa bouquet of flowers na nakapatong sa dulo ng kama na dala rin ng lalaki para saakin. Sa mga oras na ito, binabalot ako ng konsensiya at wala na ring dahilan para gumawa ng kasinungalingan dahil narinig naman na niya ang katotohanan. " Anong plano mo? " Napatingin ako kay Terrence na nakaupo sa gilid ng kama ko. Wala akong choice kundi dalhin siya sa kuwarto dahil wala pa sa plano kong ipaalam kina Mama ang tungkol sa pagdadalang tao ko. " Kailangan ko munang ilihim ito hangga't hindi ko nalalaman kung sino ang ama ng bata..." Nahihiya kong sagot habang nakatayo sa harap niya. Binaba ko muli ang tingin sa lamesita na nasa pagitan namin. Nagpunta siya rito para dalhan ako ng bulaklak at ng pagkain, pero sa mga nalaman niya ngayon, hindi ko deserve na makatanggap ng kahit na anong bagay at pagkain mula sa taong ito. "
last updateHuling Na-update : 2023-03-17
Magbasa pa

CHAPTER 19

Nagkalat ang ilang blouse ko sa ibabaw ng kama habang sinusukat ito isa-isa. Hindi ako mapakali dahil halos lahat ng pang-itaas ko ay tila ba hindi na bagay sa katawan ko. Payat ako at maliit lang din ang baywang ko, pero ngayong tatlong buwan na akong nagdadalang tao, hindi na ako puwedeng magsuot ng damit na hapit sa baywang ko. Pansin ko rin ang bahagyang paglaki ng aking dibdib kaya mas lalo akong nahihirapang mamili ng susuoting damit. Tumingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding. Alas sais y medya na ng umaga pero hindi pa rin ako nakakaalis sa bahay. Lunes ngayon, traffic panigurado kaya malamang late na naman ako. " Bahala na nga, puñeta. " Dinampot ko na lang 'yong itim kong hanging blouse at high waisted khaki pants. Hindi na ako nag abalang suklayin ang buhok ko at basta ko na lang siyang itinali bago suotin ang white sneakers. " Oh, hindi ka na kakain? " tanong ni Mama na maabutan ko siya sa kusina na naghahanda ng umagahan. " Basa pa ang buhok mo, itinali mo na. Sa
last updateHuling Na-update : 2023-03-18
Magbasa pa
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status