Sabrina’s POVDahan-dahan kong pinunasan ang mga luhang pumatak sa aking pisngi habang nakatayo sa harap ng puntod ng aking mga mahal sa buhay. Ang malamig na simoy ng hangin ang tanging naririnig ko bukod sa pagkabog ng aking puso. Dito sa lugar na ito, sa libingan, ay rito ko nararamdaman ang kanilang presensya nang lubusan.“Kumusta na kayo riyan sa langit?” mahina kong bulong. “Namimiss ko na kayo ng sobra.” Humugot ako ng malalim na hininga. “Bakit ba ang unfair ng buhay?” tanong ko sa kawalan. “Bakit ang bilis ninyong mawala sa akin?”Napayuko ako at hinaplos ang mga nakaukit na pangalan sa lapida. Ang bawat letra ay parang isang hiwa sa aking puso.Two years ago, tuluyan nang namaalam si Daddy. Hindi na kinaya ng kaniyang katawan.“Alam kong masaya na kayo riyan sa langit,” patuloy ko. “Pero hindi ko pa rin kayong makalimutan. Lalo na ngayon, kapag malungkot ako, kayo ang aking sandalan.”Naalala ko ang mga magagandang alaala namin. Ang mga pagsasama-sama namin sa mga espesyal
Sabrina’s POVI dialed multiple times the number, pero hindi ko na makontak. Magdamag akong naghihintay, na baka tumawag ulit. Hindi ako pwedeng magkamali. Boses ‘yon ni Ryan. He’s alive!Tinanghali ako ng gising. Hindi mawala sa isipan ko ang taong tumawag sa akin kahapon. Mabuti na lang at Sabado ngayong araw. Wala akong trabaho.Tinawagan ko si Irene nang matapos na akong maligo. “Dumiretso ka na lang sa sementeryo. Huwag mong kalimutan ang bulaklak,” utos ko sa kaniya at binaba ang tawag. Ngayong araw ay 5th death anniversary ni Ryan. Ang bilis ng panahon, pero hanggang ngayon bitbit ko pa rin ang sakit ng kahapon. Hindi ko matanggap na wala na siya at dumagdag pa sa iisipin ko kung sino ang taong tumawag kahapon sa akin. Pagdating ko sa living room, naabutan ko sina William at Evara na nagkukulitan. Dumapo ang paningin ko sa limang boxes na nasa sahig. “Ano na naman ba ang binibigay mo sa anak ko, William?” tanong ko nang makita ang malaking laruan na mukhang mamahalin. “Bum
Sabrina’s POVTatlong buwan na ang nakalipas mula nang makita ko ang lalaking dumalaw sa puntod ni Ryan. Halos araw-araw akong dumadaan sa sementeryo, still hoping na makita ulit siya dahil baka may alam siya kung nasaan si Ryan. Pero habang tumatagal ay nawawalan na ako ng pag-asa at unti-unti ko nang tinatanggap na matagal ng patay si Ryan. Paulit-ulit na sinasabi sa akin ni William na baka naha-hallucinate lang ako sa sobrang pangungulila kay Ryan. Napapabayaan ko na rin ang kompanya dahil hindi ako makapag-focus. Hindi mawala-wala si Ryan at ang lalaking nakita ko sa luntod niya sa aking isipan. “Forget him and move on,” paulit-ulit na paalala ni William sa akin sa tuwing nawawala ako sa sarili ko. “Ma’am Sabrina, ito na po ang mga dokumento kakainanganin ninyo para sa meeting mamaya,” saad ni Irene nang pumasok siya sa loob ng aking opisina, may dala siyang kape. “Pakilagay na lang ang mga ‘yan sa kabilang table. Tatapusin ko lang ang ginagawa ko,” saad ko at tinikman ang ka
Sabrina’s POV “Ma’am Sabrina, ayos lang po ba kayo?” nag-aalalang tanong ni Irene sa akin. “Ilang araw na kayong nawala sa focus.” “Yes, of course. Marami lang akong iniisip. Alam mo na, may problema na naman sa isang hotel na pag-aari ng asawa ko.” Bumuntong-hininga ako. Gusto kong sabihin kay Irene ang totoong dahilan kung bakit ako palaging lutang, wala lang talaga akong lakas kasi ayaw kong isipin niya na nababaliw na ako sa kaiisip ni Ryan. Tumingin ako sa calendar ko na nasa ibabaw ng table, tiningnan ang mga gagawin ko at pupunta ko ngayong linggo. Bumuntong-hininga ako nang maalala na magkikita pala kami ni Shaira sa Sunday, kasama niya ang kaniyang asawa. Bigla na lang akong kinabahan, hindi ko alam kung bakit. Inabala ko ang sarili sa pagtatrabaho. Palaging gabi na rin akong nakauuwi kasi mas gusto kogng manatili sa opisina kesa sa bahay. Sa tuwing nasa bahay kasi ako ay palagi ko lang nakikita ang pigura ni Ryan kahit saan. Kailangan ko na yatang magpa-check u
Sabrina’s POV Pinatawag ko si Irene, iinutosan siyang palabasin si Riza sa opisina ko at kausapin ang Manager kung mayroon bang bakanteng trabaho na pwedeng ibigay sa kaniya. Gustohin ko man ang hindi bigyan ng trabaho si Riza, pero inisip ko ang anak niya. Siguro naman kahit tagapunas ng mga bintana sa iba’t ibang opisina ay makakatulong na ako sa kaniya. “Ma’am, sa cleaning staffs namin nilagay si Ma’am Riza,” saad ni Irene nang makabalik siya sa opisina ko. “Good. Pabantayan mo siya ng mabuti sa Manager at iba pang staffs natin. Wala akong tiwala sa babaeng ‘yon,” bilin ko. “Magsisimula na po ang meeting, Ma’am,” saad ni Irene kaya lumabas na kami sa opisina. Ang conference room ay puno ng mga executives, architects, at project managers. Ang bawat isa sa kanila ay abala sa pagbubuklat ng kanilang mga plano at dokumento habang hinihintay ang pagsisimula ng meeting. Naupo ako sa dulo ng mahaba at makintab na lamesa, ang lugar na palaging nakareserba para sa akin bilang CEO
Sabrina’s POV Nakaupo ako sa harap ng vanity mirror sa opisina ko, inaayos ang huling detalye ng aking look para sa gabing ito. Sa isang oras, magkakaroon ako ng dinner meeting sa isa sa pinakamahalagang potential investors ng Jacobs Group. Ito ang klase ng gabi kung kailan ang bawat salita, kilos, at kahit ang suot mo ay may epekto sa magiging desisyon nila. “Ma’am Sabrina, narito na po ang updated profile ng investor,” sabi ni Irene, ang sekretarya ko, habang inilalapag ang folder sa tabi ng mesa. Tumango ako habang inaayos ang aking hikaw. “Salamat, Irene. Nai-check mo na ba lahat? Ang reservation, ang dietary preferences niya, at ang flow ng presentation?” “Yes, Ma’am. Confirmed ang reservation sa Le Jardin at sinigurado kong may option para sa vegetarian menu. Nasa bag niyo na rin po ang updated pitch deck, just in case kailanganin niyo,” sagot niya nang may kumpiyansa. Tiningnan ko siya sa salamin. Isa si Irene sa mga tao sa kumpanya na halos walang palya. Kaya ko siya
Sabrina’s POV Pagkatapos ng mahaba at pormal na pag-uusap tungkol sa kumpanya, tumayo si Shaira mula sa kanyang upuan, nagmamadali habang may hawak na cellphone. “I’m terribly sorry, Sabrina,” sabi niya, bahagyang balisa. “There’s an emergency at one of our sites, and I have to leave immediately. Roscoe, can you stay for a bit and finish the discussion? I trust you will handle it.” Tumango si Ryan—o Roscoe, ang lalaking kaharap ko na hindi ko pa rin lubos maisip kung paano nangyari ang lahat ng ito. Hindi ko alam kung mas mahirap ba ang makita siyang buhay o ang makitang hindi niya ako kilala. “Of course,” sagot niya kay Shaira, kalmado at propesyonal ang boses. “I will catch up with you later.” Ngumiti si Shaira sa akin. “Thank you, Sabrina. Let’s touch base tomorrow.” “Of course, Shaira. I hope everything gets resolved smoothly,” sagot ko, pilit na pinapanatili ang pormalidad sa kabila ng kaguluhan sa isip ko. Pagkaalis niya, naiwan kaming tatlo sa mesa—ako, si Ryan, at
Sabrina’s POV Habang binabaybay ng sasakyan ang daan pauwi, hindi ko maialis ang mga sinabi ni Ryan sa isip ko. “I don’t know you.” Ang mga salitang iyon ay parang paulit-ulit na tinutunog sa utak ko, bawat pag-ulit ay mas masakit kaysa sa nauna. Paano niya ako makakalimutan? Paano siya nagiging Roscoe Mendoza, isang estranghero, samantalang siya ang Ryan na pinangarap kong bumalik sa buhay ko nang maraming taon? Ang bawat detalye ng mukha niya, ang boses niya, ang kilos niya—siya iyon. Pero bakit parang ako lang ang nakakaalala? Nang huminto ang sasakyan sa harap ng bahay, parang biglang bumagsak ang bigat ng mundo sa mga balikat ko. Hindi ko na hinintay si Irene na buksan ang pinto. Gusto ko na lang makarating sa loob, sa lugar kung saan kahit papaano ay may konting tahimik. Pagbukas ko ng pintuan, agad akong sinalubong ng pamilyar na boses. “Sabrina!” Napatingin ako at nakita ko si William, nakatayo sa gitna ng sala, may dalang bote ng wine at isang bouquet ng mga putin
Sabrina’s POVPagkatapos kong ilapag ang tablet sa mesa, agad kong kinuha ang telepono at tinawagan si Roscoe. Ang mga daliri ko ay bahagyang nanginginig habang hinahanap ang numero niya sa contacts ko. Alam kong hindi ito madali, pero wala akong ibang magagawa kundi harapin ito. Kailangan kong malaman kung paano niya ipapaliwanag ang lahat ng ito. Habang nagri-ring ang telepono, ang bawat segundo ay parang isang mahabang paghihintay. Naiisip ko ang galit at kahihiyan na kinakaharap ko ngayon, lahat dulot ng isang litrato na hindi ko naman ginusto. Pagkatapos ng ilang ring, sumagot siya. “Hello, Sabrina,” ang boses niya, mababa at parang hindi alintana ang kaguluhang nangyayari. “Roscoe,” mariin kong sagot, pilit na pinapakalma ang sarili ko. “Kailangan nating mag-usap. Ngayon na.” Tumahimik siya ng ilang segundo bago sumagot. “Bakit? May nangyari ba?” Halos mabingi ako sa tanong niya. *May nangyari ba?* Parang hindi niya alam na ang buong social media ay nagsisigawan tung
Sabrina’s POVPagkapasok ko sa bahay, bumagsak agad ang katawan ko sa malambot na sofa. Tahimik ang paligid, ngunit parang umaalingawngaw pa rin sa isip ko ang bawat salitang binitiwan ni Shaira. Kabit?Napailing ako. Hindi ko kailanman naisip na darating ako sa puntong mapagbibintangan ng ganito. Hindi ko alam kung ano ang mas mabigat—ang galit ko kay Shaira o ang kalituhan ko tungkol sa pagkatao ni Roscoe.Tumayo ako mula sa sofa at dumiretso sa kwarto. Kailangang mailabas ko sa isip ko ang mga nangyari ngayong araw. Sa halip na magpaka-emo, mas mabuti nang mag-focus ako sa trabaho. Isa lang ang natitiyak ko: wala akong oras para sa drama ni Shaira o kahit kanino pa man. Sa harap ng salamin, tinitigan ko ang repleksyon ko. Ang mga mata ko ay halatang pagod, pero pilit kong inayos ang sarili ko. Hinawi ko ang buhok ko, inilugay ito para magmukhang mas natural. “Hindi pwedeng magmukha akong apektado,” mahina kong sabi sa sarili. “Ipakita mong ikaw si Sabrina Jacobs.” Kinuha k
Sabrina’s POVTahimik akong nagliligpit ng mga pinagkainan habang pilit na sinasaloob ang lahat ng nangyari nitong mga nakaraang araw. Ang bigat ng mga katanungang walang sagot ay tila naglalaro sa isip ko, pero kailangan kong magpatuloy. Naririnig ko ang mahinang hilik ni Ryan mula sa kwarto. Mukhang maayos na ang lagay niya at kahit papaano, nakaramdam ako ng kaunting ginhawa. Kinuha ko ang tray ng pinagkainan niya at inilagay ito sa lababo. Habang binubuhusan ko ng tubig ang mga plato, biglang may narinig akong sunod-sunod na malakas na katok mula sa pinto. Napakunot ang noo ko. Sino naman kaya ang darating sa ganitong oras? Sinulyapan ko si Ryan na mahimbing pa ring natutulog bago ako tumungo sa pinto. Pagkabukas ko ng pinto, bumungad sa akin ang mukha ni Shaira. Nagulat ako, pero bago pa ako makapagsalita, agad siyang sumugod sa loob ng condo na parang siya ang may-ari nito. Ang matalim na titig niya ay nakatutok sa akin na parang kaya niya akong gawing abo gamit lang ang
Sabrina’s POVAng buong kwarto ay tahimik maliban sa banayad na tunog ng air conditioner. Nakaupo ako sa gilid ng kama ni Roscoe. Nakahiga siya, mukhang mas maayos na ang paghinga kumpara kanina, pero kita pa rin ang pagod sa mukha niya. Hindi ko mapigilang titigan siya. Ang lalaking dating inakala kong patay na, ngayon ay nakahiga sa harapan ko, mahina at tila may itinatagong bigat na hindi ko pa lubos na nauunawaan. Pumikit ako saglit at huminga nang malalim, sinusubukang pigilan ang pag-aalala. Kahit hindi ko inaasahan na magtatagal ako rito, wala akong lakas ng loob na iwan siya sa ganitong kalagayan. Kailangan niyang may magbantay, pero ayaw niyang tawagan ko ang pamilya niya.Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bulsa ng coat ko at mabilis na tinawagan si Irene, ang aking sekretarya. Ilang saglit pa, sinagot niya ang tawag. “Good morning, Ms. Jacobs,” bungad niya, formal gaya ng lagi. “Irene,” sagot ko, sinisikap na gawing kalmado ang boses ko kahit na ang isipan ko ay magul
Sabrina’s POV Ang bawat salita ko ay tila nawala sa hangin nang maramdaman ko ang biglaang pagdampi ng kanyang labi sa akin. Ang init ng kanyang hininga, ang pagdiin ng kanyang halik, at ang paraan ng pagkakahawak niya sa beywang ko—lahat ng ito ay nagpatigil sa mundo ko. Parang tumigil ang oras. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Nagulat ako, oo. Pero higit sa lahat, isang bahagi ng puso ko ang parang kinakalabit ng isang bagay na hindi ko maipaliwanag. Bumitaw siya, pero hindi niya inalis ang kamay niya sa beywang ko. Nakatitig siya sa akin—ang titig na parang bumabasa ng kaluluwa ko, na tila alam niya ang bawat lihim, bawat takot, bawat tanong sa isipan ko. “Paano ko ba magpapatunayan sa iyo na ako ang asawa mo?” ulit na tanong niya sa mababa ang boses, halos hindi ko marinig, pero malinaw at puno ng emosyon. Hindi ko siya sinagot agad. Tumitig lang ako pabalik sa kanya, pilit na hinahanap ang kasagutan sa kanyang mga mata. Pero ang nakita ko roon ay isang halo ng s
Sabrina’s POVAng bigat ng ulo ko ang unang pumukaw sa akin. Bumigat ang bawat pikit at bukas ng aking mga mata, parang may ulap na bumabalot sa isipan ko. Nang tuluyan kong idilat ang mga mata, hindi ko agad naintindihan kung nasaan ako. Ang paligid ay hindi pamilyar—ang malalambot na kulay abo at beige na kurtina, ang malinis na minimalistang dekorasyon, at ang kakaibang bango ng lavender na tila nagpapakalma sa akin ngunit nagdagdag ng takot sa bawat hinga. Bigla akong bumangon mula sa kama. Ang kutson ay masyadong malambot, hindi tulad ng sa sariling kwarto ko. Ang malamig na tiles na sumayad sa talampakan ko ay nagpabalik sa akin ng bahagyang katinuan. Sinilip ko ang paligid. May isang malaking bintana na natatakpan ng sheer na kurtina, tinatanglawan ng banayad na liwanag mula sa labas. Ang isang wooden nightstand ay may nakapatong na basong tubig at isang digital clock—alas siyete ng umaga. Nagtungo ako sa malaking salamin na nakasabit sa dingding. Napatingin ako sa sarili k
Sabrina’s POVHabang abala ako sa opisina, tinitigan ko ang mga dokumento sa aking harapan. Nakasanayan ko na ang ganitong uri ng gawain—mga kontrata, proposal, at mga dokumento na kailangang pirmahan agad. Ang Jacobs Group ay hindi biro pamahalaan, at bawat desisyon, bawat papel na nilalagdaan ko, ay may malaking epekto sa negosyo at sa buhay ng mga tao. Kaya naman, talagang sinisigurado kong maayos ang lahat ng mga detalye bago ko tuluyang isara ang bawat isa.Nagtaas ako ng kape at tinikman ang init nito bago muling ibaba at itutok ang atensiyon sa isa pang proposal. Ngunit bago ko pa man magpatuloy, isang tunog mula sa aking laptop ang nagbigay pansin sa akin—ang notification ng isang bagong email. Bago ko pa man masimulan basahin ang laman ng email, agad kong napansin ang sender. Isang pangalan na hindi ko matandaan na may kinalaman sa mga kalakaran sa mundo ng sining at koleksyon—isang auction house na kilala sa pagbebenta ng mga rare at mamahaling mga kagamitan. Ang subject l
Sabrina’s POV“Sabrina, sandali lang,” tawag ni Roscoe.Huminto ako at humarap sa kanya, pilit pinapanatili ang aking composure. “Ano pa ang kailangan mo, Roscoe?”Lumapit siya, ang mga mata niya ay nagliliyab sa galit. “Ano bang klaseng ina ka? Paano mo hinayaang mapunta sa ganitong sitwasyon si Evara? Hindi mo ba siya tinuturuan ng tamang asal?”Nabigla ako sa kanyang mga salita. “Anong ibig mong sabihin? Ginagawa ko ang lahat para maging mabuting ina kay Evara!”“Talaga ba? Kung ganoon, bakit siya nasasangkot sa mga gulo? Baka naman masyado kang abala sa sarili mong buhay at nakakalimutan mo na ang responsibilidad mo bilang magulang,” sumbat niya, ang boses niya ay puno ng panunumbat.Naramdaman ko ang pag-init ng aking mukha sa galit. “Huwag mong husgahan ang pagiging ina ko, Roscoe. Wala kang karapatang magsalita ng ganyan, lalo na’t hindi mo alam kung ano ang mga pinagdaanan ko!” Hindi ko na napigilan ang aking sarili. “Wala kang alam sa mga pinagdaanan namin ni Evara! Wala kang
Sabrina’s POVAng bigat ng araw ko. Ilang araw na akong hindi makatulog nang maayos, at ngayon, nararamdaman ko ang epekto nito. Ang mga litrato ko kasama si Roscoe Mendoza na kumakalat sa internet ay parang apoy na hindi maapula. Paulit-ulit akong nakakatanggap ng tawag mula sa mga empleyado, kaibigan, at kahit mga taong hindi ko kilala. Lahat sila may tanong. Lahat sila may opinyon. Pero wala ni isa ang may sagot. Wala ni isa ang nakakaintindi. Nasa harapan ko ang laptop, bukas ang screen, ngunit hindi ko mabasa ang dokumentong nasa harapan ko. Paano ko mabibigyan ng solusyon ang mga problema ng Jacobs Group kung ang sariling isip ko ay puno ng mga tanong na hindi ko kayang sagutin? Ang bawat kaluskos mula sa labas ng opisina ko ay parang naghuhudyat ng paparating na sakuna. Alam kong nariyan ang media sa labas ng building. Kanina, bago ako pumasok, nakita ko ang mga camera at mikroponong halos ipasok na sa mukha ko. “Sabrina, totoo bang asawa mo si Roscoe Mendoza?” “Bakit hind