Sabrina’s POVFive years later… “Happy Birthday, Ma’am Sabrina!” Napakurap ako nang marinig ko ang malakas na sigawan ng mga empleyado mula sa likuran ko. Bigla akong napaikot, at sinalubong ako ng mga nakangiting mukha ng mga empleyado ko. May mga hawak silang mga lobo at streamers, at sa gitna, isang malaking cake na may nakasinding kandila. Napangiti ako. Hindi ko inaasahan ‘to. Akala ko simpleng trabaho lang ang gagawin ko ngayong araw.“Happy birthday, Ma’am Sabrina!” sabay-sabay nilang bati ulit sa akin.Pakiramdam ko ay lumulutang ako sa sobrang saya kahit na taon-taon naman nila akong sinusurpresa. Pero ang saya ko ay biglang napalitan ng gulat nang makita ko kung sino ang may hawak ng cake. Si Felicity. Ang half-sister ko. Ang babaeng halos hindi ko na kilala. Ang babaeng palagi na lang galit sa akin at panay ang paninira sa buhay ko.Nakasuot siya ng isang simpleng damit, pero ang ngiti niya ay tila may kakaibang intensidad. Parang isang nakakalokong plano ang nasa likod
Sabrina’s POVDahan-dahan kong pinunasan ang mga luhang pumatak sa aking pisngi habang nakatayo sa harap ng puntod ng aking mga mahal sa buhay. Ang malamig na simoy ng hangin ang tanging naririnig ko bukod sa pagkabog ng aking puso. Dito sa lugar na ito, sa libingan, ay rito ko nararamdaman ang kanilang presensya nang lubusan.“Kumusta na kayo riyan sa langit?” mahina kong bulong. “Namimiss ko na kayo ng sobra.” Humugot ako ng malalim na hininga. “Bakit ba ang unfair ng buhay?” tanong ko sa kawalan. “Bakit ang bilis ninyong mawala sa akin?”Napayuko ako at hinaplos ang mga nakaukit na pangalan sa lapida. Ang bawat letra ay parang isang hiwa sa aking puso.Two years ago, tuluyan nang namaalam si Daddy. Hindi na kinaya ng kaniyang katawan.“Alam kong masaya na kayo riyan sa langit,” patuloy ko. “Pero hindi ko pa rin kayong makalimutan. Lalo na ngayon, kapag malungkot ako, kayo ang aking sandalan.”Naalala ko ang mga magagandang alaala namin. Ang mga pagsasama-sama namin sa mga espesyal
Sabrina’s POVI dialed multiple times the number, pero hindi ko na makontak. Magdamag akong naghihintay, na baka tumawag ulit. Hindi ako pwedeng magkamali. Boses ‘yon ni Ryan. He’s alive!Tinanghali ako ng gising. Hindi mawala sa isipan ko ang taong tumawag sa akin kahapon. Mabuti na lang at Sabado ngayong araw. Wala akong trabaho.Tinawagan ko si Irene nang matapos na akong maligo. “Dumiretso ka na lang sa sementeryo. Huwag mong kalimutan ang bulaklak,” utos ko sa kaniya at binaba ang tawag. Ngayong araw ay 5th death anniversary ni Ryan. Ang bilis ng panahon, pero hanggang ngayon bitbit ko pa rin ang sakit ng kahapon. Hindi ko matanggap na wala na siya at dumagdag pa sa iisipin ko kung sino ang taong tumawag kahapon sa akin. Pagdating ko sa living room, naabutan ko sina William at Evara na nagkukulitan. Dumapo ang paningin ko sa limang boxes na nasa sahig. “Ano na naman ba ang binibigay mo sa anak ko, William?” tanong ko nang makita ang malaking laruan na mukhang mamahalin. “Bum
Sabrina’s POVTatlong buwan na ang nakalipas mula nang makita ko ang lalaking dumalaw sa puntod ni Ryan. Halos araw-araw akong dumadaan sa sementeryo, still hoping na makita ulit siya dahil baka may alam siya kung nasaan si Ryan. Pero habang tumatagal ay nawawalan na ako ng pag-asa at unti-unti ko nang tinatanggap na matagal ng patay si Ryan. Paulit-ulit na sinasabi sa akin ni William na baka naha-hallucinate lang ako sa sobrang pangungulila kay Ryan. Napapabayaan ko na rin ang kompanya dahil hindi ako makapag-focus. Hindi mawala-wala si Ryan at ang lalaking nakita ko sa luntod niya sa aking isipan. “Forget him and move on,” paulit-ulit na paalala ni William sa akin sa tuwing nawawala ako sa sarili ko. “Ma’am Sabrina, ito na po ang mga dokumento kakainanganin ninyo para sa meeting mamaya,” saad ni Irene nang pumasok siya sa loob ng aking opisina, may dala siyang kape. “Pakilagay na lang ang mga ‘yan sa kabilang table. Tatapusin ko lang ang ginagawa ko,” saad ko at tinikman ang ka
Sabrina’s POV “Ma’am Sabrina, ayos lang po ba kayo?” nag-aalalang tanong ni Irene sa akin. “Ilang araw na kayong nawala sa focus.” “Yes, of course. Marami lang akong iniisip. Alam mo na, may problema na naman sa isang hotel na pag-aari ng asawa ko.” Bumuntong-hininga ako. Gusto kong sabihin kay Irene ang totoong dahilan kung bakit ako palaging lutang, wala lang talaga akong lakas kasi ayaw kong isipin niya na nababaliw na ako sa kaiisip ni Ryan. Tumingin ako sa calendar ko na nasa ibabaw ng table, tiningnan ang mga gagawin ko at pupunta ko ngayong linggo. Bumuntong-hininga ako nang maalala na magkikita pala kami ni Shaira sa Sunday, kasama niya ang kaniyang asawa. Bigla na lang akong kinabahan, hindi ko alam kung bakit. Inabala ko ang sarili sa pagtatrabaho. Palaging gabi na rin akong nakauuwi kasi mas gusto kogng manatili sa opisina kesa sa bahay. Sa tuwing nasa bahay kasi ako ay palagi ko lang nakikita ang pigura ni Ryan kahit saan. Kailangan ko na yatang magpa-check u
Sabrina’s POV Pinatawag ko si Irene, iinutosan siyang palabasin si Riza sa opisina ko at kausapin ang Manager kung mayroon bang bakanteng trabaho na pwedeng ibigay sa kaniya. Gustohin ko man ang hindi bigyan ng trabaho si Riza, pero inisip ko ang anak niya. Siguro naman kahit tagapunas ng mga bintana sa iba’t ibang opisina ay makakatulong na ako sa kaniya. “Ma’am, sa cleaning staffs namin nilagay si Ma’am Riza,” saad ni Irene nang makabalik siya sa opisina ko. “Good. Pabantayan mo siya ng mabuti sa Manager at iba pang staffs natin. Wala akong tiwala sa babaeng ‘yon,” bilin ko. “Magsisimula na po ang meeting, Ma’am,” saad ni Irene kaya lumabas na kami sa opisina. Ang conference room ay puno ng mga executives, architects, at project managers. Ang bawat isa sa kanila ay abala sa pagbubuklat ng kanilang mga plano at dokumento habang hinihintay ang pagsisimula ng meeting. Naupo ako sa dulo ng mahaba at makintab na lamesa, ang lugar na palaging nakareserba para sa akin bilang CEO
Sabrina’s POV Nakaupo ako sa harap ng vanity mirror sa opisina ko, inaayos ang huling detalye ng aking look para sa gabing ito. Sa isang oras, magkakaroon ako ng dinner meeting sa isa sa pinakamahalagang potential investors ng Jacobs Group. Ito ang klase ng gabi kung kailan ang bawat salita, kilos, at kahit ang suot mo ay may epekto sa magiging desisyon nila. “Ma’am Sabrina, narito na po ang updated profile ng investor,” sabi ni Irene, ang sekretarya ko, habang inilalapag ang folder sa tabi ng mesa. Tumango ako habang inaayos ang aking hikaw. “Salamat, Irene. Nai-check mo na ba lahat? Ang reservation, ang dietary preferences niya, at ang flow ng presentation?” “Yes, Ma’am. Confirmed ang reservation sa Le Jardin at sinigurado kong may option para sa vegetarian menu. Nasa bag niyo na rin po ang updated pitch deck, just in case kailanganin niyo,” sagot niya nang may kumpiyansa. Tiningnan ko siya sa salamin. Isa si Irene sa mga tao sa kumpanya na halos walang palya. Kaya ko siya
Sabrina’s POV Pagkatapos ng mahaba at pormal na pag-uusap tungkol sa kumpanya, tumayo si Shaira mula sa kanyang upuan, nagmamadali habang may hawak na cellphone. “I’m terribly sorry, Sabrina,” sabi niya, bahagyang balisa. “There’s an emergency at one of our sites, and I have to leave immediately. Roscoe, can you stay for a bit and finish the discussion? I trust you will handle it.” Tumango si Ryan—o Roscoe, ang lalaking kaharap ko na hindi ko pa rin lubos maisip kung paano nangyari ang lahat ng ito. Hindi ko alam kung mas mahirap ba ang makita siyang buhay o ang makitang hindi niya ako kilala. “Of course,” sagot niya kay Shaira, kalmado at propesyonal ang boses. “I will catch up with you later.” Ngumiti si Shaira sa akin. “Thank you, Sabrina. Let’s touch base tomorrow.” “Of course, Shaira. I hope everything gets resolved smoothly,” sagot ko, pilit na pinapanatili ang pormalidad sa kabila ng kaguluhan sa isip ko. Pagkaalis niya, naiwan kaming tatlo sa mesa—ako, si Ryan, at
Limang taon na ang nakalipas, pero ang bawat araw ay parang panibagong pahina ng isang magandang kwento. Kasama ko si Ryan at ang aming mga anak, si Shawn na limang taong gulang na, at si Evara na ganap nang dalaga sa edad na labing-siyam. Sa bawat sandali na magkasama kami, ramdam ko ang biyaya ng bagong simula na ipinagkaloob sa amin ng buhay.Nasa hardin kami ng aming bahay ngayon. Isang malawak na lugar na puno ng mga bulaklak, malalaking puno, at isang swing na siyang paboritong lugar ni Shawn. Nakaupo ako sa isang bench, pinapanood silang mag-ama habang naglalaro ng bola. Si Ryan, na parang hindi tumatanda, ay patuloy na tumatawa habang tinutulungan si Shawn na mag-shoot. Si Evara naman, na hawak ang kanyang sketchpad, ay tahimik na gumuguhit sa lilim ng puno ng mangga.“Mom, tingnan mo!” sigaw ni Shawn habang tumakbo siya papunta sa akin, hawak ang bola na mas malaki pa sa ulo niya. “Nakakailang shoot na ako, mas magaling na ako kay Daddy!”Napatawa ako at niyakap siya. “Talaga
Sabrina’s POVLast Chapter Nasa ospital kami ngayon, at habang pinagmamasdan ko ang maliit na anghel sa aking mga bisig, nararamdaman ko ang isang napakagandang uri ng kaligayahan. Ang puso ko ay puno ng pagmamahal na hindi ko kayang ilarawan sa mga salita. Andito si Ryan, hawak ang aking kamay, at tinitingnan ang aming anak, at wala nang hihigit pa sa saya ko ngayon.Hindi ko akalain na ganito magiging ka saya ang mga sandali namin bilang magulang. Na kami ni Ryan ay magkasama sa bawat hakbang ng aming buhay, hindi na kami maghihiwalay pa. Minsan, naiisip ko kung paano nangyari ang lahat—mula sa aming magulong simula hanggang sa pagkakaroon namin ng anak. Ang mga pag-subok na dumaan sa buhay namin, bawat luha, bawat tawa—lahat iyon ay nagbigay sa amin ng lakas at pagpapahalaga sa isa’t isa.“Ikaw na ba ‘yan, little one?” wika ni Ryan habang pinagmamasdan ang baby namin na mahimbing na natutulog sa aking mga bisig. “Ang saya ko na may anak tayong ganito. Ang guwapo. Mana sa akin.”Hi
Sabrina’s POVIlang buwan na ang lumipas, at ramdam ko ang bigat ng mga sandali habang palapit ng palapit ang araw ng aking panganganak. Hindi ko alam kung anong klaseng kaba ang nararamdaman ko—kasabay ng tuwa at excitement na lumalaki na ang pamilya namin ni Ryan. Hindi ko alam kung ano ang aasahan, ngunit ang sigurado lang ako, nagmamahalan kami at nagsisilbing lakas namin ang isa't isa.Ngunit sa mga gabing ito, hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba. Ang bawat araw ay tila lumilipas nang mabilis, at sa bawat araw na lumilipas, mas nararamdaman ko ang pangangailangan na maging handa kami sa lahat ng aspeto ng aming buhay bilang magulang.Nasa opisina kami ni Ryan ngayon, nag-uusap ng mga detalye tungkol sa kumpanya at ang mga susunod na hakbang na gagawin namin. Ngunit sa bawat tanong niya sa akin tungkol sa trabaho, may panandaliang distansya sa aming usapan. Alam ko na pareho kami ng iniisip—ang susunod na hakbang sa aming pamilya.Ngunit naroon si Ryan, tumitingin sa akin ng may
Sabrina’s POVTahimik ang buong safe house ng mga oras na iyon, ngunit alam ko na ang araw na ito ang magtatapos sa isang bagong simula para sa amin ni Ryan. Habang kami ay magkasama sa maliit na kwarto, naghahanda sa mga susunod na hakbang, ramdam ko na ang mga alalahanin na kinikimkim ni Ryan."Ryan, ano na ang nangyari sa kaso?" tanong ko, ang mata ko nagmamasid sa kanya habang hawak niya ang mga dokumento.Tumingin siya sa akin, ang mga mata niya puno ng determinasyon at kaseryosohan. "Sabrina, malapit nang matapos ang lahat ng ito. Ang mga ebidensiya laban kay William ay malakas at sa mga susunod na araw, magbibigay na kami ng pahayag. Pero hindi pa tapos, kailangan natin maging alerto."Hinawakan ko ang kanyang kamay at pinisil ito. "Anumang mangyari, hindi tayo magpapatalo. Alam ko, magkakasama tayo sa laban na ito."Ang bawat salita ko ay may kasamang pag-asa at lakas na kahit ilang beses pang magkasunod-sunod ang mga pagsubok, kakayanin namin, basta’t magkasama kami.Habang p
Sabrina’s POVTahimik ang paligid ng mansion, pero ramdam ko ang bigat ng tensyon. Dalawang araw na mula nang dumating ang kakaibang package na iyon, at simula noon ay hindi na ako mapakali. Kahit doble ang seguridad sa paligid ng bahay, hindi ko maiwasang kabahan, lalo na kapag iniisip ko si William—at kung ano pa ang kaya niyang gawin.Si Ryan naman, kahit harap-harapang ipinapakita niyang kalmado siya, alam kong malalim ang iniisip niya. Ilang beses ko siyang nahuli na tahimik na nakatingin sa kawalan, ang panga niya naninigas habang hawak ang telepono, na para bang may hinihintay na tawag o mensahe.Nasa study siya ngayon, kausap ang mga tauhan niya tungkol sa mga susunod na hakbang. Ako naman, nasa sala at nakahiga sa sofa, iniisip ang baby namin. Pilit kong inaalis ang takot sa isip ko. Para sa baby namin, kailangan kong maging matatag.Biglang tumunog ang telepono ko. Pagkakita ko ng pangalan sa screen, mabilis ko itong sinagot.“Hello, Brandon?” tanong ko, ang kaba sa dibdib k
Sabrina’s POVTahimik ang gabi. Habang nakahiga kami ni Ryan sa kama, magkatabi at magkahawak-kamay, ramdam ko ang init ng pagmamahal niya. Sa pagitan ng mga paghinga namin, ang huni ng kuliglig sa labas ay parang musika sa tainga ko. Idinantay niya ang kamay niya sa tiyan ko, para bang naroon ang lahat ng mundo niya.“Love,” sabi niya, pabulong, habang iniikot-ikot ang hinlalaki niya sa tiyan ko, “naiisip ko, paano kaya kung kambal ang baby natin?”Napangiti ako. “Baka mas lalo kang hindi makatulog sa sobrang excitement,” sagot ko, kahit bigla akong kinabahan sa ideya.Tumawa siya, ang boses niya mababa at puno ng saya. “Seryoso, Sabrina. Hindi ko alam kung kakayanin ko. Isang baby pa lang ang iniisip ko, parang sasabog na ang puso ko sa tuwa. Paano pa kung dalawa?”“Then doble ang saya, love,” sagot ko, idinantay ang ulo ko sa dibdib niya.Tahimik kaming dalawa, hinahayaan ang sandaling iyon na magpatuloy, pero biglang tumunog ang telepono niya sa side table. Napakunot ang noo ko da
Sabrina’s POVAng tunog ng makina ng kotse ay banayad habang patungo kami sa ospital. Si Ryan ang nagda-drive, pero ramdam ko ang tensyon sa bawat paghawak niya sa manibela. Ilang beses na siyang sumulyap sa akin, nag-aalala kahit wala namang dapat ikabahala.“Love, relax ka lang,” sabi ko, pinipilit na huwag matawa sa hitsura niya. “Hindi ito warzone.”“Paano ako mare-relax kung ang lahat ng mahalaga sa buhay ko ay nasa iisang katawan?” sagot niya, seryosong-seryoso habang panandaliang ibinaba ang tingin sa tiyan ko.Napailing ako habang napangiti. “Ryan, routine check-up lang ito. Okay lang kami ni baby, promise.”“Hindi sapat ang ‘okay’ para sa akin, Sabrina. Gusto kong marinig mula sa doktor na perfect kayong dalawa.”Ngumiti lang ako at hinayaan siyang mag-alala. Sa totoo lang, ang pagiging protective niya ang pinakagusto ko. Iba ang saya ng pakiramdam na para akong prinsesang binabantayan ng hari.Sa OspitalPagdating namin sa ospital, agad kaming sinalubong ng nurse at ng dokto
Sabrina’s POVAng sinag ng araw ay banayad na sumisilip mula sa bintana, dumadampi sa mga kurtina at sa mukha ni Ryan na nakahiga sa tabi ko. Mahimbing ang tulog niya, parang isang batang walang iniisip na problema. Hindi ko mapigilan ang mapangiti habang pinagmamasdan siya. Hindi ko inakala na darating ang araw na makakaramdam ako ng ganitong klaseng kapayapaan—kasama ang lalaking mahal na mahal ko, at ang bagong buhay na binuo namin.Marahan kong inilapat ang kamay ko sa tiyan ko. Hindi pa halatang buntis ako, pero ramdam ko na ang bagong simula sa bawat araw. Parang bawat galaw ko ngayon ay may kasamang kakaibang saya, at ang dahilan ay nasa tabi ko.Bigla niyang hinuli ang kamay ko gamit ang sarili niyang kamay, kahit nakapikit pa rin siya. “Kanina ka pa gising,” bulong niya, habang inaangat ang mga mata upang tumingin sa akin.Napangiti ako. “Paano mo nalaman?”“Ang lakas ng pagmamahal mo, love. Nararamdaman ko kahit tulog ako,” sabi niya, sabay hatak sa akin papalapit. Hinalikan
Sabrina’s POVHindi ko alam kung ilang minuto akong nakaupo sa gilid ng kama, hawak-hawak ang pregnancy test na nanginginig ang mga kamay. Dalawang malinaw na guhit. Dalawang guhit na kayang baguhin ang lahat.“Positibo…” bulong ko sa sarili ko, halos hindi makapaniwala. “Buntis ako…”Tumulo ang luha ko, pero hindi ko mawari kung ito ba ay dahil sa tuwa, kaba, o halo na ng lahat ng emosyon.Napatingin ako sa pinto ng kwarto, iniisip kung paano ko sasabihin kay Ryan. Alam kong magugulat siya, pero sa parehong paraan, alam kong magiging masaya rin siya. Napahawak ako sa tiyan ko, isang maliit na buhay ang nagkakaroon ng pag-asa sa loob ko.Bumaba ako ng hagdan, hinahanap si Ryan na kanina pa nagbasa ng mga dokumento sa study room. Hindi ko alam kung paano sisimulan ang usapan. Paano ko ba ipapaliwanag ang nararamdaman ko ngayon?Pagpasok ko sa study room, tumambad sa akin si Ryan, nakaupo sa swivel chair at seryosong nakatitig sa laptop niya. Pero nang maramdaman niya ang presensya ko,