Sabrina’s POVLimang buwan na ang nakaraan mula nang mamatay si Ryan. Hanggang ngayon ay umaasa pa rin ako na buhay siya, pero alam kong imposible ang iniisip ko. Hindi na mabubuhay ang taong namatay, pero gusto kong bisitahin niya ako kahit sa panaginip na lang. Gusto ko siyang makita at sabihin sa kaniyang sobrang namimiss ko na siya. Namimiss na namin siya.“Ang lalim na naman yata ng iniisip mo? Si Ryan na naman ba?” tanong ni William sa akin nang pumasok siya sa loob ng kwarto ko. “1 pm magsisimula ang program.”“Tapos na akong mag-ayos. Let’s go?” Tumayo ako at kinuha ang bag ko.Simula ngayong araw, ako na ang bagong Presidente ng Jacobs Corporation. Labag man sa loob ko na tanggapin ang posisyon, pero kailangan kong panindigan ang sinabi ko kay William at kay Ryan noong nakaraang buwan. Hindi ito para sa sarili ko, para ito sa kapakanan ng kompanya at pamilya ni Ryan.Maraming tumutol sa pagiging bagong Presidente ko kasi hindi pa raw ako lubos kilala ng mga tao. Sa mga nakaraa
Sabrina’s POV“Ma’am, ayaw tanggapin ng inyong kapatid ang perang pinapabigay ninyo. Gusto ka raw nilang makita,” saad ni Irene sa kabilang linya.“Hindi pa tapos ang meeting ko, Irene. Ano na naman ba ang kailangan ng babaeng ‘yan?” Hindi ko na maitago ang iritasyong nararamdaman ko. Bumuntong-hininga ako. “Fine. Pagkatapos ng meeting ko ngayong araw ay didiretso ako riyan,” saad ko at binaba na ang tawag.Habang nasa meeting, hindi ako makapag-focus kasi tawag nang tawag si Felicity sa akin. I had no choice kung ‘di ang i-block siya. Hindi rin nagtagal ay natapos ang meeting. Ire-review ko na lang ulit ang mga napag-usapan sa meeting pagkabalik ko galing sa ospital.Nang nasa ospital na ako, kaagad kong hinanap ang room number ng pinaglagyan kay Tita Felicia. Tinawagan ko si Irene nang nasa labas na ako ng kwarto, ngunit hindi niya sinasagot ang tawag. Humugot muna ako ng malalim na hininga bago pumasok.“Felicity!” sigaw ko nang sampalin niya si Irene habang nakaluhod.“May pinagma
Sabrina’s POVFive years later… “Happy Birthday, Ma’am Sabrina!” Napakurap ako nang marinig ko ang malakas na sigawan ng mga empleyado mula sa likuran ko. Bigla akong napaikot, at sinalubong ako ng mga nakangiting mukha ng mga empleyado ko. May mga hawak silang mga lobo at streamers, at sa gitna, isang malaking cake na may nakasinding kandila. Napangiti ako. Hindi ko inaasahan ‘to. Akala ko simpleng trabaho lang ang gagawin ko ngayong araw.“Happy birthday, Ma’am Sabrina!” sabay-sabay nilang bati ulit sa akin.Pakiramdam ko ay lumulutang ako sa sobrang saya kahit na taon-taon naman nila akong sinusurpresa. Pero ang saya ko ay biglang napalitan ng gulat nang makita ko kung sino ang may hawak ng cake. Si Felicity. Ang half-sister ko. Ang babaeng halos hindi ko na kilala. Ang babaeng palagi na lang galit sa akin at panay ang paninira sa buhay ko.Nakasuot siya ng isang simpleng damit, pero ang ngiti niya ay tila may kakaibang intensidad. Parang isang nakakalokong plano ang nasa likod
Napabalikwas ako ng bangon nang may narinig akong nabasag na bagay sa labas ng kwarto ko. Hindi ko mapigilang kabahan nang narinig ko ang pagsigaw ni Daddy. "Huwag muna ngayon, Felicia! Kalilibing lang ni Sarah!" sigaw ni Daddy. Simula nang tumira ako rito ay palagi ko silang naririnig na nag-aaway ni Tita Felicia. Hindi ko rin nakakasundo ang tatlo kong kapatid kasi anak daw ako sa labas. Halos araw-araw nila akong pinagsasabihan ng kung anu-ano. Wala rin akong balak patulan sila kasi totoo naman. Anak ako sa labas ni Daddy. Bunga ako ng pagkakamali. At ako ang dahilan kaya muntik ng maghiwalay si Daddy at ang asawa niyang si Tita Felicia. Humiga ako sa kama habang niyayakap ang larawan ni Mommy. Hindi pa rin ako makapaniwalang wala na siya. Ang bilis-bilis ng oras. Kanina lang namin siya inilibing at ngayon ay nasa bahay na ako ni Daddy. Kinupkop niya ako kasi wala na akong ibang matutuloyan. Nangungupahan lang kasi kami ni Mommy at si Daddy naman ay may sarili ng pamilya. N
Ikinulong nila ako sa kwarto ko. Bantay sarado ako ng mga kasambahay at tauhan ni Daddy. Iyak lang ako nang iyak buong araw. Palagi akong nagmamakaawa kay Daddy na huwag niyang ituloy ang engagement namin ni Edward. Pero parang bingi si Daddy. Sinabi niya sa akin na hindi na pwedeng umurong kasi nakapagbayad na raw si Edward. Ayokong makasal sa matandang lalaki na 'yon. Magiging caregiver niya lang ako. Mas matanda pa nga 'yon kaysa kay Daddy. Napalingon ako sa pinto nang bumukas ito at pumasok si Ate Felicity. May bitbit siyang gown na kulay asul. Ito siguro ang susuotin ko mamaya. Nag-iwas ako ng tingin nang ilagay niya sa ibabaw ng kama ang gown. "Anong tinutunganga mo pa riyan? Magbihis ka na kung ayaw mong magalit na naman sina Mommy at Daddy sa 'yo!" singhal ni Ate Feli at tiningnan ang sarili niya sa salamin. "Ayoko. Hinding-hindi ako lalabas sa kwartong 'to," saad ko at inilayo sa akin ang gown. "Tama na ang pag-iinarte, Sabrina! Papakasalan mo lang naman si Edward. Pagkat
Pinulot ko agad ang mga gamit ko sa sahig nang nagising ako. Kailangan ko ng umalis bago magising ang lalaking nakasama ko kagabi. Babalik pa ako sa traveller's inn upang kunin ang mga gamit ko roon. Nandoon lahat ng mga dokumentong kakailanganin ko sa pag-apply ng trabaho. Chineck ko muna ang lahat ng mga gamit ko bago ako nag-check out. Nakahinga ako ng maluwag kasi umabot pa ako. Kapag nahuli ako ng dating kahit isang oras lang, magbabayad na naman ako uli. Baka maubos ang ipon ko. Kailangan kong magtipid simula ngayong araw kasi wala pa akong trabaho. I-susumite ko pa ang mga requirements na 'to sa kompanyang ina-apply-an ko. Pagkatapos kong i-sumite ang mga requirements, inubos ko ang natitirang oras ko sa paghahanap ng matutuloyan. Bukas ay magsisimula na akong magtrabaho bilang isang janitress sa Jacobs Corporation. Hindi kasi ako nakapagtapos ng pag-aaral kasi kapos sa pera. Kahit bed space o maliit na kwarto ay ayos lang sa akin. Ang importante ay hindi ako matutulog sa da
Napahawak ako sa pisngi ko nang sampalin ako ni Daddy ng malakas. Namamanhid na ang pisngi ko kasi apat na silang sumampal sa akin. Si Edward, Ate Feli, Tita Felicia, at si Daddy. "Look what you have done, Sabrina!" sigaw ni Daddy at sinampal ang kabilang pisngi ko. "Anong ginawa mo kay Edward? Nag-aagaw buhay siya! Si Edward na lang ang pag-asa nating maisalba ang kompanya, pero anong ginawa mo? Pinabugbog mo pa siya!" "Dad, hindi ko siya pinabugbog -" "Ang lakas ng loob mong sumagot kay Daddy, Sabrina!" putol ni Ate Feli sa sasabihin ko. "Ipapakulong kita kapag may nangyaring masama kay Edward!" galit na singhal ni Daddy. Nag-angat ako ng tingin sa kanya kasabay no'n ang pagbagsak ng mga luha ko. "Dad, wala akong kasalanan. Hindi ko nga kilala ang lalaking gumawa nito kay Edward. Huwag niyo po akong ipakulong..." "Kung sinunod mo lang sana ang sinabi ko hindi aabot sa ganito ang problema natin, Sabrina!" Dinuro-duro ako ni Daddy. "Anong gagawin mo ngayong nanganganib ang buhay
Kinaladkad ako ni Tita Felicia palabas ng dorm ko. Ibabalik niya raw ako sa mansiyon at sisiguradohin nilang hindi na ako makakatakas. Kapag nagising si Edward, ikakasal kami agad. Kapag namatay naman ay ipapadampot nila ako sa mga pulis. "Ayokong sumama sa inyo!" sigaw ko. Pinagtitinginan na kami ng ibang kasama kong nakatira sa dorm. "Ang tigas-tigas talaga ng ulo mo! Puro na lang problema ang ibinibigay mo sa amin!" bulyaw ni Tita Felicia at hinila ang braso ko. Agad niyang ni-lock ang pintuan ng kotse nang nakapasok na ako sa loob. Sinubokan ko itong buksan, pero ayaw talaga. Para akong kinidnap sa sitwasyon ko. Hinila ni Tita Felicia ang buhok ko pagpapasok sa loob ng mansiyon. Para akong makakalbo sa lakas ng pagkahila niya. Nakita ko ang mga kapatid kong nakaupo sa couch. Tumayo si Ate Feli at naglakad papalapit sa akin at tinulongan ang Mommy niya na kaladkarin ako paakyat ng hagdanan. "Hinding-hindi ka lalabas hangga't hindi nagigising si Edward, Sabrina! Ipapakulong ka
Sabrina’s POVFive years later… “Happy Birthday, Ma’am Sabrina!” Napakurap ako nang marinig ko ang malakas na sigawan ng mga empleyado mula sa likuran ko. Bigla akong napaikot, at sinalubong ako ng mga nakangiting mukha ng mga empleyado ko. May mga hawak silang mga lobo at streamers, at sa gitna, isang malaking cake na may nakasinding kandila. Napangiti ako. Hindi ko inaasahan ‘to. Akala ko simpleng trabaho lang ang gagawin ko ngayong araw.“Happy birthday, Ma’am Sabrina!” sabay-sabay nilang bati ulit sa akin.Pakiramdam ko ay lumulutang ako sa sobrang saya kahit na taon-taon naman nila akong sinusurpresa. Pero ang saya ko ay biglang napalitan ng gulat nang makita ko kung sino ang may hawak ng cake. Si Felicity. Ang half-sister ko. Ang babaeng halos hindi ko na kilala. Ang babaeng palagi na lang galit sa akin at panay ang paninira sa buhay ko.Nakasuot siya ng isang simpleng damit, pero ang ngiti niya ay tila may kakaibang intensidad. Parang isang nakakalokong plano ang nasa likod
Sabrina’s POV“Ma’am, ayaw tanggapin ng inyong kapatid ang perang pinapabigay ninyo. Gusto ka raw nilang makita,” saad ni Irene sa kabilang linya.“Hindi pa tapos ang meeting ko, Irene. Ano na naman ba ang kailangan ng babaeng ‘yan?” Hindi ko na maitago ang iritasyong nararamdaman ko. Bumuntong-hininga ako. “Fine. Pagkatapos ng meeting ko ngayong araw ay didiretso ako riyan,” saad ko at binaba na ang tawag.Habang nasa meeting, hindi ako makapag-focus kasi tawag nang tawag si Felicity sa akin. I had no choice kung ‘di ang i-block siya. Hindi rin nagtagal ay natapos ang meeting. Ire-review ko na lang ulit ang mga napag-usapan sa meeting pagkabalik ko galing sa ospital.Nang nasa ospital na ako, kaagad kong hinanap ang room number ng pinaglagyan kay Tita Felicia. Tinawagan ko si Irene nang nasa labas na ako ng kwarto, ngunit hindi niya sinasagot ang tawag. Humugot muna ako ng malalim na hininga bago pumasok.“Felicity!” sigaw ko nang sampalin niya si Irene habang nakaluhod.“May pinagma
Sabrina’s POVLimang buwan na ang nakaraan mula nang mamatay si Ryan. Hanggang ngayon ay umaasa pa rin ako na buhay siya, pero alam kong imposible ang iniisip ko. Hindi na mabubuhay ang taong namatay, pero gusto kong bisitahin niya ako kahit sa panaginip na lang. Gusto ko siyang makita at sabihin sa kaniyang sobrang namimiss ko na siya. Namimiss na namin siya.“Ang lalim na naman yata ng iniisip mo? Si Ryan na naman ba?” tanong ni William sa akin nang pumasok siya sa loob ng kwarto ko. “1 pm magsisimula ang program.”“Tapos na akong mag-ayos. Let’s go?” Tumayo ako at kinuha ang bag ko.Simula ngayong araw, ako na ang bagong Presidente ng Jacobs Corporation. Labag man sa loob ko na tanggapin ang posisyon, pero kailangan kong panindigan ang sinabi ko kay William at kay Ryan noong nakaraang buwan. Hindi ito para sa sarili ko, para ito sa kapakanan ng kompanya at pamilya ni Ryan.Maraming tumutol sa pagiging bagong Presidente ko kasi hindi pa raw ako lubos kilala ng mga tao. Sa mga nakaraa
Sabrina’s POVNasa ospital na ako nang magising ako. Kaagad kong niyakap si Evara nang makita ko siya, umiiyak at hinahanap ang kaniyang ama. Bumukas ang pinto at nakita kong pumasok si William.“Nakita ba nila si Ryan?” diretsong tanong ko.Napasinghap ako nang umiling si William. “He’s dead. Hindi mahanap ng mga pulis ang kaniyang katawan.” Umupo si William sa bakanteng upuan. “Hindi siya nakatakas nang sumabog ang bomba. Kasalanan ko ‘to. Mas nangibabaw ang takot ko kesa isiping maililigtas ko siya.”Nagsimula na naman mangilid ang aking mga luha. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ko. Wala na siya Ryan. Paano ko sasabihin kay Evara ang nangyari sa kaniyang ama?“Mommy, nasaan si Daddy?” tanong ni Evara sa akin.Nanuyo ang aking lalamunan. Kahit isang salita ay hindi ko maibuka ang aking bibig. Niyakap ko ng mahigpit ang aming anak. Sasabihin ko na lang sa kaniya kapag nakauwi na kami sa bahay.Kinausap ako ng mga pulis. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa nang ku
Sabrina’s POV“He’s dead,” saad ni William kaya napaupo ako sa sahig habang pinagmamasdan si Edward na nakahandusay. “Kailangan nating makaalis dito!”“Si Ryan. Kailangan natin siyang mailigtas,” saad ko at mabilis na tumayo. Kumuha ako ng damit na masususuot sa closet ni Edward.Inalalayan ako ni William palabas ng kwarto ni Edward. Nakita ko ang ibang mga tauhan ni Edward, wala ng buhay. Hinanap namin kung saan ikinulong si Ryan. Tinakpan ko ang aking mga kamay nang bigla kaming pinaputokan ng baril. Binigyan ako ni William ng baril, ngunit hindi ko alam kung paano iyon gamitin.Parang hindi nauubos ang mga tauhan ni Edward kasi hindi kami makagalaw sa pinagtataguan namin. Pinapaulanan nila kami ng pagpapaputok ng baril. Napahawak ako sa hita ko nang bigla akong tinamaan. Napadaing ako sa sakit at hindi na lang pinansin.“May tama ka!” sigaw ni William.“Ayos lang ako. Si Ryan ang kailangan nating makita!” saad ko kay William.Inisa-isa naming binuksan ang mga kwarto, ngunit hindi n
Sabrina’s POVNapaluhod ako sa sahig habang pinagmamasdan si Ryan na walang-awang binugbog ng mga tauhan ni Edrward. Sigaw lang ako nang sigaw na huwag nilang sasaktan ang asawa ko, pero bakas sa mukha nilang uhaw na uhaw nang pumatay. Nakaupo lang si Edward habang uminom ng wine. Bakas sa mukha niyang tuwang-tuwa sa nasaksihan niya. Pinagsisipa nila ang katawan ni Ryan, wala itong kalaban-laban dahil Nakapusas ang mga kamay at paa nito.“Ryan…” paulit-ulit kong sambit. “Edward, parang awa mo na. Tama na…”Duguan na ang buong katawan ni Ryan. Namamaga ang labi ang mga bata niya. Parang pinipiga ang puso ko nang marinig ang paulit-ulit niyang pagdaing dahil sa sakit. Hindi ko na rin mapigilan ang pagbagsak ng aking mga luha. Wala akong ibang nagawa kung ‘di pagmasdan si Ryan na pinapahirapan.“Ikulong siya! Huwag na huwag n’yo siyang bigyan ng pagkain at tubig!” utos ni Edward sa mga tauhan niya na kaagad naman ilang sinunod.“Edward, Nagmamakaawa ako. Ako naman ang kailangan mo, ‘di b
Ryan’s POV“We found him,” saad ni William sa akin nang pumasok siya sa opisina ko.Mabilis akong tumayo at kinuha ang mga papel na hawak niya. Mga kuha ito ng CCTV Footage sa bahay namin at mga larawan ng sasakyan na ginamit nila noong gabing kinidnap si Sabrina.“Nasa Lazarus Compound si Sabrina. Papunta na roon ang aking mga tauhan,” dagdag ni William.Hinubad ko ang suot kong black suit. Napatingin ako sa pinto nang bumukas ‘yon at pumasok si Daniel, ang aking secretary.“Ikaw muna ang bahala sa kompanya. Ikanswla mo lahat ng aking mga meeting ngayong araw dahil may mahalaga akong pupuntahan,” utos ko kay Daniel.“Pero –”“Not buts. Just follow my instructions. Ngayon na kami aalis,” putol ko sa sasabihin ni Daniel.“Kailangan natin mag-ingat dahil alam mong mahigpit na pinagbabawal ng mga pulis ang hulihin siya nang walang warrant of arrest. Baka biglang bumaliktad ang sitwasyon at tayong dalawa ang makukulong,” saad ni William nang pumasok kami sa loob ng elevator.Tinawagan ko
Ryan’s POV“I will kill that old man!” sigaw ko pagkatapos kong makausap si William. Tinulongan niya ako sa paghahanap ng lahat ng mga kasagutan ng aking problema lalong-lalo na sa taong nagpapatay sa pamilya ko.Kumuyom ang aking mga kamao. Nanggigigil ako sa galit. Edward Lazarus killed my family. Ayokong pati si Sabrina ay kukunin niya rin sa akin. Sisiguradohin kong ako mismo ang papatay sa matandang ‘yon.Napatingin ako sa phone ko nang mapansin ang pag-vibrate no’n. Mas lalo lang akong nag-aapoy sa galit nang makita ang larawan na ipinadala sa akin. Duguan si Sabrina. Kinakabahan ako baka may ginawang masama ang matandang ‘yon. That old man is obsessed with her. Alam kong gagawin niya ang lahat makuha lang sa akin si Sabrina, pero hindi ko hahayaang magtagumpay siya sa binabalak niya. Hindi ako papayag na aalisan niya ng ina si Evara. Kailangan siya ng aming anak.Halos paliparin ko na ang kotse ko patungo sa police station upang i-report ang mga nalaman ko. Patungo na rin si Wi
Napabalikwas ako ng bangon nang may narinig akong parang nabasag na bagay. Namilog ang mga mata ko nang makitang nakatali ang aking mga kamay at paa sa kama. Pinasadahan ko ng tingin ang silid at napagtantong hindi ito ang aking kwarto. Napakagat-labi ako nang maramdaman ang pagsakit ng aking tiyan. Bumaba ng paningin ko sa aking paa. Bigla akong kinabahan nang may nakita akong dugo sa aking paa at kumot.Napatingin ako sa pinto nang bumukas ‘yon, pumasok ang matandang babaeng katulong. May bitbit siyang pagkain na nakalagay sa food tray. Maingat niyang inilagay ang ‘yon sa bedside table. Namilog ang aking mga mata nang makita kong pumasok si Edward.“Nasaan ako?” tanong ko kay Edward nang bigla siyang umupo sa tabi ko.Ang huli kong naalala ay ang malakas na pag-iyak ni Evara. Tiningnan ko ulit ang aking mga paa at kumot na may bahid ng dugo. Mas lalo lang akong nakaramdam ng takot nang sumagi sa isipan ko na baka buntis ako at nakunan matapos suntokin ng armadong lalaki ang aking ti