Share

Chapter 23

Nagising ako nang maramdaman ang malamig na kamay na dumampi sa pisngi ko. Mabilis akong napabangon sa pagkahiga sa couch ng bahay nila nang nakita si Ryan sa harapan ko.

"Sa kwarto ka matulog. Ako muna ang magbabantay sa pamilya ko," sabi niya at binuhat si Evara na mahimbing ding natutulog sa tabi ko. "Sumunod ka sa akin."

Pumasok siya sa kwarto namin ni Evara kaya sumunod kaagad ako. Maingat niyang pinahiga ang bata sa kama at nilagyan ng kumot.

"Ako na ang bahala sa bata," sabi ko at kumuha ng malinis na pamunas sa katawan ni Evara.

"Feel at home, Sabrina. Kung may kailangan ka tawagin mo lang ang mga katulong. Magpahinga ka na rin kasi dalawang araw ka ng nagbabantay sa pamilya ko," sabi ni Ryan na siyang ikinagulat ko.

"Okay," tipid kong sagot nang hindi siya tinitingnan. Napabuntung-hininga ako nang mapansing nakalabas na siya ng kwarto.

Pagkatapos kong bihisan si Evara, nagpasya akong maligo muna bago matulog. Mabilis lang akong naligo kasi baka magising ang bata. Umiiya
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status