Naging busy ako sa pag-aaral. Pasensiya na po kung ngayon lang nakapag-update đ„č
Nanginginig ang mga kamay ko nang sagutin ko ang tawag ni Ryan. "H-Hello?" "They're dead," malamig niyang sagot sa kabilang linya. Napatakip ako ng bibig at sinulyapan ang pamilya ko. Nakatingin silang lahat sa akin at bakas sa mga mukha nila ang pagtataka kung sino ang kausap ko. "Mommy, where's Daddy?" tanong ni Evara kaya napalingon ako sa kaniya. "Saang hospital dinala ang pamilya mo? Papunta kami riyan ni Evara." Sinulyapan ko ulit ang pamilya ko nang napansin ang paglapit nila sa akin. "Hindi na kailangan, Sabrina," sagot niya at pinatay ang tawag. "Sino ang tumawag sa 'yo? Si Ryan ba?" tanong ni Ate Felicity. Tumango ako at tinawagan si William. Sa kaniya na lang ako magtatanong kung saang hospital dinala ang pamilya ni Ryan. Kailangan ko siyang puntahan. Sigurado akong may kinalaman ang aksidenteng 'yon sa sinabi ni Edward. "Wil, alam mo ba kung saan dinala ang pamilya ni Ryan?" diretsong tanong ko nang sagutin niya ang tawag. "I'll pick you up. Hintayin ninyo
Nagising ako nang maramdaman ang malamig na kamay na dumampi sa pisngi ko. Mabilis akong napabangon sa pagkahiga sa couch ng bahay nila nang nakita si Ryan sa harapan ko. "Sa kwarto ka matulog. Ako muna ang magbabantay sa pamilya ko," sabi niya at binuhat si Evara na mahimbing ding natutulog sa tabi ko. "Sumunod ka sa akin." Pumasok siya sa kwarto namin ni Evara kaya sumunod kaagad ako. Maingat niyang pinahiga ang bata sa kama at nilagyan ng kumot. "Ako na ang bahala sa bata," sabi ko at kumuha ng malinis na pamunas sa katawan ni Evara. "Feel at home, Sabrina. Kung may kailangan ka tawagin mo lang ang mga katulong. Magpahinga ka na rin kasi dalawang araw ka ng nagbabantay sa pamilya ko," sabi ni Ryan na siyang ikinagulat ko. "Okay," tipid kong sagot nang hindi siya tinitingnan. Napabuntung-hininga ako nang mapansing nakalabas na siya ng kwarto. Pagkatapos kong bihisan si Evara, nagpasya akong maligo muna bago matulog. Mabilis lang akong naligo kasi baka magising ang bata. Umiiya
Isang buwan na ang nakalipas mula nang namatay ang mga magulang ni Ryan. Paminsan-minsan ko lang siyang nakikita sa bahay kasi naging abala siya sa kompanya nila. Gumagaling na rin si Daddy, pero hanggang ngayon hindi ko siya nabisita o nakausap man lang. Pinagbabawalan ako ng pamilya niyang bisitahin si Daddy. Wala akong ibang nagawa kundi sundin ang sinabi nila. Nakatira ako sa bahay nila Ryan. Naninibago pa rin ako hanggang ngayon kasi hindi ako sanay na tumira sa ganitong bahay. Nahihiya akong makipag-usap o halubilo sa tuwing may mga bisitang pumupunta - mga kaibigan ng kanilang pamilya. "Ma'am Sabrina, tumawag po pala si Sir Ryan. Pinapasabi niyang susundin daw niya kayo mamaya pagkarating niya ng airport," sabi ni Manang Maya habang naghuhugas siya ng mga pinggan at kumakain naman ako ng pananghalian. "Sige po," tipid kong sagot at ipinagpatuloy ang pagkain. Hapon na nang makauwi si Evara galing sa paaralan. Kasisimula pa lang ng klase nila noong isang linggo, pero parang p
"Hey, Sabrina. I'm asking you," usal ni Ryan na para bang naiinip. "Will you marry me?" "Hindi mo na ako kailangang tanongin, Ryan. May utang ako sa 'yo at mababayaran ko lang 'yon kapag pinakasalan kita." Kinuha ko ang singsing at inilagay ito sa daliri ko tsaka ipinakita sa kaniya. "Papakasalan kita kahit hindi ka pa mag-propose. Tumayo ka na riyan. Para ka namang -" "I'm serious, Sabrina." Tumayo siya at hinawakan ang magkabilang balikat ko. "Seryoso rin naman ako." "Gusto kitang pakasalan hindi dahil ikaw ang ina ni Evara at may utang ka pa sa akin. Papakasalan kita dahil -" "Gutom lang 'yan. Kumain na lang tayo ng almusal," putol ko sa sasabihin niya at naunang lumabas ng silid. Pagkababa ko ng hagdanan, namilog ang mga mata ko nang isa-isang lumapit ang mga kasambahay sa akin at binigyan ako ng tig-iisang pulang rosas. Kahit nalilito, tinanggap ko pa rin 'yon. "Sir Ryan, nakahanda na po ang lahat," sabi ni Manang Agnes. Napalingon ako kay Ryan. Nakatayo siya sa tabi ko,
Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang bigla niyang siilin ng halik ang labi ko. Pinaglalaruan niya ang labi ko, na para bang pinapahiwatig niya na kailangan kong sabayan ang bawat galaw ng labi niya. Napadaing ako nang kagatin niya ang pang-ibabang labi ko. Hinawakan niya ang batok ko habang hinahalikan ako sa leeg. "Nagkaroon ka ba ng boyfriend habang nasa ibang bansa ka?" tanong ni Ryan. Nangunot ang noo ko sa tanong niya. "W-Wala. Never akong nagka-boyfriend - damn it!" sigaw ko nang bigla niyang hilahin ang ang suot kong damit kaya napunit 'yon. "Good," he smirked. Napakagat-labi nang sinimulan niyang halikan ang dibdib ko habang pinipisil 'yon. "R-Ryan..." sambit ko. Napakapit ako sa balikat niya nang kagat-kagatin niya ang utong ko. "Kailan ka huling nakipag-sex?" tanong niya. "F-Five years ago..." nahihiyang sagot ko. Siya lang naman ang lalaking nakasama ko sa kama. Namilog ang mga mata ko nang bigla niya akong buhatin. Muli niya akong hinalikan habang naglalakad patungo
Mabilis kumalat ang balitang engaged na kaming dalawa ni Ryan. Hindi na bago sa akin ang mga nababasang negatibo tungkol sa akin kasi mayaman at kilalang tao ang mapapangasawa ko. Ako rin ang sinisisi sa biglaang paghihiwalay nina Felicity at Ryan. "Where is the ring?" Nakakunot ang noo ni Ryan at tiningnan ang daliri ko. "Bakit hindi mo suot ang singsing?" "Hindi ako sanay," sagot ko at binawi ang kamay ko sa kaniya. Papasok na sana ako sa loob ng kotse, ngunit humarang siya sa daan. "Kunin mo ang singsing. Huwag mo 'yong aalisin sa daliri mo," utos niya. "May meeting ka ngayon, 'di ba? Mas uunahin mo pa ang singsing na 'yon kesa sa -" "Yes, Sabrina. Kaya kunin mo na sa loob ng bahay sng singsing na ibinigay ko sa 'yo." "Fine!" Padabog akong naglakad papasok sa loob ng bahay upang kunin sa kwarto ang engagement ring. Pupunta kami ngayon sa kompanya nila at expected na rin na maraming media ang nag-aabang sa pagdating namin. Ipinakita ko sa kaniya ang kamay ko bago pumasok sa
Nasa akin ang atensiyon ng lahat nang pumasok kami sa loob ng meeting room. Kinakabahan ako kasi first time kong makita sa personal ang mga mahahalagang tao sa kompanya nila. Hindi rin maganda ang simula ng relasyon namin ni Ryan. Naging fiancé niya lang naman ako dahil kay Daddy at sa anak namin. Hindi rin nagtagal ay nagsisimula na ang meeting. Hindi ako nakakasabay sa mga pinag-uusapan nila kaya inabala ko na lang ang sarili ko sa pagbabasa ng mga dokumento tungkol sa kompanya nila. Napapalingon ako kay Ryan sa tuwing nagsasalita siya at mabilis ko namang binabalik ang atensiyon ko sa binabasa ko. Napahawak ako sa tiyan ko nang maramdaman ang pagkalam nito. Kaunti lang ang kinain ko kanina kasi nahihiya akong hintayin ni Ryan. Napalingon ako sa empleyadong nagdi-distribute ng mga snacks. Mas lalo lang akong nakaramdam ng gutom nang maamoy ang masarap na pagkain. Napakagat-labi ako nang mapansing umalis kaagad ang empleyado matapos silang magbigay ng snacks, pero nagtataka ako kun
Ryanâs POVPinagmasdan ko si Sabrina na mahimbing na namang nakatulog sa study table niya. Mukhang pagod na pagod siya ngayong araw. Today is her first day sa internship niya. Napatingin ako sa sketch pad niya. Hindi ko mapigilan ang sarili ko nang makita ang mga drawings niya. Binitawan ko ang sketch pad nang bigla siyang gumalaw. Nagpasya akong ilipat siya sa kama nang muntik na siyang mahulog sa mesa. Lalabas na sana ako sa silid nila nang biglang nagising si Evara.âDaddy,â mahinang tawag niya sa akin at bumangon. âDito ka na lang po matulog. Tabihan mo po kami.ââSigurado ka ba na ayos lang sa âyo?âTumango si Evara. Umurong siya at humiga sa gitna. âDito po kayo,â saad niya na kaagad ko naman sinunod. âGood night, DadddyâŠâ she whispered.Hinalikan ko ang noo niya at ipinikit ang mga mata ko upang makatulog na sana, ngunit hindi ako dinadalaw ng antok. Sinulyapan ko Evara. Nakatulog na ulit siya. Pagtingin ko sa wall clock, mag-a-alas dos na ng madaling araw.Hindi ako makatulog