Sinubukan kong buhayin muli ang makina ng kotse. Napasinghap ako nang gumana ito. Tiningnan ko si Ryan. Nasa kay Evara ang paningin niya. Isinara ko ang bintana ng kotse. Narinig ko pa ang malakas na pagmura niya. Hinawakan ko ng mahigpit ang manibela at pinaharurot ang kotse paalis. Nakahinga lang ako ng maluwag nang nakalayo na ako sa bahay ng pamilya ko. Pagbalik namin sa condo ni William, si Maris ang nagbukas ng pinto sa amin. Luminga-linga ako sa paligid at hinahanap si William. "Anong ginagawa mo rito?" tanong ko kay Maris. "Go to our room, Evara," saad ko pagkatapos kong tanggalin ang headphone niya. "Ikaw dapat ang tinatanong ko, Sabrina," sabi ni Maris kaya umigting ang panga ko. "Ang lakas din ng loob mong bumalik dito pagkatapos mong lokohin si William, 'no?" Pinagkrus ko ang mga braso ko. "May karapatan akong pumunta rito kasi magiging ama na siya." Nangunot agad ang noo ko nang ipakita niya sa akin ang pregnancy test. "Nababaliw ka na ba? Sa tingin mo ba mapap
"Namimiss mo ba ako?" nakangising tanong ni Edward. "Sa puder ni Engr. Harrington ka lang pala nagtatago." Hinila ako ni William at itinago sa likod niya. "Anong ginawa mo rito sa condo ko?" "Gusto ko lang kunin ang pag-aari ko, William. Ibigay mo sa akin si Sabrina kung ayaw mo ng gulo," sabi ni Edward. Humigpit ang paghawak ko sa damit ni William. Bakit hanggang ngayon hindi pa rin ako tinitigilan ng matandang 'to? Limang taon na ang nagdaan at akala ko maayos na ang lahat. "Hindi mo siya pagmamay-ari, Mr. Lazarus," sabi ni William at hinawakan ang kamay ko. "Sabrina Turner is not yours." Tumawa si Edward at sinipa ng malakas ang pinto. Marahas na pumasok sa loob ng condo ang mga tauhan niya. Bumilis ang pagtibok ng puso ko nang nakitang pinapalibutan nila kami at may baril na nakatutok sa ulo ni William. "Ibibigay mo ba sa akin si Sabrina o hindi?" tanong ni Edward at itinutok niya rin ang hawak niyang baril sa ulo ni William. "Bibilang ako ng tatlo, William. Ibigay mo sa aki
Pinapunta ni William ang mga tauhan niya upang linisan ang nakakalat na dugo sa sahig ng condo niya. Nanatili lang kami sa loob ng kwarto namin ni Evara dahil nag-uusap pa sina William at Ryan. Halos maubos ko na ang kuko ko sa kakakagat sa kaiisip kung ano ang pinag-uusapan nila. Matagal na kaming magkaibigan ni William, pero bakit hindi ko man lang napagtantong magkaibigan sila lalo na't pareho sila ng mundong ginagalawan? Sinapo ko ang noo ko. Ang tanga-tanga ko. Kung sinabi ko kay William ang pangalan ng lalaking nakabuntis sa akin, baka hindi niya ako papalabasin ng bansa lalo na't naikwento pala ni Ryan, na nakabuntis ito. Napatayo agad ako nang narinig ang pagkatok sa pinto. Nilingon ko si Evara, mahimbing na itong natutulog habang niyayakap ang paborito niyang unan. Humugot muna ako ng malalim na paghinga bago binuksan ang pinto. "Kakausapin ko kayo," sabi ni William at pinagkrus ang mga braso niya. "Parang naging kasalanan ko pa kung bakit nahirapan ang kaibigan ko sa pagh
Pinagmasdan ko ang inosenteng mukha ni Evara habang kumakain siya ng pasta at nanunuod ng videos sa cellphone ko. Hindi ako papayag na makuha siya ni Ryan nang ganoon lang kadali. Kahit dumaan pa kami sa korte, ipaglalaban ko ang karapatan ko bilang ina ni Evara. "Anong plano mo ngayon? Mukhang seryoso si Ryan sa gagawin niya," sabi ni William at nilagyan ng wine ang baso ko. "Ayokong makisali sa problema niyo, Sabrina. Kaibigan ko kayong dalawa at hindi dapat ako pipili kung sino ang papanigan ko." "Ayos lang ako, Wil. Gagawin ko ang lahat upang hindi niya makuha si Evara sa akin," sabi ko. Pilit kong hindi pinapahalata sa kaniya ang takot sa posibleng mangyari kapag natalo ako ni Ryan. "Kakausapin ko rin si Ryan. Pero hindi ako sigurado kung magbabago ang desisyon niya dahil noon pa man determinado siyang mahanap ka at makuha ang bata, Sabrina. Siya lang ang nag-iisang anak at hinahanapan na kasi siya ng anak. Kung hindi niya maibibigay ang hinihingi ng mga magulang niya, aalisan
Inimbitahan kami ng mga magulang ni Ryan na pumunta sa bahay nila kasi kaarawan ng kapatid niya. Labag man sa loob kong pumunta, wala akong ibang nagawa dahil pinilit ako ng mga magulang niya. Balak ko ring opisyal na ipakilala si Evara sa pamilya ni Ryan. May karapatan siyang makilala ang kaniyang ama at pamilya nito. Ayokong maranasan ng anak ko kung ano man ang naranasan ko. "Mommy, you're so gorgeous!" sabi ni Evara pagkatapos kong ayosan ang sarili ko. "Saan pa ba magmamana ang anak ko?" nakangiting saad ko at hinawakan ang kamay niya. "Gusto mo bang makilala ang Daddy mo?" "He's alive? I thought he's dead," wika ni Evara, bakas sa boses niya ang pagkagulat. "He's alive, Eva. And he wants to meet you. Gusto ka rin makilala ng mga pamilya niya." Lumiwanag ang mukha ni Evara. "I can't wait to meet them!" excited niyang saad. Pagdating namin sa living room, nakapagbihis na rin si William. May kausap siya sa telepono, hindi na naman maipinta ang mukha niya sa sobrang kunot ng n
Palihim akong napangiti nang napansin ang hindi maipintang ekspresyon ng mukha ni Ate Felicity. Minsan napapaisip ako kung totoong lalaki ba 'tong si William kasi kahit babae ay pinapatulan niya. Wala siyang pakialam kung nakakasakit ba ang mga sinasabi niya. "Sabrina, William," nakangiting sambit ng Mommy ni Ryan nang nakita niya kami. "Good evening po," nahihiyang bati ko at tumingin sa babaeng nakaupo, diretsong nasa akin ang paningin niya, na para bang pinag-aaralan ang kabuohan ko. "Mommy," tawag sa akin ni Evara nang hawakan siya ng Mommy ni Ryan. Isinubsob ni Evara ang mukha niya sa leeg ni William. "Akin na ang bata, Wil," sabi ko at kinuha si Evara sa kaniya. Pinagpapawisan ako ako nang nakita ang buong pamilya ni Ryan. Pinaupo ko si Evara at pinaharap sa kanila. Lumuhod ako para maka-level siya. "'Di ba gusto mong makilala ang Daddy mo at ang pamilya niya?" Tumango si Evara at dahan-dahang tumingin sa pamilya ni Ryan, na nakatingin din sa kaniya. Napalunok ako nang napa
Hindi ko maiwasang makaramdam ng saya habang pinagmamasdan ang pamilya ni Ryan kung gaano sila ka sayang nakikipag-usap kay Evara. Pinagpapasahan na nila si Evara matapos ko itong ipakilala ng pormal sa kanila. Noong una ay nahihiya pa ang bata, pero hindi rin nagtagal ay nakikipaghalubilo na siya. "Evara, call me Tita Lala," nakangiting sabi ni Ryla at pinisil ang pisngi ng bata. "Manang-mana ka sa Daddy mo, ang ganda-ganda ng pilikmata mo!" Yumuko ako nang napansin ang paglingon ni Ryla sa akin. Napalunok ako nang napansing umupo sa tabi ko ang mga magulang nila. Nagsalin ng wine sa baso si Mrs. Jacobs at ibinigay ito sa akin. "Maraming salamat dahil hindi mo pinagkait sa amin ang bata, hija," sabi ni Mrs. Jacobs. "Ako po ang dapat magpasalamat kasi tinanggap niyo po ang anak ko. Ito rin kasi ang pangarap ni Evara, ang makilala ang Daddy niya, at kayo na pamilya ni Ryan," nahihiyang sabi ko at ibinalik kina Ryan at Ryla ang paningin ko na abala sa pakikipagkulitan kay Evara. "A
Napalingon ako kay Ryan nang napansin ko siyang naglalakad papalapit sa kinaroroonan namin. Buhat-buhat niya pa rin ang anak namin habang mahimbing itong natutulog. "I can help you pay the bills," Ryan said, looking at my family. "If Sabrina agrees to my condition," he added, causing my heart to race. "A-Anong kondisyon?" tanong ko at sinulyapan si Evara. "Sa akin mapupunta ang bata, Sabrina." "Hindi pwede 'yan, Ryan. Anong klaseng ama ka ba at idadamay mo ang anak ko sa problema ng pamilya ko?" Tumataas na ang boses ko. "May dalawang kondisyon kang pagpipilian, Sabrina. Ibibigay mo sa akin ang bata kapalit ng tulong na ibibigay ko sa 'yo o papakasalan mo ako?" "Ano?" sabay-sabay na tanong ng pamilya ko. "Hindi mo pwedeng pakasalan ang kapatid ko, Ryan!" sabi ni Ate Felicity. "Ako ang fiancee mo, 'di ba? Ako na lang ang pakasalan mo." "We're done, Felicity." Bumaling si Ryan sa akin. "You choose, Sabrina." "Ryan, baka pwedeng pag-usapan muna natin 'to. May gusto ka ba sa kani