Share

Chapter 4

Napahawak ako sa pisngi ko nang sampalin ako ni Daddy ng malakas. Namamanhid na ang pisngi ko kasi apat na silang sumampal sa akin. Si Edward, Ate Feli, Tita Felicia, at si Daddy.

"Look what you have done, Sabrina!" sigaw ni Daddy at sinampal ang kabilang pisngi ko. "Anong ginawa mo kay Edward? Nag-aagaw buhay siya! Si Edward na lang ang pag-asa nating maisalba ang kompanya, pero anong ginawa mo? Pinabugbog mo pa siya!"

"Dad, hindi ko siya pinabugbog -"

"Ang lakas ng loob mong sumagot kay Daddy, Sabrina!" putol ni Ate Feli sa sasabihin ko.

"Ipapakulong kita kapag may nangyaring masama kay Edward!" galit na singhal ni Daddy.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya kasabay no'n ang pagbagsak ng mga luha ko. "Dad, wala akong kasalanan. Hindi ko nga kilala ang lalaking gumawa nito kay Edward. Huwag niyo po akong ipakulong..."

"Kung sinunod mo lang sana ang sinabi ko hindi aabot sa ganito ang problema natin, Sabrina!" Dinuro-duro ako ni Daddy. "Anong gagawin mo ngayong nanganganib ang buhay ni Edward? Masaya ka na kasi naghihingalo ang mapapangasawa mo?"

Hindi ako makasagot. Yumuko lang ako at umiyak. Kahit anong sabihin ko hindi naman siya maniniwala. Kumuyom ang mga kamao ko nang naalala ang sinabi ng lalaki. He's my boss. I'm one of his employees. And I am carrying his child.

"Nag-iinarte pa kasi! Papakasalan mo lang naman si Edward. Kung sinunod mo lang sana si Daddy wala na sana tayong problema ngayon! Puro talaga problema ang dala mo! Manang-mana ka sa Mommy mo!" panunumbat ni Ate Feli sa akin.

"Kahit anak pa kita hinding-hindi ako magdadalawang-isip na ipakulong ka, Sabrina. Wala akong anak na kriminal!" galit na sigaw ni Daddy.

Kahit hindi mabuti ang pakiramdam ko, punasok pa rin ako sa trabaho. Gusto kong kausapin ang boss ko. Gusto kong aminin niya sa pamilya ko na hindi ako nag-hired ng taong bumugbog kay Edward. Ayokong makulong lalo na't buntis ako.

Huminga muna ako ng malalim bago kumatok sa pinto. Tamang-tama kasi isa sa mga lilinisan ko ngayong linggo ay ang opisina ng boss niya. Pero hindi ako sigurado kong pumasok ba siya ngayong araw. Balita ko palaging wala ito sa opisina niya. Nagbabasakali pa rin ako na makita siya para mapag-usapan namin ang nangyari kay Edward. Hindi ako papayag na sa akin isisisi ng pamilya ko kapag may nangyaring masama sa matandang 'yon.

Nabitawan ko ang hawak kong map narinig ko ang malakas na pagdaing ng babae pagkapasok ko sa loob ng opisina. Nakatalikod sila pareho sa akin habang abala sa paglabas-masok ang boss ko sa babae. Nanindig ang lahat ng mga balahibo ko nang narinig ko ang pag-ungol nilang dalawa.

Napamura ang babae nang napansin niyang nakatingin ako sa kanila. "Hindi mo ba ni-lock ng maayos ang pintuan, Ryan?" tanong ng babae at tumayo. Pinulot niya ang mga damit niya sa sahig.

"I forgot," he whispered. Agad na kumunot ang noo ni Ryan nang nakita niya akong nakatayo habang nakatingin sa kanila. "What the hell are you doing here?"

Hindi ako sumagot. Nanatili lang akong nakayuko. Padabog namang iniwan ng babae si Ryan. Binangga pa niya ang balikat ko bago siya tuloyang lumabas ng opisina. Pinulot ko ang map at inilagay ito sa balde na may lamang tubig. Tapos na ring mag-ayos si Ryan sa kanyang sarili. Nag-angat ako nang tingin kay Ryan nang napansin kong nakaupo na siya sa swivel chair.

"Kailangan mong sabihin sa pamilya ko na wala akong kasalanan sa nangyari kay Edward," panimula ko. Pilit kong itinago ang kabang nararamdaman ko. Bahala na kung mawawala ako ng trabaho pagkatapos naming mag-usap.

Ngumisi siya at tumingin sa akin. "Bakit ko naman sasabihin 'yan sa pamilya mo?" sarkastikong tanong niya at pinagkrus ang mga braso niya. "Labas ako kung ano man ang problema ng  pamilya mo."

"Nag-aagaw buhay si Edward dahil binugbog mo siya!" Napapikit ako nang napansin ang pagtaas ng boses ko.

Tinaasan niya ako ng kilay. "Dahil sinasaktan niya ang ina ng anak ko," sambit niya.

Napasinghap ako. "At paano mo naman nalamang buntis ako at ikaw ang ama ng bata? Manghuhula ka ba?"

"Gusto mo bang ipaalala ko sa 'yo uli kung paano natin ginawa ang batang 'yan?"

Napalunok ako ng laway. Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko. Parang nanuyo ang lalamunan ko sa sinabi niya kaya hindi ako makapagsalita. Tumayo siya at humakbang papalapit sa akin. Umatras naman akong kaunti.

"Huwag kang lalapit sa akin," pagababanta ko. Hinawakan ko ng mahigpit ang map.

"Sabrina Turner, ang anak sa labas ni Antonio Madrigal." Ngumisi siya at umupo sa table niya. "Hindi ko aaminin ang ginawa ko. Kahit malaman pa nila na ako ang bumugbog sa matandang 'yon, may pera ako. Kaya kong bayaran ang korte at baliktarin ang nangyari."

"Ganiyan ka ba kasama? Kasalanan mo, pero ibang tao ang mananagot?" Binitawan ko ang map. "Aminin mo sa pamilya ko na ikaw ang bumugbog kay Edward. Kailangan ng pamilya ko si Edward. 'Yon na lang ang pag-asa ni Daddy na maisalba ang kompanya, pero anong ginawa mo? Binugbog mo siya!"

"Pera lang pala ang kailangan niyo sa matandang 'yon? Well, marami akong pera. Imbes na aminin ko ang kasalanan ko, how about helping your company?"

Saglit akong napatitig sa kanya. "Anong ibig mong sabihin?"

"Tutulongan ko ang pamilya mong maisalba ang palugi niyong kompanya sa isang kondisyon," sagot niya.

"Isang kondisyon?"

"Tutulongan ko ang pamilya mo kung ibibigay mo sa akin ang batang nasa sinapupunan mo, Sabrina." Bumaba ang paningin niya sa tiyan ko. "Ang batang 'yan ang magiging kapalit sa tulong na ibibigay ko. Kung ayaw mong pumayag, babaliktarin ko ang sitwasyon. Sasabihin ko sa pamilya mo na inutosan mo akong bugbogin ang matandang 'yon."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status