Share

Chapter 3

Pinulot ko agad ang mga gamit ko sa sahig nang nagising ako. Kailangan ko ng umalis bago magising ang lalaking nakasama ko kagabi. Babalik pa ako sa traveller's inn upang kunin ang mga gamit ko roon. Nandoon lahat ng mga dokumentong kakailanganin ko sa pag-apply ng trabaho.

Chineck ko muna ang lahat ng mga gamit ko bago ako nag-check out. Nakahinga ako ng maluwag kasi umabot pa ako. Kapag nahuli ako ng dating kahit isang oras lang, magbabayad na naman ako uli. Baka maubos ang ipon ko. Kailangan kong magtipid simula ngayong araw kasi wala pa akong trabaho. I-susumite ko pa ang mga requirements na 'to sa kompanyang ina-apply-an ko.

Pagkatapos kong i-sumite ang mga requirements, inubos ko ang natitirang oras ko sa paghahanap ng matutuloyan. Bukas ay magsisimula na akong magtrabaho bilang isang janitress sa Jacobs Corporation. Hindi kasi ako nakapagtapos ng pag-aaral kasi kapos sa pera.

Kahit bed space o maliit na kwarto ay ayos lang sa akin. Ang importante ay hindi ako matutulog sa daan ngayong araw. Hindi na ako babalik sa pamilya ni Daddy. Makakaya ko naman sigurong buhayin ang sarili ko kahit wala sila. Pipilitin kong maging independent kaysa manatili sa bahay na 'yon at pipiliting pakasalan ang kaibigan ni Daddy. Over my dead body. Hinding-hindi ako papatol sa matandang binata. Wala akong pakialam kung marami siyang pera. Hindi niya naman 'yon madadala sa langit kapag nawala siya sa mundo.

"Pinakaayaw ko sa lahat ay 'yung matagal magbayad ng upa at bills sa kuryente at tubig. Maraming naghahanap ng matutuloyan sa panahon ngayon at tumataas na rin ang bills. Baka kagaya ka rin sa mga dati kong renters na nagagalit kapag sinisingil ko na sila," saad ng may-ari ng dorm na nakita ko at ibinigay niya sa akin ang kontrata. Pinirmahan ko agad ito pagkatapos kong basahin ang mga nilalaman nito. "Bawal magpapasok ng bisita o lalaki sa loob kasi for ladies only lang ang dorm na 'to," bilin niya nang ibalik ko sa kanyang ang kontrata.

Agad kong ipinasok sa loob ng kwarto ang mga gamit ko. Pagkatapos kong ayosin ang nga gamit ko ay lumabas muna ako para bumili ng mga gamit sa kusina at iba pang kailangan ko. Pagkakasyahin ko na lang ang pera ko. Hindi pa ako nakakasimula sa trabaho at wala pa akong sahod na hihintayin.

"Bawal ang tamad rito. Huwag din kayong gumamit ng gadgets sa oras ng trabaho baka makita kayo ng boss natin," paalala ni Ma'am Viola pagkatapos ng weekly meeting. "Isaulo niyo rin kung saang floor o opisina lang dapat kayo maglilinis. At huwag niyo rin kalimutan na may rotation tayo sa assigned area every week. Next week, doon ka sa opisina ni Sir Ryan maglilinis, Sabrina."

"Yes, Ma'am Viola," tugon ko.

"Magsimula na kayo sa trabaho niyo. May aasikasohin muna ako," paalam ni Ma'am Viola bago kami tinalikuran.

Ngayong linggo, naka-assigned ako sa ground floor at second floor. Marami kami rito. Kadalasan mga bagong hired rin kagaya ko, pero may mga pamilya na sila. Hindi nga sila makapaniwala na bente dos anyos pa ako tapos ganitong trabaho ang pinili ko. Bakit daw hindi ako mag-apply ng call center o sa mga malls. Sa totoo lang, noong nag-apply ako ng call center hindi ako natanggap sa unang interview kasi nabubulol ako sa tuwing nagsasalita ng Ingles. Hindi ako bihasa kaya isa 'yon sa mga dahilan kaya hindi ako nakapasa. Kaya mas pinili ko ang ganitong trabaho kasi malaki ang sahod sa kompanyang 'to. Hindi kagaya ng ibang mga kompanyang pinagtatrabahoan ko dati na kulang na kulang ang sahod ko.

Napahawak ako sa table nang bigla na naman akong nakaramdam ng pagkahilo habang abala sa paglilinis ng opisina ng boss namin. Muntik ko pang mahulog ang flower vase na nasa ibabaw ng table. Napatakip ako ng bibig ko kasi naduduwal ako. Ilang araw na akong nagkakaganito.

Nasapo ko ang noo ko nang sumagi sa isipan ko ang nangyari noong isang buwan. Agad na bumilis ang pagtibok ng puso ko sa takot, na baka buntis ako. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin pagkatapos kong linisan ang banyo. Hindi ako pwedeng mabuntis. Kasisimula ko pa lang sa trabaho. Paano ko bubuhayin ang batang 'to?

Kinabukasan, nagpaalam ako kay Ma'am Viola na liliban muna ako sa trabaho kasi magpapa-check up ako. Hindi na kasi ako mapakali. Hindi rin ako nakatulog ng maayos sa kaiisip na baka buntis nga ako. 

"You're pregnant, Miss Turner," saad ng doktor.

Pakiramdam ko, para akong binuhosan ng malamig na tubig sa sinabi ng doktor sa akin. Umupo ako sa labas ng opisina ni Dr. Moreal habang paulit-ulit na binabasa ang papel. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa batang 'to. Nagbunga ang maling desisyon ko. Kung hindi ako tumakas sa engagement namin ni Edward, mabubuntis kaya ako ng ganito kaaga?

Pinunasan ko ang namumuong luha sa aking mga mata at itinago ang resulta ng pagbubuntis ko. Kailangan kong mag-ingat sa trabaho ko at kung saan man ako magpunta kasi sensitibo pala ang pagbubuntis lalo na't first baby. Napabuga na lang ako ng hangin habang iniisip kung paano ko sadabihin kay Daddy na buntis ako at hindi ko kilala ang ama ng batang nasa sinapupunan ko.

"Sabrina?" I heard Edward's voice somewhere.

Napa-angat ako ng tingin at hinanap ang boses niya. Nanlaki ang mga mata ko nang nakita ko siyang naglalakad papalapit sa akin. Agad akong tumayo at tumakbo papalayo, ngunit hinabol ako ng mga tauhan niya.

"Bitawan niyo ako!" sigaw ko habang nagpupumiglas.

"Pinapahirapan mo pa kami sa paghahanap!" hinihingal na sambit ni Edward at hinawakan ng mahigpit ang braso ko.

"Hinding-hindi ako sasama sa inyo! Bitawan niyo ako! Hindi kita papakasalan! Ang tanda-tanda mo na!" Napasigaw ako nang bigla akong sampalin ni Edward.

"Sumama ka sa akin kung ayaw mong masaktan uli!" galit na sigaw ni Edward at kinaladkad ako paalis.

"Parang awa mo na, Edward. Ayoko. Ayokong pakasalan ka. Ibang babae na lang, please..." pagmamakaawa ko. Hindi ko na rin mapigilan ang pagbagsak ng mga luha ko. Parang biglang namanhid ang pisngi ko sa lakas ng pagkasampal niya sa akin.

"Sabrina, hindi mo matatakasan ang responsibilidad mo. Papakasalan mo ako sa ayaw at sa gusto mo kasi bayad na ako kay Antonio!" sigaw ni Edward.

Mas lalong bumuhos ang luha ko. Ibinenta ako ni Daddy sa matandang 'to para lang maisalba ang kompanya niya. Ni hindi niya nga ako kayang angkinin bilang anak noon. Pero nang namatay si Mommy, bigla siyang lumapit sa akin at kinupkop ako. Ang tanga-tanga ko kasi naniwala ako agad sa mga ipinangako ni Daddy na bibigyan niya ako ng magandang kinabukasan. Ito ba ang kinabukasan na ibibigay niya? Ang hayaang ipakasal sa kaibigan niyang matandang binata?

"Huwag kang magmatigas, Sabrina! Tatawagan ko si Antonio at sasabihin kong nakita na kita. Iuuwi kita sa bahay ko para hindi ka na makatakas pa!"

Para ng mababali ang braso ko sa higpit ng paghawak ni Edward rito. "Parang awa mo na, Ed -" Naputol ang sasabihin ko nang bigla niyang bitawan ang braso ko at napasubsob siya sa sahig.

"Huwag mong hahawakan ang ina ng anak ko kung ayaw mong ilibing kita ng buhay!" sigaw ng lalaking sumipa kay Edward. 

Bigla akong nanigas sa kinatatayoan ko nang nakita ang lalaking nakasama ko nang tumakas ako sa engagement namin ni Edward. Hindi ako maaaring magkamali. Napakurap-kurap ako ng ilang beses at napatitig ng ilang segundo sa kanya. Nagtama ang mga mata namin. Para siyang sasabog sa galit. Pero paano niya nalamang buntis ako at siya ang ama ng bata?

Nanlaki ang mga mata ko nang bigla siyang sugorin ng tatlong tauhan ni Edward. Umatras ako ng kaunti habang pinagmamasdan siyang binubugbog ang tatlong lalaki. Nakita kong bumangon si Edward at sinugod niya ang lalaki. Agad naman siyang napansin ng lalaki tumilapon siya uli sa sahig. Namilog ang mga mata ko nang paulanan ng suntok ng lalaki si Edward. Halos hindi ko na makilala ang mukha ni Edward kasi napuno ito ng dugo. Tumayo ang lalaki at tumingin sa akin. Hindi ko pa rin maalis ang paningin ko kay Edward na nakahiga sa sahig.

"Edward!" sambit ko nang napansing nahihirapan siya sa paghinga at nilapitan. Nilingon ko ang lalaki. Nakatitig lang siya sa akin at parang walang balak tumulong.

"Anong ginawa mo sa kanya? Papatayin mo ba siya!" sigaw ko.

May lumapit sa aming mga nurses at binuhat nila si Edward. Pinagpapawisan ako sa sobrang pag-aalala na baka mapano ang kaibigan ni Daddy. Nang lingon ko uli ang lalaki, nakatayo pa rin siya at tinatamad na tumingin kay Edwards nang isakay ito ng mga nurses sa stretcher.

"Sabrina Turner, one of the janitress in my company," saad ng lalaki at ngumisi.

Parang nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Pinagmasdan ko siya ng ilang segundo. Kailanman ay hindi po nakilala ang may-ari ng kompanyang pinagtatrabahoan ko.

"I'm Ryan Jacobs, the CEO of Jacobs Corporation. And you're carrying my child," saad niya at bumaba ang paningin niya sa tiyan ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status