Kapalit nang operasyon ng anak, kinailangan ni Mortala na magpanggap bilang kaniyang kakambal na si Mortishia na noon ay naglayas sa kanila. Ipapakasal kasi si Mortishia sa mayamang businessman para maisalba ang kumpanya ng mga Gustavo. Sapagkat magkamukha naman sila kailangan lang niyang maging proxy hanggang sa mahanap si Mortishia. Ngunit hindi inaasahan ni Mortala nang kaniyang makaharap ang pakakasalan ng kaniyang kakambal. Si Cadrus Logan Adejer, isang trillionaire ang taong matagal na niyang pinagtataguan . . . ang ama ng kaniyang anak na babae. Anong gagawin niya kung malaman ni Cadrus na hindi siya si Mortishia? Makatatakas pa kaya siya o mapupurnada na ang ginagawa nilang pagtatago ng limang taon?
View MoreNapakurap-kurap ako at sa pagkakataong iyon ay napatingin naman kay Cadrus. Masama na ang tingin nito kay Pete. “A—” Naputol ang dapat na sasabihin ko at bago pa man ako makapagtanong ay nahila na ako ni Cadrus paalis. Hindi patungo ang daan namin sa Hotel kaya naman nagtaka na ako. “Saan tayo pupunta?” He didn't answered my question nor did he gave me a glance. Isang gawa sa kahoy na upuan ang hinintuan namin. Katapat lamang ng pangpang kung saan humahampas ang Kalmadong alon. “Why are you there with him?” panimula niya. Nagsalikop ang dalawang braso ko at saka siya pinakatitigan. “Nagkataon lang na nagkita kami roon. Malay ko ba namang kapatid mo pala ang lalaking—teka nga. Bakit ba ’ko nagpapaliwanag sa ’yo?” Tumaas ang isang kilay niya. “Dapat galit ako sa ’yo kasi pinaghintay mo ’ko ng matagal doon. At isa pa, hindi ako ang nangiwan sa ’yo. Ikaw ang nagsabing mauna na ako hindi ba?” Nagbago ang ekspresyon niya, ngayon ay salubong na naman ang kaniyang kilay. “I did not.”
I saw how Harry looked at his phone, after that glances at me, sighed, then looked at his phone again. “It’s okay, Harry. Tara na pagod na rin ang katawan ko sa biyahe.” It's been half an hour since we waited here at the car. Hindi pa rin lumalabas si Cadrus sa boutique, at kasama pa rin niya iyong babaeng nakita ko kanina sa fitting room. Alam kong nag-text na sa kaniya si Cadrus na mauna na, but maybe he wanted to consider me. O siguro hindi lang siya makahanap ng tyempo para sabihin sa akin. Harry started the engine. He then maneuver the car and drove away from the boutique. Wala naman akong pakialam kung sino ang babaeng iyon. Mas lalong wala akong pakialam kung anong relasyon nila ni Cadrus. I won't ask. I won't. “Who is that girl?” Napatingin sa akin si Harry mula sa rear view mirror dahil sa naging pagtatanong ko. Hindi siya sumagot at nanatiling tahimik. “Ayos lang, hindi mo kailangang sagutin,” pagbawi ko. Why am I even asking? Syempre isa ang babaeng iyo
“You ready?” “No.” “Then get ready,” “I don't want to.” Mababanaag sa mukha ni Cadrus na hindi niya nagustuhan ang isinagot ko sa kaniya. Ang mga kamay niyang nakapasok sa kaniyang bulsa ay kaniyang inilabas matapos noon ay pinagsalikop niya ang kaniyang braso. “Don’t make me drag you out of there,” pagbabanta niya at saka sumandal sa hamba ng pintuan. “Ayoko. Ayoko. Ayoko.” Inirapan ko siya at sa halip na bumangon mula sa pagkakahiga ko sa aking kama ay nagtalukbong lamang ako ng kumot. It's been a week now since I worked under him as his secretary. Palagi lamang namang nakatunganga ang routine ko sa kumpanya niya kung paminsanan ay inuutusan niya akong mag-staple ng mga papers niya maliban doon ay wala na. Ewan ko ba kung h-in-ire niya lamang talaga ako para maging display doon. Pinakiramdaman ko ang paligid nang walang kahit na anong marinig na response mula kay Cadrus. Nanatili ako sa loob ng kumot.“Did he left?” Dahan-dahan kong ibinaba ang kumot na nakatalukbong sa aki
“Mortishia?” Sinubukan kong tumalikod ngunit mukhang namukhaan na niya ang kakambal ko. Laking pasalamat ko na lamang sa suot kong make-up at hindi niya ako nakilala bilang si Mortala. I still can't face him, but Mortishia wouldn't do the same. “Ikaw nga, Mortishia!” aniya at saka lumapit sa akin. Sinubukan ako nitong yakapin ngunit gumilid ako dahilan para muntikan na siyang matumba. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang galit sa dibdib ko dahil sa ginawa nila sa akin ng kakambal ko. “I didn't see you. I'm sorry,” may gigil na saad ko at pilit na ngumiti ngunit kahit anong gawin ko ay nauuwi lamang iyon sa pagngiwi. Inayos niya ang pagkakatayo. “It’s okay. Kumusta ka nga pala?” Tumaas ang isang kilay ko dahil sa itinanong niya. I for so long thought that Mortishia ran away with him. Pero sa naging reaksyon niya ngayon. Mukhang malabo. Did their so-called cheating relationship ended already? “I’m doing good.” Hinawakan ko ang palasingsingan ko at sinadya iyong ipakita s
BONUS SCENE ฅ^•ﻌ•^ฅ• • • [ Yesterday at Cadrus’ Office . . . ] • • •Pumatak ang alas singko. Ang nagtitipang mga daliri ni Cadrus ay nahinto sapagkat tapos na niya ang mga chinecheck na mga plano sa ginagawa nilang food resort. Pinatay niya ang laptop at isinarado iyon. Inimis niya ang mga gamit at handa na sanang umalis sa kaniyang opisina nang mapatigil siya. “Chocolate . . . ” Iyan ang bulong ni Mortala habang ito ay mahimbing na natutulog sa couch. Yakap nito ang kahon na ibinigay niya kanina. “How can she sleep in this position?” Napailing-iling na saad ni Cadrus sa kaniyang sarili. Wala kasing unan si Mortala. Naka-bend ang ulo nitong nakaunan sa kamay ng couch at hindi talaga komportable sa kaniyang pwesto. “Maraming chocolate . . . ” Napahilamos si Cadrus sa kaniyang mukha. Pinipigilan ang sariling tumawa sa mga ibinubulong ni Mortala. Sinulyapan muna niya ang pintuan bago naupo sa lamesita. Sa totoo lamang ay p’wede niyang iwan dito si Mortala at balikan na la
Napakurap-kurap ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko kaagad iyon na-proseso at tila ba ay nabingi ako ng pagkakataong iyon. “Pakiulit mo nga. I'll be your what?!” Lumapit siya sa akin habang hindi naman ako nagpatinag at nakatunghay lamang dahil sa laki niya. Nakasunod lamang ang mga mata ko sa kaniya nang hawakan niya ang nakalaylay kong jumper sa aking balikat. “Maria, make her look decent,” he said, clearly ignoring my question. Nalaglag ang panga ko nang talikuran niya ako at muling makipag-usap sa lalaking kaharap niya kanina. I was about to put a fight but Maria pulled me away. “Omg! Madame, ako ang bahala sa look mo! Ikaw ang magiging pinakamagandang secretary!” Sinubukan ko pang kumawala kay Maria ngunit dahil sa laki ng mga muscles niya ay wala akong laban. Walang kahirap-hirap niya akong ipinatong sa kaniyang balikat at kahit labag sa loob ko ay ipinasok niya ako sa kwarto kung saan naroon din ang iba pang maid. Pinagtulungan nila akong hanapan ng isusuot na damit. Mari
“You will regret this!” Iyan ang inis na hiyaw ng sinasabing sekretarya ni Cadrus. Nagpapadyak itong naglakad paalis at padabog na isinara ang pintuan. Ikinuyom ko ang dalawang kamay ng mapansin ang panginginig nito. Marahas akong napabuntong hininga at saka humawak sa magkabilang balikat ni Cadrus para kumuha ng suporta at makatayo na mula sa kaniyang kandungan. Hindi pa man ako tuluyang nakatatayo ay naramdaman ko ang paghigpit ng kapit niya sa balakang ko. “Anong ginagawa mo? Bitaw,” asik ko sa kaniya. Hindi siya nagsalita. At sa halip ay mas lalo akong ininis. Ihinawak niya ang isang kamay sa kaniyang palapulsuhan. Kaya naman mas lalo akong hindi nakaalis mula sa pagkakaupo sa kaniyang hita. Nagtagis ang mata naming dalawa. Masama akong tumingin sa kaniya habang siya ay ginaya naman ako. “Ano ba!” Naputol ang ginagawa kong pagtitimpi sa kaniya. Naiirita kong hinawakan ang kaniyang leeg at hinigpitan iyon. “O-Ouch! Let go!” aniya sa nahihirapang tono. Napangisi ako at saka
Bumuntong hininga ako. Matapos kong gawin ’yon ay muli akong humigop ng hangin at marahas na pinakawalan iyon. I kept on sighing since earlier as if it would speed the days for me. Dinampot ko ang pulang pentelpen at ginuhitan ang kalendaryong hawak ko. It has been three days since I was left here. Maybe Cadrus have lost interest in Mortishia because of me. I can't let that happen. That's why I'm sneaking out. Inayos ko ang pagkakasabit ng strap ng suot kong maong na jumper pants sa aking balikat. I am wearing a yellow sleeveless fitted tank top underneath of my jumper pants. Mukha man akong minions, but wearing this will make it easier for me to sneak out. Nakarinig ako ng pagkatok mula sa labas. Isa rin iyan sa dahilan kung bakit hindi ko na kaya pang magtagal dito. The maids are too much, too much that they even insist on brushing my teeth. Kung hindi pa ako tumutol ay baka sila na rin ang nagpaligo sa akin. Wala na akong kahit na anong ginagawa bukod sa gumising, kumain, at ma
“Shh, baby it's okay. Don't cry.” Sinubukan kong buksan ang mga mata, ngunit isa lamang ang nagawa kong imulat sapagkat tila may pumipigil sa isa. Kahit pa nanlalabo iyon ay sinubukan kong aninagin ang mukhang nasa harapan ko. Sumalubong sa akin ang pamilyar na itsura ng aking kwarto noong bata pa ako.Nakuha ang atensyon ko nang makita si Michelle. She is wearing the familiar grin in her face. Nakangiti ang mukha niya na para bang natutuwa sa kaniyang nakikita. Tumagilid ang mukha ko para tingnan ang naririnig kong pag-iyak. Sa hindi kalayuan ay natatanaw ko si Mortishia. Pilit niyang tinatanggal ang nakatali niyang paa ngunit hindi iyon kaya ng maliit pa niyang kamay. “Tama na! Tal!” sumisigaw niyang ani at paulit-ulit na tinatawag ang pangalan ko. Sinubukan kong ikilos ang katawan ko ngunit hindi ko iyon maigalaw. Mayroong mainit na likido ang tumutulo mula sa aking ulo. Tumayo si Michelle at kahit anong gawin kong pagpigil sa kaniya ay hindi ako makakilos. Lumapit siya kay M
“Haah . . .” Napaigtad ang aking likuran nang maramdaman ang sensasyong hatid niya sa katawan ko. His hand pinned mine against the bed. I felt small kisses on my neck up to my collarbone. My body then shivered when he bit the side of my ear. “Mortala!” Napabalikwas ako nang marinig ang pangalan ko. Doon ko lamang din na-realize na kanina pa lumilipad ang utak ko. “Take it.” Isang puting kahon ang pumatong sa harapan ko. Bumukas iyon at tumambad sa akin ang isang itim at mamahaling branded na bag. Tumaas ang isang kilay ko. Pamilyar sa akin ang bag na ito. As far as I can remember this was her favourite bag. Anong sumapi sa kaniya para ibalandra sa harapan ko ang bagay na halos patayin niya ako nang hawakan ko lamang noon? “I know that you've been eyeing this bag. I'll give this to you,” “Kung pinapunta mo ’ko rito para lamang pakitaan ng mga bagay na hindi ko kayang bilhin at magyabang ay sinasayang mo lang ang oras ko,” may pagtitimpi kong saad sa kaniya. Ang kaliw
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments