Share

Chapter 5

Malakas ang naging kabog ng dibdib ko. Hindi ako makakilos nang maayos sapagkat kanina ko pa nararamdaman na nakatitig siya sa akin at pinagmamasdan ang bawat galaw ko.

Ano bang problema niya?

Pilit kong iwinaksi ang ginagawa niyang paninitig sa akin at sa halip ay sinubukang dumampot ng inumin na nakapatong sa lamesa.

Mabilis na umasim ang mukha ko nang matikman ang alak. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa niya na naging dahilan para taasan ko siya ng kilay.

Nagkibit balikat lamang siya sa akin. Tila ba nangaasar ay sumandal siya sa upuan at saka ako sinenyasan na subukan pa ang iba.

Hindi ko siya sinunod.

Mayroong maliit na glass container na katabi ng tatlong iba’t-ibang klase ng alak sa ibabaw ng lamesita. Hindi ko alam kung anong nasa loob noon pero maliliit siyang bilog na kulay itim. Gelly-like ang texture noon kaya naman dinampot ko at sinubukang kainin.

“No, you don't eat it like—”

Huli na ang pagpigil niya. Halos maduwal ako nang malasahan ang gelly na iyon. “P*****a, napakalansa!” asik ko at saka naghagilap ng tissue para iluwa iyon.

Sa kasamang palad ay wala akong nakita. Mangiyak-ngiyak kong hinila ang kamay niya at doon iniluwa ang nasa bibig ko.

Huli na bago ko na-realize ang ginawa ko.

Parehas kaming natigilan. Dahan-dahan akong tumingala para tingnan siya. Seryoso lamang ang ekspresyon niya dahilan para mapalunok ako.

Kitang-kita ang pagpipigil sa mukha niya, bago niya pa ako masargo ay dali-dali kong hinawakan ang kamay niya at itinaktak ang iniluwa kong pagkain sa alak na ininuman ko kanina. Hindi pa iyon nalaglag lahat kaya naman kinailangan ko pang ipahid pahid sa wine glass ang kamay niya.

“You’re making it worse,” komento niya na nagpatigil sa akin.

Gusto ko ng magpalamon sa lupa. Mabuti na lamang at nasa dulong parte ng venue ang lamesa niya kaya naman medyo malayo sa amin ang ibang bisita.

Bumuntong hininga siya at saka iwinaksi ang kamay ko. Nangunot ang noo niya matapos makita ang nanlalagkit niyang kamay.

Mabilis na naghanap ang mga mata ko ng pamunas. Walang tissue o maski towel kaya naman hinawakan ko ang laylayan ng dress ko at iyon ang ipinunas sa kamay niya.

“H’wag ka ng magreklamo, please lang. Hindi ko naman ginustong malawayan ’yang kamay mo o gusto mong itong Dior mo ang ipamunas ko riyan.”

Mabuti na lamang at hindi na siya nagsalita. Nang tuluyang malinis ang kamay niya ay binitawan ko na iyon.

Namutawi ang mahabang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

Matapos kasi ng nangyari kanina ay hinila niya ako dito sa pwesto niya. He insisted that I go home, but I know I couldn't. Hindi ko mahagilap si Michelle kanina pa. Hindi ko rin naman alam kung nasaang lupalop ba kami ngayon at higit sa lahat ay wala akong pamasahe pauwi.

“You should do this so that it doesn't taste like shit.”

Napatunghay ako at bago pa man ako makapagtanong ay sumalubong na sa akin ang kamay niyang may hawak na chips sa ibabaw noon ay iyong parang gelly na natira sa lagayan.

“Caviar is more tasty as a filling. Kapag inisang subo talaga kagaya ng ginawa mo kanina, hindi talaga masarap.”

Umangat ang noo niya na para bang iniuutusan akong isubo ang hawak niya. “Eat it.”

Nagaalangan man ay kinain ko iyon para matapos na. It's true that it minimises the fishy taste. Nagtatalo ang lasa ng chips at ng gelly sa bibig ko.

Nakita ko pa ang naghihintay niyang mukha nang malaunok ko na iyon. It's as if he's waiting for my comment. “Hindi pa rin masarap.”

He chuckled. Though it didn't reached his eyes.

Ilang sandali pa ay tumayo siya. Pinanood ko siya nang itaas niya ang sleeves hanggang sa kaniyang siko. Buong akala ko ay aalis na siya. Ngunit naglahad siya ng kamay sa akin.

“Anong gagawin ko riyan?” pagsusungit ko.

Bumuntong hininga siya at saka ako hinila patayo. Doon ko lamang din na-realize ang pagbabago ng tugtog.

Hinila niya ako hanggang sa gitna. May mangilan-ngilan ding bisita ang nagsipuntahan sa gitna para magsayaw.

“I hope you didn't forget that this is our engagement party.”

Masuyo ang tugtugin. I know this song. Bed of roses by Bon Jovi.

Nakatitig lamang kami sa mga mata ng isa’t-isa habang umiindayog sa tugtog. Hindi na ako nagreklamo o tumakbo pa. Beside, my goal here is to make sure there's a wedding. I am here as Mortishia.

Hindi ko natagalan ang pagtitig sa mga mata niya at ako na ang unang umiwas. Hindi ko inaasahan ang ginawang niyang pagsandal ng kaniyang noo sa balikat ko. I saw the eyes of envy among the girls that is currently watching us.

“You’re different.” Kaagad akong natigilan. “I don’t know but you're different today, Mortishia,” pagpapatuloy niya.

Hindi ko mahanap ang sasabihin pero pinilit ko upang hindi mabisto. “A-Ano bang sinasabi mo?”

“The way you talk, your aura especially your scent. It reminds me something.”

Ang kilay ko ay umarko. Unti-unting namuo ang inis sa sistema ko. “I remind you of what?” matigas kong pagtatanong.

“I don't know . . . ” mahina niyang sagot.

Lumayo ako sa kaniya. Naramdaman niya iyon kaya naman napatunghay siya. Pilit niyang hinuhuli ang paningin ko ngunit naging mailap iyon.

“K-Kailangan ko nang umuwi.”

Hindi ko na hinintay pa ang magiging sagot niya at tumalikod na. It’s a good thing na hindi naman na siya humabol pa.

“What is wrong with me. Hindi ako makapaniwalang umasa ako na maaalala niya ’ko bilang si Mortala,” bulong ko sa sarili nang tuluyang makalabas sa venue.

Inis kong hinubad ang heels na suot at nilakad ang pababa sa ground floor kung saan naroon ang parking lot.

“Ma’am? Tapos na ho ang event?”

Iyan ang bungad sa akin ng driver ni Michelle nang marating ko ang kotseng sinakyan namin kanina. “A-Ahh, yeah. Let’s go back.”

Paniguradong pagagalitan ako ni Michelle sapagkat iniwan ko ito. Wala na akong pake pa, gusto ko na lamang umuwi at matulog.

Isinandal ko ang ulo sa bintana nang makapasok sa kotse. Hindi pa rin maalis sa isip ko ang mga sinabi ng fiancé ni Mortishia kanina.

I refuse to call him Logan. Logan was just once part of my silly dream. Isang gabing pagkakamali lamang ang mayroon kami six years ago. Ngayong gabi ay nakita ko ang tunay na pagkatao niya. He’s one cunningman, good at playing with people.

“Hindi ko alam kung anong relasyon ang meron sila ni Mortishia, pero ngayon ay nasabi kong hindi ko nga talaga siya kilala.” Napabuntong hininga ako at saka pinunasan ang gilid ng mata ko. “I am just one of the hundred girls that passes on his palm. Sinabi niya iyon dati sa akin, hindi malabong pati si Mortishia ay ganoon din.”

***

Napabalikwas ako nang bangon. Isang malalakas na katok ang nagpagising sa sistema ko.

“Mortala! Come out!”

Pumupungas pungas akong bumangon nang marinig ang malakas na sigaw ni Michelle sa likuran ng pinto. Bumungad sa akin ang repleksyon ko sa salamin na siyang nakatayo sa tabi ng kama.

Tiningnan ko ang sarili roon. Nakasuot lamang ako nang maluwag na t-shirt at isang asul na penguin shorts. Ito lamang ang dala kong damit dito sa Casa.

Inilibot ko ang paningin sa buong kwarto, hindi pinapansin ang nagsisisigaw na si Michelle. Umaga na. “I quite missed this room.”

Lumipas ang ilang sandali ay napansin kong huminto na ang pagkatok ni Michelle sa pintuan. Tumayo na ako at lumapit doon para buksan. Bumungad siya sa akin na may hawak nang malaking vase, tila ay nagbabalak na sirain ang door knob.

“Mas mahal ang pagpapayos niyan kung sisirain mo. Hindi ba’t mahal din ang bili mo sa pasong ’yan.”

Galit siyang napahiyaw dahil sa sinabi ko. Bago pa man niya ako maabot ay nilampasan ko na siya.

“Bumalik ka rito!” hiyaw pa niya ngunit narating ko na ang hagdan.

“Tell them that we’re not accepting anyone. We won't be stating anything. Pauwiin niyo silang lahat.”

Ang paa kong humahakbang sa bawat baitang ng hagdanan ay nahinto. Kaagad na umangat ang dalawang sulok ng bibig ko, naging mabilis ang paghakbang ko at halos manakbo na ako para tunguhin ang may-ari ng boses na iyon.

“Papa!”

Nakita kong natigilan ito at dahan-dahang ibinaba ang hawak na cellphone. “Mortishia?”

Naningkit ang mga mata niya at inayos pa ang salamin para mas malinaw akong makita. “No! Of course, it's you my Tally!”

Wala akong sinayang na oras at nanakbo at yumakap sa kaniya. He’s Philip Gustavo, ang may-ari ng Casa De Gustavo’s at ang asawa ni Michelle. Ang nagiisang taong kakampi ko rito sa mansion. Siya ang nagpalaki sa aming dalawa ni Mortishia.

“You came back, anak. I know you would comeback! Sinagot ng panginoon ang panalangin ko!”

Hinaplos haplos niya ang buhok ko at ginulo iyon gaya ng palagi niyang ginagawa noon.

“Could you please stop with your drama? May problema sa labas hindi ba?” pagsingit ni Michelle na ngayon ay pababa na sa hagdan.

As much as I would want to talk with papa about my daughter Mory. Kinailangan ko ng bumitaw sa kaniya lalo pa nang may malakas na paglagabog sa pintuan ang nagpagulat sa akin.

Sa salaming bahagi sa gilid ng pintuan ay sumilip ang isang babaeng nakauniporme at id. “Mortishia Gustavo, ano hong masasabi niyo sa alegasyon na kayo daw ay gold digger at pineperahan lamang ang mga Adejer.”

“Tunay bang pabagsak na ang kumpanya niyo?”

“Tatlo na ba talaga ang anak niyo sa iba’t-ibang ama? Anong masasabi niyo sa issue na pinikot niyo lamang ang binatang Adejer?”

Iyan at iba pang mga tanong ang narinig sa labas. Ang ilan sa kanila ay nagtutulakan na at sinusubukang pumasok.

“Don’t listen to them, anak. Halina doon tayo sa likod.”

Nagtataka akong napatingin kay Michelle nang malakas itong tumawa. “This media really knows how to make me annoyed. Mabuti na lamang at nakapag-plano na ako bago pa ito mangyari.”

Tinaasan ko siya ng kilay nang hilahin niya ako sa braso. “Come, we'll go to Adejer.”

Iwinaksi ko ang kamay niya. “Why would I go there?”

“Of course you would. We’ll technically it is Mortishia. Hindi na rin naman maiiwasan after the wedding.”

“What are you talking about?”

Dinuro niya ang noo ko. Nalaglag ang panga ko sa naging sagot niya.

“I’m saying that I told Cadrus na hanggang sa mairaos ang kasal . . . ay doon ka na titira.”

Fuck.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status