Kilala si Anna Zamora dahil sa kaniyang Ama na tumatakbo bilang mayor sa kanilang bayan. Hindi naging madali para sa kaniya ang popularidad na ito. Ganoon pa man ay mas pinili niya pa rin na mamuhay ng simple lang. Nakilala niya si Daniel Fortez na noon ay nagtatrabaho sa kanila. Sa araw-araw na nagsasalamuha sila ay hindi niya maiwasan na mapalapit dito. Ngunit siguradong hindi papayag ang kaniyang mga magulang na umibig siya rito. Isang aksidente ang nangyari sa magulang ni Anna. Dahil sa pangyayaring iyon ay nagpakalayo siya para na rin sa kaligtasan niya. Ilang taon ang nakalilipas nang muling maglandas ang mundo nila Anna at Daniel ngunit malaki na ang pinagbago ng binata dahil hindi na lamang ito pangkaraniwang tao, he's now a Billionaire.
view moreNapabuntonghininga si Anna at naglakad na siya papunta sa gate nila. May tama rin naman kasi ang sinabi ni Daniel. Para matapos na rin.Nakakailang hakbang pa lang siya nang natisod siya kaya na-out of balance ang kaniyang katawan ang napaupo siya sa sementadong sahig."Ouch," daing niya."Ma'am!" Agad siyang pinuntahan ni Daniel at tinulungan siyang makatayo.Nang nakatayo na siya ay agad na inalis ni Daniel ang water host, doon kasi siya natisod. "Ayos ka lang ba? Pasensya na 'di ko naligpit agad.""Ayos lang, kasalanan ko naman hindi ko kasi nakita."Tinalikuran na niya si Daniel kahit medj paika-ika siya kung maglakad.Nanlaki ang mga mata ni Anna nang bigla siyang binuhay ni Daniel na parang bagong kasal. "Anong ginagawa mo?!" tanong niya."Binubuhat ka, ipapasok na kita sa loob. Ako na bahala roon da boyfriend mo," seryoso nitong sabi habang buhat-buhat siya."Hindi ko nga boyfriend 'yon! Kulit mo."Hindi na nagsalita si Daniel, ibinaba niya si Anna sa terrace ng kanilang baha
Hindi na tumuloy sina Anna sa river na pupuntahan sana nila dahil sinabihan sila na delikado na raw doon may nakapaskil nga roon na 'do not enter'. Naisipan na lamang nila na bumalik sa bahay nina Anna."Ano ba 'yan, napagod lang tayo," busangot na sabi ni Rafael."Hindi naman kasi natin alam na bawal na pala roon." Si Clarisa.Tumabi sila sa gilid ng daan dahil may dumadaang isang kotse. Nagkatinginan sina Anna nang tumigil ito sa tabi nila at bumakas ang bintana sa driver's seat."Hey, good morning!"Pilit na ngumiti si Anna nang makita kung sino ito, "good morning.""Si Brando pala 'to e! Pre, pasakay naman." Natawa si Brando sa sinabi ni Rafael.Si Brando ay ang matagal ng may gusto kay Anna. Mula pagkabata ay magkakilala na sila dahil magka-sosyo sa negosyo ang mga magulang nila. Ang tatay ni Brando ay tumatakbo ito sa pagka-Vice mayor, kasama ang daddy ni Anna."Sure, no problem. Sumakay na kayo."Napairap si Anna dahil agad na nakasakay si Rafael. Sumunod na lamang sila ni Cla
Pagkauwi ni Anna sa kanilang bahay ay natigil siya sa hamba ng front door nila. Nakita niya kasing ang Daddy nito sa sala at nakade-kwatrong nakaupo. Binati niya ito at nagmano, papasok na sana siya sa loob ng kuwarto niya nang biglang magsalit ang Daddy niya."Kumusta ang pag-aaral mo? Hindi na tayo gaanong nagkakausap, anak ko." Tumingin si Anna sa kaniyang Daddy."Maayos naman po.""Hindi ka naman ba nahihirapan? Kung may kailangan ka sabihin mo lang sa akin.""Hindi naman po, Dad. Kayo po? Kumusta po kayo?""Ganoon pa rin, anak. Busy, lalo na't nalalapit na ang eleksiyon.""Pahinga din po kayo, huwag niyo pong ituon lahat ng atensyon niyo sa mga bagay na panlupa lamang, Dad. Goodluck po! Suportado ka po namin ni Mommy.""Maraming salamat, anak."Nakahinga ng maluwag si Anna nang makapasok na siya sa kaniyang kuwarto. Kahit mabait kasi ang Daddy niya ay mataas pa rin ang tingin nito sa kaniya. Respetado at kagalang-galang ito sa publiko kaya ganoon na lamang ang nararamdaman ni An
"M-May kailangan ka?" Hindi maiwasan ni Anna na bahagyang mautal dahil nararamdaman na naman niya ang pagbilis ng tibok ng puso niya.Bakit niya ito nararamdaman? Hindi niya rin alam."Gusto ko lang po humingi ng pasensya sa nangyari po kanina. Pasensya na po," sabi ni Daniel habang nakatingin sa baba."Wala 'yon. Ayos lang sa akin saka huwag ka ngang mag-po sa akin. For sure, matanda ka pa sakin.""Maraming salamat."Aalis na sana si Daniel nang biglang dumating ang Ina ni Anna."Anong meron?" tanong nito kay Anna."Magandang hapon po, ma'am." Nabaling ang tingin nito sa binata, "Magandang hapon din, may kailangan ka ba?""Wala naman po, mauuna na po ako." Tumango ang Ina ni Anna at ang binata ay muling tiningnan si Anna at umalis na.Nang makaalis na ang binata ay nagsalita si Anna."May magulang pa po ba siya?" tanong nito sa kaniyang Ina."Si Daniel ay simula bata ay ulila na siya. Ayaw ko ngang magtrabaho ang batang 'yon sa atin kasi gusto ko mag-focus na lamang siya sa pag-aara
Habang pababa nang hagdan si Anna ay napukaw ang tingin niya sa isang binata na kausap ang kaniyang Ina. Ang pananamit nito ay parang sa magsasaka at ang suot nitong pantalon ay may kalumaan na. Ipinagwalang bahala na lamang ni Anna ito, siguro ay namamasukan ito sa kanila."Magandang umaga po!" bati ni Anna sa kaniyang Ina nang makaalis na yung binata na kausap nito."Magandang umaga rin, Anna! Halika ka na sa dinning area at kumain na tayo bago ka pumasok sa school." Tumango si Anna sa sinabi nang kaniyang Ina at sabay na silang pumunta sa dinning area para kumain.Hindi rin nagtagal si Anna sa kaniyang pagkain dahil papasok pa siya sa school."Mauuna na po ako," sabi ni Anna sa kaniyang Ina."Mag-ingat ka, anak." Hinalikan ni Anna ang kaniyang Ina sa pisngi at pagkatapos ay umalis na siya.Nakasakay na siya sa loob ng kotse nila at palabas na ng gate nang makita niya ulit ang binata. Nakatayo ito at tila may hinihintay hindi na nakita ni Anna ang sumunod na pangyayari dahil bumili
Habang pababa nang hagdan si Anna ay napukaw ang tingin niya sa isang binata na kausap ang kaniyang Ina. Ang pananamit nito ay parang sa magsasaka at ang suot nitong pantalon ay may kalumaan na. Ipinagwalang bahala na lamang ni Anna ito, siguro ay namamasukan ito sa kanila."Magandang umaga po!" bati ni Anna sa kaniyang Ina nang makaalis na yung binata na kausap nito."Magandang umaga rin, Anna! Halika ka na sa dinning area at kumain na tayo bago ka pumasok sa school." Tumango si Anna sa sinabi nang kaniyang Ina at sabay na silang pumunta sa dinning area para kumain.Hindi rin nagtagal si Anna sa kaniyang pagkain dahil papasok pa siya sa school."Mauuna na po ako," sabi ni Anna sa kaniyang Ina."Mag-ingat ka, anak." Hinalikan ni Anna ang kaniyang Ina sa pisngi at pagkatapos ay umalis na siya.Nakasakay na siya sa loob ng kotse nila at palabas na ng gate nang makita niya ulit ang binata. Nakatayo ito at tila may hinihintay hindi na nakita ni Anna ang sumunod na pangyayari dahil bumili...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments