Share

The Billionaire's Weakness
The Billionaire's Weakness
Author: ultimategel

Chapter 1

Author: ultimategel
last update Last Updated: 2022-12-23 23:30:23

Habang pababa nang hagdan si Anna ay napukaw ang tingin niya sa isang binata na kausap ang kaniyang Ina. Ang pananamit nito ay parang sa magsasaka at ang suot nitong pantalon ay may kalumaan na. Ipinagwalang bahala na lamang ni Anna ito, siguro ay namamasukan ito sa kanila.

"Magandang umaga po!" bati ni Anna sa kaniyang Ina nang makaalis na yung binata na kausap nito.

"Magandang umaga rin, Anna! Halika ka na sa dinning area at kumain na tayo bago ka pumasok sa school."

Tumango si Anna sa sinabi nang kaniyang Ina at sabay na silang pumunta sa dinning area para kumain.

Hindi rin nagtagal si Anna sa kaniyang pagkain dahil papasok pa siya sa school.

"Mauuna na po ako," sabi ni Anna sa kaniyang Ina.

"Mag-ingat ka, anak." Hinalikan ni Anna ang kaniyang Ina sa pisngi at pagkatapos ay umalis na siya.

Nakasakay na siya sa loob ng kotse nila at palabas na ng gate nang makita niya ulit ang binata. Nakatayo ito at tila may hinihintay hindi na nakita ni Anna ang sumunod na pangyayari dahil bumilis na ang takbo nang sasakyan.

Nasa isang taon na sa kolehiyo si Anna, ilang buwan na lang ay magtatapos na siya sa kursong marketing. Nais niyang magkaroon ng business pagkatapos niyang mag-aral.

Tumigil ang sasakyan sa harapan ng school at bumaba na si Anna. Habang papasok siya sa loob ng kanilang school ay tila nakaramdam siya agad ng lungkot. Wala kasi siyang kaibigan at hindi rin siya friendly kaya siguro ganon.

Nasasanay na lamang din siya na maging mag-isa. Basta ang mahalaga sa kaniya ay ang makapagtapos siya ng kaniyang pag-aaral.

Napatingin si Anna nang may biglang bumangga sa balikat niya mabuti na lamang at naging alerto siya dahilan para hindi siya matumba.

"Pasensya na po," ani ng binata. Tiningnan ito ni Anna at napakunot ang noo niya nang napagtanto niyang siya yung binata kanina.

Yung suot na pantalon niya kanina ay ganoin pa rin maliban sa pantaas niya kulay itim na t-shirt ang suot nito. Ang kaniyang buhok ay medyo magulo at katamtaman lang ang haba nito. Ang kaniyang pagmumukha ay parang sa mga Pinoy na artista, ang kulay ng kaniyang balat ay kayumanggi dahil na rin siguro sa pagtatrabaho nito. Masasabi ni Anna na may itsura ito at simple lamang ngunit ano ang ginagawa nito sa paaralan nila?

"Ayos lang," sabi ni Anna at nagsimula na ulit siyang maglakad natigil lang siya nang maramdaman niyang sumusunod ito sa kaniya.

Humarap siya sa binata. "May kailangan ka pa ba?"

"Wala naman po, nagkataon lang po na pareho ang daan na pupuntahin natin. Huwag mo pong iisipin na sinusundan ko po kayo. Mali po kayo."

Dahil sa tinuran nang binata ay parang nakaramdam ng inis si Anna dahil para sa kaniya ang dating nito ay arogante.

"Okay, ang dami mo namang sinabi." Hindi maiwasan na umirap si Anna sa binata.

Mataman lang na nakatingin ang binata sa kaniya na tila ba pinagmamasdan lamang siya.

Hindi na pinansin ni Anna ang binatang 'yon at dumiretso na lamang siya sa kanilang silid aralan. Pagkapasok niya ay nakita niyang naglalakad ang binata, hindi maiwasan ni Anna na tumitig dito.

Natapos ang klasi nila at nasa labas na ng paaralan nila si Anna at hinihintay nito ang kaniyang sundo. Habang naghihintay siya sa waiting shed ay nag-cellphone ito.

Natigil siya sa pag-cellphone nang may tumigil na sasakyan sa harapan niya. Nakita niyang ito na ang kaniyang sundo kaya sumakay na siya roon. Biglang sumagi sa kaniyang isipan ang binata kanina, hindi niya alam kung bakit lagi niya itong naiisip wala namang kakaiba sa kaniya.

Nang makauwi na siya ay nagpahinga muna siya sa kanilang terrace at pinagmasdan niya ang kabuuan ng kanilang garden. Napakaganda nito at maraming mga bulaklak na namukadkad na kaya mas lalong magandang tingnan dahil sa makukulay ang mga ito.

Napatayo sa gulat si Anna nang may marinig siyang malalakas na hampas sa kanilang gate at isang malakas na sigaw.

"Ilabas niyo ang Apo!" rinig niya nang unti-unti siyang lumapit sa kanilang gate.

"Ma'am, huwag na po kayong lumapit. Ilang araw na rin pong nangugulo 'yan. Kinausap na rin po ni madama 'yan kaso po ayaw po talagang tumigil," paliwanag sa kaniya nung guard pero wala na siyang pakialam. Kung nakausap na bakit ayaw pa rin nitong tumigil?

Binuksan ni Anna ang gate at lumabas para tingnan kung sino ito. Isang babaeng matanda at galit na galit. Biglang nakaramdam ng kaba si Anna sa pagkakataong iyon.

"Magandang—" hindi pa man natatapos magsalita si Anna nung pinutol iyon nang babaeng matanda.

"Ikaw! Nasaan ang apo ko?"

"Sino po ba ang apo niyo?"

"Nandito siya sa loob!" Turo niya sa gate. "Ilabas niyo siya!"

Marahang bumuntonghininga si Anna at akmang magsasalita nang dumating ang binata.

"Lola! Ano pong ginagawa niyo rito?" Napatingin sa kaniya ang matandang babae at agad na nilapitan ang binata.

Siya ang apo niya?

Tumingin ang binata sa kaniya. "Pasensya na, uuwi na kami." Tumango na lamang si Anna at pinagmasdan ang dalawa na naglalakad papalayo sa kaniya.

Baka dahil ganoon ang kaniyang Lola ay dahil na rin sa katandaan.

Dahil sa kuryoso ni Anna ay nagtanong siya sa isang guard na malapit sa gate.

"Manong, anong pangalan nung lalaki?"

"Si Daniel po, Ma'am."

"Nagtatrabaho ba siya samin?"

"Opo, hardinero po."

Napatango-tango na lamang si Anna. " Sige po, salamat."

Pumasok na sa loob si Anna at nagtungo siya sa kaniyang kwarto para magbihis. Nang nakapagbihis na siya ay humiga muna siya sa kama niya. Wala pang ilang minuto na nakahiga siya ay may kumatok sa pintuan ng kwarto niya.

"Ma'am, may naghahanap po sa inyo sa baba."

Napakunot ang noo ni Anna dahil sa narinig niya. Sino naman kaya? Wala ang kaniyang mga magulang dahil busy ang mga ito dahil mangangampanya ang kaniyang Ama. Para malaman kung sino ang naghahanap sa kaniya ay bumaba na lamang siya para tingnan kung sino 'yon.

Pagkababa niya ay agad niyang tiningnan kung sino ang nasa labas. May kakaiba siyang naramdaman nang makitang si Daniel ito. Pakiramdam na tila ngayon niya lang naramdaman.

Related chapters

  • The Billionaire's Weakness    Chapter 2

    "M-May kailangan ka?" Hindi maiwasan ni Anna na bahagyang mautal dahil nararamdaman na naman niya ang pagbilis ng tibok ng puso niya.Bakit niya ito nararamdaman? Hindi niya rin alam."Gusto ko lang po humingi ng pasensya sa nangyari po kanina. Pasensya na po," sabi ni Daniel habang nakatingin sa baba."Wala 'yon. Ayos lang sa akin saka huwag ka ngang mag-po sa akin. For sure, matanda ka pa sakin.""Maraming salamat."Aalis na sana si Daniel nang biglang dumating ang Ina ni Anna."Anong meron?" tanong nito kay Anna."Magandang hapon po, ma'am." Nabaling ang tingin nito sa binata, "Magandang hapon din, may kailangan ka ba?""Wala naman po, mauuna na po ako." Tumango ang Ina ni Anna at ang binata ay muling tiningnan si Anna at umalis na.Nang makaalis na ang binata ay nagsalita si Anna."May magulang pa po ba siya?" tanong nito sa kaniyang Ina."Si Daniel ay simula bata ay ulila na siya. Ayaw ko ngang magtrabaho ang batang 'yon sa atin kasi gusto ko mag-focus na lamang siya sa pag-aara

    Last Updated : 2023-01-16
  • The Billionaire's Weakness    Chapter 3

    Pagkauwi ni Anna sa kanilang bahay ay natigil siya sa hamba ng front door nila. Nakita niya kasing ang Daddy nito sa sala at nakade-kwatrong nakaupo. Binati niya ito at nagmano, papasok na sana siya sa loob ng kuwarto niya nang biglang magsalit ang Daddy niya."Kumusta ang pag-aaral mo? Hindi na tayo gaanong nagkakausap, anak ko." Tumingin si Anna sa kaniyang Daddy."Maayos naman po.""Hindi ka naman ba nahihirapan? Kung may kailangan ka sabihin mo lang sa akin.""Hindi naman po, Dad. Kayo po? Kumusta po kayo?""Ganoon pa rin, anak. Busy, lalo na't nalalapit na ang eleksiyon.""Pahinga din po kayo, huwag niyo pong ituon lahat ng atensyon niyo sa mga bagay na panlupa lamang, Dad. Goodluck po! Suportado ka po namin ni Mommy.""Maraming salamat, anak."Nakahinga ng maluwag si Anna nang makapasok na siya sa kaniyang kuwarto. Kahit mabait kasi ang Daddy niya ay mataas pa rin ang tingin nito sa kaniya. Respetado at kagalang-galang ito sa publiko kaya ganoon na lamang ang nararamdaman ni An

    Last Updated : 2023-01-19
  • The Billionaire's Weakness    Chapter 4

    Hindi na tumuloy sina Anna sa river na pupuntahan sana nila dahil sinabihan sila na delikado na raw doon may nakapaskil nga roon na 'do not enter'. Naisipan na lamang nila na bumalik sa bahay nina Anna."Ano ba 'yan, napagod lang tayo," busangot na sabi ni Rafael."Hindi naman kasi natin alam na bawal na pala roon." Si Clarisa.Tumabi sila sa gilid ng daan dahil may dumadaang isang kotse. Nagkatinginan sina Anna nang tumigil ito sa tabi nila at bumakas ang bintana sa driver's seat."Hey, good morning!"Pilit na ngumiti si Anna nang makita kung sino ito, "good morning.""Si Brando pala 'to e! Pre, pasakay naman." Natawa si Brando sa sinabi ni Rafael.Si Brando ay ang matagal ng may gusto kay Anna. Mula pagkabata ay magkakilala na sila dahil magka-sosyo sa negosyo ang mga magulang nila. Ang tatay ni Brando ay tumatakbo ito sa pagka-Vice mayor, kasama ang daddy ni Anna."Sure, no problem. Sumakay na kayo."Napairap si Anna dahil agad na nakasakay si Rafael. Sumunod na lamang sila ni Cla

    Last Updated : 2023-01-26
  • The Billionaire's Weakness    Chapter 5

    Napabuntonghininga si Anna at naglakad na siya papunta sa gate nila. May tama rin naman kasi ang sinabi ni Daniel. Para matapos na rin.Nakakailang hakbang pa lang siya nang natisod siya kaya na-out of balance ang kaniyang katawan ang napaupo siya sa sementadong sahig."Ouch," daing niya."Ma'am!" Agad siyang pinuntahan ni Daniel at tinulungan siyang makatayo.Nang nakatayo na siya ay agad na inalis ni Daniel ang water host, doon kasi siya natisod. "Ayos ka lang ba? Pasensya na 'di ko naligpit agad.""Ayos lang, kasalanan ko naman hindi ko kasi nakita."Tinalikuran na niya si Daniel kahit medj paika-ika siya kung maglakad.Nanlaki ang mga mata ni Anna nang bigla siyang binuhay ni Daniel na parang bagong kasal. "Anong ginagawa mo?!" tanong niya."Binubuhat ka, ipapasok na kita sa loob. Ako na bahala roon da boyfriend mo," seryoso nitong sabi habang buhat-buhat siya."Hindi ko nga boyfriend 'yon! Kulit mo."Hindi na nagsalita si Daniel, ibinaba niya si Anna sa terrace ng kanilang baha

    Last Updated : 2023-01-29

Latest chapter

  • The Billionaire's Weakness    Chapter 1

    Habang pababa nang hagdan si Anna ay napukaw ang tingin niya sa isang binata na kausap ang kaniyang Ina. Ang pananamit nito ay parang sa magsasaka at ang suot nitong pantalon ay may kalumaan na. Ipinagwalang bahala na lamang ni Anna ito, siguro ay namamasukan ito sa kanila."Magandang umaga po!" bati ni Anna sa kaniyang Ina nang makaalis na yung binata na kausap nito."Magandang umaga rin, Anna! Halika ka na sa dinning area at kumain na tayo bago ka pumasok sa school." Tumango si Anna sa sinabi nang kaniyang Ina at sabay na silang pumunta sa dinning area para kumain.Hindi rin nagtagal si Anna sa kaniyang pagkain dahil papasok pa siya sa school."Mauuna na po ako," sabi ni Anna sa kaniyang Ina."Mag-ingat ka, anak." Hinalikan ni Anna ang kaniyang Ina sa pisngi at pagkatapos ay umalis na siya.Nakasakay na siya sa loob ng kotse nila at palabas na ng gate nang makita niya ulit ang binata. Nakatayo ito at tila may hinihintay hindi na nakita ni Anna ang sumunod na pangyayari dahil bumili

DMCA.com Protection Status