Share

Chapter 4

Author: ultimategel
last update Huling Na-update: 2023-01-26 21:14:15

Hindi na tumuloy sina Anna sa river na pupuntahan sana nila dahil sinabihan sila na delikado na raw doon may nakapaskil nga roon na 'do not enter'. 

Naisipan na lamang nila na bumalik sa bahay nina Anna.

"Ano ba 'yan, napagod lang tayo," busangot na sabi ni Rafael.

"Hindi naman kasi natin alam na bawal na pala roon." Si Clarisa.

Tumabi sila sa gilid ng daan dahil may dumadaang isang kotse. Nagkatinginan sina Anna nang tumigil ito sa tabi nila at bumakas ang bintana sa driver's seat.

"Hey, good morning!"

Pilit na ngumiti si Anna nang makita kung sino ito, "good morning."

"Si Brando pala 'to e! Pre, pasakay naman." Natawa si Brando sa sinabi ni Rafael.

Si Brando ay ang matagal ng may gusto kay Anna. Mula pagkabata ay magkakilala na sila dahil magka-sosyo sa negosyo ang mga magulang nila. Ang tatay ni Brando ay tumatakbo ito sa pagka-Vice mayor, kasama ang daddy ni Anna.

"Sure, no problem. Sumakay na kayo."

Napairap si Anna dahil agad na nakasakay si Rafael. Sumunod na lamang sila ni Clarisa.

"Dito ka na sa harapan, Anna," sabi ni Brando nung akmang sasakay din siya sa backseat.

Dahil ayaw niyang makipag-away pa, sumunod na lamang siya. Hindi niya alam kung bakit naparito ang binata, sa pagkakaalam kasi niya ay nasa Manila ito.

Isa siyang freelancing model at the same time civil engineering student. Ayaw nito sa business at politics. Mabuti na lang at hindi siya ang panganay sa kanila kung hindi ay mapipilitan talaga siyang pag-aralan ang hindi niya gusto. Si Brando ay isang magandang binata, almost perfect, mala-adonis. Pero hindi talaga siya gusto ni Anna. Masyadong mayabang ang tingin nito sa binata.

Walang nagsalita ni isa sa kanila hanggang sa makarating na sila sa bahay nina Anna.

"Thank you, pre!" at lumabas na si Rafael kasunod si Clarisa. Lalabas na rin sana si Anna nang pinigilan siya nito.

"I miss you," aniya.

"Papasok na ako sa loob," sabi ni Anna nang hindi man lang tumitingin kay Brando at lumabas na siya.

Hindi na muling tiningnan ni Anna ang sasakyan ng binata at tuloy-tuloy na siyang pumasok sa bahay nila. Bigla tuloy nawala ang mood niya.

Nanood na lamang sila sa sala ng bahay nila Anna at nagkwentuhan about sa school nila at iba pa. Kahit papaano ay nawawala ang inis niya na naramdaman niya kanina. Maggagabi na nang umuwi sina Clarisa at Rafael. 

Pumasok na siya sa kaniyang kuwarto at umupo sa kaniyang upuan doon sa study area niya. Binuksan niya ang kaniyang Laptop at nagsimulang pagtipa roon, ginagawa kasi niya ang kanilang report para next week. 

Sa kalagitnaan nang kaniyang pagtitipa sa kaniyang laptop ay may kumatok sa pintuan at bumukas ito.

"Anak, nagkita raw kayo ni Brando?" tanong ng kaniyang Ina.

"Opo," sabi niya habang ang tingin ay nasa screen pa rin ng laptop niya.

"Kumusta naman?"

"Maayos naman po."

Nang sabihin niya 'yon ay hindi na niya narinig na nagsalita ang kaniyang Ina kaya napatingin an siya rito. 

"May problema po ba?" tanong niya dahil nakatingin lamang ang kaniyang Ina sa kaniya.

Napangiti ang kaniyang Ina, ''wala naman, anak. Basta tandaan mo mahal na mahal ka namin at gusto ko rin na makitang may nagmamahal sayo."

"Bakit niyo naman po sinasabi 'yan?" Napatayo na si Anna dahil parang may kakaiba siyang nararamdaman.

"Kailan mo ba balak magka-boyfriend? Hindi naman kami mahigpit sayo ha."

"Ayoko pa po, sa ngayon pag-aaral na po muna ang aatupagin ko."

"Hay nako, baka tumanda kang dalaga niyan. Gusto ko pang magka-apo at makita kang masaya sa sarili mong pamilya."

"Bakit niyo po ba biglang sinasabi 'yan?"

Lumapit sa kaniya ang kaniyang Ina at bigla siya nitong niyakap.

"Matagal-tagal na tayong hindi naguusap patungkol diyan, lagi kaming busy. Pakiramdam ko wala akong kwentang Ina."

"Huwag mo pong sabihin 'yan. Mahal ko po kayo ni Daddy, naiintindihan ko po kayo."

Pagkatapos nang usapan nilang 'yon ay hindi mawala-wala sa isip ni Anna kung bakit biglang naging gano'n ang kaniyang Ina. Siguro normal lang 'yon. 

KINABUKASAN naisipan niyang basahin ang mga hiniram niyang libro sa library nung isa araw. Nakaupo siya sa terrace kung saan kita ang kabuuan ng kanilang bakuran. Nakita niya rin di Daniel na ginagawa ang trabaho niya. 

Habang nagbabasa si Anna ay may biglang lumapit sa kaniya, ang kanilang guard sa bahay.

"Ma'am, may naghahanap po sa inyo. Kilala mo raw po siya, si Sir Brando daw po ang pangalan." 

"Pakisabi wala ako sa bahay," aniya at tumango sa kaniya ang guard at umalis na.

Agad naman siyang tumayo at pumunta sa likuran ng kanilang bahay. Ayaw niyang makita si Brando ngayon, at ano naman kaya ang gusto nito kay Anna? 

"May pinagtataguan ka yata?" Napaigtad si Anna dahil sa biglang pagsulpot ni Daniel.

"W-Wala, ha! Gusto ko lang dito kasi 'di gaanong mainit." Dahilan ni Anna.

"Halata ka masyado, sino ba 'yon?"

"Hindi ko alam."

"Boyfriend mo?"

Napatingin si Anna kay Daniel at nakita nitong seryoso ang binata. Napaiwas siya agad ng tingin.

"Hindi."

"Sabagay, ang mayaman ay bagay lang sa mayaman din. Ang panget naman kung magsasama ang mahirap at mayaman." 

Napakunot ang noo ni Anna sa sinabi ni Daniel. Bakit niya sinasabi ang mga ganon? Ayaw ni Anna na umasa siya na may gusto ito sa kaniya. 

"Pero ang mahirap puwedeng maging mayaman at ang mayaman puwedeng maging mahirap. Walang permanente sa mundo kaya mas maganda talaga na simple lang ang pamumuhay mo."

"Aminin natin, mas maganda ang buhay kapag mayaman. Ayan ang reyalidad, sino bang may gusto na maging mahirap? Wala."

"Oo na, Daniel."

"Baka galit ka na niyan?"

"Hindi naman, matanong ko lang. Kaano-ano mo si Victoria? Yung kasama mo sa school."

"Bakit mo natanong?"

"Wala lang, baka kasi girlfriend mo 'yon."

Biglang natawa si Daniel dahil sa sinabi ni Anna, tila parang may nakakatawa sa sinambit ng dalaga.

Sabay na napatingin sina Daniel at Anna sa guard na kadarating lang. Problemado ang kaniyang pagmumukha.

"Ano po 'yon?"

"Ma'am, ayaw po talaga umalis. Hihintayin ka raw po niya."

Hindi na alam ni Anna ang kaniyang gagawin. 

"Mas mabuting harapin mo na siya kaysa naman nagtatago ka," sabi sa kaniya ni Daniel at tinalikuran na siya.

"Hindi ako nagtatago!" Sigaw niya ngunit hindi na lumingon pa ang binata at pinagpatuloy na lamang niya ang kaniyang trabaho.

Kaugnay na kabanata

  • The Billionaire's Weakness    Chapter 5

    Napabuntonghininga si Anna at naglakad na siya papunta sa gate nila. May tama rin naman kasi ang sinabi ni Daniel. Para matapos na rin.Nakakailang hakbang pa lang siya nang natisod siya kaya na-out of balance ang kaniyang katawan ang napaupo siya sa sementadong sahig."Ouch," daing niya."Ma'am!" Agad siyang pinuntahan ni Daniel at tinulungan siyang makatayo.Nang nakatayo na siya ay agad na inalis ni Daniel ang water host, doon kasi siya natisod. "Ayos ka lang ba? Pasensya na 'di ko naligpit agad.""Ayos lang, kasalanan ko naman hindi ko kasi nakita."Tinalikuran na niya si Daniel kahit medj paika-ika siya kung maglakad.Nanlaki ang mga mata ni Anna nang bigla siyang binuhay ni Daniel na parang bagong kasal. "Anong ginagawa mo?!" tanong niya."Binubuhat ka, ipapasok na kita sa loob. Ako na bahala roon da boyfriend mo," seryoso nitong sabi habang buhat-buhat siya."Hindi ko nga boyfriend 'yon! Kulit mo."Hindi na nagsalita si Daniel, ibinaba niya si Anna sa terrace ng kanilang baha

    Huling Na-update : 2023-01-29
  • The Billionaire's Weakness    Chapter 1

    Habang pababa nang hagdan si Anna ay napukaw ang tingin niya sa isang binata na kausap ang kaniyang Ina. Ang pananamit nito ay parang sa magsasaka at ang suot nitong pantalon ay may kalumaan na. Ipinagwalang bahala na lamang ni Anna ito, siguro ay namamasukan ito sa kanila."Magandang umaga po!" bati ni Anna sa kaniyang Ina nang makaalis na yung binata na kausap nito."Magandang umaga rin, Anna! Halika ka na sa dinning area at kumain na tayo bago ka pumasok sa school." Tumango si Anna sa sinabi nang kaniyang Ina at sabay na silang pumunta sa dinning area para kumain.Hindi rin nagtagal si Anna sa kaniyang pagkain dahil papasok pa siya sa school."Mauuna na po ako," sabi ni Anna sa kaniyang Ina."Mag-ingat ka, anak." Hinalikan ni Anna ang kaniyang Ina sa pisngi at pagkatapos ay umalis na siya.Nakasakay na siya sa loob ng kotse nila at palabas na ng gate nang makita niya ulit ang binata. Nakatayo ito at tila may hinihintay hindi na nakita ni Anna ang sumunod na pangyayari dahil bumili

    Huling Na-update : 2022-12-23
  • The Billionaire's Weakness    Chapter 2

    "M-May kailangan ka?" Hindi maiwasan ni Anna na bahagyang mautal dahil nararamdaman na naman niya ang pagbilis ng tibok ng puso niya.Bakit niya ito nararamdaman? Hindi niya rin alam."Gusto ko lang po humingi ng pasensya sa nangyari po kanina. Pasensya na po," sabi ni Daniel habang nakatingin sa baba."Wala 'yon. Ayos lang sa akin saka huwag ka ngang mag-po sa akin. For sure, matanda ka pa sakin.""Maraming salamat."Aalis na sana si Daniel nang biglang dumating ang Ina ni Anna."Anong meron?" tanong nito kay Anna."Magandang hapon po, ma'am." Nabaling ang tingin nito sa binata, "Magandang hapon din, may kailangan ka ba?""Wala naman po, mauuna na po ako." Tumango ang Ina ni Anna at ang binata ay muling tiningnan si Anna at umalis na.Nang makaalis na ang binata ay nagsalita si Anna."May magulang pa po ba siya?" tanong nito sa kaniyang Ina."Si Daniel ay simula bata ay ulila na siya. Ayaw ko ngang magtrabaho ang batang 'yon sa atin kasi gusto ko mag-focus na lamang siya sa pag-aara

    Huling Na-update : 2023-01-16
  • The Billionaire's Weakness    Chapter 3

    Pagkauwi ni Anna sa kanilang bahay ay natigil siya sa hamba ng front door nila. Nakita niya kasing ang Daddy nito sa sala at nakade-kwatrong nakaupo. Binati niya ito at nagmano, papasok na sana siya sa loob ng kuwarto niya nang biglang magsalit ang Daddy niya."Kumusta ang pag-aaral mo? Hindi na tayo gaanong nagkakausap, anak ko." Tumingin si Anna sa kaniyang Daddy."Maayos naman po.""Hindi ka naman ba nahihirapan? Kung may kailangan ka sabihin mo lang sa akin.""Hindi naman po, Dad. Kayo po? Kumusta po kayo?""Ganoon pa rin, anak. Busy, lalo na't nalalapit na ang eleksiyon.""Pahinga din po kayo, huwag niyo pong ituon lahat ng atensyon niyo sa mga bagay na panlupa lamang, Dad. Goodluck po! Suportado ka po namin ni Mommy.""Maraming salamat, anak."Nakahinga ng maluwag si Anna nang makapasok na siya sa kaniyang kuwarto. Kahit mabait kasi ang Daddy niya ay mataas pa rin ang tingin nito sa kaniya. Respetado at kagalang-galang ito sa publiko kaya ganoon na lamang ang nararamdaman ni An

    Huling Na-update : 2023-01-19

Pinakabagong kabanata

  • The Billionaire's Weakness    Chapter 5

    Napabuntonghininga si Anna at naglakad na siya papunta sa gate nila. May tama rin naman kasi ang sinabi ni Daniel. Para matapos na rin.Nakakailang hakbang pa lang siya nang natisod siya kaya na-out of balance ang kaniyang katawan ang napaupo siya sa sementadong sahig."Ouch," daing niya."Ma'am!" Agad siyang pinuntahan ni Daniel at tinulungan siyang makatayo.Nang nakatayo na siya ay agad na inalis ni Daniel ang water host, doon kasi siya natisod. "Ayos ka lang ba? Pasensya na 'di ko naligpit agad.""Ayos lang, kasalanan ko naman hindi ko kasi nakita."Tinalikuran na niya si Daniel kahit medj paika-ika siya kung maglakad.Nanlaki ang mga mata ni Anna nang bigla siyang binuhay ni Daniel na parang bagong kasal. "Anong ginagawa mo?!" tanong niya."Binubuhat ka, ipapasok na kita sa loob. Ako na bahala roon da boyfriend mo," seryoso nitong sabi habang buhat-buhat siya."Hindi ko nga boyfriend 'yon! Kulit mo."Hindi na nagsalita si Daniel, ibinaba niya si Anna sa terrace ng kanilang baha

  • The Billionaire's Weakness    Chapter 4

    Hindi na tumuloy sina Anna sa river na pupuntahan sana nila dahil sinabihan sila na delikado na raw doon may nakapaskil nga roon na 'do not enter'. Naisipan na lamang nila na bumalik sa bahay nina Anna."Ano ba 'yan, napagod lang tayo," busangot na sabi ni Rafael."Hindi naman kasi natin alam na bawal na pala roon." Si Clarisa.Tumabi sila sa gilid ng daan dahil may dumadaang isang kotse. Nagkatinginan sina Anna nang tumigil ito sa tabi nila at bumakas ang bintana sa driver's seat."Hey, good morning!"Pilit na ngumiti si Anna nang makita kung sino ito, "good morning.""Si Brando pala 'to e! Pre, pasakay naman." Natawa si Brando sa sinabi ni Rafael.Si Brando ay ang matagal ng may gusto kay Anna. Mula pagkabata ay magkakilala na sila dahil magka-sosyo sa negosyo ang mga magulang nila. Ang tatay ni Brando ay tumatakbo ito sa pagka-Vice mayor, kasama ang daddy ni Anna."Sure, no problem. Sumakay na kayo."Napairap si Anna dahil agad na nakasakay si Rafael. Sumunod na lamang sila ni Cla

  • The Billionaire's Weakness    Chapter 3

    Pagkauwi ni Anna sa kanilang bahay ay natigil siya sa hamba ng front door nila. Nakita niya kasing ang Daddy nito sa sala at nakade-kwatrong nakaupo. Binati niya ito at nagmano, papasok na sana siya sa loob ng kuwarto niya nang biglang magsalit ang Daddy niya."Kumusta ang pag-aaral mo? Hindi na tayo gaanong nagkakausap, anak ko." Tumingin si Anna sa kaniyang Daddy."Maayos naman po.""Hindi ka naman ba nahihirapan? Kung may kailangan ka sabihin mo lang sa akin.""Hindi naman po, Dad. Kayo po? Kumusta po kayo?""Ganoon pa rin, anak. Busy, lalo na't nalalapit na ang eleksiyon.""Pahinga din po kayo, huwag niyo pong ituon lahat ng atensyon niyo sa mga bagay na panlupa lamang, Dad. Goodluck po! Suportado ka po namin ni Mommy.""Maraming salamat, anak."Nakahinga ng maluwag si Anna nang makapasok na siya sa kaniyang kuwarto. Kahit mabait kasi ang Daddy niya ay mataas pa rin ang tingin nito sa kaniya. Respetado at kagalang-galang ito sa publiko kaya ganoon na lamang ang nararamdaman ni An

  • The Billionaire's Weakness    Chapter 2

    "M-May kailangan ka?" Hindi maiwasan ni Anna na bahagyang mautal dahil nararamdaman na naman niya ang pagbilis ng tibok ng puso niya.Bakit niya ito nararamdaman? Hindi niya rin alam."Gusto ko lang po humingi ng pasensya sa nangyari po kanina. Pasensya na po," sabi ni Daniel habang nakatingin sa baba."Wala 'yon. Ayos lang sa akin saka huwag ka ngang mag-po sa akin. For sure, matanda ka pa sakin.""Maraming salamat."Aalis na sana si Daniel nang biglang dumating ang Ina ni Anna."Anong meron?" tanong nito kay Anna."Magandang hapon po, ma'am." Nabaling ang tingin nito sa binata, "Magandang hapon din, may kailangan ka ba?""Wala naman po, mauuna na po ako." Tumango ang Ina ni Anna at ang binata ay muling tiningnan si Anna at umalis na.Nang makaalis na ang binata ay nagsalita si Anna."May magulang pa po ba siya?" tanong nito sa kaniyang Ina."Si Daniel ay simula bata ay ulila na siya. Ayaw ko ngang magtrabaho ang batang 'yon sa atin kasi gusto ko mag-focus na lamang siya sa pag-aara

  • The Billionaire's Weakness    Chapter 1

    Habang pababa nang hagdan si Anna ay napukaw ang tingin niya sa isang binata na kausap ang kaniyang Ina. Ang pananamit nito ay parang sa magsasaka at ang suot nitong pantalon ay may kalumaan na. Ipinagwalang bahala na lamang ni Anna ito, siguro ay namamasukan ito sa kanila."Magandang umaga po!" bati ni Anna sa kaniyang Ina nang makaalis na yung binata na kausap nito."Magandang umaga rin, Anna! Halika ka na sa dinning area at kumain na tayo bago ka pumasok sa school." Tumango si Anna sa sinabi nang kaniyang Ina at sabay na silang pumunta sa dinning area para kumain.Hindi rin nagtagal si Anna sa kaniyang pagkain dahil papasok pa siya sa school."Mauuna na po ako," sabi ni Anna sa kaniyang Ina."Mag-ingat ka, anak." Hinalikan ni Anna ang kaniyang Ina sa pisngi at pagkatapos ay umalis na siya.Nakasakay na siya sa loob ng kotse nila at palabas na ng gate nang makita niya ulit ang binata. Nakatayo ito at tila may hinihintay hindi na nakita ni Anna ang sumunod na pangyayari dahil bumili

DMCA.com Protection Status