Chapter: Chapter 30Hindi ko alam kung paano natapos ang araw na 'yon na narito si Jairus sa condo ko. Iniwan ko lang kasi siya sa sala at nagkulong lang ako sa kuwarto ko. Nagising ako dahil sa sikat ng araw. Napatingin ako sa alarm clock at nakita kong alas-otso na. Nakalimutan kong magset ng alarm pero ayos lang 'yon dahil wala naman akong gagawin ngayon. Bumangon na ako at lumabas na ako sa kuwarto. May parte sa akin na umaasa ako na narito pa rin siya. Bumagsak ang balikat ko nang wala akong makitang Jairus sa sala at sa kahit saang sulok nitong condo ko. Nalulungkot ako pero nung nandito siya para akong naiinis. Maayos pa ba ako? Kailangan ko na bang magpakonsulta? Naglakad na lang ako papunta sa kusina. Napakunot ang noo ko nang may nakahandang breakfast doon. May nakita akong isang note, kinuha ko 'yon at binasa. Good morning! Eat your breakfast before you go to work. Ily. Natigil ang pagbasa ko sa 'Ily' na nakalagay. Anong meaning nito? I love you? I lik
Last Updated: 2021-10-02
Chapter: Chapter 29Hindi ako pumasok sa bahay kung saan itinigil ni Jairus ang sasakyan ko. Nag-drive ako pauwi sa condo ko. Ayaw kong makita ako ni Mama o ni Teedy na umiyak ako.Buong gabi ay wala akong ginawa kung hindi ang alalahanin ang mga magandang nangyari sa aming dalawa hanggang sa dalawin ako ng antok.Kinabukasan ay hindi na ako nag-aksaya pa na maagang gumising dahil balak kong huwag na lang lumabas sa condo ko. Gusto kong magpaka-busy sa araw na ito pero napatampal ako sa noo ko nang mapagtanto kong nasa office ko pala yung laptop ko.Nagbihis ako at lumabas ako ng condo. Kukunin ko lang ang laptop, 'yon lang. Babalik din ako sa condo ko. Habang nag-da-drive ako ay nag-ring ang phone ko. Tumatawag si Teedy, sinagot ko ang tawag niya at ni-loud speaker ko ito."Ate! Nandito ngayon si Kuya Jairus, hindi ka ba pupunta rito?" tanong niya.Bahagya akong kinabahan dahil sa narinig ko. Pangalan lang niya ay may epekto na sa akin."Hindi ako pupunt
Last Updated: 2021-10-02
Chapter: Chapter 28Napasandal ako sa kinauupuan ko nang umalis na si Mr. Guevarra. Muli kong kinuha ang phone ko at tiningnan ang oras roon. Alas-dose na ng tanghali. Tumayo ako dahil nakaramdam ako ng gutom. Bago ako lumabas ay tiningnan ko kung saan ang address nung kompanya ni Jairus. Balak kong puntahan siya para makipag-usap nang maayos.Nagsearch din ako ng malapit na restaurant sa kompanya nila. Mabuti na lang at meron kahit fast food chain lang. Sumakay ulit ako sa sasakyan ko at pinaandar na ito. Hindi pa rin mawala-wala sa isipin ko ang mga titig ni Jairus, bumalik yung dati. Yung una ko siyang nakita gan'on, ganoon ang paraan ng titig niya kanina. Hindi ko alam kung bakit, wala naman talaga kaming pinag-awayan.Pagkatapos kong kumain ng lunch ay dumiretso na ako sa kompanya niya. Pagkapark ko sa parking lot ay lumabas agad ako. Napakunot ang noo ko dahil ang daming tao sa labas ng building. Anong meron? May audition bang nagaganap?Kahit na ganon ang sitwasyon ay
Last Updated: 2021-10-02
Chapter: Chapter 27Pagkapasok ko sa loob ng bahay ay agad na sumalubong sa akin si Teedy."Si Kuya Jairus—" pinatigil ko siya sa sasabihin niya.Pabagsak akong umupo sa sofa. Tumingin ako sa kaniya na nakatingin din sa akin na may pagtatanong."Huwag mong sabihin, nagkita na kayo?""Hindi," sabi ko at tumayo ako. "Pag-iisipan ko muna kung ano ang dapat kong gawin kapag nagkita kami.""Oh, okay."Nagpaalam ako sa kaniya na papasok na ako sa kuwarto ko. May sarili akong condo pero napili kong dito na muna ako matutulog ngayon. Agad akong nagpalit ng damit na pantulog at kinuha ko ang phone ko.Sinubukan kong hanapin sa internet ang pangalan niya at hindi naman ako nabigo. Mayroon itong isang malaking kompanya na kilala sa mundo ng showbiz. Ito siguro ang naiwang kompanya ng kaniyang Daddy. Ang kompanya niya ay isang talent search."Cloud Entertainment," pagkabasa ko sa pangalan ng kompanya.May mga sikat na band
Last Updated: 2021-10-01
Chapter: Chapter 26After ten years...Nakaupo ako ngayon sa office ko rito sa shop. Everything went smooth. I have my own business now. My business is any kinds of intruments. Si Teedy naman ay nasa college na ngayon habang si Gail naman ay nasa abroad for her modeling career.Inihiga ko ang ulo ko sa desk ko. Ginamit kong unan ang braso ko. Kumusta na kaya si Jairus? Wala na talaga kaming balita sa kaniya. Namimiss ko na talaga siya.Umayos ako ng pagkakaupo ko nang may kumatok sa pintuan nitong office room ko."Come in!" Sigaw ko at bumukas ang pintuan."Hello, my beautiful, Ate!" Si Teedy.Napataas ang isang kilay ko. "Anong kailangan mo?" tanong ko dahil masyado niyang ginandahan ang Ate niya."Nandito kasi yung friends ko. Tapos bibili raw sila kaya baka naman daw.""Anong baka naman?" Napakamot siya sa kaniyang ulo."Discount." Ngingiting sabi niya."Okay. Hindi na dapat maulit 'to, ngayon lang." Mataray na sabi ko
Last Updated: 2021-10-01
Chapter: Chapter 25Habang naglalakad kami palabas ng school ni Gail ay nakikinig lang ako ng music sa earphones ko. Tinanggal ni Gail ang isa kong earphones sa kanang tainga ko. Napatingin ako sa kaniya. Ano na naman ba kaya?"Mel, umuwi na raw sa bahay si Teedy. Sumakit daw yung tiyan niya. Puwede bang makisabay ako sa 'yo?""Oo naman para matingnan ko na rin si Teedy. Maghintay lang muna tayo," sabi ko sa kaniya na sinang-ayunan naman niya.Nagtext din sa akin si Mama na papunta na raw sila sa school. Nasa labas kami ng school ni Gail, sa may gate. Nakikinig ako ng music habang siya ay kilig na kilig sa katext mate niya. Umayos ako nang makita ko ang sasakyan ni Mama. Huminto ito sa harapan namin."Tara na," sabi ko Gail at binuksan ang backseat. Sumunod naman siya sa akin."Kina Teedy na po tayo, Mama?" tanong ko at tumango lang siya. Nakasandal siya ang katawan niya sa backrest ng upuan at nakapikit ang mata. Pagod siguro."Mama mo pala ang k
Last Updated: 2021-09-30
Chapter: Chapter 5Napabuntonghininga si Anna at naglakad na siya papunta sa gate nila. May tama rin naman kasi ang sinabi ni Daniel. Para matapos na rin.Nakakailang hakbang pa lang siya nang natisod siya kaya na-out of balance ang kaniyang katawan ang napaupo siya sa sementadong sahig."Ouch," daing niya."Ma'am!" Agad siyang pinuntahan ni Daniel at tinulungan siyang makatayo.Nang nakatayo na siya ay agad na inalis ni Daniel ang water host, doon kasi siya natisod. "Ayos ka lang ba? Pasensya na 'di ko naligpit agad.""Ayos lang, kasalanan ko naman hindi ko kasi nakita."Tinalikuran na niya si Daniel kahit medj paika-ika siya kung maglakad.Nanlaki ang mga mata ni Anna nang bigla siyang binuhay ni Daniel na parang bagong kasal. "Anong ginagawa mo?!" tanong niya."Binubuhat ka, ipapasok na kita sa loob. Ako na bahala roon da boyfriend mo," seryoso nitong sabi habang buhat-buhat siya."Hindi ko nga boyfriend 'yon! Kulit mo."Hindi na nagsalita si Daniel, ibinaba niya si Anna sa terrace ng kanilang baha
Last Updated: 2023-01-29
Chapter: Chapter 4Hindi na tumuloy sina Anna sa river na pupuntahan sana nila dahil sinabihan sila na delikado na raw doon may nakapaskil nga roon na 'do not enter'. Naisipan na lamang nila na bumalik sa bahay nina Anna."Ano ba 'yan, napagod lang tayo," busangot na sabi ni Rafael."Hindi naman kasi natin alam na bawal na pala roon." Si Clarisa.Tumabi sila sa gilid ng daan dahil may dumadaang isang kotse. Nagkatinginan sina Anna nang tumigil ito sa tabi nila at bumakas ang bintana sa driver's seat."Hey, good morning!"Pilit na ngumiti si Anna nang makita kung sino ito, "good morning.""Si Brando pala 'to e! Pre, pasakay naman." Natawa si Brando sa sinabi ni Rafael.Si Brando ay ang matagal ng may gusto kay Anna. Mula pagkabata ay magkakilala na sila dahil magka-sosyo sa negosyo ang mga magulang nila. Ang tatay ni Brando ay tumatakbo ito sa pagka-Vice mayor, kasama ang daddy ni Anna."Sure, no problem. Sumakay na kayo."Napairap si Anna dahil agad na nakasakay si Rafael. Sumunod na lamang sila ni Cla
Last Updated: 2023-01-26
Chapter: Chapter 3Pagkauwi ni Anna sa kanilang bahay ay natigil siya sa hamba ng front door nila. Nakita niya kasing ang Daddy nito sa sala at nakade-kwatrong nakaupo. Binati niya ito at nagmano, papasok na sana siya sa loob ng kuwarto niya nang biglang magsalit ang Daddy niya."Kumusta ang pag-aaral mo? Hindi na tayo gaanong nagkakausap, anak ko." Tumingin si Anna sa kaniyang Daddy."Maayos naman po.""Hindi ka naman ba nahihirapan? Kung may kailangan ka sabihin mo lang sa akin.""Hindi naman po, Dad. Kayo po? Kumusta po kayo?""Ganoon pa rin, anak. Busy, lalo na't nalalapit na ang eleksiyon.""Pahinga din po kayo, huwag niyo pong ituon lahat ng atensyon niyo sa mga bagay na panlupa lamang, Dad. Goodluck po! Suportado ka po namin ni Mommy.""Maraming salamat, anak."Nakahinga ng maluwag si Anna nang makapasok na siya sa kaniyang kuwarto. Kahit mabait kasi ang Daddy niya ay mataas pa rin ang tingin nito sa kaniya. Respetado at kagalang-galang ito sa publiko kaya ganoon na lamang ang nararamdaman ni An
Last Updated: 2023-01-19
Chapter: Chapter 2"M-May kailangan ka?" Hindi maiwasan ni Anna na bahagyang mautal dahil nararamdaman na naman niya ang pagbilis ng tibok ng puso niya.Bakit niya ito nararamdaman? Hindi niya rin alam."Gusto ko lang po humingi ng pasensya sa nangyari po kanina. Pasensya na po," sabi ni Daniel habang nakatingin sa baba."Wala 'yon. Ayos lang sa akin saka huwag ka ngang mag-po sa akin. For sure, matanda ka pa sakin.""Maraming salamat."Aalis na sana si Daniel nang biglang dumating ang Ina ni Anna."Anong meron?" tanong nito kay Anna."Magandang hapon po, ma'am." Nabaling ang tingin nito sa binata, "Magandang hapon din, may kailangan ka ba?""Wala naman po, mauuna na po ako." Tumango ang Ina ni Anna at ang binata ay muling tiningnan si Anna at umalis na.Nang makaalis na ang binata ay nagsalita si Anna."May magulang pa po ba siya?" tanong nito sa kaniyang Ina."Si Daniel ay simula bata ay ulila na siya. Ayaw ko ngang magtrabaho ang batang 'yon sa atin kasi gusto ko mag-focus na lamang siya sa pag-aara
Last Updated: 2023-01-16
Chapter: Chapter 1Habang pababa nang hagdan si Anna ay napukaw ang tingin niya sa isang binata na kausap ang kaniyang Ina. Ang pananamit nito ay parang sa magsasaka at ang suot nitong pantalon ay may kalumaan na. Ipinagwalang bahala na lamang ni Anna ito, siguro ay namamasukan ito sa kanila."Magandang umaga po!" bati ni Anna sa kaniyang Ina nang makaalis na yung binata na kausap nito."Magandang umaga rin, Anna! Halika ka na sa dinning area at kumain na tayo bago ka pumasok sa school." Tumango si Anna sa sinabi nang kaniyang Ina at sabay na silang pumunta sa dinning area para kumain.Hindi rin nagtagal si Anna sa kaniyang pagkain dahil papasok pa siya sa school."Mauuna na po ako," sabi ni Anna sa kaniyang Ina."Mag-ingat ka, anak." Hinalikan ni Anna ang kaniyang Ina sa pisngi at pagkatapos ay umalis na siya.Nakasakay na siya sa loob ng kotse nila at palabas na ng gate nang makita niya ulit ang binata. Nakatayo ito at tila may hinihintay hindi na nakita ni Anna ang sumunod na pangyayari dahil bumili
Last Updated: 2022-12-23