Pagkauwi ni Anna sa kanilang bahay ay natigil siya sa hamba ng front door nila. Nakita niya kasing ang Daddy nito sa sala at nakade-kwatrong nakaupo. Binati niya ito at nagmano, papasok na sana siya sa loob ng kuwarto niya nang biglang magsalit ang Daddy niya."Kumusta ang pag-aaral mo? Hindi na tayo gaanong nagkakausap, anak ko." Tumingin si Anna sa kaniyang Daddy."Maayos naman po.""Hindi ka naman ba nahihirapan? Kung may kailangan ka sabihin mo lang sa akin.""Hindi naman po, Dad. Kayo po? Kumusta po kayo?""Ganoon pa rin, anak. Busy, lalo na't nalalapit na ang eleksiyon.""Pahinga din po kayo, huwag niyo pong ituon lahat ng atensyon niyo sa mga bagay na panlupa lamang, Dad. Goodluck po! Suportado ka po namin ni Mommy.""Maraming salamat, anak."Nakahinga ng maluwag si Anna nang makapasok na siya sa kaniyang kuwarto. Kahit mabait kasi ang Daddy niya ay mataas pa rin ang tingin nito sa kaniya. Respetado at kagalang-galang ito sa publiko kaya ganoon na lamang ang nararamdaman ni An
Read more