Si Steve Montano ay kilala bilang isang istrikto, arogante, at palaban ngunit mayroong itinatagong lihim sa kanyang pagkatao. Sa edad na trentay singko ay wala pang nagiging stable na kasintahan dahil sa pagiging casanova ngunit walang nakakaalam maliban sa kanyang personal lawyer at maasahang sekretarya. Tanging ang alam ng mga tao sa kanyang paligid ay isa siyang matino, malinis at kapuripuring gwapong lalaki. Siya rin ay pantasya ng mga kababaihan at mga sikat na personalidad. Masaya na siya sakanyang freestyle life ngunit mayayanig ang kanyang tahimik at malayang pamumuhay sa pagdating ng isang Jaya Salas a 28-year-old woman at magiging bago niyang sekretarya. Paano nila ipaglalaban ang kanilang namumuong pagtingin sa bawat isa? Mayroon bang pagmamahalan na mamagitan sakanila sa likod ng kanilang mga daladalang sekreto sa buhay. Tunghayan kung paano gugulong ang buhay pag-ibig sa kanilang kwento dito sa Billionaire's Affair! Yours, Gossip Girl
View MoreXander Pov...
Nagpasya si Steve na palawakin ang negosyo kaya naman hindi siya tumigil sa paghahanap ng magandang lugar kung saan pwede magpatayo ng hotel at resort para sa mga turista at lokal. Nagset up si uncle Harold ng meeting sa Manila para sa kanyang mga kakilala sa larangan ng negosyo.
Excited kami ni Steve na makita at makilala sila dahil lagi silang ibinibida sa amin. Sinamahan ko si Steve para sa meeting na ito. So far, ito na ang pinakamalaki na deal na pipirmahan ni Steve simula siya ang humawak ng Vida Corp. Kasama din sa meeting na ito ang pinakatanyag at istriktong negosynate. Sabi ni tito Harold na gustong pasukin ni Mr. Salas ang Visayas at Luzon na siyang target ngayon ni Steve kasama ang Manila na teritoryo naman ni Mr. Salas.Excited na pinaghandaan ito ni Steve dahil naniniwala din siyang makukuha niya ito. Hindi lang siya kaibigan sa akin kundi kapatid na ang turing ko sa kanya. Alam ko ang lahat sakanya pati ang kanyang hilig at mga gawain. Trentay otso na siya pero binata pa rin siya at hindi naniniwala sa long time commitment at pag ibig.
Para sa kanya ang commitment ay kalokohan lamang kaya naman patuloy siyang namumuhay na malaya. Ako nga lang responsable sa kanyang mga hook-up malalokal man o sa ibang bansa. Kumbaga para siyang isang audition na maghahanap ako ng mga babaeng hindi naman naaggrabyado na ginamit, swertehan kung may single sa kanila. Mayroon din siyang isang kapatid na babae na kanyang mahal at inaalagaan katulad ng kanyang mga magulang. Si Steve ay isa sa mga pinakabatang negosyante na namamayagpag ngayon dito sa Asya at Europa. Wala akong masasabi sa kanyang pagiging negosyante pero sa kanyang personal na buhay marami. Hindi naman sa pang aano sa kanya pero kailangan niyang mag asawa para umupo na siya sa isang tabi."Hey, buddy! How was your morning?" Tanong ko sa kanya pagkarating ko sa mesa.
"Great buddy! I'm ecstatic about this meeting." Kanyang nakangiting sagot.
"Yeah! I'm sure you can close this deal as you used to." Sabi ko naman sabay higop sa aking kape. Naniniwala ako sa kanyang kakayahan.
Pagkatapos naming kumain ay bumalik kami sa aming silid para makapagbihis. Napangisi akong makita siyang nakangiti palabas ng kanyang kwarto. Yeah! That's Steve, the young business tycoon who can pull off everything.
Pagkapasok namin sa conference meeting room ay wala pa si Mr. Salas. Mabuti naman kami ang nauna kaysa ang metikulosong negosyante. Pagkatapos ng labinlimang minuto ay bumukas muli ang pintuan at iluwa ang seryosong si Mr. Salas. Ramdam mo agad ang bigat ng paligid sa kanyang pagpasok. Mahirap basahin kung anu ang nasa isip niya tanging ang mabigat at intimidating na awra ang mararamdaman mo.
Maganda ang naging resulta ng kanyang presentasyon. Natuwa din ang ibang mga investors at pinalakpakan siya. Perfect na sana ang lahat pero hindi pala pasado kay Mr. Salas. Hindi namin inaasahan ang kanyang naging komento. Hindi kasi tungkol sa presentasyon kundi sa kanyang pagkatao. Natuwa sa presentasyon pero hindi niya gusto si Steve!
"I love your business proposal, Mr. Montano, it is really perfect. The theme, place, and everything." Saad ni Mr. Salas. Pinalakpakan siyang muli at ngumiti naman si Steve.
"Thank you, Mr. Salas." Sambit ni Steve na may galak.
"But, I'm not sure about you! Masyado kang bata para sa ganitong negosyo. Hindi ko sigurado kung magagampanan mo at mapalawak ito ayon sa inaasahan ko. Nag aalala akong maglabas ng milyones sa pamamalakad mo." Kanyang malalim pasabog. Hindi nagpahalata si Xander na apekatdo siya sa panlalait ni Mr. Salas. Paano ito naging kaibigan ni tito Harold? Magkaibang magkaiba sila ng ugali. Powerful and intimidating ang kanyang approach samantalang approachable si tito Harold.
"I don't think you can judge me by that, Mr. Salas. Sa edad kung trentay otso ay labinlimang taon akong namamahala sa aming negosyo. As far as I know I surpass my father's. Naniniwala akong kaya kong mapalago ang negosyo kahit saan!" Deretsahang sagot ni Steve.
"But you are still Junior for this business even if you have been working on it for fifteen. I also managed my business for twenty - eight years, local and international." Palaban na saad ni Mr. Salas. Natigilan ang ibang nasa mesa at nakikinig sakanila. Alam kong malapit ng sumabog si Steve pero nanatili siyang nakangiti.
"Okay, Mr. Salas. I'm sorry if being a young entrepreneur is not a good sign to do business with you." Nakangiting sagot ni Steve. Tinanggap niyang wala siyang laban sa kanya at talo siya.
"Thank you, Mr. Montano. I hope you can find more business partners and be more diligent." Kanyang sagot bago pulutin ang kanyang gamit at umalis. Bakit pa niya pinahabulan ng diligent! Anung tingin niya kay Steve?
"Not to mention Mr. Salas. Thank you for joining us today and I'm sorry for the inconvenience!" Turan ni muli ni Steve na nanatiling nakangiti kahit umuusok na siya sa inis at kailangan niyang ilabas.
Ito ang unang pagkakataon na napahiya siya ng wagas sa harapan ng ibang tao. Siya ang nagpalago ng Vida Corp. Recently nag invests siya sa Australia ng malaking lupain. Sampung ektarya ang binili niya para mag alaga ng baka at ibang root crops. Gusto niyang sakupin ang export buisness. Naghahanap din siya uli ng mabibili niyang lupa para gawing rancho.
Kung ako nga lang ay isang babae papatulan ko na siya. Isa siyang package eh! Pero sayang hindi siya naniniwala sa commitment at malabong papasukin niya ang buhay na yan! Tapos ngayon huhusgahan siya ni Mr. Salas for being incapable! Masyadong malaking salita at masakit yun ha!Pagkatapos niyang umalis ay bumalik muli sina Steve at ang iba pang natira para pag usapan ang magiging pagbabago. Siya ang pinakamalaking investor dito pero ngayong tumanggi siya ay kailangang maghanap ng magiging kapalit niya. This is actually his idea chasing Visayas pero ngayon kami nalang. Papatunayan namin sa kanya na kaya naming lumipad kahit wala siya.
Mas kilala si tito Harold sa business sa Cebu kahit na accomplishment ni Steve. Ayaw niya kasing hahabulin siya ng mga babae kapag malaman na mayaman siya. Actually isa lang itong INN sa pamamalakad ni tito Harold. It was Steve who upgraded into a Hotel & Resort pero si tito Harold ang nakafront line kasi. Tumingin ako kay Steve, pinipigilan niya ang kanyang sarili na huwag mag alburuto. Everyone agreed before they left.
"Steve." Tawag ko sa kanya.
"Ah! Yeah! Let's go. Kailangan kong makalanghap ng sariwang hangin Xander!" Kanyang mabigat na saad bitbit ang kanyang mga gamit. Tahimik akong sumunod sa kanya kung saan kami dalhin ng kanyang paa. Pumasok siya sa isang sizzling restaurant.
"One bottle of beer after a meal, Xander?" Tanong niya. Tumango ako sa kanya bago orderin ang paborito kong rib eye medium rare steak.
"Sure buddy, best for a bottle of beer." Sagot ko sa kanya. Tahimik akong nakatingin sa kanya. Sumandal siya sa aknayng upuan na nakadekwatro. Kapag ako ang nasa kalagayan niya paniguradong kumukulo na rin ako ngayon sa galit at inis! How could he underestimate someone's ability because of age? Age is just a number, but ability and talent are something that is not measured by age. Siguro intimidated si Mr. Salas kay Steve dahil bata pa lamang siya ay may ibubuga na!
Xander Pov...Nabalitaan kong nagmomokmok nalang daw si Steve sa kanyang opisina at bugnutin. Kailan pa naging halimaw ang isang Steve Soledad. Napamura ako ng mahina nung makapasok ako sa loob ng kanyang opisina na parang bahay na ng albularyo sa dilim at sangsang ng amoy ng alak. "Pare, anu magmumokmok ka nalang ba jan. Pasado alasingko na ng hapon." Bulahaw ko pagkapasok ko na hindi niya inaasahan. Nag-angat lang siya ng kanyang paningin na walang kulay ang kanyang mukha. Fuck! Napamura pa akong muli ng tahimik pagkakita sa nakakatakot niyang hitsura. T*ngina sisirain ba niya buhay at negosyong pinaghirapan niya! Hindi maayos ang kanyang damit at malayo sa dating malinis tignan at presentable sa bawat okasyon. Para siyang tinakasan ng mundo sa mahahaba na niyang bigote, malalalim ang mata halatang kulang sa tulog, nag-iba rin ang kulay ng kanyang balat isang tingin palang alam mong hindi siya nagpapahinga at kulang sa araw. Nagkalat din ang mga basyo ng alak sa kanyang mesa. "
"Joel kailan ang uwi nina Zion at Jaya dito?" Tanong ko sa king panganay na anak. Hindi alam ni Jaya na umuwi sandali ang kanyang kuya."Honey sa susunod na linggo, araw ng sabado." Sabad naman ng aking asawa at hindi nga pala alam ni Joel din na uuwi na dito ang kanyang kapatid."Magkaroon tayo ng maliit na salo-salo selebrasyon ng pag uwi nila." Excited kong saad."Huwag ka munang mag iimbita ng mga kaibigan mo ayaw ni Jaya ipakilala pa si Zion sa mga tao. Ewan ko sa batang yun parang my kinakatakutan." Sabad naman ng aking kabiyak."Kausapin mo siya bakit gusto niya itago ang pagkatao ni Zion." Anu bang kinakatakutan niya mas maganda nga makita ng mga tao baka mahanap pa ang ama kailangan kong makilala ang hayop na kumalikot sa aking nag iisang anak.******Last day kona ngayon sa opisina hindi ko naman kailangang turuan ang kapalit ko dahil mas kabisado niya ang likaw ng bituka ng amo ko!"Hi Jaya. Good morning! Anjan pa ba ang halimaw mong boss?" Bungad ni Xander ang matalik niy
Xander Pov... Kakatapos ko lang ayusin ang mga papeles dito sa opisina ko nang magring ang aking telepono. Akalain mo ang nag-iisa kong kaibigan may oras ngayon sa akin pero hindi ko aakalain na my mabigat palang pinagdadaanan. Busy ako at maraming ginagawa kaya naman bihira kami magkita ni Steve. Malay ko bang iba pala ang kaganapa sa kanya. Hindi ko aakalain na ang lalaking hindi nauubusan ng babae kahit saan pumunta ay masisilo ng isang babae. Dapat ko siyang makilala at pasalamatan sa pagligtas niya sa aking kaibigan at higit sa lahat sa pagligtas niya sa akin sa kakahanap ng mga matinong babaeng magpapalamig ng kanyang ulo. Nauubusan na kasi ako sa bilis niya magpalit, ayaw niya ng take two! Habang pinapanood ko siyang lango sa alak at hindi na kaya ang sarili ngayon ko lang napagtanto na nakakatakot pala talaga ang mainlove. Nagiging baliw at tanga ka na. Eto na ba ang katapusan ng isang Steve Soledad sa tinik sa babae? Napailing nalang ako dahil iba na ang Steve na nasa ha
Jaya Pov...Ibinalita ko kaagad kay Misha na babalik na ako ng Maynila. Wala namang dahilan para magtatago pa ako dito. Pero hindi ko aakalain na ang desisyon ko na ito ay magbibigay ng panibagong yugto ng aking buhay. Sadyang ipinanganak yata akong madrama ang buhay. "Babalik kana ba talaga dito bakla? Sure na yan at walang halong keme?" Naninigurado niyang tanong."Oo bakla tutulungan ko si daddy sa pagpapatakbo ng aming negosyo. Alam mo naman na ako nalang ang maasahan niya dito at si kuya Joel naman ay nasa ibang bansa. Saka isa pa andito lang naman ako dahil nga inilihim ko ang pagbubuntis ko." Maliwanag na sagot ko sa kanya."Walang halong biro yan Jaya ha. So talaga palang iiwanan mo na ang pumapalakpak sa kagwapuhan mong amo. Sayang naman Jaya kapag iwanan mo si pogi!" Kanyang pahiwatig nanaman baka magbago ang aking isispan pero hindi na magbabago at isa siya sa dahilan kung bakit ako babalik na ng Maynila. Baka kasi mabaon ako at hindi kona kakayanin pa."Misha tigilan mo ak
Jaya Pov...Tanggapin ko nalang ang offer ni daddy na bumalik ng Maynila atleast andun sila na aalalay sa akin. May dalawang buwan pa naman ako bago dumating si Karol makakapagpaalam pa ako kay sir Steve ng maayos.. Kumatok muna ako sa pintuan ng opisina niya."Come in Ms. Jaya""Sir pwede pong maistorbo ko muna kayo?" Nag-aalangan kong tanong!"Yes! Anything I can help you with?""S-sir magpapaalam sana akong magresign." Biglang nag-angat siya ng mukha para magsalubong ang aming tingin. Napakagat ako sa labi na baka hindi ako papayagan. Tumikhim muna siya at tumingin ulit sa paper works niya bago magsalita."Tell me why are you quitting after four years working here. Mababa ba sweldo mo o may nagawa ba akong hindi maganda. You're an efficient worker Ms. Salas." Balik titig niyang tanong sa akin at sa kauna-unahang pagkakataon nakipagtitigan ako sakanya. Parang tumigil ang ikot ng mundo na hindi ako makasagot, titig palang niya ay nakakahipnotismo talaga na uurong ang iyong dila paan
Jaya Pov... Naidaos ng maayos ang naging celebration sa kaarawan ni Zion sa isang sikat na hotel dito sa Cebu na pag aari ng isang kaibigan ni mommy. Buti nalang nakasundo ko na ang aking magulang. Nagkaroon ng magandang birthday party si Zion. Talaga namang maraming naaliw sa kanya. Hindi lang siya gwapo kundi matalino.Maraming kakilala si mommy dahil dito ang kanilang angkan at kilala silang taga supply ng mga dried mangoes at mangga. Minsan ding naging mutya ng Cebu si mommy. Isa si uncle Jay na humanga sa kanyang kagandahan ngunit hanggang magkaibigan lang daw talaga ang kaya ni mommy na ipukol sa kanya.Palabas na ako ng venue nang may mahuli ang aking mata, ang isang lalaking nakamaskara ng itim na nakatayo sa harap ng elevator. Sabihing nagulat ako ay kulang. I'm totally shocked and frozen! Ilang sandali rin akong nakatulala na nakatitig sa kanya.Hindi bat siya 'yong lalaki nung gabing yun? Hindi ako pwedeng magkamali. Siya ang lalaking iyon pati ang gamit niyang pabango ay n
Steve Pov...Dalawang buwan na ang nakaraan simula may mangyari sa amin ni Jaya. Sakanya parang wala lang yung nangyari samantalang ako gabi-gabi kong hinahanap ang kanyang labi, kanyang mainit at makinis na balat. Bawat ungol niya naging musika sa aking pandinig na lagi kong hinahanap.Nababaliw na ako kakaisip sa kanya. Anu ang mayroon sa kanya para maging baliw ako ng ganito sa kanya. Oh! Jaya nababaliw na talaga ako sa'yo anung meron ka para magkaganito ako. Andaming babae na pakalat-kalat jan at guztong gapangin ko pero simula natikman kita ikaw nalang ang tanging hinahanap hanap ng sistema ko. Dalawang buwan nadin ako walang kasiping kundi ang aking kamay. "Jaya baby." Mahina kong daing na puno ng pangungulila sa kanya.Jaya Pov...Malapit na ang ika-apat na kaarawan ni Zion ngunit hindi parin mawala ang kaba sa aking dibdib hindi ko maintindihan kung para saan, ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong kaba simula dumating siya sa buhay ko."Apo bumaba ka muna at my bisita ka."
Jaya Pov..Gumising akong parang dinaanan lang naman ng truck ang buo kong katawan at may bonus pa na sakit ng ulo. Nanghihina at pagod na pagod. Umiikot din ang paningin sa sakit ng aking ulo at nahihilo. Pinilit kong imulat ang aking mata para tignan kung anung oras.Oh my God!... Jaya anung oras na bakit andito pa ako sa opisina ni sir Steve at dito pa talaga ako natulog. Sermon ko sa aking sarili na nakatingin sa wall clock sa loob ng opisina ni sir Steve. Hinilot ko ang aking sintido para gumaan ang aking pakiramdam nung mapansin kong wala akong saplot at nagkalat ito sa sahig. Lumaki ang aking mata na nakatitig sa aking saplot na nagkalat sa sahig.Biglang nagflashback ang nangyari pagpasok ko dito kahapon bago sana ako umuwi. Kung hindi ako pumasok dito kahapon hindi sana ako gigising na luhaan. Anung katangahan nanaman ba ang ginawa ko kagabi! Tangi kong usal sa aking sarili na paulit ulit nagiging tanga. Napaluha nalang ako dahil sa pangalawang pagkakataon ay inangkin nanama
Steve Pov...Dalawang taon kong nakasama si Jaya pero ni minsan hindi ako tinapunan ng tingin o matitigan sa mukha. Para akong isang aninong dumadaan sakanyang harapan. Pakiramdam ko mayroon akong sakit na nakakahawa. Kunwaring marami siyang ginagawa at isasabay sakanyang pagbati para hindi magkasalubong ang aming tingin. Wala ba akong epekto sakanya? May nagbago na ba sa mukha ko. Hindi na ba ako kaakit-akit tignan? Kulang ba sa puti ang aking ngipin at hindi magandang tignan kapag ako'y ngumingiti? Wala naman akong masasabi tungkol sa trabaho niya. Mabilis at malinis siya magtrabaho. Pagpasok ko palang sa opisina andoon na ang mainit kong black coffee kasama lahat ng itineraries sa buong araw. Lahat ng dokumentong dapat pirmahan at deadlines nakaayos na magkakasunod sa mesa ko. Hindi ko siya kailangang sabihan ng mga gagawin niya. Isa lang talaga ang hindi niya magawa, ang tumingin sa akin at ngumiti o kausapin ako ng matagal. Kaya naisipan kong imbitahin sa aking opisina kung ako
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments