“You ready?” “No.” “Then get ready,” “I don't want to.” Mababanaag sa mukha ni Cadrus na hindi niya nagustuhan ang isinagot ko sa kaniya. Ang mga kamay niyang nakapasok sa kaniyang bulsa ay kaniyang inilabas matapos noon ay pinagsalikop niya ang kaniyang braso. “Don’t make me drag you out of there,” pagbabanta niya at saka sumandal sa hamba ng pintuan. “Ayoko. Ayoko. Ayoko.” Inirapan ko siya at sa halip na bumangon mula sa pagkakahiga ko sa aking kama ay nagtalukbong lamang ako ng kumot. It's been a week now since I worked under him as his secretary. Palagi lamang namang nakatunganga ang routine ko sa kumpanya niya kung paminsanan ay inuutusan niya akong mag-staple ng mga papers niya maliban doon ay wala na. Ewan ko ba kung h-in-ire niya lamang talaga ako para maging display doon. Pinakiramdaman ko ang paligid nang walang kahit na anong marinig na response mula kay Cadrus. Nanatili ako sa loob ng kumot.“Did he left?” Dahan-dahan kong ibinaba ang kumot na nakatalukbong sa aki
I saw how Harry looked at his phone, after that glances at me, sighed, then looked at his phone again. “It’s okay, Harry. Tara na pagod na rin ang katawan ko sa biyahe.” It's been half an hour since we waited here at the car. Hindi pa rin lumalabas si Cadrus sa boutique, at kasama pa rin niya iyong babaeng nakita ko kanina sa fitting room. Alam kong nag-text na sa kaniya si Cadrus na mauna na, but maybe he wanted to consider me. O siguro hindi lang siya makahanap ng tyempo para sabihin sa akin. Harry started the engine. He then maneuver the car and drove away from the boutique. Wala naman akong pakialam kung sino ang babaeng iyon. Mas lalong wala akong pakialam kung anong relasyon nila ni Cadrus. I won't ask. I won't. “Who is that girl?” Napatingin sa akin si Harry mula sa rear view mirror dahil sa naging pagtatanong ko. Hindi siya sumagot at nanatiling tahimik. “Ayos lang, hindi mo kailangang sagutin,” pagbawi ko. Why am I even asking? Syempre isa ang babaeng iyo
Napakurap-kurap ako at sa pagkakataong iyon ay napatingin naman kay Cadrus. Masama na ang tingin nito kay Pete. “A—” Naputol ang dapat na sasabihin ko at bago pa man ako makapagtanong ay nahila na ako ni Cadrus paalis. Hindi patungo ang daan namin sa Hotel kaya naman nagtaka na ako. “Saan tayo pupunta?” He didn't answered my question nor did he gave me a glance. Isang gawa sa kahoy na upuan ang hinintuan namin. Katapat lamang ng pangpang kung saan humahampas ang Kalmadong alon. “Why are you there with him?” panimula niya. Nagsalikop ang dalawang braso ko at saka siya pinakatitigan. “Nagkataon lang na nagkita kami roon. Malay ko ba namang kapatid mo pala ang lalaking—teka nga. Bakit ba ’ko nagpapaliwanag sa ’yo?” Tumaas ang isang kilay niya. “Dapat galit ako sa ’yo kasi pinaghintay mo ’ko ng matagal doon. At isa pa, hindi ako ang nangiwan sa ’yo. Ikaw ang nagsabing mauna na ako hindi ba?” Nagbago ang ekspresyon niya, ngayon ay salubong na naman ang kaniyang kilay. “I did not.”
“Haah . . .” Napaigtad ang aking likuran nang maramdaman ang sensasyong hatid niya sa katawan ko. His hand pinned mine against the bed. I felt small kisses on my neck up to my collarbone. My body then shivered when he bit the side of my ear. “Mortala!” Napabalikwas ako nang marinig ang pangalan ko. Doon ko lamang din na-realize na kanina pa lumilipad ang utak ko. “Take it.” Isang puting kahon ang pumatong sa harapan ko. Bumukas iyon at tumambad sa akin ang isang itim at mamahaling branded na bag. Tumaas ang isang kilay ko. Pamilyar sa akin ang bag na ito. As far as I can remember this was her favourite bag. Anong sumapi sa kaniya para ibalandra sa harapan ko ang bagay na halos patayin niya ako nang hawakan ko lamang noon? “I know that you've been eyeing this bag. I'll give this to you,” “Kung pinapunta mo ’ko rito para lamang pakitaan ng mga bagay na hindi ko kayang bilhin at magyabang ay sinasayang mo lang ang oras ko,” may pagtitimpi kong saad sa kaniya. Ang kaliw
• • • [Six years ago] • • •Humaplos ang mga daliri ko sa frame nang malaking salamin sa aking harapan. Naglakbay iyon hanggang sa maramdaman ko ang lamig ng babasaging salamin na nagpapakita nang aking repleksyon. “I’m in awe. You look so beautiful, Tal.” Napalingon ako sa pintuan matapos pumasok mula roon nang kakambal kong si Mortishia. Dagli siyang nanakbo papasok at yumakap sa akin. She is wearing an elegant electric blue cocktail dress. Bumagay sa brown niyang buhok ang pagkakaladlad nito sa kaniyang balikat. Her hair was curled perfectly. “How can you be this stunning? I'm jealous. Sana ganito rin ako ka-ganda kapag ako naman ang ikakasal.” Nakasimangot niyang ani. Pabiro kong pinisil ang pisngi niya, kaagad naman siyang napanguso at mas lalo pang yumakap sa akin. Pinagdikit niya ang pisngi naming dalawa pagkatapos noon ay parehas naming tiningnan ang parehong repleksyon sa salamin. Our facial features are the same. Ngunit kitang-kita sa aming repleksyon kung gaano kaming
Marahas akong tumayo at saka dinampot ang gitarang natapakan ko kanina. Walang habas ko iyong pinaghahampas sa sahig, ibunubuhos lahat ng galit sa aking dibdib. I saw how Mortishia screamed and cried. Nakatitig ako sa kaniya habang patuloy na sinisira ang gitarang hawak ko. Gustuhin ko man siyang saktan at sabunutan ay hindi ko kaya. “Mortala stop!” Inagaw ni William sa akin ang gitara. Doon ko lamang din napagtantong ang pamumula sa mga kamay ko. “This isn't your fault okay? I don't know when it happened but, Mortishia and I fell for each other. We've decided to tell you, but you've been caught on the wedding!” “What? Anong pinagsasabi mo William? That's not true! Huwag kang maniwala sa kaniya, Tal. I don't know how did this happen. I-I would never—” Nahinto silang pareho nang sumigaw ako. “Tama na!”Hinawakan ko ang suot kong malaking puting gown matapos ay mabilis na nanakbo paalis sa lugar na iyon kahit pa narinig kong tinawag ako ni Mortishia. Dala ang sakit, pagkapahiya, at
Dumaan ang oras. Ni hindi ko na napagtuunan pa ng pansin ang sinakyan naming kotse. Namalayan ko na lamang na nasa loob na kami ng isang hotel room. “Are you sure you won't regret this?” Dinig kong saad niya mula sa likuran ko habang ibinababa ang zipper ng suot kong gown. “I won't.” Wala na siyang sinabi pa na siyang ikinataka ko. Bago pa man ako makalingon ay mabilis din akong natigilan nang maramdaman ko ang mainit niyang kamay sa aking likuran. “It’s beautiful,” he said while trailing my hair down. May kung anong kumiliti sa tiyan ko. Ito ang unang beses na may nagsabi sa aking maganda ang buhok ko. Palagi nilang sinasabi na masakit sa mata ang kulay nitong pula. Hilig pa nga ni Michelle na kalbuhin ang buhok ko. “Did you dye it?” pagtatanong niya. “Yeah,” I lied. Panigurado namang hindi na kami magkikita pa ulit pagkatapos nito. I would probably go back to Michelle's cage after this. Kaya hangga’t maaari gusto kong maging malaya kahit ngayon lang. Masuyong hum
“We meet again.” Tumalon ang magkabilang balikat ko nang makaramdam ako nang mahinang pagpisil sa aking braso. Mabilis kong ikinuyom ang kamao at ipinilig ang ulo para kalimutan ang mga ala-alang sumagi sa isipan ko six years ago. “Bakit ba naaalala ko pa iyon?” tanong ko sa aking sarili. “What are you saying?” saad naman ng babaeng nasa harapan ko, ang parehong babae na siyang pumisil sa braso ko kanina lamang. Nalipat ang paningin ko sa kaniya. “I’m sorry,” pagpaumanhin ko. “W-Who are you again?” lutang kong tanong rito na naging dahilan naman ng kaniyang pagsimangot. Tinapunan niya ako ng tingin na para bang dalawa ang ulo ko at nawiwirduhan siya sa akin. “What are you saying? Pina-prank mo ba ’ko, Tisha?” Kaagad akong naalarma matapos maningkit ng kaniyang mga mata. Shit. Nawala sa isip ko na ako nga pala ngayong araw si Mortishia. I’m still here inside the venue, the engagement party still hasn't ended yet. “O-Of course!” pagbawi ko at saka pekeng tumawa na siya namang kan