Share

The Trillionaire’s Hidden Possesion
The Trillionaire’s Hidden Possesion
Author: CatNextDoor

Prologue

Author: CatNextDoor
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

“Haah . . .”

Napaigtad ang aking likuran nang maramdaman ang sensasyong hatid niya sa katawan ko. His hand pinned mine against the bed.

I felt small kisses on my neck up to my collarbone. My body then shivered when he bit the side of my ear.

“Mortala!”

Napabalikwas ako nang marinig ang pangalan ko. Doon ko lamang din na-realize na kanina pa lumilipad ang utak ko.

“Take it.”

Isang puting kahon ang pumatong sa harapan ko. Bumukas iyon at tumambad sa akin ang isang itim at mamahaling branded na bag.

Tumaas ang isang kilay ko. Pamilyar sa akin ang bag na ito. As far as I can remember this was her favourite bag. Anong sumapi sa kaniya para ibalandra sa harapan ko ang bagay na halos patayin niya ako nang hawakan ko lamang noon?

“I know that you've been eyeing this bag. I'll give this to you,”

“Kung pinapunta mo ’ko rito para lamang pakitaan ng mga bagay na hindi ko kayang bilhin at magyabang ay sinasayang mo lang ang oras ko,” may pagtitimpi kong saad sa kaniya.

Ang kaliwang paa niyang naka-dekwatro sa kanan ay nagpalit. Indikasyon na nawawalan na siya nang pasensya. “Ano bang gusto mo? Money? House? I can even give you the beach in Ha—”

Malakas kong ibinagsak ang dalawang kamay sa lamesa. Naging dahilan iyon para tumaas ang dalawang balikat niya dahil sa gulat. “What the heck, Mortala!” asik niya sa akin.

Nagngitngit ang mga ngipin ko bago nagwika. “Hindi ka na nagbago.”

Wala akong sinayang na oras at tumayo, tinawag pa niya ang pangalan ko ngunit naging sarado na ang tainga ko para sa kaniya. I have lost all of my respect for her long ago, all that is left is my debt.

Kailangan ko ng makaalis dito bago ko pa malimutang siya ang kumupkop at nagpalaki sa akin . . . sa amin ng kakambal ko.

“Morgan.”

Ang paa kong bago pa lamang sana hahakbang ay naiwan sa ere, matapos ay dahan-dahang bumagsak sa marmol na sahig. Hindi ako nakakilos, bumalatay ang gulo at pagtataka sa mukha ko.

My fingers curled turning my hand into a fist. Malakas na kumabog ang dibdib ko, hindi malaman kung paano. Paanong nalaman niya ang pangalan ni Mory?

“Did you really think I wouldn't know that you had a child?”

Marahas akong humarap sa kaniya. Ang natitira kong pagtitimpi ay mabilis na napigtas. Dagli kong hinawakan ang magkabilang balikat niya at saka siya ibinalya sa kaniyang kinauupuan.

She groaned in pain, but on top of that her lips never stopped grinning. Na tila ba ay nanalo siya, na para bang nahuli na naman niya ako sa bitag niya.

“Umalis ka man noon pero hindi nawala ang paningin ko sa ’yo, Mortala. After all . . . I'm your mother, you think I would just leave you all alone?”

Pagak akong natawa. Gusto kong masuka sa sinabi niya. She makes it sound like she cared for me when it was the opposite.

“Stop acting like you were a mother to me.” Pabalya ko siyang binitawan matapos ay muling naupo sa kinauupuan ko kanina.

I know her well enough, I know that she won't stop until she get what she wanted.

“Ano ba talagang dahilan at pinapunta mo ’ko rito? Alam kong hindi para bigyan lamang ng branded na bag.”

Nagbago ang ekspresyon niya. Ang mapang-asar niyang ngiti ay naglaho at naging seryoso.

“Your twin sister left from home. Kasalanan mo dahil hindi ka naging magandang impluwensya sa kaniya,”

“Mortishia is an adult, stop blaming me for everything. Isa pa, wala ka ng pakialam pa kung anong gawin niya hindi ka naman nakikialam noon,”

“Your damn sister, blew everything up. Your father's company is dying, an alliance from the Adejer is the only way we can save the company. Pero anong ginawa ng kapatid mo? Naglayas! Hindi na nagkaroon ng konsiderasyon sa amin ng papa mo!”

Hindi na niya napigilang magtaas ng boses. Isang papel ang pabagsak niyang inilapag sa lamesa. Nang kunin ko iyon at basahin ay sumalubong sa mga mata ko ang sulat kamay ni Mortishia.

‘Fuck you, Michelle. I don't wanna get married’

Hindi mapigilang sumilay ng ngiti sa mga labi ko. Mortishia have always been the bullheaded. Bagay na pinagkaiba naming dalawa.

“I can't find her anywhere. So do the marriage in her stead.”

Mabilis na nagpantig ang tainga ko. Nalukot ang aking noo at nagkasalubong ang dalawang kilay. My blood immediately boil by what she just said.

Kung makapagsalita siya ay para bang napakadali lamang ng sinasabi niya. Na para bang bibili lamang ako ng toyo sa tindahan.

“Satingin mo ba talaga ay papayag ako riyan sa kahibangan mo? Who cares about that damn company?”

Hindi siya natinag sa sinabi ko. She even had the audacity to sip the tea in her cup. “Well you don't have a choice, Mortala. I heard that your daughter Morgan is sick, with my connection I know a doctor that could hel—”

Bago pa man niya matapos ang sasabihin niya ay kaagad na akong tumayo. “I’ll take care of my daughter myself, you take care of yours.”

Matapos kong sabihin iyon ay umalis na ako roon.

Lubos na bumagabag sa akin ang mga sinabi ni Michelle kanina. Hanggang sa namalayan ko na lamang na nasa ospital na ako.

“I love you, Mama.”

Mabilis akong nabalik sa aking kamalayan nang marinig ang matinis at maliit na boses ni Morgan. Lumabas ang may kalaliman niyang dimple nang sandaling sumalubong sa akin ang mga ngiti niya. “Gising na pala ang baby Mory ko.”

Isang mahigpit na yakap ang binigay ko sa kaniya. Naroon pa rin ang pagiingat sapagkat natatakot akong mahugot ang suot niyang swero o hindi kaya naman ay baka maipit ko ang dinadaluyan ng oxygen na siyang nakakabit sa bibig niya.

“Kailan po ako makakalabas dito, Mama? Nami-miss ko na kasi sila Pochi at Lenlen baka nalulungkot na rin si Draco na wala ako,” aniya.

Nakakunot ang kaniyang noo nang bumitaw ako. Makikita rin ang pagod sa mga mata niya. Hinaplos ko ang itim na itim niyang buhok matapos ay pinakatitigan ang mga mata niyang ani mo’y isang hardin sa pagka-berde.

Parehas kaming napalingon sa pintuan nang may kumatok doon. Iniluwa noon si Doc Rico. “Papa!”

Napailing-iling na lamang ako. Palagi kong sinasabi sa kaniya na huwag tawaging papa si Rico pero kailanman ay hindi rin siya nakinig.

“Hey, little Mory! Maglalaro tayo mamaya ha, pero pahiram muna ako ng mama mo saglit kakausapin ko lang.”

Tumango-tango ang anak ko, ngumiti pa ito sa akin bago ko iwan at lumabas sa kwarto.

“Hindi maganda ang resulta, Tala. I also don't wanna suggest that we find a donor because I know it would be a pain in your end. Masiyado iyong mahal, pero hindi na kaya ng gamot baka mapano pa ang healthy kidneys ni Mory.”

Napahilot ako sa aking sintido. “Wala akong pakialam kahit gaano pa kamahal, Rico. Handa akong maubos para sa anak ko.”

Hindi ko na pinagisipan pa. Nang araw ding iyon ay nilunok ko ang pride maging ang dignidad ko. Ako na mismo ang tumawag kay Michelle at tinanggap ang offer nito . . .

***

“I know you wouldn't fail me, anak.”

Sumalubong sa akin matapos makababa sa kotse ang mukha ni Michelle. Niyakap ako nito at binigyan nang pekeng ngiti.

Nilibot ko ang paningin sa venue. Maraming bisita, karamihan ay hindi ko mga kilala. Nakangiti ang mga ito sa akin ngunit sa mga mata nila ay naroon ang inggit.

Naramdaman ko ang mahinang pagpisil ni Michelle sa balikat ko. “Smile, anak. Because tonight you have to act like Mortishia, so be Mortishia, okay?” mariin niyang bulong.

Gaya ng gusto niya ay pilit akong ngumiti. Hanggang sa pumasok kami sa loob ng reception kung saan magaganap ang engagement party.

Everything was elegant and expensive, from the floor to the high ceiling. Hindi matapos tapos ang mga bumabati sa akin at wala naman akong magawa kung hindi ang umaktong masaya sa harapan nila.

Matapos ng ilang minuto ay nawala na sa tabi ko si Michelle. I took that opportunity to slip away from the crowd.

Naglakad ako paakyat sa second floor. Kitang-kita ang repleksyon ko sa salaming pader. Napakagaling ng taong nag-make up sa akin kanina. Idagdag pa ang suot kong wig para matakpan ang kulay ng buhok ko. “I look nothing like myself.”

Napaigik ako nang may malakas na tunog ang dumagundong pagkatapos noon ay siyang pagpatay ng ilaw.

Nahigit ko ang hininga at sinubukang kapain ang paligid ko. Napahawak ako sa hamba nang hagdan ilang sandali pa ay bumukas ang ilaw.

No. The light was just on my position. Nakatutok lamang sa akin ang isang bilog na ilaw.

The crowd clapped as if there's something that intrigued them.

Nangunot ang noo ko nang makitang hindi naman sila sa akin nakatingin kahit pa nasa akin ang liwanag.

My eyes slowly rolled down. Sa baba ay mayroon ding ilaw. Nakatapat naman iyon sa isang nakatalikod na lalaki.

“An applause everyone!” saad ng boses mula sa madilim na bahagi nang apat na sulok na building.

Naningkit ang mga mata ko. Pilit inaaninag ang lalaki sa ibaba. Hindi naman ako nahirapan sapagkat dahan-dahan iyong lumingon sa gawi ko.

“Give it up for our soon to be bride and groom. Mortishia Gustavo and . . . ”

Tangina.

Iyan na lamang ang nasambit ko nang makita ang mukha ng lalaking pakakasalan dapat ng kakambal kong si Mortishia.

Nangingibabaw ang itim na itim nitong buhok habang nagliliwanag naman ang nakalulunod na berdeng mga mata.

“. . . Cadrus Logan Adejer!”

I didn't forget—I can't ever forget. He is the man beside me that one night. The man who has those broad shoulders.

Mortishia’s supposed to be groom is the man who got me pregnant.

Related chapters

  • The Trillionaire’s Hidden Possesion   Chapter 1

    • • • [Six years ago] • • •Humaplos ang mga daliri ko sa frame nang malaking salamin sa aking harapan. Naglakbay iyon hanggang sa maramdaman ko ang lamig ng babasaging salamin na nagpapakita nang aking repleksyon. “I’m in awe. You look so beautiful, Tal.” Napalingon ako sa pintuan matapos pumasok mula roon nang kakambal kong si Mortishia. Dagli siyang nanakbo papasok at yumakap sa akin. She is wearing an elegant electric blue cocktail dress. Bumagay sa brown niyang buhok ang pagkakaladlad nito sa kaniyang balikat. Her hair was curled perfectly. “How can you be this stunning? I'm jealous. Sana ganito rin ako ka-ganda kapag ako naman ang ikakasal.” Nakasimangot niyang ani. Pabiro kong pinisil ang pisngi niya, kaagad naman siyang napanguso at mas lalo pang yumakap sa akin. Pinagdikit niya ang pisngi naming dalawa pagkatapos noon ay parehas naming tiningnan ang parehong repleksyon sa salamin. Our facial features are the same. Ngunit kitang-kita sa aming repleksyon kung gaano kaming

  • The Trillionaire’s Hidden Possesion   Chapter 2

    Marahas akong tumayo at saka dinampot ang gitarang natapakan ko kanina. Walang habas ko iyong pinaghahampas sa sahig, ibunubuhos lahat ng galit sa aking dibdib. I saw how Mortishia screamed and cried. Nakatitig ako sa kaniya habang patuloy na sinisira ang gitarang hawak ko. Gustuhin ko man siyang saktan at sabunutan ay hindi ko kaya. “Mortala stop!” Inagaw ni William sa akin ang gitara. Doon ko lamang din napagtantong ang pamumula sa mga kamay ko. “This isn't your fault okay? I don't know when it happened but, Mortishia and I fell for each other. We've decided to tell you, but you've been caught on the wedding!” “What? Anong pinagsasabi mo William? That's not true! Huwag kang maniwala sa kaniya, Tal. I don't know how did this happen. I-I would never—” Nahinto silang pareho nang sumigaw ako. “Tama na!”Hinawakan ko ang suot kong malaking puting gown matapos ay mabilis na nanakbo paalis sa lugar na iyon kahit pa narinig kong tinawag ako ni Mortishia. Dala ang sakit, pagkapahiya, at

  • The Trillionaire’s Hidden Possesion   Chapter 3

    Dumaan ang oras. Ni hindi ko na napagtuunan pa ng pansin ang sinakyan naming kotse. Namalayan ko na lamang na nasa loob na kami ng isang hotel room. “Are you sure you won't regret this?” Dinig kong saad niya mula sa likuran ko habang ibinababa ang zipper ng suot kong gown. “I won't.” Wala na siyang sinabi pa na siyang ikinataka ko. Bago pa man ako makalingon ay mabilis din akong natigilan nang maramdaman ko ang mainit niyang kamay sa aking likuran. “It’s beautiful,” he said while trailing my hair down. May kung anong kumiliti sa tiyan ko. Ito ang unang beses na may nagsabi sa aking maganda ang buhok ko. Palagi nilang sinasabi na masakit sa mata ang kulay nitong pula. Hilig pa nga ni Michelle na kalbuhin ang buhok ko. “Did you dye it?” pagtatanong niya. “Yeah,” I lied. Panigurado namang hindi na kami magkikita pa ulit pagkatapos nito. I would probably go back to Michelle's cage after this. Kaya hangga’t maaari gusto kong maging malaya kahit ngayon lang. Masuyong hum

  • The Trillionaire’s Hidden Possesion   Chapter 4

    “We meet again.” Tumalon ang magkabilang balikat ko nang makaramdam ako nang mahinang pagpisil sa aking braso. Mabilis kong ikinuyom ang kamao at ipinilig ang ulo para kalimutan ang mga ala-alang sumagi sa isipan ko six years ago. “Bakit ba naaalala ko pa iyon?” tanong ko sa aking sarili. “What are you saying?” saad naman ng babaeng nasa harapan ko, ang parehong babae na siyang pumisil sa braso ko kanina lamang. Nalipat ang paningin ko sa kaniya. “I’m sorry,” pagpaumanhin ko. “W-Who are you again?” lutang kong tanong rito na naging dahilan naman ng kaniyang pagsimangot. Tinapunan niya ako ng tingin na para bang dalawa ang ulo ko at nawiwirduhan siya sa akin. “What are you saying? Pina-prank mo ba ’ko, Tisha?” Kaagad akong naalarma matapos maningkit ng kaniyang mga mata. Shit. Nawala sa isip ko na ako nga pala ngayong araw si Mortishia. I’m still here inside the venue, the engagement party still hasn't ended yet. “O-Of course!” pagbawi ko at saka pekeng tumawa na siya namang kan

  • The Trillionaire’s Hidden Possesion   Chapter 5

    Malakas ang naging kabog ng dibdib ko. Hindi ako makakilos nang maayos sapagkat kanina ko pa nararamdaman na nakatitig siya sa akin at pinagmamasdan ang bawat galaw ko. Ano bang problema niya? Pilit kong iwinaksi ang ginagawa niyang paninitig sa akin at sa halip ay sinubukang dumampot ng inumin na nakapatong sa lamesa. Mabilis na umasim ang mukha ko nang matikman ang alak. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa niya na naging dahilan para taasan ko siya ng kilay. Nagkibit balikat lamang siya sa akin. Tila ba nangaasar ay sumandal siya sa upuan at saka ako sinenyasan na subukan pa ang iba. Hindi ko siya sinunod. Mayroong maliit na glass container na katabi ng tatlong iba’t-ibang klase ng alak sa ibabaw ng lamesita. Hindi ko alam kung anong nasa loob noon pero maliliit siyang bilog na kulay itim. Gelly-like ang texture noon kaya naman dinampot ko at sinubukang kainin.“No, you don't eat it like—” Huli na ang pagpigil niya. Halos maduwal ako nang malasahan ang gelly na iyon. “Punye

  • The Trillionaire’s Hidden Possesion   Chapter 6

    Halos mabali na ang leeg ko sa pagtingala sa napakalaking bahay sa aking harapan. “S-Sandali—” Hindi ko na natapos pa ang balak kong pagpigil sa sasakyan ni Michelle nang humarurot na ito paalis. Inis na lamang akong napasuntok sa hangin at saka napahilot sa sintido habang muling tiningala ang malaking mansion. “Halu, madame! Pasok na ho kayo sa loob.” Isang bakla na nakasuot nang maid outfit ang sumalubong sa akin. Hindi ko alam kung saan ito nanggaling ngunit iginaya ako nito papasok sa bukana ng mansion. “Nasaan ho pala ang mga gamit niyo?” pagtatanong niya. Ngayon ko lang napagtantong wala akong kahit na anong dala. Ni hindi na nga ako nakapagpalit pa ng damit dahil sa pagmamadali ni Michelle. Tanging pantulog at tsinelas lamang ang outfit ko. Pumasok ang ideya sa utak ko. “Hala oo! Naku, ano ba ’yan mukhang naiwan ko.” Tumalikod ako nagsimulang maglakad palabas sa mansion. “Paano ba ’yan kailangan kong bumalik. Sige ha, bye!” “Where are you going?” Naiwan sa ere ang kan

  • The Trillionaire’s Hidden Possesion   Chapter 7

    Nabato ako sa aking kinatatayuan. Hindi ko maibuka ang aking bibig para sumagot sa kaniya. Did he found out? No he can't. Hindi p’wede, hindi niya p’wedeng malaman ang tungkol kay Mory. Ilang beses akong lumunok. Sinusubukang tanggalin ang nakabara sa aking lalamunan. Nagi-init na ang dalawang sulok ng mga mata ko ngunit pinigil ko ang nagbabadyang luha. No. He will take my Mory away from me— “That’s one weird endearment.” Puno ng pagtataka akong napatunghay sa kaniya. Nangunot ang noo ko at nagsalubong ang dalawang kilay. Hindi ko ma-proseso ng utak ko ang sinabi niya. “Who’s Rico? Why is he calling you mommy?” Ang namumuong kaba sa dibdib ko ay unti-unting naglaho. Hindi ko mapigilang pagak na mapatawa nang sa wakas ay ma-gets ko na ang sinasabi niya. He is referring to Rico. Thank God! Ang kumakawalang tawa sa bibig ko ay kaagad ding nahinto nang mapansin kong dumilim ang ekspresyon niya. It was as if he didn't like what I just reacted. Bumuntong hininga ako. A sigh of re

  • The Trillionaire’s Hidden Possesion   Chapter 8

    “Shh, baby it's okay. Don't cry.” Sinubukan kong buksan ang mga mata, ngunit isa lamang ang nagawa kong imulat sapagkat tila may pumipigil sa isa. Kahit pa nanlalabo iyon ay sinubukan kong aninagin ang mukhang nasa harapan ko. Sumalubong sa akin ang pamilyar na itsura ng aking kwarto noong bata pa ako.Nakuha ang atensyon ko nang makita si Michelle. She is wearing the familiar grin in her face. Nakangiti ang mukha niya na para bang natutuwa sa kaniyang nakikita. Tumagilid ang mukha ko para tingnan ang naririnig kong pag-iyak. Sa hindi kalayuan ay natatanaw ko si Mortishia. Pilit niyang tinatanggal ang nakatali niyang paa ngunit hindi iyon kaya ng maliit pa niyang kamay. “Tama na! Tal!” sumisigaw niyang ani at paulit-ulit na tinatawag ang pangalan ko. Sinubukan kong ikilos ang katawan ko ngunit hindi ko iyon maigalaw. Mayroong mainit na likido ang tumutulo mula sa aking ulo. Tumayo si Michelle at kahit anong gawin kong pagpigil sa kaniya ay hindi ako makakilos. Lumapit siya kay M

Latest chapter

  • The Trillionaire’s Hidden Possesion   Chapter 15

    Napakurap-kurap ako at sa pagkakataong iyon ay napatingin naman kay Cadrus. Masama na ang tingin nito kay Pete. “A—” Naputol ang dapat na sasabihin ko at bago pa man ako makapagtanong ay nahila na ako ni Cadrus paalis. Hindi patungo ang daan namin sa Hotel kaya naman nagtaka na ako. “Saan tayo pupunta?” He didn't answered my question nor did he gave me a glance. Isang gawa sa kahoy na upuan ang hinintuan namin. Katapat lamang ng pangpang kung saan humahampas ang Kalmadong alon. “Why are you there with him?” panimula niya. Nagsalikop ang dalawang braso ko at saka siya pinakatitigan. “Nagkataon lang na nagkita kami roon. Malay ko ba namang kapatid mo pala ang lalaking—teka nga. Bakit ba ’ko nagpapaliwanag sa ’yo?” Tumaas ang isang kilay niya. “Dapat galit ako sa ’yo kasi pinaghintay mo ’ko ng matagal doon. At isa pa, hindi ako ang nangiwan sa ’yo. Ikaw ang nagsabing mauna na ako hindi ba?” Nagbago ang ekspresyon niya, ngayon ay salubong na naman ang kaniyang kilay. “I did not.”

  • The Trillionaire’s Hidden Possesion   Chapter 14

    I saw how Harry looked at his phone, after that glances at me, sighed, then looked at his phone again. “It’s okay, Harry. Tara na pagod na rin ang katawan ko sa biyahe.” It's been half an hour since we waited here at the car. Hindi pa rin lumalabas si Cadrus sa boutique, at kasama pa rin niya iyong babaeng nakita ko kanina sa fitting room. Alam kong nag-text na sa kaniya si Cadrus na mauna na, but maybe he wanted to consider me. O siguro hindi lang siya makahanap ng tyempo para sabihin sa akin. Harry started the engine. He then maneuver the car and drove away from the boutique. Wala naman akong pakialam kung sino ang babaeng iyon. Mas lalong wala akong pakialam kung anong relasyon nila ni Cadrus. I won't ask. I won't. “Who is that girl?” Napatingin sa akin si Harry mula sa rear view mirror dahil sa naging pagtatanong ko. Hindi siya sumagot at nanatiling tahimik. “Ayos lang, hindi mo kailangang sagutin,” pagbawi ko. Why am I even asking? Syempre isa ang babaeng iyo

  • The Trillionaire’s Hidden Possesion   Chapter 13

    “You ready?” “No.” “Then get ready,” “I don't want to.” Mababanaag sa mukha ni Cadrus na hindi niya nagustuhan ang isinagot ko sa kaniya. Ang mga kamay niyang nakapasok sa kaniyang bulsa ay kaniyang inilabas matapos noon ay pinagsalikop niya ang kaniyang braso. “Don’t make me drag you out of there,” pagbabanta niya at saka sumandal sa hamba ng pintuan. “Ayoko. Ayoko. Ayoko.” Inirapan ko siya at sa halip na bumangon mula sa pagkakahiga ko sa aking kama ay nagtalukbong lamang ako ng kumot. It's been a week now since I worked under him as his secretary. Palagi lamang namang nakatunganga ang routine ko sa kumpanya niya kung paminsanan ay inuutusan niya akong mag-staple ng mga papers niya maliban doon ay wala na. Ewan ko ba kung h-in-ire niya lamang talaga ako para maging display doon. Pinakiramdaman ko ang paligid nang walang kahit na anong marinig na response mula kay Cadrus. Nanatili ako sa loob ng kumot.“Did he left?” Dahan-dahan kong ibinaba ang kumot na nakatalukbong sa aki

  • The Trillionaire’s Hidden Possesion   Chapter 12

    “Mortishia?” Sinubukan kong tumalikod ngunit mukhang namukhaan na niya ang kakambal ko. Laking pasalamat ko na lamang sa suot kong make-up at hindi niya ako nakilala bilang si Mortala. I still can't face him, but Mortishia wouldn't do the same. “Ikaw nga, Mortishia!” aniya at saka lumapit sa akin. Sinubukan ako nitong yakapin ngunit gumilid ako dahilan para muntikan na siyang matumba. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang galit sa dibdib ko dahil sa ginawa nila sa akin ng kakambal ko. “I didn't see you. I'm sorry,” may gigil na saad ko at pilit na ngumiti ngunit kahit anong gawin ko ay nauuwi lamang iyon sa pagngiwi. Inayos niya ang pagkakatayo. “It’s okay. Kumusta ka nga pala?” Tumaas ang isang kilay ko dahil sa itinanong niya. I for so long thought that Mortishia ran away with him. Pero sa naging reaksyon niya ngayon. Mukhang malabo. Did their so-called cheating relationship ended already? “I’m doing good.” Hinawakan ko ang palasingsingan ko at sinadya iyong ipakita s

  • The Trillionaire’s Hidden Possesion   BONUS SCENE ฅ⁠^⁠•⁠ﻌ⁠•⁠^⁠ฅ

    BONUS SCENE ฅ⁠^⁠•⁠ﻌ⁠•⁠^⁠ฅ• • • [ Yesterday at Cadrus’ Office . . . ] • • •Pumatak ang alas singko. Ang nagtitipang mga daliri ni Cadrus ay nahinto sapagkat tapos na niya ang mga chinecheck na mga plano sa ginagawa nilang food resort. Pinatay niya ang laptop at isinarado iyon. Inimis niya ang mga gamit at handa na sanang umalis sa kaniyang opisina nang mapatigil siya. “Chocolate . . . ” Iyan ang bulong ni Mortala habang ito ay mahimbing na natutulog sa couch. Yakap nito ang kahon na ibinigay niya kanina. “How can she sleep in this position?” Napailing-iling na saad ni Cadrus sa kaniyang sarili. Wala kasing unan si Mortala. Naka-bend ang ulo nitong nakaunan sa kamay ng couch at hindi talaga komportable sa kaniyang pwesto. “Maraming chocolate . . . ” Napahilamos si Cadrus sa kaniyang mukha. Pinipigilan ang sariling tumawa sa mga ibinubulong ni Mortala. Sinulyapan muna niya ang pintuan bago naupo sa lamesita. Sa totoo lamang ay p’wede niyang iwan dito si Mortala at balikan na la

  • The Trillionaire’s Hidden Possesion   Chapter 11

    Napakurap-kurap ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko kaagad iyon na-proseso at tila ba ay nabingi ako ng pagkakataong iyon. “Pakiulit mo nga. I'll be your what?!” Lumapit siya sa akin habang hindi naman ako nagpatinag at nakatunghay lamang dahil sa laki niya. Nakasunod lamang ang mga mata ko sa kaniya nang hawakan niya ang nakalaylay kong jumper sa aking balikat. “Maria, make her look decent,” he said, clearly ignoring my question. Nalaglag ang panga ko nang talikuran niya ako at muling makipag-usap sa lalaking kaharap niya kanina. I was about to put a fight but Maria pulled me away. “Omg! Madame, ako ang bahala sa look mo! Ikaw ang magiging pinakamagandang secretary!” Sinubukan ko pang kumawala kay Maria ngunit dahil sa laki ng mga muscles niya ay wala akong laban. Walang kahirap-hirap niya akong ipinatong sa kaniyang balikat at kahit labag sa loob ko ay ipinasok niya ako sa kwarto kung saan naroon din ang iba pang maid. Pinagtulungan nila akong hanapan ng isusuot na damit. Mari

  • The Trillionaire’s Hidden Possesion   Chapter 10

    “You will regret this!” Iyan ang inis na hiyaw ng sinasabing sekretarya ni Cadrus. Nagpapadyak itong naglakad paalis at padabog na isinara ang pintuan. Ikinuyom ko ang dalawang kamay ng mapansin ang panginginig nito. Marahas akong napabuntong hininga at saka humawak sa magkabilang balikat ni Cadrus para kumuha ng suporta at makatayo na mula sa kaniyang kandungan. Hindi pa man ako tuluyang nakatatayo ay naramdaman ko ang paghigpit ng kapit niya sa balakang ko. “Anong ginagawa mo? Bitaw,” asik ko sa kaniya. Hindi siya nagsalita. At sa halip ay mas lalo akong ininis. Ihinawak niya ang isang kamay sa kaniyang palapulsuhan. Kaya naman mas lalo akong hindi nakaalis mula sa pagkakaupo sa kaniyang hita. Nagtagis ang mata naming dalawa. Masama akong tumingin sa kaniya habang siya ay ginaya naman ako. “Ano ba!” Naputol ang ginagawa kong pagtitimpi sa kaniya. Naiirita kong hinawakan ang kaniyang leeg at hinigpitan iyon. “O-Ouch! Let go!” aniya sa nahihirapang tono. Napangisi ako at saka

  • The Trillionaire’s Hidden Possesion   Chapter 9

    Bumuntong hininga ako. Matapos kong gawin ’yon ay muli akong humigop ng hangin at marahas na pinakawalan iyon. I kept on sighing since earlier as if it would speed the days for me. Dinampot ko ang pulang pentelpen at ginuhitan ang kalendaryong hawak ko. It has been three days since I was left here. Maybe Cadrus have lost interest in Mortishia because of me. I can't let that happen. That's why I'm sneaking out. Inayos ko ang pagkakasabit ng strap ng suot kong maong na jumper pants sa aking balikat. I am wearing a yellow sleeveless fitted tank top underneath of my jumper pants. Mukha man akong minions, but wearing this will make it easier for me to sneak out. Nakarinig ako ng pagkatok mula sa labas. Isa rin iyan sa dahilan kung bakit hindi ko na kaya pang magtagal dito. The maids are too much, too much that they even insist on brushing my teeth. Kung hindi pa ako tumutol ay baka sila na rin ang nagpaligo sa akin. Wala na akong kahit na anong ginagawa bukod sa gumising, kumain, at ma

  • The Trillionaire’s Hidden Possesion   Chapter 8

    “Shh, baby it's okay. Don't cry.” Sinubukan kong buksan ang mga mata, ngunit isa lamang ang nagawa kong imulat sapagkat tila may pumipigil sa isa. Kahit pa nanlalabo iyon ay sinubukan kong aninagin ang mukhang nasa harapan ko. Sumalubong sa akin ang pamilyar na itsura ng aking kwarto noong bata pa ako.Nakuha ang atensyon ko nang makita si Michelle. She is wearing the familiar grin in her face. Nakangiti ang mukha niya na para bang natutuwa sa kaniyang nakikita. Tumagilid ang mukha ko para tingnan ang naririnig kong pag-iyak. Sa hindi kalayuan ay natatanaw ko si Mortishia. Pilit niyang tinatanggal ang nakatali niyang paa ngunit hindi iyon kaya ng maliit pa niyang kamay. “Tama na! Tal!” sumisigaw niyang ani at paulit-ulit na tinatawag ang pangalan ko. Sinubukan kong ikilos ang katawan ko ngunit hindi ko iyon maigalaw. Mayroong mainit na likido ang tumutulo mula sa aking ulo. Tumayo si Michelle at kahit anong gawin kong pagpigil sa kaniya ay hindi ako makakilos. Lumapit siya kay M

DMCA.com Protection Status