Share

Chapter 2

Marahas akong tumayo at saka dinampot ang gitarang natapakan ko kanina. Walang habas ko iyong pinaghahampas sa sahig, ibunubuhos lahat ng galit sa aking dibdib.

I saw how Mortishia screamed and cried. Nakatitig ako sa kaniya habang patuloy na sinisira ang gitarang hawak ko. Gustuhin ko man siyang saktan at sabunutan ay hindi ko kaya.

“Mortala stop!”

Inagaw ni William sa akin ang gitara. Doon ko lamang din napagtantong ang pamumula sa mga kamay ko. “This isn't your fault okay? I don't know when it happened but, Mortishia and I fell for each other. We've decided to tell you, but you've been caught on the wedding!”

“What? Anong pinagsasabi mo William? That's not true! Huwag kang maniwala sa kaniya, Tal. I don't know how did this happen. I-I would never—”

Nahinto silang pareho nang sumigaw ako. “Tama na!”

Hinawakan ko ang suot kong malaking puting gown matapos ay mabilis na nanakbo paalis sa lugar na iyon kahit pa narinig kong tinawag ako ni Mortishia. Dala ang sakit, pagkapahiya, at maging ang bigat sa dibdib ko ay mabilis akong nanakbo nang naka-paa.

Nakasalubong ko pa si Michelle. A satisfaction is written in her face like her eyes were telling me that I should've listened to her.

Hindi ako huminto kahit pa ang mga mata nilang lahat ay nasa akin. Nanakbo ako palabas ng mansiyon. Papunta sa bayan at kahit pa pinagtitinginan ako ng mga tao ay wala akong pakialam

Nang mapagod ang mga paa ko ay kusa iyong bumigay. Pagak akong natawa matapos makitang sa gitna pa ng tulay ako nahinto.

Hinayaan ko ang sariling lumupagi sa sahig. “Sinusubok ba talaga akong ngayong araw? I was betrayed twice today.”

Padabog kong pinahid ang walang tigil na pagtulo ng luha ko. Inis akong tumayo at sinubukang sumampa sa harang ng tulay. Kaagad na dumaloy ang frustration sa aking sistema nang hindi ako makaakyat sapagkat masiyadong mahigpit ang sleeves ng suot ko.

“Damn this dress!”

Gamit ang aking ngipin at kuko ay pinunit ko ang sleeves ng gown dahilan para maging pa-tube na lamang iyon.

Another attempt and then I successfully got up the platform.

Dinama ko ang malakas na simoy ng hangin. Matapos ay iniapak ang isang paa sa ere. Muli na namang nagbagsakan ang mga luha ko nang maalala ang mga memories naming dalawa ni William.

I thought he would be the one to save me. But, he failed me too just like everyone else.

Hinayaan kong mahulog ang sarili.

“I’d rather die than go back to being Michelle's puppet.”

.

.

.

Did I die?

Pinakiramdaman ko ang paligid ngunit hindi ko iminulat ang aking mga mata. I was so sure that I let myself fall but I can't feel anything in my body. No water, not a single drop.

I didn't die.

“You will die ugly if you jump there.”

Napamulagat ako nang may marinig na boses. Kaagad akong napasinghap matapos sumalubong sa akin ang mataas at nakakalulang pagitan ng kinatatayuan ko at nang ilog sa ibaba.

Isang paa ko na lamang ang nakatapak sa sementong harang ng tulay habang ang isa ay nasa ere maging ang kalahati ng katawan ko.

Bago pa ako tuluyang panawan ng ulirat dahil sa takot ay mayroong humila sa isang kamay ko, bagay na kanina ko pa nararamdamang nakakapit sa akin.

“Kapag nahulog ka riyan, lolobo ang mukha mo at magmumukha kang siopao sa loob ng kabaong.”

Kumurap-kurap ang aking mga mata pilit inaaninag ang lalaking humila sa akin. Nakasuot ito ng jacket na gray, mayroon iyong print na Las Vegas. He is wearing shades, his hoodie is also covering his face.

Dala ng pagkabigla ay kumawala ako sa pagkakahawak nito. “I-I . . . ” Nalipat ang paningin ko sa paligid.

Nagkukumpulan na pala ang mga tao sa amin ang iba ay bini-video pa ang pangyayari. Hindi ko iyan napansin kanina. Masiyado akong nagpadala sa damdamin ko.

This isn't like me.

Isang tunog ng sirena mula sa kalayuan ang umagaw sa atensyon ko at ng lalaki sa harapan ko. Kaagad na bumalatay ang taranta at takot sa mukha ko kaya mabilis akong tumakbo paalis sa lugar na iyon.

“I don't want any more trouble,” nanlalata kong saad habang tinatahak ang isang eskinita.

***

Sa totoo lang ay hindi ko na alam kung saang lupalop na ako naroon. Kahit naman kasi rito ako pinanganak sa maynila ay hindi ko kabisado ang lahat ng lugar dito.

Napatingala ako sa langit para lamang makita ang papalubog na araw.

I stopped in front of a building, there hanging is a colorful signage.

Ilang minuto lamang akong nakatayo sa harapan noon hanggang sa unti-unting magdatingan ang mga taong pumapasok sa loob.

“Ano Cinderella? Mukhang namali ka yata ng kastilyo?”

Isang tumatawang lalaki ang lumapit sa akin dahilan para mapaatras ako. Nagpapasuray-suray itong bumagsak sa sahig na siya namang nilapitan ng dalawang malaking lalaki na naka-itim. “Hindi pa malalim ang gabi may pasakit na kaagad sa ulo,” naiinis na saad ng isa rito.

Napabuntong hininga ako. Matapos ng ilang minutong pag-tanghod sa labas ay napagpasiyahan kong pumasok sa loob ng building.

“I’ve never been inside a bar before,” bulong ko sa sarili. Hindi pinapansin ang paninitig ng mga tao sa loob, marahil dahil sa suot ko.

Diretso akong naupo sa stool kung saan naroon ang counter. The bartender even gave me a weird look before asking. “What are you having, ma'am?”

“Iyong matapang?”

Mas umasim ang tingin sa akin ng bartender pero kahit ganoon ay tumango ito at sumunod.

Hinipo ko ang palapulsuhan kung saan naroon ang isang mahabang peklat. Wala akong alam sa mga alak, kahit tikim ay hindi ko pa nagawa.

“Here’s your whisky.”

Isang baso ang ipinatong ng bartender sa harapan ko. Akala ko ay isang bote ang ibibigay nito sa akin ngunit singlaki lamang ng hinliliit ko ang basong ibinigay niya.

Pinakatitigan ko pa iyon bago inumin. May naikwento sa akin si Papa na para hindi malasahan ang pait sa alak ay isang lagok ang paginom. Nagdadalawang isip man ay ginawa ko.

Nalukot ang mukha ko nang mayroong mainit na sensasyong gumuhit sa lalamunan ko matapos ko iyong lagukin.

It's not what I expected. Matamis ang lasa kaya naman nanghingi pa ako ng isa pa. Dalawa. Tatlo. Lima. Hanggang sa pitong baso na ang naubos ko at unti-unti ko nang maramdaman ang pagtama ng alak sa akin.

“How dare he do this to me?” saad ko at pabagsak na ipinatong ang baso sa counter. “I love him more than anything. I fought with Michelle a hundred times just to have this marriage, and what did I get? Iniwan niya lang ako, ang kapal ng mukha niya!”

Muli akong uminom. “Pangit ba ’ko? Magkamukha lang naman kami ni Mortishia, bakit ba hindi na lang ako?” halos bulong kong saad.

Alam ko naman eh. I knew how he looked at my sister very well. Even before, kahit hindi pa kami ay alam ko nang si Mortishia ang gusto niya.

“Still, I had hoped he would look at me too.”

At noong ginawa nga niya, tiningnan nga niya ako ngunit dahil nakikita niya lang sa akin ang kapatid ko.

“It’s always Mortishia, and never Mortala . . . ”

Pagak akong natawa at saka inubos ang natitira sa baso. Siguro ay iniisip na ng bartender na nababaliw na ako dahil umiiyak ako rito at kinakausap ko ang sarili ko, pero wala na akong pakialam.

I just want to ease the pain. Sobrang sakit.

I rested my head on the table. Marahil dala ng pagod sa aking ginawang pagtakbo kanina, kahalo ang tama ng alak na kumakalat na sa aking sistema.

Inaantok na pinanood ko ang mga nagsasayawan sa dance floor.

My brows furrowed when it was blocked by a huge person. “I never liked, Las Vegas.” Pagduro-duro ko sa nakaharang na tao, tapat na tapat sa mata ko ang print ng damit nito.

“Did you ran away from your wedding?”

Napatingala ako nang magsalita ito. Kinusot ko pa ang mga mata ko para makita ito ng malinaw. A sign of familiarity crept into me.

Tipid akong ngumiti at napailing. “No, my groom ran away from me.”

He didn't say anything, just sat next to me and ordered a drink. Inayos niya ang suot na shades dahilan para maalala ko kung saan ko siya nakita.

“Ikaw ’yon, you stopped me earlier!” asik ko at mabilis na bumangon mula sa pagkakayukyok.

Nagkibit balikat lamang siya at ininom ang alak na inilapag ng bartender sa counter.

Namutawi ang katahimikan. Nangingibabaw ang awkward na atmosphere sa pagitan namin. “Hindi ka ba curious kung bakit ganito ang itsura ko?”

Pinasadahan niya ako ng tingin matapos ay muling uminom sa ngayon ay bote ng hawak niya. “I can already see,” sarkastiko niyang saad.

Napaismid ako dahil doon. Ipinatong ko ang baba sa kaliwang siko, habang ang isang kamay ko ay umabot sa shades na suot niya. I removed it before he could even react.

I was amused when I saw his face, especially his eyes. “Foreigner ka pala!” pabiro kong saad at saka humagalpak ng tawa.

Pinanood ko kung paano umangat ang isang kilay niya halatang hindi natutuwa. He's handsome I must admit. His eyes were deep green, as if it was a finely cut jade.

“Totoo bang mas malaki ’yung inyong mga foreigner?” kuryoso kong tanong hindi na inisip pa kung tama ba ang itinanong ko.

Nakita kong natigilan siya, naging dahilan din iyon para sa wakas ay tapunan niya ako ng tingin.

“No offense, curious lang ako. I’ve never been with a foreign man before,” dagdag ko pa at saka tumawa.

I was just joking. Si William lang naman ang naging boyfriend ko, and we really never get the chance to do things that couples do. Ngayon ko lang na-realize iyon.

Inikot niya ang upuan at humarap sa akin. He then leaned over. “Why don't you see for yourself?”

Hindi ako nagpatalo at mas lumapit din sa kaniya, hanggang sa ilang hibla na lamang ang pagitan ng mukha naming dalawa.

Hinayaan kong lamunin ako ng alak at magpadala sa kapilyahang pumasok sa utak ko. What could go wrong?

“Do you want to have s*x?”

I saw how he lost his composure. Magkahalong gulat at pagkataranta ang dumaan sa kaniyang mga mata. Mabilis lang iyon at kaagad din siyang nakabawi.

Nanatili lamang na magkahinang ang aming mga mata hanggang sa kalaunan ay ako ang unang umiwas sapagkat masiyado iyong nakalulunod.

Dagli kong kinuha ang baso ko kanina at inisang lagok ang alak doon. “Ano kaya kung . . . ” Muli ko siyang sinilip bago ipinagpatuloy ang kahibangan ko. “Ano kaya kung tayong dalawa ang mag-honey moon?”

A lethal smile formed at the corner of his mouth. Nakasunod ang paningin ko nang umangat ang kaniyang kamay at pumunas ang hinlalaki niya sa labi ko.

“Why not?”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status