Share

Chapter 10

“You will regret this!”

Iyan ang inis na hiyaw ng sinasabing sekretarya ni Cadrus. Nagpapadyak itong naglakad paalis at padabog na isinara ang pintuan.

Ikinuyom ko ang dalawang kamay ng mapansin ang panginginig nito. Marahas akong napabuntong hininga at saka humawak sa magkabilang balikat ni Cadrus para kumuha ng suporta at makatayo na mula sa kaniyang kandungan.

Hindi pa man ako tuluyang nakatatayo ay naramdaman ko ang paghigpit ng kapit niya sa balakang ko. “Anong ginagawa mo? Bitaw,” asik ko sa kaniya.

Hindi siya nagsalita. At sa halip ay mas lalo akong ininis. Ihinawak niya ang isang kamay sa kaniyang palapulsuhan. Kaya naman mas lalo akong hindi nakaalis mula sa pagkakaupo sa kaniyang hita.

Nagtagis ang mata naming dalawa. Masama akong tumingin sa kaniya habang siya ay ginaya naman ako. “Ano ba!”

Naputol ang ginagawa kong pagtitimpi sa kaniya. Naiirita kong hinawakan ang kaniyang leeg at hinigpitan iyon.

“O-Ouch! Let go!” aniya sa nahihirapang tono.

Napangisi ako at saka
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status