Turn Her Into Demure Woman

Turn Her Into Demure Woman

last updateLast Updated : 2024-08-15
By:  desire_ru  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel12goodnovel
Not enough ratings
50Chapters
969views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

THIS STORY IS INSPIRED BY THE JAPANESE SERIES, "YAMATO NADESHIKO" or "The Wallflower" Limang makikisig, matatangkad, at naggagwapuhang lalaki ang naninirahan sa mala-palasyong mansyon na pagmamay-aari ng isang kilalang bilyonara sa iba't ibang panig ng mundo na nangangalang Madame Madeline Dawson at kinikilala nila ito bilang kanilang Auntie. Ang limang lalaki ay may kaniya-kaniyang pribadong rason kung bakit sila kinukupkop nito. Ngunit isang araw, sinurpresa sila ng kanilang auntie ng isang misyon na akala nila ay madali lamang nila itong mareresolbahan. Ang misyong kanilang dapat matupad ay gawing disente, malumanay, at mahinahong dalaga ang kanyang pamangkin. Ikinasindak nila na kung hindi 'man nila ito mapagtagumpayan ang misyon, sisingilin sila ng renta na umaabot ng milyon-milyong dolyar. Maraming naging kwestyon ang nabuo sa isip nila kung anong uri ng babae ang kanilang makakasalamuha gayong walang sapat na impormasyon na binigay sa kanila ang kanilang auntie sa nagngangalang Ayla Desire Dawson. Mapagtatagumpayan kaya nila ang misyong nakalatag sa kanila? At anong mga senaryo ang mabubuo sa kanilang anim sa mahabang panahon na kanilang pagsasama sa iisang bubong.

View More

Latest chapter

Free Preview

Prologue and Chapter 1 She's here

Prologue of Turn Her Into Demure Woman "Walong buwan, para mabago niyo siya tungo sa disente at malumanay na dalaga." Nakadekwatrong pangbabae si Auntie matapos niyang sabihin ang misyon na inilatag niya sa amin. Walong buwan? Ga'non ba kahirap ang misyon namin para mabago ang pamangkin ni Auntie Madeline. Napansin ko ang pangamba sa mga mukha ni Wendell, Kael, Shawn, at Leonaire. Mukhang pare-parehas rin kami ng iniisip. Ngumisi si auntie bago magsimulang magsalita. "Kapag hindi niyo nagawa ang misyon, sisingilin ko kayo ng mahigit na milyong dolyar-dolyar." "Ha?!!!" sabay-sabay naming reaksyon nang marinig 'yon. Samu't saring ingay na ang nabuo ng apat sa loob ng main living room habang ako ay tahimik at stress na stress na nag-iisip. Halos lumuwa na ang mata ko nang marinig ko 'yon. 'San ako pupulot ng gan'yang pagkalaki-laking pera?! Hampas lupa lang ang isang tulad ko! "Auntie," binaling niya ang tingin sa 'kin. "Pa'no ko naman po babayaran 'yan? Alam niyo naman po kun

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
50 Chapters

Prologue and Chapter 1 She's here

Prologue of Turn Her Into Demure Woman "Walong buwan, para mabago niyo siya tungo sa disente at malumanay na dalaga." Nakadekwatrong pangbabae si Auntie matapos niyang sabihin ang misyon na inilatag niya sa amin. Walong buwan? Ga'non ba kahirap ang misyon namin para mabago ang pamangkin ni Auntie Madeline. Napansin ko ang pangamba sa mga mukha ni Wendell, Kael, Shawn, at Leonaire. Mukhang pare-parehas rin kami ng iniisip. Ngumisi si auntie bago magsimulang magsalita. "Kapag hindi niyo nagawa ang misyon, sisingilin ko kayo ng mahigit na milyong dolyar-dolyar." "Ha?!!!" sabay-sabay naming reaksyon nang marinig 'yon. Samu't saring ingay na ang nabuo ng apat sa loob ng main living room habang ako ay tahimik at stress na stress na nag-iisip. Halos lumuwa na ang mata ko nang marinig ko 'yon. 'San ako pupulot ng gan'yang pagkalaki-laking pera?! Hampas lupa lang ang isang tulad ko! "Auntie," binaling niya ang tingin sa 'kin. "Pa'no ko naman po babayaran 'yan? Alam niyo naman po kun
Read more

Chapter 2 Missing

"D-Dito Ayla ang kwarto m-mo h-hehehe" ani Kael na may bahid sa kanyang mukha ng takot habang itinuturo ang pinto. "Sana magustuhan m-mo hehehe kami nag-ayos niyan." Nang buksan niya ang pinto ay mahahalata sa kilos ng ulo niya na nililibot niya ang kanyang paningin sa kabuuan ng kwarto niya. Nagulat na lang kami nang malakas ang pwersa nang pagpatay niya sa switch ng ilaw sa kanyang kwarto. Ang kaninang sobrang liwanag na sinag ng ilaw sa kanyang kwarto ay napalitan ng kadiliman at ni-isang parte ng kwarto ay hindi na maaninagan. Halos tumalon ang puso ko sa lakas ng barog ng pinto matapos niyang isara. "Amm... Hindi naman halatang galit siya." mahinang sabi ni Shawn. "Nakakatakot ang presence niya!" sabi pa ni Leonaire habang nakatingin pa sa braso niya sa hinagod 'yon. "Errr, nanindig lahat ng balahibo ko!" pilit pa niyang binababa ang naninindig na balahibo niya sa braso. Sumasang-ayon ako sakanya dahil totoong nakakatakot nga siya. Hindi ko halos makita ang buong mukha n
Read more

Chapter 3 Killer or Not?

Mapapansin ang tatlong nakakahon ngunit mas naagaw nang pansin namin ang ikinagulat naming lima. Tumambad sa amin ang isang malaking garapon na ang laman ay... pugot na ulo ng tao. Kulay pula ang laman nito pero maaaninag pa rin kung ano ang nasa loob. Ang buong katawan ko ay tila ba naging manhid. Hindi ko maikilos ang bawat parte ng katawan ko at hindi ko rin maalis sa paningin ko ang garapong yon. Hindi kami ang kailangan para mabago si Ayla kun'di ang mga awtoridad. Isa siya murderer! Isa siyang kriminal!"K-Kaya ba hirap-hirap silang baguhin ang babaeng ito dahil isa siyang mamamatay tao at hindi nila magawang ipakulong dahil pamilya nila ang babaeng yon." pagbabasag ko sa katahimikan kaya lahat sila ay napatingin sa akin maliban kay Kael. Itinayo ko siya saka hinarap siya sa ibang direksyon na hindi makikita ang bagay na 'yon. Naipasok niya ang mga pinatay niya nang hindi namin namamalayan?! "At sa t-tingin ko... m-madudungisan ang pangalan ng mga Dawson kung ilaladlad ang im
Read more

Chapter 4 Her looks

Natapos ang buong araw na hindi namin natuloy ang plano na dalhin si Ayla sa mall dahil sa nangyaring ngayon. Pinag-isipan namin ng masama ang wierdong babeng 'yon. Totoo naman kasing weirdo siya dahil nakakatakot ang dating niya at talaga nakakatakot din siyang magbanta. Parang mapapaisip ka na lang baka bukas ng umaga patay ka na at ang nakaatawa pa ron, kalalaki naming tao pero napaka duwag naman naming harapin ang babaeng 'yon. Hindi niya kami masisisi na matakot sa kanya. Ni-hindi namin maaninag ang muka niya dahil itim na itim ang nakabalandra niyang buhok sa pagmumuka niya kulang na lang isipin kong wala siyang mukh. Nakakatakot isipin kung wala siyang muka. Nakakakilabot. Akala mo'y may tinatago siya 'e mukha lang naman niya yon. Kinahihiya niya pa. "Hihingi ba tayo ng sorry sa kanya?" tanong ni Wendell.Hapon na pero hindi pa rin lumabas ang babaeng yon simula matapos ang nangyari kaninang umaga. Narito kami ngayon sa court ng mansyon. Madalas na mag-ensayo."Anyway, I want
Read more

Chapter 5 Escape

Ang tanging pag-ubo ni Ayla ang naririnig namin dahil hindi pa rin namin siya nakikita dahil sa mga lumulutang na harina na tila naging usok sa paligid ng kusina.Mabuti na lang at napuyuran ko na ang bangs niyang pagkahaba-haba at hindi pantay-pantay na laging nakabalandra sa pag-mumuka niya bago pa kami matapunan ng harina. Hindi naman pala siya malakas kaysa sa inaasahan ko, hahaha! Sadyang mahihina lang siguro yung mga kriminal na nakatapat niya noong isang gabi. Akala ko'y masasapak niya ako ng marami pero ni-isang pasa ay wala akong natamo. "She's pretty."Ngayon ko lang narinig na magkomento si Wendell tungkol sa babae. Matapos kong magpagpag ng sarili ay binalikan ko na ng tingin si Ayla.Tama si Wendell. Napahinto ako bigla nang mas mapagtanto ko na wala namang mali sa mukha niya. Walang anu-ano'y hindi ko na naiwasan pang purihin siya sa isip ko.Tumungo siya nang mapagtanto niya nakatingin kami sa kanya kaya muli na namang hindi na namin maaninagan ang mukha niya. Itinaas n
Read more

Chapter 6 They are concern

Hindi ko na naiwasang maluha dahil sa nararamdaman kong pagka-awa sa sarili ko. Nasasaktan ako sa mga panghuhusga na pinupukaw nila sa 'kin. Para akong binubugbog ng mga masasakit na salita. Narinig ko ang mga hagikgik nila. Dala ng matinding emosyon na dumadaloy sa 'kin, piniga ng dalawa kong kamay ang mga alikabok. “Nakakatakot siya! Nakakapangilabot ang matatalas niyang kuko! Tao pa ba 'yan?” “Nakita mo ba kanina kung gaano kapula ang mata niya?! Grabe, para siyang halimaw!” Ipinilit ko'ng buksan ang mata ko nang marinig ko ang sinabi ng isang babae na sa tingin ko ay nasa lagpas trenta anyos na. Napaatras siya nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya. Nais kong sagutin siya na maling deskusyon niya. Nasaktan ako sa kasinungalingan na inilantad niya sa mga taong naririto. Hindi naalis ang tingin ko sa kanya. ‘Mamatay tao siya.’ Naalala ko bigla ang sinabi ng lalaking ‘yon. Pwede silang magsama-saa. Mabilis niya akong hinusgahan. Nagtangka akong tumayo at muntik ko nang i
Read more

Chapter 7 Trouble

Lordan Point of View“Where’s Ayla?” tanong ni Wendell na kakalabas lang ng mansion.“Hindi ko alam.” Sagot ko habang ang dalawa ay nagkibit-balikat lang.“Male-late na tayo pero wala pa rin siya.” Napabuntong hininga habang sinabi ito ni Kael.Tumugon lang siya saka binuklat ni Wendell ang librong hawak niya gaya ng madalas niyang ginagawa sa tuwing papasok kami. Narito kami ngayon sa parking area ng mansyon. 20 minutes na lang late na sila, hindi gaya ko na mamaya pa ang klase.“Ang aga mo ata, Lordan?”“Ano naman?” agad na sagot ko kay Leonaire.“Talaga lang ha? Haha!”“Baka naman inspired ka lang today, haha!” dagdag na pang asar ni Shawn.“Talagang pinagluto niya pa kagabi si Ayla! Haha, tapos tayo hindi! Biased!” wika ni Leonaire.“May sweet side pala si Lordan sa katawan, hahaha!” natatawang sabi ni Kael."Manahimik nga."Napailing na lang ako sa pang-aasar nila.“Ayla is here.”Napatingin ako sa direksyon na tinitingnan ni Wendell at nakita si Ayla na papalapit sa amin. Dala-da
Read more

Chapter 8 Accusation

Ayla Point of View Ako na lang pala ang inaantay nilang lima. Ang lahat ng tingin nila ay sa akin. Natagalan ako dahil may nakita akong note sa lamesa sa kusina. Nakita ko ang isang note na may nakalagay na ‘Hi, Ayla! Good morning! Pinagluto ka ni Lordan. Tirhan ka daw namin ng niluto niya, haha. He’s so sweet to you!’ -Kael Nang kainin ko ang sinasabi ni Kael, doon ko nalaman na siya ang nagluto kagabi. “Ayla, put your seatbelt on.” sabi niya sa ‘kin habang sinisimulan i-start ang sasakyan. “Hindi na.” agad na sagot ko saka binaling ang tingin ko sa side window ng sasakyan niya. “Amm… I'm worried because I might brake suddenly.” Hindi ko siya pinansin kaya wala na siyang pagpipilian pa kundi ang paandarin na lang ang sasakyan niya. Napansin kong mabagal ang pagpapatakbo niya ng sasakyan. Ingat na ingat siya sa pagmamaneho. “May trauma ako sa pagsusuot ng seatbelt.” panimula ko. Naramdaman kong napatingin siya sa ‘kin."Do you mind?"Wala naman akong nakikitang mali kung sas
Read more

Chapter 9 Victims?

Ang mapanghusgang taong ‘to ay hindi marunong mag-isip. Hindi sila marunong umaalam ng totoong nangyari at bumabase lamang sila sa isang mapagpanggap. Mas gugustuhin ko na lang magkulong sa loob ng madilim ng kwarto kesa makita ang mga taong ito. Hindi ko alam kung paano ako makakaalis sa situwasyong ‘to. Lahat sila ay pinagkukumpulan ako at pinagsasalitaan ng masasama. “Ipakita mo ang mukha mo!” “Oo nga! So that we will recognize her if we run into her again!”Mas lalo akong namaluktot sa pagkakaupo nang naisin na nilang makita ang kabuuan ng mukha ko. Mayamaya ay may lumapit sa ‘king mga kalalakihan. Hindi ko alam kung anong ginagawa nila dito sa harap ko. Ngunit malakas ang kutob ko na pagtutulungan rin nila ako. “Don’t worry, we’ll handle this hahaha!” ani ng nasa harapan ko. “Hold her!” Mabilis na dumapo ang kanilang kamay sa magkabilaan kong balikat at braso. Labag ‘man sa loob ko ay hinayaan ko na silang gawin ang gusto nila. Ang lahat ng nasa paligid ko ay nagsisigawan na t
Read more

Chapter 10 Contract Marriage

Lordan Point of ViewHindi na ako pumasok sa isang subject matapos ang nangyari. Kanina pa nakapasok sa loob si Ayla samantalang nasa malawak na bakuran kaming lima.Narito na kami sa mansion ngayon. Nakatambay sa terasa.“Nakakagulat si Ayla kanina. Ang bilis niyang ikulong sa bisig si Francis! The manner she spun the knife in her hand, super wow!” namamanghang wika ni Shawn.“Pero at the same time, natakot din ako sa kanya kanina nang makita kong may hawak siyang balisong at nakatutok pa kay Francis,” sabi naman ni Kael. “Tama lang ‘yung pagdipensa niya sa sarili niya dahil syempre nasugatan siya pero natakot ako sa possibility na mas higit pa yung iganti niya sa mga ‘yon.” dagdag pa niya.May punto siya. Kahit ako ay natakot din sa nangyaring ‘yon. Marunong siyang humawak ng patalim na ‘yon at totoong nakakamangha ang ginawa niyang paglalaro ng balisong habang ikinukulog sa bisig si Francis.Kitang-kitang sa CCTV ang nakakaawang si Ayla ay nag-iba at naging agresibo. Halatang hindi
Read more
DMCA.com Protection Status