Prologue of Turn Her Into Demure Woman
"Walong buwan, para mabago niyo siya tungo sa disente at malumanay na dalaga." Nakadekwatrong pangbabae si Auntie matapos niyang sabihin ang misyon na inilatag niya sa amin. Walong buwan? Ga'non ba kahirap ang misyon namin para mabago ang pamangkin ni Auntie Madeline. Napansin ko ang pangamba sa mga mukha ni Wendell, Kael, Shawn, at Leonaire. Mukhang pare-parehas rin kami ng iniisip. Ngumisi si auntie bago magsimulang magsalita. "Kapag hindi niyo nagawa ang misyon, sisingilin ko kayo ng mahigit na milyong dolyar-dolyar." "Ha?!!!" sabay-sabay naming reaksyon nang marinig 'yon. Samu't saring ingay na ang nabuo ng apat sa loob ng main living room habang ako ay tahimik at stress na stress na nag-iisip. Halos lumuwa na ang mata ko nang marinig ko 'yon. 'San ako pupulot ng gan'yang pagkalaki-laking pera?! Hampas lupa lang ang isang tulad ko! "Auntie," binaling niya ang tingin sa 'kin. "Pa'no ko naman po babayaran 'yan? Alam niyo naman po kung bakit ako narito..." tanong ko sa kanya at naramdaman ang tingin ng apat sa 'kin. "...hindi lang ako, kun'di naming lima." Nag-iba siya ng direksyon ng tingin. "Hmm... hindi ko na problema 'yon." Halata sa mga aksyon at tono ng pananalita ni Auntie Madeline na hindi siya nagbibiro. "Sumaglit lang ako para kamustahin kayo dito," unang sabi niya matapos ay tumayo at nanatiling magkakrus ang braso. "Kailangan ko nang magpunta ngayon ng ibang bansa para manlalaki." saka malawak na ngumiti. Hindi pa 'man kami nakakapa-react sa sinabi niyang 'yon nang makarinig kami ng ingay na nagmumula sa himpapawid. Tatlong nagsisilipadang helicopter ang nakaparada sa harap ng mansion. Inaladlad pa nito ang hagdan may malambot na tali. Malakas ang ihip ng hangin na nagmula sa bukas na balkonahe. "Pero auntie kulang pa ang info niyo sa pamangkin niyo!" malakas na sigaw ni Shawn. Mabuti na lang narinig ito ni Auntie. "She's Ayla Desire Dawson! Darating siya mamayang 8 p.m.!" malakas ang sagot ni Auntie bago tuluyang umapak sa hagdan. Lordan's P.O.V "Do you think we can do Auntie Madeline's challenge?" tanong sa 'min ni Wendell na kanina pa nakatayo sa harap naming apat. Narito kami ngayon sa main living room ng mansion. Nakaupo sa mahabang sofa si Leonaire at Shawn. Samantalang nasa magkabilaang single sofa kami ni Kael. "Oo naman, bakit hindi?" bilib na sagot ko kaya't napabaling ang tingin nila sa akin. Lahat sila ngsimulang magsitaasan ang isang kilay nila sa akin. "Oh? Anong tingin yan? Madali lang yon panigurado! Dalhin lang natin sa beauty parlor o di kaya sa mall at magshopping siya hangga't gusto niya. 'Yun naman ang gawain at gusto ng mga kababaihan 'di' ba? 'E di tapos ang misyon." bilib na bilib na paliwanag ko na ikinatawa nila na akala mo may nakakatawa sa sinabi ko. "Anong nakakatawa?" "Kung magpatawa ka naman kasi Lordan, as if kilala mo na at naobserbahan mo na ang pamangkin ni auntie Madi." madadama ang sungit sa tono ng pananalita niya. "Iba't iba ang ugali ng babae kahit itanong mo pa d'yan sa cassanova." pagtukoy niya sa isa kaya napatingin ang lahat kay Shawn. Nanlaki ang mata ni Shawn. "What?! Why me?!" overreact na tanong ni Shawn na may pagturo pa sa sarili niya. Natawa muna si Leonaire bago nagsalita, "Ang dami na niyang na-encounter na babae, malay natin siya pa ang maging life saver natin," dagdag pa niya sa una niya puna kay Shawn. "Ouch! Grabe naman ang accusation mo sa 'kin, bff!" "Bff ka d'yan! Corny mo." umirap pa siya kay Shawn ngunit hindi nawala ang angas sa sarili niya. Nagdekwatro siya habang sumisimsim ng red wine sa baso. "Marami ka na kasing nauutong babae." pahabol ni Leonaire saka ipinagpatuloy ang pag-inom ng wine. Nagdekwatro din siya. "Friendly lang talaga ako pero hindi ako babaero, hahaha." depensa niya sa sarili na natatawa pa. "Tyaka hindi tayo hahamunin ni auntie kung ganon lang kadali, Lordan. Lalo na binigyan tayong ng iilang buwan para ma-accomplish natin yung task niya." pagbibigay punto ni Kael pagkatapos ay pinagkrus niya ang kanyang mga braso. Napaisip si Leonaire, "Hindi naman mangmang si auntie kung hindi niya alam yung sinabi mong solusyon." pagsingit ni Leonaire. "Kung narinig ni auntie 'yang mangmang, husay ka 'ron!" "Oh? Sinabihan ko ba siyang mangmang?" "Hey, stop fighting." pag-awat sa kanila ni Wendell matapos ay naupo sa gitna ng dalawa. "Hmm, ano... ahm.. what if akitin na lang natin siya pero walang malisya?" seryosong suhestyon ni Shawn. Napailing si Leonaire sa sinabi nito. "What a lame suggestion, Shawn?!" seryoso 'rin sabi ni Leonaire pagkatapos ay humigop ng wine na tila ba nai-stress sa suggestion ni Shawn. Saglit kong tiningnan si Wendell, malayo ang tingin niya habang uminom din ng wine. "Why?" tanong niya na para ba'ng hinahanapan niya ng mali ang sinabi niya. "Lahat ng babae sa campus ay pinagkakaguluhan tayo. Walang hindi." pagmamalaking wika niya pa. "Hmm, kaya siguro tayo binigyan ng hamon ni auntie dahil kagwapuhan pala natin ang makakabago sa pamangkin ni auntie." Napabuntong hininga na lang kaming nakikinig sa kanya. Para siyang may sariling mundo sa mga pinagsasabi niya. Tumayo si Wendell sa kinauupuan kaya napunta ang tingin namin sa kanya. "Basta lahat ng naiisip niyong solusyon ay gagawin natin, nakakatawa 'man yan o hindi. Malay natin mag-work. But I am not agree to Shawn's suggestion." ani Wendell. "I agree. Sa tingin ko hindi ordinaryong babae ang pamangkin ni auntie. Kinakabahan na tuloy ako makita siya." sabi ni Kael. Mababakas nga sa mukha niya na nangangamba siya. Wala kaming lahat ideya kung anong uri ng babae si Ayla Desire Dawson. Ni-itsura nga niya ay wala kaming kaide-ideya. Patuloy pa rin kaming nag-iisip kahit ngayong gabi na namin sasalubungin ang babaeng yon. Nakakainis! Bakit kasi kailangan kami pa gayong pwede naman siyang mag-ayos ng sarili niya. Wala akong maipangbabayad kay auntie kung papalpak kaming lahat. Paano na 'to. Teka... Hindi... Ako lang pala... Tinamaan ako bigla ng reyalisasyon dahilan para masapo ko ang noo ko. "Anong iniisip mo d'yan, Lordan?" nawala ako sa pag-iisip ko nang marinig kong tanungin ako ni Kael. Umayos ako nang upo at tiningnan sila. "Bakit kayo kakabahan gayong anak mayaman naman kayong lahat?" Mahina akong natawa bago magpatuloy. "Pumalya 'man o hindi, makakabayad din kayo." Tumikhim si Leonaire. "Nag-iisip ka ba? Para namang bibigyan kami ng ganong kalaking halaga ng parents namin para lang may maipangbayad ng renta kay auntie. Sa sitwasyon ko pa talaga 'to?" Hindi talaga nawawala ang pagiging masungit ni Leonaire tuwing nagsasalita. "At kung mabigyan 'man ako ng ganong halaga ni mom and dad," napunta naman ang tingin ko sa pangalawang nagsalita. "Baka hindi na ako makatakas sa kanila at buong buhay kong babayaran ang utang ko sa kanila. Ayokong habang buhay akong manilbihan sa company namin," paggatong ni Wendell. "Baka kapag nangyari 'yon ay hindi ko na magawa ang gusto kong gawin sa buhay." dagdag pa niya. Napatingin ako kay Shawn. Nakapikit na siya ngayon habang nakasandal sa sandalan ng sofa at nakalagay ang dalawang kamay sa likod ng ulo niya. Ganyan talaga siya kapag usapang pamilya. Wala siyang pakialam. Hindi naman namin alam kung ano rason at ayaw rin naman niyang sabihin. "Lahat tayo hindi kagustuhan na pumalya. Kaya guys, do our best para mabago natin si Ayla Dawson tungo sa disente at malumanay na dalaga." wika ni Kael na pinalalakas ang loob namin. Tumugon kami sa kanya, kahulugan ay sumasang-ayon kami. Nagtaas ng tingin si Wendell kaya napunta rin ang tingin ko kung saan siya nakatingin. "It's already 9:32 pm, but she's not here yet. I thought she'll come before 9? What now?" nag-aalalang tanong ni Wendell. Oo nga 'no. 30 minutes na pala ang nakalipas wala pa rin siya. Kaninang pa kaming 8 p.m. na nagtitipon-tipon dito sa living room. "What if we go outside and wait for her there?" tanong ni Kael. "Kayo na lang tinatamad ako." pagtanggi agad ni Leonaire saka tumayo at para kumuha ng libro sa book shelves na may kalayuan sa pwesto namin. Nagkatinginan kaming tatlo nina Wendell at Kael. Sabay-sabay kaming tumayo sa kinauupuan namin. Hindi na rin ako nage-expect na sumama si Shawn dahil mukhang enjoy na enjoy ang pwesto niyang 'yon. Kasama ko ang dalawa na lumabas ng malaking formal living room. Mala palasyo kung tingnan itong mansion ng mga Dawson. Isang french chateau na nakakahalaga $462,000,000. Halos walo hanggang kinse minuto ata kami bago marating ang labas ng mansion ng mga Dawson dahil sobra-sobra ang laki ng manyon na 'to para sa aming lima... anim na pala, kasama ang pamangkin ni auntie pero kulang pa rin ang anim para tumira sa ganito kalaking bahay. Hindi naman kami gumagawa ng kalat dito dahil kung gagawa 'man kami dito, kami at kami lang din naman ang maglilinis ng kalat. Ang bawat isa sa 'min ay may kanya-kanyang rason kung bakit kami naririto, naninirahan sa mansion. Maliban na nga lang kay Shawn. Hindi na lang namin siya kinukulit dahil mukhang wala sa plano nito na magsabi sa 'min. Kilalang mga bilyonarya ang mga Dawson lalo na si auntie Madeline Dawson. Panganay sa tatlong magakapatid. Hindi namin kilala ang dalawa niyang kapatid. Ang alam lang namin ay may dalawa lamang siyang kapatid at may mga pamilya na ang mga 'to. Walang anu-ano'y naisip ko na baka lesbian ang pamangkin ni Auntie. "Baka naman lesbian ang pamangkin ni auntie kaya nasabi niya na gawin si Ayla sa tunay na ganap na dalaga?" basag ko sa katahimikan habang naglalakad kami sa corridor. Agad silang nagkatinginan at napaisip sa sinabi ko. "Possible," unang komento ni Wendell. "Kung ganon 'e hindi natin basta-basta mababago yon dahil gender sensitivity na 'yon." saad pa niya na sinang-ayunan din ni Kael. "Malalaman natin kapag nakita na natin siya." dagdag pa niya. Napasimangot ako. "Seryoso ba talaga si auntie sa sinabi niyang babayaran natin siya ng ganong kalaking pera? Kulang na kulang ang ibabayad ko kung ibebenta ko ang isang kidney ko." naiinis na sabi ko na ikinatawa nila. Narinig kong malakas na tumawa si Kael na sinundan din ng tawa ni Wendell. "Hahaha! Mas worst ka pa pala magpatawa kaysa kay Shawn! Hahaha!" Napasimangot ako. "Anong magagawa ko pinanganak akong mahirap pa sa pulubi." nakangusong sabi ko. "Napag-usapan na natin yan kanina di 'ba? Lahat tayo ay sabit." agad na sagot ni Wendell. "And anyway, huwag kayong panghinaan ng loob. Magagawa natin ang hamon ni auntie. Tiwala lang." kampanteng sabi ni Wendell na bihira lang magtagalog. Minsan pa nga'y kung anu-anong lengguwahe ang binabanggit niya. Taimtim kaming naglalakad pa rin sa corridor hanggang sa napansin namin na kumukurap ang mga ilaw. "Anong nangyayari?" tanong ni Kael na nagsisimulang mataranta. Napakaduwagin nitong si Kael. Kumukurap-kurap na nga ang mga ilaw hanggang sa namatay bigla ang lahat ng ilaw. Sobrang dilim at wala kaming makita kahit na konting liwanag. May naramdaman akong biglang may kumapit sa aking braso. Napakahigpit pa naman ng pagkakahawak niya. "Nasaan kayo?!" boses ni Kael. "Nakahawak ka sa braso ko, Kael." "N-Natatakot ako, guys." "Wala ba kayong cellphone dala?" boses ni Wendell. "Wala." tugon agad namin ni Kael sa kanya. "Paano na tayo makakalabas niyan? Wala pa tayo sa kalahati sa nilalakaran natin." wika ko. "What if bumalik muna tayo? Kapa-kapain natin ang wall para—" "Guys!!!" sigaw galing likod. Naaninag namin ang sinag ng ilaw na nagmumula sa cellphone na hawak nila. "Buti dumating kaagad kayo!" wika ni Kael. Napatingin sila sa kaliwang braso ko na ikinatawa nila ng mahina kaya napabitaw siya agad. "Bakit kaya namatay lahat ng ilaw? Ngayon lang 'to nangyari." sabi ni Shawn. Nagpatuloy kami sa paglalakad. "Baka may magnanakaw na nakapasok." sabi ni Leonaire na bakas na sa kanya ang pagkakaba. "Kung mayroon 'man, kailangan natin tumawag agad ng pulis." desididong sabi ni Wendell. Agad na nagdial sa 911 si Shawn. Pipindutin palang niya ang call sign nang biglang nagsalita si Kael. Napatigil kami sa paglalakad sa corridor ng awatin kami ng isang dipa ni Kael. "A-Ahh, guys... nakikita n-niyo ba ang nakikita ko?!" aniya kaya napatingin kami sa direksyon kung saan siya nakatingin. Napalunok ako ng matindi sa nakikita ko. Nararamdaman ko ang pangangatog ng tuhod ko dahil siguro sa takot na nararamdaman ko. Ngayon lang ako nakakita ng white lady sa buong buhay ko. Totoo pala talaga sila! "A-Ano... t-tatayo lang ba tayo dito?" natatakot na tanong ni Kael. Tila walang mga nakarinig sa sinabi niya dahil ang atensyon namin ay nasa babaeng nakaputi sa medyo padulo ng corridor. Nakaputi ang pagtaas niya habang ang kanyang palda ay umaabot hanggang paa. Tuwid na tuwid ang kanyang itim na buhok. Hindi ko maaninagan ang mukha niya dahil tanging sinag ng buwan lang liwanag ang tumatama sa katawan niya. "Run!" sigaw ni Leonaire. Bumalik kami kung saan kami nanggaling. "Ano nang gagawun natin?! Hanggang dito na lang ba ang buhay natin?! Bakit niya tayo minumulto?!" hindi ko alam kung matatawa ba kami sa pag-iyak na parang bata ni Kael o matakot sa tinatakasan namin. Nagsimulang mag patay-buhay ang ilaw na mas nadagdagan ang kaba at takot na naramdaman ko. "Teka... s-saan tayo lalabas nito?!" tanong ni Shawn na natatakot na rin. "Bumalik na lang tayo sa living room! Bilisan niyo!" sigaw ni Leonaire. Patuloy pa rin nagpapatay-bukas ang mga ilaw sa hindi malamang dahilan o baka naman kinokontrol ng white lady na yon ang ilaw dahil hindi pala siya basta-basta isang multo?! Posible, huhu! "Guys, ayaw magbukas!" sigaw ni Shawn na nangungunang magbukas ng pinto. "Ha?! Paano na... Hindi pwede 'to!" sagot ni Kael. Nag-isip ako ng prayer dahil sigurado akong makakatulong 'to. Nagsimula ako kaya nakisabay na rin sila pero patuloy pa rin nilang sinusubukang buksanang pinto ng living room. "Ama namin, sumasalangit Ka. Sambahin ang ngalan Mo. Mapasaamin ang kaharian mo—" "T-Teka... Anong dasal yan?! Hindi ko saulo yan—" pagpigil samin ni Shawn. "Ano?!" pasigaw na tanong naming apat sa kanya. Nagpatuloy na lang ako kesa pansinin ang sinabi niya. Mas lalong napalakas ang pagdarasal namin nang biglang nagbukas ang bintana na malapit sa 'min at napalakas ang sigaw naming lima nang mabasag 'yon?! "WAAAHHH!!!" "Sundin ang loob Mo dito sa lupa para nang sa langit. Bigyan Mo kami ng aming kakanin sa araw-araw At patawarin Mo kami sa aming mga—" "Wala na siya! Effective yung dasal niyo! Hoo! Lakas mo talaga, Papa Lord!" "Nagpapatay-bukas pa rin ang mga ilaw kaya wag kang makampante." sagot ni Leonaire kay Shawn. Nagpresinta ako na pwersahin namin ang pinto. "Tulungan niyo ko!" Hindi pa rin namin mabuksan kahit anong pwersa. Ano ba kasing nangyari at hindi umayon sa sitwasyon ang pintuang ito! Nakakainis! "Ano ginagawa niyo?" "Ano pa ba, 'e di nagbubukas ng pinto!!!" sabay-sabay na sagot naming lima nang marinig ang tanong na 'yon. "Sliding door 'yan hind hinged door." Nanlaki ang mata namin lahat nang mapagtanto na wala sa 'min ang boses na 'yon. Sabay-sabay kaming napasigaw nang mapatanto namin kausap namin ang multo na hinabol pala kami! "AAAAAAHHHHH!!!! AMA NAMIN SUMASALNGIT KA SAMBAHIN—" "Na'saan ang kwarto ko." Natigil lang kami sa paghiyaw nang sabihin niya yon at mareyalisasyon namin na siya pala ang iniintay namin. Umayos kami ng tayo. Malalim ang boses ni Shawn nang umubo matapos niluwagan ang butones sa suot niyang polo. "Kalalaki niyong tao mga baklain kayo." "I-Ikaw na pala 'yan, Ayla." napapakamot sa ulo na sabi ni Wendell. Hindi siya tumugon sa halip ay tinalikuran lang niya kami hanggang sa naglakad na siya pabalik."D-Dito Ayla ang kwarto m-mo h-hehehe" ani Kael na may bahid sa kanyang mukha ng takot habang itinuturo ang pinto. "Sana magustuhan m-mo hehehe kami nag-ayos niyan." Nang buksan niya ang pinto ay mahahalata sa kilos ng ulo niya na nililibot niya ang kanyang paningin sa kabuuan ng kwarto niya. Nagulat na lang kami nang malakas ang pwersa nang pagpatay niya sa switch ng ilaw sa kanyang kwarto. Ang kaninang sobrang liwanag na sinag ng ilaw sa kanyang kwarto ay napalitan ng kadiliman at ni-isang parte ng kwarto ay hindi na maaninagan. Halos tumalon ang puso ko sa lakas ng barog ng pinto matapos niyang isara. "Amm... Hindi naman halatang galit siya." mahinang sabi ni Shawn. "Nakakatakot ang presence niya!" sabi pa ni Leonaire habang nakatingin pa sa braso niya sa hinagod 'yon. "Errr, nanindig lahat ng balahibo ko!" pilit pa niyang binababa ang naninindig na balahibo niya sa braso. Sumasang-ayon ako sakanya dahil totoong nakakatakot nga siya. Hindi ko halos makita ang buong mukha n
Mapapansin ang tatlong nakakahon ngunit mas naagaw nang pansin namin ang ikinagulat naming lima. Tumambad sa amin ang isang malaking garapon na ang laman ay... pugot na ulo ng tao. Kulay pula ang laman nito pero maaaninag pa rin kung ano ang nasa loob. Ang buong katawan ko ay tila ba naging manhid. Hindi ko maikilos ang bawat parte ng katawan ko at hindi ko rin maalis sa paningin ko ang garapong yon. Hindi kami ang kailangan para mabago si Ayla kun'di ang mga awtoridad. Isa siya murderer! Isa siyang kriminal!"K-Kaya ba hirap-hirap silang baguhin ang babaeng ito dahil isa siyang mamamatay tao at hindi nila magawang ipakulong dahil pamilya nila ang babaeng yon." pagbabasag ko sa katahimikan kaya lahat sila ay napatingin sa akin maliban kay Kael. Itinayo ko siya saka hinarap siya sa ibang direksyon na hindi makikita ang bagay na 'yon. Naipasok niya ang mga pinatay niya nang hindi namin namamalayan?! "At sa t-tingin ko... m-madudungisan ang pangalan ng mga Dawson kung ilaladlad ang im
Natapos ang buong araw na hindi namin natuloy ang plano na dalhin si Ayla sa mall dahil sa nangyaring ngayon. Pinag-isipan namin ng masama ang wierdong babeng 'yon. Totoo naman kasing weirdo siya dahil nakakatakot ang dating niya at talaga nakakatakot din siyang magbanta. Parang mapapaisip ka na lang baka bukas ng umaga patay ka na at ang nakaatawa pa ron, kalalaki naming tao pero napaka duwag naman naming harapin ang babaeng 'yon. Hindi niya kami masisisi na matakot sa kanya. Ni-hindi namin maaninag ang muka niya dahil itim na itim ang nakabalandra niyang buhok sa pagmumuka niya kulang na lang isipin kong wala siyang mukh. Nakakatakot isipin kung wala siyang muka. Nakakakilabot. Akala mo'y may tinatago siya 'e mukha lang naman niya yon. Kinahihiya niya pa. "Hihingi ba tayo ng sorry sa kanya?" tanong ni Wendell.Hapon na pero hindi pa rin lumabas ang babaeng yon simula matapos ang nangyari kaninang umaga. Narito kami ngayon sa court ng mansyon. Madalas na mag-ensayo."Anyway, I want
Ang tanging pag-ubo ni Ayla ang naririnig namin dahil hindi pa rin namin siya nakikita dahil sa mga lumulutang na harina na tila naging usok sa paligid ng kusina.Mabuti na lang at napuyuran ko na ang bangs niyang pagkahaba-haba at hindi pantay-pantay na laging nakabalandra sa pag-mumuka niya bago pa kami matapunan ng harina. Hindi naman pala siya malakas kaysa sa inaasahan ko, hahaha! Sadyang mahihina lang siguro yung mga kriminal na nakatapat niya noong isang gabi. Akala ko'y masasapak niya ako ng marami pero ni-isang pasa ay wala akong natamo. "She's pretty."Ngayon ko lang narinig na magkomento si Wendell tungkol sa babae. Matapos kong magpagpag ng sarili ay binalikan ko na ng tingin si Ayla.Tama si Wendell. Napahinto ako bigla nang mas mapagtanto ko na wala namang mali sa mukha niya. Walang anu-ano'y hindi ko na naiwasan pang purihin siya sa isip ko.Tumungo siya nang mapagtanto niya nakatingin kami sa kanya kaya muli na namang hindi na namin maaninagan ang mukha niya. Itinaas n
Hindi ko na naiwasang maluha dahil sa nararamdaman kong pagka-awa sa sarili ko. Nasasaktan ako sa mga panghuhusga na pinupukaw nila sa 'kin. Para akong binubugbog ng mga masasakit na salita. Narinig ko ang mga hagikgik nila. Dala ng matinding emosyon na dumadaloy sa 'kin, piniga ng dalawa kong kamay ang mga alikabok. “Nakakatakot siya! Nakakapangilabot ang matatalas niyang kuko! Tao pa ba 'yan?” “Nakita mo ba kanina kung gaano kapula ang mata niya?! Grabe, para siyang halimaw!” Ipinilit ko'ng buksan ang mata ko nang marinig ko ang sinabi ng isang babae na sa tingin ko ay nasa lagpas trenta anyos na. Napaatras siya nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya. Nais kong sagutin siya na maling deskusyon niya. Nasaktan ako sa kasinungalingan na inilantad niya sa mga taong naririto. Hindi naalis ang tingin ko sa kanya. ‘Mamatay tao siya.’ Naalala ko bigla ang sinabi ng lalaking ‘yon. Pwede silang magsama-saa. Mabilis niya akong hinusgahan. Nagtangka akong tumayo at muntik ko nang i
Lordan Point of View“Where’s Ayla?” tanong ni Wendell na kakalabas lang ng mansion.“Hindi ko alam.” Sagot ko habang ang dalawa ay nagkibit-balikat lang.“Male-late na tayo pero wala pa rin siya.” Napabuntong hininga habang sinabi ito ni Kael.Tumugon lang siya saka binuklat ni Wendell ang librong hawak niya gaya ng madalas niyang ginagawa sa tuwing papasok kami. Narito kami ngayon sa parking area ng mansyon. 20 minutes na lang late na sila, hindi gaya ko na mamaya pa ang klase.“Ang aga mo ata, Lordan?”“Ano naman?” agad na sagot ko kay Leonaire.“Talaga lang ha? Haha!”“Baka naman inspired ka lang today, haha!” dagdag na pang asar ni Shawn.“Talagang pinagluto niya pa kagabi si Ayla! Haha, tapos tayo hindi! Biased!” wika ni Leonaire.“May sweet side pala si Lordan sa katawan, hahaha!” natatawang sabi ni Kael."Manahimik nga."Napailing na lang ako sa pang-aasar nila.“Ayla is here.”Napatingin ako sa direksyon na tinitingnan ni Wendell at nakita si Ayla na papalapit sa amin. Dala-da
Ayla Point of View Ako na lang pala ang inaantay nilang lima. Ang lahat ng tingin nila ay sa akin. Natagalan ako dahil may nakita akong note sa lamesa sa kusina. Nakita ko ang isang note na may nakalagay na ‘Hi, Ayla! Good morning! Pinagluto ka ni Lordan. Tirhan ka daw namin ng niluto niya, haha. He’s so sweet to you!’ -Kael Nang kainin ko ang sinasabi ni Kael, doon ko nalaman na siya ang nagluto kagabi. “Ayla, put your seatbelt on.” sabi niya sa ‘kin habang sinisimulan i-start ang sasakyan. “Hindi na.” agad na sagot ko saka binaling ang tingin ko sa side window ng sasakyan niya. “Amm… I'm worried because I might brake suddenly.” Hindi ko siya pinansin kaya wala na siyang pagpipilian pa kundi ang paandarin na lang ang sasakyan niya. Napansin kong mabagal ang pagpapatakbo niya ng sasakyan. Ingat na ingat siya sa pagmamaneho. “May trauma ako sa pagsusuot ng seatbelt.” panimula ko. Naramdaman kong napatingin siya sa ‘kin."Do you mind?"Wala naman akong nakikitang mali kung sas
Ang mapanghusgang taong ‘to ay hindi marunong mag-isip. Hindi sila marunong umaalam ng totoong nangyari at bumabase lamang sila sa isang mapagpanggap. Mas gugustuhin ko na lang magkulong sa loob ng madilim ng kwarto kesa makita ang mga taong ito. Hindi ko alam kung paano ako makakaalis sa situwasyong ‘to. Lahat sila ay pinagkukumpulan ako at pinagsasalitaan ng masasama. “Ipakita mo ang mukha mo!” “Oo nga! So that we will recognize her if we run into her again!”Mas lalo akong namaluktot sa pagkakaupo nang naisin na nilang makita ang kabuuan ng mukha ko. Mayamaya ay may lumapit sa ‘king mga kalalakihan. Hindi ko alam kung anong ginagawa nila dito sa harap ko. Ngunit malakas ang kutob ko na pagtutulungan rin nila ako. “Don’t worry, we’ll handle this hahaha!” ani ng nasa harapan ko. “Hold her!” Mabilis na dumapo ang kanilang kamay sa magkabilaan kong balikat at braso. Labag ‘man sa loob ko ay hinayaan ko na silang gawin ang gusto nila. Ang lahat ng nasa paligid ko ay nagsisigawan na t
Lordan’s P.O.V“Be my date on February 28, Ayla.”Natigilan siya sa pagkakataong ito. “28? In two weeks?”“Nagkaroon ng announcement sa campus. May grand ball na magaganap for all year level.” Masayang anusyo ko sa kanya.Nawala ang ngiti niya sa kanyang labi at umiwas siya ng tingin. “Ayoko.”Nadismaya ako sa sagot niya. “Ayla naman.” Hinarap ko ang mukha niya. “Gusto ko ikaw ang maging partner ko, ayaw mo ba?”“Hindi sa gano’n.” maikling sagot niya. “‘Wag mo ng ipilit.”Ipipilit ko kung kaya ko’ng ipilit. Gusto ko, siya lang ang maisayaw ko sa gabing 'yon.“Mas sasaya kaming lima kung makikita ka naming na’ron.” Mahinahong sabi ko.Binalikan niya ako ng tingin. “Umamin ka nga…”“Umamin? Anong aaminin?” nagtatakang tanong ko.Ikinagulat ko ng i-alis niya ang kamay niya sa kamay ko. Napalitan ng seryosong tingin ang mga mata niya.“Hindi mo talaga ako gusto.” walang anu-ano'y sabi niya.Naguluhan ako sa sinabi niya.“Sinabi mo lang na gusto mo ko dahil alam mo’ng gusto kita.”“Ano ba’
Ayla’s P.O.VAno ba’ng pumasok sa kokote niya at nagawa niya akong yakapin sa harap ng apat na ‘yon?!Nakakahiya!“Ayla!”Binilisan ko pa lalo ang pagtakbo nang marinig ko ang pagtawag niya.‘Bakit pa ba niya ako sinusundan?!’ bulong ko sa isip.Nanlaki ang mata ko nang makuha niya ang kamay ko at agad na hinarap sa kanya. Nakangiti na para ba’ng nagtagumpay siyang mahuli ako. Ngunit mas ikinagulat ko nang hatakin niya ako papalapit sa kanya.“Na-miss kita.”Lalong bumilis ang tibok ng puso ko.Naiilang ako sa mga tingin niyang hindi ‘man lang maalis kahit na isang beses sa ‘kin. Gusto ko’ng sampalin ang sarili ko, dahil paniguradong nagmumuka akong ewan na hindi alam ang gagawin. Sinubukan ko’ng kumalas sa pagkakayakap niya ngunit hindi naman ako nagtagumpay.“Sabi ko na-miss kita.”Kailangan ko ng hangin! Hindi ako makahinga ng ayos sa mga salitang lumalabas sa bibig niya.“Dalawang linggo mo na ko’ng iniiwasan, ‘ni lingunin ‘man lang hindi mo nagawa.”Tss, para naman sa kanya ang g
Sa tulong ni Ayla nakalaya kami sa mga taong ‘to. Dahil sa takot ni 4’11 kahit may panlaban ang baril niya, nagawa na niya ibaba ang baril pero hindi pa rin inaalis ni Ayla ang patalim niya.“Labas.” Sinunod agad ng driver ang sinabi ni 4’11.“Buksan mo.” Hindi maayos ang pagkakasabi ko dahil sa busal.Nang makababa kami, agad kaming nagpunta sa likod ni Ayla na nasa unahan ng sasakyan. Hindi ko maipaliwanag, sobrang angas niya!“Baba.” Maawtoridad na utos ni Ayla.Sumunod agad sila kay Ayla. Pinaluhod ni Ayla ang mga ito sa harap niya.“Ako si Ayla Desire Yamamoto.” Taas-noo pakilala ni Ayla.Nagpalitan kami ng mga tinging lima dahil sa pagtataka na ibang apilyido ang ginamit niya.“Pamangkin ni Madeline Dawson.” Dagdag pa niya.Nan’laki ang mata nila nang marinig kay Ayla. Anong ba talagang may’ron kay Ayla? Kung hindi makapaniwala, pagkagulat naman.Matunog na napangisi at napailing si Ayla. “Matagal nang nahanap ang lungga niyo, talagang nakipagkasundo pa kayo sa may ari ng hotel
Lordan P.O.VIisang sasakyan lang ang dinadala namin pagpapasok kami sa trabaho. Pang-apat na gabi na namin dito sa hotel, sabi nila kaya madalas sila kumuha ng part timer dahil madalas ma Hindi naman ga’non kahirap ang trabaho dahil hindi lang naman kami ang nagt-trabaho. May Narito kami ngayon sa isang room para magbihis ng uniporme pa’ng waiter.“Guys hindi ba kayo nagtataka simula nang magtrabaho tayo?” panimula ni Shawn. “Tayo lang ang gwapong empleyado nila.”Natawa kami sa sinabi niya pero hindi sa panghuhusga ay masasabi ko’ng may punto nga siya.“Tinatarantado lang ata nila ‘yung mga taong gusto rin mag-apply sa kanila.” Komento ni Leonaire. Kakatapos lang niya magsuot ng uniporme.“Huy Wendell, kanina ka pa tahimik. Anong nangyayari sayo?” si Shawn. Napunta ang atensyon namin kay Wendell na nakaupo sa isang bench sa dulo nang kwarto’ng ‘to.Inisa isa niya kaming tiningan. “I feel so worried, guys.” Nangangambang sabi niya. “I think one guest is observing us from far. Ilang b
Kasama naming umuwi si tita Crissa ng mansion, pati na rin ang pa’ng bodyguard ni auntie. Nalungkot pa ko dahil nagpabukod si Ayla ng sasakyan, hindi ko ‘man lang siya nakausap nang umaga dahil para ba’ng iniiwasan niya ko. Dali-dali pa siyang pumasok sa loob ng mansion nang makababa sasakyan.May sinasabi pa si tita Crissa kanina sa ‘min pero hindi ko na maintindihan ang ilan dahil si Ayla ang nasa isip ko. Ang nagkausap sila ni Ayla at ayos na rin raw sila.Matamlay ako’ng nakahilata ngayon sa sofa. Nasa taas ang tingin, nasa balikat ng long sofa ang ulo, at ang isang paa ko ay laylay sa sahig. Dumagdag pa sa isip ko na hindi ko siya makikita tuwing may trabaho kami.“Oh, hindi lang kayo nagka-eye contact ni Ayla para nang pinagsakluban ng langit at lupa ‘yang mukha mo.”Hindi ko siya sinagot.“Ba’t mo kasi pinakilig? Tapos alam pa niyang narinig namin.” nabaling agad ang tingin ko kay Shawn. Nagningning bigla ang mata ko. Kanina ko pa tinatanong sa sarili kung bakit hindi niya ‘man
Mabuti na lang may pagkukusa ang kasama ko. Hindi naman masyado naglagyan ng dumi ang pool dahil may kalayuan naman naman kung saan pumesto ang helicopter ni Auntie. Nagbabasaan pa si Leonaire at Shawn sa pool area kaya bago itago ang panlinis ng pool. Nagwawalis naman si Kael at Wendell sa magkaibang pwesto.Tumigil ako sa pagsungkit ng dahon sa pool. “Huy! Tama na ‘yan!” saway ko sa dalawang nasa dulo ng pool.Biglang nagkatinginan ang dalawa at para ba’ng iisa sila ng nasa isip, may samang balak to’ng mga ‘to panigurado. Humarurot silang tumakbo papunta sa ‘kin.“Peste sabi na.” sambit ko bago mabilis ako’ng tumakbo papalayo sa kanila.Baka nakakalimutan nilang runner ako! Sa lugar namin, ako ang pinakamabilis tumakbo. Walang nakakatalo sa ‘kin. Utas na ko kakatawa dahil naghihingalo na ang dalawa kakahabol sa ‘kin.“Ako pa talaga ang hinabol niyo! HAHAHAHA!” tawang-tawa sabi ko habang nakapamewang pa.Muli silang tumakbo kaya agad akong tumalikod para tumakbo pero ang hindi ko ala
Lordan P.O.VKita ang saya sa mga mata ni Kael habang yakap ang ina. Mabuti na lang naging maayos na sila mag-ina at mabuti na lang din nalaman ni tita Crissa ang totoong nangyari sa nakaraan nila tatay ni Kael. Wala ako’ng karapatan husgahan ang ama niya pero sana maisip ng tatay niya na piliin ang sarili niyang anak kaysa illegal niyang gawain.Papaalis si tita Crissa dahil tumawag ang isang international foreign country sa kanya. Napili siyang ilaban sa isang cooking show sa America. Urgent meeting pa nga kaso ayaw ni tita dahil ngayon lang ulit sila magkakasama ni Kael. Kung hindi pa siya pilitin ni Kael ay hindi ito pupunta.“Intayin niyo ako mamaya okay? Ihahatid ko kayo pauwi.” Nakangiting sabi niya sa ‘min at nakangiti kaming tumango sa kanya.“Good luck Crissa!” Napalingon agad kami sa likod nang marinig ang boses ni auntie.Nagbigay kami ng daan para mayakap nila ang isa’t isa.“See you in…” nagbilang pa si Auntie sa daliri.“7 years and 3 months again.” nakangising nakakalo
Hihiga na sana ako sa kama para matulog nang may biglaang kumatok. Iisipin ko pa sana na si Auntie 'yon pero bigla siyang nagsalita. Si Lordan.“Ayla, hindi ka ba lalabas?" Parang may saya pa sa tono ng pananalita niya. “Paalis na si Auntie."Hindi ako nagsalita at tinuloy na lang ang balak ko'ng pagpahiga para matulog. Naririnig ko pa ang maliliit na boses nila pero hindi ko naman lubos na naintindihan. Pinabayaan ko na lang sila. Ayoko na munang humarap sa kanila.Tinalikuran ko na ang pinto. Hindi ako nagkamali sinilip nila ako. Kitang kita ko ang pumasok na kaunting liwanag sa kwarto 'to.“Tulog s'ya, 'wag na natin gisingin baka lamunin pa niya tayo kapag nagambala pa natin siya.” dinig na dinig ko ang kalokohang sinabi ni Shawn. Hindi na nabago ang tingin niya sa 'kin. ‘Di ko rin naman sila masisisi.Binalot na ulit ng dilim ang silid.Ayoko rin harapin ang lalaking kakaiba ang kilos kanina. Napapikit ako ng mariin nang maalala naman ang nangyaring 'yon. Nababaliw na ata siya. Si
Ayla Point of ViewMabilis ko’ng iniwas ang tingin ko nang magmumulat na s’ya ng mata. Parang mali pa na sa plato’ng ‘to ko nakatingin.Naramdaman ko ang dahan-dahan n’yang pagtayo, “W-Wala po. Tapos na po ako.” Natataranta ang mata niya habang sinasabi n’ya.Kumuha ng ulam sa harap ko at umalis.“Lordan! Hindi ka pa tapos kumain!” pahabol pa ni auntie kahit tuluyan nang nakaalis.“Anong nangyari ‘don?” nagtatakang tanong ni Crissa.Hindi ko na rin naiwasan mag-isip kung ano nga pa iniisip n’ya.O_oHindi kaya…Sandali ako napapikit nang mariin nang maaala ang nangyari kagabi.“Kailangan na ata ni Lordan ng psychiatrist, auntie.” sabi ni Leonaire.Napatingin ako sa glasswall kung saan makikita si Lordan. Nagsasalita mag-isa.“Talk him later… baka matuluyan nang mabaliw ‘yon.” sagot ni auntie habang pinagpapatuloy ang pagkain.Tumawa ang apat na lalaki. Nang matapos kuman, niligpit na ng mga kasam-bahay ni Crissa ang nasa mesa, napresinta pa si Wendell pero hindi ni-refuse ni Crissa. N