Billionaire's Love Beyond Misunderstanding

Billionaire's Love Beyond Misunderstanding

last updateLast Updated : 2024-11-18
By:   Calliana  Completed
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
1 rating. 1 review
63Chapters
979views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Scan code to read on App

Synopsis

Sa galit ni Althea sa lalaking nakabuntis sa pinsan niya, sinugod niya ito. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, ang bilyonaryong si Samuel ang napagkamalan at nasugod niya noong araw na iyon, na siya namang ipinagdiriwang ang wedding engagement kasama ang fiancée at pamilya nito. Hindi niya alam na ito pala ang boss niya, at bilang kabayaran sa ginawa niyang pagsira sa wedding engagement nito, kailangan niyang tulungan itong muling ayusin ang nasirang wedding engagement nila ng dating fiancée. Pero paano kung sa kalagitnaan ng misyon niya na ayusin ang nasirang wedding engagement ng dalawa, siya namang pagkahulog nila sa isa’t isa ni Samuel?

View More

Latest chapter

Free Preview

Prologue

Lakad takbo ang ginawa ko para pasukin ang restaurant na nabanggit ng pinsan ko. Nagpalinga-linga ako sa paligid para hanapin ang lamesang sinabi niya ngunit nabigo ako dahil sa lawak ng lugar. Masyado nga talagang pangmayaman ang lugar na ito kaya wala akong maintindihan sa paligid. “Excuse me, kuya. Nasaan po yung VIP-AA1?” tanong ko sa waiter na napadaan sa harap ko. Nadako ang tingin nito sa akin at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Masyado namang mapanghusga ‘to. “May reservation po ba kayo?” may pangungutyang tanong niya. Aba, masama ang ugali ng mga tao rito ha. Kasing sama ng lalaking hinahanap ko. Nakahanda na akong ibuka ang bunganga ko para sermunan ito kaso ay bigla itong tinawag ng isang kasama niya kaya nabaling ang atensyon niya roon at iniwan akong nakatunganga sa pwesto ko. Inirapan ko na lang ito kahit hindi niya nakikita at muli akong nagpalinga-linga sa paligid. “Sa VIP-AA1 ‘tong cake, ingatan mo ‘yan. Pati na rin ‘tong wine. Para ‘yan sa engagement nila,...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Ha Jiwon
Miss Author ang Ganda po ng story plsss update thank youuuuu ...
2024-10-06 22:22:28
0
63 Chapters
Prologue
Lakad takbo ang ginawa ko para pasukin ang restaurant na nabanggit ng pinsan ko. Nagpalinga-linga ako sa paligid para hanapin ang lamesang sinabi niya ngunit nabigo ako dahil sa lawak ng lugar. Masyado nga talagang pangmayaman ang lugar na ito kaya wala akong maintindihan sa paligid. “Excuse me, kuya. Nasaan po yung VIP-AA1?” tanong ko sa waiter na napadaan sa harap ko. Nadako ang tingin nito sa akin at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Masyado namang mapanghusga ‘to. “May reservation po ba kayo?” may pangungutyang tanong niya. Aba, masama ang ugali ng mga tao rito ha. Kasing sama ng lalaking hinahanap ko. Nakahanda na akong ibuka ang bunganga ko para sermunan ito kaso ay bigla itong tinawag ng isang kasama niya kaya nabaling ang atensyon niya roon at iniwan akong nakatunganga sa pwesto ko. Inirapan ko na lang ito kahit hindi niya nakikita at muli akong nagpalinga-linga sa paligid. “Sa VIP-AA1 ‘tong cake, ingatan mo ‘yan. Pati na rin ‘tong wine. Para ‘yan sa engagement nila,
last updateLast Updated : 2023-09-18
Read more
Chapter 1
“Ang ingay ni nanay, umagang-umaga,” reklamo ni Ate Ellaine habang inaabot ang kapeng kakatimpla ko lang at iniwan sandali sa lamesa para kumuha ng tinapay na iniwan ni lola sa taas ng ref.“Oo, ang aga-aga eh nangangapitbahay ka,” wika ko rito at inagaw ang kapeng 1 inch na lang ang layo sa labi niya. “Pwede ba, alam mo namang buntis ka kaya tigilan mo ang pagkakape,” panenermon ko na ikinaasim ng mukha niya.“Para kang si nanay, puro sermon sa umaga,” nayayamot ang mukhang wika niya.“Ano na naman bang sermon sa’yo?” walang gana na tanong ko kasi alam ko naman na talaga ang sinesermon ni tita sa kanya.Komportable akong naupo sa kawayan na upuan namin sa balkonahe habang naghihintay sa sagot niya. Iniabot ko sa kanya ang supot ng tinapay na agad niya namang kinuha.“Ano pa ba” puno ang bibig na wika niya “syempre gusto niya ipakita ko sa kanya iyong tatay ng pinagbubuntis ko. Saan ko naman hahanapin iyon ‘di ba?” reklamo niya at pareho lang kaming napabuntong-hininga.Natahimik kamin
last updateLast Updated : 2023-09-18
Read more
Chapter 2
“Hoy! Kaloka ka teh. Bigla ka na lang umuwi kahapon. Gusto mo ba talaga mawalan ng trabaho?” stress na wika ni Timothy. Sa sobrang taranta ko kahapon eh bigla na lang akong napatakbo pauwi. Hindi nga ako sigurado kung namukhaan na ba ako ng lalaking tinataguan ko kasi narinig ko pa siyang nagtanong kay Timothy na ‘what’s wrong with her?’ pero mabuti na rin na sure no kaya tama lang na umalis ako bago niya pa ko tuluyang mamukhaan. Bakit ba kasi sumusulpot biglang iyong lalaking iyon dito eh ang laki kaya ng Manila. Teka, ano nga ulit pangalan non? Ah ewan. Basta sana huwag na kami magkita. “Wala bang love life ‘yang si sir?” curious na tanong ko kay Tim dahil nabaling ang atensyon ko sa pwesto ni Sir Sebastian. Isang tingin mula ulo hanggang paa ang ibinigay ni Tim sa akin. “Ay bakit teh? papatulan mo ba ’yan?” nakangiwing tanong niya habang inginunguso ang direksyon ni sir. “Sira,” sagot ko at inirapan ito “nagtataka lang ako kasi inaabot na ng madaling araw ‘yan dito,” dugt
last updateLast Updated : 2023-09-18
Read more
Chapter 3
“Bakit naman parang stress ka dyan?” usisa ng kasama kong si Lyka at inabot sa akin ang hawak niyang bondpaper. Kinuha ko iyon sa at inilagay sa photocopy machine sa harap ko. Inutusan kasi kami ni Sir Erwin na ipa-photocopy itong 50 pages na document na binabasa niya kahapon. Limang copy raw para sa aming limang intern. Kaya hindi ko alam kung sabog ba ako dahil sa dami ng kailangan namin ma photocopy o dahil sa mga nangyari kahapon lalo na at ang lalaking iyon at ang boss ko pala ay magpinsan. “Okay lang ako” sagot ko na lang kay Lyka at nginitian ito para matapos na. Bumalik kami sa mga pwesto namin dala ang document na ipinakopya ni sir. “Kumuha ka dyan at ibigay mo yung iba sa mga kasama mo” wika nito sa akin. Kinuha ko ang akin at ibinigay sa mga kasama ko ang iba. “50 pages ‘to. Pinagsama-samang business report na mula sa mga top intern noong previous years.” panimulang wika ni sir at bahagya pang itinaas ang hawak niya na document. “Hindi naman sa pagyayabang pero mat
last updateLast Updated : 2023-09-18
Read more
Chapter 4
“Special talent mo ba yang katukin ang dingding gamit ulo mo?” nakakunot ang noo na tanong ni Sir Erwin habang bahagya pang nakaturo sa akin. Naabutan kasi ako nito na bahagyang inuuntog ang ulo sa dingding. “Sir, iyon talaga si Sir Ben? Iyong CEO?” nakangusong tanong ko. Umaasa ako na namamalikmata lang ako o hindi kaya panaginip lahat ng ito. Para mo ng awa. Panaginip na lang sana ‘to. “Oo. Bakit?” takang tanong nito. Tuluyan akong nanghina at nawalan ng pag-asa dahil sa sagot niya. Muli kong iniuntog ang ulo sa dingding. “Tigilan mo nga ‘yan.” tila stress na wika ni sir. “Bumalik ka na sa lamesa mo. Marami pa tayong tatapusin” “No, she’ll stay.” boses pa lang ng lalaking iyon parang naiiyak na ako. Nakatingin ito kay Sir Erwin bago ako tapunan ng tingin. “Follow me.” wika nito. Tiningnan ko si Sir Erwin at tanging ‘go’ lang ang narinig ko mula rito kahit may bahid ng pagtataka sa mukha niya. Mabibigat ang bawat hakbang na ginagawa ko. Masama ang tinigin na itinatapon ko sa
last updateLast Updated : 2023-10-06
Read more
Chapter 5
“Ate” nakangiting bungad ko kay Ate Ellaine pagkasagot sa tawag niya. Saktong kararating ko lang sa apartment ng tumawag siya. Malapad na ngiti mula sa kanya ang bumungad din sa akin. “Aba, bagay talaga sa’yo yang ID ng BMC ha” may abot hanggang tenga na wika niya. Mababakas ko rin sa mga mata niya kung gaano siya ka proud sa akin. “Dapat lang, ate. Sa BMC kaya ko nababagay” wika ko at pareho kaming natawa. Naputol ang tawanan naming iyon ng may tumawag sa kanya. Ngayon ko lang napansin na nasa sari-sari store niya pala sila. “Ellaine, pabili nga ko ng 5 kilong bigas.” wika ng isang babae. Kilala ko ang boses na iyon. Isa ‘yon sa mga marites na nakatira sa tapat namin eh. “Ah sige po” sagot ni Ate Ellaine rito. “Teka lang Thea ha, dyan ka muna” wika nito at nagpaalam bago tuluyang nawala sa screen. Malamang ay pumasok iyon sa bahay nila kasi doon inilalagay nila tito iyong mga paninda nilang bigas. Itinungtong ko muna ang cellphone ko sa may lamesa. Iiwan ko na muna sana i
last updateLast Updated : 2023-11-16
Read more
Chapter 6
“Teka nga, pwede ba eh itigil mo muna yang kakapaikot mo sa office chair mo” wika ng isa sa mga kasama ko at hinawakan ang upuan ko para pigilan “At tigilan mo rin yang kakapaikot sa ballpen mo kasi nahihilo na ko” wika naman ni Lyka at kinuha ang ballpen sa kamay ko at inilapag ito sa lamesa ko “may problema ka ba?” tanong pa nito. “Wala” nakangusong sagot ko at humarap na lang ulit sa computer ko. Hindi ako mapakali. Kagabi ko pa kasi iniisip kung papayag ba ako sa deal ni Sir Samuel or hindi. Pakiramdam ko kasi magugulo lang ang buhay ko kung makikisali ako sa buhay nila. Napakamot ako ng ulo, simula naman kasi noong nanggulo ako sa engagement party nila eh parang nagkaroon na rin ako ng part sa life nila, o parang responsibility nga mismo. Paano kaya kung sabihin ko na lang sa fiance niya ang totoo? Edi baka nasampal pa ako non at bakit ko pa ba kailangan tulungan yung lalaki na yon eh sabi ng ex-fiance niya cheater siya! Kainis, anong gagawin ko? “Althea, althea!” “Sir Erwi
last updateLast Updated : 2024-06-11
Read more
Chapter 7
“So hindi mo talaga alam na siya ‘yon?” natatawang tanong ni Tim.Kinuwento ko sa kanya kung paano kami nagkakilala ni Samuel at kung paano kami umabot sa puntong ito. “Pero alam mo naiinis na ako sa kanya” nakasampok ang mga kilay niya, parang uusok na ang tenga “pinagsisihan ko na tuloy na tinutukso kita ron dati. Tsk” Ngayon lang ulit kami nakapag-usap ni Tim. Lalo na at halos isang linggo rin siyang absent dahil sa trangkaso niya. Kaya ngayong pagkabalik na pagkabalik niya ay inilabas ko agad sa kanya ang mga sama ng loob ko. Siya lang din naman ang makukwentuhan ko kasi hindi ko naman pwede sabihin kay Ate Ellaine. “Seryoso ba siya? Eh baka natapos na lang ako sa ojt ko hindi ko pa tapos yung pinapagawa niya.” pagrereklamo ko ulit. Sinisumulan ko na yung project at talagang kinuha na non yung mga oras na sana itutulog ko. Paano ba naman, gawin ko raw munang secret iyong project na iyon dahil baka malaman din ng competitors niya kaya kapag nasa office ako ay hindi ko pwede g
last updateLast Updated : 2024-07-02
Read more
Chapter 8
Hindi ko siya sinagot. Nagkunwari ako na walang alam. Tinapunan niya ulit ako ng tingin at ng walang matanggap na sagot mula sa akin ay nagpokus ito sa pagmamaneho. Ang abusado ng lalaking iyon. Linggo ngayon pero pinagreport ako! Isumbong ko ‘yon sa school eh! Pumasok ako na pakiramdam ko ay lumulutang ako. Paano ba naman na hindi eh wala pa akong tulog. Matapos akong ihatid ni Sir Ben ay agad akong nagpunas at tumapat sa laptop ko para tapusin ang mga report ko. Nagulat na lang ako na bigla ng tumunog ang alarm clock ko. Hudyat na 6AM na. Maling desisyon din ata na naligo ako. Dahil ramdam ko na ang sakit ng ulo ko. Hindi ko alam kung dahil ba ‘to sa hangover? Kulang sa tulog ngayong araw? O epekto na ‘to ng labis na kakulangan ng tulog nitong linggo na ‘to. “Here” wika ko sa lalaking ito.Minsan hindi ko na alam kung Sir Ben o Samuel ba itatawag ko sa kanya. Pero dahil nasa office naman kami ay tatawagin ko siyang Sir Ben katulad kung paano siya tawagin ng mga narito. Kinu
last updateLast Updated : 2024-07-03
Read more
Chapter 9
Tama nga si Tim. Kahit anong gawin ko mukhang sadyang minamasama talaga ni Sir Ben. May deadline akong kailangan habulin pero nasa chapter 1 pa rin ako ng pinapagawa niya dahil lang sa wala siyang tinatanggap sa mga pinapasa ko. Puro revisions na ginagawa ko tapos hindi niya pa rin tinatanggap? Parang napapaisip na ko kung hindi ba talaga ako magaling? O pinepersonal na ako nito?“Revise it” wika niya matapos tapunan ng tatlong segundong tingin ang gawa ko. ‘Ikaw na kaya gumawa’ gustong-gusto ko na isigaw sa kanya ‘yan pero syempre hindi pwede. Napapikit ako at huminga. “Pangit po ba talaga?” tanong ko rito. Kibit-balikat lang ang sagot niya. Kinuha ko ang papel sa lamesa niya at tumalikod. Ngunit apat na hakbang pa lang ang ginagawa ko ay tumigil na ako. Ramdam ko pa rin ang mga mata nitong nakatingin sa akin. Huminga ako nang malalim bago ito muling harapin. “Fine” madiin na wika ko rito. Tinaasan ako nito ng isang kilay. Naghihintay sa susunod kong sasabihin. “Pumapayag
last updateLast Updated : 2024-07-04
Read more
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status