Share

Chapter 1

Author: Calliana
last update Last Updated: 2023-09-18 10:40:47

“Ang ingay ni nanay, umagang-umaga,” reklamo ni Ate Ellaine habang inaabot ang kapeng kakatimpla ko lang at iniwan sandali sa lamesa para kumuha ng tinapay na iniwan ni lola sa taas ng ref.

“Oo, ang aga-aga eh nangangapitbahay ka,” wika ko rito at inagaw ang kapeng 1 inch na lang ang layo sa labi niya. “Pwede ba, alam mo namang buntis ka kaya tigilan mo ang pagkakape,” panenermon ko na ikinaasim ng mukha niya.

“Para kang si nanay, puro sermon sa umaga,” nayayamot ang mukhang wika niya.

“Ano na naman bang sermon sa’yo?” walang gana na tanong ko kasi alam ko naman na talaga ang sinesermon ni tita sa kanya.

Komportable akong naupo sa kawayan na upuan namin sa balkonahe habang naghihintay sa sagot niya. Iniabot ko sa kanya ang supot ng tinapay na agad niya namang kinuha.

“Ano pa ba” puno ang bibig na wika niya “syempre gusto niya ipakita ko sa kanya iyong tatay ng pinagbubuntis ko. Saan ko naman hahanapin iyon ‘di ba?” reklamo niya at pareho lang kaming napabuntong-hininga.

Natahimik kaming dalawa at napatingin lang sa kalsada.

Matanda ng tatlong taon sa akin si Ate Ellaine pero nagkasabay pa rin kami sa college kasi napatigil siya dati dahil sa kakulangan sa pera. Idagdag pa na pababalik-balik noon sa ospital ang lola namin na ang mga magulang din ni Ate Ellaine ang gumastos sa ospital.  

“Nalaman ko lang naman na pupunta iyon sa restaurant na iyon kasi nga nakita ko iyong invitation letter na naiwan niya noong gabing nagkasama kami,” may panghihinayang pa na wika nito “pero teka nga, maiba ko, noong araw na iyon pumunta ko para makita sana siya sa huling pagkakataon man lang pero ang kabaliwan mo ang nakita ko!” sermon niya na ikinapula ko. Naalala ko na naman kasi iyong kahihiyaan ko ng araw na iyon.

“Sana talaga sila pa rin,” guilty na wika ko at ininuman ang kape ko.

Pitong buwan na rin ang nakalipas. Kung makita ko man ang lalaking iyon sana ay mapatawad niya ako. Pwede rin naman na hindi na kami magkita. Mas pabor sa akin iyon. Tutal hindi rin naman talaga siya ang ama ng dinadala nitong pinsan ko.

“Pero in fairness ha, ang gwapo kaya ng lalaking iyon,” kinikilig na wika niya. Tanging iling ng ulo na lang ang naging reaction ko.

Nagpokus na kaming dalawa sa pagkain. Ilang minutong katahimikan din ang namagitan sa amin bago ako mapa-isip na magtanong.

“Gusto mo ba hanapin natin yung tatay ng anak mo? Ano ba pangalan non?” biglaang pabirong tanong ko at naghintay sa reaksyon niya.

“Hindi ko alam eh,” wika niya na ikinabuga ko ng kapeng iniinom ko. Lalo na at mukhang seryoso siya.

“Hindi mo alam?” hindi makapaniwalnag tanong ko “malala ka ng babae ka. Isusumbong kita kay Tita Myrna,” iiling-iling na wika ko.

“Eh hindi niya kasi nabanggit, at saka paggising ko wala na nga siya. Basta alam ko may kaunting balbas at bigote iyon. Hindi ko masyadong nakita kasi nga lasing at madilim pero naramdaman ko,” wika niya na itinaas-baba pa ang kilay. Napailing ako at napangiwi kaya napahagalpak siya ng tawa. “Nahawakan ko kasi mukha niya,” tumatawang wika niya.

“Ewan ko sa’yo Ellaine Rodriguez. Matalino ka sana at maganda. Kaso bobo ka sa pag-ibig,” wika ko na ikinangiwi niya.

“Maiba ko, kailan ka luluwas ng Manila?” tanong niya.

“Ay, oo nga pala, next week na,” medyo gulat na sagot ko kasi marami pa akong dapat na ayusin.

Next week na ang simula ng internship namin. Sa awa ng Diyos ay malapit na akong makapagtapos ng college. Excited din ako sa company kung saan gaganapin ang internship namin dahil iyon ang dream company na gusto kong pasukan pagkatapos ko ng college.

‘Bennett Multimedia Company’ o BMC—mabuti na lang isa ako sa limang maswerte na pumasa sa school namin para sa internship sa company na iyon. Noong third-year pa kami pinakuha ng exam para roon. Kasama si Ate Ellaine sa mga nakapasa, kaso hindi na siya nakapagpatuloy ngayong school year kaya sayang talaga.

“Pasensya ka na, Althea ha. Alam ko na gusto mo na sabay na tayong makakapagtapos pero natigil na naman ako,” may kalungkutan na wika ni Ate Ellaine.

Noong nakapag-aral na kasi ulit siya at nagkasabay kami, sabi ko na sabay na rin dapat kaming makakapagtapos ng college.

“Ano ka ba, Ate Ellaine. Okay lang. Bawi na lang sa susunod,” nakangiting wika ko sa kanya.

Napabuntong hininga ito.

“Hindi ko nga alam kung may susunod pa,” may bahid ng lungkot sa boses niya. “Sigurado disappointed na naman si Tatay,” pilit itong ngumiti pero hindi nito natabunan ang lungkot sa mga mata niya.

“Ano ka ba, Ate Ellaine. Mahal ka ni tito,” wika ko at nilapitan siya.

“Alam ko naman eh. Mahal na mahal ako ni tatay. Masakit para sa kanya na napatigil ako noong high school kaya bumawi siya at nag-ipon para mapa-aral ulit ako. Kasi mataas din ang pangarap ni tatay para sa akin. Kaso ito na naman. Nasa mababang parte na naman ako ng buhay,” tuluyan na itong naluha. Siguro ganyan talaga kapag buntis.

“Ate Ellaine, tutulungan kita na maabot ang mga pangarap mo. Ang mga pangarap natin,” nakangiting wika ko at pinunasan ang mga luha niya. “Malapit na ko magkapagtapos. Kapag dumating ang araw na iyon, papasok ako sa BMC,” malapad ang ngiti sa labi na wika ko habang ini-imagine ang araw na iyon  “at ako na ang bahala sa iyo, kay lola, kila tito at tita, pati na rin sa magiging anak mo. Para makabayad man lang ako sa mga kabutihin nila at tulong sa pag-aaral ko,” ngiting wika ko pero hindi rin napigilan na maluha dahil sa tuwa ng puso ko.

Ang sarap lang kasi sa pakiramdam na kahit na lumaki akong wala ng mga magulang, andyan naman sila lola kasama ang mga pamilya ni Ate Ellaine na nagmahal sa akin. Kaya gusto-gusto ko talaga na mabigyan silang lahat ng magandang buhay. Hindi lang para sa salitang utang na loob, kung hindi dahil totoong mahal ko sila.

“Oh, mga batang ‘to. Bakit kayo nag-iiyakan?” tanong ni Tito Ian, ang tatay ni Ate Ellaine. Kasama niya sa likod niya si Tita Myrna at lola.

Natatawa kaming tumayo at nagpunas ng luha bago sila lapitan at magmano.

“Natutuwa lang kami, tay. Kasi naman next week na ang internship ni Thea. Nakakalungkot nga lang kasi iiwan niya na tayo para bumalik ng Manila,” sagot ni Ate Ellaine.

“Ay oo nga” wika ni tito at tumingin sa akin. “Anak oh,” wika niya. Anak ang tawag nila sa akin kahit ni lola dahil itinuturing daw talaga nila akong anak.

May inilagay si tito sa palad ko. Taka ko iyong tiningnan. Tatlong-libo iyon at may mga one hundred peso bills pa na hindi ko alam kung ilan lahat.

“Tito, huwag na po,” wika ko at iniabot ang kamay niya para ibalik ang pera ngunit agad niya namang itinago ang mga kamay niya sa likod niya.

“Huwag na, sa iyo na iyan. Baunin mo. Pagpasensyahan mo na kasi limang-libo lang ‘yan,” wika nito.

Nilapitan ko si tito at niyakap.

“Ano ka ba, tito. Malaki na po ‘to. May ipon naman ako. May part-time na rin ako na nakuha” malapad ang ngiting wika ko sa kanilang lahat para masiguro sa kanila na magiging okay lang ako. Lalo na at ito ang unang pagkakataon na babalik ako at maninirahan mag-isa sa Manila at hindi kasama ang pinsan ko.

“Basta mag-ingat ka roon, apo,” wika ni lola habang hawak ang kamay ko. Nginitian ko ito at tinanguan.

“Basta mag-ingat ka sa mga lalaking makakasalamuha mo ha?” pagpapaalala ni Ate Ellaine.

“Hindi ako katulad mo, Ate Ellaine,” pabirong wika ko na ikinatawa naming lahat.

***

Tiningnan ko ang suot ko sa salamin. Natanaw ko rin ang ID na suot ko kaya kinuha ko iyon at isang malapad na ngiti na abot hanggang tenga ang lumabas sa labi ko. ‘Althea Cruz. Intern’ iyon ang nakasulat don. Hindi talaga ako makapaniwala na makakatapak na ako sa dream company ko kahit na bilang intern lang. Pagdarasal ko talaga na pagkatapos ng internship namin ay kunin nila ko. I will do my best talaga para mangyari iyon.

“Good morning, everyone,” poker face na sabi ng isang lalaki sa harap namin.

Iyon ay kung lalaki nga ito dahil mahahalata naman na hindi.  May dumaan na mga naka-formal attire sa harapan namin, at tinanguan niya ang mga ito. Nang tuluyan nang makaalis ang mga ito ay ngumiti siya sa amin.

“Hay naku, huwag kayong pa intimidate sa mga ‘yon ha. Basta tayo happy and chill lang dito,” masiglang wika niya sa amin habang nakangiti. Napangiti naman kami. “I’m sir Erwin. The Head of Internship Department. Basta gawin niyo lang nang maayos ang trabaho niyo ha? Tapos na rin naman ang orientation niyo last time kaya alam niyo na ang mga bawal at hindi. Do your job at ipapangako ko na magiging maganda ang experience niyo sa lugar na ito” isang malapad na ngiti ang isinukli namin sa mga ngiti niya.

Iniikot niya kami sa building. Wala akong nagawa buong tour kung hindi ang mamangha sa mga nakikita. Sobrang laki at ganda talaga rito sa BMC. May mga ilang celebrity pa nga kaming nakasalubong pero bawal kami masyado magreak kasi kailangan namin maging professional. Believe nga ako kasi kinakaya ng mga tao rito na poker face lang kahit si Taylor Swift na ang kaharap nila.

“Tumabi kayo,” mahina pero tarantang wika ni Sir Erwin.

May padaan kasi na isang babae sa harap namin na nakasuot ng sunglasses. Tinanguan ito ni Sir Erwin.

“That’s Miss Madeline. Fiance ng CEO nitong company,” bulong niya sa amin.

Ayos din si sir. Libre chismis sa kanya. Kaya sure marami kaming makukuhang chismis about sa company.

Sinundan ko ng tingin ang babaeng iyon. Hindi ko alam, pero parang ang pamilyar niya. Siguro nakita ko na siya sa isa sa mga post nitong company lalo na at fiance raw siya ng CEO. Speaking of CEO, hindi ko pa pala nakikita ang bagong CEO ng BMC. Wala kasing kahit anong article o interview na inilabas about sa kanya. 

***

“Kaloka ka girl. Bakit ngayon ka lang? First day mo late ka” bulong na wika ng bestfriend ko, si Timothy pero tinawatag ko siyang Tim.

Gwapo siya kaya nga inaaway ako ng mga may gusto sa kanya kasi palagi kaming magkasama. As if naman na papatulan ko 'to eh mahilig pa ‘to sa lalaki kaysa sa akin. First day ko sa part-time job ko ngayon.

“Paano ba naman kasi, walang taxi malapit sa harap ng BMC. Nilakad ko pa papunta sa hintayan ng taxi. 10 minutes din ‘yon no,” reklamo ko. Paano ba naman kasi eh ang laki-laki pala talaga ng BMC. Kung malaki ‘to sa picture, mas malaki sa personal.

“Good evening,” wika ng isang lalaki na kakapasok lang at nakasumbrero.

“Good evening po, sir. Ano po inyo?” ngiting tanong ko rito. Nakatingin lang ito. Hinuhusgahan ba ako nito? “Sir?” tanong ko ulit dahil tila wala itong plano na sagutin ang tanong ko. “Sir, kung prank lang po ito o trip, pwede na po kayong umalis,” nauubusan ng pasensya na wika ko. Ayoko pa naman sa lahat iyong mga mahilig manloko. Nakita ko itong napangisi na mas ikinainit ng ulo ko.

“Sir Seb, good evening po. Andito na po pala kayo,” nakangiting bati sa kanya ni Tim na bigla na lang sumulpot sa tabi ko.

“Kilala mo ‘yang bastos na ‘yan?” badtrip na tanong ko kay Tim habang tinuturo pa ang Sir Seb na sabi niya. Hinawakan niya naman ang kamay ko at ibinaba. Pagkatapos ay nagbitaw ng awkward na tawa.

“Hindi ka pa nag-iisang oras dito pero gusto mo na talagang matanggal?” gigil na bulong na tanong nito. Binigyan ko naman siya ng kunot-noong tingin. “Ano ka ba, ngumiti ka naman, boss natin ‘yan. Kanya ‘tong cafe,” bulong pa nito at nginitian si Sir Seb na nakatingin lang sa amin at tila naiinip na. Kinurot pa ako ni Tim dahil hindi ko siya agad sinunod.

Paano ako makakangiti agad eh kinain na naman ako ng kahihiyan ko. Kahit kailan talaga, Althea!

“Ay sir. Haha. Kayo po pala. Hi po. Hehe. Ano pong gusto niyo? Libre ko na,” wika ko at nginitian ko siyang nang malapad.

Pakiramdam ko mukha akong tanga sa ngiti kong iyon. Nakita ko si Tim na napailing-iling na lang sa tabi ko. Samantalang si Sir Seb naman ay bahagyang napangiti bago tumalikod at umupo sa isa sa mga table na narito.

“Tanga mo talaga,” tinawanan ako ni Tim kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Mabuti na lang ay may mga ibang customer na rin na dumating kaya naabala ko ang sarili kaysa isipin ko na naman iyong kahihiyan ko.

“Hoy,” pagtawag ni Tim. Lumapit ito na may dalang tray na may mga order.

“Kanino ‘yan? Parang nabigay na ‘yung order ng last customer ha?” takang tanong ko.  Inirapan ako nito. Ang arte talaga.

“Kay Sir Seb ‘yan. Ibigay mo. Tuwing gabi ‘yan dito. Ito order niya palagi kaya kapag andito ‘yan automatic na agad” wika nito at bahagya pa akong tinulak-tulak dahil mukhang alam niyang ayaw ko talaga lumapit sa Sir Seb na ‘yon.

“Good evening, sir. Ito na po order niyo,” kunwaring masaya na wika ko at nginitian ito. Hindi ako nito kinibo kaya iniligay ko na lang sa harap niya ang mga order niya.

Natapos ako sa paglalagay na ang attention niya ay nasa laptop niya pa rin. Naramdaman nito siguro na nasa tabi niya pa rin ako kaya itinaas nito ang tingin sa akin at kunot-noo akong tiningnan.

“Sabi ko nga po. Aalis na ko. Hehe. Enjoy po,” wika ko rito at pilit na nginitian. Ang sungit. Thank you lang hindi pa masabi. Tss.

“Hoy, bakit ang tagal mo?” agad na tanong ni Tim. Hindi ko ito pinansin dahil badtrip na naman ako. “Huwag mong sabihin na hinintay mo thank you non?” tanong niya at natawa. Tiningnan ko siya nang masamang tingin na mas ikinatawa niya. “Huwag ka ng umasa kay Sir Seb. Alam  mo, gwapo ‘yan eh, kaso hindi ko na naging crush kasi ang sungit at cold. Halatang hindi ako kayang lambingin,” wika nito na tila nalulungkot pa.

“Kilabutan ka nga,” nakangiwing wika ko rito at nadako ang paningin ko sa pinto nitong cafe na kakatunog lang.

Natuon ang attention ko sa lalaking kakapasok lang at nakasuot ng sunglasses. Wow, where’s the sun? 11 pm na kaya.

Naglalakad ang lalaking iyon papunta rito sa counter. Bahagya pa itong napatingin sa relo niya bago tuluyang tanggalin ang sunglasses na suot niya. Nagtama ang tingin namin at agad akong napatalikod. Sa isip ko ay gusto ko na rin magmura. ‘Anong ginagawa niyan rito?!” mahinang bulong ko sa sarili. Taka naman akong tiningnan ni Tim.

“Problema mo?” tanong nito.

Anak ng- sa dami ba naman kasi ng customer na pwede kong makasalamuha eh itong lalaki pang ‘to na napagkamalan kong nakabuntis sa pinsan ko!

“Hey, you,” wika nito.

Related chapters

  • Billionaire's Love Beyond Misunderstanding   Chapter 2

    “Hoy! Kaloka ka teh. Bigla ka na lang umuwi kahapon. Gusto mo ba talaga mawalan ng trabaho?” stress na wika ni Timothy. Sa sobrang taranta ko kahapon eh bigla na lang akong napatakbo pauwi. Hindi nga ako sigurado kung namukhaan na ba ako ng lalaking tinataguan ko kasi narinig ko pa siyang nagtanong kay Timothy na ‘what’s wrong with her?’ pero mabuti na rin na sure no kaya tama lang na umalis ako bago niya pa ko tuluyang mamukhaan. Bakit ba kasi sumusulpot biglang iyong lalaking iyon dito eh ang laki kaya ng Manila. Teka, ano nga ulit pangalan non? Ah ewan. Basta sana huwag na kami magkita. “Wala bang love life ‘yang si sir?” curious na tanong ko kay Tim dahil nabaling ang atensyon ko sa pwesto ni Sir Sebastian. Isang tingin mula ulo hanggang paa ang ibinigay ni Tim sa akin. “Ay bakit teh? papatulan mo ba ’yan?” nakangiwing tanong niya habang inginunguso ang direksyon ni sir. “Sira,” sagot ko at inirapan ito “nagtataka lang ako kasi inaabot na ng madaling araw ‘yan dito,” dugt

    Last Updated : 2023-09-18
  • Billionaire's Love Beyond Misunderstanding   Chapter 3

    “Bakit naman parang stress ka dyan?” usisa ng kasama kong si Lyka at inabot sa akin ang hawak niyang bondpaper. Kinuha ko iyon sa at inilagay sa photocopy machine sa harap ko. Inutusan kasi kami ni Sir Erwin na ipa-photocopy itong 50 pages na document na binabasa niya kahapon. Limang copy raw para sa aming limang intern. Kaya hindi ko alam kung sabog ba ako dahil sa dami ng kailangan namin ma photocopy o dahil sa mga nangyari kahapon lalo na at ang lalaking iyon at ang boss ko pala ay magpinsan. “Okay lang ako” sagot ko na lang kay Lyka at nginitian ito para matapos na. Bumalik kami sa mga pwesto namin dala ang document na ipinakopya ni sir. “Kumuha ka dyan at ibigay mo yung iba sa mga kasama mo” wika nito sa akin. Kinuha ko ang akin at ibinigay sa mga kasama ko ang iba. “50 pages ‘to. Pinagsama-samang business report na mula sa mga top intern noong previous years.” panimulang wika ni sir at bahagya pang itinaas ang hawak niya na document. “Hindi naman sa pagyayabang pero mat

    Last Updated : 2023-09-18
  • Billionaire's Love Beyond Misunderstanding   Chapter 4

    “Special talent mo ba yang katukin ang dingding gamit ulo mo?” nakakunot ang noo na tanong ni Sir Erwin habang bahagya pang nakaturo sa akin. Naabutan kasi ako nito na bahagyang inuuntog ang ulo sa dingding. “Sir, iyon talaga si Sir Ben? Iyong CEO?” nakangusong tanong ko. Umaasa ako na namamalikmata lang ako o hindi kaya panaginip lahat ng ito. Para mo ng awa. Panaginip na lang sana ‘to. “Oo. Bakit?” takang tanong nito. Tuluyan akong nanghina at nawalan ng pag-asa dahil sa sagot niya. Muli kong iniuntog ang ulo sa dingding. “Tigilan mo nga ‘yan.” tila stress na wika ni sir. “Bumalik ka na sa lamesa mo. Marami pa tayong tatapusin” “No, she’ll stay.” boses pa lang ng lalaking iyon parang naiiyak na ako. Nakatingin ito kay Sir Erwin bago ako tapunan ng tingin. “Follow me.” wika nito. Tiningnan ko si Sir Erwin at tanging ‘go’ lang ang narinig ko mula rito kahit may bahid ng pagtataka sa mukha niya. Mabibigat ang bawat hakbang na ginagawa ko. Masama ang tinigin na itinatapon ko sa

    Last Updated : 2023-10-06
  • Billionaire's Love Beyond Misunderstanding   Chapter 5

    “Ate” nakangiting bungad ko kay Ate Ellaine pagkasagot sa tawag niya. Saktong kararating ko lang sa apartment ng tumawag siya. Malapad na ngiti mula sa kanya ang bumungad din sa akin. “Aba, bagay talaga sa’yo yang ID ng BMC ha” may abot hanggang tenga na wika niya. Mababakas ko rin sa mga mata niya kung gaano siya ka proud sa akin. “Dapat lang, ate. Sa BMC kaya ko nababagay” wika ko at pareho kaming natawa. Naputol ang tawanan naming iyon ng may tumawag sa kanya. Ngayon ko lang napansin na nasa sari-sari store niya pala sila. “Ellaine, pabili nga ko ng 5 kilong bigas.” wika ng isang babae. Kilala ko ang boses na iyon. Isa ‘yon sa mga marites na nakatira sa tapat namin eh. “Ah sige po” sagot ni Ate Ellaine rito. “Teka lang Thea ha, dyan ka muna” wika nito at nagpaalam bago tuluyang nawala sa screen. Malamang ay pumasok iyon sa bahay nila kasi doon inilalagay nila tito iyong mga paninda nilang bigas. Itinungtong ko muna ang cellphone ko sa may lamesa. Iiwan ko na muna sana i

    Last Updated : 2023-11-16
  • Billionaire's Love Beyond Misunderstanding   Chapter 6

    “Teka nga, pwede ba eh itigil mo muna yang kakapaikot mo sa office chair mo” wika ng isa sa mga kasama ko at hinawakan ang upuan ko para pigilan “At tigilan mo rin yang kakapaikot sa ballpen mo kasi nahihilo na ko” wika naman ni Lyka at kinuha ang ballpen sa kamay ko at inilapag ito sa lamesa ko “may problema ka ba?” tanong pa nito. “Wala” nakangusong sagot ko at humarap na lang ulit sa computer ko. Hindi ako mapakali. Kagabi ko pa kasi iniisip kung papayag ba ako sa deal ni Sir Samuel or hindi. Pakiramdam ko kasi magugulo lang ang buhay ko kung makikisali ako sa buhay nila. Napakamot ako ng ulo, simula naman kasi noong nanggulo ako sa engagement party nila eh parang nagkaroon na rin ako ng part sa life nila, o parang responsibility nga mismo. Paano kaya kung sabihin ko na lang sa fiance niya ang totoo? Edi baka nasampal pa ako non at bakit ko pa ba kailangan tulungan yung lalaki na yon eh sabi ng ex-fiance niya cheater siya! Kainis, anong gagawin ko? “Althea, althea!” “Sir Erwi

    Last Updated : 2024-06-11
  • Billionaire's Love Beyond Misunderstanding   Chapter 7

    “So hindi mo talaga alam na siya ‘yon?” natatawang tanong ni Tim.Kinuwento ko sa kanya kung paano kami nagkakilala ni Samuel at kung paano kami umabot sa puntong ito. “Pero alam mo naiinis na ako sa kanya” nakasampok ang mga kilay niya, parang uusok na ang tenga “pinagsisihan ko na tuloy na tinutukso kita ron dati. Tsk” Ngayon lang ulit kami nakapag-usap ni Tim. Lalo na at halos isang linggo rin siyang absent dahil sa trangkaso niya. Kaya ngayong pagkabalik na pagkabalik niya ay inilabas ko agad sa kanya ang mga sama ng loob ko. Siya lang din naman ang makukwentuhan ko kasi hindi ko naman pwede sabihin kay Ate Ellaine. “Seryoso ba siya? Eh baka natapos na lang ako sa ojt ko hindi ko pa tapos yung pinapagawa niya.” pagrereklamo ko ulit. Sinisumulan ko na yung project at talagang kinuha na non yung mga oras na sana itutulog ko. Paano ba naman, gawin ko raw munang secret iyong project na iyon dahil baka malaman din ng competitors niya kaya kapag nasa office ako ay hindi ko pwede g

    Last Updated : 2024-07-02
  • Billionaire's Love Beyond Misunderstanding   Chapter 8

    Hindi ko siya sinagot. Nagkunwari ako na walang alam. Tinapunan niya ulit ako ng tingin at ng walang matanggap na sagot mula sa akin ay nagpokus ito sa pagmamaneho. Ang abusado ng lalaking iyon. Linggo ngayon pero pinagreport ako! Isumbong ko ‘yon sa school eh! Pumasok ako na pakiramdam ko ay lumulutang ako. Paano ba naman na hindi eh wala pa akong tulog. Matapos akong ihatid ni Sir Ben ay agad akong nagpunas at tumapat sa laptop ko para tapusin ang mga report ko. Nagulat na lang ako na bigla ng tumunog ang alarm clock ko. Hudyat na 6AM na. Maling desisyon din ata na naligo ako. Dahil ramdam ko na ang sakit ng ulo ko. Hindi ko alam kung dahil ba ‘to sa hangover? Kulang sa tulog ngayong araw? O epekto na ‘to ng labis na kakulangan ng tulog nitong linggo na ‘to. “Here” wika ko sa lalaking ito.Minsan hindi ko na alam kung Sir Ben o Samuel ba itatawag ko sa kanya. Pero dahil nasa office naman kami ay tatawagin ko siyang Sir Ben katulad kung paano siya tawagin ng mga narito. Kinu

    Last Updated : 2024-07-03
  • Billionaire's Love Beyond Misunderstanding   Chapter 9

    Tama nga si Tim. Kahit anong gawin ko mukhang sadyang minamasama talaga ni Sir Ben. May deadline akong kailangan habulin pero nasa chapter 1 pa rin ako ng pinapagawa niya dahil lang sa wala siyang tinatanggap sa mga pinapasa ko. Puro revisions na ginagawa ko tapos hindi niya pa rin tinatanggap? Parang napapaisip na ko kung hindi ba talaga ako magaling? O pinepersonal na ako nito?“Revise it” wika niya matapos tapunan ng tatlong segundong tingin ang gawa ko. ‘Ikaw na kaya gumawa’ gustong-gusto ko na isigaw sa kanya ‘yan pero syempre hindi pwede. Napapikit ako at huminga. “Pangit po ba talaga?” tanong ko rito. Kibit-balikat lang ang sagot niya. Kinuha ko ang papel sa lamesa niya at tumalikod. Ngunit apat na hakbang pa lang ang ginagawa ko ay tumigil na ako. Ramdam ko pa rin ang mga mata nitong nakatingin sa akin. Huminga ako nang malalim bago ito muling harapin. “Fine” madiin na wika ko rito. Tinaasan ako nito ng isang kilay. Naghihintay sa susunod kong sasabihin. “Pumapayag

    Last Updated : 2024-07-04

Latest chapter

  • Billionaire's Love Beyond Misunderstanding   Epilogue

    Third Person POV“Daddy,” wika ng tatlong taong gulang na batang lalaki habang tumatakbo papalapit kay Samuel na kasalukuyang nakatayo sa dalampasigan at nakatingin sa tahimik na dagat habang may hawak na isang piraso ng papel.Yumakap ang bata sa hita niya kaya napunta roon ang atensyon niya. Malapad siyang ngumiti rito at kinarga ito. Pinatakan niya ito ng magkakasunod na halik sa pisngi, dahilan para mahina itong mapatawa.“Tanner, go take a bath now,” wika ng mommy nito.Napasimangot ang bata.“But I want to play with daddy, mommy,” nagtatampong wika nito habang nakanguso.“Listen to your mommy, baby,” malambing na wika ni Samuel at mahinang pinisil ito sa pisngi.Napasimangot ang bata ngunit walang nagawa kundi sumunod na lamang.Kinuha ito ng yaya niya at dinala sa loob ng mansion.“You should let him stay a little, Madeline,” pabirong wika ni Samuel.“I wanted

  • Billionaire's Love Beyond Misunderstanding   Final Chapter

    “Anak, sumama ka na sa akin sa New Zealand,” nag-aalala ang tono na wika ni papa. Alam niya na rin kasi ang tungkol sa amin ni Samuel. “Magsimula tayo don ulit. Magsimula ka ron ulit,” dagdag niya. “P-pag-iisipan ko po.” ***Nakasandal ako sa sofa at nakatingala sa kisame. Ipinikit ko ang mga mata ko at isa-isang inalala ang lahat ng alaala na meron ako kasama si Samuel. Napangiti ako nang maalala ang katangahan ko noon, noong nagpadala ako sa emosyon ko at basta-basta siyang sinugod. Ang laki din pala ng pinagbago ko, hindi na ako iyong Althea na palaging napapahamak dahil sa mga desisyon kong hindi ko basta-basta pinag-iisipan. Napabuntong-hininga ako at naisip ang offer ni Dad. Pinakiramdaman ko ang puso ko—kung ano ang mas matimbang: ang manatili rito at umasa, o ayusin ang sarili ko sa New Zealand at tanggapin ang katotohanan. Napadilat ako nang makarinig ng doorbell. Napakunot ang noo ko at napatingin sa oras, nakita kong 10 PM na. Napatayo ako nang maisip na baka siya ang

  • Billionaire's Love Beyond Misunderstanding   Chapter 60

    “Nagdagdag na naman si Mr. Lee ng abogado,” natatawang wika ni Enzo. “Hindi niya na kasi masuhulan ang mga judge na humahawak sa kaso niya.”“Kahit kunin niya pa lahat ng abogado sa mundo, hindi na mananalo ‘yan.”Kumalat na sa buong bansa ang tungkol sa malaking iskandalo na ‘to na kinakasangkutan ni Mr. Lee. Kaya marami nang mga whistleblower ang kusang lumabas at nagsabi ng mga nalalaman nila. Kaya dumami din ang mga ebidensya na hawak namin laban sa mga illegal na gawain niya. At makalipas ang ilang buwan, sa wakas ay malalaman na namin bukas ang magiging desisyon sa kaso ni Mr. Lee.“Matatapos na bukas ang mga kasamaan niya,” wika ko at napatingin na lang sa labas ng café kung nasaan kami.Humihina na ang koneksyon ni Mr. Lee, dahil na rin sa isa-isa nang nagsisialisan ang mga taong tumutulong sa kanya noon.“Finally, bukas, pwede ko na makita ang anak ko,” excited na wika ni Tim.Masaya ako para sa kanya. Dalawang buwan na kasi ang nakalipas noong nakauwi si Madeline at ang anak

  • Billionaire's Love Beyond Misunderstanding   Chapter 59

    Althea’s POVLahat ng ginawa ko, ginawa ko ‘yon para sa’yo. Napilitan lang ako, Althea. Hindi ko naman talaga mahal si Madeline. Ginawa ko lang ‘yon para protektahan ka kay Mr. Lee kasi alam niyang ikaw ang sumira sa wedding engagement namin. At ‘yung kasal namin, hindi ‘yon totoo.”Kumirot ang puso ko sa sinabi niya, pero unti-unti rin naglaho iyon nang maalala ko ang mga kasinungalingang ginawa niya. Paano ako makakasiguro na nagbago na siya?Gusto kong maniwala sa kanya, pero may bahagi sa akin na ayaw ulit masaktan. Gusto kong umalis na lang at huwag siyang paniwalaan, pero alam kong matagal siyang hinanap ng puso ko. Saan ko ilulugar ‘tong nararamdaman ko? Okay na ko, hindi pa totally, pero kinakaya ko na… kaya… hindi ko naiintindihan bakit ko pa kailangan malaman ang totoo?Pero… katotohanan nga ba ang sinasabi niya?Lumapit sa akin si Enzo, hinawakan niya ako sa braso. Sumunod sa kanya si Tim na agad naman pumunta kay Samuel at kinuwelyuhan ito.“Ulitin mo nga ‘yung sinabi mo?”

  • Billionaire's Love Beyond Misunderstanding   Chapter 58

    Samuel’s POV“Ano ’to, Sir Ben? Bakit kasama ang pangalan ko sa mga matatanggal?!”“Hindi ko kontrolado ang isang ’yan,” kalmadong sagot ko.“Alam na ba ng girlfriend mo na sa tuwing nasa ibang lugar ka ay si Miss Madeline ang kasama mo? Pareho lang tayong may tinatago rito, Sir Ben, kaya huwag kang magmalinis,” nag-aapoy ang mata sa galit na wika ni Lyka.Marahas na binuksan ni Lyka ang pinto ng opisina ko at bumungad sa amin si Althea. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Paniguradong narinig niya na lahat ng naging sagutan namin ng kaibigan niya.Humakbang ako para lapitan siya pero parang sinaksak ang puso ko nang makita siyang unti-unting humakbang palayo sa akin.Napakuyom ako ng kamao, gusto ko man siyang habulin pero hindi ko magawa. Nanaig sa akin ang konsensya na baka mas masaktan ko lang siya at paasahin, lalo na’t kinakailangan kong gumawa ng desisyon na para sa ikabubuti niya.I’m sorry, Althea, sana mapatawad mo pa ’ko.***Months passed, inako ko ang responsibili

  • Billionaire's Love Beyond Misunderstanding   Chapter 57

    Samuel’s POV“Is it possible for you to like me?” hindi ko alam kung bakit tinawanan niya lang ang tanong ko.But I’m serious, and I will prove it. ***“Noong nasa falls tayo, hindi ba may tinanong ka?” tanong niya, tumango ako, “bakit mo natanong ‘yon? Bakit gusto mong malaman kung possible na magustuhan kita?” tanong niya.“Kasi umaasa ako na hindi lang ako mag-isa ang makakaramdaman ng nararamdaman ko.”***“I asked you a question before we left your hometown, Althea.”Kinuha ko ang jewelry box na matagal ko nang gustong ibigay sa kanya.“If you already have an answer, wear this.”Hanggang sa isang araw, nakita ko na lang na suot niya ang bracelet na ibinigay ko.“Let’s build our own world, Althea,” pumatak ang mga luhang tanong ko. Ganito ba talaga kapag kaharap mo ‘yung taong mahal mo? Nagiging emosyonal ka na lang bigla habang sinasabi mo sa kanya kung gaano mo siya kamahal at habang tinatanong mo siya kung handa ba siyang maging bahagi ng mundo mo.Kinuha ko mula sa bulsa ang

  • Billionaire's Love Beyond Misunderstanding   Chapter 56

    Samuel’s POV“Ito po yung report na pinapagawa niyo,” wika ni Althea at ibinigay ang project na pinapagawa ko sa kanya.Bakit ang aga naman nito magpasa?“Bakit nagmamadali ka? I told you, you have until next week,” kunot-noong tanong ko.Ayokong tanggapin iyon dahil ang project na iyon na lang ang nagiging excuse ko para makita siya. Kaya nga pina-extend ko pa hanggang next week.“Para iyong engagement niyo na lang po ang mapagtuunan ko ng pansin.” Napabuntong-hininga ako nang marinig iyon.Mukhang gusto niya na rin akong iwasan kaya naman kinuha ko na iyon at walang salitang iniwan siya.***Malapit na ang araw ng proposal.Badtrip ako nitong mga nagdaang araw dahil palagi kong nakikita ‘yung kaibigan ni Althea na dikit nang dikit sa kanya. Nagseselos ba ako? Dumagdag din sa inis ko ang pag-iwas sa akin ni Althea. Hindi ako natutuwa dahil doon.Para matanggal ang inis, pumunta ako sa bar para mag-inom pero mukhang sumobra ata ang pag-inom ko dahil halos makatulog na ako rito sa bar.

  • Billionaire's Love Beyond Misunderstanding   Chapter 55

    Samuel’s POV“We would like to congratulate the soon-to-be Mr. & Mrs. Bennett.”Nagpalakpakan ang mga tao sa paligid.Ang babaeng nasa harap ko ay may malapad na ngiti sa labi.“Samuel, I can’t wait for our wedding. I’m so excited!”“Yeah, me too,” walang ganang sagot ko. “Let’s eat.”Abala ang lahat sa pagkain.“Excuse me, give me more wine, please,” utos ko sa waiter na dumaan sa harap ko.“You’re drinking too much.”“It’s just wine, Madeline.”Ilang minuto ang lumipas bago bumalik ang waiter kaya medyo nawala ako sa mood dahil sa paghihintay. Kaya nang bumalik siya, wala na akong sinabing anuman at hinayaan na lang siyang magsalin sa baso ko.Pero napaangat ako ng tingin nang makita kong may tumayo sa tabi ng waiter. Nakita ko ang nagtatakang mukha ni Madeline kaya napatingin ako sa tinitingnan niya. Nakita ko ang babaeng nakatayo sa tabi ng waiter na halatang nagulat din sa babaeng nasa tabi niya.Masama ang tingin sa akin ng babaeng iyon. Kinuha niya ang wine glass mula sa waiter

  • Billionaire's Love Beyond Misunderstanding   Chapter 54

    Isang taon na ang lumipas simula nang umalis ako sa BMC. Kinabukasan noong araw na iyon, umalis din ako sa condo ko at hindi ako nagsabi sa mga kaibigan ko kung nasaan ako. At ang alam naman nila ate ay nasa BMC pa rin ako.Pinili ko munang lumayo mula sa mga kaibigan ko kasi gusto kong magmukmok. Gusto kong namnamin ang sakit na nararamdaman ko hanggang sa totoong makalimutan ko na iyon.Andito ako ngayon sa bar, mag-isang umiinom. Pero kaunti na lang ang iniinom ko. Baka kasi mamaya, sa sobrang kakainom ko, mauna pa akong mawala kaysa sa maka-move on.“Tim?” takang tawag ko sa pigurang nakita ko sa isang lamesa.Anong ginagawa nito rito? Paano ito nakaabot dito?Halata ang pagkakaroon nito ng tama dahil halos natatapon na ang mga alak na sinasalin niya.Nilapitan ko ito at inagaw ang iniinom niya.“Tama na. Lasing ka na,” wika ko rito.Tingnan mo nga naman, dati siya ang pumipigil sa akin na uminom. Tapos ngayon, siya naman ang nasa ganitong sitwasyon.Tiningnan niya ako at pilit in

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status