Share

Billionaire's Love Beyond Misunderstanding
Billionaire's Love Beyond Misunderstanding
Author: Calliana

Prologue

Author: Calliana
last update Huling Na-update: 2023-09-18 10:39:39

Lakad takbo ang ginawa ko para pasukin ang restaurant na nabanggit ng pinsan ko. Nagpalinga-linga ako sa paligid para hanapin ang lamesang sinabi niya ngunit nabigo ako dahil sa lawak ng lugar. Masyado nga talagang pangmayaman ang lugar na ito kaya wala akong maintindihan sa paligid.

“Excuse me, kuya. Nasaan po yung VIP-AA1?” tanong ko sa waiter na napadaan sa harap ko. Nadako ang tingin nito sa akin at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Masyado namang mapanghusga ‘to.

“May reservation po ba kayo?” may pangungutyang tanong niya. Aba, masama ang ugali ng mga tao rito ha. Kasing sama ng lalaking hinahanap ko.

Nakahanda na akong ibuka ang bunganga ko para sermunan ito kaso ay bigla itong tinawag ng isang kasama niya kaya nabaling ang atensyon niya roon at iniwan akong nakatunganga sa pwesto ko. Inirapan ko na lang ito kahit hindi niya nakikita at muli akong nagpalinga-linga sa paligid.

“Sa VIP-AA1 ‘tong cake, ingatan mo ‘yan. Pati na rin ‘tong wine. Para ‘yan sa engagement nila,” rinig kong wika ng kasama noong waiter na tinanungan ko kanina.

Engagement? Ang kapal naman talaga ng mukha ng lalaking iyon. Matapos ng ginawa niya sa pinsan ko ay may gana pa talaga siyang magpakasal sa iba! Ang kapal talaga!

Umuusok ang tenga na sumunod ako sa waiter na iyon. Pumasok ito sa isang pinto pa na narito sa loob ng restaurant. Nakita ko na ang guard na nakabantay sa door ay may kinausap na guest na mukhang paalis na kaya tahimik at dali-dali akong pumasok.

Natanaw ko ang waiter na sinusundan ko. Nasa isa itong lamesa. Nakangiting inilapag niya ang cake sa harap ng isang babae at lalaki. Sa tingin ko ang lalaking iyon na ang hinahanap ko. Malapad na ngumiti ang babae habang poker face lang ang kasama nito. Sunod na binuksan ng waiter ang bottle ng wine at nagsalin sa wine glass na naroon.

Kasalukuyan niyang sinasalinan ng wine ang glass ng lalaki. Lumapit ako sa harap nila. Nakita ko pa sa peripheral vision ko na tila nagulat ang waiter na muli akong makita.

Nakipagtitigan ako sa lalaking poker face na nakatingin ngayon sa akin. Habang mababakas naman sa mukha ng babaeng kasama niya ang pagtataka.

Inabot ko ang wine glasss ng lalaki at walang pagdadalawang isip na itinapon ito sa pagmumukha niya.

“Ang kapal naman ng mukha mo! Matapos mong mabuntis ang pinsan ko, narito ka ngayon to celebrate your engagement!”

Narinig ko ang bulong-bulungan ng mga tao sa paligid namin. Ang waiter naman na katabi ko ay tarantang hinawakan ang braso ko at sinasabihan ako na umalis. Pero hindi ako nakinig sa kanya at binawi ko pabalik ang braso ko.

Nagtititigan ang dalawang magkasintahan. Tinatansya ang bawat isa. Nagmistula tuloy akong isang hangin ngayon.

“Explain, Samuel,” basag ang boses na wika ng babae.

Tiningnan lang siya ng lalaki at nagkibit-balikat. Wala akong nababasa na emosyon sa mukha niya. Ang kapal talaga ng mukha! kawawa ang fiance niya sa kanya!

“Samuel,” nagbabantang wika ng isang matandang babae sa kabilang table.

Nang wala pa rin makuha na tugon mula sa kanyang fiance ay tumayo na ang babae at itinapon ang wine na hawak niya sa mukha ng lalaki. Naglikha iyon ng ingay mula sa mga reaksyon ng tao sa paligid.

“Dad, let’s go,” wika ng babae at may tumayo namang matandang babae at lalaki sa isa pang lamesa. Nilisan nila ang lugar na hindi pinapansin ang mga tumatawag sa kanila. Lalo na ang matandang babae kanina.

“Oh my gosh, kuya. Are you okay?” nag-aalalang tanong pa ng isang babae na galing sa isang table.

Oh my gosh, napatakip ako ng bibig at lumingon sa paligid. Nagpapalit-palit ang tingin ng mga tao sa akin at sa lalaking tinawag na Samuel kanina. Huwag mong sabihin na isang buong pamilya silang lahat na narito? Jusko, eh kung kainin na lang kaya ako ng lupa!

“Who are you?” maarteng tanong ng babaeng lumapit sa tinawag niyang kuya.

Hindi na ako nakasagot pa dahil sa biglaang paghila ng kung sino sa akin. Nagpatangay na rin ako dahil halos kainin na ako ng lupa sa kahihiyaan na gawa ko. Pero bakit ba ako nahihiya eh kasalanan naman ‘to ng lalaki na ‘yon!

“Anong ginagawa mo?” pasermon na tanong ng humila sa akin. Dinala niya ako sa kabilang kalsada na katapat ng restaurant.

“Ate Ellaine?” takang tanong ko dahil hindi ko masyadong makita ang mukha ng kaharap ko pero sigurado ako na ang pinsan ko ito kahit balot na balot pa ito ng hoodie jacket at nakasuot pa ng cap na humaharang sa buong mukha niya. “Anong ginagawa mo rito? Hindi ba dapat nagpapahinga ka? Baka mapano yung baby mo!” sermon ko at hinampas siya sa braso.

“Aray naman, yung anak ko!” reklamo niya.

“Ay sorry,” wika ko. “Ang OA mo, ang layo sa tyan mo yung hampas ko ha,” pambabara ko sa kanya.

“Pero maiba nga ko, anong ginagawa mo rito ha?” nagbabantang tanong niya. Hindi ko siya sinagot at ibinaling ang tingin ko sa paligid. Kunwaring naa-aapreciate ko bigla ang mga halaman at bato sa paligid namin.

Isang malakas na hampas ang natanggap ko mula sa kanya.

“Aray naman!” reklamo ko na sinuklian niya lang ng isang masamang tingin. “Eh hindi ko napigil ang galit ko eh kaya sinugod ko yung lalaking nanloko sa iyo,” wika ko na ikinalaki ng mata niya. “Alam mo rin ba, ang kapal talaga ng mukha ng lalaking iyon. Sorry ate ha, pero kasi, mukhang pinagdirawang nila iyong engagement nila kanina,” muling wika ko na ikinatakip niya sa bibig niya at parang naluluha na dahil hindi makapaniwala. Baka nga talaga hindi siya makapaniwala na gano’n ang klase ng tao na minahal niya. Niyakap ko siya.

“Okay lang ‘yan, ate Hindi worth it iyakan ang mga lalaking ganyan,” hinihimas ang likod niyang wika ko.

“Altheaaaa!” malakas na sigaw niya na ikinalayo ko dahil sa sakit na epekto sa tenga ko. Sigawan ba naman ako sa tenga! Ang sunod niyang ginawa ay pinaghahampas ako.

“Aray! aray! ano ba!” reklamo ko habang iniiwas ang katawan sa mga ibinabato niyang hampas. “Bakit ba?” inis na wika ko at sinalo ang kamay niya. Marahas niya iyong binawi sa akin at isang malakas na hampas ang muling ibinato sa akin.

“Hindi ko naman kilala iyong sinugod mo!” umuusok ang tenga na wika niya at napahawak sa noo. Tila stress na naman sa mga pinaggagawa ko sa buhay.

“Eh ano naman?” nakapamewang na tanong ko habang taas-noo na nakatingin sa kanya. “Ha?” malakas na tanong ko ng mapagtanto ang sinabi niya.

“Althea! Ikaw! iyang kaiksian talaga ng pasensya mo ang magpapahamak sa iyo!” panenermon niya. “Hindi ko sa’yo binanggit iyong location para puntahan mo!” pakiramdam ko talaga magpapakain na lang ako sa lupa! Help!

Nawala ang atensyon ko kay Ate Ellaine ng makita sa kabilang kalsada na lumalabas na iyong pamilya siguro ng lalaki kanina. Iyon iyong matandang babae kanina. May mga kasama pa ito. Sa tabi nito ay iyong batang babae kanina at sa pinakalikod nila ay iyong lalaki kanina. Nagpalinga-linga ang ulo nito sa paligid na tila may hinahanap. Humarap ito sa direksyon namin at nagtama ang mga mata namin. Itinuro ako nito at nilingon ako ng mga lalaking nakaitim na katabi niya. Nakita ko siyang lumapit sa matandang babae at nagbeso. Saka ito naglakad papunta sa direksyon ko.

Patawid na ito ng pedestrian ngunit biglang nag-go signal para sa mga sasakyan. Bahagyang nataranta ako ng makita na pwede ng tumawid. Handa na itong tumawid papunta sa direksyon ko. Nahihiyang peace sign ang pinakawalan ko sa kanya. Pasensya na talaga.

“Althea! Ang pangit mo talaga ka bonding! Alam mo naman na buntis ako!” sumisigaw na reklamo ni Ate Ellaine habang hinihila ko siya.

“Pasensya na” pasigaw na sagot ko at pumara ng taxi. Nilingon ko ang lalaki at hinahabol pa rin ako nito.

“Sorry po. Sana okay lang kayo ng fiance mo,” sigaw ko sa lalaking iyon at bahagya pang yumuko bilang paghingi ng paumanhin bago nagmadaling sumakay sa taxi.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Calliana
Anong gagawin niyo kung kayo 'yung nasa sitwasyon ni Althea? Tatakas din ba kayo????
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Billionaire's Love Beyond Misunderstanding   Chapter 1

    “Ang ingay ni nanay, umagang-umaga,” reklamo ni Ate Ellaine habang inaabot ang kapeng kakatimpla ko lang at iniwan sandali sa lamesa para kumuha ng tinapay na iniwan ni lola sa taas ng ref.“Oo, ang aga-aga eh nangangapitbahay ka,” wika ko rito at inagaw ang kapeng 1 inch na lang ang layo sa labi niya. “Pwede ba, alam mo namang buntis ka kaya tigilan mo ang pagkakape,” panenermon ko na ikinaasim ng mukha niya.“Para kang si nanay, puro sermon sa umaga,” nayayamot ang mukhang wika niya.“Ano na naman bang sermon sa’yo?” walang gana na tanong ko kasi alam ko naman na talaga ang sinesermon ni tita sa kanya.Komportable akong naupo sa kawayan na upuan namin sa balkonahe habang naghihintay sa sagot niya. Iniabot ko sa kanya ang supot ng tinapay na agad niya namang kinuha.“Ano pa ba” puno ang bibig na wika niya “syempre gusto niya ipakita ko sa kanya iyong tatay ng pinagbubuntis ko. Saan ko naman hahanapin iyon ‘di ba?” reklamo niya at pareho lang kaming napabuntong-hininga.Natahimik kamin

    Huling Na-update : 2023-09-18
  • Billionaire's Love Beyond Misunderstanding   Chapter 2

    “Hoy! Kaloka ka teh. Bigla ka na lang umuwi kahapon. Gusto mo ba talaga mawalan ng trabaho?” stress na wika ni Timothy. Sa sobrang taranta ko kahapon eh bigla na lang akong napatakbo pauwi. Hindi nga ako sigurado kung namukhaan na ba ako ng lalaking tinataguan ko kasi narinig ko pa siyang nagtanong kay Timothy na ‘what’s wrong with her?’ pero mabuti na rin na sure no kaya tama lang na umalis ako bago niya pa ko tuluyang mamukhaan. Bakit ba kasi sumusulpot biglang iyong lalaking iyon dito eh ang laki kaya ng Manila. Teka, ano nga ulit pangalan non? Ah ewan. Basta sana huwag na kami magkita. “Wala bang love life ‘yang si sir?” curious na tanong ko kay Tim dahil nabaling ang atensyon ko sa pwesto ni Sir Sebastian. Isang tingin mula ulo hanggang paa ang ibinigay ni Tim sa akin. “Ay bakit teh? papatulan mo ba ’yan?” nakangiwing tanong niya habang inginunguso ang direksyon ni sir. “Sira,” sagot ko at inirapan ito “nagtataka lang ako kasi inaabot na ng madaling araw ‘yan dito,” dugt

    Huling Na-update : 2023-09-18
  • Billionaire's Love Beyond Misunderstanding   Chapter 3

    “Bakit naman parang stress ka dyan?” usisa ng kasama kong si Lyka at inabot sa akin ang hawak niyang bondpaper. Kinuha ko iyon sa at inilagay sa photocopy machine sa harap ko. Inutusan kasi kami ni Sir Erwin na ipa-photocopy itong 50 pages na document na binabasa niya kahapon. Limang copy raw para sa aming limang intern. Kaya hindi ko alam kung sabog ba ako dahil sa dami ng kailangan namin ma photocopy o dahil sa mga nangyari kahapon lalo na at ang lalaking iyon at ang boss ko pala ay magpinsan. “Okay lang ako” sagot ko na lang kay Lyka at nginitian ito para matapos na. Bumalik kami sa mga pwesto namin dala ang document na ipinakopya ni sir. “Kumuha ka dyan at ibigay mo yung iba sa mga kasama mo” wika nito sa akin. Kinuha ko ang akin at ibinigay sa mga kasama ko ang iba. “50 pages ‘to. Pinagsama-samang business report na mula sa mga top intern noong previous years.” panimulang wika ni sir at bahagya pang itinaas ang hawak niya na document. “Hindi naman sa pagyayabang pero mat

    Huling Na-update : 2023-09-18
  • Billionaire's Love Beyond Misunderstanding   Chapter 4

    “Special talent mo ba yang katukin ang dingding gamit ulo mo?” nakakunot ang noo na tanong ni Sir Erwin habang bahagya pang nakaturo sa akin. Naabutan kasi ako nito na bahagyang inuuntog ang ulo sa dingding. “Sir, iyon talaga si Sir Ben? Iyong CEO?” nakangusong tanong ko. Umaasa ako na namamalikmata lang ako o hindi kaya panaginip lahat ng ito. Para mo ng awa. Panaginip na lang sana ‘to. “Oo. Bakit?” takang tanong nito. Tuluyan akong nanghina at nawalan ng pag-asa dahil sa sagot niya. Muli kong iniuntog ang ulo sa dingding. “Tigilan mo nga ‘yan.” tila stress na wika ni sir. “Bumalik ka na sa lamesa mo. Marami pa tayong tatapusin” “No, she’ll stay.” boses pa lang ng lalaking iyon parang naiiyak na ako. Nakatingin ito kay Sir Erwin bago ako tapunan ng tingin. “Follow me.” wika nito. Tiningnan ko si Sir Erwin at tanging ‘go’ lang ang narinig ko mula rito kahit may bahid ng pagtataka sa mukha niya. Mabibigat ang bawat hakbang na ginagawa ko. Masama ang tinigin na itinatapon ko sa

    Huling Na-update : 2023-10-06
  • Billionaire's Love Beyond Misunderstanding   Chapter 5

    “Ate” nakangiting bungad ko kay Ate Ellaine pagkasagot sa tawag niya. Saktong kararating ko lang sa apartment ng tumawag siya. Malapad na ngiti mula sa kanya ang bumungad din sa akin. “Aba, bagay talaga sa’yo yang ID ng BMC ha” may abot hanggang tenga na wika niya. Mababakas ko rin sa mga mata niya kung gaano siya ka proud sa akin. “Dapat lang, ate. Sa BMC kaya ko nababagay” wika ko at pareho kaming natawa. Naputol ang tawanan naming iyon ng may tumawag sa kanya. Ngayon ko lang napansin na nasa sari-sari store niya pala sila. “Ellaine, pabili nga ko ng 5 kilong bigas.” wika ng isang babae. Kilala ko ang boses na iyon. Isa ‘yon sa mga marites na nakatira sa tapat namin eh. “Ah sige po” sagot ni Ate Ellaine rito. “Teka lang Thea ha, dyan ka muna” wika nito at nagpaalam bago tuluyang nawala sa screen. Malamang ay pumasok iyon sa bahay nila kasi doon inilalagay nila tito iyong mga paninda nilang bigas. Itinungtong ko muna ang cellphone ko sa may lamesa. Iiwan ko na muna sana i

    Huling Na-update : 2023-11-16
  • Billionaire's Love Beyond Misunderstanding   Chapter 6

    “Teka nga, pwede ba eh itigil mo muna yang kakapaikot mo sa office chair mo” wika ng isa sa mga kasama ko at hinawakan ang upuan ko para pigilan “At tigilan mo rin yang kakapaikot sa ballpen mo kasi nahihilo na ko” wika naman ni Lyka at kinuha ang ballpen sa kamay ko at inilapag ito sa lamesa ko “may problema ka ba?” tanong pa nito. “Wala” nakangusong sagot ko at humarap na lang ulit sa computer ko. Hindi ako mapakali. Kagabi ko pa kasi iniisip kung papayag ba ako sa deal ni Sir Samuel or hindi. Pakiramdam ko kasi magugulo lang ang buhay ko kung makikisali ako sa buhay nila. Napakamot ako ng ulo, simula naman kasi noong nanggulo ako sa engagement party nila eh parang nagkaroon na rin ako ng part sa life nila, o parang responsibility nga mismo. Paano kaya kung sabihin ko na lang sa fiance niya ang totoo? Edi baka nasampal pa ako non at bakit ko pa ba kailangan tulungan yung lalaki na yon eh sabi ng ex-fiance niya cheater siya! Kainis, anong gagawin ko? “Althea, althea!” “Sir Erwi

    Huling Na-update : 2024-06-11
  • Billionaire's Love Beyond Misunderstanding   Chapter 7

    “So hindi mo talaga alam na siya ‘yon?” natatawang tanong ni Tim.Kinuwento ko sa kanya kung paano kami nagkakilala ni Samuel at kung paano kami umabot sa puntong ito. “Pero alam mo naiinis na ako sa kanya” nakasampok ang mga kilay niya, parang uusok na ang tenga “pinagsisihan ko na tuloy na tinutukso kita ron dati. Tsk” Ngayon lang ulit kami nakapag-usap ni Tim. Lalo na at halos isang linggo rin siyang absent dahil sa trangkaso niya. Kaya ngayong pagkabalik na pagkabalik niya ay inilabas ko agad sa kanya ang mga sama ng loob ko. Siya lang din naman ang makukwentuhan ko kasi hindi ko naman pwede sabihin kay Ate Ellaine. “Seryoso ba siya? Eh baka natapos na lang ako sa ojt ko hindi ko pa tapos yung pinapagawa niya.” pagrereklamo ko ulit. Sinisumulan ko na yung project at talagang kinuha na non yung mga oras na sana itutulog ko. Paano ba naman, gawin ko raw munang secret iyong project na iyon dahil baka malaman din ng competitors niya kaya kapag nasa office ako ay hindi ko pwede g

    Huling Na-update : 2024-07-02
  • Billionaire's Love Beyond Misunderstanding   Chapter 8

    Hindi ko siya sinagot. Nagkunwari ako na walang alam. Tinapunan niya ulit ako ng tingin at ng walang matanggap na sagot mula sa akin ay nagpokus ito sa pagmamaneho. Ang abusado ng lalaking iyon. Linggo ngayon pero pinagreport ako! Isumbong ko ‘yon sa school eh! Pumasok ako na pakiramdam ko ay lumulutang ako. Paano ba naman na hindi eh wala pa akong tulog. Matapos akong ihatid ni Sir Ben ay agad akong nagpunas at tumapat sa laptop ko para tapusin ang mga report ko. Nagulat na lang ako na bigla ng tumunog ang alarm clock ko. Hudyat na 6AM na. Maling desisyon din ata na naligo ako. Dahil ramdam ko na ang sakit ng ulo ko. Hindi ko alam kung dahil ba ‘to sa hangover? Kulang sa tulog ngayong araw? O epekto na ‘to ng labis na kakulangan ng tulog nitong linggo na ‘to. “Here” wika ko sa lalaking ito.Minsan hindi ko na alam kung Sir Ben o Samuel ba itatawag ko sa kanya. Pero dahil nasa office naman kami ay tatawagin ko siyang Sir Ben katulad kung paano siya tawagin ng mga narito. Kinu

    Huling Na-update : 2024-07-03

Pinakabagong kabanata

  • Billionaire's Love Beyond Misunderstanding   Epilogue

    Third Person POV“Daddy,” wika ng tatlong taong gulang na batang lalaki habang tumatakbo papalapit kay Samuel na kasalukuyang nakatayo sa dalampasigan at nakatingin sa tahimik na dagat habang may hawak na isang piraso ng papel.Yumakap ang bata sa hita niya kaya napunta roon ang atensyon niya. Malapad siyang ngumiti rito at kinarga ito. Pinatakan niya ito ng magkakasunod na halik sa pisngi, dahilan para mahina itong mapatawa.“Tanner, go take a bath now,” wika ng mommy nito.Napasimangot ang bata.“But I want to play with daddy, mommy,” nagtatampong wika nito habang nakanguso.“Listen to your mommy, baby,” malambing na wika ni Samuel at mahinang pinisil ito sa pisngi.Napasimangot ang bata ngunit walang nagawa kundi sumunod na lamang.Kinuha ito ng yaya niya at dinala sa loob ng mansion.“You should let him stay a little, Madeline,” pabirong wika ni Samuel.“I wanted

  • Billionaire's Love Beyond Misunderstanding   Final Chapter

    “Anak, sumama ka na sa akin sa New Zealand,” nag-aalala ang tono na wika ni papa. Alam niya na rin kasi ang tungkol sa amin ni Samuel. “Magsimula tayo don ulit. Magsimula ka ron ulit,” dagdag niya. “P-pag-iisipan ko po.” ***Nakasandal ako sa sofa at nakatingala sa kisame. Ipinikit ko ang mga mata ko at isa-isang inalala ang lahat ng alaala na meron ako kasama si Samuel. Napangiti ako nang maalala ang katangahan ko noon, noong nagpadala ako sa emosyon ko at basta-basta siyang sinugod. Ang laki din pala ng pinagbago ko, hindi na ako iyong Althea na palaging napapahamak dahil sa mga desisyon kong hindi ko basta-basta pinag-iisipan. Napabuntong-hininga ako at naisip ang offer ni Dad. Pinakiramdaman ko ang puso ko—kung ano ang mas matimbang: ang manatili rito at umasa, o ayusin ang sarili ko sa New Zealand at tanggapin ang katotohanan. Napadilat ako nang makarinig ng doorbell. Napakunot ang noo ko at napatingin sa oras, nakita kong 10 PM na. Napatayo ako nang maisip na baka siya ang

  • Billionaire's Love Beyond Misunderstanding   Chapter 60

    “Nagdagdag na naman si Mr. Lee ng abogado,” natatawang wika ni Enzo. “Hindi niya na kasi masuhulan ang mga judge na humahawak sa kaso niya.”“Kahit kunin niya pa lahat ng abogado sa mundo, hindi na mananalo ‘yan.”Kumalat na sa buong bansa ang tungkol sa malaking iskandalo na ‘to na kinakasangkutan ni Mr. Lee. Kaya marami nang mga whistleblower ang kusang lumabas at nagsabi ng mga nalalaman nila. Kaya dumami din ang mga ebidensya na hawak namin laban sa mga illegal na gawain niya. At makalipas ang ilang buwan, sa wakas ay malalaman na namin bukas ang magiging desisyon sa kaso ni Mr. Lee.“Matatapos na bukas ang mga kasamaan niya,” wika ko at napatingin na lang sa labas ng café kung nasaan kami.Humihina na ang koneksyon ni Mr. Lee, dahil na rin sa isa-isa nang nagsisialisan ang mga taong tumutulong sa kanya noon.“Finally, bukas, pwede ko na makita ang anak ko,” excited na wika ni Tim.Masaya ako para sa kanya. Dalawang buwan na kasi ang nakalipas noong nakauwi si Madeline at ang anak

  • Billionaire's Love Beyond Misunderstanding   Chapter 59

    Althea’s POVLahat ng ginawa ko, ginawa ko ‘yon para sa’yo. Napilitan lang ako, Althea. Hindi ko naman talaga mahal si Madeline. Ginawa ko lang ‘yon para protektahan ka kay Mr. Lee kasi alam niyang ikaw ang sumira sa wedding engagement namin. At ‘yung kasal namin, hindi ‘yon totoo.”Kumirot ang puso ko sa sinabi niya, pero unti-unti rin naglaho iyon nang maalala ko ang mga kasinungalingang ginawa niya. Paano ako makakasiguro na nagbago na siya?Gusto kong maniwala sa kanya, pero may bahagi sa akin na ayaw ulit masaktan. Gusto kong umalis na lang at huwag siyang paniwalaan, pero alam kong matagal siyang hinanap ng puso ko. Saan ko ilulugar ‘tong nararamdaman ko? Okay na ko, hindi pa totally, pero kinakaya ko na… kaya… hindi ko naiintindihan bakit ko pa kailangan malaman ang totoo?Pero… katotohanan nga ba ang sinasabi niya?Lumapit sa akin si Enzo, hinawakan niya ako sa braso. Sumunod sa kanya si Tim na agad naman pumunta kay Samuel at kinuwelyuhan ito.“Ulitin mo nga ‘yung sinabi mo?”

  • Billionaire's Love Beyond Misunderstanding   Chapter 58

    Samuel’s POV“Ano ’to, Sir Ben? Bakit kasama ang pangalan ko sa mga matatanggal?!”“Hindi ko kontrolado ang isang ’yan,” kalmadong sagot ko.“Alam na ba ng girlfriend mo na sa tuwing nasa ibang lugar ka ay si Miss Madeline ang kasama mo? Pareho lang tayong may tinatago rito, Sir Ben, kaya huwag kang magmalinis,” nag-aapoy ang mata sa galit na wika ni Lyka.Marahas na binuksan ni Lyka ang pinto ng opisina ko at bumungad sa amin si Althea. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Paniguradong narinig niya na lahat ng naging sagutan namin ng kaibigan niya.Humakbang ako para lapitan siya pero parang sinaksak ang puso ko nang makita siyang unti-unting humakbang palayo sa akin.Napakuyom ako ng kamao, gusto ko man siyang habulin pero hindi ko magawa. Nanaig sa akin ang konsensya na baka mas masaktan ko lang siya at paasahin, lalo na’t kinakailangan kong gumawa ng desisyon na para sa ikabubuti niya.I’m sorry, Althea, sana mapatawad mo pa ’ko.***Months passed, inako ko ang responsibili

  • Billionaire's Love Beyond Misunderstanding   Chapter 57

    Samuel’s POV“Is it possible for you to like me?” hindi ko alam kung bakit tinawanan niya lang ang tanong ko.But I’m serious, and I will prove it. ***“Noong nasa falls tayo, hindi ba may tinanong ka?” tanong niya, tumango ako, “bakit mo natanong ‘yon? Bakit gusto mong malaman kung possible na magustuhan kita?” tanong niya.“Kasi umaasa ako na hindi lang ako mag-isa ang makakaramdaman ng nararamdaman ko.”***“I asked you a question before we left your hometown, Althea.”Kinuha ko ang jewelry box na matagal ko nang gustong ibigay sa kanya.“If you already have an answer, wear this.”Hanggang sa isang araw, nakita ko na lang na suot niya ang bracelet na ibinigay ko.“Let’s build our own world, Althea,” pumatak ang mga luhang tanong ko. Ganito ba talaga kapag kaharap mo ‘yung taong mahal mo? Nagiging emosyonal ka na lang bigla habang sinasabi mo sa kanya kung gaano mo siya kamahal at habang tinatanong mo siya kung handa ba siyang maging bahagi ng mundo mo.Kinuha ko mula sa bulsa ang

  • Billionaire's Love Beyond Misunderstanding   Chapter 56

    Samuel’s POV“Ito po yung report na pinapagawa niyo,” wika ni Althea at ibinigay ang project na pinapagawa ko sa kanya.Bakit ang aga naman nito magpasa?“Bakit nagmamadali ka? I told you, you have until next week,” kunot-noong tanong ko.Ayokong tanggapin iyon dahil ang project na iyon na lang ang nagiging excuse ko para makita siya. Kaya nga pina-extend ko pa hanggang next week.“Para iyong engagement niyo na lang po ang mapagtuunan ko ng pansin.” Napabuntong-hininga ako nang marinig iyon.Mukhang gusto niya na rin akong iwasan kaya naman kinuha ko na iyon at walang salitang iniwan siya.***Malapit na ang araw ng proposal.Badtrip ako nitong mga nagdaang araw dahil palagi kong nakikita ‘yung kaibigan ni Althea na dikit nang dikit sa kanya. Nagseselos ba ako? Dumagdag din sa inis ko ang pag-iwas sa akin ni Althea. Hindi ako natutuwa dahil doon.Para matanggal ang inis, pumunta ako sa bar para mag-inom pero mukhang sumobra ata ang pag-inom ko dahil halos makatulog na ako rito sa bar.

  • Billionaire's Love Beyond Misunderstanding   Chapter 55

    Samuel’s POV“We would like to congratulate the soon-to-be Mr. & Mrs. Bennett.”Nagpalakpakan ang mga tao sa paligid.Ang babaeng nasa harap ko ay may malapad na ngiti sa labi.“Samuel, I can’t wait for our wedding. I’m so excited!”“Yeah, me too,” walang ganang sagot ko. “Let’s eat.”Abala ang lahat sa pagkain.“Excuse me, give me more wine, please,” utos ko sa waiter na dumaan sa harap ko.“You’re drinking too much.”“It’s just wine, Madeline.”Ilang minuto ang lumipas bago bumalik ang waiter kaya medyo nawala ako sa mood dahil sa paghihintay. Kaya nang bumalik siya, wala na akong sinabing anuman at hinayaan na lang siyang magsalin sa baso ko.Pero napaangat ako ng tingin nang makita kong may tumayo sa tabi ng waiter. Nakita ko ang nagtatakang mukha ni Madeline kaya napatingin ako sa tinitingnan niya. Nakita ko ang babaeng nakatayo sa tabi ng waiter na halatang nagulat din sa babaeng nasa tabi niya.Masama ang tingin sa akin ng babaeng iyon. Kinuha niya ang wine glass mula sa waiter

  • Billionaire's Love Beyond Misunderstanding   Chapter 54

    Isang taon na ang lumipas simula nang umalis ako sa BMC. Kinabukasan noong araw na iyon, umalis din ako sa condo ko at hindi ako nagsabi sa mga kaibigan ko kung nasaan ako. At ang alam naman nila ate ay nasa BMC pa rin ako.Pinili ko munang lumayo mula sa mga kaibigan ko kasi gusto kong magmukmok. Gusto kong namnamin ang sakit na nararamdaman ko hanggang sa totoong makalimutan ko na iyon.Andito ako ngayon sa bar, mag-isang umiinom. Pero kaunti na lang ang iniinom ko. Baka kasi mamaya, sa sobrang kakainom ko, mauna pa akong mawala kaysa sa maka-move on.“Tim?” takang tawag ko sa pigurang nakita ko sa isang lamesa.Anong ginagawa nito rito? Paano ito nakaabot dito?Halata ang pagkakaroon nito ng tama dahil halos natatapon na ang mga alak na sinasalin niya.Nilapitan ko ito at inagaw ang iniinom niya.“Tama na. Lasing ka na,” wika ko rito.Tingnan mo nga naman, dati siya ang pumipigil sa akin na uminom. Tapos ngayon, siya naman ang nasa ganitong sitwasyon.Tiningnan niya ako at pilit in

DMCA.com Protection Status