Share

Chapter 2

Author: Calliana
last update Last Updated: 2023-09-18 10:46:58

“Hoy! Kaloka ka teh. Bigla ka na lang umuwi kahapon. Gusto mo ba talaga mawalan ng trabaho?” stress na wika ni Timothy.

Sa sobrang taranta ko kahapon eh bigla na lang akong napatakbo pauwi. Hindi nga ako sigurado kung namukhaan na ba ako ng lalaking tinataguan ko kasi narinig ko pa siyang nagtanong kay Timothy na ‘what’s wrong with her?’ pero mabuti na rin na sure no kaya tama lang na umalis ako bago niya pa ko tuluyang mamukhaan. Bakit ba kasi sumusulpot biglang iyong lalaking iyon dito eh ang laki kaya ng Manila. Teka, ano nga ulit pangalan non? Ah ewan. Basta sana huwag na kami magkita.

“Wala bang love life ‘yang si sir?” curious na tanong ko kay Tim dahil nabaling ang atensyon ko sa pwesto ni Sir Sebastian.

Isang tingin mula ulo hanggang paa ang ibinigay ni Tim sa akin.

“Ay bakit teh? papatulan mo ba ’yan?” nakangiwing tanong niya habang inginunguso ang direksyon ni sir.

“Sira,” sagot ko at inirapan ito “nagtataka lang ako kasi inaabot na ng madaling araw ‘yan dito,” dugtong na wika ko. Totoo rin naman, patapos na dapat ako ng shift tapos si sir abala pa sa ginagawa. Walang social life.

May pagdududang tingin naman ang itinapon sa akin ni Tim habang nakataas ang isang kilay.

“Wala raw eh,” taas ang kilay na sagot nito pagkatapos ay bahagyang yumuko at sinenyasan ako na lumapit sa kanya at iyon nga ang ginawa ko. “Ang balita eh bakla raw ‘yan si sir’ bulong niya at pareho pa kaming natawa.

Naputol ang pagtawa kong iyon ng lingunin ko si sir ay blangko ang ekspresyon nitong nakatingin sa akin. Kaya naman ay pareho kaming napaayos ng tayo ni Tim.

Tumayo naman si Sir Seb at naglakad papalapit sa pwesto namin.

Agad naman kami nagkatinginan ni Tim at pinandilitan ako nito ng mata at gano’n din ang ginawa ko sa kanya.

Kunyari ay abala siya sa pagpupunas sa counter at ako naman ay kunwaring nagpipindot sa POS machine.

“Why are you still here?” muntikan pa akong mapatalon ng marinig ang boses ni sir.

Nag-angat ako ng tingin at ang kunot-noong mukha niya ang sumalubong sa akin.

“Oo nga. 2am na oh. May pasok ka pa naman bukas” wika naman ni Tim.

Pinandilatan ko ito ng mata. Pumapapel pa eh. Napansin ko lang na kapag si sir ang kaharap namin, lalaking-lalaki itong boses ni Tim. Alam kaya ni sir na baliko ‘to?

“Go home. Dapat nagpapahinga ka na. Lalo na at masama pa ang pakiramdam mo” wika ni sir.

“Po?” takang tanong ko.

Masama ang pakiramdam ko? Or namali lang siya ng sabi at dapat talagang sasabihin niya ay ‘masama ang ugali ko’ dahil bigla na lang akong umuwi kahapon. Kaya nga rin hindi muna ako umuuwi ngayon habang hindi pa nakakauwi si sir kasi bumabawi ako sa ginawa ko kahapon.

“Tim told me na bigla kang nahimatay kahapon kaya dinala ka sa ospital. He also told me na baka raw buntis ka?” nag-aalinlangan pero may pag-aalalang tanong ni sir.

Awkward akong tumawa at hinarap si Tim.

“Siraulo,” pabulong na wika ko rito.

“Fake news pala sir, kabag lang ‘yon. Hehe” wika nito kay sir.

Tiningnan lang kami nito at bumalik sa pwesto niya. Kinurot ko naman si Tim sa braso niya na ikinasama ng tingin niya sa akin.

Pumunta na rin ako ng locker room para kunin ang mga gamit ko. Bahala na si sir, kakapalan ko na mukha ko dahil inaantok na talaga ako gusto ko na umuwi para matulog dahil maaga pa ako bukas.

“Nasaan si sir?” tanong ko kay Tim dahil paglabas ko ng locker room ay wala na si sir.

“Kakalabas lang” sagot nito habang ang atensyon ay nasa book record na binabasa niya.

Inangat nito ang tingin at tiningnan ang bag na bitbit ko. Agad niya naman nilapag ang book record na hawak niya.

“Uuwi ka na? Hatid kita sa labas” wika nito at kukunin na sana ang bag ko pero inilayo ko iyon sa kanya.

“Ako na” wika ko at tinapik ito sa braso. Wala na siyang nagawa ng may pumasok na customer.

“Ingat ka ha” wika nito at tinanguan ko lang siya.

Inilabas ko ang cellphone ko para tingnan kung anong oras na.

“Hatid na kita” wika ng isang boses na nagpalingon sa akin.

“Sir Sebastian, kayo po pala.” Wika ko rito at tinanguan siya. Nasa loob siya ng sasakyan niya at ibinaba nito ang bintana para makita ako.

“Sakay na. Hatid na kita” wika niya.

Nagtatalo pa lang ang utak ko kung papayag ba ako o hindi pero bumaba na agad si sir at binuksan ang pinto sa passenger seat kaya wala na akong nagawa kung hindi ang sumakay na lang lalo na at bored itong nakatingin sa akin.

Akala ko ay aalis na siya pagkatapos kong makaupo pero hindi. Inabot nito ang kabilang side ng seatbelt at siya na ang nagsuot nito sa akin kaya halos pigil hininga rin ako at hindi makagalaw dahil sa sobrang lapit niya sa akin. Hindi ko na nga namalayan na nakabalik na siya sa driver seat.

***

“Dito ka nakatira?” tanong nito ng makarating kami sa address na nilagay ko sa waze niya. “I’m sorry. I’m just worried. Ligtas ba rito? Look, madaling araw na pero marami pa ring tambay sa labas” nag-aalalang wika nito. Bahagya akong natawa.

‘Ano ka ba, sir. Yang mga tambay pa na ‘yan ang magliligtas at tutulong sa’yo minsan,” may ngiti sa labing wika ko.

Totoo naman kasi. Kahit tambay ang mga iyan eh maasahan mo.

“Whatever” wika nito at tinanggal ang seatbelt at saka lumabas para pagbuksan ulit ako. In fairness kay sir, gentleman.

“Thank you, Sir Sebastian,” nahihiya pero bahagyang nakangiti na wika ko.

Tanging tipid na pagtango lang ang isinagot nito bago pumasok sa sasakyan niya at umalis. Ang sungit pa rin.

***

Ito na nga ba sinasabi ko eh. Hindi talaga dapat ako nagpupuyat kasi late na ako nagigising. 7:54 AM na at halos liparin ko na mula rito sa labas ng BMC papunta sa 10th floor.

“Aray,” reklamo ko ng may lalaking nakabangga sa akin.

Hahayaan ko na sana ito dahil baka hindi naman sinadya pero tila wala itong plano na humingi ng sorry dahil hindi man lang ako nito nilingon.

“Excuse me, bulag ka ba?” wika ko at saka marahas na hinawakan ito sa kamay para iharap sa akin.

Kapag minamalas ka nga naman. Ilang beses ko pa bang makikita ang lalaking ‘to?

Mula sa kamay kong nakahawak sa kanya ay inangat niya ang tingin papunta sa mga mata ko.

“You” wika nito at agad kong binitiwan ang kamay niya para sana tumakbo ngunit agad niyang nahawakan pabalik ang kamay ko. “Finally,” may ngisi sa labing wika niya.

Nakahanda na sana akong tanggapin ang kapalaran ko nang biglang may tumawag sa lalaking ito.

“Sir, we need to go. Baka po maipit tayo sa traffic jam,” wika ng lalaking sa tingin ko ay driver niya.

Kinuha ko ang pagkakataong iyon para mabawi ang kamay ko sa kanya at agad na tumakbo. Narinig ko pa siya na tinawag ako pero hindi na ako nag-abala pa na lumingon. Mahal ko pa ng buhay ko no.

Hinihingal na napatigil ako malapit sa elevator. Napakahaba ng pila! Nanlaki ang mata ko ng makita na 8:10 na. Althea naman, third day mo pa lang, late ka na. Kapag hindi talaga ako nakapasa sa internship namin ang lalaking iyon ang sisisihin ko. Yung problema niya, yung fiance niya lang naman siguro, ako naman, sa internship program na ito nakasalalay ang buhay ko at ng pamilya ko. Kaya mas mahalaga ‘to.

***

“Hoy,” tawag ni Timothy.

May hawak ito na isang supot sa kamay na may mga lamang order. Kakatapos ko lang gawan ng report iyong inventory namin na inutos niya tapos mukhang may iuutos ulit ‘to. Dahil manager, abusado?

“Ikaw ang hilig mo talaga mang hoy. Hindi ako pinangalanan para sa wala no,” wika ko at inirapan ito. Tinawanan niya lang ako. “Ano ba ‘yan? Take out ko ba ‘yan?” tanong ko rito.

“Special ka beh?” ngiwing tanong nito. “Wala pa si Tristan. Ikaw muna mag-deliver nito” wika niya at inabot sa akin ang hawak. Ngiwi ko iyong tiningnan at itinuro pa ang sarili.

“Ako? Seryoso ka?” kunot-noong tanong ko sa kanya.

“Alangan naman ako?” balik tanong niya at itinuro pa ang sarili.

“Bakit naman hindi?” pambabara ko.

Inirapan niya lang ako at inilagay sa kamay ko ang plastic. Pagkatapos ay agad niyang inasikaso ang pumasok na customer para hindi na ako makapagreklamo.

Baliw rin ‘to eh. Minsan ang caring at protective tapos ganitong 11pm na uutusan pa ako magdeliver ng order sa kung saan.

Hindi ba pwede na ipahatid na lang muna ‘to sa grab? tutal wala pa ang delivery man namin? Si sir naman kasi bakit isa lang kinuha na taga deliver.

Tiningnan ko ang resibong nakalagay sa plastic. Wow. Alam ko ‘tong address na ‘to. Ang yaman ng mga nakatira sa building na ‘to. Dito ko dream na makabili ng condo eh. Napangiti ako. Chance ko na makapunta sa building na ito kaya tatanggapin ko na lang ‘tong delivery na iniuutos ni Tim.

***

“Hello po. Andito na po ako sa labas ng building niyo,” wiko ko sa customer na kausap ko sa telepono. Ilang segundo pa itong natahimik bago sumagot. Siguro eh nagulat na babae ang nagdeliver ng order niya sa ganitong oras.

“I see. I already told the guard. Just come here,” wika naman nito.

Kinatok ko ang unit na nakalagay sa resibo. Halos 30 segundo ang hinintay ko bago ito tuluyang bumukas.

“Good evening po,” wika ko at bahagyang yumuko pa. Pag-angat ko ng mukha ay nakangising mukha ng lalaki ang naabutan ko.

“Hi. Here. Keep the change,” ngiting wika ng lalaki sa likod nito na biglang sumulpot. Kaboses niya iyong kausap ko kanina sa phone.

Inabot ko ang order sa lalaking nagbayad at agad na nagmadaling umalis. Para akong tanga. Naiiling na lang ako sa sarili. Alam ko naman na may atraso ako sa lalaking ito pero bakit ayaw niya akong tantanan.

Hindi ko alam kung gagamit ba ako ng elevator o hagdan na lang. Bahagya kong nilingon iyong unit na pinanggalingan ko at nakita ang lalaking iyon na nakatingin lang sa akin. Iniling-iling pa nito ang ulo. Mukha wala naman itong plano na sundan ako kaya elevator ang ginamit ko.

“Kuya, nagdeliver lang po ako. Naibigay ko na nga po eh,” wika ko sa guard na kaharap ko. Paano ba naman kasi eh hinarangan nila ako at ayaw palabasin.

“Pasensya na po ma’am. Napag-utusan lang po kami,” paumanhin nito.

“Thank you, kuya,” hindi ko na natuloy ang pagtanong kung sino ang nag-utos sa kanila dahil sa boses pa lang ng lalaking nagsalita ay alam ko na.

Hinarap ko ito at ngingitian pa lang sana ngunit agad na ako nitong hinila papunta sa kabilang exit na sa tingin ko ay papuntang parking lot. Hindi nga ako nagkamali dahil narito na ako ngayon sa loob ng sasakyan niya at nakaupo sa tabi niya. Ito na ang katapusan ko.

Salubong ang mga kilay nito ng harapin ko siya. Isang pilit na ngiti ang pinakawalan ko.

“Bakit ba palagi kang tumatakbo?” iritadong tanong nito.

“Bakit mo ba kasi ako palaging hinahabol,” inis na bulong ko na sa tingin ko ay narinig niya dahil mas lalong sumama ang tingin na ibinibigay niya sa akin.

“Bakit nga kaya?” taas-kilay na tanong nito.

Siguraduhin lang talaga ng pinsan ko na cute at malusog ang magiging baby niya para worth it lahat ng ito.

“Uhm-” panimula ko.

“Give me your phone,” blangko ang mukha na putol nito sa sasabihin ko. Parang ewan lang ako na nakatingin sa kanya. Kaya lumapit na ito sa akin at inagaw ang sling bag ko.

“Hoy,” reklamo ko. Ang gwapo at yaman pero nanghahablot ng bag.

Nakita ko na tila nag-dial siya ng mga numero sa phone ko.

“What?! You don’t have load?” magkasalubong ang mga kilay na tanong nito. Sorry naman.

Kinuha nito ang phone niya at ibinigay sa akin. Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanya at sa cellphone niya.

“Faster. Dial your number,” nauubos ang pasensyang wika niya.

Pairap kong kinuha ang cellphone niya na ikinasama ng tingin niya. Ibinalik ko agad iyon sa kanya matapos mailagay ang number ko.

“Don’t do that again,” casual na wika niya. Ha? Ang ano?

Ilang sandali pa at narinig ko na nag-ring ang phone ko. Tiningnan ko siya at sinenyasan niya ako na sagutin iyon kaya nakasimangot ko iyong sinunod. Pagkasagot ko ay agad niya iyong pinatay. Ang bastos.

“Save my number,” walang ganang wika niya. “Tatawagan kita kapag kailangan kita,” muling wika niya na ikinangiwi ko.

“Ang dumi ng isip mo,” agad na wika niya at dinuro ang noo ko. Ang slang magtagalog ng isang ‘to. “May utang ka pa sa akin. For now, I have a meeting na kailangan puntahan. Next time ako maniningil,” slang na wika nito.

“Pwedeng ano,” panimula ko at nag-peace sign pa. Masama itong tumingin sa akin “kung kayo pa rin ng fiance mo, patawarin mo na ko. Hehe,” medyo nakayukong wika ko.

Inilapit nito ang mukha sa akin. Ang mga kamay nito ay inihawak niya sa upuan ko habang ang isa ay nasa manibela.

“No,” madiin na wika niya at pinaandar ang rolls-royce nito. Siya na ang mayaman kung gano’n.

Saan naman ako dadalhin nito. Baka mamaya ipapatay ako nito.

Teka, wait, anong no? No, as in hindi niya na ko mapapatawad? or no as in wala na sila? Jusko ko po. Alin man sa dalawa ay walang magandang dulot sa akin.

Wala sa oras na napahawak din ako sa noo dahil naalala ko ang motor ni Tim. Ang malas ko naman.

Masamang tingin ang itinapon ko sa katabi ko. Tiningnan naman ako nito at tinaasan lang ng kilay. Tumigil ang sasakyan at nakita ko ang cafe na pinagtatrabahuhan ko. Paano ba ‘yan, mukhang wala na akong kawala sa lalaking ito dahil alam niya na kung saan ako nagtatrabaho.

“Labas,” wika nito. Aba, ang bastos talaga.

Inirapan ko it ato padabog na bumaba sa sasakyan niya. Talaga ba Althea? Mukha kayong magkasintahan na nagkaroon ng LQ.

Pagtingin ko sa door ng cafe ay nakita ko si Sir Sebastian na nakatingin sa amin. Ano na lang iisipin ng boss ko nito? Oras ng trabaho pero bumababa ako sa sasakyan ng isang lalaki.

Nakita ko na tila nagtititigan na ang dalawang lalaking ito kaya hinarap ko itong kasama ko, wait, ano nga ulit pangalan nito? Mula sa boss ko ay inilipat niya sa akin ang blangko niyang ekspresyon. Bago pa ako makapagtanong ng pangalan niya ay nagsalita na ito.

“Help me fix my engagement. Tatawag ako bukas,” wika nito at pinaharurot ang sasakyan paalis.

Bahagya pa akong napanganga dahil sa sinabi niya? Ha? Ano raw? Baliw ba ‘yon? Stress na nga ako kakatago sa kanila ng fiance niya tapos ako pa uutusan niya umayos sa engagement niya! Gets ko naman na kasalanan ko pero wala na bang ibang option?? Wala sa oras akong napasapo sa ulo ko. Ano pa bang malalaman at maririnig ko ngayon na magpapasakit ng ulo ko.

“Magkakilala kayo ng pinsan ko?” tanong ni Sir Seb.

Hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya. Nakatalikod pa ako sa kanya. Exhale inhale. Iyan ang ginawa ko habang mariing nakapikit ang mga mata dahil sa narinig ko. Pinsan? Sa lahat ba naman ng tayo na makikilala ko. Lord, tulong!

Related chapters

  • Billionaire's Love Beyond Misunderstanding   Chapter 3

    “Bakit naman parang stress ka dyan?” usisa ng kasama kong si Lyka at inabot sa akin ang hawak niyang bondpaper. Kinuha ko iyon sa at inilagay sa photocopy machine sa harap ko. Inutusan kasi kami ni Sir Erwin na ipa-photocopy itong 50 pages na document na binabasa niya kahapon. Limang copy raw para sa aming limang intern. Kaya hindi ko alam kung sabog ba ako dahil sa dami ng kailangan namin ma photocopy o dahil sa mga nangyari kahapon lalo na at ang lalaking iyon at ang boss ko pala ay magpinsan. “Okay lang ako” sagot ko na lang kay Lyka at nginitian ito para matapos na. Bumalik kami sa mga pwesto namin dala ang document na ipinakopya ni sir. “Kumuha ka dyan at ibigay mo yung iba sa mga kasama mo” wika nito sa akin. Kinuha ko ang akin at ibinigay sa mga kasama ko ang iba. “50 pages ‘to. Pinagsama-samang business report na mula sa mga top intern noong previous years.” panimulang wika ni sir at bahagya pang itinaas ang hawak niya na document. “Hindi naman sa pagyayabang pero mat

    Last Updated : 2023-09-18
  • Billionaire's Love Beyond Misunderstanding   Chapter 4

    “Special talent mo ba yang katukin ang dingding gamit ulo mo?” nakakunot ang noo na tanong ni Sir Erwin habang bahagya pang nakaturo sa akin. Naabutan kasi ako nito na bahagyang inuuntog ang ulo sa dingding. “Sir, iyon talaga si Sir Ben? Iyong CEO?” nakangusong tanong ko. Umaasa ako na namamalikmata lang ako o hindi kaya panaginip lahat ng ito. Para mo ng awa. Panaginip na lang sana ‘to. “Oo. Bakit?” takang tanong nito. Tuluyan akong nanghina at nawalan ng pag-asa dahil sa sagot niya. Muli kong iniuntog ang ulo sa dingding. “Tigilan mo nga ‘yan.” tila stress na wika ni sir. “Bumalik ka na sa lamesa mo. Marami pa tayong tatapusin” “No, she’ll stay.” boses pa lang ng lalaking iyon parang naiiyak na ako. Nakatingin ito kay Sir Erwin bago ako tapunan ng tingin. “Follow me.” wika nito. Tiningnan ko si Sir Erwin at tanging ‘go’ lang ang narinig ko mula rito kahit may bahid ng pagtataka sa mukha niya. Mabibigat ang bawat hakbang na ginagawa ko. Masama ang tinigin na itinatapon ko sa

    Last Updated : 2023-10-06
  • Billionaire's Love Beyond Misunderstanding   Chapter 5

    “Ate” nakangiting bungad ko kay Ate Ellaine pagkasagot sa tawag niya. Saktong kararating ko lang sa apartment ng tumawag siya. Malapad na ngiti mula sa kanya ang bumungad din sa akin. “Aba, bagay talaga sa’yo yang ID ng BMC ha” may abot hanggang tenga na wika niya. Mababakas ko rin sa mga mata niya kung gaano siya ka proud sa akin. “Dapat lang, ate. Sa BMC kaya ko nababagay” wika ko at pareho kaming natawa. Naputol ang tawanan naming iyon ng may tumawag sa kanya. Ngayon ko lang napansin na nasa sari-sari store niya pala sila. “Ellaine, pabili nga ko ng 5 kilong bigas.” wika ng isang babae. Kilala ko ang boses na iyon. Isa ‘yon sa mga marites na nakatira sa tapat namin eh. “Ah sige po” sagot ni Ate Ellaine rito. “Teka lang Thea ha, dyan ka muna” wika nito at nagpaalam bago tuluyang nawala sa screen. Malamang ay pumasok iyon sa bahay nila kasi doon inilalagay nila tito iyong mga paninda nilang bigas. Itinungtong ko muna ang cellphone ko sa may lamesa. Iiwan ko na muna sana i

    Last Updated : 2023-11-16
  • Billionaire's Love Beyond Misunderstanding   Chapter 6

    “Teka nga, pwede ba eh itigil mo muna yang kakapaikot mo sa office chair mo” wika ng isa sa mga kasama ko at hinawakan ang upuan ko para pigilan “At tigilan mo rin yang kakapaikot sa ballpen mo kasi nahihilo na ko” wika naman ni Lyka at kinuha ang ballpen sa kamay ko at inilapag ito sa lamesa ko “may problema ka ba?” tanong pa nito. “Wala” nakangusong sagot ko at humarap na lang ulit sa computer ko. Hindi ako mapakali. Kagabi ko pa kasi iniisip kung papayag ba ako sa deal ni Sir Samuel or hindi. Pakiramdam ko kasi magugulo lang ang buhay ko kung makikisali ako sa buhay nila. Napakamot ako ng ulo, simula naman kasi noong nanggulo ako sa engagement party nila eh parang nagkaroon na rin ako ng part sa life nila, o parang responsibility nga mismo. Paano kaya kung sabihin ko na lang sa fiance niya ang totoo? Edi baka nasampal pa ako non at bakit ko pa ba kailangan tulungan yung lalaki na yon eh sabi ng ex-fiance niya cheater siya! Kainis, anong gagawin ko? “Althea, althea!” “Sir Erwi

    Last Updated : 2024-06-11
  • Billionaire's Love Beyond Misunderstanding   Chapter 7

    “So hindi mo talaga alam na siya ‘yon?” natatawang tanong ni Tim.Kinuwento ko sa kanya kung paano kami nagkakilala ni Samuel at kung paano kami umabot sa puntong ito. “Pero alam mo naiinis na ako sa kanya” nakasampok ang mga kilay niya, parang uusok na ang tenga “pinagsisihan ko na tuloy na tinutukso kita ron dati. Tsk” Ngayon lang ulit kami nakapag-usap ni Tim. Lalo na at halos isang linggo rin siyang absent dahil sa trangkaso niya. Kaya ngayong pagkabalik na pagkabalik niya ay inilabas ko agad sa kanya ang mga sama ng loob ko. Siya lang din naman ang makukwentuhan ko kasi hindi ko naman pwede sabihin kay Ate Ellaine. “Seryoso ba siya? Eh baka natapos na lang ako sa ojt ko hindi ko pa tapos yung pinapagawa niya.” pagrereklamo ko ulit. Sinisumulan ko na yung project at talagang kinuha na non yung mga oras na sana itutulog ko. Paano ba naman, gawin ko raw munang secret iyong project na iyon dahil baka malaman din ng competitors niya kaya kapag nasa office ako ay hindi ko pwede g

    Last Updated : 2024-07-02
  • Billionaire's Love Beyond Misunderstanding   Chapter 8

    Hindi ko siya sinagot. Nagkunwari ako na walang alam. Tinapunan niya ulit ako ng tingin at ng walang matanggap na sagot mula sa akin ay nagpokus ito sa pagmamaneho. Ang abusado ng lalaking iyon. Linggo ngayon pero pinagreport ako! Isumbong ko ‘yon sa school eh! Pumasok ako na pakiramdam ko ay lumulutang ako. Paano ba naman na hindi eh wala pa akong tulog. Matapos akong ihatid ni Sir Ben ay agad akong nagpunas at tumapat sa laptop ko para tapusin ang mga report ko. Nagulat na lang ako na bigla ng tumunog ang alarm clock ko. Hudyat na 6AM na. Maling desisyon din ata na naligo ako. Dahil ramdam ko na ang sakit ng ulo ko. Hindi ko alam kung dahil ba ‘to sa hangover? Kulang sa tulog ngayong araw? O epekto na ‘to ng labis na kakulangan ng tulog nitong linggo na ‘to. “Here” wika ko sa lalaking ito.Minsan hindi ko na alam kung Sir Ben o Samuel ba itatawag ko sa kanya. Pero dahil nasa office naman kami ay tatawagin ko siyang Sir Ben katulad kung paano siya tawagin ng mga narito. Kinu

    Last Updated : 2024-07-03
  • Billionaire's Love Beyond Misunderstanding   Chapter 9

    Tama nga si Tim. Kahit anong gawin ko mukhang sadyang minamasama talaga ni Sir Ben. May deadline akong kailangan habulin pero nasa chapter 1 pa rin ako ng pinapagawa niya dahil lang sa wala siyang tinatanggap sa mga pinapasa ko. Puro revisions na ginagawa ko tapos hindi niya pa rin tinatanggap? Parang napapaisip na ko kung hindi ba talaga ako magaling? O pinepersonal na ako nito?“Revise it” wika niya matapos tapunan ng tatlong segundong tingin ang gawa ko. ‘Ikaw na kaya gumawa’ gustong-gusto ko na isigaw sa kanya ‘yan pero syempre hindi pwede. Napapikit ako at huminga. “Pangit po ba talaga?” tanong ko rito. Kibit-balikat lang ang sagot niya. Kinuha ko ang papel sa lamesa niya at tumalikod. Ngunit apat na hakbang pa lang ang ginagawa ko ay tumigil na ako. Ramdam ko pa rin ang mga mata nitong nakatingin sa akin. Huminga ako nang malalim bago ito muling harapin. “Fine” madiin na wika ko rito. Tinaasan ako nito ng isang kilay. Naghihintay sa susunod kong sasabihin. “Pumapayag

    Last Updated : 2024-07-04
  • Billionaire's Love Beyond Misunderstanding   Chapter 10

    “Alam mo, simula ng dumating ka kanina parang wala ka sa wisyo” puna ni Tim. Sabay ang out namin ngayon at naghihintay kami ng masasakyan. Tiningnan ko lang ito. Naramdaman ko ang palad nito sa noo ko. “Mukhang normal naman temperature mo” wika niya “pero kung masama pakiramdam mo sabihan mo lang ako ha?” pag-aalala niya. Nginitian ko lang ito at tinanguan. Binalik niya na ang tingin sa daan. Napapikit ako at napailing ng ulo. Kainis. Bakit ko ba kasi iniisip iyong kiss na ‘yon!Flashback Hindi ako nakagalaw sa kinakatayuan ko dahil sa biglaang pagdampi ng labi nito sa labi ko. Ilang segundo na magkalapat lang ang mga labi namin. Pigil din ang paghinga ko. Nang mabalik ako sa wisyo ay sinubukan ko na itulak ito ngunit ng gagawin ko pa lang iyon ay naramdaman ko na ang paghigit nito sa baywang ko at naramdaman ang paggalaw ng labi nito. Kung nagulat ako sa paghalik niya sa akin ay mas nagulat ako nang unti-unti ay hindi ko napansin na tinutugunan ko na pala ang mga halik ni

    Last Updated : 2024-07-05

Latest chapter

  • Billionaire's Love Beyond Misunderstanding   Epilogue

    Third Person POV“Daddy,” wika ng tatlong taong gulang na batang lalaki habang tumatakbo papalapit kay Samuel na kasalukuyang nakatayo sa dalampasigan at nakatingin sa tahimik na dagat habang may hawak na isang piraso ng papel.Yumakap ang bata sa hita niya kaya napunta roon ang atensyon niya. Malapad siyang ngumiti rito at kinarga ito. Pinatakan niya ito ng magkakasunod na halik sa pisngi, dahilan para mahina itong mapatawa.“Tanner, go take a bath now,” wika ng mommy nito.Napasimangot ang bata.“But I want to play with daddy, mommy,” nagtatampong wika nito habang nakanguso.“Listen to your mommy, baby,” malambing na wika ni Samuel at mahinang pinisil ito sa pisngi.Napasimangot ang bata ngunit walang nagawa kundi sumunod na lamang.Kinuha ito ng yaya niya at dinala sa loob ng mansion.“You should let him stay a little, Madeline,” pabirong wika ni Samuel.“I wanted

  • Billionaire's Love Beyond Misunderstanding   Final Chapter

    “Anak, sumama ka na sa akin sa New Zealand,” nag-aalala ang tono na wika ni papa. Alam niya na rin kasi ang tungkol sa amin ni Samuel. “Magsimula tayo don ulit. Magsimula ka ron ulit,” dagdag niya. “P-pag-iisipan ko po.” ***Nakasandal ako sa sofa at nakatingala sa kisame. Ipinikit ko ang mga mata ko at isa-isang inalala ang lahat ng alaala na meron ako kasama si Samuel. Napangiti ako nang maalala ang katangahan ko noon, noong nagpadala ako sa emosyon ko at basta-basta siyang sinugod. Ang laki din pala ng pinagbago ko, hindi na ako iyong Althea na palaging napapahamak dahil sa mga desisyon kong hindi ko basta-basta pinag-iisipan. Napabuntong-hininga ako at naisip ang offer ni Dad. Pinakiramdaman ko ang puso ko—kung ano ang mas matimbang: ang manatili rito at umasa, o ayusin ang sarili ko sa New Zealand at tanggapin ang katotohanan. Napadilat ako nang makarinig ng doorbell. Napakunot ang noo ko at napatingin sa oras, nakita kong 10 PM na. Napatayo ako nang maisip na baka siya ang

  • Billionaire's Love Beyond Misunderstanding   Chapter 60

    “Nagdagdag na naman si Mr. Lee ng abogado,” natatawang wika ni Enzo. “Hindi niya na kasi masuhulan ang mga judge na humahawak sa kaso niya.”“Kahit kunin niya pa lahat ng abogado sa mundo, hindi na mananalo ‘yan.”Kumalat na sa buong bansa ang tungkol sa malaking iskandalo na ‘to na kinakasangkutan ni Mr. Lee. Kaya marami nang mga whistleblower ang kusang lumabas at nagsabi ng mga nalalaman nila. Kaya dumami din ang mga ebidensya na hawak namin laban sa mga illegal na gawain niya. At makalipas ang ilang buwan, sa wakas ay malalaman na namin bukas ang magiging desisyon sa kaso ni Mr. Lee.“Matatapos na bukas ang mga kasamaan niya,” wika ko at napatingin na lang sa labas ng café kung nasaan kami.Humihina na ang koneksyon ni Mr. Lee, dahil na rin sa isa-isa nang nagsisialisan ang mga taong tumutulong sa kanya noon.“Finally, bukas, pwede ko na makita ang anak ko,” excited na wika ni Tim.Masaya ako para sa kanya. Dalawang buwan na kasi ang nakalipas noong nakauwi si Madeline at ang anak

  • Billionaire's Love Beyond Misunderstanding   Chapter 59

    Althea’s POVLahat ng ginawa ko, ginawa ko ‘yon para sa’yo. Napilitan lang ako, Althea. Hindi ko naman talaga mahal si Madeline. Ginawa ko lang ‘yon para protektahan ka kay Mr. Lee kasi alam niyang ikaw ang sumira sa wedding engagement namin. At ‘yung kasal namin, hindi ‘yon totoo.”Kumirot ang puso ko sa sinabi niya, pero unti-unti rin naglaho iyon nang maalala ko ang mga kasinungalingang ginawa niya. Paano ako makakasiguro na nagbago na siya?Gusto kong maniwala sa kanya, pero may bahagi sa akin na ayaw ulit masaktan. Gusto kong umalis na lang at huwag siyang paniwalaan, pero alam kong matagal siyang hinanap ng puso ko. Saan ko ilulugar ‘tong nararamdaman ko? Okay na ko, hindi pa totally, pero kinakaya ko na… kaya… hindi ko naiintindihan bakit ko pa kailangan malaman ang totoo?Pero… katotohanan nga ba ang sinasabi niya?Lumapit sa akin si Enzo, hinawakan niya ako sa braso. Sumunod sa kanya si Tim na agad naman pumunta kay Samuel at kinuwelyuhan ito.“Ulitin mo nga ‘yung sinabi mo?”

  • Billionaire's Love Beyond Misunderstanding   Chapter 58

    Samuel’s POV“Ano ’to, Sir Ben? Bakit kasama ang pangalan ko sa mga matatanggal?!”“Hindi ko kontrolado ang isang ’yan,” kalmadong sagot ko.“Alam na ba ng girlfriend mo na sa tuwing nasa ibang lugar ka ay si Miss Madeline ang kasama mo? Pareho lang tayong may tinatago rito, Sir Ben, kaya huwag kang magmalinis,” nag-aapoy ang mata sa galit na wika ni Lyka.Marahas na binuksan ni Lyka ang pinto ng opisina ko at bumungad sa amin si Althea. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Paniguradong narinig niya na lahat ng naging sagutan namin ng kaibigan niya.Humakbang ako para lapitan siya pero parang sinaksak ang puso ko nang makita siyang unti-unting humakbang palayo sa akin.Napakuyom ako ng kamao, gusto ko man siyang habulin pero hindi ko magawa. Nanaig sa akin ang konsensya na baka mas masaktan ko lang siya at paasahin, lalo na’t kinakailangan kong gumawa ng desisyon na para sa ikabubuti niya.I’m sorry, Althea, sana mapatawad mo pa ’ko.***Months passed, inako ko ang responsibili

  • Billionaire's Love Beyond Misunderstanding   Chapter 57

    Samuel’s POV“Is it possible for you to like me?” hindi ko alam kung bakit tinawanan niya lang ang tanong ko.But I’m serious, and I will prove it. ***“Noong nasa falls tayo, hindi ba may tinanong ka?” tanong niya, tumango ako, “bakit mo natanong ‘yon? Bakit gusto mong malaman kung possible na magustuhan kita?” tanong niya.“Kasi umaasa ako na hindi lang ako mag-isa ang makakaramdaman ng nararamdaman ko.”***“I asked you a question before we left your hometown, Althea.”Kinuha ko ang jewelry box na matagal ko nang gustong ibigay sa kanya.“If you already have an answer, wear this.”Hanggang sa isang araw, nakita ko na lang na suot niya ang bracelet na ibinigay ko.“Let’s build our own world, Althea,” pumatak ang mga luhang tanong ko. Ganito ba talaga kapag kaharap mo ‘yung taong mahal mo? Nagiging emosyonal ka na lang bigla habang sinasabi mo sa kanya kung gaano mo siya kamahal at habang tinatanong mo siya kung handa ba siyang maging bahagi ng mundo mo.Kinuha ko mula sa bulsa ang

  • Billionaire's Love Beyond Misunderstanding   Chapter 56

    Samuel’s POV“Ito po yung report na pinapagawa niyo,” wika ni Althea at ibinigay ang project na pinapagawa ko sa kanya.Bakit ang aga naman nito magpasa?“Bakit nagmamadali ka? I told you, you have until next week,” kunot-noong tanong ko.Ayokong tanggapin iyon dahil ang project na iyon na lang ang nagiging excuse ko para makita siya. Kaya nga pina-extend ko pa hanggang next week.“Para iyong engagement niyo na lang po ang mapagtuunan ko ng pansin.” Napabuntong-hininga ako nang marinig iyon.Mukhang gusto niya na rin akong iwasan kaya naman kinuha ko na iyon at walang salitang iniwan siya.***Malapit na ang araw ng proposal.Badtrip ako nitong mga nagdaang araw dahil palagi kong nakikita ‘yung kaibigan ni Althea na dikit nang dikit sa kanya. Nagseselos ba ako? Dumagdag din sa inis ko ang pag-iwas sa akin ni Althea. Hindi ako natutuwa dahil doon.Para matanggal ang inis, pumunta ako sa bar para mag-inom pero mukhang sumobra ata ang pag-inom ko dahil halos makatulog na ako rito sa bar.

  • Billionaire's Love Beyond Misunderstanding   Chapter 55

    Samuel’s POV“We would like to congratulate the soon-to-be Mr. & Mrs. Bennett.”Nagpalakpakan ang mga tao sa paligid.Ang babaeng nasa harap ko ay may malapad na ngiti sa labi.“Samuel, I can’t wait for our wedding. I’m so excited!”“Yeah, me too,” walang ganang sagot ko. “Let’s eat.”Abala ang lahat sa pagkain.“Excuse me, give me more wine, please,” utos ko sa waiter na dumaan sa harap ko.“You’re drinking too much.”“It’s just wine, Madeline.”Ilang minuto ang lumipas bago bumalik ang waiter kaya medyo nawala ako sa mood dahil sa paghihintay. Kaya nang bumalik siya, wala na akong sinabing anuman at hinayaan na lang siyang magsalin sa baso ko.Pero napaangat ako ng tingin nang makita kong may tumayo sa tabi ng waiter. Nakita ko ang nagtatakang mukha ni Madeline kaya napatingin ako sa tinitingnan niya. Nakita ko ang babaeng nakatayo sa tabi ng waiter na halatang nagulat din sa babaeng nasa tabi niya.Masama ang tingin sa akin ng babaeng iyon. Kinuha niya ang wine glass mula sa waiter

  • Billionaire's Love Beyond Misunderstanding   Chapter 54

    Isang taon na ang lumipas simula nang umalis ako sa BMC. Kinabukasan noong araw na iyon, umalis din ako sa condo ko at hindi ako nagsabi sa mga kaibigan ko kung nasaan ako. At ang alam naman nila ate ay nasa BMC pa rin ako.Pinili ko munang lumayo mula sa mga kaibigan ko kasi gusto kong magmukmok. Gusto kong namnamin ang sakit na nararamdaman ko hanggang sa totoong makalimutan ko na iyon.Andito ako ngayon sa bar, mag-isang umiinom. Pero kaunti na lang ang iniinom ko. Baka kasi mamaya, sa sobrang kakainom ko, mauna pa akong mawala kaysa sa maka-move on.“Tim?” takang tawag ko sa pigurang nakita ko sa isang lamesa.Anong ginagawa nito rito? Paano ito nakaabot dito?Halata ang pagkakaroon nito ng tama dahil halos natatapon na ang mga alak na sinasalin niya.Nilapitan ko ito at inagaw ang iniinom niya.“Tama na. Lasing ka na,” wika ko rito.Tingnan mo nga naman, dati siya ang pumipigil sa akin na uminom. Tapos ngayon, siya naman ang nasa ganitong sitwasyon.Tiningnan niya ako at pilit in

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status