Chapter: Chapter 36: DangerPagkarating ko sa bahay, umupo agad ako sa sofa at hinanap ang phone ko.Pumunta ako sa social media ni Limaire at nag-scroll. Andoon pa rin ang mga post na nakita ko noong nakaraan. Walang nabawas, nadagdagan lang.May mga picture na ng mga lugar na sa tingin ko ay pinuntahan niya, may mga picture din ng pagkain, at ilang stolen shot ni Liam. Napairap ako dahil doon.Mahinang inihagis ko ang phone sa sofa. What am I even doing? Paki ko ba sa kanila!Isinandal ko ang ulo sa sofa at pumikit. Pero pagkapikit ko, agad na nag-echo sa akin ang mga sinabi ni Raven kanina. ‘May ibang asawa si Mr. Sinclair.’ Ako ba ang tinutukoy niya?‘Napakilala niya na ‘yon sa board of directors niya.’ Malamang ako nga ako, ako lang naman ang pinakilala ni Liam sa mga board of directors niya… well, iyon ang pagkakaalam ko.Pero kung ako ang pinakilala niyang asawa, bakit walang nakakakilala sa akin? I mean, hindi naman sa pa-main cha
Last Updated: 2025-03-24
Chapter: Chapter 35: Wife“Ms. Hayes, puwedeng pabigay ng mga ‘to kay Ms. Lara?” sabi ni Raven habang nakataas ang isang kamay na may hawak na mga papeles, pero ang mata niya ay nanatili sa dokumentong binabasa at mukhang may binibilugan pa.Tumayo ako at lumapit.Nakarating ako na gano’n pa rin ang puwesto niya.Dahan-dahan kong inabot ang mga papeles mula sa kanya. Nang kukunin ko na 'yon sa mga kamay niya, hindi ko agad nakuha dahil humigpit ang hawak niya.Napatingin ako sa kanya—nasa binabasa pa rin ang atensyon niya. Basta talaga mga CEO, hindi maalis ang mata sa mga dokumentong binabasa nila.Napaangat siya ng tingin sa akin. Bahagya naman akong napataas ng kanang kilay at itinuro pa ang mga dokumentong hawak niya. Pero hindi niya tinapunan ng tingin ang mga iyon—nanatili sa mga mata ko ang tingin niya.Ibinaba niya ang mga dokumentong hawak.“Are we good?” bigla niyang tanong.Ang nakataas kong kanang kilay ay bigla kong naibaba, at napalitan ng kunot-noong ekspresyon.Napaisip ako sa ibig niyang sabih
Last Updated: 2025-03-20
Chapter: Chapter 34: Be StrongNapatingin ako sa sahig at pasimpleng pinunasan ang luha ko.Pag-angat ko ng tingin, inayos ko ang tindig ko at dahan-dahang naglakad papalapit kay Raven.Nakakunot ang noo niya. Nakita kong gusto niya akong lapitan pero nanatili na lang siya sa pwesto niya dahil papalapit na rin naman ako.“Mind to explain kung bakit mo sinampal ang ka-business partner ko?” agad niyang bungad pagkalapit ko. Bahagya pa rin ang pagkakunot ng noo niya, pero kasama na roon ang nagtatanong niyang ekspresyon.Nang hindi ako makasagot, marahan siyang napahawak sa magkabilang braso ko at napatingin sa buong pagkatao ko—mula ulo hanggang paa.Nawala ang pagkakunot ng noo niya at sumilay ang buong pag-aalala sa mukha niya.“May ginawa ba siyang hindi maganda sa’yo? Tell me, so that I can cancel our partnership right away,” handa na siyang makipag-away sa tono niya. At hindi lang pag-aalala ang nasa boses niya, parang may halong takot na baka t
Last Updated: 2025-03-18
Chapter: Chapter 33: AccusationPagbalik ko sa office ni Raven, andoon na siya. Nakatalikod at mukhang abala sa cellphone. Ilang segundo pa ang lumipas nang itapat niya iyon sa tenga niya. Bigla namang tumunog ang phone ko. Napatalikod si Raven, at ako naman ay agad na hinanap ang phone ko. Napakunot ang noo ko nang makita ang pangalan niya sa screen. Pag-angat ko ng tingin pabalik sa kanya ay eksaktong nasa harap ko na siya. Bago pa ako makareact ay naramdaman ko na ang katawan kong nakakulong sa bisig niya. Napakurap ako ng dalawang beses. “Sabi ni Ms. Lara, bumaba ka raw para kumuha ng kape. Kaya kinabahan agad ako nang makita kong may naiwan at natapong kape sa elevator,” sabi niya habang nakayakap pa rin sa akin. Ramdam ko ang kaba sa tono niya. Nakaramdam ako ng isa pang presensya sa likod ko. Kaya naman hinawakan ko si Raven sa braso at dahan-dahang inilayo siya sa akin. Nakita ko siyang may tinitingnan sa likod ko, kaya napatalikod na rin ako. Nakita ko si Liam—walang emosyon ang mukha. Bigla akong ki
Last Updated: 2025-03-14
Chapter: Chapter 32: VisitorNarinig ko ang doorbell kaya naglakad ako papunta sa pinto.Binuksan ko ‘yon at bumungad sa akin si Sol. May bitbit siyang paper bag.“Tita Solaire!” masiglang sigaw ni Liana mula sa likod ko. Hindi ko alam na sumunod na pala siya.“Hello, pretty girl,” yumuko si Sol para halikan ito sa pisngi.Nakangiti namang tinanggap ni Liana iyon bago niya hinalikan pabalik sa pisngi ang Tita Solaire niya. Pagkatapos ay tumakbo na ito pabalik sa loob para maglaro.Pumasok si Sol at sinara ang pinto, pagkatapos ay malapad ang ngiting hinarap ako. May dalang panunukso sa ngiting iyon, at sa tingin ko, alam ko na kung bakit.“So, tell me, kumusta pag-uusap niyo?” excited na tanong niya.Napaikot ang mata ko at tumalikod papalakad sa sala. Naramdaman ko naman ang pagsunod niya sa akin.“Hi, Lexie,” bati ni Sol kay Lexie sabay abot ng paper bag na dala. “Cupcakes,” simpleng sabi niya.“Dito ka na ba magdi-dinner?” tanong ko rito dahil pagabi na rin naman.“Yep,” sagot niya. “Pero maiba ako,” lumapit s
Last Updated: 2025-03-12
Chapter: Chapter 31: Confirmation"So, pumayag ka na talagang makipagkita kay Liam?" tanong ni Sol.Sabay kaming nag-lunch ngayon, may pinuntahan kasi siya malapit sa workplace ko.Tango lang ang sinagot ko sa kanya."Ready ka na ba?"Napaisip ako."Hindi."Nakita ko siyang napailing habang nakangiti."Kung maghihintay ako hanggang sa maging ready ako, baka hindi na kami makapag-usap. Kasi pakiramdam ko, never na ata akong magiging handa na harapin siya."Napatango naman si Sol."Pero saan ka makikipagkita? Ready ka na bang ipaalam na andito kayo?""Hindi ko alam. Plano ko sa Indonesia na lang, mas malapit sa aming dalawa. At para hindi niya madaling malaman na nasa Australia kami.""Paano kung may mangyari sa inyo doon at magkabati kayo? Uuwi na ulit kayo ng Pilipinas?" may panunukso sa tono niya.Inirapan ko siya dahil sa tanong niya. Pero sa totoo lang, wala sa isip ko na magbabati kami ni Liam. Hindi ko rin alam kung anong mangyayari kung sakali ngang m
Last Updated: 2025-03-10
Chapter: EpilogueThird Person POV“Daddy,” wika ng tatlong taong gulang na batang lalaki habang tumatakbo papalapit kay Samuel na kasalukuyang nakatayo sa dalampasigan at nakatingin sa tahimik na dagat habang may hawak na isang piraso ng papel.Yumakap ang bata sa hita niya kaya napunta roon ang atensyon niya. Malapad siyang ngumiti rito at kinarga ito. Pinatakan niya ito ng magkakasunod na halik sa pisngi, dahilan para mahina itong mapatawa.“Tanner, go take a bath now,” wika ng mommy nito.Napasimangot ang bata.“But I want to play with daddy, mommy,” nagtatampong wika nito habang nakanguso.“Listen to your mommy, baby,” malambing na wika ni Samuel at mahinang pinisil ito sa pisngi.Napasimangot ang bata ngunit walang nagawa kundi sumunod na lamang.Kinuha ito ng yaya niya at dinala sa loob ng mansion.“You should let him stay a little, Madeline,” pabirong wika ni Samuel.“I wanted
Last Updated: 2024-11-18
Chapter: Final Chapter“Anak, sumama ka na sa akin sa New Zealand,” nag-aalala ang tono na wika ni papa. Alam niya na rin kasi ang tungkol sa amin ni Samuel. “Magsimula tayo don ulit. Magsimula ka ron ulit,” dagdag niya. “P-pag-iisipan ko po.” ***Nakasandal ako sa sofa at nakatingala sa kisame. Ipinikit ko ang mga mata ko at isa-isang inalala ang lahat ng alaala na meron ako kasama si Samuel. Napangiti ako nang maalala ang katangahan ko noon, noong nagpadala ako sa emosyon ko at basta-basta siyang sinugod. Ang laki din pala ng pinagbago ko, hindi na ako iyong Althea na palaging napapahamak dahil sa mga desisyon kong hindi ko basta-basta pinag-iisipan. Napabuntong-hininga ako at naisip ang offer ni Dad. Pinakiramdaman ko ang puso ko—kung ano ang mas matimbang: ang manatili rito at umasa, o ayusin ang sarili ko sa New Zealand at tanggapin ang katotohanan. Napadilat ako nang makarinig ng doorbell. Napakunot ang noo ko at napatingin sa oras, nakita kong 10 PM na. Napatayo ako nang maisip na baka siya ang
Last Updated: 2024-11-17
Chapter: Chapter 60“Nagdagdag na naman si Mr. Lee ng abogado,” natatawang wika ni Enzo. “Hindi niya na kasi masuhulan ang mga judge na humahawak sa kaso niya.”“Kahit kunin niya pa lahat ng abogado sa mundo, hindi na mananalo ‘yan.”Kumalat na sa buong bansa ang tungkol sa malaking iskandalo na ‘to na kinakasangkutan ni Mr. Lee. Kaya marami nang mga whistleblower ang kusang lumabas at nagsabi ng mga nalalaman nila. Kaya dumami din ang mga ebidensya na hawak namin laban sa mga illegal na gawain niya. At makalipas ang ilang buwan, sa wakas ay malalaman na namin bukas ang magiging desisyon sa kaso ni Mr. Lee.“Matatapos na bukas ang mga kasamaan niya,” wika ko at napatingin na lang sa labas ng café kung nasaan kami.Humihina na ang koneksyon ni Mr. Lee, dahil na rin sa isa-isa nang nagsisialisan ang mga taong tumutulong sa kanya noon.“Finally, bukas, pwede ko na makita ang anak ko,” excited na wika ni Tim.Masaya ako para sa kanya. Dalawang buwan na kasi ang nakalipas noong nakauwi si Madeline at ang anak
Last Updated: 2024-11-13
Chapter: Chapter 59Althea’s POVLahat ng ginawa ko, ginawa ko ‘yon para sa’yo. Napilitan lang ako, Althea. Hindi ko naman talaga mahal si Madeline. Ginawa ko lang ‘yon para protektahan ka kay Mr. Lee kasi alam niyang ikaw ang sumira sa wedding engagement namin. At ‘yung kasal namin, hindi ‘yon totoo.”Kumirot ang puso ko sa sinabi niya, pero unti-unti rin naglaho iyon nang maalala ko ang mga kasinungalingang ginawa niya. Paano ako makakasiguro na nagbago na siya?Gusto kong maniwala sa kanya, pero may bahagi sa akin na ayaw ulit masaktan. Gusto kong umalis na lang at huwag siyang paniwalaan, pero alam kong matagal siyang hinanap ng puso ko. Saan ko ilulugar ‘tong nararamdaman ko? Okay na ko, hindi pa totally, pero kinakaya ko na… kaya… hindi ko naiintindihan bakit ko pa kailangan malaman ang totoo?Pero… katotohanan nga ba ang sinasabi niya?Lumapit sa akin si Enzo, hinawakan niya ako sa braso. Sumunod sa kanya si Tim na agad naman pumunta kay Samuel at kinuwelyuhan ito.“Ulitin mo nga ‘yung sinabi mo?”
Last Updated: 2024-11-11
Chapter: Chapter 58Samuel’s POV“Ano ’to, Sir Ben? Bakit kasama ang pangalan ko sa mga matatanggal?!”“Hindi ko kontrolado ang isang ’yan,” kalmadong sagot ko.“Alam na ba ng girlfriend mo na sa tuwing nasa ibang lugar ka ay si Miss Madeline ang kasama mo? Pareho lang tayong may tinatago rito, Sir Ben, kaya huwag kang magmalinis,” nag-aapoy ang mata sa galit na wika ni Lyka.Marahas na binuksan ni Lyka ang pinto ng opisina ko at bumungad sa amin si Althea. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Paniguradong narinig niya na lahat ng naging sagutan namin ng kaibigan niya.Humakbang ako para lapitan siya pero parang sinaksak ang puso ko nang makita siyang unti-unting humakbang palayo sa akin.Napakuyom ako ng kamao, gusto ko man siyang habulin pero hindi ko magawa. Nanaig sa akin ang konsensya na baka mas masaktan ko lang siya at paasahin, lalo na’t kinakailangan kong gumawa ng desisyon na para sa ikabubuti niya.I’m sorry, Althea, sana mapatawad mo pa ’ko.***Months passed, inako ko ang responsibili
Last Updated: 2024-11-10
Chapter: Chapter 57Samuel’s POV“Is it possible for you to like me?” hindi ko alam kung bakit tinawanan niya lang ang tanong ko.But I’m serious, and I will prove it. ***“Noong nasa falls tayo, hindi ba may tinanong ka?” tanong niya, tumango ako, “bakit mo natanong ‘yon? Bakit gusto mong malaman kung possible na magustuhan kita?” tanong niya.“Kasi umaasa ako na hindi lang ako mag-isa ang makakaramdaman ng nararamdaman ko.”***“I asked you a question before we left your hometown, Althea.”Kinuha ko ang jewelry box na matagal ko nang gustong ibigay sa kanya.“If you already have an answer, wear this.”Hanggang sa isang araw, nakita ko na lang na suot niya ang bracelet na ibinigay ko.“Let’s build our own world, Althea,” pumatak ang mga luhang tanong ko. Ganito ba talaga kapag kaharap mo ‘yung taong mahal mo? Nagiging emosyonal ka na lang bigla habang sinasabi mo sa kanya kung gaano mo siya kamahal at habang tinatanong mo siya kung handa ba siyang maging bahagi ng mundo mo.Kinuha ko mula sa bulsa ang
Last Updated: 2024-11-07