Hindi pa handa si Amelia na bumuo ng pamilya. Kaya nang pilitin siyang ipakasal sa matandang kaibigan ng kanyang ama bilang pambayad ng utang, wala siyang ibang pagpipilian kundi tumakas. Ngunit sa kanyang pagtakas, aksidente niyang naka-one-night stand ang bilyonaryong si Liam—isang lalaking matagal nang naghahanap ng perpektong asawa upang bumuo ng sariling pamilya. Paano kung ang isang gabing iyon ay nagbunga—at kambal pa? Ang sanang pagtakas ay nauwi sa isang malaking responsibilidad. Haharapin niya ba ang responsibilidad na bumuo ng sariling pamilya, o tatakas ulit?
View More“Pero hindi pa ako handa,” naramdaman ko ang unti-unting pagluwag ng mga kamay niya sa akin.Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin.“What do you mean, Amelia?” bagsak ang mukha nito, at nakikita ko ang naghahalong lungkot at nagtatanong na mga mata niya.Nagsimula na ring magtubig ang mga mata nito. Ako naman ay tila nagsimula nang mataranta nang may isang luhang kumawala roon.Parang may pumiga sa puso ko. Dali-dali kong pinunasan ang mga luha niya.“Calm down,” malumanay na sabi ko at hinawakan ang kamay nito.Tiningnan ko ito sa mata at tipid na nginitian.“Pakakasalan naman kita… huwag lang muna ngayon,” sabi ko, at bahagyang nabawasan naman ang lungkot sa mga mata niya, bahagya pa itong napatango. “Maybe next year o sa mga susunod.”Napangiti na ito.“Naiintindihan ko. Handa akong maghintay. Ang mahalaga, sigurado ka na pakasalan ako.”Naging maaliwal
“Where do you want to go next?” tanong ni Raven sa kambal.Napahawak naman si Koa sa chin na para bang nag-iisip. Nagpalinga-linga na rin ito sa paligid.Namilog ang mga mata nito sa excitement nang may makita.“There,” masiglang sabi niya habang may tinuturo.Napatingin kami roon at nakita namin ang isang malaking giant trampoline kung saan may mga batang nagsisigaw sa tuwa habang tumatalon.Kukunin na sana ni Raven ang kamay ko nang bigla siyang hilahin ng dalawa papalayo.“Susunod ako,” sabi ko na lang, at pareho kaming natawa dahil sa pagiging excited ng dalawa.Tiningnan ko sila hanggang sa unti-unti silang lumayo sa paningin ko.Napatingin ako sa likod ni Raven.Naalala ko bigla ang nangyari kagabi.Flashback“What the hell is he doing?!” sabi ko sa sarili ko nang makita kong muli na susuntukin ni Liam si Raven.Gustohin ko man na sumigaw para pigilan sila, wala pa ring saysay dahil sa layo nila sa pwesto ko, idagdag pa ang maingay na musika.Dali-dali akong bumaba ng hagdan na
Wala ‘to sa plano. Ang akala ko ay yayayain niya pa lang ako maging girlfriend. Pero bakit biglang napunta kami sa kasalan?Ramdam ko ang mga matang nakatingin sa akin, naghihintay ng sagot, naghihintay ng magandang balita. Biglang bumigat ang pakiramdam ko dahil sa pressure na nararamdaman ko. Parang gusto ko na lang mahilo at himatayin. Or magpanggap na lang kaya akong mahihimatay? Gosh!Anong gagawin ko? Hindi ko kayang ipahiya si Raven sa harap ng mga kakilala niyang may malaking respeto sa kanya.Bukod sa tingin ng mga taong andito, may isang matang nararamdaman kong mainit at tumatagos ang tingin sa akin.Pasimple kong tinapunan ng tingin ang taong iyon—si Liam. Binibigyan niya ako ng madilim na tingin, at parang ang mga mata niya ay nagsasabing huwag akong pumayag. Kasabay no’n ay ang pagkakita ko kung paano ipulupot ni Limaire ang mga kamay nito sa braso niya, may mapanuksong tingin pa ito sa akin.Naghahalo ang emosyon sa puso ko k
Gusto kong sumimangot habang nakikita ang dami ng taong invited sa party ni Raven. Iniisip ko pa lang na kailangan kong makisalamuha sa kanila mamaya, napapagod na ako.Sa garden ng mansion niya ginanap ang birthday niya ngayon.Mahilig ako sa mga ganitong party noon at nakikipag-socialize ako, pero ewan ko ba, sa paglipas ng panahon, ayoko na talagang makipag-socialize—lalo na noong ma-bankrupt ang pamilya namin at nakita ko kung gaano kaplastik ang mga taong nasa paligid ko.May dumaan na naman sa harap ko at nginitian ako kaya napilitan na rin akong ngumiti.Nakatayo lang ako rito sa cocktail table habang hinihintay magsimula ang party. Si Raven naman ay nasa loob pa at inaayusan. Wala rin naman akong maitutulong kaya naisipan ko na dito na lang maghintay. At saka baka mamaya andon pa ang parents niya—nahihiya pa ako.“Drink, Miss?” alok ng waiter na may bitbit na wine.“Thank you,” sabi ko at tinanggap ang isang baso ng wine na binigay niya.Walang pagdadalawang-isip ko iyong agad
“Daddy,” sigaw ni Koa, at mula sa kusina ay nakita ko ang nakangiting mukha nito habang tumatakbo papunta sa pintong kakabukas lang.Sinalubong siya ni Raven na may malapad na ngiti sa labi. Dala rin nito ang soccer ball na ilang araw nang pinapabili ni Koa rito.“I have your soccer ball, little boy,” nakangiting sabi niya kay Koa at iniabot dito ang bola.Masayang pinagmasdan iyon ni Koa at nakangiting niyakap si Raven.“Daddy!” masayang sigaw naman ni Liana na kakalabas lang ng kwarto. Agad itong dumiretso kay Raven.May inabot naman si Raven mula sa paper bag na bitbit niya. May inilabas siyang barbie doll.“I have something for you too, my little princess.”Katulad ni Koa, masaya rin iyong tinanggap ni Liana habang kumikinang ang mga mata.“Thank you, Daddy!” sabi niya at hinalikan ito sa pisngi.Tumakbo na ang dalawa sa sala para maglaro, at naiwan kami ni Raven na nakatayo
Diretso lang akong nakatingin sa daan buong biyahe. Hangga’t maaari, hindi rin ako gumagalaw. Sinusubukan kong maging invisible. Pero kahit na wala akong imik at emosyon na pinapakita, sa totoo lang ay naiinis ako sa sarili ko at hinayaan kong maisakay ako ng lalaking ‘to sa sasakyan niya! Mabuti pa ata nagpahatid na lang ako kay Raven! Pero hindi rin pwede, busy ‘yung tao. “Nakakainis!” sigaw ko, na dapat ay sa isip ko lang sana kaso mukhang malakas kong nasabi dahil sa mabilis na paglingon ni Liam sa akin. “Are you crazy?” mapanghusga ang tono niya. Hindi ko siya pinansin, sa halip ay pinag-cross ko pa ang arms ko at sinandal ang mukha sa bintana. Hindi na rin naman siya umimik. Mabuti naman. Habang papalapit kami, iniisip ko kung saan ko siya ililigaw para hindi niya makita ang mga bata. Wala naman akong planong ipagkait ang dalawa sa kanya, basta huwag lang talaga muna ngayon na hindi namin napag-usapan ang nangyari sa amin—na mukhang hindi ko rin alam kung magagawa pa ba n
Amelia’s POVDahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko, at ang liwanag ang sumalubong sa akin, dahilan para mapapikit ako. Pero bukod sa liwanag, sumalubong din sa akin ang sakit ng katawan na unti-unti ko nang nararamdaman.Nang makapag-adjust, napatitig ako sa puting kisame. Napansin ko rin ang tunog na naririnig ko—parang heart monitor.Nasa ospital ba ako? Napatingin ako sa kanan ko kung saan nagmumula ang tunog na iyon. Tama nga ako, nasa ospital ako.Nadako naman ang tingin ko sa kamay ko—may IV drip doon. Bakit ako nandito?Napatingin ako sa kaliwa ko nang may napansing gumalaw doon.Si Raven.Nasa upuan siya, nakasandal ang ulo na inihilig niya pakaliwa. May libro rin siyang nasa kandungan. Mababakas ang pagod sa mukha niya.Bakit siya nandito?Pinilit kong alalahanin kung anong nangyari, pero walang pumapasok na alaala sa utak ko.Napahawak ako sa ulo, malapit sa noo, at napaaray. May nakapa rin akong ban
Limaire’s POV“Look who’s calling? Your wife.” Nakangising itinaas ko ang phone ni Liam.Agad niya iyong hinablot habang magkasampok ang mga kilay.“Loudspeaker,” I mouthed.Masama ang tingin niya pero agad naman iyong sinunod.“What?” bungad niya sa asawa. Wala siyang nagawa kung hindi gawing galit ang tono dahil narito ako.“Liam…” Nanginginig at halata ang takot sa boses ni Amelia.Bigla namang napatayo si Liam at sumilay ang pag-aalala sa mukha.Napacross ako ng arms habang nakangisi. Ang saya makita ng reaction niya.Naghintay ako ng susunod na mangyayari, pero wala na kaming narinig kundi tunog ng motor na lamang.Binaba ni Liam ang tawag at akmang aalis na nang hawakan ko ito sa braso. Masama itong napatingin sa akin.Nakangisi akong nakatingin sa kanya habang bahagyang iniling ang ulo para sabihan siyang ‘no.’“Kapag may nan
Pagkarating ko sa bahay, umupo agad ako sa sofa at hinanap ang phone ko.Pumunta ako sa social media ni Limaire at nag-scroll. Andoon pa rin ang mga post na nakita ko noong nakaraan. Walang nabawas, nadagdagan lang.May mga picture na ng mga lugar na sa tingin ko ay pinuntahan niya, may mga picture din ng pagkain, at ilang stolen shot ni Liam. Napairap ako dahil doon.Mahinang inihagis ko ang phone sa sofa. What am I even doing? Paki ko ba sa kanila!Isinandal ko ang ulo sa sofa at pumikit. Pero pagkapikit ko, agad na nag-echo sa akin ang mga sinabi ni Raven kanina. ‘May ibang asawa si Mr. Sinclair.’ Ako ba ang tinutukoy niya?‘Napakilala niya na ‘yon sa board of directors niya.’ Malamang ako nga ako, ako lang naman ang pinakilala ni Liam sa mga board of directors niya… well, iyon ang pagkakaalam ko.Pero kung ako ang pinakilala niyang asawa, bakit walang nakakakilala sa akin? I mean, hindi naman sa pa-main cha
“Amelia, kapag naubos ang yaman ng pamilya niyo, ikaw talaga ang unang iiyak,” panenermon ni Solaire sa akin. Kakatapos lang naming mamili ng mga damit sa isang sikat at mamahaling store, at nandito na naman kami sa isa pa. Ni hindi na nga siya magkandaugaga sa anim na malalaking paper bags na pinamili ko. Inirapan ko lang siya. “I’m sorry, ma’am, but do you have another card?” tanong ng cashier at binalik muli ang card ko. Marahas kong kinuha iyon mula sa kanya at inis na naghanap ng bagong card sa wallet ko. “I’m sorry, ma’am,” naiiling-iling na sabi ng cashier at ibinalik ulit ang card sa akin. “What?” naiirita kong tugon. Tinapunan ko ng tingin si Sol at nakita kong napapailing itong nakatingin sa akin. “It must be an error. Baka may system maintenance lang ‘yung mga bank,” tamad kong sabi, “you have cash?” tanong ko na ikinatawa niya nang mahina. Binigyan ko siya ng tingin na nagtatanong. Napailing ito. “Lia, 156,ooo ang bill mo. Sinong magdadala ng ganyang kalaking cash...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments