“What is the meaning of this, Liam?” tanong ko sa kanya sa kabilang linya. Hindi ako mapakali na hindi malaman kung bakit niya sa akin pinadala ang mga ito. “It sucks to make something for your family who did nothing but lie to you,” malamig niyang sagot. “Ang kapal ng mukha nila para lokohin ako. Kaya pala ang dali para sa kanila na ipagawa sa akin ‘to! Argh! I hate them!” ginulo-gulo ko ang buhok sa galit. “What should I do?” problemadong tanong ko habang nakatingin sa bintana kung saan kita ang mga nakakalat na security guard ni Dad sa labas. How can they even afford to hire those men? Unless pakana 'yan ng matandang bilyonaryo na ‘yon! “It’s not my problem, Amelia.” Ramdam ko ang kawalan niya ng pakialam. “What?! Ikaw ang nagbigay ng mga ‘to sa akin tapos sasabihin mo na it’s not your problem?!” “The truth will set you free,” walang paki niyang sabi. “Curse you!” sigaw ko sa kanya. “Tutulungan mo ba ako o hindi?!” “Papunta na d'yan ang mga tauhan ko. Tutulungan ka ng kasam
“Where’s Liam?” tanong ko sa kasambahay na nakasalubong ko. “Nasa labas pa po si Sir, nagjo-jogging po,” nakangiting sagot niya. Uso sa mga tao rito ang tumango at ngumiti, and it annoys me. Ang hirap nilang sungitan. Magmumukha lang akong masama. Dumiretso ako sa lamesa. Ang daming pagkain na nakahanda. Ganito ba talaga sila maghanda? Lalo na kung si Liam lang naman mag-isa rito. At kahit dalawa pa kami, sobra-sobra pa rin 'to. “You’re awake,” sabi ni Liam na kakapasok lang at nagpupunas ng pawis. Naka-black na short siya at puting sando. “You can eat. Magsho-shower lang muna ako,” sabi niya. “I’ll wait for you. I’m not hungry yet.” Napatingin siya sa'kin. Mukhang tinitingnan niya kung nagsasabi ako ng totoo. “Okay,” sagot niya at umalis. Nagising lang talaga ako ng maaga para maglibot dito sa mansion niya. “Miss Lia, may garden po si Sir Liam. Baka po doon niyo muna gustong magpahinga,” nakangiting sabi ng kasambahay niya. Tinanguan ko lang ito. Pagkatapos ay sumunod ako s
“May mas ibabagal ka pa ba diyan?” naka-cross ang braso na tanong ni Liam habang nakasandal sa pinto ng kotse niya. “Of course. Gaano ba kabagal ang gusto mo?” pamimilosopo ko. Napailing na lang siya at nauna nang pumasok. I swear, matira-matibay na lang talaga 'to kung sino ang mauuna sa amin na sumuko sa isa’t isa. Pagkasakay ko, agad na ring umandar ang kotse niya. "I’ll work until 3 PM only. I still have to go shopping,” sabi ko. Napatingin siya sa akin, at sa tingin pa lang niya ay mukhang pagod na siya sa narinig. “May I remind you na ako ang boss rito, kaya hindi ka pwedeng basta-basta magdesisyon para sa sarili mo. And it’s you who insisted on working.” “But my favorite brand will release a limited edition of the dress that I want!” Muli siyang umayos ng upo. “No,” malamig na sabi niya. Argh! Padabog kong inayos ang upo ko. Hindi ko siya pinansin buong biyahe. Pagkarating namin sa company niya, nauna akong bumaba. Nauna rin ako sa elevator at isinara iyon bago pa siy
Dali-dali akong pumasok sa kwarto ko at isinara ang pinto, pagkatapos ay sumandal doon at napabuntong-hininga. What was that? Pinagtitripan niya ba ako? Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa bilis ng pagtibok nito. What is happening? Bakit ganito ako magreak? Calm down, Lia. Pinaglalaruan ka lang ng lalaking iyon! I need to sleep. ***Paggising ko kinabukasan ay agad akong bumaba dahil sa gutom. Dumiretso ako sa main kitchen. Doon ay nakita ko si Liam na nakasuot ng puting apron habang nagluluto. Nakaamoy ako ng bacon. Pero may nakita rin akong mga pancake sa countertop na nandoon. Humarap siya bitbit ang pan, at inilipat ang mga bacon na niluto niya sa plato na nasa countertop. Naramdaman niya siguro ang presensya ko kaya napatingin siya sa direksyon ko. “Good morning,” bati niya at nginitian pa ako. I looked away at napalunok pa. It was the first time I saw him smile like that. Tumikhim ako at inayos ang sarili bago naglakad papunta sa kanya at batiin siya pabalik. “Good mo
"Make sure na makakapagpahinga pa siya nang maayos ngayon." Isang pamilyar na boses ang narinig ko. Sinubukan kong idilat ang mga mata ko, pero sobrang bigat nito. Pero kahit ganon, sinubukan ko pa rin itong idilat hanggang sa makita ko si Liam, at sa harapan niya ay ang doktor na nagpapainit sa ulo ko noon pa. Pagtama ng mga mata namin, agad ko siyang inirapan. Natawa naman ito. "Looks like she's okay," sabi niya. Nilapitan ako ni Liam at inalalayan akong maupo. "What are you doing here?" masungit kong tanong sa doktor na 'yon. "Saving your life?" "Ang oa mo, nahimatay lang naman ako," sagot ko. "Then, saving your twins?" Hindi ko na siya pinansin. "What happened to my parents?" tanong ko kay Liam. "They escaped. Pero pinapahanap ko na sila," sagot niya. "You can take a rest. Ipagpatuloy mo ang pagpapahinga mo hanggang bukas," sabi ng doktor. Tiningnan ko ang oras at 11:55 PM na pala. Dahil pagod pa ang katawan ko, hindi na ako nakipagtalo. Kaya humiga ulit ako at pagpi
“Kanino ‘yan?” tanong ko sa kasambahay na nakasalubong ko. It’s 5 AM, and naisip ko na mag-walking, pero nakasalubong ko siya na may bitbit na coffee, and I think it’s for Liam dahil papunta siya sa office nito. “Para po kay Sir Liam.” “Give it to me. I’ll bring it to him.” Nakangiti akong naglakad papunta sa office niya. Maingat kong hinawakan ang kape niya, pero hindi ko maiwasan na mas mapangiti sa tuwing nakikita ko sa ring finger ko ang isa sa mga kumikinang na diamond ring na galing sa kanya. But why am I smiling?! Kinikilig ba ako? No way! Baka sa singsing oo, pero kay Liam, hindi! He has a glass door in his office kaya I was able to see through inside. I noticed that he’s not in his office—maybe he went outside for a while—so I slowly went inside para ilapag ang kape niya. Lumapit ako sa lamesa niya, and I noticed that his computer is on. Napakagat ako sa labi, contemplating kung sisilipin ko ba ‘yon cause I’m really curious kung anong ginagawa ng mga billionaire na katul
I was frowning while choosing what to wear. “Argh!” I had enough, I am so pissed. Pang-ilang dress ko na ‘tong sinukat pero kita pa rin ang laki ng tiyan. I removed it and stared at the dresses in my bed. I pouted habang kinukuha iyong last option ko, a white dress na hindi hapit sa katawan ko! Argh! I want something na fitted pa naman para lumabas ang pagiging sexy ko pero mukhang imposible na ‘yon ngayon na lumalaki na ang tiyan ko. Wala akong nagawa kung hindi suotin itong dress na medyo maluwag sa akin. Pagbaba ko sa living room ay nakita ko si Liam na nagkakape habang may hawak na newspaper. People nowadays still read newspapers? Especially a billionaire like Liam? I’m amazed. I sat down near him. Hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin, as if my appearance doesn’t have any impact on him. “How old are you?” I curiously asked when I suddenly remembered that I don’t know his age. He just gave me a quick glance and bumalik sa binabasa. I was about to kick him when he sai
We had dinner together sa isang Michelin Star restaurant na pag-aari ng kaibigan ni Liam. He knew about our wedding; it spread like wildfire, kaya tumawag agad ang parents ko right after the wedding nang malaman nilang pinakasalan ko si Liam. Of course, they were mad—very, very mad—but I didn’t care. At least now they know I’m married, and they can’t force me to marry that old man.“Congrats,” wika ng isang katabi ko.I rolled my eyes at her, and I heard her laugh. Kaya nilingon ko siya at tinaasan ng kilay.Inilapag niya ang utensils niya at nakangising humarap sa akin. Bahagya niya pang ipinihit ang katawan paharap sa akin, ang isang kamay niya ay nakatungtong sa upuan.“Come on, I didn’t do anything to you, but I’m very much willing to forgive you if you say sorry,” nakangising wika niya.Ipinihit ko ang katawan paharap sa kanya. I also smirked and itinungtong ang kamay ko sa upuan.&l
“Kumusta flight niyo? Nakapagpahinga ka na ba?” tanong ni Raven. Naka-video call kami. Nakarating na kami ng Australia, habang siya ay nasa business trip pa rin.“Nagpapahinga na sila. Nagpapahangin naman ako rito saglit sa veranda,” sabi ko at ngumiti.Dito kami sa mansion niya dumiretso. Dito niya kami gustong mag-stay muna habang wala pa siya para samahan kami sa apartment. Kaya naman namin na kami lang, kaso hindi raw siya mapapanatag, nasanay na kasi siya na palaging andiyan para sa amin.“Nagpapahinga ka na rin dapat,” sabi niya.“Ikaw ba, nakakapagpahinga ka ba nang maayos diyan? Kumain ka rin sa oras ha, baka mamaya nalilipasan ka na,” pagpapaalala ko.Totoo ang pag-aalala kong iyon. Kahit paano concern din naman ako sa kanya.Nag-salute ito na parang sundalo at inalis din agad.Lumapad ang ngiti niya.“Asahan mo na kapag tumatawag ako, nagpapahinga na ‘ko. Ikaw kasi ang pahinga ko.”Gusto ko siyang tawanan, kasi akala ko biro lang ang mga iyon, pero hindi—natakot ako at nagu
“What’s wrong with you?”Naramdaman ko ang likod ng palad ni Liam sa noo ko.Tamad akong napatingin dito.Nakaupo ako sa bench sa garden habang nakatayo naman siya sa harapan ko at walang emosyong tiningnan ako.“You don’t have a fever,” sabi niya at nagsimula nang kumunot ang noo.Inalis niya na ang kamay sa noo ko at inilagay ang mga iyon sa bulsa. “Hangover?” tanong niya habang papaupo.Anong hangover, nawala nga ang tama ko kagabi dahil sa mga nalaman ko. Kaya wala rin akong ganang makipag-away o sungitan siya ngayon kasi napuyat ako kakaisip at kakaresearch tungkol kay Raven. Pero hirap akong makahanap ng article about him.Napapikit ako to clear my mind again. Ganyan din naman ako kay Liam dati, wala ako masyadong mahanap na article about him. Siguro ganyan nga talaga kapag mayayaman at private ang buhay. Kaya mukhang wala akong dapat ipag-alala.Pero napamulat agad ako nang maisip na nagawa nga ni Liam magloko. Tss.Nilingon ko ito at masamang tiningnan.“Why are you looking at
“I will attend our high school reunion later. Medyo malayo ’yon rito kaya iiwan ko na muna sa’yo ang mga bata,” sabi ko kay Liam.Nasa dining table kami at kumakain ng breakfast. Abala siya sa pagpapakain sa dalawa.“Okay,” simpleng sagot niya.Tiningnan ko lang ito. Tapos na siyang subuan si Koa at ngayon ay inihahanda na niya ang isusubo kay Liana.“My gosh, Liam. Malalaki na ang mga anak mo. They can eat on their own,” sabi ko at napairap.Hindi pa niya nagagalaw ang pagkain niya dahil sa pagpo-focus sa mga bata.“Mommy, you feed daddy,” sabi ni Koa.Napalunok ako. Nagkatinginan kami ni Liam.Nakangiting binuksan nito ang bibig at parang batang naghihintay na masubuan.Nakatingin sa akin ang kambal kaya napilitan akong ngumiti at kunin ang kutsara sa harapan ko.Kumuha ako ng maraming kanin at napakaliit na slice ng bacon. Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Liam.Napaangat ang labi ko at may nang-aasar na matang tiningnan ito. Pasalamat ka nga at binigyan pa kita ng ulam.“Open your
Namilog ang mata ko. Para akong nilagnat bigla—mainit ang pisngi, at malamig ang palad. Mukhang ako pa ’yung nasurpresa sa surprise na sinabi ko sa kambal kanina.Alam kong hindi naririnig ni Liam ang kambal dahil sa AirPods na suot niya, pero hindi ko na rin naman pwedeng sundan at pigilan ang dalawa dahil harapan na nila mismong nakita ang daddy nila. Kaya naman nanatili na lang ako sa pwesto ko at naghintay sa paghaharap nila.Naghalo ang kaba, lungkot, at kirot. Sino ba naman ang hindi masasaktan kung makita mong magkakasamang muli ang mag-aama mo.Mukhang napansin ni Liam sa peripheral vision niya na may tumatakbo papalapit sa kanya, kaya kunot-noo itong napalingon. Pero nang makita ang kambal, unti-unting kumalma ang ekspresyon sa mukha nito, at sandaling nagkaroon roon ng tila pangamba—marahil ay nagtaka siya bakit andoon ang dalawa. Napatingin ito agad sa paligid, na parang may hinahanap—hanggang sa magtama ang mga mata namin.Parang nagtatanong ang mga mata niya—tanging tipid
“Pero hindi pa ako handa,” naramdaman ko ang unti-unting pagluwag ng mga kamay niya sa akin.Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin.“What do you mean, Amelia?” bagsak ang mukha nito, at nakikita ko ang naghahalong lungkot at nagtatanong na mga mata niya.Nagsimula na ring magtubig ang mga mata nito. Ako naman ay tila nagsimula nang mataranta nang may isang luhang kumawala roon.Parang may pumiga sa puso ko. Dali-dali kong pinunasan ang mga luha niya.“Calm down,” malumanay na sabi ko at hinawakan ang kamay nito.Tiningnan ko ito sa mata at tipid na nginitian.“Pakakasalan naman kita… huwag lang muna ngayon,” sabi ko, at bahagyang nabawasan naman ang lungkot sa mga mata niya, bahagya pa itong napatango. “Maybe next year o sa mga susunod.”Napangiti na ito.“Naiintindihan ko. Handa akong maghintay. Ang mahalaga, sigurado ka na pakasalan ako.”Naging maaliwal
“Where do you want to go next?” tanong ni Raven sa kambal.Napahawak naman si Koa sa chin na para bang nag-iisip. Nagpalinga-linga na rin ito sa paligid.Namilog ang mga mata nito sa excitement nang may makita.“There,” masiglang sabi niya habang may tinuturo.Napatingin kami roon at nakita namin ang isang malaking giant trampoline kung saan may mga batang nagsisigaw sa tuwa habang tumatalon.Kukunin na sana ni Raven ang kamay ko nang bigla siyang hilahin ng dalawa papalayo.“Susunod ako,” sabi ko na lang, at pareho kaming natawa dahil sa pagiging excited ng dalawa.Tiningnan ko sila hanggang sa unti-unti silang lumayo sa paningin ko.Napatingin ako sa likod ni Raven.Naalala ko bigla ang nangyari kagabi.Flashback“What the hell is he doing?!” sabi ko sa sarili ko nang makita kong muli na susuntukin ni Liam si Raven.Gustohin ko man na sumigaw para pigilan sila, wala pa ring saysay dahil sa layo nila sa pwesto ko, idagdag pa ang maingay na musika.Dali-dali akong bumaba ng hagdan na
Wala ‘to sa plano. Ang akala ko ay yayayain niya pa lang ako maging girlfriend. Pero bakit biglang napunta kami sa kasalan?Ramdam ko ang mga matang nakatingin sa akin, naghihintay ng sagot, naghihintay ng magandang balita. Biglang bumigat ang pakiramdam ko dahil sa pressure na nararamdaman ko. Parang gusto ko na lang mahilo at himatayin. Or magpanggap na lang kaya akong mahihimatay? Gosh!Anong gagawin ko? Hindi ko kayang ipahiya si Raven sa harap ng mga kakilala niyang may malaking respeto sa kanya.Bukod sa tingin ng mga taong andito, may isang matang nararamdaman kong mainit at tumatagos ang tingin sa akin.Pasimple kong tinapunan ng tingin ang taong iyon—si Liam. Binibigyan niya ako ng madilim na tingin, at parang ang mga mata niya ay nagsasabing huwag akong pumayag. Kasabay no’n ay ang pagkakita ko kung paano ipulupot ni Limaire ang mga kamay nito sa braso niya, may mapanuksong tingin pa ito sa akin.Naghahalo ang emosyon sa puso ko k
Gusto kong sumimangot habang nakikita ang dami ng taong invited sa party ni Raven. Iniisip ko pa lang na kailangan kong makisalamuha sa kanila mamaya, napapagod na ako.Sa garden ng mansion niya ginanap ang birthday niya ngayon.Mahilig ako sa mga ganitong party noon at nakikipag-socialize ako, pero ewan ko ba, sa paglipas ng panahon, ayoko na talagang makipag-socialize—lalo na noong ma-bankrupt ang pamilya namin at nakita ko kung gaano kaplastik ang mga taong nasa paligid ko.May dumaan na naman sa harap ko at nginitian ako kaya napilitan na rin akong ngumiti.Nakatayo lang ako rito sa cocktail table habang hinihintay magsimula ang party. Si Raven naman ay nasa loob pa at inaayusan. Wala rin naman akong maitutulong kaya naisipan ko na dito na lang maghintay. At saka baka mamaya andon pa ang parents niya—nahihiya pa ako.“Drink, Miss?” alok ng waiter na may bitbit na wine.“Thank you,” sabi ko at tinanggap ang isang baso ng wine na binigay niya.Walang pagdadalawang-isip ko iyong agad
“Daddy,” sigaw ni Koa, at mula sa kusina ay nakita ko ang nakangiting mukha nito habang tumatakbo papunta sa pintong kakabukas lang.Sinalubong siya ni Raven na may malapad na ngiti sa labi. Dala rin nito ang soccer ball na ilang araw nang pinapabili ni Koa rito.“I have your soccer ball, little boy,” nakangiting sabi niya kay Koa at iniabot dito ang bola.Masayang pinagmasdan iyon ni Koa at nakangiting niyakap si Raven.“Daddy!” masayang sigaw naman ni Liana na kakalabas lang ng kwarto. Agad itong dumiretso kay Raven.May inabot naman si Raven mula sa paper bag na bitbit niya. May inilabas siyang barbie doll.“I have something for you too, my little princess.”Katulad ni Koa, masaya rin iyong tinanggap ni Liana habang kumikinang ang mga mata.“Thank you, Daddy!” sabi niya at hinalikan ito sa pisngi.Tumakbo na ang dalawa sa sala para maglaro, at naiwan kami ni Raven na nakatayo