Taming The Mafia Queen

Taming The Mafia Queen

last updateLast Updated : 2023-02-18
By:   bitchymee06  Completed
Language: Filipino
goodnovel12goodnovel
10
1 rating. 1 review
33Chapters
2.7Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Kasing iksi ng perdible ang pasensya ni Zhynn Yura Perez, isang reyna ng pangkat ng Mafia. Away rito, gulo roon, isang tipikal na eksena sa tuwing nauubos ang pasensya niya. Ngunit sino nga bang mag-aakala na sa pagbabalik ng dati niyang minahal na pilit siyang kinalimutan ay muli siyang marerendahan? Zhion Takeo Chen, ang nang-iwan, lumimot at basta nalang nawala na parang bula. And now, he's back and taming the Mafia Queen.

View More

Latest chapter

Free Preview

CHAP 1

"It's time for you to go back in the Philippines, Takeo," bungad na saad ni Dad pagkapasok ko ng opisina n'ya.Inayos ko ang suot kong salamin at saka siya tiningnan ng walang emosyon. "Why?" Nagtataka man ay hindi ko 'yon ipinakita sa aking mukha.Umayos siya ng upo at sinalubong ang mga titig ko. "Your Mom needs you there," malumanay na sabi niya habang may malungkot na awra. Nakuha agad nito ang atensyon ko. Tiningnan ko siya nang may pagtataka."Hindi maganda ang kalusugan ng Mom mo ngayon, kaya kakailanganin niya ng makakatulong sa Pilipinas. You know like business, home at iba pa," paliwanag niya."Where's Zakhira?" I asked.Napahinga siya nang malalim bago sumagot. "Hindi natin p'wedeng iasa lahat sa kapatid mo, Takeo. Hindi niya kayang gampanan lahat ng tungkulin at obligasyon para sa Mom mo. Hindi ba't maganda kung magtutulungan kayo?" pagkumbinsi niya sa akin.Hindi ako nakasagot sa mga sinabi niya.He's right, hindi pwedeng iasa ko sa nakababatang kapatid ko ang lahat lalo...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Che Che
parang interesting to Umpisahan ko na hehe
2023-04-28 05:34:09
0
33 Chapters
CHAP 1
"It's time for you to go back in the Philippines, Takeo," bungad na saad ni Dad pagkapasok ko ng opisina n'ya.Inayos ko ang suot kong salamin at saka siya tiningnan ng walang emosyon. "Why?" Nagtataka man ay hindi ko 'yon ipinakita sa aking mukha.Umayos siya ng upo at sinalubong ang mga titig ko. "Your Mom needs you there," malumanay na sabi niya habang may malungkot na awra. Nakuha agad nito ang atensyon ko. Tiningnan ko siya nang may pagtataka."Hindi maganda ang kalusugan ng Mom mo ngayon, kaya kakailanganin niya ng makakatulong sa Pilipinas. You know like business, home at iba pa," paliwanag niya."Where's Zakhira?" I asked.Napahinga siya nang malalim bago sumagot. "Hindi natin p'wedeng iasa lahat sa kapatid mo, Takeo. Hindi niya kayang gampanan lahat ng tungkulin at obligasyon para sa Mom mo. Hindi ba't maganda kung magtutulungan kayo?" pagkumbinsi niya sa akin.Hindi ako nakasagot sa mga sinabi niya.He's right, hindi pwedeng iasa ko sa nakababatang kapatid ko ang lahat lalo
last updateLast Updated : 2023-02-05
Read more
CHAP 2
Yura's POV:"What was that?!" sigaw sakin ng kapatid kong si Hirro pagkatapos niya kong kalikadin dito sa Peacock Headquarters. Tamad ko lang siyang tiningnan 'tsaka sumalampak sa sofa. Ipinikit ko ang aking mata at hinintay ang iba pa niyang sermon."Wala ka man lang bang balak sagutin ang tanong ko Zhynn Yura Perez?!" galit niyang tanong.Napabuntong hininga naman ako bago marahang iminulat ang aking mata. Sinalubong ko ang tingin niya."Ano bang kailangan kong ipaliwanag?" Tanong ko.Napamaang naman siya sa sinabi ko."Seriously tanong ba 'yan?! Kailangan ko ba talagang isa-isahin? Bakit wala ka sa unang klase mo? At ano yung gulo sa cafeteria?!" sunud-sunod niyang pagsigaw."Nalate ako ng gising kaninang umaga kaya hindi agad ako nakaattend ng klase ni Miss Bacay. Kung tatanungin mo ko kung bakit ako tinanghali well sisisihin mo yung mga paperworks na binigay ni dad sakin kagabi and yung tungkol naman sa caf, alam mong hindi mahaba ang pasensya ko," mahabang paliwanag ko.Pinili
last updateLast Updated : 2023-02-05
Read more
CHAP 3
Naging maayos naman ang mga sumunod na klase namin kahit nandun parin ang tensyon sa loob. Kung suswertihin ka nga naman kasama ko pa siya sa isang silid. Wow. Napakaswerte. Tss! *note the sarcasm* ."Class dismissed," anunsyo ng huli naming lecturer.Yes makakauwi narin.Nalugaw ang utak ko sa klase ni Miss."Gala tayo?" yaya ni Gavier.Nag umpisa nang mag ingay ang mga kaklase ko nang tuluyang makalabas ang huli naming guro."Ano brad? San tayo?" tanong niya sakin habang taas baba ang dalawa nitong kilay. Psh! parang kanina lang kung makapagdrama siya todo."Diretyo uwi na ako. Inaantay na ako ni Zakhira. Hindi ko kasi siya napuntahan kaninang lunch." sagot ko saka pinagpatuloy ang pag aayos ng aking gamit."Ang daya naman. Sige sige mauna na ako. Mag aarcade pa kami eh." pamamaalam niya saka dali daling umalis. Napailing nalang ako sa isip ko. Happy go lucky Gavier as usual. Wala paring nagbabago sa kanya."Can we talk?" nabigla ako ng nakita ko sa aking harapan si Xirenn. Seryos
last updateLast Updated : 2023-02-05
Read more
CHAP 4
"Oh kuya bakit ngayon ka lang?" salubong ng kapatid ko nang makapasok ako ng bahay.Tipid nalang akong ngumiti sa kanya. Pakiramdam ko ay wala akong lakas para magpaliwanag o umimik man lang."Are..you okay?" medyo alanganin niyang tanong na may pag-aalala.Tumango naman ako. "Pagod lang ako." yun nalang ang nasabi ko at sumenyas na aakyat na ko sa aking silid. "Sige kuya pahinga kana. Sabi ko naman kasi sayo bukas ka nalang pumasok. Kulit-kulit mo kasi." pangsesermon niya. Nginitian ko naman siya saka ginulo ang buhok niya bago ako tuluyang umalis. Ibinagsak ko ang aking sarili sa kama nang nakapasok ako sa aking kwarto. Tulala lang ako habang nakatingin sa kisame, inaalala ang mga nangyari buong araw. Kung kilala ko siya bakit ko siya piniling kalimutan?Paano ko siya nakalimutan?"Aarghh! Bakit ba kasi hindi ako lumingon." pagkausap ko sa sarili ko.Aishiteru Love..Yung boses niya, halos kapareho ng nasa ala-ala ko pero bakit ganun? Sigurado ako na si Xirenn ang babae sa mga
last updateLast Updated : 2023-02-05
Read more
CHAP 5
Yura's POV:"As usual, dito parin kita matatagpuan." pukaw pansin sa akin ng parating.Kilala ko ang boses at presensya niya kaya hindi ko na kailangan pang lingunin para malaman.Nandito ako ngayon sa rooftop ng college building.Standing behind the railings while puffing a cigarette. Tiningnan niya ang kabuuan ko bago naglakad sa aking tabi."Are you okay?" alanganin niyang tanong habang diretyo ang tingin sa kawalan na siya ring tinitingnan ko.Humithit muna ako sa sigarilyong hawak ko bago marahang bumuga."Tingin mo bakit nangyayari lahat ng ito?" walang emosyon kong tanong bago siya tinapunan ng tingin.Nagtataka naman siyang tumitig sa akin.Muli kong itinuon sa unahan ang aking atensyon."Bakit kailangang magsama-sama kaming muli? Bakit pagkatapos ng ilang taon makikita ko siyang muli?" mahaba kong sabi tsaka ngumiti ng peke sa kawalan."Dahil siguro hindi natapos ang anumang sinimulan ninyo? " he answered.Peke akong napatawa bago siya tiningnan."Matagal ng tapos Lanz. Mata
last updateLast Updated : 2023-02-05
Read more
CHAP 6
"Sabay na tayo dude." anyaya ni Gavier sa akin. Tinanguan ko nalang siya bago nagpati-unang lumakad."Teka! Nagmamadali ka ba?" takang tanong sa akin ng kaibigan ko.Iritable ko naman siyang nilingon."Pinagsasabi mo?" kunot-nuo kong sabi habang patuloy parin sa paglakad."Daig mo pa may hinahabol eh. Ssshk! Dude wag mong sabihin na si Xirenn ang hinahabol mo?" galaw niya sakin.Tumigil ako sa paglalakad tsaka siya sinapak."Aray! Ikaw ha napunta ka lang sa Japan naging brutal kana!" nakangusong sambit niya sabay haplos sa ulo niya.Napailing nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Ewan ko ba pero bigla akong kinabahan.Bumagal ang aking paglalakad nang matanaw ko sa aming unahan ang magshota, mga dalawang metro ang layo."Naks! Iba pala. Mas gusto mo na pala ng mga tigre dude ha." panggagalaw sa akin ni Gavier habang ngunguso-nguso sa unahan."Pag ikaw hindi tumigil babanatan na kita dyan tamo" banta ko sabay aro ng suntok. Agad niya namang itinaas ang dalawa niyang kamay tsaka nging
last updateLast Updated : 2023-02-18
Read more
CHAP 7
Yura's POV:Magaling Xirenn, napakagaling mong magplano.Ani ko sa isip ko pagkatapos kong patumbahin lahat ng pumupunta sa harapan ko.Sa sobrang galing mo parang gustung-gusto na kitang kitilin. Tsk!"Umalis na kayo. Pumunta sa HQ kung sino mang may sugat sa inyo para magamot." sambit ko habang hindi sila tinitingnan.Dahan-dahan kong nilingon ang lalaking ibinato ko hindi kalayuan sa likod ko. Kita ko ang gulat sa kanyang mukha habang nakatingin sa aming lahat.Kung bakit kasi hindi ka pa umalis. Ano bang naisipan mo at sumugud-sugod ka pa palapit sa akin?Mabagal ang aking paglalakad palapit sa kanya. Kumalma ang kanyang mukha nang nakita ang kabuuan ko.Tama ba ang nakikita ko? Nag-aalala ka sa akin?Tsk! Sino bang niloloko ko? Haha! Dahil dito sa gawain kong ito kaya niya ako iniwan.Mapait akong ngumiti sa isip ko.Napakahenyo mo talaga Xirenn, ang bilis mong bakuran ang pag-aaring inagaw mo lang naman. Ipinakita mo na agad sa kanya ang ilang parte ng mundo ko dahil alam mong i
last updateLast Updated : 2023-02-18
Read more
CHAP 8
Yura's POV:Maaga akong pumasok sa eskwela ngayon. Agad akong nagtungo sa HQ para doon magpalipas ng oras. Ganun nalang ang gulat ko nang madatnan ko sa labas ng HQ si Takeo. Nagtataka man ay pilit ko iyong itinago sa mukha ko."What are you doing here?" walang emosyon kong tanong habang nasa harapan niya."Are you my girlfriend?" balik niyang tanong. Seryoso siyang nakatingin sa akin na para bang hinahalukay ang katauhan ko.Peke akong tumawa bago ipinakita sa kanya ang iritasyon ko."Bali-balita dito na si Xirenn ang girlfriend mo o ex , the hell I care. Then ngayon nandito ka sa harapan ko asking me if I am your girl?" inis na sabi ko bago siya nilampasan.Nagulat ako sa mabilis niyang pagkilos. Hindi ko namalayan na nahablot niya na ako. Kaya naman ngayon ay sobrang lapit na namin sa isat-isa habang titig na titig siya sa mukha ko."W-What the fvck are you doing?" utal kong sabi habang iniwasan ang mga titig niya."Love huh?" untag niya na siyang nagpakaba ng husto sa akin at naka
last updateLast Updated : 2023-02-18
Read more
CHAP 9
Yura's POV:"Mukhang may naging tupa ngayon ah?" ani nang dumating."Shut up Kuya." agad kong pigil sa pang-aasar niya habang humihipak sa sigarilyo kong hawak.Nandito ako ngayon sa rooftop ng building namin. Ramdam ko ang paglalakad niya papunta sa gilid ko. Ginaya niya ang posisyon kong nakatayo habang nakatuon sa railings ang mga siko bago niya tinanaw ng paligid."Ilang taon narin nang itayo ito ng mga magulang natin. Hindi ko akalain na maiipagpatuloy ko ito." wika niya habang inililibot ang paningin sa buong eskwelahan."Because you are the best. Wala kang hindi kayang gawin." I proudly said saka siya tinapunan ng tingin.Tumingin din naman siya sa akin at ngumiti bago muling itinuon ang atensyon sa kawalan."Meron parin akong hindi kayang gawin." malungkot niyang sabi na ikinakuha ng atensyon ko."Hindi ko kayang ialis sa organisasyon ang kapatid ko." pagpapatuloy niya.Natigilan naman ako saglit bago tumingin din sa kawalan. Humipak akong muli sa sigarilyo bago iyon itinapon
last updateLast Updated : 2023-02-18
Read more
CHAP 10
"Argh! Nababaliw na ba siya?" sambit ko nang tuluyan na siyang nakaalis.Nasapo ko nalang ang mukha ko at napahilot sa sintido habang nakapikit."Get out" mahinang usal ko habang nanatili sa aking pwesto.Naramdaman ko ang unti-unti niyang paglabas mula sa pagkakatago sa gilid ng pader kahit hindi ko ito tingnan. Pumunta siya sa harapan ko at tahimik akong pinanunuod.Napabuga ako ng hininga bago iniangat ang aking paningin sa kanya. Seryoso siyang nakatingin sa akin bagamat may itinatagong ngiti sa mukha.Isa parin tong kupal na ito -_-"So what's your decision? Will you let him?" he asked and sit beside me.Nanahimik naman ako at napasandal sa sofa. Ang aking paningin ay nasa itaas ng kisame.Napapikit ako nang maalala ko na naman ang sinabi ni Takeo na liligawan niya ako."Why don't you try?" tanong sakin ng katabi ko."Lanz, you fvcking know the reason why I should not." agad kong sagot bago ako nagmulat at tumingin sa kanya.Malamlam ang tingin niya sa akin bago hinaplos ang mukh
last updateLast Updated : 2023-02-18
Read more
DMCA.com Protection Status