Savannah C. is the adopted daughter of Mr. Fernando Solidad. Savannah grew up in a loving family, even though she was just adopted. She became the payment for her father's debt, along with her stepsister Sabrina, with this monstrous man, Hendrix Mikael Del Fierro, the heir of the Del Fierro empire. Little did she know this would be the beginning of her miserable life. What would happen if she fell in love with this man? But he can't reciprocate her love, because he was obsessed with her stepsister? Can she continue to push herself in this man's life? Or she will let them find their happy ending?
View MoreUnang araw ko pa lang sa trabaho pero tambak na ang mga trabaho ko. Lalo na ang pagsasalansan ng mga reports simula pa noong panahon ng kastila. Ako rin ang umayos sa mga maling report ng kumpanya at ang daming kapalpakan ng dating sekretarya niya ang nilinis ko. Hindi pa ri mawala ang inis ko sa tuwing naalala ang nangyari kanina, hindi na rin ako inistorbo ni Hendrix marahil ramdam din niya na ayaw ko siyang makita o makausap. Nag-unat pa ako ng likuran dahil sa maghapong nakaupo at tutok sa screen ng personal computer na nasa harapan ko. Ramdam ko na rin ang pag-iingay ng tiyan ko kaya naman sinipat ko ang orasan sa mesa. Nakita kong alas-dos na pala ng hapon. Mas lalo lamang sumama ang loob ko ng maalalang hindi man lang ako naisip ni Hendrix na dalhan ng makakakain. Nagkusa na akong tumayo atsaka naglakad palabas ang opisina ng makasalubong ko si Gabe. May dala itong tatlong paper bag at isang inumin na galing sa berdeng coffee shop. “Oh, mabuti naman at lumabas kana ng opisi
Tulad nga ng sinabi ni Gabe ay paglabas nito sa silod niya ay gwapong-gwapo ito sa suot niyang simpleng itim na hoodie jacket at jeans. Naka-cap din ito kaya masasabi kong mukha siya kpop artist dahil sa ayos niya ngayon. Pagbaba niya sa hagdan sa harapan ko ito tumigil at sinipat ang buong kabuo-an ko. Napa-arko ang magkabilang kilay ko ng samaan niya ako ng tingin—este ang suot kong damit. Simpleng oversized shirt at short shorts na sinamahan ko ng sneaker na shoes ang suot ko. Tulad niya may sumbrero din ako sa ulo at may dala akong bagpack sa likuran ko kung nasaan ang pagkain na iniluto ko at may makain ako doon.“Ang sabi ko magbihis ka hindi ko sinabing magsuot ka ng pambata!” hasik niya sa akin. Napalabi ako dahil mukha bang pambata ang suot ko? Sa nakikita ko ay ayos naman ito saka sa opisina lang naman niya eh. “Ito lang ang maayos kong damit isa pa hindi naman ako pupunta sa party para pagandahin ang suot ko hindi ba?” katwiran ko sa kaniya. “Fine! Tara na nga at naghihi
Nagising ako na mag-isa na lang ako sa kwarto. Wala na rin si Hendrix sa tabi ko marahil ay umalis na siya kaninang madaling araw pa dahil ng sipatin ko ang malaking orasan sa harap ko ay ala-sais palang ng umaga. Ngayon lang ako ulit nakatulog ng mahimbing, nakakahiya man aminin pero kumportable ako sa bawat yakap at haplos niya sa akin. Nakakatamad man pero pinilit kong bumangon dala na rin ng kailangan kong magluto ng sarili kong almusal. Paglabas ko palang ng pinto ng silid ko bumungad sa akin ang iilang lalaki na naglilinis sa silid ni Gabe. Mga basag na salamin ang mga iyon dahil siguro sa pagbaril ni Hendrix kagabi. Lalagpasan kona sana sila ng masulyapan ko si Gabe na may pasa sa isang mata niya. Gusto kong matawa sa itsura niya dahil mukha siyang pusa na inalila ng lubos. Hindi rin siya nakasuot ng uniporme nito dahil simpleng hoodie jacket at maong na short ang suot. Bumagay talaga sa kaniya dahil mukha siyang korean. Idagdag pa ang kulay ng buhok niya at kulay ng mata. Nag
"Fuck! Fuck! Savannah anong gagawin natin ngayon? Kapag binuksan natin 'yang pintuan na 'yan patay na tayo!" sigaw niya sa akin na kamuntikan na akong mabingi dahil sa lakas ng boses niya. Miski ako ay hindi ko na rin alam ang gagawin ko dahil sa pagpa-panic niya. Paano nga ba? hindi ko rin alam na magiging ganito ang reaksyon ng demonyo na 'yon. Bubuksan ko ba ang pinto? Tatalon ba ako sa bintana—Pinaikot ko ang paningin ko at isa lang ang nakikita ko puro pader! Lintek! Walang bintana dito paano ako dadaan sa bintana?"Open this goddamn door now!" dinig naming sigaw ulit ni Hendrix mula sa labas. “Bakit kasi hindi ka nag-iingat? Alam mo naman na terotoryal ang isang iyon kapag pagmamay-ari niya!” Nasabunutan pa niya ang buhok niya at lumapit sa pinto. Mabuti na lang talaga at ni-locked niya ang pinto dahil kung hindi ay naku. “Bakit kaba kasi natatakot? Ginagamot mo lang naman ang sugat ko.” hasik ko. “Ayun nga eh, sa dumi ng utak n'on—”“Magbibilang ako ng tatlo kapag hindi
Pagkatapos ng dinner naming lahat nagpaalam na si Gabe na magpapahinga dahil ilang araw na raw siyang gising. Hindi ko naman inalam ang wherebouts ni Hendrix basta na lang akong umalis at iniwan siya sa dining table. Kahit ayoko manatili rito ay mukhang wala na akong magagawa dahil ngaon lamang ay nagtext sa akin ng banko at ang sabi ay sinara na nila ang bank account ko. Ang huling pera na meron ako ay ang natitirang sampung libo ko sa wallet na naisantabi ko noon. Hindi ako mabubuhay sa sampung libo sa hirap ng paghahanap ng trabaho ngayon baka isang araw lang tatagal ang perang iyon. Miski ang condo ko ay hindi na pala sa akin dahil naisangla na ito ni papa. Wala na pala talaga akong uuwian. Dahil sa pagod na nararamdman umakyat na ako sa itaas kung saan ang silid ko pero hindi pa ako nakakalapit ng maramdaman ko ang kamay na humawak sa braso ko. Ng tignan ko ito bumungad sa akin si Sabrina na may matatalim na tingin. "Pwede bang bitawan mo ako?" malamig kong usal sa kaniya. Hin
Totoo nga ang sinasabi ni Gabe dahil pagpatak ng 7:00 PM ay kinatok ako ng housemaid at pinababa na ako dahil mag-uumpisa na raw ang hapunan. Nakampantulog na rin ako, suot ko ang isang loose shirt at panjama pero ang babaeg nasa harapan ko ngayon ay nakasuot ng see through lingerie. Himala ata at hindi siya pinagbawalan ng isa diyan. Isa-isa ng nilapag sa harapan ko ang pagkain ko, gusto ko mapairap dahil ang nilapag lang naman sa akin ay salad. “Puro damo ang nakikita ko sa plato ko, pagkain ba ‘to?” reklamo ko sa isip ko pero mukha nabigkas ko ng malakas dahil tinignan nila akong lahat.Hindi lang naman ako ang hinapagan ng ganito halos kaming lahat ngunit parang hindi na bago kay Gabe ang ganitong pagkain. Tahimik lang siyang kumakain at sa bawat nguya niya ay ang malutong na tunog ng damo. Napapangiwi ako dahil kahit hindi ko pa ito natitikman ay nalalasahan ko na ang pakla ng gulay. Don’t hate me, kung picky ako sa pagkain hindi lang talaga ako fan ng gulay especially vegetable
Tahimik kaming lahat na nakauwi sa Del Fierro Empire. Sa pagkakarinig ko ay dito niya kami gustong tumira ni Sabrina. Pagpasok palang namin sa front gate sumalubong na sa amin ang sangkatutak na katulong at butler. Gusto kong humanga dahil para akong na sa isang royal family. Nakalinya silang lahat na patuwid at bahagyang nakayuko. “Baba.” utos sa akin ni Hendrix.Masamang tingin lang ang ipinukol ko sa kanya dahil nawala ata sa isipan niyang nakaposas kaming dalawa. Inirapan niya ako bago kinuha ang susi sa loob ng bulsa niya at inalis ang pagkakaposas namin. Padabog akong bumaba ng sasakyan niya at naramdaman ko naman ang pagpusisyon niya sa likuran ko. “Walk slowly,” bulong niya sa akin. Umusok ang ilong ko dahil sa iritasiyon na nararamdaman dahil anong akala niya sa akin baldado?“I know it's still painful, that's why you need to walk slowly.” dagdag pa niya. “Ano bang pinagsasabi mo?” iritable kong pagtatanong sa kaniya. “The thing I've destroyed last night,”Namula ako dahi
Tatlong oras ang tinagal ko sa byahe pauwing probinsya. Sa mga oras na ito ang gusto ko lang ay ang makauwi, kumuha ng gamit at magpakalayo-layo. Dumiretso ako sa dating mansion kung saan ako tumira bago ako kumuha ng sarili kong condo. Pero naiwan ko ang iilang gamit ko rito sa mansion lalo na ang pasaporte ko at iilang mga dokumento. Wala pa ring pinagbago ito kahit isang buwan din ang lumipas ng kunin kami ng demonyong ‘yon. Naglakad na ako papasok sa nakabukas na gate hanggang sa dahan-dahan na akong tumungo sa loob ng mansion. Unang bukas palang ng pintuan dito sa living room, bumulaga na agad sa akin ang kinilala kong ama na may katalik na dalagang bahagya lang ang tanda sa akin. Nagulat pa sila ng makita ako at mabilis na nanakbo ang babae paalis. Gusto kong matawa dahil tila walang pakialam ito kong kumusta na ang mga anak niya sa lalaking iyon. Hindi ko sila pinansin at nagtuloy-tuloy ako paakyat sa ikalawang palapag. “Bakit ka narito? Nasaan ang kapatid mo?” tanong niya sa
Naalimpungatan ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Hindi lamang iyon dahil nilalamig din ako dala ng parang wala akong suot na pang-itaas. Awtomatikong bumuklat ang mga mata ko at ang unang bumungad sa akin ay ang malaking paiting ng batang babae na may puting birth mark crown sa likuran. Nawindang ako sa angking ganda ng batang ito. Pina-ikot ko pa ang paningin ko sa paligid at napansin ko na wala ako sa bahay. Napahawak ako sa sintido ko dahil bigla itong kumirot kaya napapikit akong muli dala ng kirot at pagkahilo. Narinig ko rin ang pagbukas ng pinto at ng tignan ko ito ay bumungad sa akin ang isang katulong na babae. May suot itong uniporme at may naka-imbrade dito na ‘Del Fierro Empire’.“Mabuti at gising ka na, Senorita,” magalang nitong sambit at bahagyang yumuko sa akin upang magbigay galang.Teka, na saan ba ako? Sa design palang ng paligid at sa katulong na ito ay para akong nasa isang palasyo.“Mawalang galang na po, nasaan po ako? Anong klaseng lugar ito?
Savannah’s Point of viewMaaga akong nagtungo sa maliit kong coffee shop dahil nalagasan ako ng trabahador dahil na rin sa kinakaharap na krisis ng negosyo ko. Masakit man sa loob pero wala akong magawa dahil na rin sa hindi na sapat ang napapasahod ko sa kanila. “Sav, dalawang iced americano,” sigaw ni Loila mula sa may counter. Si Loila ang tanging hindi umalis kahit na anumang oras ay maaari nang magsara ang shop ko. Masaya ako dahil nagkaroon ako ng kaibigan na tulad niya. Ginawa ko ang sinabi niya, nagtimpla ako ng isang iced americano. Sa maghapong ito, isa pa lang ang naging customer namin. Muli na namang dumagsa ang lungkot sa puso ko dahil matapos ang tatlong taon ay baka ngang magsara na ako. “Heto na ‘yung iced americano, Loila.” sambit ko at inabot sa kanya ang iced americano.Malugod na naman niya itong tinanggap at ibinigay ito sa customer namin. Pinanood namin ni Loila ang huling customer namin ngayon araw.“Magsasara na ba talaga tayo?” malungkot na tanong sa akin ...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments